Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 64 - Ako Lang Ang Palaging Binu-bully Mo

Chapter 64 - Ako Lang Ang Palaging Binu-bully Mo

Naging alerto din naman kaagad ang mata ni Gu Jingze. Gamit ang isang kamay ay mabilis niyang hinawakan ang tuhod ni Lin Che.

Naging blangko ang isip ni Lin Che. Itinaas niya ang ulo at tinitigan sa mata si Gu Jingze.

Hindi inaasahan ni Gu Jingze na mangangahas si Lin Che na gawin ang bagay na iyon. Ipinahayag niya ang matinding pagkadisgusto. "Wow, Lin Che. Balak mo bang patayin ang iyong asawa?"

Namula ang buong mukha ni Lin Che. Nang maisip niyang gawin iyon kanina ay hindi sumagi sa kanyang isip na mahahaplos niya ang ibabang bahagi nito. Nagawa niya lang iyon dahil wala na siyang ibang choice…

Ang kamay ni Gu Jingze ay nakahawak pa rin sa tuhod ni Lin Che. Maya-maya ay inilakbay niya ang mga daliri sa malambot nitong balat. Habang namumula ang mukha ay napasigaw si Lin Che, "Gu Jingze, ano ba'ng binabalak mong gawin ha?"

Tiningnan lang siya ni Gu Jingze habang nasa ilalim siya nito. "Ano ba sa palagay mo ang gagawin ko?"

Siyempre, hindi naniniwala si Lin Che na talagang may gagawin ito sa kanya. Dahil may ibang babae itong minamahal, hindi nito makakayang gawin iyon. At isa pa, hindi ba't allergic siya sa mga babae?

Ilang beses niyang sinubukang hilain ang kanyang hita. "Kapag hindi mo ako binitiwan, magbantay ka lang, Gu Jingze. Hindi kita basta-basta palalagpasin!"

Ngumiti si Gu Jingze. Tiningnan nito ang kanyang dibdib na maya't-mayang tumataas-baba dahil sa galit. "Actually, iyan naman talaga ang hinihintay ko. Kung paano mo ako gagantihan."

Napasigaw ulit si Lin Che, "Gu Jingze, nakakatuwa ba'to sa'yo?"

"Bakit? Kung hindi ka natutuwa na gawin ito kasama ko, then kanino mo gustong maenjoy 'to? Kay Qin Qing?"

Sobra-sobra ang galit na nararamdaman ni Lin Che na halos maramdaman na rin niya ang pananakit ng kanyang atay. "Oo! Kung si Qin Qing ang kasama ko dito, mas mag-eenjoy ako!"

"Ano…" Hindi namalayan ni Gu Jingze na napahigpit ang pagkakahawak kay Lin Che. Kaagad namang nakaramdam ng sakit si Lin Che sa kanyang siko.

"Bitiwan mo nga ako sabi, Gu Jingze. Ikaw lang ang taong nambu-bully ng ganito!"

"Bully? Sa tingin ko'y hindi mo pa masiyadong alam kung ano ang tunay na bullying." Pagkasabi nito ni Gu Jingze, lalo niyang idinagan ang katawan kay Lin Che. Ang kanyang kamay ay ipinasok sa ilalim ng damit nito at itinaas.

Sensitibo ang dibdib ni Lin Che at kaagad sumasakit. Nang hawakan nito ang kanyang dibdib, kaagad nanigas ang buo niyang katawan. Para bang may pumasok na ilang boltahe ng kuryente sa loob. Halos mapatili siya sa pagkabigla.

Hinawakan niya ang malikot nitong kamay upang patigilin ito sa ginagawa. Tinitigan niya ito nang masama. "Ikaw… Gu Jingze… nagiging bastos ka na naman!"

Ang nararamdaman lamang ni Gu Jingze ay ang kasiyahan habang nakahawak sa katawan nito. Ilang sandali siyang nag-atubili na bitiwan ito.

Habang nakatitig sa babaeng nasa ilalim niya ay pagalit niyang sinabi, "Sisiguraduhin ko sa'yo ngayon na hindi ka na uulit pa."

Pagkatapos sabihin iyon ay muli nitong pinisil nang mahigpit ang kamay.

Hindi na nakayanan pa ni Lin Che ang sakit kaya nagpakawala na siya ng ingay.

Nang marinig iyon ni Gu Jingze, may kumirot rin sa kanyang puso. Ang nang-aakit niyang mata'y dumako sa mukha ni Lin Che, na kasalukuyang nangingintab sa pawis. Muli ay nahila paitaas ang damit nito, dahilan upang tumambad sa kanyang mga mata ang patag nitong pusod. Habang nakatingin doon ay parang may kung anong nag-aanyaya sa kanya.

Kinagat ni Lin Che ang labi. Pinandilatan niya ang lalaking nakapatong sa kanya na para bang isang hari.

"Siyempre naman. Gagawa pa ako ng ibang gulo. Kaya, maghanap ka nalang ng ibang babae na hindi magbibigay sa'yo ng sakit sa ulo!" Tulad ni Mo Huiling, hindi ito magbibigay ng sakit ng ulo kay Gu Jingze kaya dapat ay ito ang puntahan nito.

Hindi nito kayang i-bully si Mo Huiling. Siya lang ang kaya nitong pagtripan nang ganoon.

Alam naman ni Lin Che na hindi siya nababagay dito, at lagi nalang siyang nasasangkot sa mga gulo. Ganoon pa man, hindi niya rin ginusto ang lahat ng ito.

Sadya lang talagang hindi siya ganoon kaswerte, kaya lagi nalang siyang nahaharap sa ganoong mga sitwasyon.

Kasama ng lalaking nasa harap niya ngayon, isa rin ito sa mga problema niya. Sa katunayan ay ito ang itinuturing niyang pinakamalaking problema niya.

Muling humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya at halos maiyak na si Lin Che sa sobrang sakit.

Dahil wala pa siyang gaanong experience sa mga lalaki, ang tanging nararamdaman niya ngayon ay pagkahiya. Ngunit sa kaloob-looban ng kanyang puso ay mayroong kaunti't hindi malinaw na komportableng pag-aasam. Marahil ito ay dahil sa taglay nitong pang-akit kaya hindi mapigilan ng kanyang puso na mag-init para dito.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Nagsimulang humina at parang namamaos ang boses ni Gu Jingze. Ang boses nito'y parang natural na may dalang pang-akit at kahali-halina sa pandinig ni Lin Che.

Kanina pa naninigas ang buong katawan ni Lin Che dahil sa mahigpit nitong pagkakadagan sa kanya. Sa bawat paglipas ng segundo'y lalong umiigting ang kanyang galit dito kaya't direkta siyang sumigaw, "Kung gusto mo akong patayin o balatan ngayon, gawin mo kung iyan ang gusto mo! Dahil ayaw mong gumagawa ako ng gulo, pwes maghanap ka nalang ng ibang babae!"

"Ano? Pinuntahan kita doon pero ito'ng igaganti mo sa akin? Kung hindi ako pumunta, magkasama na siguro kayo ni Qin Qing ngayon, ano?"

"Oo naman! Ano… Napakahirap para sa akin ang makahanap ng pagkakataon na magmukhang kaawa-awa sa harap ni Qin Qing! Pero sinira mo ang pagkakataong iyon!"

"Ikaw… gusto mo bang mamatay?!" namula ang buong mukha ni Gu Jingze habang pinapakinggan ang sinasabi ni Lin Che.

"Bakit, ano pa ba'ng gagawin mo sa akin ha?"

Gamit ang dalawang kamay, malakas at biglang pinunit ni Gu Jingze ang suot na damit ni Lin Che.

Nilukob ng lamig ang buong katawan ni Lin Che…

Sa sumunod na sandali'y sinakop ng katawan nito ang katawan ni Lin Che. Hinawakan nito ang kanyang labi at pwersahan iyong kinagat na para bang pinaparusahan siya nito…

"Aahh…" Napasigaw sa sakit si Lin Che.

Pakiramdam ni Lin Che ay isang halimaw si Gu Jingze.

Sobrang sakit ng ginawa nito kaya't hindi na niya napigilang tumulo ang mga luha at nag-uunahang bumagsak sa gilid ng kanyang tainga. Maliban sa sakit ay napuno ng galit ang kanyang puso.

Hindi niya kayang tiisin ang ganoong pasakit sa kanya, sa katawan at sa isip. Pakiramdam niya'y napakahina niya.

Bukod pa rito ay hindi pa rin gaanong bumababa ang kanyang lagnat kaya mahinang-mahina pa rin siya.

Wala siyang lakas para labanan ang lalaking ito na nambubully sa kanya.

Samantala, nagdulot naman ng kakaibang damdamin kay Gu Jingze ang init sa kanyang dila.

Mapusok at buong lakas niyang pinaglaruan ang labi nito at halos higupin ang lahat ng hininga nito.

Hindi niya makontrol ang pag-iinit ng katawan. Ngunit, bago pa man siya tuluyang mawalan ng control sa sarili, dumampi sa kanyang kamay ang luha ni Lin Che.

Mabilis niyang binitiwan si Lin Che. Iniyuko niya ang ulo at tiningnan ito.

Nagmukha itong kaawa-awa dahil sa basing-basang pisngi na dulot ng luha. Dahil dito ay pakiramdam ni Gu Jingze na ang sama-sama niya at para bang tinutusok ng karayom ang kanyang puso.

Napahinto sa pagtibok ang puso ni Gu Jingze. Bagama't nakikita niyang umiiyak ito, hindi niya malaman kung ano ang kanyang gagawin.

Hindi niya pa naranasan na may babaeng umiiyak sa harapan niya. Hinawakan niya ang mga balikat ni Lin Che. "Tahan na. Huwag ka ng umiyak. May masakit ba sa iyo?"

Niyakap niya si Lin Che at umupo habang ang mga kamay ay nakabalot sa katawan ni Lin Che. Kinarga niya ito upang iupo sa kanyang mga hita. Dahil hindi niya alam kung ano ang tamang gagawin, kinuha niya ang isang panyo sa gilid at pinunasan ang mga luha sa mukha nito.

Galit na sinabi ni Lin Che, "Ang mam-bully lang sa akin ang tanging alam mo!"

". .. " Nanigas ang puso ni Gu Jingze.

Sino ba'ng nambubully?

"Oo na, oo na. Kasalanan ko na."

"Nasira na ang damit ko." Ibinaba ni Lin Che ang mukha at tinakpan ang dibdib.

Napatingin naman si Gu Jingze doon at muli na namang nag-init ang kanyang katawan. "Babayaran na lang kita para diyan."

"Hindi sapat ang isang damit lang."

"Oo na. Papalitan ko iyan ng isandaang piraso."

"Pwede na din iyan." Pagkasabi niya nito ay nakaramdam na naman siya ng antok; para bang may ininom siyang gamot at ngayon palang tumatalab.

Humikab siya bago sumandal sa balikat nito; napakalabo at napakabigat ng kanyang utak.

Niyakap siya ni Gu Jingze at hinayaan siya nitong matulog sa kanyang mga balikat. Hinawakan niya ang mga kamay at paa nito; hindi na ito masiyadong malamig gaya kanina. Mukhang bumababa na ang lagnat nito.

"Matulog ka na. Magiging maayos na ang pakiramdam mo pagkagising mo." Napasimangot si Gu Jingze dahil para siyang nag-aalaga ng isang bata.

"Hindi mo na pwedeng gawin ulit ito sa akin." Mahinang sabi ni Lin Che kahit ang mata nito'y nakapikit na.

"Oo…' Kapag ginawa niya pa ulit iyon ay baka mauna pa siyang mamatay sa kamay nito.

Nang mapansin niyang nakatulog na nga ito ay noon lamang niya ibinaba si Lin Che.

Kinumutan niya ito at naaawang pinagmasdan ang hitsura nito na para bang isang maliit na bata.

Tunay ngang isa itong anghel kapag natutulog at kabaliktaran naman kapag gising; dahil doon ay hindi niya napigilang mapasimangot.