Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 81 - Para Sa Pagpapatuloy Ng Lahi

Chapter 81 - Para Sa Pagpapatuloy Ng Lahi

Sinamaan lang ng tingin ni Lin Che si Gu Jingze. "At sino namang magkakagusto sa'yo? Masyadong mataas ang tingin mo sa'yong sarili!"

Hinawakan ni Gu Jingze ang mukha at tiningnan si Lin Che, "Pero bakit nang hinalikan kita kahapon, mukhang nagustuhan mo naman iyon ah."

". . ." Dumila naman sa kanya si Lin Che at napabulalas. "At sinong may sabi? H-h-hoy… manigurado ka muna bago ka magsalita ha! Ang sabihin mo, takot na takot ako, okay?!"

"Talaga ba? Bakit pakiramdam ko eh nag-enjoy ka pa nga?"

"Pwes, nagkakamali ka!"

Nanunukso ang ngiti ni Gu Jingze, ang kanyang bibig ay kakikitaan ng isang ngiting nanunudyo lalo kay Lin Che.

"Maniniwala lang ako sa'yo kung mararanasan ko itong muli," sabi ni Gu Jingze sabay lapit sa kanya.

Nabigla naman si Lin Che dahil sa mabilisan nitong paglapit sa kanya kaya napaatras siya.

Ngunit, umabante naman si Gu Jingze. Ang isa nitong kamay ay nasa sofa habang hawak ang kamay ni Lin Che na ginagamit nito upang itulak siya palayo. Hinawakan niya ang pulso nito at itinulak sa may sofa.

Nataranta si Lin Che. "Hoy… Lumayo ka nga, Gu Jingze. Ano ba, nasa sala tayo."

Tinitigan lang ni Gu Jingze ang pagkataranta sa kanyang mga mata habang ang pisngi nama'y pulang-pula sa hiya. Lalo lang siyang naakit dito.

"Ano namang mali kung nandito tayo sa sala? Bahay natin 'to at mag-asawa tayo. Walang makikialam sa atin kahit ano paman ang gawin natin o kahit nasaang kwarto man tayo."

". . ." Itinulak ni Lin Che si Gu Jingze. Ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa dibdib nito at ramdam na ramdam niya ang malulusog nitong kalamnan. Lalong lumiit tingnan ang kanyang mga palad sa lapad ng mga iyon.

Walang makapagkakaila na talagang maganda ang hubog ng pangangatawan nito.

Hindi malaman ni Lin Che kung ano ang gagawin. Palapit nang palapit sa kanya si Gu Jingze, habang siya'y patuloy na umaatras. Ang labi ni Gu Jingze'y sumayad na sa may bandang ilong niya kaya't lalong nagwala ang kanyang isip kung ano ang dapat gawin.

"Ngayon sabihin mo sa akin. Nagustuhan mo ba iyon o hindi?" Ang labi nito'y nagtagumpay ng makalapit sa kanyang labi at pagkatapos ay ngumiti si Gu Jingze.

Napakagat ng labi si Lin Che. "Bitiwan mo nga ako, Gu Jingze!"

"Nagustuhan mo ba o hindi?"

"Hindi!"

"Maling sagot!" Muli ay dumampi sa labi niya ang labi ni Gu Jingze.

Namula naman agad ang pisngi ni Lin Che.

"Gu Jingze! Ikaw… Pinagtitripan mo na naman ako. 'Pag di ka tumigil, duduraan talaga kita!"

"Duduraan?" Ngumiti si Gu Jingze. "Para namang hindi ko pa natikman 'yang laway mo."

"Gu Jingze… napaka-weird mo talaga!"

Sumagot si Gu Jingze, "Kung hindi ako weird, edi sana hindi kita pinakasalan."

"Ano…"

Napakasama talaga ng ugali ng lalaking ito!

"Gu Jingze, pag di mo pa ako pinakawalan ngayon, magiging bayolente talaga ako!"

"Ha, gusto kong makita kung paano ka maging bayolente."

"Hindi mo pa ako masiyadong kilala, Gu Jingze!" Ngumiti si Lin Che at biglang itinaas ang tuhod. Sinigurado niyang nakatutok iyon sa pagitan ng hita nito.

"Ouch…" Napa-aray sa sakit si Gu Jingze kaya't nabitawan niya si Lin Che. Napagulong siya sa sofa.

Nabigla din naman si Lin Che. Ang akala niya'y makakaiwas ito kaagad ngunit hindi ito umilag…

Umupo si Gu Jingze sa carpet, namimilipit sa sakit.

Mabilis namang lumuhod sa tabi niya si Lin Che at nag-aalalang tiningnan ang kanyang kalagayan. Buong paumanhin siyang nagsabi, "Sorry, Gu Jingze. Kumusta? Nasaktan ka ban ang sobra?"

Tumingin lang siya kay Lin Che at umiling. "Hindi naman masiyado. Okay lang ako."

"Gaano ba kasakit… sorry talaga. Medyo nasanay akong makipaglaro nang ganyan sa mga kalaro kong lalaki noon at hindi naman sila nasaktan nang ganiyan."

Napatingin si Gu Jingze sa kanya. "Hindi pa masiyadong na-develop ang ano ng mga bata. Kaya siyempre, hindi pa gaanong masakit para sa kanila. At gusto kong malaman mo na malayo ang pinagkaiba ng size ko sa size ng isang bata."

". . ." Masama ang tingin niya kay Gu Jingze. Hindi talaga marunong mahiya. Nagawa pang magbiro nang ganoon.

"Mukhang hindi ka naman nasaktan ah! Nagagawa mo pa ngang magbiro eh!"

Ngumiti ulit si Gu Jingze. "Kaya kong magbiro sa kahit ano, pero hindi ako nagbibiro sa size ko."

". . ."

"Gu Jingze, nagbago ka na talaga. Hindi ka naman ganyan ka-walang-hiya dati ah!"

"Hindi ko lang talaga maiwasan na maging walang hiya kapag ikaw ang kasama ko."

So kasalanan niya pa ito ngayon?

"A-a-ano! At kailan ka pa natutong magsalita nang ganyan?!"

"Hindi ko naman kailangan ng tagapagturo para malaman ang ganitong mga bagay. Naniniwala ako na lahat naman ng lalaki ay nangangarap magkaroon ng anak. At kapag nakakita na sila ng babae na gusto nilang maging nanay ng kanilang mga anak, automatic silang natututong magsalita nang ganiyan."

"Umalis ka na nga! Mas lalo kang nawawalan ng hiya; hindi mo naman na kailangang ipaliwanag pa iyan."

Ngumiti lang si Gu Jingze. Pero talagang nasasaktan pa rin siya.

Habang nakatingin sa ekspresyon ni Gu Jingze, nanatili pa ring nakaluhod doon si Lin Che at nahihiyang nagtanong, "Ano… Pupunta ba tayo sa hospital?"

Tumingin lang sa kanya si Gu Jingze. Ibinaba nito ang ulo at mahinang bumulong, "Magiging okay na ako kahit haplusin mo lang ito."

". . ." Napabulalas si Lin Che, "Hahaplusin? Kalokohan!"

Okay lang haplusin ang kahit na ano, pero sa bandang iyon…Paano niya naman magagawa iyon?

Hinawakan ni Gu Jingze ang kanyang pulso at hinila siya palapit, "Kung hindi mo susubukan, hindi mo talaga malalaman."

Naisip ni Lin Che na hihilain nito ang kanyang kamay pababa sa ari nito nang may biglang nagsalita mula sa pinto.

"Jing…Jingze, ano… ano'ng ginagawa niyo?"

Nandito si Mo Huiling sa oras na ito?

Nabigla naman si Gu Jingze. Hindi niya inaasahan na bigla nalang susulpot nang ganoon si Mo Huiling sa pamamahay niya.

Binitiwan ni Gu Jingze ang kamay ni Lin Che at tumayo.

Tumayo din naman si Lin Che.

Hindi natutuwa ang mukhang tiningnan ni Gu Jingze si Mo Huiling. "Huiling, bakit bigla ka nalang pumapasok dito nang ganiyan?"

Bahay nilang dalawa ito ni Lin Che.

At isa pa, hindi na siya isang bata. Hindi na siya ang batang lalaki na kalaro nito noon at iba na ang sitwasyon nila ngayon. Hindi na katanggap-tanggap kung basta nalang itong papasok sa loob ng bahay nila nang walang paalam.

Paano nalang kung nakahubad pala siya?

Nakatingin pa rin si Mo Huiling sa kanilang dalawa na kanina lamang ay napakalapit sa isa't-isa.

Kung hindi siya nagkakamali ay nakahawak pa nga si Gu Jingze sa kamay ni Lin Che at parang ayaw nito itong bitawan?

Napakalapit ng mga ito sa isa't-isa at para bang may iba pa silang balak gawin.

Hindi kaya'y… magaling na ang sakit ni Gu Jingze?

Puno ng galit at selos na tiningnan ni Mo Huiling si Lin Che.

Walang interes naman na tiningnan ni Lin Che ang dalawa at pinulot ang kanyang mga scripts na nasa mesa. "Iiwan ko na muna kayong dalawa para mag-usap. Pag-aaralan ko lang ang mga scripts ko."

"Lin Che…" Gusto siyang tawagin ni Gu Jingze pero nauna ng makapagsalita si Mo Huiling, "Okay. Salamat, Lin Che."

At humakbang ito palapit at hinila ang kamay ni Gu Jingze.

Napatingin naman si Gu Jingze sa kamay nito at sumimangot. "Huiling, bitiwan mo muna ako. Nandito rin ang mga katulong. Hindi maganda kung makikita nila tayo nang ganito."

Galit na tiningnan ni Mo Huiling si Gu Jingze, "At okay lang na makita nila kayong dalawa ni Lin Che nang ganito? Hinila ko lang naman ang kamay mo at ngayon sasabihin mo na hindi maganda kung makikita nila 'to?"

"Huiling, asawa ko siya. Walang magiging problema kahit makita man kami ng lahat."

"Ano…" Lalong nagalit si Mo Huiling. Kinagat nito ang labi at sumigaw. "Pero hindi ba't ganito naman na ako sa'yo simula nang mga bata pa tayo? Alam iyan ng lahat at wala ring may nakialam sa kung ano ang nakikita nila sa atin. Bakit hindi na pwede ngayon?"

"Okay. Bumitaw ka muna. Sa labas tayo mag-usap."

Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha ni Gu Jingze. Halata ang inis na tiningnan niya si Mo Huiling.

Napansin din naman iyon ni Mo HUiling kaya hindi na ito nagsalita pa at binitiwan nga ang kanyang kamay.

Related Books

Popular novel hashtag