PUNIT ang damit, magulo ang buhok, namamaga ang kaliwang pisngi at duguan ang gilid ng labi. Parang sinikmuraan si Dave nang makita ang ayos na iyon ni Audace. Ang pagkakakita sa kalunos-lunos na ayos ng nobya ay mabilis niyang sinugod ng magkakasunod na suntok ang nagulat na lalaki.
"Walanghiya ka! Demonyo! Anong ginawa mo sa kanya? Papatayin kita!" iyon ang mga salita binitiwan niya habang nagdidilim ang paningin na inuundayan ng suntok si Alfred na sa kalaunan ay bumagsak rin sa sahig.
"D-Dave, tama na. Hayaan mo na siya, ang mga pulis na ang bahala sa kanya" awat sa kanya ni Janna mula sa kanyang likuran.
Noon niya nilapitan si Audace na nanginginig parin sa takot. "Are you okay?" ang nag-aalala niyang tanong saka mahigpit na niyakap ang nobya. Pagkatapos ay kinuha ang puting kumot saka iyon ibinalabal sa dalaga. Umiiling itong humagulhol saka mahigpit na yumakap sa kanya. "I'll make sure na this time, mabubulok na siya sa bilangguan" saka niya galit na sinulyapan si Alfred na noon ay hawak at inaalalayan na ng mga pulis palabas ng silid.
SI Dave ang nagdala sa kanya sa ospital. Habang si Janna naman ang bumili ng pamalit niyang damit sa Mall na kalapit lang din ng hotel kung saan siya dinala ni Alfred.
"Tinawagan ako ni Janna, nasa loob siya ng kotse niya sa parking lot mismo ng hotel. Waiting for Randy" sa huling sinabing ay masayang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Dave. "masaya ako para sa kanila" anito pa na nakuha naman niya ang ibig sabihin. "Anyway, kitang-kitang raw niya nang sapilitan kang pinababa ni Alfred sa sasakyan nito. Plus the fact na nakita niyang umiiyak ka kasi hindi kayo malayo sa kinalalagyan niya. Noon niya naisip na baka may plano itong masama sayo kaya niya ako tinawagan. Naniwala naman ako agad kasi ilang oras narin akong kinukutuban ng hindi maganda at bukod pa roon, ikaw na kasi ang pinag-uusapan" pagpapatuloy ni Dave.
"H-Hindi pa nga pala ako nakakapag-thank you kay Janna, kundi dahil sa kanya baka…" aniyang kinilabutan sa naisip.
Tumawa ng mahina si Dave. "Kung gusto mo pwede mo naman siyang tawagan, madali nalang iyon kaya huwag mo na munang intindihin" saka hinalikan ang kamay niyang hawak nito
Tumango siya. "D-Dave salamat at dumating ka" aniyang nabasag nanaman ang tinig.
Noon siya inabot ni Dave saka mahigpit na niyakap. "Shhh. Kalimutan na natin iyon okay? Isa nalang iyong masamang bangungot. At isa pa, nakakulong na siya. Hindi kana niya ulit masasaktan."
Pag-uwi nila sa bahay ay inasahan na niya ang paghihisterya ni Lerma. Pero makalipas ang ilang sandali at matapos tiyakin sa kanya ni Dave na nakakulong na si Alfred at hindi naman natuloy ang tangkang panggagahasa nito kay Audace ay napahinuhod narin nila ito.
FIRST monthsary, ilang araw narin ang nakalipas mula nang pagtangkaan siya ni Alfred at kahit paano ay masasabi niyang okay naman na siya. Dalawang araw kasi matapos ang insidente ay sinimulan na siyang patingnan ni Dave sa isang Psychiatrist at malaki ang naitutulong niyon sa kanya.
Kaiba sa mga nagdaang Huwebes, kapansin-pansing napakalinis ng corridor ng gym. Malamang nag-start na ang PE classes. Naisip pa niya. Pero hindi eh, parang may kakaiba. Nang makapasok ay noon na nga tuluyang nagsalubong ang mga kilay niya. Wala kasing ibang tao roon maliban sa kanya.
Cancelled ba ang PE classes? Imposible, dahil kung sakali dapat sana ay may announcement. Kaya naman naisip niyang magtanong nalang sa PE Faculty Office. Pero hindi pa man siya nakakaalis sa kinatatayuan ay ginulat na siya ng isang pamilyar na linya ng kantang umalingawngaw sa buong paligid.
Baby when you finally get to love somebody. Guess what? Its gonna be me… Kasalukuyan mang binabayo ng matinding kaba ang dibdib niya ay minabuti parin niyang pulutin nalang ang naihulog niyang gamit dahil sa pagkagulat. Baka napindot ng operator. Naisip pa niya saka tiningala ang sound system room na nasa itaas ng CR ng SJU Gym. Noon pumailanlang ang Can't Smile Without You, saka pagkatapos ay napuna ang ilang pares ng mga estudyanteng sinasabayan ang naturang kanta. Kung saan nanggaling ang mga ito? Marahil sa backstage, hindi kasi niya napansin dahil abala ang lutang niyang kaisipan kanina.
Humaplos ang hindi maipaliwanag na damdamin nang mamataan niya si Dave na naglalakad palapit sa kanya hawak ang isang tangkay ng pulang rosas. Ilang sandali lang ay nakatayo na sa harapan niya ang binata. Maaliwalas ang bukas ng mukha, nakangiti kahit may pagka-notorious ang itsura.
Maluwang siyang napangiti. "Happy monthsary, para sakin ba ito?" ang tinutukoy niya ay ang sorpresang tumambad sa kanya.
Nagkibit ng balikat nito si Dave. "Pwede" anitong iniabot sa kanya ang rose, tinanggap niya iyon sa kabila ng pagtataka."Let's dance?" yakag nito pagkuwan, nagpaunlak naman siya.
"Kanina walang tao" naitanong niya "paano?"
"I got a little help from the PE Department" nakangiting sagot ni Dave saka buong pagmamahal na hinagkan ang kanyang noo.
"I love you" bulong niya.
Makahulugan ang ngiting pumunit sa labi ng binata. "Will you marry me?"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Seryoso ka talaga dun sa sinabi mo before?" aniyang nahinto sa pagsasayaw kasabay paglukob ng hindi maipaliwanag na tuwa sa kanyang dibdib.
Tumango ang binata saka siya niyakap ng mahigpit at pabulong na muling nagsalita. "Pakasal na tayo, kahit secret lang?" nasa tono ni Dave ang pakikiusap at malalim na pagmamahal.
Napatanga siyang pinakatitigan si Dave. At mabilis ang pakiramdam na parang gustong kumawala ng puso niya nang makitang seryoso ito sa sinabi. "Hindi nga?" ulit nanaman niya. Pakiwari kasi niya ay nananaginip lang siya kaya gusto niyang makatiyak na totoo ang lahat.
Noon umangat ang makakapal na kilay ng binata saka nangingiting nagsalita. "Alam ko palabiro akong tao, pero hindi ko gagawing biro ang ganitong mga bagay. Tutal doon din naman ang punta nating dalawa" anito saka dumukot sa bulsa ng suot nitong pantalon.
Sa ginawing iyon ni Dave ay nagkaroon ng malakas na ingay sa paligid. Nagsalubong ang mga kilay niya para lang matawa ng malakas nang makita niya ang sarili at maging si Dave sa apat na malalaking monitor na naka-hang sa center ceiling ng SJU Gym. "At sasabihin mong secret eh tingnan mo nga oh" aniyang kinikilig na inginuso ang mga monitor. "at m-may singsing na agad?" hindi makapaniwala niyang bulalas.
Noong kinurot ni Dave ang kanyang baba. "Hindi naman natin ipapaalam kahit kanino na kasal na tayo eh. Para kasing ayaw mong maniwala, sige na pumayag kana. Saka, family heirloom ito. Pakasal na tayo kahit secret lang" pakiusap sa kanya ni Dave saka binuksan ang maliit na kahon. Noon tumambad sa kanya ang isang diamond studded engagement ring.
Nag-init ang mga mata niya bagaman maluwang na napangiti. "Eh kasi pangarap kong makasal sa simbahan eh" kunwari ay humimig siyang nag-aalinlangan.
Nagkamot ng ulo nito si Dave. "Pagkagraduate mo pakakasalan kita sa kahit ilang simbahan. Itong ngayon for assurance lang. Pumayag kana please? Mamaya may kung sinong asungot nanaman ang manggulo sa atin, at least alam kong hindi kana mawawala sa akin kung sakali" parang inip pang pakiusap nito kaya siya natawa.
Napalabi siya. "Okay, walang problema" nakita niyang lalong umaliwalas ang mukha ni Dave sa sinabi niyang iyon saka pa nagmamadaling isinuot sa kanya ang singsing.
Nang angkinin ng binata ang kanyang mga labi ay hindi siya tumanggi. Kasabay niyon ang pagkakaroon nanaman ng malakas na ingay sa paligid. Halatang natutuwa ang mga ito para sa kanila.
"I love you so much" ang binatang nakita niyang nangingilid pa ang mga luha nang lubayan nito ang kanyang mga labi. Humaplos iyon ng husto sa kanyang damdamin.
"Mahal na mahal din kita" aniyang mabilis na pinahid ang mga butil ng luhang kumawala sa mga mata ng binata. Habang sa puso niya naroon ang napakasarap na damdaming hindi niya kayang pangalanan. Dahil doon ay hindi siya nagdalawang isip na kabigin ang nobyo para sa isang mas maalab na halik. Para pa nga itong nagulat sa ginawi niya pero hindi nagtagal ay tumugon rin sa mga halik niya.
"So paano, uwi na tayo? Hatid na kita?" nang pakawalan ni Dave ang mga labi niya saka ginagap ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing. "matutuwa ang lola kapag nakita niyang suot mo na iyan sa araw mismo ng kasal nila ng lolo" dugtong pa nito.
Humaplos sa puso niya ang huling sinabi ni Dave. "Lakad tayo?" makahulugan pa niyang sabi.
Tumango ang binata. "Pwede bang Huwebes nalang din ang kasal natin?" inakbayan siya ng binata nang palabas na sila ng gym.
"Sige, tapos next Thursday nalang din ang honeymoon?" biro niya sa huling tinuran.
Mabilis na nagreact ang binata. "Ah dyan naman ako hindi papayag" malakas nitong sambit kaya nag-echo sa corridor ang mabini niyang tawa.
"I love you so much Pretty Boy" nang tingalain niya ang binata.
"I love you more" anitong nangiting itinaas ang kamay niyang hawak nito saka masuyong hinalikan.
Napangiti siya. Alam niyang malayo pa ang daang lalakarin nila. Pero dahil mahigpit ang kapit ng mga kamay nila sa isa't-isa sigurado siyang mararating nilang pareho ang gusto nilang patunguhan. At iyon ay ang tumanda ng masaya at magkasama.