Chapter 4 - 004

Chapter 04

"DADDY can I play with them?" GD asked while looking at the running kids here in our village park.

I smile at pinagala ang tingin ko. Maraming tao at batang naglalaro dito. "Of course, baby. Be careful lang and be a good boy para marami gustong makalaro ka, go have fun." I cheer him and let go of his hand. "Go play with them, just don't go too far away, kiddo." I reminded.

He flashed his wide smile and nodded. "Aye aye Daddy, love you."

Tinanaw ko siya habang nanakbo paalis, papalapit sa mga batang naglalaro na sa ngayon. My son looks so hyper and happy, he waves at me so I waved back.

"Ang energetic ng anak mo, Marc walang kapaguran." Iling-iling na usal ni Kaele, habang hindi inaalis ang mata niya sa anak naming nakikisabay na doon sa mga kalaro niya.

I held her hand, chuckling. "Hayaan mo na, bata eh."

Maghapon na kasi kaming naglaro sa bahay pero gusto niya parin kaming gumala dito sa park kaya pinagbigyan ko, I want him to socialize with other kids. Hindi puro gadgets lang at nakatunganga lang sa bahay.

"Parang kailan lang babe na dala-dala ko iyan sa loob ng tummy ko tapos ngayon hindi ko na marendahan." She whispered, I can sense fear when she said that.

I smirked. "Matagal pa bago tayo iwan ng anak natin Kaele, huwag kang malungkot diyan."

"Kasi naman eh, ang bilis-bilis niyang lumaki. Look at him, baka sa susunod hindi na ako ang tanging babae sa kanya." She said indignantly.

Natawa ako, ayon lumabas na ang katotohanan, she fears that her child will be taken away from her, possessive din si Kaele sa unico hijo niya.

"Babe, matagal pa iyon. Baby palang ang anak natin, saka in time na magkaka-girlfriend siya alam kung ikaw ang una niyang sasabihan."

"Not gonna happen until he's twenty-eight, Marc!"

"Ai ang strict naman ni Mommy, ikaw nga nineteen ka pa lang nagpalandi ka na sakin." I kidded.

She laugh at siniko ako sa tagiliran. "Iba iyon, anak ko ang pinaguusapan natin kaya ako ang batas, akin lang ang baby ko."

Nagpout pa kaya hinila ko ang lips niyang mukhang pantok ng bibe. "Gawan nalang kita ng bago para hindi ka malungkot diyan."

I suggested kaya nakatikim ako ng sapak galing sa kanya.

"Abaah— Marc ikaw nalang ang magbuntis, akala mo ang dali-daling irehin niyang anak mo? Ilang baldeng dugo't pawis, uhog at luha ko ang binuhos ko sa kanya para lang makita niya ang ganda ng mundo." She spank me again, this time sa dibdib ko.

I held her wrist and lay her hand on my heart, wanting her to feel my heart beats. Pinasandal ko din siya sa balikat ko, kissing her forehead softly as we settled ourselves in a small park bench.

I heaved a fresh air. "Bakit pinahirapan mo din ako habang naglilihi ka pa ah." Pinong kurot sa ang natamo ko sa inihayag ko sa kanya. "You really had a bad temper in your preggy days."

She laugh at me dahil totoo. "Eh asar nga ako sa mundo nong mga panahong iyon. Parang lahat yata ng kakilala natin may galit sa'kin kasi nga I am bitching and throwing tantrums at them. Lalo na kay Marckuz, makita ko lang ang mukha niya nagagalit na ako sa buong sandaigdigan, sheyt!"

That was my eldest brother she's talking about, sinabuyan niya ng gatas at tinapunan niya pa ng isang piling ng saging ang kapatid ko dahil naasar siya sa mukha niya, iyon pala sign na iyon ng paglilihi niya kay GD, my bebe boy.

Hindi tuloy makauwi ng bahay ang Kuya Marckuz ko dahil nagwawala si Kaele, oo ganon siya kalakas mantrip.

Takang-taka kami non kasi nga close silang lahat kay Kaele at wala naman silang napagawayan dalawa kaya hindi talaga naman alam ang problema ni Misis sa mundo at galit na galit siya sa'min.

Yup hindi James ha? Lol, Oo pati sakin din, lalong-lalo talaga sa'kin. She wouldn't want to be held, nor being close to me. Ni tabihan siya sa pagtulog ayaw, kausapin ayaw din. Lagi siyang may hinahampas o kaya may babasagin na gamit, ganon siya kawar-freak. Mainit lagi ang ulo, hindi makausap ng matino, palagi niyang nirereklamo ang amoy ko, ang amoy ng bahay, ng sasakyan, ng kusina, ng mall lahat-lahat, na may masama siyang obserbasiyon. Kulang nalang noon sampahan niya ng kaso ang buong Pilipinas dahil sa dami niyang nakikitang mali.

Kahit magpapacheck-up kami noon ayaw niya akong kasama, kailangang nasa ibang sasakyan ako kasi grumpy siya pagnakikita ako. Ganoon siya kahirap pakisamahan non, para akong nagaalaga ng batang pasaway, makulit at maldita, all in one. Ayaw niyang nakikita ako pero nagagalit siya paghindi ako nagpakita, ayaw niya sa amoy ko pero siya ang dutdot ng dutdot ng ilong niya sa leeg ko.

"Naalala mo nong magwala ka sa office kasi nagseselos ka kay Sandra? That was hella fight babe." I throw my head back, laughing hard.

Napaface-palm siya. "Oh shut up Marc, gusto ko ng kalimutan ang kasamaan kong nagawa dahil pinaglalaruan ng anak mo ang damdamin ko." Nahihiya niyang itinago ang mukha niya sa leeg ko pagkatapos. "Ilang beses na naman akong nagsorry kay Sandra nong kumalma na ako."

And that's was when in her third trimester, doon lang siya tuluyang bumait. Nawala sa sirkulo ng kilusan ng mga gerilla sa modernong panahon. Hindi na siya asar sa lahat, ang nakakatawa lang ay ang lahat naman sa kanya ay naasar dahil sa kamalditahan niya sa kanila.

I laugh hard, again. "She avoided you for almost half year kasi nga natakot siya sa'yo. She wanted to resign after what you did to her pero pinigilan lang siya ni Marckuz. Mabuti nga't naayos pa. Hamo ba namang aakusahan mo siyang kabit ko sa loob ng sarili kong kompanya?! You even punch me that day, babe because your fuming mad at me and Sandra."

She crinkled her nose, frustrated as she stared back at my amused face.

She hit my face. "Kasalanan mo kasi iyon, hindi ka nagpaalam sa'kin na may out of town kayo. Akala ko binabahay mo na siya doon kasi ayaw mo na sa'kin. Isang linggo kaya kayong wala, hindi ko naman alam na kasama niyo si Marckuz." She reasoned out, she chew her lower lip, guiltily.

So ako na naman ang mali?! Ako nalang ulit? I pinched her pointed nose.

"Kaele, baliw ka nga kasi non, pa'no ako makapagpaalam sa'yo eh ayaw mo akong kausapin, kung hindi ka tulog pag-alis ko sa umaga, buong araw mo naman akong tatalakan, take note bawal pa akong magsalita niyan ha?! Sa gabi naman pagdating ko, ayaw mo akong katabi at nilo-lock mo pa ang pinto ng kwarto natin. I actually left you a note in our room pati na sa text pero hindi mo binasa kasi napapangitan ka sa sulat-kamay ko."

She showed me her containgeous laugh. "Bwahahaha nag-sorry na naman ako sa kanilang lahat, hindi ko talaga alam kong anong sumapi sakin non at ang sama-sama ko bigla. Basta ang alam kong ayaw ko sa lahat, ayokong pinapakialaman kaya ang siga ko. Mah life, mah rule!"

I agreed with her. "Pero atleast hindi namana ng anak mo na pinaglihihan mo sa sama ng loob, ang kawar-freak mo. Masyado nga lang siyang topakin at hyper sa lahat." I said casually.

Nakahinga talaga ako ng maluwag nong lumaki ang anak ko sa matuwid na landas, marunong siyang ngumiti at tumawa walang sapak. Minsanan lang din siya umiyak non. Kung gaano kasasa ang nanay niya, ay ganoon naman kakalma ang anak namin. Halos wala kaming problema sa kanya basta may nilalaklak lang siyang gatas at bago palagi ang diaper, every hour kami nagpapalit kasi iiyak siya pag hindi nabihisan ng bago, arte no? Mana sa Nanay!

She stared at our son who's playing. "But having Ghert Drevxian in my life completed me as a woman, Marc babe. Sa kanya ko lang naramdaman na buong-buo na talaga ako."

I hugged her close to me. "And I even love you more because of that, Kaele. You've been a loving wife and a perfect Mother to GD and seeing you two happy made me whole as a man, too. Wala na akong ibang maisip na mahihiling pa, you brought serene and contentment to me Kaele, kayo ni GD."

"MOMMY, MOMMY! GUSTO KO NG ICECREAM!" Ang sigaw ni GD ang nagpahiwalay sa'min dalawa. "Mommy, bili mo ko ng sorbetes."

"Oo na, basta halika muna pupunasan ko ang likod mo bata, ang pawis mo grabe, ang sebo mo anak." She teased him as she sheepily grin.

"Mommy naman eh, hindi ako hugasin na masebo saka hindi ako tabachoy." He exclaimed pero nagpakandong naman sa nanay.

Kiniliti ko siya bago nilagyan ng polbo, yong paboritong brand ng Nanay niya Johnson baby powder. "Iyan para kanang espasol, mana sa Nanay mong nagpauso ng Miss Foundation." My son laugh with me.

She hotly gaze at my side. "Marc ha? Ikaw ang gagawin kong ube halaya pag hindi ka tumigil diyan." Sinabunutan niya pa ako. "Halikana choy, bili na kita ng sorbetes. Gusto mo, babe?" She ask but I refuse.

"Arat na!" GD said happily.

Tumayo na silang dalawa at binaybay ang daan papunta kay mamang sorbetero, minasdan ko sila habang nagaasaran paalis. I patiently stayed here, my child turn around and wave at me, so again I waved back grinning wide matching his.

Naiiyak pa dahil sa nakakasilaw na liwanag ng araw ang dumadampi sa mata ko.

I brush it away and stare at them again, they're eating na.

Hindi nagtagal ay bumalik na sila at kami na ang naghabulang tatlo, my child laughters and Kaele's resonated in here as I run close to them, after a while marami ng bata ang nakisali sa amin kaya tawang-tawa kami, masaya.

"Mommy help, daddy's chasing me! Ahhh!" My son shouted as we run around. "Bwahahaha Daddy you can't catch me, I run faster than you are."

"May rayuma na kasi ang tatay mo, GD kaya mahina ng tumakbo. Gurang na iyan baby." Her laughter booms as she mocks me hard.

Napangising-aso ako, as I glared at her. "Ah talaga ba?!" 

She laugh in mockery. "Bwahahaha takbo na GD, pikon na tatay mo!"

Hinablot niya ang kamay ni GD at sinabay na sa pagtakbo niya kaya hinabol ko sila parehas.

I will never get tired chasing you two, hahabol at hahabol ako kahit anong mangyari. I even doubled my running pace to catch them both, smiling wide.

"FASTER TABA, HOY BILISAN MO GD! LAGOT TAYO KAY GURANGERS!" Mikaelle screams happily as she runs fast-pace too.

"FASTER PA TABACHING-CHING!" Mikaelle cheered.

My child laugh with her, they're ganging up with me now, huh? Let's see then who's the boss. Well I am!

They shouted in chorus kaya tawang- tawa ako. "AHHHHH SHEYT! BITAWAN MO KAMI, MARC! BWAHAHAHA!"

_____

AFTER naming maabutan ng takip-silim sa kakalaro sa park ay nagyaya na naman ang anak ko na kumain kasi nagugutom na daw siya. So we brought him to his favorite foodchain, jabelee that's what he calls it, bulol.

I ordered his favorite foods and Kaele's, we also bought him kiddie toys he likes. Kaya naman pagkalapag na ng crew ng pagkain namin ay inasikaso ko na sila I assisted GD first, inalagay ko ang chicken joy na para sa kanya pati ang cokefloat. Hinimay ko muna at kinuha ang buto ng manok para hindi na siya mahirapan.

"Thank you, Daddy love you." He said.

I kissed his temple. "Welcome baby, dig in."

Sinunod ko si Kaele, I put her beef mushroom and burger. Nilagyan ko pa ng french fries sa loob dahil ganoon ang trip niya sa pagkain ng yumburger with ketchup. Nginitian ko siya ng malapad and fed her. "Kain na, Mahal."

Gusto niyang kunin sa akin pero nilayo ko sa kanya at inumang ulit ang kutsara para subuan siya.

She opened her mouth to eat. "Hmmm... sarap-sarap!"

"Ako din Daddy, ah!" Demand ng anak kong nakanganga na kaya sinubuan ko nalang din siya. "Gusto ko ng lumpia, Daddy Marc hingi ako."

"Ang takaw talaga!" Kaele whispered.

"Rinig ko iyo Mommy!" Umangat ang gilud ng labi ng anak ko. "Inggit ka lang eh, oh subo karin!" He gave his Mom a lumpia.

Hanggang nabusog na kaming tatlo, ay pinatake-out ko nalang ang iba sa crew, hindi na kasi naubos ni GD. Inabot ko na ang paper bag na bitbit para sa'kin. I smiled at her and say thanks.

"Okay lang po ba kayo, Sir?" She politely asked but her eyes tells otherwise while staring at my face.

I settle my gaze at her, smiling.  "Yeah I am, thank you for askin'. I must go, hinihintay na ako ng anak ko. Bye Miss, ohh btw I am married so don't flirt with me, I am with my wife and that's her."

I pointed Kaele who's standing at the door, I wave at her and leave para salubongin ang magina ko at makauwi na kami sa bahay.

"Let's go, babies!" We walk side by side and headed to the parking lot.

Pinagbuksan ko sila ng pintong dalawa. "Wow gentledog!"

"Sakay na Kaele, wag ka ng mangasar."    

Nilagay ko na ang paper bags at binigay ko kay GD ang toys niyang binili namin ni Kaele. Excited niyang kinuha iyon at isa-isang binuksan.

"Thank you po!"

"Spoiled na spoiled, ching ah!" Pinagkukurot ni Kaele ang matambok niyang pisngi.

Ginulo ko ang buhok ng asawa ko. "Ayos na Kaele, I will put his seatbelt."

Nagdrive na ako, siniguro kong hindi mabilis ang takbo ko para iwas disgrasya, I am with my family I won't put their lives at risk kaya ingat na ingat na ako sa pagmamaneho.

I opened the car's stereo and we sing along with the music playing, I am staring at them at the mirror, ano pa nga ba ang mahihiling ko? I have all the things and love I needed in the world, sobra-sobra pa.

"Love you Dad, Mom pero a-antok na po a-ako." He said in a slurry.

"Oh di knockout ka na!" Natatawang sabi ni Kaele at pinahiga sa lap niya si GD. "Pagod na pagod kakalaro eh."

"Hoy magising mo ang anak mo, totopakin na naman iyan pag nabulahaw sa tulog." I chastised her kasi nilalamutak niya ang mukha ng anak naming payapa na ang tulog.

"Peaceminusone!" She said cutely kaya napailing nalang ako. "Baby kamag-anak mo ba si James Harden?"

Nangunot naman ang noo ko, why would I be relative to a basketball player? "Of course not! Why would you say that, babe?"

"Ah hindi ba? Mukha kasi kayong terorista, balbas sarado ang mukha!" She laugh after she mocks my beard face. "Ang pangit!"

Natawa nalang din ako, humaba na nga ang balbas ko ilang araw kasi akong hindi nakapag-shave. "Can you shave it for me, then?"

Tumili pa muna siya bago sumagot. "Ai nanlalandi siya, ba't ganyan boses mo? Ang husky! Malandi!"

"Para bumigay ka!" Pakikisakay ko sa kanya I winked at her playfully. "So can you resist the temptation?!"

With her wide-eyes she banters back. "Gago ang laswa Marc may pa lip bite ka pang nalalaman." She rolled her eyes on me.

"Geh mamaya." She added cooly.

Natawa ako sa karupukan niya I tease her so. "Kunwari ayaw ha? Ang marupokpok naman."

"Namo!" She cursed expertly and we both laugh in unison.

Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa harap ng aming tahanan, bitbit ko ang paper bags habang karga naman ni Kaele ang anak namin. Pinagbuksan kami ni Yaya Lupe ng pinto, sinalubong niya ng malapad nangiti, sabay kaming pumasok sa loob ng bahay.

"S-Sir san po kayo galing? Mabuti't nakauwi na kayo, gabing-gabi na oh!" Puno ng pag-aalala niya naisambit habang nakatingin sa'kin.

Nagkamot ako ng ulo. "Ah namasyal lang, Yay. Heto po, pasalubong."

Inabot ko sa kanya ang mga pagkain na tinake-out namin, tinanggap niya naman.

"Sige na Yay, akyat na po kami ni Kaele, tulog na kasi si GD, ihihiga na namin sa kama para komportable ang kanyang pamamahinga."

Nilapitan ko sila Kaele sa puno ng hagdan at kinuha sa kanya ang anak kong tulog mantika.

"Yay, goodnight po. Akyat ko lang ang mag-ina ko."

Hindi na ako nagabang pa ng isasagot ni Yaya at tinahak na ang hagdanang papunta sa itaas, diretso sa kwarto naming tatlo. I held Kaele's hand, pinagsilop ko pa iyon and kissed her head.

"Yung ahitan ha? Huwag mong kalimutan." Isang malakas na sapak ang tumama sa braso ko. I throw my head back and laugh hard. "Diba aahitan mo ako? Anong masama don?"

She made face. "Parang iba kasi ang kahulugan mo ng 'ahitan' ang maniac pakinggan, sheyt!" She laugh at her own choice of words.

I opened the door and tuckled my son on his bed, may sarili siyang kama dito sa kwarto namin pero kadalasan hindi niya naman nagagamit kasi nagsusumiksik siya sa kilikili ng Nanay niya para makatulog.

"Pustahan lilipat din iyan, maya-maya." Nakangising turan ni Kaele habang kinukumutan ang aming anak.

I kissed GD's forehead lightly and caress his hair napaupo rin ako sa kanyang tabi. "Ang bigboy na nga ng baby natin, mahal." Isinatinig ko ang laman ng aking isipan.

Continue caressing my son's hair. "Parang kailan lang ang laki-laki ng kama na'to para sa kanya pero ngayon halos maaabot na ng paa niya ang paanan, oh. Parang nong isang umaga lang binabantayan ko pa siyang magising apara masilayan ang ngiti niya habang hele-hele ko lang siya pero ngayon, hindi ko na siya halos mabuhat."

My heart constricts in longing, yumakap ako sa beywang ni Kaele at isinandal ang ulo ko sa tiyan niya, she snakes her arms around my nape, nayuko pa para mahagkan ako sa noo. 

"Majubis kasi ang anak mo." I laugh by it, she added. "Saka ang bilis lang ng panahon. Gaya natin, parang kahapon lang ang atungal ko sa sinehan tapos nakilala kita pero ngayon look, ama kana ng anak ko. Ang bilis-bilis lang pero mahal na mahal parin kita."

Lalong napasubsob ang mukha ko sa beywang niya. I coudn't hide my wide smug smile, aisheyt!

"Ika'y kinikilig!"

She tease in a singsong tapos kiniliti ang tenga ko, napaatras tuloy ako. Kitang-kita ko sa mata niya na mangaasar na naman.

"Bwahahaha parang kang kamatis Marc pero yong pabulok na!"

Nagiinit kasi ang tenga pati buong mukha ko, kinilig talaga ako sa sinabi niya pero siya rin ang unang nanira ng kiligvibes ko.

"Pengkom ka!" I exclaimed.

She stuck her tongue out. "Blushie, blushie baby. Kilig na kilig? Sus teenager ka boy?!"

Natawa nalang din ako sa pangasar niya, lagi naman eh, kahit ano pang pambabash na gawin sa'kin ni Kaele ay mauuwi at mauuwi parin ako sa pagtawa kasabay ng halakhak niya.

How can I stay mad to this cutie creature?! Not a second passed, though. Puno ng karupukang pag-amin ng utak ko.

"Hey, diba ishi-shave kita?!" Puno ng kapilyahang paalala niya. Itinaas-baba niya pa ang kanyang lapis na kilay, on flick daw iyon.

"Come, baby!" Mapangakit niya pang dagdag kaya natawa nalang ako.

"Maliw!" Binitiwan ko na siya at naglakad na pa-banyo, mauna na daw ako kasi kukuha siya ng pamalit namin.

Pumasok na ako at hinintay siya sa loob, I intently stare at my reflection through the big mirror. Mahaba na nga talaga ang balbas ko, medyo nagiba na din ang mukha ko, mas lalong gwumapo.

Alagang Kaele, kasi nga daw: Only Kaele touches your skin.

Ngisi-ngisi akong nong pumasok siya bigla, dala ang gagamitin niya.

"Upo!" She demanded sabay ayus ng upuan. "Dito ka dali."

Wala akong nagawa kundi ang maupo at maghintay sa sunod niyang gagawin. She looks so serious and focus while putting a shaving cream.

"Hindi na ba ako magkakasugat-sugat? Hindi pa nawawala ang trauma ko nong una mo tong ginawa, Kaele babe."

Tinampal niya ng cream ang bibig ko, ang bigat talaga ng kamay niya.

She gave me her infamous resting bitch face. "Di bale after nito wala ka nang makikitang buhok sa katawan mo." She threatens me with her menacing tone. "Behave nga, kaya na nasusugatan kasi ang harot-harot mo, keep still." She commanded.

That made me chuckle, keep still huh? "Okay po, captain."

Hindi nagtagal ay nagumpisa na siyang ahitin ang balbas sarado kong mukha, I stare intently at her. So beautiful!

She gave me a peck on my head, napapikit ako at hinayaan ko na siyang araruhin ang mukha ko. I just felt her soft and precise movement as she shave my face. Ilang beses akong napabuntong-hininga ng malalim, ayokong imulat ang mga mata ko, gusto ko lang patagalin ang oras para makasama ko siya ng matagal.

"I miss you, babe." I mummbled.

I heard her chuckles. "Sus, umaarte ka na naman, big baby."

I smiled dryly. "Sana nga arte lang to, babe pero hindi eh. I miss you even more, each passing day."

"Ako din eh, love you!" She always makes my heart flinch and flip at the same time. "Huwag kang magalaw bebe, mamali ak— oh shit! Fvckingtape, hala dumugo na naman!"

I automatically shouted. "OUCH! DAMN IT!"

I felt the sudden sting on my left cheek, kung saan nakatutok ang kanyang shaving blade. Sabi na eh, pang world class talaga ang talent niya.

"Babe, kumuha ka ng towel. Ohmy—!"

I laugh aloud, napahawak ako sa duguan kong pisngi. "Hanggang ngayon babe, apakagaling mo parin."

Napatingin kami sa pinto nong may narinig kaming nagmamadaling kumatok.

"Sir, okay lang ba kayo diyan?! Sir Marc, ano pong nangyayari sa inyo?"

Siguro napadaan si Yaya Lupe sa silid namin at narinig niya ang sigaw ko kanina nong napa-aray ako. 

Binuksan ko ang pinto nong sinabihan ako ni Kaele, Yaya Lupe's frightened face welcome my sight. Napahihaw pa siya dahil nakita niya ang duguan kong pisngi pati kamay.

She exlaimed in panic. "Ai malooy ka dolor, sandali lang sir hahanap ako ng tuwalya pati medicine kit."

Natawa nalang ako dahil tarantang-taranta si Yaya at umalis na pababa para kumuha ng panlinis sa sugat ko.

"She's in panic, babe. Ikaw kasi eh tinakot mo na naman si Yaya Lupe." I said while getting the bloody blade on the floor.

Kinukot niya ang kanyang kuko habang nakokonsensiyang minamasdan ang balbas kong hindi pantay. "Eh kasi ikaw ang gulo mo, lemme check hayaan mo hihintayin natin si Yaya Lupe para malinisan ko iyan."

She held and check my face, I flashed her my smirk. "Sus trademark mo kaya to, huwag ka ng kabahan. I've been waiting for this to happen." I caress her worried cheek.

"M-masakit pero mas gusto ko to, mas g-gusto kitang k-kasama."

Ang pabalyang pagbukas ng pinto ang nagpabalik ng aking katinuan, I give her a reassuring smile. Yaya Lupe entered my bathroom with her worried expression and her big medicine kit.

Inabot ko ang box. "Yay akin na po, si Kaele ang gagamot sa'kin total siya po ang nanakit sa guwapo kong mukha."

Natawa ako nong namula ang mukha ni Kaele at inambahan ako ng suntok, nandidilat pa.

"Sige na Yay siya na ang bahala sa'kin, she is the best nurse in this home." I mock her and gave her the kit. "Diba, baby? You'll take care of my wound?"

Giving her a winked and sly smile as she took the box in my hand.

Maiilalarawan ang pagtutol sa reaksiyon ni Yaya Lupe. "Pero Sir si Ma'am Kaele..."

I cut her words. "I'm okay, Yaya Lupe. Sige na po, gagamutin na ang sugat ko." Napipilitang humakbang si Yaya para iwanan na kami. "Yakang-yaka ko na po, Yay I'll fix this."

She nodded and close the bathroom's door slowly while giving me a hesitant glare.

Napahugot nalang ako ng malalim na hininga at napailing.

"Haiyst, come here na Marc baby." She patted the vacant chair so I sitted therd, watching my bloody face in the mirror. "Masakit ba Marc?!"

It took me a while before I digest what she just asking, so I answered honestly. "S-Sobra-sobra na K-Kaele."

I stiffle a sob and cry a river instantly, copious of tears that's been cascading in my cheeks, as I close my eyes tightly.

"Ang s-sakit-sakit t-talaga!" Basag at utal-utal kong pagamin habang ginagamot niya ako. "M-mahal na m-mahal k-kita kahit n-nananakit ka!"

She laugh at my crying time, tila inaasar ako dahil nagpapababy na naman. "Sorry na kasi...love you, babe."

"I- I l-love l-loving y-you." I barely whispered and caress her side cheeks.

She patted my cheek back, gently. "Pang-sine na ang actingan natin babe ah, stop na huwag kang pabibo hindi ka hakdog. Nag-sorry na naman na ako kaya don't you try guilt-trippin' on me."

I just let her tend my open cut, her hands are so gentle as she move.

"Tatapusin mo pa ba ang naumpisahan mo, Kaele?" Aniya.

She shook her head eagerly, frowning her temple. Brushing away my tears as she speaks. "Hayaan mo na, bagay naman sayong hindi pantay ang balbas para kang sanggano pero hindi mo sure."

We both laugh by her words, maliw talaga tong babaeng to. Yet still, I will never get tired loving and living our moments together.

Nothing can make me fully happy unless I am with my son, GD and my lovely wife, Mikaelle. 'Dahil ang happy lang non walang ending, every moments spent with them are pure happiness.'

*****

clxg_drgn

#aisheytkinikiligako!