PAGLABAS nila ng private room ni Hara ay noon niya natanawang parating sina Carmela at Jovic. Nakita niyang kay Vinnie agad napako ang paningin ng dalawa lalo na ang Mama niya na sinuyod pa ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.
Mabilis niyang naramdaman ang inis para sa ina. Lalo na nang mapuna niyang nahihiyang nagyuko ng ulo si Vinnie na bahagya pang sumiksik sa tabi niya. Sa huling ginawing iyon ng dalaga ay hindi niya napigil ang mapangiti dahil kahit hindi niya aminin alam niyang nagustuhan niya iyon.
"Ma, Pa!"
"Paalis na kayo?" ang Papa niyang mabait pang ngumiti kay Vinnie.
"Yeah. By the way bestfriend ni Hara, si Vinnie," minabuti niyang sabihin na ang totoo sa mga ito dahil napuna niyang nanatiling tiim ang titig ni Carmela sa dalaga.
"Hello po," ang bati ni Vinnie sa mga ito.
Sa ginawa niyang iyon ay mabilis na nagbago ang aura ng mukha ni Carmela at sa halip ay mabilis na nginitian si Vinnie.
"Kumusta ka hija?" anitong hinalikan pa sa pisngi si Vinnie.
"Mabuti naman po. Ikinagagalak ko po kayong makilala," anang dalaga nang kamayan nito si Jovic.
"Pa'no we got to run, Ma? I'll see you sa bahay mamaya," pagkasabi noon ay tinapik pa niya ng mahina ang balikat ni Jovic na nakangiting tumango lang.
"OH ba't ka nangingiti? May naalala ka?" nagulat pa siya nang marinig ang tanong na iyon ni JV.
Nasa loob na sila ng elevator nang wala sa loob siyang mapangiti. Naalala kasi niya ang nangyari kanina. Tiningala niya ito.
"H-Ha? Ah."
Umiling lang si JV saka makahulugan ang tinging ipinukol sa kanya habang nakangiti.
"Hatid na kita sa inyo para di kana mag-commute."
"Naku huwag na okay lang ako," tanggi niya kahit deep inside ay gusto niyang sang-ayunan ang ideyang iyon ng binata.
"Sige na, para ma-meet ko narin ang parents mo," giit naman ni JV.
Magkakasunod siyang umiling. "Wala din sila sa bahay, parehong nasa poultry ang mga iyon at mamaya pa ang uwi. Sa sakayan nalang, okay na ako dun."
Nakita niyang nalungkot ang mukha ni JV sa sinabi niyang iyon. Hindi niya maintindihan pero naapektuhan siya sa nakitang resulta ng ginawa niyang pagtanggi sa binata. At totoong nakukunsensya siya.
"Pasensya ka na ah, baka kasi malaman ng kuya ko, paaral niya kasi ako at nagpromise ako sa kanyang hindi ako magboboyfriend hangga't di ako nakaka-graduate," minabuti niyang magpaliwanag nalang sa binata nang nasa loob na sila ng sasakyan nito.
Nakita niyang umaliwas ang mukha ni JV dahil doon. At para din siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang lingunin siya nito ng nakangiti.
"Ganoon ba? Okay, sabagay nabanggit na sakin ni Hara ang tungkol doon," anitong sinimulang imaniobra ang sasakyan.
"Ang bruhang iyon talaga," hindi niya napigil ang matawa pagkatapos.
"Hindi, ako talaga ang nagtanong sa kanya. Anyway if you don't mind ang sabi sakin ni Hara sobrang close daw kayo ng kuya mo, how come?"
"Eight years ang gap namin pero sobrang close kami ni kuya. Basta ang sabi niya hindi raw niya ako gustong matulad dun sa naging girlfriend niyang iniwan siya at iniwan lang din ng lalaking sinamahan nito," minabuti niyang sabihin nalang kay JV ang totoo.
Tumango-tango si JV. "Kung sakali palang ligawan kita hindi rin pwede kasi hindi papayag ang kuya mo?" anito.
Nabigla siya sa narinig pero sinikap niyang huwag nalang magsalita. Habang daan, ang sinabing iyon ni JV ang naging laman na ng isipan niya.
Paano nga kung mapamahal sila sa isa't-isa, may lakas ng loob ba siyang ipaglaban ang pagmamahalan nila kung sakali?
"O bakit ang tahimik mo naman? Kinakabahan ka ano?" nakangiti siyang sinulyapan ng binata saka pagkatapos ay ibinalik rin nito agad ang paningin sa daan.
Iyon ang unang pagkakataong dadalaw siya sa bahay ng mga De Vera dahil first day ng training niya kay JV.
"S-Sino ba ang mga nasa bahay ninyo ngayon? Para kasing naiilang akong pumunta sa inyo, ano kasi eh hindi naman ako sanay makihalubilo sa mga mayayaman," pagsasabi niya ng totoo kaya natawa ng mahina doon ang binata.
"Mga katulong, hardinero at driver. Dipende kung maagang umuwi ang Mama. Saka ano ka ba, wala namang dapat sanayin pagdating sa ganoon. As long as you're true to yourself, iyon ang mahalaga. Kaya mo ngang pakisamahan ang kapatid kong saksakan ng arte di ba?" pabirong sabi ni JV pagkuwan.
Natatawa siyang nagyuko ng ulo. "Mabait si Hara, parang ikaw. Kaya nga hindi ako naiilang sa inyong dalawa," amin niya.
Maaliwalas ang mukhang binalingan siya ng binata. "Touch naman ako sa sinabi mo, kung gayon palang nababaitan ka sakin. Meaning may tiwala ka sa'kin?"
Noon niya naitakip ang kamay sa sarili niyang bibig saka natawa ng mahina.
"Oo naman, package na iyon kapag sinabi kong mabait ka."
"Ahhh package pala ha? Ibig sabihin magkakasama na dun ang lahat ng pwede mong maramdaman sa isang tao. Pati na iyong crush, like at love?" anitong nanunukso pa siyang sinulyapan.
Nabigla niyang nilingon ang binata. "Oy wala akong sinabing ganoon ah!" namumula ang mukha niyang tanggi.
Noon magkakasunod na tumango si JV saka siya sinulyapan ng nakangiti parin. Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.
"Nakakainis ka ah! Iyang ngiti mo bakit ganyan?" hindi niya napigilan ang mapabungisngis dahil sa tindi ng pinaghalong kilig at hiyang nararamdaman.
Noon umangat ang dalawang kilay ng binata.
"Oh, anong problema sa ngiti ko? Pangit ba?" amuse nitong tanong.
Sa totoo lang ikaw na yata ang may pinakamagandang smile sa lahat ng lalaking nakilala ko!
"Tell me Miss L, hindi ka pa rin ba kumportable sa'kin?" mayamaya ay mabait ng tanong sa kanya ng binata.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa tanong na iyon.
"Kumportable na. Kasi nga di ba sabi ko mabait ka kaya hindi na ako naiilang sayo," pagsasabi niya ng totoo.
Kaya lang naman siya naiilang noon kay JV ay dahil nga crush niya ito. Pero dahil nararamdaman niyang may respeto ito sa kanya ay nawala narin ang discomfort niya para sa binata.
Tumango-tango ang binata sa sinabi niya saka pagkatapos ay mabilis na ginagap ang isang kamay niya. Marahas siyang napasinghap.
"That's good to hear, ibig sabihin pwede ko ng hawakan ang kamay mo anytime," anitong makahulugan ang tinging ipinukol sa kanya pagkatapos.
Magkakasunod ang hiningang pinakawalan niya habang nakatitig sa kamay niyang hawak ng binata. Hindi niya maikakaila ang napakasap na kilabot na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
"Ang mga palad, parang mga labi din yan kapag naglapat. Nararamdaman ang init, ang damdamin, at higit sa lahat ang pagmamahalan ng dalawang taong nagkakaintindihan kahit hindi sila mag-usap," anito.
At nang magtama ang kanilang mga mata noon niya napunang nakatingin rin pala sa kanya si JV. Lalong nag-init ang mukha niya dahil doon.
"Masanay kana, kasi ako mula ng unang beses na nahawakan ko ang kamay mo hinanap hanap ko na ang lambot at init ng palad mo," anito nang marahil mabasa ang iniisip niya. "sana okay lang sayo?" dugtong pa ng binata.
Napangiti siya sa sinabing iyon ng binata dahil ganoon din naman siya. Pakiramdam pa niya kahit sa simpleng gesture lang na iyon kahit sobrang down siya ay magagawang pawiin ng masarap na damdaming hatid niyon ang lahat ng kalungkutang nararamdaman niya.
"Okay," aniya pagkuwan ng nakangiti.
"Right, that's my girl," anitong nangingislap ang mga mata siyang kinindatan pagkatapos.
"ANG laki naman ng bahay ninyo, mansyon! Malaki pa ito sa kabuuan ng poultry namin," pagbibigay alam sa kanya ni Vinnie.
Naglalakad na sila noon papunta sa likurang bahagi ng bahay nila kung saan naroon ang isang land scaped garden, ang paborito niyang spot sa bahay nila.
"Gusto mo ba dito sa amin?" nakangiti niyang tanong sa dalaga saka niya ito iginiya paupo sa naroong bakal na swing.
Sandaling natigilan si Vinnie at nagtatanong ang mga mata siyang tinitigan.
"Ano ba namang klaseng tanong iyan?" nakatawa nitong tanong-sagot.
Nagkibit siya ng balikat saka iniabot kay Vinnie ang isang folder kung saan naka-file ang script nito para sa dula.
"Kasi kung sakaling hindi mo gusto dito, willing naman akong magtayo ng bahay para sating dalawa someday!" aniyang sinundan ang sinabi ng isang mahinang tawa.
Namula ng husto ang mukha ni Vinnie sa sinabi niyang iyon. Malapad pa siyang napangiti nang makita ang muli nanamang pagkailap ng mga mata ng dalaga sa kanya.
"Joke lang," pagkuwan ay bawi niya sa sinabi kahit totoo iyon sa loob niya.
Narinig niya ang isang malalim na buntong hininga pinakawalan ng dalaga.
"Ikaw naman kasi kung anu-ano ang sinasabi mo!" anitong mahina pang hinampas ang balikat niya.
Marami pa sana siyang gustong sabihin kay Vinnie gaya nalang ng gusto niya ito. Pero minabuti niyang huwag nalang. Mahirap na, baka kapag ginawa niya iyon iwasan siya ng dalaga.
Timing, perfect timing. Sana makisama sa nararamdaman kong ito para sayo ang pagkakataon.
"So paano, let's start?" pagkatapos ng ilang sandali ay sabi niya.
Tumango-tango ang dalaga. "Sige, para sa grade ko sa Filipino."
Napakamot siya ng ulo. "Pwede bang idamay mo narin ako?" aniyang nangingiti.
Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. "Idamay?"
Magkakasunod siyang umiling saka tumayong binuklat ang sariling folder. "Wala, sige na start na tayo."
"Oo na, inspirasyon din kita, kung iyon ang gusto mong marinig" nagulat siya sa sinabing iyon ni Vinnie.
Awtomatikong humaplos sa puso niya ang kakaibang pakiramdam na hatid ng matamis nitong ngiti. Nang mapupula nitong mga labi, ng napaka-amo nitong mukha. Kaya naman hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang kamay nito saka bahagyang pinisil pagkatapos.
This is magic.