FOUR YEARS LATER
"NAG-APPLY ako sa Full-Scholarship Program ng SJU, sa isang buwan ko pa malalaman ang resulta. Sana makapasa ako Nay, para wala na kaming poproblemahin sa tuition ko" ani Audace isang araw ng linggo nang dalawin niya sa sementeryo ang puntod ng kanyang yumaong ina, si Thelma.
"Kapag Engineer na ako 'Nay, ipapaayos ko itong puntod ninyo. Para kahit malakas ang ulan, hindi na kayo mababasa" aniyang tuluyan ng napaluha dahil sa bitterness na nararamdaman. "mahigit isang taon na pala si Alfred sa Amerika nay, kumusta na kaya siya?" ang tinutukoy niya ay ang first boyfriend niyang sundalong Amerikano ang ama. Kinuha ito ng tatay nito at sa Amerika pinag-aral.
Fourth year sila nang ligawan siya ni Alfred. Ang leader ng dance club nang pinagtapusan niyang high school. Gabi ng JS Prom nang magkakilala sila ng binata. Star section siya at section three naman ito. Pero dahil mahusay sumayaw at gwapo ay sikat ito sa buong campus. Maging siya ay kilala niya si Alfred pero hindi personally. At hindi rin siya kagaya ng mga kaklase niya, hindi siya kinikilig rito noon pa mang umpisa. Nahulog nalang talaga ang loob niya sa binata nang ligawan siya nito.
Napamahal siya kay Alfred, normal nalang siguro iyon dahil ito ang kanyang unang nobyo. Kahit pa habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikilala ang totoo nitong pagkatao. Napabuntong-hininga si Audace sa isiping iyon. Mahigpit kasi si Alfred at seloso. Iyong tipong kulang nalang lagyan siya nito ng tabing sa ulo para hindi makita ng sinuman ang kanyang mukha. Nasasakal siya dahil may mga pagkakataon pa ngang sa kaseselos nito ay napagsasalitaan siya ng hindi maganda na, maging ang pagiging bastarda niya ay nauungkat ng binata.
Pero kagaya nga ng kasabihan, bulag daw ang pag-ibig o mas tamang sabihing nabubulag ang kahit sinong nagmamahal. Dahil nga mahal niya ang binata ay nagagawa niyang patawarin ang lahat ng masasakit na salitang natatanggap niya mula rito kapag nagkakaroon sila ng misunderstanding. Iniisip nalang niya ang madalas nitong sabihin sa kanya kung bakit napaka-possessive nito.
"Mahal kita Audace, mahal na mahal kita kaya ako nagkakaganito. Kaya kong gawin ang lahat para sayo, kahit pumatay kaya ko. Hindi porke hindi ako humaharap sa nanay at tiyahin mo hindi na ako totoo. Darating ang panahon para doon, at gusto ko kapag hiningi ko na ang kamay mo sa kanila" ang binata saka siya hinalikan.
Tinugon niya ang halik ng binata. Nasa loob sila ng madilim na sinehan na mangilan-ngilan lang ang tao. Ilang sandali pa at naramdaman na niya ang paglilikot ng kamay ni Alfred. Sinubukan niya itong pigilan pero hindi ito nakinig at sa halip ay dinama ang kaliwa niyang dibdib. Hindi niya hinayaang magtagal iyon doon dahil agad niyang hinawi ang kamay ng binata. Pero mapilit si Alfred, naalarma siya nang muli nitong dinakma ang kaliwa niyang dibdib. Noon niya ito itinulak ng ubod lakas. Ang kasunod ay ang sunod-sunod na pagmumura ng binata.
"Anak ng pu--! Sakin din naman mapupunta iyan diba?" nagtatangis ang mga bagang nitong sabi sa mahina ngunit mariing tinig.
Nakaramdam siya ng matinding takot pero hindi siya nagpahalata. "H-Hindi tama, hindi pa tayo kasal" paliwanag niya sa mababang tinig.
Noon inihilamos ni Alfred ang kamay sa sarili nitong mukha. "Ang dami-daming arte punyeta! Nagsayang lang ako ng araw ko sayo wala naman pala akong mapapala!" anito galit na galit na tumayo saka siya iniwan. Nag-init ang mga mata niya pero pinigil niya ang mapaiyak.
Mapait na napangiti doon si Audace saka hinaplos ng sariling daliri ang bawat letrang nakaukit sa lapida nang muli ay may maalala. Nangyari iyon isang araw bago ang alis ni Alfred patungo ng Amerika. Iyon ay nang yayain siya nitong mamasyal at kumain sa labas. At dahil nga nobyo niya ang binata, sumama siya.
"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita paano mo nagawa sa akin ito!?" ang umiiyak niyang sumbat kay Alfred nang magising siyang walang saplot at katabi sa kama ang binata sa loob ng isang hotel. "akala ko ba mahal mo ako! Bakit mo ako nagawang pagsamantalahan!"aniyang sunod-sunod na pinagsusuntok ang dibdib ng natutulog pang nobyo. Nang makita ang bahid ng dugo sa puting bedsheet ay tuluyan na siyang napahagulhol ng iyak.
Pinilit niyang alalahanin ang lahat ng nangyari sa nagdaang gabi pero wala siyang maalala. Basta ang natatandaan lang niya kalalabas lang niya nang banyo sa fastfood na kinainan nila noon. Inubos niya ang inumin sa kanyang baso at ilang sandali lang ang lumipas ay nakaramdam na siya ng matinding pagkahilo. Ang sumunod na nangyari ay hindi na niya alam.
Nakita niya ang matinding pagkabigla sa mukha ng kagigising palang nasi Alfred na napabalikwas ng bangon nang pagsusuntukin niya sa dibdib. "Lahat ng masasakit na salita tiniis ko dahil mahal kita, pero bakit mo nagawa ito! Napakahayop mo! Walanghiya!" umiiyak niyang sumbat saka nang mapagod ay isinubsob ang mukha sa dalawang palad.
"A-Audace" si Alfred na hinawakan ang kanyang balikat.
"Bitiwan mo ako! Huwag mo akong hahawakan, makasarili ka, pinaniwala mo akong mahal mo ako pero ito lang pala ang habol mo! Alam mong marami akong problema! May sakit ang nanay ko paano kung mabuntis ako! Marami akong pangarap! Marami pa akong gustong marating sa buhay tapos pagsasamantalahan mo lang ako! Ikaw na pinagkatiwalaan ko! Di ba aalis ka nga! Iiwan mo ako! Tapos nagawa mo pa sa akin ang ganito! Napakasama mong tao!" hindi niya maintindihan, siya man ay nagugulat sa tindi ng galit at hinanakit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Siguro dahil narin sa pagkakaipon ng maraming sama ng loob niya noon sa binata.
Kinagabihan ng araw na iyon mismo ang schedule ng flight ni Alfred. Masakit man pero dahil sa ginawa nito ay minabuti niyang tapusin na ang lahat sa kanilang dalawa ng binata. Nangako itong babalikan siya. Pero hindi na siya umaasa, bukod pa roon ay ang katotohanang nag-iba ang paningin niya sa binata dahil sa ginawa nito. Isang lalaking considerate sa lahat ng kailangan at gusto niya ang ipinagdarasal niyang makasama habangbuhay. Nakakalungkot man pero hindi si Alfred iyon. Mahal parin niya si Alfred. At sa loob ng maraming buwan mula nang umalis ito ng Pilipinas, kahit minsan ay hindi ito nawala sa isip niya. Pero sigurado siyang makakalimot din siya. At makakatagpo ng lalaking mamahalin hindi ang mga ngiti niya, sa halip ay ang mga pilat na nilikha ng nakalipas niya.
"Babalikan niya raw ako. Pero ayokong umasa, kasi di ba ganoon din ang ginawa sa inyo ng tatay ko? Pinaghintay kayo pero hindi naman kayo binalikan? Parepareho lang talaga ang mga lalake, lahat sila manloloko at paasa" aniya sa may kalakasang tinig.