Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 20 - Chapter 18

Chapter 20 - Chapter 18

Faris' POV

"Anak, kailan ba uuwi si Sky?" Tanong ni Daddy kaya nagkibit balikat lang ako.

Paulit-ulit lang ang tanong na 'yan. Kahapon tinanong na 'yan ni daddy. Sinagot ko naman ito na patay na, ayaw niya namang maniniwala. But seriously, I even don't know where he is.

Binibiro ko lang naman si Daddy, hindi ko nga alam kung bakit parati na lang si Sky ang hinahanap nito kahit na ako 'yong anak niya.

"Sir, may tao po sa labas" ani ni Michelle habang nakangiti kaya tumayo naman si Daddy at naglakad papalabas habang ako naman nanunuod lang ng pilikula.

"Hija!" Sigaw ng aking ama muka sa labas, pero hindi ako tumayo at nagpatuloy lang sa panunuod.

"Ma'am tawag po kayo ng Daddy niyo" sabat ni Michelle kaya tumango lang ako.

Tinatamad ako kaya hindi ko gustong tumayo. Nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba si Daddy o hindi.

I don't really feel going out, lalo pa't masyadong mainit sa labas.

"Hija!" Narinig ko naman na may mga yapak na papalapit sa akin, kaya lumingon ako rito.

Nakita ko naman si Daddy na naglalakad papalapit sa akin kaya binalik ko na ang tuon doon sa pilikula na pinanuod ko.

"What?" Tanong ko.

"Nandito na si Sky" ng marinig ko ang sinabi ni Daddy bigla naman akong napatingin sa gawi niya.

Nakita ko si Sky na nakangiti habang naglakad papunta sa gawi ko kaya binalik ko na lang ang tingin ko doon sa pilikula at kunyari ay wala akong pake sa pagdating nito.

Napansin ko rin na hindi pantay 'yong damit nito at may nakataling bandage pa sa braso nito.

Bandage?!...

Mabilis akong naptitig roon sa braso nito at sinuri kung bandage nga ba ito.

Totoo nga naman, it's a bandage. But why is there a bandage on his arm?"

"Hi" anito. Hindi ko ito pinansin at binaling-baling lang ang aking tingin sa bandage at sa kanya.

"What's that?" Tanong ko rito at tinuro 'yong bandage na nakapulupot sa braso nito.

"Bandage?" Sagot nito na parang siya pa ang nagtatanong.

"Yeah, I know it's a bandage, but why is there a bandage on your arm?" Iniwan naman kami ng aking ama dito sa sofa at pumanhik ito patungo sa kwarto niya.

Tumikhim ako. "It's nothing" aniya at mabilis itong tinakpan ng dala-dala nitong bag.

Napalunok na lamang ang noo ko rito. "There's no nothing. Ano 'yan? May sugat ka?" Pag-uulit ko pa rito.

Bumuntong-hininga ito at lumapit sa tabi ko. "It's... It's just a small cut"

Small cut raw tapos ang kapal ng pagkalagay ng bandage. Halos bumabakat na 'yong dugo nito sa bandage.

"May small cut bang gano'n?" Ani ko sabay nguso doon sa napakapal na bandage.

"Okay... Actually, I got wounded by a venous knife" sagot nito kaya mas lalong nangunot ang noo ko.

Venomous?...

"Venomous knife? Kotsilyo na parang ahas?" Takang tanong ko rito at lumapit doon sa braso niya.

Bigla na lang itong natawa. "No, kotsilyo iyon na pinahiran ng venom of a snake" napatango-tango naman ako rito.

Ano daw?

"Okay, mabuti naman at hindi ka namatay?" Sarkastokong tanong ko rito.

"Pfft, magaling 'yong doktor ko eh"

"Doctor?"

"Hmm, it's Agent Monique" tumango lang ako kahit hindi ko kilala 'yang Agent Monique na 'yan.

"Masakit ba?" Tanong ko at hinawakan ito. Mabilis akong napabitaw nang dumaing ito sa sakit.

I'm sorry!...

"No, okay lang ako" anito kaya hinawakan ko ito ulit. Natatawa na lamang ako sa hitsura ng mukha nito.

Pfft, para siyang natatae, hahaha. But honestly naawa ako sa kondisiyon niya ngayon. Mabuti na nga ay hindi ito namatay. Papatayin pa.

Joke lang, napakasama ko....

"Stop it"

"I'm sorry, Mr." Ani ko rito at agad na umirap.

Napangiti naman ako nang makita kong bumalik na ito.

Psh...

"Kaya mo bang gumalaw? Baka mahihirapan ka pa magsparring niyan. We can cancel it, pwede namang magpahinga ka muna"

"I'm okay. Huwag ka nang mag-alala, I've already done my mission kaya pwede na akong magriritero" Oo nga naman. It's his last mission and as what he said, gusto na nitong magenjoy ng buhay Taekwondo Master.

Mabuti tin naman kung gano'n ang desisyon na gagawin nito. But I hope hindi ito magsisisi sa naging desisyon niya.

"Sir, gusto niyo po ba ng maiinom?" Lumingon naman ako kay Michelle ng magsalita ito sa tabi ni Sky.

"Uhmm... No, thanks, magkakilala na ba tayo? Have we met somewhere?" Tanong nito kay Michelle kaya pati ako napatitig na rin kay Michelle.

"Ewan ko po" sagot naman nito.

Nakatingin lang si Sky rito kaya binaling-baling ko sa kanilang dalawa ang aking tingin. Hindi ko alam kung bakit nakatitig si Sky rito.

"No, ikaw 'yong babae sa food court, right? The one who bumped my friend?" Nanlaki naman ang mga mata nito at kaagad na yumuko.

"Pasensya na po talaga, Sir. Hindi ko po kasi nakita 'yong kaibigan niyo" natatawa naman si Sky rito.

"It's fine, he absolutely has a crush on you" kunot-noo akong napatingin kay Michelle na namumula.

He's blushing, sino naman kaya ang kaibigan na tinutukoy nito?

Tumikhim ako. "Sino?" Sabat ko rito.

"Oh, it's Aziel. May gusto siya kay..."

"Michelle po

"Right, may gusto siya kay Michelle"

Tumango-tango lang ako at hindi na tumingin sa kanila. Pinabayaan ko na lamang ang dalawang mag-uusap hanggang sa matapos ito sa kanilang ginagawa.

"Done talking?" Tanong ko saka tumayo.

Kinuha ko 'yong back pack na nakalapag sa single couch at sinabit ito sa aking balikat.

Nauna na akong maglakad rito papasok ng sasakyan at kaagad na pumasok roon.

Pagkarating namin sa training hall, laking pagtataka ko na lang na maraming tao na naririto.

Halos lahat ay napatingin sa amin nang makapasok kami rito. It's a big and wide training hall, pero bakit naman sila nandito. Ang akala ko'y private training hall ito.

Napalingon ako kay Sky, pero wala lang itong reaksyon at parang hindi man lang nagulat sa nakita niya.

Kinabig ko ito at dumikit sa kanya.

"Sino sila?" Bulong ko rito at hinawakan ang barso nitong may bandage.

"Aray!" Daing nito kaya napatingin sa amin ang mga tao.

Ngumiti naman ako doon at pinanliitan ito ng mata.

"Who are they?"

"I don't know, I think they're also here to train" hindi ko na ito sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad habang ini-isa-isa ang mga mukha ng tao sa paligid.

"Sky!"

Napalingon naman kami doon sa babae na tumawag sa pangalan ni Sky, sumulyap muna ako kay Sky.

Napangiti ito nang makita niya ang babaeng tumatakbo papalapit sa gawi namin or should I say sa gawi niya.

Malawak ang ngiti na nakapaskil doon sa bibig ng babae. Gano'n rin si Sky, nakangiti ito sa babae at agad itong yinakap nang makarating ito sa parte namin.

Nabigla naman ako nang makita kong magyakapan ang dalawa. Hindi ako nakapagsalita at hindi rin ako nakagalaw. Parang nalimutan ko na kung paano gumalaw nang makita ko ang babaeng ito.

"Jhuliene! Hi, kailan ka pa umuwi? I thought you're not coming here?" nakangiting saad ni Sky doon sa babae kaya tumikhim naman ako

"Actually, kahapon lang... Syempre naman, ano? Ayaw ko kayang hindi makita ang isa sa mga pinakmamahal kong lalaki sa buong mundo. Miss na kita, Sky!" Nae-excite na saad nong babae at masayang kumapit doon sa braso ni Sky.

"I miss you too. You look more beautiful" palihim na nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Sky.

Aba, more beautiful ha?

"Thank you! Ikaw rin naman eh, ang gwapo mo pa rin. You're still the Sky I know, napakasweet" anito at yinakap ng mahigpit si Sky.

"Oops, my arm" mabilis namang napalingon sa braso nito ang babae at napa-awang na lamang ang bibig.

"I'm so sorry. Na miss lang talaga kita"

'Yan! Ang landi kasi, merong tao rito oh, ang bastos...

"Kumusta ka na ba?"

"I'm good, ikaw ba? Mas lalo ka atang pumayat"

"Alam mo na, exercise rin"

Napatingin naman ako sa aking katawan. Ang iba nga ng katawan namin. Mataba ito ng kaunti kumpara sa akin.

"Gala rin tayo paminsan-minsan oh" anito kaya napatitig naman ako kay Sky.

Subukan mo lang talaga pumayag, kikitilan talaga kita ng buhay.

"Sure, if I have time" napairap na lamang ako sa kawalan at bumuntong-hininga.

"Yeii, thank you! Miss na talaga kita, hindi ka man lang tumawag sa akin na nandito ka rin pala sa Pilipinas" ngumuso naman 'yo g babae kaya tumikhim ako para mapansin nila na nandito rin ako sa gilid ni Sky.

Natatwa na lamamg ako sa aking isipan nang makita kong mukha itong pato.

Tss, why is she pouting?...

"Oh, Jhuliene..this is Faristair Zeerah Pérez"

"Oh, she's a Pérez. Hi, you are?" Bingi ba siya? Kakasabi lang ni Sky ng pangalan ko eh tapos tatanong pa ng ' you are? '.

"Faris" maikling sagot ko.

"No, what I mean is... What's your role in .. in Sky's life" paglilinaw nito kaya timango naman ako.

"Be specific"

"Oh, that's tough" yeah, tough words to beat you up.

Sa boses pa lamang nito nagsisismula na akong mainis. Ewan ko lang, parang nagpapacute kasi 'yong boses nito.

I hate it!

"Well, he's my bodyguard and uhmm... My master" sagot ko rito at sinulyapan si Sky.

"Oh, so, my Sky... Low standard ka na pala ngayon? You know... Being someone's bodyguard. Bakit hindi mo sinabi sa akin, pwede naman kita gawing manager"

Sapak, gusto mo?...

Maka low standard ka naman, kala mo naman ikakaganda mo na 'yang pamimili mo ng high standard. "Oh, Ms. Pérez... No hard feelings" dagdag pa nito at ngumiti sa akin.

"Yeah, no fvcking hard feelings" sagot ko rito at pilit na ngumiti kahit na gusto ko na siyang iuntog sa sahig.

"By the way, I'm Jhuliene Marquez. His ex-girlfriend"

Tangina! Ex-girlfriend? Akala ko ba single 'tong lalaking to at ngayon lang nagkaroon ng girlfriend?

"Just kidding, I'm his friend back when we were in France" ani nito at tumawa.

"Oh Ha-Ha-Ha" pekeng tawa ko.

"Yeah, can I borrow Sky for a moment?" Tanong nito kaya napaisip naman ako. "I'll just bond with him for a moment"

"With all due respect Ms. Jhuliene, we are here to train not to do the chit chatting" nakangiting sagot ko habang nasa kanya ang tingin.

"Oh, okay. Pero for a second lang naman eh" ani pa niya.

"Okay, one second. Tick Tack Tick Tack. One second is done Miss. Bye" deretsong sagot ko sabay taboy nito at iniwan sila na may halong panginginis ang boses.

Nararamdaman ko na walang taong sumusunod sa akin kaya tumingin ako sa aking likod, nag-uusap pa rin pala ito kaya umupo muna ako doon sa tabi.

Hay, babaero rin pala 'yong pompous prick master eh...

Hmm, bakit hindi 'yon halata?

"Hey, you alone?"

Napatingin naman ako doon sa taong nagsasalita sa gilid ko mabilis akong lumingon roon.

"Ay gwapo" bulong ko sa aking sarili. Hindi ko na pinansin kung naririnig niya ba ito o hindi.

Ngumiti ito kaya nakita ko ang dalawang dimples nito na mala Aga Mulach.

Wah, ang gwapo!...

W-wait what? Gwapo? Oo gwapo naman siya, but if you compare him and Sky, mas lamang ng limang daang paligo si Sky. Well, to be specific... Sky is handsome than him... Pero at the same time, gwapo rin naman siya.

Pero mas nagagwapohan talaga ako kay Sky lalo na kapag umiigting ang panga nito kung magagalit siya.

He's tall and blond.

"H-hi, uhmm... Who are you?" Tanong ko doon sa lalaki. Tumawa naman ito at umupo sa tabi ko. "Oh, don't get too close to me.. I'm going to kick your ass out. I'm a taekwondo student" banta ko rito at umusog ng ilang dangkal.

Narinig ko naman itong mahinang natawa sa sinabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Hey, mister stranger. If you're here to kidnapped me well, back off" seryosong saad ko. I need to be careful, ayaw ko lang talagang makidnap ulit.

"Hey, Chill. I just want to make friends with you"

"Oh, I have friends. Fake friends" ani ko at ngumiti sa kanya.

"You don't want one? Who can be real and true friend of yours" sagot naman nito.

"Uhmm.. I don't know?" Ani ko rito at umupo ng maayos, tumingin naman ito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Yes?"

"You haven't introduce yourself to me. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"So you do"

"Oh, I'm Worren Vagabond Furrer. Can call me Ren, You are?"

"Faristair Zeerah Pérez, Faris for short" saad ko rito, ngumiti naman ito kaya nginitian ko lang rin siya.

Ang gwapo nito sa tuwing lalabas ang dimples nito.

Oh my gosh!...

Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa maamong mukha nito. He's really handsome and he's also muscular.

Parang palagi itong nag-gi-gym dahil sa laki ng braso nito.

Napasulyap ako sa gawi nina Sky, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa amin.

Palihim akong umirap at binalik ang tingin doon kay Ren.

Nag-uusap lang kami hanggang tanghali at hindi ko na lamang napansin na oras na palang maghapunan.

"It's already noon. Hmm, well I..uhh.. we haven't eat something for lunch" ani ko at tumingin sa paligid.

Tumingin naman ako doon sa gawi ni Sky, nag-uusap lang sila ng babae kaya bumuntong-hininga ako.

Nasagi ng mga mata ko na sumulyap ito ng pangmatagalan sa akin saka rin binalik ang tingin doon sa babae.

"Wanna have some lunch with me, mademoiselle?" He said as I stared at my wrist watch. Malapit na pala mag one thirty. Hmm, pwede naman siguro diba?

Mademoiselle, huh?...

"Uhmm, y-you know.. uhmm kailangan ko kasing mag-ingat sa mga tao so I.. I can--"

"Ganito na lang, since may resto diyan sa labas. Let's go there instead of going too far. Okay ba 'yon?" ani nito kaya mabilis naman akong napatango, total gutom na rin ako.

"Let's go" yaya ko sa kanya.

Sabay naman kaming lumabas ng training hall at hindi sumulyap si Sky.

Habang naglalakad kami papunta sa resto, binunut ko muna 'yong cellphone ko para padalhan ng minsahe si Sky para magpaalam, uoang hindi na rin ito mag-alala.

May pag-alala pa kaya ito sa akin? Ang saya nga nilang nag-uusap nong babae eh...

Faris:

"Hey, pompous master. I'm out for lunch with someone.. enjoy talking with your damn friend. Huwag mo akong tawagan, don't disturb us, okay?"

Kaagad ko naman itong sinend at hinintay 'yong reply niya. Nang makapasok kami sa loob ng resto bigla nanamang tumunog 'yong cellphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad at agad na tiningnan ito.

SMS from Sky:

"(Hey, sinabi mo na lang sana sa akin para masamahan kita. Sino ba ang kasama mo? 'yong lalaking kausap mo kanina? Oh, why are you with him?! Baka kung saan-saan ka lang niyan dadalhin)"

Sinabi? Wag na, hiyang-hiya naman ako. Tsaka bakit ba itong parang nagagalit?

Faris:

"No thanks, enjoy your life. Okay lang ako, masaya na ako" mahina naman akong napatawa sa minsahe na pinadala ko rito.

"Sit here" ani ni Ren at pinaghilaan ako ng upuan.

Wow, ang bait naman...

Ngumiti ako rito bago umupo. Tumunog ulit 'yong cellphone ko kaya mabilis ko itong tiningnan.

SMS from Sky:

"Where are you?"

Faris:

"None of your business, dude. Back off"

Pinatay ko na 'yong cellphone ko at pinasok ito sa loob ng aking bulsa para iwas istorbo. Umorder muna kami bago ko tinuon 'yong atensyon ko doon sa kasama ko.

"So, ano nga pala ang ginawa mo doon sa training hall?" Tanong nito ng umalis 'yong waiter.

"Training for Taekwondo" maikling sagot ko.

"Oh"

"How about you?"

"Same as you"

"Trainee ka rin?"

"No, I'm a taekwondo master. Ako 'yong nagtuturo sa kanila"

"Oh, that's great. Not pompous?"

"Clearly not pompous" sagot nito at tumawa.

Nag-uusap lang kami hanggang sa dumating 'yong order namin at sabay kaming kumain.

"So, sino pala 'yong kasama mo?" Tanong nito habang hinihiwa 'yong pork chop.

"Si Sky lang naman, 'yong magaling magtaekwondo" saad ko sabay subo ng kanin.

"Boyfriend mo?" Umiling-iling ako. "Oh, that's great" anito pa at tinapos ang pagkain.

Great? Bakit naman?

"Bakit naman?" Kunot-noonb tanong ko rito.

"Nothing, isn't it good to be single?" Napatango-tango naman ako.

Yeah, it's really good to be single. Napakasarap sa pakiramdam.

Sa buong araw na ito puro lang usapan ang tanging nagaganap hanggang sa oras na ng uwian kaya nagpaalam na ako rito.

"We're going now" ani nito kaya napatango naman ako.

"Oh, now?"

"Yeah, now. May gagawin pa kasi ako"

"Oh, okay"

"Sige, bye. It's really an honor meeting you" saad nito habang nakangiti.

Wah, ang cute niya...

"Same here. Sige, bye na" ani ko.

Yumakap naman ito sa akin. Sa una'y nagulat ako pero nawala rin 'yong pagkagulat ko at yinakap ko na lang rin ito pabalik.

Hmm, ang bango...

"Bye, see yah. Oh, can I have your phone number?"

"Sure!" Mabilis kong sagot at bumunot ang aking cellphone.

Masarap naman kasi siya kausap at hindi kagaya doon sa master ko na ang seryoso na napaka strikto pa.

"Call me if you need anything" anito kaya tumango naman ako.

"See yah" ani ko rito at kumaway sa kanya. Kumaway rin ito sa akin habang naglalakad paalis.

Ang gwapo niya talaga. Mas gwapo pa rin si Sky.

Umalis na rin 'yong kasamang babae ni Sky kaya kami na lang dalawa ang tanging natitira dito sa loob ng training hall.

Saglit naman itong nababalutan ng katahimik.

Lumingon ako kay Sky ng maglakad ito papalapit sa akin.

"Who is he?" Kaagad na tanong nito.

"A friend. Siya 'yong tinutukoy ko na kasama ko kumain" ani ko rito at naglakad papasok sa loob sasakyan. Wala kaming imikan sa biyahe kaya hindi na rin ako nag-abala pang magsalita sa rito.

Dahil lang sa usapan na 'yan, hindi tuloy kami nakapagptaktis. Okay na rin iyon, lalo pa't nagalala ako rito, baka kasi kung ano pang mangyari sa kanya. Malaki pa naman ang sugat nito

"We haven't trained"

"Hmm, not my fault. Hinintay lang naman kita and I guess you're enjoying talking with your FRIEND, hindi na kita inistorbo pa" ani ko habang pilit na ngumiti sa kanya kahit na iritang-irita na ako.

"Sasabihin ko na sana sayo, kaso may kausap ka naman, kaya hindi na rin kita inabala" wow! How polite of you.

"Hmm, ang saya niyo ngang nag-uusap eh" saad ko rito habang pangiti-ngiti.

"Yeah, kayo rin naman. Hindi nga lang kami nagyayakapan kapag nagpapa-alam"

Mukha mo yakap. Ang higpit nga ng yakapan niyo nang magkita kayo eh, duh...

Inis ko itong tiningnan. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit rito. Kala mo naman kasi kung sino kapag nagsasalita. Pinaparinggan pa nga ako eh.

"Hmm? We're tie"