Chereads / Saki's One Shot Stories / Chapter 33 - Chapter 33: My Best Fancy

Chapter 33 - Chapter 33: My Best Fancy

MY best fancy in life is to imagine how happy I am.....

When it comes to my friends—very close friends including the best of friends I always pretend that I am happy even if I'm not. Bakit nga ba? Ewan, hindi ko din maintindihan ang sarili ko eh

Iniimagine ko na lang na masaya ako kahit hindi naman, inaaliw ko ang sarili ko kahit hindi ko naman gusto. Napapansin na nga ng mga kaklase ko kung ano daw ang problema ko

At alam niyo kung anong parati kung isasagot? Syempre sasabihan ko sila ng wala, wala akong problema h'wag niyo na lang akong intindihin kahit na sabihin ko pa sa kanila kung anong tunay kong nararamdaman ay hindi pa din nila ako maiintindihan.....

Nandito ako ngayon sa balkonahe namin, nakaupo. Abala sa pagbibilang ng mga sasakyang dumadaan sa gitna ng kalsada at inaabangan ang malamig na hangin na tatama sa aking mukha

Kinuha ko ang cellphone kong luma pa sa makaluma. Ini on ang data at nagsimulang magscroll up and down sa Facebook, napapailing na lang akong binabasa ang mga post na nagtetrending ngayon palaging ito na lang ang dumadaan sa aking news feed

"People nowadays," Hindi ko maiwasang mapakomento ng mabasa ko ang buong detalye na nagpayanig sa kainosentehan ng mga tao ngayon

Ba't ba sila nambubully? Masaya bang nakakakita sila ng mga taong umiiyak at halos hindi na pumasok sa paaralan dahil sa mabigat na problemang pinapasan? Mabuti na lang talaga at hindi ako nakaranas ng ganoon

Nagtipa ako ng isang statement na alam kung makakakuha ng atensiyon ng lahat

Wake up at the end, you've been sleeping your whole life;

If I'm serious about those sort of things, I don't use emojis such as haha one. Kasi hindi naman 'yun nakakatulong eh—imbes na makapagparealized ka ng isang netizen they'll find it funny na lang

And my recent post actually lasts three minutes in my news feed, someone hit my notification bell. Tiningnan ko naman ito at nakita kung may nag haha sa pinost ko

Hindi maiwasan ng aking kilay na umarko pataas

May nakakatawa ba sa post ko? Wala naman 'di ba? Maybe she's just misunderstood it—I just post that kind of statement for a cause....

Sa halip na imention ay hinayaan ko na lang ito. Hindi naman ako ganoon ka babaw at ka immature para awayin ang netizen na 'yun, bahala siya kung magreact siya ng kung ano at least walang masama sa pinost ko

"Edzel kakain na daw—" Tawag sa'kin ni Kuya Josh

"Oh, susunod ako." Sagot ko naman at ibinalik ang atensiyon sa aking cellphone

"Kumustang pag-aaral niyo?" Tanong sa'min ni Mama sa kalagitnaan ng aming hapunan

"Okay naman po Ma." Sabay naming sagot ni Kuya Josh

"Mabuti kung gano'n—" Sagot naman ni Mama na napatango tango pa

Here's that cricket sound again

Tumikhim muna ako bago nagsalita

"Ahm, Ma. May project po kami ni Kuya at kailangan namin ng pera para pambili ng mga materyales," Mahinahong usal ko at uminom ng tubig

"Hindi ba kakabigay ko lang ng pera sa inyo no'ng nakaraang araw? Nasaan na pala 'yun?" Balik tanong naman ni Mama sa'min ni Kuya

Umayos naman ng upo si Kuya Josh at sinagot ang tanong ni Mama

"Ma, baon naman po namin 'yun. Hindi po sapat ang bente pesos para sa isang proyekto na aabot ang halaga sa isang daan," Sagot naman ni Kuya

"Ang sabihin niyo ginastos niyo lang 'yun sa mga walang kwentang bagay, ikaw Edzel" Turo naman sa'kin ng aking nakakatandang kapatid gamit ang kutsara na kasalukuyang hawak hawak niya

"Alam kung bumili ka na naman ng bagong laruan na kung ano mang tawag diyan sa mga pacube cube niyo, kung ako sa inyo huminto na lang kayo sa pag-aaral wala naman kayong makukuha diyan eh. At saka hindi kayo yayaman sa pesteng pag-aaral na 'yan." Bulalas ni Kuya

"Pero Kuya—"

"Kapag sinabi kong wala, wala. Naiintindihan niyo? Kahit tanungin niyo pa ang Ate niyo o kaya si Mama" Putol na naman nito

Hindi na lamang kami sumagot ni Kuya Josh sa sinabi ng isa pa naming kapatid. Para saan pa at hindi naman nakakatulong ang mga pinagsasabi niya

Imbes na tulungan at icheer kami dinodown pa kami ng mga sarili naming kapatid

"Tiwala lang Edzel, kaya natin 'to." Tapik sa'kin ni Kuya Josh ng mapansin siguro nitong malalim pa sa bangin ang aking iniisip

"Pass all your projects and assignments." Bungad sa amin ng aming guro pagkapasok na pagpasok niya sa aming silid

Nagkatinginan naman kami ni Kuya Josh at nagpalitan ng mga tanong

Ibinalik ko ang aking atensiyon sa aming guro na ngayon ay tinitingnan ang bawat gawa ng aming mga kakaklase

"Olayan square, nasaan na ang inyo?" Tawag nito sa'min

Tumayo naman si Kuya Josh at nilapitan ang guro namin

Siguro ay pinaliwanag ni Kuya kung bakit kami lang ang walang gawa

"Oy Edzel, bakit walang sa inyo?" Usisa ng katabi kong babae

"Walang pera pambili, kaya 'yun wala." Kibit balikat ko namang sagot at umiwas ng tingin

Sa totoo lang ay naiiyak na ako. Pinipigilan ko lang—

"Okay lang 'yan Edzel." Ungot naman ng isa ko pang katabi at hinagod hagod ang aking likuran

Mabuti pa siya nakakaintindi, pero ang mismong mga kaibigan ko? Ewan ko na lang kung may paki-alam pa ang mga 'yun sa'kin.

"Himala hindi ka yata sumama sa kanila," Pagka-usap na naman ng katabi ko

Hindi ako sumagot sa sinabi niya sa halip ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana

"Hoy," Kalabit nito sa'kin pero hindi ko siya pinansin

Para saan na naman kung bibigyan ko ito ng atensiyon, alam ko namang hindi din niya ako maiintindihan—

"Alam mo Edzel ang OA mo, ang dali mo namang magtampo. Okay lang 'yan ganyan naman talaga tayong lahat eh." Sabi na naman nito

Doon ako napalingon sa kanya akala ko ay umalis na siya

"Naiintindihan mo ako?" Paninigurado ko at kinunotan siya ng noo

"Hindi, hindi kita naiintindihan—" Sagot naman nito at nginitian ako ng nakakaloko

"Sira ka din eh 'no? Bakit ang hilig mong mangsarkasmo sa isang tao ha?" Tanong ko naman sa kanya malay natin may side din pala ang isang 'to

She shrugged her shoulders

"Trip ko lang, ganyan naman talaga ang ginagamit ko sa mga taong matitigas pa sa bato. Kagaya mo ang hirap paamuhin" Opinyon nito

Napa-isip naman ako

Ganoon ba talaga ako ka hard to get? Hindi ko din kasi namalayan na umabot na pala ako sa ganoong stage, shit nagmukha na tuloy akong babae sa sitwasyon kong 'to

"Sorry ah, hindi ko kasi nakikita ang sarili ko eh. Pagod na ako—" Sagot ko naman sa opinyon niya

Totoo naman eh, pagod na pagod na ako sa paulit-ulit kong nararanasan sa mundong 'to. Tao lang naman ako at hindi ako manhid para hindi malaman ang mga nangyayari sa aking paligid

"Pagod ka ng ano? Pagod ng makita ang mundo? H'wag kang gano'n—" Sagot na naman nito

Yes, she's right about that. I'm freaking tired seeing this kind of world—too many toxic peoples

At hindi ako basta basta nagtitiwala sa isang tao, alam niyo ba 'yung ang galing lang na makipaghalubilo sa harap na parang binibilog na ang ulo mo mapaikot o mauto ka lang tapos kapag nakatalikod ibaback stab ka na? Iyan ang pangunahing rason kung bakit ayaw kong magtiwala sa kahit na sino

Another days have been passed naging okay naman ang takbo ng buhay ko. Although unti-unti ko na ding natutunan na hindi lang sa isang  imahinasyon ay magiging masaya ka na, no it's not like that. My point is you, probably yourself try to accept who you are and try to understand what you really feel.

H'wag kang basta basta na lang susuko may panahon pa na darating para sa'yo—

In a world full of trends, I wish to remain a classic

Post ko sa isang caption na may kasamang feeling confident. Masaya ako sa araw na ito dahil kung hindi sa kanya hindi ko makikilala kung sino talaga ako, oh 'di ba? I just levelled up! Isa na itong achievement para sa'kin.

Chise Alandy reacted Love to your post

Napangiti ako ng makita kong ang unang nagreact sa post ko ay ang babaeng nagpamotivate sa'kin at tumulong sa'kin

Thanks to her, now I know what life means to me—

Nasaan na ang dating ikaw? Comment nito sa post ko

I don't know, bigla na lang nawala eh Reply ko naman at sinamahan pa ng emoticon

Chise Alandy mentioned you in her comment

Ay talaga? Masaya ako para sa'yo—charr Sagot naman nito

I laughed out loud when I clearly read the mediocre word. Did she just used the word charr

Hindi sa minamasama ko itong sasabihin ko ah pero People saying the word charr are the weak ones!

Edzel lang malakas! Reply ko at ibinalik ang cellphone sa bulsa

"Edzel! Kanina pa kita tinatawag ano ba!" Sigaw ni Mama sa'king likuran

Napaigtad naman ako sa lakas ng kanyang boses

"Sorry po Ma," Nakatungong sagot ko at nilapitan siya

Ngunit nabigla na lang ako ng hindi pa ako nakalapit ay bigla niya na lang piningot ang tenga ko

"Puro ka na lang cellphone, cellphone. Ano bang silbi mo dito ha! Kung wala kang ibang magawa naglalakwatsa ka! Pareho lang kayo ng Kuya Josh mo—mga walang silbi!" Sigaw ni Mama

"Ma, sorry—"

"Tumahimik ka! Punong-puno na ako sa inyo Edzel. Ano bang gusto niyo na ako pa ang magsibak ng kahoy, mag-igib ng tubig, magsaing tapos kayo nakaupo lang sa upuan tapos walang ginagawa hindi kayo señorito sa bahay na 'to." Singhal nito sa'kin

Grabe naman, porket hindi lang narinig manunumbat kaagad? Isa din 'to si Mama eh. Puro siya sumbat ng sumbat  palaging nambabato ng mga masasakit na salita. Tao din naman ako marunong masaktan at marunong ding makiramdam...

Hindi ko na lamang sinagot si Mama sa halip ay sinunod ko na lang ang utos niya na gusto niyang ipagawa sa'kin, kahit ganyan si Mama mahal na mahal ko siya kahit alam kong mali na ang pinaggagawa niya still hindi ko kayang itama ang mga pagkakamali niya. Hinahayaan ko na lang siya kung ano ang mga kinikilos niya

"Bro, baka sakaling makikopya ako sa assignment mo—" Kalabit ko sa kaklase kong ubod ng talino

Hindi naman sa bobo ako pero sadyang hindi ko lang talaga naintindihan 'yung topic namin sa Math. Sumasakit ang ulo ko sa isiping wala akong maipapasa ngayon—at ayokong magkaroon ng failing grade kahit ni isa man lang sa mga subjects

"Ayoko nga! Pinagpuyatan kong isolve ang mga 'to 'no! Tapos makikikopya ka lang? No way—" Tanggi nito

Hindi na lamang ako nangulit pa, ganyan naman talaga sila palagi eh. Kay lakas ng loob na lumapit sa'kin para maghingi ng tulong tapos kapag ako na ang nangangailangan babaliwalain na lang nila ako? Nasaan ang hustisya do'n mga brad? That's it. All of them have no indulgence...

"Wala kang assignment sa Math? Oh, ito  kopyahin mo na lang—" Pagmamagandang loob ni Chise

Mabuti pa siya kahit kakakilala lang  namin sobrang bait na sa'kin. Iyong tipong hindi takot na mauto ng kahit na sino? Kapag kasi nalaman ng isang tao na sobrang bait mo, gagamitin nila 'yun para hilahin ka pababa. Inaabuso ka nila dahil sa tingin nila ay hindi ka marunong lumaban dahil nga MABAIT ka at palaging isiniwalang bahala lang ang mga pangyayari

"Salamat," Tanging naisagot ko na lamang sa kabutihang ipinapakita sa akin ni Chise

Nilamon ako ng kahihiyan sa isiping siya pa talaga ang gumawa ng paraan para may maipapasa ako sa darating na oras para mamaya

Nasanay kasi ako na ako ang palaging nagbibigay at hindi sila, nanibago talaga ako ng sobra

"Ba't ang bait mo sa'kin?" Hindi ko mapigilang tanungin siya sa gitna ng aking pagsusulat

"Kasi classmate kita at katabi kita?" Patanong nitong sagot at pinapanood ang bawat kilos ko

May part sa'kin na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Chise ngayon ngayon lang. Para kasing may ipinapahiwatig ito na gusto niyang ako ang makatuklas kung ano man 'yun

"Parang hindi naman yata 'yun ang sadya mo sa'kin eh—" Sagot ko sa sinabi niya kanina

Okay, I don't want to assume. Pero pakiramdam ko ay may gusto talaga sa'kin si Chise Alandy

"Gusto mong malaman kung ano talaga ang rason kung bakit mabait ako sa'yo?" Umayos ito ng upo sa pagkakaupo sa kanyang tabinging upuan at patagilid na iniharap niya sa akin ang kanyang sarili

"Edzel, gusto kita—" Pag-amin nito sa'kin

Napatigil naman ako sa pagsusulat at tiningnan siya ng beripikado

Totoo ba talaga ang narinig ko o guni-guni ko lang 'yun

"A-anong sabi mo?"

"Ang sabi ko gusto kita...." Ulit na naman nito na parang wala lang sa kanya

Napakurap ako ng ilang beses at hindi magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Parang wala lang talaga kay Chise ang sinabi niya sa'kin kung ako 'yun paniguradong dinadasalan ko na ang aking sarili na sana ay lamunin na ako ng lupa ng buhay.

"Alam mo ba iyang sinasabi mo Chise?" Tanong ko ulit sa kanya, mabuti ng sigurado baka sa huli ay binibiro lang pala ako nito

Napairap naman si Chise at humagikhik

"Syempre, alam ko kung anong lumalabas sa bibig ko 'no! Ano ba ang pagkakaintindi mo? Gusto talaga kita at hindi iyon isang biro—" Nakangiting tugon nito sa'kin

So totoo nga? Kikiligin na ba ako?

"O-okay—" Sagot ko naman at ibinalik ang tingin sa notebook niya

Naramdaman ko naman na nag-iinit ang aking pisnge at isa lang ang ibig sabihin no'n—nagblush ang Lolo niyo

"Okay lang ang sagot mo? Ano, iyon na 'yun? Wala ka bang masasabi kahit ako din gusto kita" Sunod sunod na asik nito

May sinusupil na ngiti ko naman siyang tiningnan

"Ano naman ang gusto mong sabihin ko ha? Na crush kita ganoon? H'wag kang ano diyan Chise—" Honestly speaking pigil na pigil kung mapangiti sa harap niya at pinanatiling stoic ang aking mukha pero traydor talaga itong si face kasi inilabas niya ang pampamatay kung ngiti

"Anong ibig sabihin niyang ngiti mo? Aminin, gusto mo din ako 'no? Sige na icrush back mo na din ako para talo na tayo—" Siko nito sa'kin

Oo, crush kita—

Gusto ko ding sabihin sa kanya ang katagang 'yun pero nahihiya ako. And my sheepish attitude just protruded

"Ewan ko sa'yo Chise, gutom lang 'yan. Kumain ka kaya muna." Pag-iiba ko ng usapan

Valentine's Day at wala akong nagawa kundi pumasok sa paaralan na nakared, required daw kasi na kahit single ka you should wear red!

"Bebe! Nandito ka na pala!" Tili ni Chise ng makita niya akong papasok sa room

Naturang napaatras ako ng bigla bigla na lang siyang tumalon at niyakap ako ng sobrang higpit

"O-oy Chise—" I felt awkward at this. Iyong nakayakap siya sa'yo tapos ang daming nakatingin just like ano bang ginagawa mo!

Tinatapik tapik ko naman ang likuran niya senyales na gusto ko ng kumawala sa yakap niya, pero mukhang nasarapan yata sa may pagkachubby kong katawan itong si Chise dahil mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa'kin na parang ako ang nawawala niyang teddy bear at takot na makuha ng iba.

"I-I can't breathe," Nahihirapan kong usal

Doon lang siya bumitaw at nginitian ako ng napakalapad

"Happy Valentine's Day Bebe!" Sigaw nito at ibinuka ang mga bisig sabay talon

Bebe? Ano 'yun endearment?

"Yeah, happy valentine's day din sa'yo." Sagot ko naman at nilampasan siya

"Teyka lang Bebe," Hawak ni Chise sa laylayan ng aking red tee shirt

"Ano na naman!" Mahina kong pagkakasabi at pasikretong tiningnan ang apat na kasulok sulokan ng aming silid

May tinawag na babae si Chise, at ang babaeng 'yun ay may hawak na isang bouquet of red roses

"Akin na—" Sabi nito at kinuha ang bulaklak sabay bigay sa'kin

"For you, Bebe." Bigay ni Chise sa'kin ng rosas na pasimple niya pang niyakap

Pinandilatan ko naman siya ng mga mata at nagpalingon lingon sa bawat gilid

"Hoy Chise! Ano na naman ba 'tong pakulo mo ha!" Mahina pa sa mahina kong tinanong siya

"Hay naku Edzel! Ang bagal mo kasing kumilos—kaya ako ng trumabaho sa obligasyon mo." Sagot naman nito at kumuha ng iilang hibla ng kanyang buhok at nilalaro laro iyon

"Obligasyon? A-anong obligasyon ha?" Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya

"Like duh! Isn't it obvious? I'm courting the hell out of you." May diing pagkakasabi ni Chise

"Ni-nililigawan mo ako?" At tinuro ang aking sarili

Hindi ako makapaniwala sa isiping niligawan ako ni Chise Alandy

At sa lahat pa talaga ng kalahi ni Adan, ako pa talaga ang natipuhan niya. Hahay ang ganda mo Chise—sobra!

"Tumira ka ba ha?" Napapantistikuhang tanong ko

Tumaas naman ang isang kilay ni Chise at inilagay ang dalawang braso sa kanyang dibdib

"Hoy Edzel Mhar Olayan, hindi ako tumitira ng bawal na gamot—hindi ako nagyoyosi at higit sa lahat hindi ako umiinom. I'm still a minor for Pete's sake! Ayokong itali sa kahoy na puno ng langgam o 'di kaya'y isilid sa sako at ipahila sa motor—" Litanya nito

Seryoso ba talaga itong si Chise?

"Oy mga classmates! Akin na 'to si Edzel ah, walang ng aangkin dito—taken na 'to." Anunsiyo ni Chise

Dali-dali ko namang tinakpan ang kanyang bibig at nginitian ng kimi ang aking mga kaklase

"H'wag niyo na lang pansinin ang sinabi ni Alandy, nagbibiro lang siya." Kimi kong sagot at hinila si Chise palabas ng silid

Matapos ang ilang linggong pangliligaw ni Chise sa'kin ay pinatigil ko na siya sa kanyang ginagawa. Nahihiya na ako sa mga pinaggagawa niya, she surpassed me.

"Alam mo Chise napapagod na ako sa paulit-ulit na panliligaw mo sa'kin." Ungot ko na ikinahinto ni Chise sa pagkain

"Alangan namang hindi ka mapapagod ha? Sagutin mo na kasi ako—" Sagot naman nito at inilingan lang ako

"Stop courting me Chise, because I'm going to court you. Now" I said in an austere manner

"You've got to be kidding me. Totoo ba iyang sinasabi mo ha Edzel? Baka mas magaling pa ako mangligaw kesa sa'yo ah," Palatak nito at tinawanan ako

"Let's see—"

"Bebe, hintayin mo naman ako!" Sigaw ni Chise at patakbong humabol sa'kin sa paglalakad

"Ang tagal mo naman kasing maglakad para kang Lola." Kantyaw ko sa kanya

"Parang Lola, mahal na mahal mo naman?" Kantyaw din nito pabalik

Mahal na mahal talaga kita Chise, kaya sana hindi ka magsawang mahalin ako—hindi ko kakayaning pati ikaw mawala din sa'kin.

"Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sa'yo, iyang bibig mo parang puwet ng manok—" Palatak ko at ginulo ang buhok niya

"Ewan ko sa'yo Edzel."

Nakangising tugon naman nito at nauna pang naglakad sa'kin

At ayon na nga. Masaya ako na nakasama ko si Chise, actually siya talaga 'yung nagpagana sa akin. Iyong tipong mababaliw ako kapag nawala siya—I really love her that much.....

"Masaya ka ba na nakasama mo ako?" Ungot ni Chise na nakaunan ang ulo sa aking mga hita

"Oo, Sino namang hindi sasaya sa katulad mong parang clown" Wika ko naman

"Edzel seryoso ako—" Mahinang usal ni Chise at hinawakan ang aking mga kamay

"Chise—"

"I love you Edzel, and I'm afraid that I might lose you." Sabi nito na hindi pa din binibitawan ang aking mga kamay

"Woy, ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Puno ng pag-aalala kong saad

"Ang drama ko ba? Pasensiya na kung pinag-alala kita Edzel. Hindi ko lang kasi lubos maisip na tumagal tayo ng ilang buwan, stay strong lang tayo Bebe ko ha?" Malumanay na tugon ni Chise

Naguguluhan man ay umuuo na lang ako

Alam kong hindi ako iiwan ni Chise dahil mahal niya ako—she's my first and I'm freaking afraid if she broke my fragile heart

Sana tumagal pa kami

"Let's end this," Ani Chise na walang emosyon ang mukha

"W-what?" Parang nabingi ako sa sinabi ni Chise

"I said let's end this." May diin sa boses na pag-uulit niya

"Gusto mong makipaghiwalay sa'kin? Bakit Chise? Am I not enough?" May hinanakit sa aking boses na tinanong ko siya

"No Edzel, you've been mistaken. You're enough—but you're not worth it to love...."

Nagising ako sa panaginip na may namumuong pawis sa aking noo. Ano 'yun? Isa ba iyong senyales na iiwan na ako ni Chise

And speaking of her, she called me. Just now.

"H-hello?" Nauutal kong sagot at pinapakalma ang sarili

"Hello Bebe! Good morning—naisturbo ba kita?" Chise greeted using her shrill voice

"Hindi naman, it's just that—yeah." Napapikit na lang ako ng mariin ng mapansin kong may pag-aalinlangan sa aking boses at alam kong napansin kaagad 'yun ni Chise

"Bebe, may problema ka ba?" Bigla na lang naging malambing ang boses ni Chise

"Wala naman Bebe, naaalimpungutan lang siguro ako—" Sagot ko naman. I'm not good in making such alibi

"Talaga ba Bebe? Sorry pala kung tumawag ako—mukhang nabitin ka pa yata sa tulog mo. Miss na kasi kita eh, ang tagal dumating ng lunes 'no?" Malungkot na saad nito

Tinawanan ko naman siya para kahit papano ay gumaan ang loob niya

"Miss mo na kaagad ako Bebe? Parang kailan lang hindi tayo magkasama kahapon ah." Natatawang usal ko sa kanya

"Bebe! Kahapon naman 'yun eh. Ganoon ba talaga 'yun kapag palagi mong binabantayan ang oras? Ang tagal kasi eh—" Doon na ako tumawa ng sobrang lakas

May pagkaatat talaga itong si Chise. Ewan ko ba kung bakit bigla bigla niya na lang akong namimiss samantalang hindi ko naman siya pinainom ng kung anong pampaadik para hanap hanapin niya ako

"Malay mo Chise baka bukas lunes na."

"Ewan ko sa'yo Edzel," At binabaan ako ng telepono

Ilang araw pa ang nagdaan ay naging okay naman ang takbo ng relasyon namin ni Chise. At pinagdadasal ko na sana ay hindi mangyayari iyon

"Edzel, may sasabihin ako sa'yo." Agarang sabi ni Chise sa'kin

I know she's serious because she didn't call me Bebe

"Ano 'yun Bebe."

Bumuntong hininga naman si Chise at tiningnan ako mata sa mata

"Don't call me Bebe anymore." Seryosong seryoso na tugon nito na ikinataka ko

"H-ha? Bakit naman, 'di ba 'yun ang endearment natin? Why is that?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya

"I'm tired of this. Our relationship is not working, palagi na lang tayong ganito!" Reklamo nito

Hindi ko maiwasang titigan siya, baka umatake na naman siguro ang pagkabaliw nitong babaeng 'to

"Ginogood time mo lang ako eh, alam mo Chise kung nagdadrama ka lang 'di mo na ako maloloko diyan. Kabisado ko na lahat ng mga galawang artista mo—" Napapailing na tugon ko

"Urrgh! I'm fucking serious here, ayoko na maghiwalay na tayo. Napapagod na ako sa ganito; paikot ikot lang tayo Edzel. This cycle will never change!" Sigaw nito sa'kin

At ako namang si manhid ay pinalakpakan ko lang siya akala ko kasi umaarte lang siya sa harap ko

"Okay, I know you want to be an actress someday. Okay na—nasatisfied na ako."

Nakakuyom ang mga kamaong sinugod ako ni Chise

At isang malutong na sampal ang binigay niya sa'kin

"Ba't ba ang manhid manhid mo! You didn't get it, am I right?!" Sigaw na naman nito

Sa uri ng kanyang pananalita ay mahihimigan mo talagang seryosong seryoso siya. Bigla ko na lamang naramdaman ang pakiramdam na kinatatakutan ko

Ang iwan niya ako, yes, I'm afraid to left behind

"Chise."

"Napapansin mo ba ha? Iyong mga pinagsasabi ko sa'yo? Totoo ang mga 'yun Edzel. Sinasanay ko lang ang sarili ko na sabihin 'yun sa'yo ng harap harapan para sa huli ay hindi na ako mangungulila sa'yo! Pero mukhang hindi naman nakakatulong eh, kasi mas lalo lang siyang lumala!" Sigaw na naman nito sa'kin

Kaya pala sa tuwing nagsasabi siya ng kung ano-ano ay dinudugtungan niya kaagad ng joke lang! Practice lang 'yun kasi mag aaudition ako para hindi ako maoffend o kaya ay, masaktan.

"I know you're too sensitive Edzel. That's why I was too careful to say that kind of words, pero salamat kasi hindi mo naman napansin 'yun." Pagbabalik tanaw nito

So all this time pinaglalaruan niya lang ako?

"Pinaglalaruan mo ba ako Chise?" Puno ng hinanakit na tinanong ko siya

Kung sasagutin niya ang tanong edi mas mabuti. Pero kung hindi? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pagkatapos nito

"Sorry Edzel—I did." Direstsong sagot nito

Iniwas ko naman ang tingin sa kanya dahil ayokong makita niya akong umiiyak

Hindi niya ako mahal, she's just playing around with me

"Bakit?" Hindi ko mapigilang tanungin siya, gusto kong malaman kong anong rason niya at bakit niya ako pinaglalaruan

"I just used you Edzel at sorry kung nagawa ko 'yun sa'yo. Sinugal ko naman, akala ko kasi na makakabuti ito sa'kin kung gagawin kitang panakip butas at pampalipas oras pero hindi. Sorry kung nasaktan kita ng sobra at sorry kung napalapit ang loob mo sa'kin" Pagsosorry ni Chise

Oo na, narinig ko na ang lahat. Ang sakit sakit na marinig ang salitang panakip butas at pampalipas oras ka lang, minahal ko siya ng todo todo pero ang lahat ng 'yun ay nauwi lang pala sa wala. Sinayang niya lang ang pag-ibig ko

"Edzel,"

"Tama na Chise. Narinig ko na ang side mo—naiintindihan ko na, naiintindihan ko na. Na ayaw mo talaga sa'kin at hindi mo ako gusto. Kung sa mobile legends pa nakavictory ka na—nawasak mo na ako pati ang puso ko nadurog mo, salamat dahil sinaktan mo ako Chise at salamat dahil kahit ginaganito mo ako binigyan mo ako ng halaga sa mundong ito" Pagpapahinto ko sa kanya

Kung siya puro sorry ng sorry, ako naman ay nagpapasalamat sa ginawa niya. Hindi na baleng masaktan at least natuto na ako

To live is the rarest thing in the world. Most people just exist.

Post ko na naman sa isang quote ni Oscar Wilde. Ang mabuhay ay isang bihirang bagay sa mundo. Higit sa lahat ang mga tao ay nabubuhay lamang.

Elle Garcia reacted Wow to your post

Sue  Anderson reacted Haha to your post

Again, inioff ko ulit ang cellphone at pabagsak na ihiniga ang sarili sa kama. Nakatingin sa kisame at inaalala ang mga masasayang araw na kapiling ko si Chise

Kumusta na kaya siya—

At dahil sa namiss ko na naman siya I stalked her on Facebook at hindi na ako nagulat pa ng may kasama na siyang iba. Kakahiwalay lang namin may pinalit na kaagad sa'kin—ang saya ni Chise sa picture habang yakap yakap siya ng kanyang bagong boyfriend sa kanyang likuran

Buti ka pa, sobrang bilis mo lang akong makalimutan—

And again, lots of haha reactions na naman ang natanggap ko. Hindi na ako nagtaka na umagos na pala ang aking mga luha sa aking mga mata

Kilala nila ako bilang isang masayahing tao. Hindi ba nga ang galing kong magtago ng totoo kung nararamdaman? I'm a good pretender if you didn't know. Likas na palabiro at mahilig mang cheer up ng iba

Ang galing ko 'di ba? Ang galing galing kong mangcheer up at mag advice sa iba pero pagdating sa sarili ko ay hindi ko kaya—I don't know how to help myself at naiinis ako sa isiping ang bobo bobo ko

Ang pangit naman ng mga pinopost mo. Komento ng isa kong kaklase sa post ko

Hindi ko siya nireplyan, I don't do arguments

Bahala na sila kung ano ang paratang nila sa'kin basta ako patuloy kong tuturuan ang aking sarili na hindi pa huli ang lahat. At ipapaintindi ko din sa sarili ko na hindi lang ako hanggang imahinasyon lang. I will try to reach my own happiness and that I promise.....