Dahil sa kabila ng hiyang nararamdaman niya, iniabot parin niya ang kamay sa binata. At nang maramdaman niya ang init ng palad nito para siyang nag-time travel. Feeling niya siya si Cinderella na isinasayaw ng waltz ng kanyang prince. Iyon nga lang talagang hindi niya nagawang tingnan ito sa mata. Kaya nanatili nalang siyang nakayuko habang nagsasayaw sila.
Naniniwala siyang gentleman si JV at iyon ang nakikita niyang dahilan kung bakit nagawa niyang sumama dito ngayon. May tiwala siya sa binata at nararamdaman niyang safe siya kapag nasa tabi niya ito.
"Ilang taon ka na ulit Miss L?" nagulat pa siya nang marinig ang tanong na iyon.
"Sixteen, mag-se-seventeen na actually" aniya saka ito sandaling sinulyapan at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa suot niyang bead bracelet na madalas niyang paglaruan kapag tensyonado siya.
"Kinakabahan ka ano?"
Nang lingunin niya ang binata ay nakita niyang nakangiti itong sumulyap sa bracelet niya at pagkatapos ay sa kanya. "H-Ha?"
Tumawa si JV. "Huwag kang mag-alala hindi kita re-rape-in
"A-Alam ko naman yun, saka alam ko ring hindi mo ako type" huli na para bawiin iyon.
"At sinong nagsabi sayong hindi kita type?" pagkasabi niyon ay nilingon siya nito saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha.
Magkakasunod ang ginawa niyang paglunok. Gusto niyang magsalita at bigyang katwiran ang sarili pero minabuti niyang tumahimik nalang.
"Sa tingin mo pag-aaksayahan kita ng panahon kung hindi ka special sakin?"
"A-Ako special sayo?" hindi makapaniwala niyang naisatinig.
Ayaw niyang isiping si JV ang tipo ng lalaking mahilig magpasakay ng babae sa kabila ng pagkakaroon nito ng imaheng playboy sa SJU. Lalo at bata pa siya, gusto niyang isiping katulad ito ng inaasahan niya. Ni Lloyd na kuya niya.
"Hindi kita binobola Miss L, pero kung para sayo mahirap paniwalaan ang sinasabi ko, I understand."
Parang gusto niyang pagalitan ang sarili nang marinig ang lungkot sa tinig ng binata. At nang sulyapan niya ito at magtama ang kanilang mga mata, nabasa niyang nagsasabi ito ng totoo. Kaya lang hindi niya alam kung dapat siyang magpadala doon, lalo na at ang isang kagaya niya, imposibleng magustuhan ng binata sa ganoon kadaling panahon.
At isa pa kapag inalagaan niya ang feelings na mayroon siya ngayon para dito, sigurado siyang mauuwi sa mas malalim na damdamin ang simpleng crush niya para sa binata. Alam niyang hindi siya ang tipo ng babaeng seseryosohin nito. Ibig sabihin, masasaktan lang siya.
"Siya nga pala, pumayag si Joey na ako nalang ang mag-train sayo" bahagya siyang nagtaka sa nahimigang katuwaan sa tinig ni JV pero sa kalaunan ay minabuti niyang huwag nalang iyong bigyan ng kulay. Kahit pa sa puso niya ay hindi niya napigilan ang panunuot ng masarap na kilig.
"T-Talaga?" ang tanging naisatinig niya
Tumango ng magkakasunod ang binata. "Yup! Sa tingin mo? Sa anong oras ka magiging komportable?"
"Para sa practice nating dalawa?" paglilinaw niya.
Tumango lang ulit ang binata.
Sandali siyang tumahimik saka nag-isip. "P-Pwede siguro after class tapos pag nag-start na ang rehearsals natin magiging after rehearsals na. Para sana diretsong uwi na ako pagkatapos ng practice natin. Okay lang ba iyon?" aniyang nilingon ang binata.
"Sige, walang problema. Let's start tomorrow, sa tingin mo? Saka okay lang ba sayo kung sa amin natin gawin ang training mo?" anitong kinukuha ang opinyon niya.
Muli niyang nilingon si JV. At nang magtama ang mga mata nila ay naramdaman niya ang kakaibang kapanatagan ng loob na hindi pa niya naramdaman kahit kanino.
"O-O sige" aniyang sinang-ayunan ang gusto nito. "mga ilang araw mo pala ako tuturuan?" pagkuwan ay dugtong niya.
Nagkibit ng balikat ang binata saka siya sandaling sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan. "Maybe a week? Depende kung gaano ka kabilis matuto. Hayaan mo, hindi ko nakakalimutan iyong promise ko. magiging gentleman ako sayo," anito sa isang tinig na may katiyakan.
Naniniwala ako sayo, hindi ko alam kung bakit pero lahat nalang ng sabihin mo nararamdaman kong totoo.
SAKAY na sila ng elevator ay nanatili siyang tahimik.
Silang dalawa lang noon ng binata at nasa fourth floor pa ng gusali ng ospital ang kwarto ni Hara nang biglang mamatay ang ilaw sa loob ng elevator. Napatili siya at saka mahigpit na humawak sa braso ni JV.
"B-Bakit namatay ang i-ilaw?" nanginginig ang tinig niyang tanong.
Takot siya sa dilim, iyon ang dahilan kung bakit madalas kapag natutulog siya ay bukas ang lamp shade sa kwarto niya. Pero hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang bigla namang umalog ang elevator, mas malakas ang pinakawalan niyang tili dahil doon kasabay ng pagkawala niya ng balanse.
Dahil sa kawalan ng ibang makakapitan ay yumakap siya ng mahigpit kay JV. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot nang mga oras na iyon.
Subalit nang maramdaman niyang humapit sa baywang niya ang kamay ni JV ay marahas siyang napasinghap, kasabay ang masarap na kilabot na nanulay sa kanyang katawan.
��Relax. Baka nagka-problema lang," noon nagkaroon ng liwanag dahil sa iPhone na hawak ng binata. Saka palang niya nakita ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Ilang pulgada lang ang distansya ng mukha nito sa kanya. Napakabango ng hininga nito na parang pakpak ng ibon na humahaplos-haplos sa kanyang mukha.
Ramdam niya ang matigas nitong dibdib na tela lang ang tanging pagitan sa kanya.
Ngayon palang parang hindi na siya makakilos, paano pa kaya kung? Mabilis niyang iwinala sa isipan ang eksenang pumasok sa malikot niyang imahinasyon.
At ang kamay nito sa baywang niya, bakit parang napaka-gentle parin niyon kahit mahigpit naman kung tutuusin ang pagkakahapit doon?
Namumula ang mukha niyang minabuting ilayo ang sarili sa binata. "S-Sorry."
"Okay lang," noon naman saktong nagbukas ang ilaw ng elevator. "sa tingin ko kailangan na nilang ipaayos ang isang ito," anitong tumawa pa ng mahina.
"Anong ipapaayos?" ang naisatinig niya nang palabas na sila at naglalakad na sa lobby ng ospital.
"Iyong elevator, nabuking tuloy ang secret mo," anitong nangingiti siyang sinulyapan habang nakapamulsang naglalakad. "takot ka pala sa dilim huh! Paano nalang pag gabi? At higit sa lahat, pag nag-honeymoon pala tayo, dapat lights on?" hindi napigilan ni JV ang matawa sa sinabing iyon.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil doon. At sa halip na mainis ay kinilig pa siya ng lihim sa sinabing honeymoon ng binata.
"Tumigil ka nga! Anong honeymoon? Ikaw ah!" nangingiti narin niyang sabi.
"Bakit imposible ba iyon eh babae ka, lalake ako. Ibig sabihin pwede tayong magka-develop-an," ngiting-ngiti nitong sabi saka umiiling na tumingin sa kisame. "Kapag ganoon, huwag kang magpapanic. May cellphone ka naman na pwede mong gawing ilaw di ba? Eh sa takot mo kanina hindi mo na nga naisip iyon. Basta ka nalang yumakap sakin," anitong nanunukso pa siyang sinulyapan.
Sa totoo lang ang sarap mong yakapin. And masarap kang yumakap.
"Hayaan mo tatandaan ko iyan, and by the way sa'tin lang iyon okay?" maluwang na siyang napangiti noon dahil sa pagkakahawa niya sa nakikitang katuwaan sa mukha ng binata.
"Alin iyong takot ka sa dilim o iyong yakapang nangyari?" taas ang dalawang kilay siya nitong nginitian.
Nag-init ng husto ang mukha niya. "P-Pareho!" sagot niyang pabiro pa itong inirapan pagkuwan.