ONE MONTH LATER
NAG-IINIT ang mga mata niyang hinagod ng tingin ang mukha ng asawang si Dave nang lingunin siya nito matapos itigil ang motor sa tapat mismo ng lote kung saan naroon ang puntod nina Thelma at Danica. Galing sila sa opisina ni Atty. Serrano, ang ninong sa binyag ni Dave na siyang lihim na nagkasal sa kanila.
"Akalain mo nga naman, noong una kitang nakita dito nahihiya pa akong lapitan ka. Ngayon asawa na kita. Mrs. John David Estriber III" ani Dave habang inaalalayan siyang makababa ng motorbike nito. Saka pa mahigpit na niyakap pagkatapos.
Tumawa siya doon saka masuyong hinaplos ang mukha nito. "Oo nga, asawa na kita. Parang gusto ko na ngang gamitin ang apelyido mo eh, para ma-stop narin ang mga babaeng naghahabol sayo sa university" biro pa niya.
Naglandas sa lalamunan ni Dave ang isang malakas na tawa. Pagkatapos ay walang kahirap-hirap siya nitong pinangko. Napatili siya. "Hanggang ngayon, selosa ka parin? Pero gaya nga ng sinabi ko sayo ikaw lang ang nag-iisang mamahalin ko. At kahit sa kabilang buhay willing akong maghintay makasama kalang ulit" madamdaming hayag nito saka siya hinalikan. "naniniwala ka ba?" nang pakawalan nito ang kanyang mga labi.
Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango. Ibinaba siya ni Dave nang marating nila ang puntod ng kapatid nitong si Danica. Inalayan nila iyon ng bulaklak ang kandila. Pagkatapos ay nagtuloy sila sa mosuleo kanyang ina.
"Nay, may gustong magpa-ampon sayo" bungad niya saka nilinga si Dave na natawa naman ng mahina. Nag-init ang mga mata niya at sa kalaunan ay tuluyan ng napaluha. "huwag ka ng mag-alala sa akin, kung nasaan ka man ngayon gusto ko lang malaman mo na kasama ko si Dave at hinding-hindi niya ako pababayaan."
"At promise nay aayusin ko ang paggawa ng mga apo ninyo. Para maganda ang pagkakamolde, dadahan-dahanin ko!" sa narinig ay malakas siyang napasinghap saka tiningala si Dave.
"Pilyo ka talaga! Ang lakas pa ng boses mo" nagpipigil na matawa niyang kinurot ang tagiliran ni Dave.
Noon siya kinabig ni Dave palapit rito saka niyakap at pagkatapos ay hinalikan sa ulo. "Paano naman kasi dapat masaya tayo ngayon, tapos ikaw nag-uumpisa nanamang umiyak" buska ng binata. "pero seryoso, ano kayang itsura ng mga magiging anak natin ano? Maganda ka, gwapo ako. Kanino kaya magmamana?"
Umikot ang mga mata niya. "Talaga lang gwapo ka ah?" tukso niya sa asawa.
Umangat ang makakapal na kilay ni Dave. "Bakit hindi ba?" anitong kinurot ang kanyang baba. Nang magtaas siya ng tingin ay nakita niya ang kakaibang damdamin sa mga mata nito. Mabilis na gumapang ang masarap na kilabot sa kabuuan niya. Lalo nang ilapit nito ng husto ang mukha sa kanya. Hinawakan ni Dave ang kanyang kamay saka inilagay sa tapat ng puso nito. "I love you so much, my wife" halos paanas na turan ni Dave.
My wife. Ang sarap pakinggan, at damhin sa puso. Wala na yatang hihigit pa sa dalawang salitang iyon na nagmula mismo sa lalaking minamahal niya ng totoo. "I love you more, my husband" sagot niya inabot ang mukha ni Dave para sa isang mas maalab na halik.
Nangungusap ang mga mata ng binata nang pakawalan nito ang kanyang mga labi. Noon niya napuna na nagsisimula ng pumatak ang ulan. Natawa siya ng mahina. Pero hindi kagaya nang una silang inabot ng ulan sa lugar na iyon, dahil sa pagkakataong iyon willing siyang magpabasa gaano man kalamig ang tubig dahil kasama niya si Dave. Ang pinakamamahal niyang asawa.
"Uulan na, halika na?" ani Dave sa kanya.
Umiling siya saka na nagpatiuna sa paglabas ng mosuleo. "Birthday ko na sa susunod na linggo, meaning nineteen na ako. Alam mo, pwede ka pang humabol" makahulugan niyang turan habang nakatingala kay Dave.
Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Dave. "Ay oo nga pala ano? Pero, what do you mean?" anito.
"Di ba sinabi mo kelan lang na nanghihinayang ka at hindi kita naging first dance nung debut ko? Let's dance? Pero this time ako naman ang mag-aalok sayo ng kamay ko" aniyang inilahad ang kamay sa harapan ni Dave.
Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi ni Dave nang makuha nito ang ibig niyang sabihin. Pagkatapos ay saka tinanggap ang kanyang kamay. "Wala tayong music?" anito. Nang mga sandaling iyon ay nagpatuloy ang papalakas ng buhos ng ulan hanggang sa hindi nagtagal at pareho narin silang basa.
"Eto oh" aniyang nakangiting inilapat ang kamay ni Dave sa kaliwa niyang dibdib. "music" dugtong pa niya.
Noon siya niyuko ng asawa. "Heartbeat" paanas nitong sabi saka mabilis na inangkin ang kanyang mga labi.
At gaya narin ng lahat nangyari sa kanila. Ang ulan ay maihahalintulad niya sa maraming pagsubok na dumaan sa buhay nilang dalawa ni Dave. Ngunit katulad ng maalab na halik ngayon sa kanya ng asawa. Nagawa niyong pawiin ang lamig ng tubig ulan. At ang halik na iyon ay ang pagmamahalang mayroon sila ni Dave para sa isa't-isa. Siguro marami pang ulan ang pwedeng dumating sa buhay nilang dalawa. Pero alam niyang kayang pawiin ng maiinit na halik ng pag-ibig ang lahat ng iyon. Habang sila ay magkasama.