Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 20 - So, Lilipat Ka Ba O Hindi?

Chapter 20 - So, Lilipat Ka Ba O Hindi?

Kung pwede lang sanang lamunin na siya ng lupa ng mga oras na iyon. Kinakalikot niya ang kanyang mga kamay habang nakatingin kay Gu Jingze at parang tupa na nagsalita, "Kagabe..."

"Mas tama siguro kung sasabihin mo na 'kaninang umaga' kasi halos umaga na nang umuwi ka." Pagkatapos ay humigop ito ng kape mula sa hawak na tasa.

"..." Fine. Mabagal namang nagsalita si Lin Che, "S-sorry. Nalasing kasi ako. N-nakalimutan ko kung ano'ng ginawa ko." Plano niyang magpanggap na walang alam sa mga nangyari.

Itinaas ni Gu Jingze ang kilay at tumingin sa kanya. "Wala ka namang ginawa."

"Ah ganon ba," sagot naman ni Lin Che.

Kumislap ang mga mata ni Gu Jingze. "O di kaya'y umaasa ka na sana mayroon kang ginawa?"

"H-hindi naman sa ganoon. Mas mabuti nga kung wala talaga akong ginawa." napayuko naman si Lin Che dahil sa nararamdamang guilt.

Mataman naman siyang tinitigan nito. "Parang nakalimutan mo ang lahat, ah?"

Mabilis namang sumagot si Lin Che, "Oo. Oo. Wala talaga akong maalala."

Lalong lumapit si Gu Jingze at masama ang tingin na tumitig sa mukha ni Lin Che, "Hinalikan mo ako kagabe."

Kaagad namang tumanggi si Lin Che. "No way. Walang nangyaring ganyan kagabe. Malinaw sa alaala ko na sinukahan kita bago pa man kita mahalikan."

Nang matapos na siya sa pagsasalita ay noon niya lang narealize ang kanyang sinabi. Kaagad niyang tinakpan ang kanyang bibig.

Tumaas naman ang kilay ni Gu Jingze. "Mukhang hindi mo naman talaga nakalimutan ang mga nangyari."

Gustong-gusto ni Lin Che na sampalin ang sarili dahil sa sobrang kahihiyan.

Habang namumula ang kanyang mukha, iniyuko niya ang kanyang ulo. "Sorry. Kahit alam kong may asawa na ako ngayon, ganoon pa rin ang ikinilos ko... Kasalanan ko 'to. Lasing lang ako kagabe kaya hindi ko talaga alam. Hindi na 'to mauulit next time."

"May next time pa?" Nakakunot ang noo ni Gu Jingze.

"Wala na, wala na. Wala ng second time pa, at least, wala habang kasal pa tayo."

Tiningnan niya muna nang masama si Lin Che bago tumayo. Agad naman itong umalis nang hindi na lumilingon.

Punong-puno naman ng pagsisisi ang mukha ni Lin Che habang magkadikit ang mga kamay na nakaupo doon.

Tinawag niya pa talagang "Hubby" si Gu Jingze, niyakap, at humingi pa ng halik.

Mas gugustuhin niya na lang mamatay.

Hindi niya ito masisisi kung magalit man ito nang husto. Sa una pa lang, nagkasundo na sila na hinding-hindi sila manghihimasok sa kani-kanilang mga problema pero kagabe... kabaliktaran ang kaniyang ginawa dahil sa sobrang kalasingan. Tinawag niya pa itong Hubby kahit nasa kontrata lang naman ang kasal nila.

Sa lahat ng oras, lagi itong nasusunod. Kaya nang marinig nito na may tumawag sa kanya ng Hubby, malamang sobra-sobra ang galit nito.

Isa pa, kung gusto nitong may tumawag sa kanya ng Hubby, siyempre dapat si Mo Huiling 'yon. Kahit kailan hindi nito magugustuhan na marinig siya na tawagin itong Hubby.

Tinampal niya ang kanyang ulo dahil sa sobrang pagkadismaya.

Nang makita ito ng katulong, agad siya nitong nilapitan. "Madam, ano pong nangyari sa'yo?"

"Wala 'to. Medyo masakit lang ang ulo ko."

"Madam, siguro po hindi masyadong nakatulog si Sir kagabe kaya mainit na naman ang kanyang ulo. Isa pa po, mukhang hindi po siya okay. Wag na po kayong mag-alala pa, Madam", mahinang sabi ng katulong.

Napaangat siya ng kanyang ulo. "Hindi siya nakatulog nang maayos kagabe? Nahirapan ba siya dahil sa'kin?"

"Hindi po. Naligo po si Sir kagabe nang halos kalahati ng buong magdamag, kaya hindi po siya nakatulog nang maayos."

Ano?

Hindi naman ito maintindihan ni Lin Che. "Alam mo napakarami ng mga weird habits ng amo mo. Bakit siya maliligo nang walang dahilan?"

Hindi rin alam ng katulong ang dahilan. Kaya nanghula nalang ito at nagsabing, "Nakita ko pong dumating si Dr. Chen ngayon lang. Baka po siguro dahil nagpalit si Sir ng bagong gamot kaya ganoon."

Tumango naman si Lin Che at naisip na nakakaabala naman talaga ang sakit ni Gu Jingze.

Sa kabilang banda naman, sa study room ni Gu Jingze...

Nakatingin si Gu Jingze sa doktor. "Kamakailan lang ay marami akong napansing pagbabago sa aking katawan."

Hindi ito ang una o pangalawang araw ni Chen Yucheng na paggagamot sa sakit ni Gu Jingze. Sampung taon na niya itong ginagawa mula nang magsimula ang sakit nito. Kaya nang marinig niya ito, hindi na masiyadong nanibago. "Anong mga pagbabago?"

"Nitong mga nakaraang araw, kapag hinahawakan ko si Lin Che, hindi naman ako masyadong naaasiwa sa kanya. Wala ring lumalabas na mga rashes. Nagtataka lang ako kung dahil ba ito sa may nangyari na sa amin ni Lin che dati kaya parang hindi ako masyadong nagre-react?"

Nagkibit-balikat naman si Chen Yucheng. "Sa palagay ko, posibleng ganyan nga."

Sumimangot si Gu Jingze. "Gusto ko ng saktong sagot, hindi ang posibilidad lang."

Hindi naman napigilang mapabulalas si Chen Yucheng. "Sir, 'yang sakit mo pong 'yan ay talagang kakaiba. Baka nga ikaw lang ang nag-iisang may ganyang sakit sa buong mundo. Kaya, parang case study ko lang po itong kaso mo. Paano ko naman po kayo mabibigyan ng saktong kasagutan?"

Sumama ang tingin ni Gu Jingze at nagdilim ang kanyang ekspresyon.

Huminga nang malalim si Chen Yucheng at nagpatuloy. "Pero, Sir. Ang hindi mo lang po kayang gawin ay mahawakan ang isang babae. Hindi naman po ibig sabihin na hindi ka na titigasan. Maayos naman po ang ibang bahagi ng iyong katawan katulad ng isang tipikal na tao, kaya normal lang po sa'yo na magkaroon ng feelings sa isang babae."

"No way." Tiningnan siya ni Gu Jingze. "May Huiling na ako at ano man ang nangyari sa aming dalawa ni Lin Che, aksidente lang ang lahat ng 'yon."

"Kung ganoon man po... pwede mo pong subukan ulit na gawin 'yon para malaman kung maiiba ba ang reaksiyon ng iyong katawan."

"Hindi pwede. Hindi ito isang experiment." Tumayo na si Gu Jingze, kinuha ang kanyang damit, at lumabas.

At hindi rin isang bagay si Lin Che.

----

Sa isang Western Restaurant.

Eleganteng nakahawak ng isang kutsilyo at tinidor sa magkabila niyang kamay si Gu Jingze habang hinahati ang karne sa kanyang pinggan.

Sa kaliwa ay nagpapatugtog ng musika ang violinist, na nakapagbibigay naman ng relaxing na pakiramdam sa loob ng high-class na restaurant na iyon.

Nakangiti si Mo Huiling habang kumakain. "Masarap talaga ang mga pagkain nila dito."

Tumango si Gu Jingze. "Masarap nga."

Napansin naman ni Mo Huiling na parang may mali sa ekspresyon ni Gu Jingze. "Jingze, bakit parang ang tamlay mo ngayon?"

Bahagyang itinaas nito ang ulo. "Baka dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabe."

Nalukot naman nang kaunti ang mukha ni Mo Huiling. Parang may pagkainis sa kanyang mukha habang nakayuko ito. "Tungkol nga pala sa nabanggit ko sa'yo dati; ang sinabi kong lumipat ka at sumama sa akin. Nakapagdesisyon ka na ba?"

Napatigil ang kamay nitong may hawak na tinidor. "Pinag-iisipan ko pa 'yan."

Halatang galit na ibinaba ni Mo Huiling ang hawak na tinidor at kutsilyo. "Jingze, pinag-iisipan mo ba talaga 'to?"

Bahagyang nakaramdam ng inis si Gu Jingze dahil sa paraan ng pagtatanong nito. Pero naisip niya din na normal lang para kay Mo Huiling na mag-alala nang ganun kaya inintindi niya nalang.

"Oo nga, pinag-iisipan ko talaga 'yan. Pero, ayaw ko lang talagang malagay sa alanganin sa pamilya ko. Alam mo namang maingat ako sa lahat ng bagay. Mas pipiliin ko pa ang dumaan sa masusing pagpaplano na sigurado akong mas mabuti kaysa ang mag-alala araw-araw na baka matuklasan nila ako o hindi."

"Ikaw... dahil lang ba talaga ayaw mong mahuli ka ng mga magulang mo o baka naman ayaw mo lang na mahiwalay sa iyong asawa?!" Halos hindi na makapagpigil pa si Mo Huiling.

Napatigil naman si Gu Jingze nang biglang tumayo si Mo Huiling. "Kung ayaw mong mahiwalay sa kanya, then, ako ang aalis. Titigil na lang ako at hahayaan ko nalang kayong magsamang dalawa. Hindi ba mas maganda 'yon?"

Pagkasabi nito ni Mo Huiling, kinuha na nito ang bag at hindi na lumingon pang umalis doon.

Binitiwan ni Gu Jingze ang kanyang tinidor at kutsilyo, pero nakaupo lang siya doon at hindi na sinundan pa si Mo Huiling.

Siyempre, gusto niyang sabihin kay Mo Huiling na wala namang namamagitan sa kanila ni Lin Che. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay wala silang relasyon ni Lin Che.

Kung tutuusin pa nga, mas malalim ang relasyon nilang dalawa; at hindi niya iyon maitatanggi.

Hindi nagtagal ay nakauwi na siya sa kanyang bahay. Pero, bago pa man siya makapasok ay narinig niya si Lin Che na may kausap sa kanyang cellphone.