Hinabol ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che at hinawakan iyon.
Kung simpleng pagnanasa lang ang nararamdaman niya para dito, bakit biglang nawala iyon pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi nito?
"I'm sorry. Kung ayaw mong gawin ito, hindi kita pipilitin," marahang wika ni Gu Jingze.
Totoo ngang hindi niya pa naranasang malagay sa sitwasyon nito.
Masyado lang siyang nadala sa sinabi ni Chen Yucheng at dahil lang sa isang pangungusap na iyon ay napuno ang isip niya sa pagnanasang maangkin ito at hindi na niya naisip ang mararamdaman nito.
Si Lin Che nga talaga ang dehado rito.
"Pinapangako ko sa'yo. Hangga't hindi ko pa naiintindihang maigi ang sarili ko, hindi ko na ulit gagawin ito sa'yo," pangako ni Gu Jingze.
Napapitlag si Lin Che at napatingin sa mukha ni Gu Jingze. Nabagbag ang kanyang puso sa narinig.
Ang mga lalaki kasi ay sunud-sunuran sa kung ano ang iniuutos sa kanila ng kanilang ibabang katawan. Pero kung binalewala man nito ang init na nararamdaman at inisip ang kanyang kapakanan… ibig sabihin ba nito ay nag-aalala ito para sa kanya?
Gaano man kasimple ang bagay na iyon, sapat na para mapuno ng kasiyahan ang kanyang puso.
Napakadali lang talaga niyang pasayahin. Kahit kaunting effort lang ay masaya na siya.
"Pero kung nagagalit ka dahil sa regalong ibinigay ni Mo Huiling, sasabihin ko sa'yo…"
Tumalikod si Gu Jingze at may binuksang kabinet.
Sa loob ay makikita ang napakaraming mga box. Nanlaki ang mga mata ni Lin Che.
Habang nakatingin sa naggagandahang mga karton ay nagtanong si Lin Che, "Ano-ano ang mga 'to? Parang hindi pa sila nabubuksan kahit minsan."
Hinipan nang marahan ni Gu Jingze ang mga alikabok na nagtipon doon at sinagot ang tanong ni Lin Che, "Iilan lang ang mga nabuksan ko na diyan, karamihan ay nakabalot pa rin. Si Mo Huiling ang nagbigay ng lahat ng iyan simula pa noon."
Hindi makapaniwalang tiningnan ulit ni Lin Che ang mga regalo, "Bakit itinago mo lang lahat ng yan dito?"
"Halos taon-taong may ibinibigay sa akin si Mo Huiling pero hindi ko naman napapakinabangan ang mga iyan. Wala rin akong panahon para asikasuhin pa ang mga ganyang bagay. Patuloy lang siya sa pagbibigay at balewala lang sa kanya kung ginagamit ko man ang mga iyon o hindi. Kaya, dito ka nalang sila inilalagay. Iyong nakita mo, nagkataon lang talaga na wala na akong panahon para maitago kaagad iyon."
Kung ganun, balewala lang din pala yun kay Mo Huiling. Hindi nito iniisip kung mapapakinabangan ba yun ni Gu Jingze o hindi. Wala itong pakialam kung tatanggapin ang mga iyon ni Gu Jingze o ibabalik lang. Matagal na panahon na nito itong ginagawa at kung sakaling tumanggi man si Gu Jingze ay iisipin kaagad nito na nagbago na ang pagtingin nito sa kanya.
Medyo napaka-makasarili naman ng babaeng ito.
Hindi pa rin lubusang tumatatak sa isip ni Lin Che ang nalaman, "Wow, mamahalin ang lahat ng mga ito. At mga regalo ito. Paano mo…"
Hindi siya pinatapos ni Gu Jingze, "Simula pa man nung una, palagi ko siyang sinasabihan nang mahinahon. Hindi nagtagal ay napagtanto ko na parang nagsasayang lang ako ng oras dahil sobrang busy ko na talaga nang mga panahong iyon. Palagi akong nasa labas ng bansa dahil sa negosyo. Halos sa plane na nga ako nakatira at wala akong sapat na panahon para gantihan ang mga ibinibigay niya. Ang tanging nagagawa ko na lang ay ang itago ang mga ito dito at maghintay ng pagkakataon kung kailan maaasikaso ko na ang mga ito."
Naisip ni Lin Che na medyo nakakatakot itong si Mo Huiling.
Magkano na ba ang nagastos nito para sa lahat ng mga iyan?
Pero mayaman naman kasi ito. Iyan ang pinagkaiba nito sa katulad niyang mahirap lang.
Gusto niya rin namang magbigay pero wala siyang maraming pera kaya dapat ay mula sa puso niya ang pagbibigay. Hangga't bukal sa kalooban niya ang pagbibigay, hindi na mahalaga kung paminsan-minsan niya lang na gagawin yun. Sapat na yun kahit bigyan niya lang ito ng kahit ano na magagamit nito araw-araw o anumang mapapakinabangan talaga nito.
Marami siyang nakita sa loob na mga tie clips, bracelets, kurbata, sapatos, at iba pang mga klase ng gamit. Sa isang tingin lang ay masasabi kaagad na mga branded ang mga iyon. At kahit sinong makakakita ng mga iyon ay tiyak na maiinggit.
"Ang swerte mo nga at may girlfriend kang ganyan; kung may iba mang makakakita ng mga ito, hindi mo alam kung gano sila maiinggit sa'yo."
"Anong girlfriend?" seryoso ang mukhang tanong ni Gu Jingze.
"Hindi ba't girlfriend mo siya? Ang laki na ng ginasto niya para sa'yo. Ang bawat isa sa mga ito ay nagkakahalaga ng ilang libo."
"Noong una, oo masaya rin ako. Pero kalaunan, narealize ko na mas dumalas na ang pagbibigay niya sa akin ng mga regalo dahil nakikita niyang masaya ako. Habang dumadalas ang pagbibigay niya, mas nawawalan na ng kahulugan ang mga iyon. Nag-uutos lang din naman siya ng tao para bumili ng mga ibibigay sa akin at hindi ko naman talaga kailangan ang mga iyon. Dumating na lang ang araw na nawalan na ako ng gana."
Napatango-tango nalang si Lin Che at naisip na totoo nga na kapag magbibigay ka, puso ang pinakamahalaga. Dahil kung magbibigay ka lang nang magbibigay dahil nakasanayan mo na, nawawalan ng saysay ang iyong ibinibigay.
Nagdikit naman ang dalawang kilay ni Gu Jingze, "At sinong may sabi sa'yo na girlfriend ko siya?"
Nagtatakang tumingin si Lin Che, "Bakit, hindi ba?"
"Ang totoo niyan, simula pa lang nang una, sinabi ko na sa kanya na pwede siyang maghanap ng ibang lalaki dahil ikinasal na ako. Pero talagang ayaw niya. At nilinaw ko na sa kanya noon na may asawa na akong tao. Hindi na tama kung makikipagrelasyon pa rin ako sa kanya. Matagal na kaming hiwalay."
Nalaglag ang panga ni Lin Che dahil sa narinig.
Nilinaw na nito kay Mo Huiling?
Naniningkit ang matang tiningnan ni Gu Jingze si Lin Che, "Hwag mong sabihing ganyan kasama ang tingin mo sa akin?"
"Akala ko kasi kaya mo sinabi na hindi magtatagal at magdi-divorce din tayo kaagad, ay para maipagtuloy niyo na ang relasyon niyo."
"Nagsasabi ako ng totoo. Ayokong umasa si Mo Huiling at ayaw din kitang ipahiya. Kung ipapagpatuloy ko ang relasyon ko sa kanya na katulad ng dati, ano nalang ang sasabihin sa'yo ng ibang tao? Hwag kang mag-alala. Hindi ako papayag na mangyari yan sa'yo."
Napuno ng kagalakan ang puso ni Lin Che na halos hindi na niya alam kung ano ang sasabihin.
Napakabuting tao talaga nito.
O baka dahil, madali lang talaga siyang pasayahin.
Buong akala niya kasi talaga ay magkasintahan pa rin ang dalawa kaya pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa hiya dahil sa posisyon niya sa pagitan ng dalawa. Pero ngayon, medyo lumuwag na ang pakiramdam niya. Sapat na ang malaman niyang nag-aalala ito para sa kanya.
"Gu Jingze… Ano… Ano kaya…" nag-aalangang wika niya.
Habang nakatitig sa sahig ay namumula ang pisnging sinabi niya, "Pwede kong gamitin ang kamay ko para tulungan ka… Dahil kung hindi ko naman gagawin ito, baka sobra-sobra na ang hirap na tinitiis mo hanggang ngayon…"
Napailing si Gu Jingze. Iniisip na nagkamali yata siya ng narinig.
Pero hindi eh. Iyon ang narinig niya.
Tinitigan niya ang mapula nitong mukha. At dahil ito mismo ang nagkusa at nag-alok sa kanya na gawin iyon, tuluyan ng nagwala ang kanyang katawan at hindi na nakinig sa sinasabi ng kanyang isip.
Gusto niyang sabihing 'huwag' pero trinaydor na siya ng sariling katawan.
Masyadong nadala si Lin Che sa mga narinig kaya wala sa sariling nasabi niya ang mga iyon. Pero nang makita niya ang galit na umuumbok sa pantalon ni Gu Jingze, parang gusto niyang magsisi.
Nagsalita si Gu Jingze, "Suutin mo iyan para makita ko. Pwede mo bang gawin iyan?"
Pumihit siya para lingunin ang tinutukoy nito, kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya.
Ang damit na tinutukoy nito ay kasama sa mga 'regalo' na ipinadala ni Shen Youran. May pagka-makapal din naman iyon pero ang disenyo nito ay sinadyang kakapit at didikit talaga sa katawan.
Binigyan niya ng isang dangkal, pero sobra pa sa milya ang hinakbang ni Gu Jingze.
Ganunpaman, nadala na siya sa mga sinabi nito. Hindi na nga siya masyadong nag-isip at sumunod sa gusto nito…
Sa banyo.
Tinanggal ni Gu Jingze ang pagkakabutones ng suot nitong pantalon at umupo sa kama. Hindi siya mapakali. Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo at mabilis na tiningnan.
Sinusubukang takpan ni Lin Che ang kanyang maseselang bahagi ng katawan. Hindi iyon masyadong bukas pero mas lalo siyang nagmukhang sexy dahil doon.
Naging malikot kaagad ang mga mata ni Gu Jingze habang nakatingin sa kanya. Makikita sa mga mata nito ang matinding pananabik…