"Okay, can you repeat again what is the process of multiplying rational expressions? Who can repeat?" the professor looks around to see who can answer his question.
What the heck? Mutant? My masterpiece slash that ghost is a living mutant? And what immortal?
Shanelle is busy thinking hard at wala sa lesson nila ang isip niya kundi andun sa sinabi ni Chihoon kanina ukol sa sarili niya.
Napansin naman ng guro ang malayong tingin ni Shanelle kaya napagdesiyunan niyang tawagin ito.
"Ms. Park. Can you repeat what I've said earlier?" Walang reaction. Ni di gumalaw ang babae o tumingin man lang sakanya.
So ang labas may halimaw sa bahay ko? Putchang palaka! Halimaw ang masterpiece ko! Gumawa ako ng halimaw!
"SHANELLE PARK!" napasigaw na ang guro dahil sa wala paring reaction si Shanelle sa ilang beses na niyang pagtawag ditto.
"Ay halimaw!" Dahil sa pagsigaw ay nagulat si Shanelle at napatayo bigla at yun ang nabulalas niya.
"Wh-wh-what? Ha-halimaw?!" umuusok ang ilong na bulalas din ng guro. Napahawak na ito sa kanyang bewang dahil sa kawalang respeto ng babeng estudyante.
Shanelle blinks many times saka unti-unting tumingin sa kanyang paligid at Nakita niyang sakanya nakatingin ang lahat ng kanyang kaklase.
Tumingin siya sa harap at napalunok siya bigla sa napakapula ng mukha ng prof nila.
"Ah…hehehe…h-hindi po… ano po kasi…"
"GET OUT!!!" napapikit ng mariin si Shanelle sa lakas ng boses ng guro.
Wala na siyang nagawa kundi buhatin ang kanyang bag at lumabas ng classroom nila.
Napagdesisyunan niyang umupo muna sa park kaharap ng auditorium. Oo nga pala wala pa akong alam I perform sa Prom. She sighed at the though saka inilabas ang kanyang phone. She opened her social media account.
3 messages from Troy
9+ messages from Tropang Papz
1 message from Keiziah
Inopen niya muna ang message ni Troy.
Troy: baby.
Troy: Hey baby.
Troy: Babyyyyy.
Shanelle: Tigilan mo ako sa baby mo. Tatay ba kita?
Troy: fan ka ba ng incest? Luh masama yan uy.
Shanelle: Gago.
Troy: Wala ka bang pasok?
√ Seen
Troy: Cutting ka noh?
√ Seen
Troy: Bad girl ka. Paluin kita sa pwet
Troy: ay teka.
Troy: May pwet ka ba?
Shanelle: gago.
Shanelle: Block kita.
Troy: Hahaha wengya. Sige na nga sasabihin ko na totoo. Ako si Troy, yung ex mo.
Shanelle: Troy? As in Nicolai Troy Jung?
Troy: Exactly baby.
Shanelle: a ikaw pala tay.
Troy: Tay ka jan. hahaha. Dalaw ka minsan sa lab. Bonding tayo.
Shanelle: No thanks. bye
Tinago na ni Shanelle ang phone niya saka nagdesisyong umuwi na lang. sumakay na siya sakanyang sasakyan at nag drive.
Habang nasa daan naiisip parin ni Shanelle ang sitwayon niya. She can't believe what's happening to her.
Napakalayo nga naman sa realidad ng mga nangyayari. Who can even imagine that a mutant or an immortal mutant is living in this modern era? It's like what the hell, right?
Dahil sa malayong pag-iisip ni Shanelle ay di niya napansin ang isang rumaragasang van sa harap niya. Huli na nang marealize niya ito. Her eyes widen as she realized what's happening kaya buong lakas niyang pinihit ang sasakyan pakaliwa pero huli na kaya sumalpok ang harapan ng van sa kotse niya. Nauntog ang ulo niya at gumulong pabaliktad ang kotse.
______________
A few minutes before Shanelle's car accident…
Chihoon is busy cooking while reading what's the cookbook says. Kahit kasi di siya nakakakain ng solid food ay gusto naman niyang ipagluto ang babaeng nagligtas sa buhay niya.
Habang naghihiwa siya ng karne ay aksidente niyang nahiwa ang kanyang daliri. He looks at his wound, but his eyes widen nang ma realize na naghilom ang sugat niya agad.
What the hell? Kumuha siya ng mas malaking kutsilyo at sinubukang hiwain ang kanyang palad at sa ikalawang pagkakataon, naghihilom ito agad at walang bahid ng pag-agos ng dugo at pagkahiwa. He tried cutting himself a few times at same parin ang resulta. This can't be…don't tell me…
Natigil sa pag-iisip ang lalake ng makaramdam siya ng matinding sakit sa puso. His heart is beating fast at napakasakit nito kaya napahawak siya sa dibdib niya. "Ahhh… wh-what's happening…". He is gripping his shirt para at least sana tumigil ang pagsakit but lalo pa itong sumasakit. Isa lang ang naisip niya. "Shanelle. Shanelle is in danger."
With all his might and using his ability to run fast as the wind, hinanap niya ang babae. He roams around her school pero wala ito.
He runs fast again until he came to the accident area and there, he saw Shanelle lying on the ground with many bloods covering her unconscious body.
Nang Makita niya ito mas sumakit na naman ang kanyang puso at halos mapaluhod na siya. "Sh-shanelle…" he managed to say. Kahit nahihirapan, pinilit niyang lumapit sa tabi ng babae. Panting as he is, he lifted the girl's head. "W-wake up… Shanelle…".
He looks around to see people who can help them but unfortunately wala masyadong sasakyan ang dumadaan sa parte ng lugar na yun. Think Chihoon…Think… Kahit walang kasiguraduhan ginawa niya parin ang kung anong nasa isip niya.
I don't know if this will work but please. Please work. He lifted Shanelle's face and he kissed her. He bits his tongue at hinayaan niyang dumaloy ang kanyang dugo papunta sa bunganga ng babae. He lets her swallow his blood thinking that it will heal her.
Wala paring nagging reaction ang babae pero napansin niya na mas humina na ang sakit ng puso niya.
He decided to contact the number of the nearest hospital para magpadala ng ambulance. After a while, sirens from ambulance are heard kaya nagmadali na siyang umalis. He can't be seen. Not now. He runs fast para makapagtago sa isang poste.
He watched how the ambulance picked Shanelle's still unconscious body.
He feels his heart. Okay na ito. Hindi na masakit. Can I say Shanelle is safe now? Can I say that my hypothesis is true and proven?
____________
Two weeks passed by at okay na okay na si Shanelle. Walang bahid ng aksidente. Walang bahid ng sugat ang mga binti o kahit saan mang parte ng katawan niya. Nagtataka ang mga doctor sa perfect nitong paggaling samantalanag namatay ang driver ng van na nakabangga niya.
They are at the state of bewilderment at naisip na hindi normal ang nangyari sa babae.
Because of that, naisip ni Shanelle na bayaran ang mga doktor at nurse na nag-asikaso sakanya para manatili ang mga itong tahimik at hindi ipagkalat ang nangyari. She is also shocked sa nangyari. But she can't help but to think that this isn't a mystery. Sa lahat ba naman ng nangyari sakanya nang mga nakaraang araw di na siya magtataka kung may ganito mang nangyari. She can say that Chihoon has something to do with her sudden healing.
"Sigurado ka bang okay ka na? wala na bang masakit sayo? You is betterment already?" Jam said as he sits down her bed. Di parin kasi siya lumalabas sa ospital.
"OO nga ang kulit." She annoyingly answered. Pagkatapos kasing dumalaw si Gabrielle sakanya Nawala na siya sa mood.
"Naasikaso ko na ang mga papers mo. Pwede ka ng makalabas ng ospital." Her dad said as he entered the door of her room. Alam niya na nagtataka din ang ama niya pero di ito nagkomento o nagtanong sakanya na pinagpapasalamat niya dahil di rin niya alam ang isasagot kung sakali. "Naasikaso ko na rin ang press. They know that you had an accident pero di nila alam na Malala ito kaya wala ka nang dapat ipagkabahala."
Tumango na lang ang babae. "Salamat Dad," she said at tumayo na. "Let's go home then."
Pagkauwi nila una niyang hinanap si Chihoon. Nakita niya ito na nakahiga sa bed niya. Dali-dali itong nagpunta sakanya then she grabs his hand. "Tell me what happened."
Tinignan siya ng lalake saka umupo ito. "What?" inosente nitong sambit sakanya.
"This! The accident! My sudden healing. What happened?" she is looking intently at him waiting for him to answer her.
Chihoon sighed. "I---."
"Stop. Ayaw ko nang marinig. I've had enough of these mutant thing. Thank you though. Alam kong may kinalaman ka sa paggaling ko." Tumayo na ang babae at lumabas ng kwarto.
Chihoon tilts his head. You asked but you don't want to hear the truth. Crazy girl.