Faris' POV
"Gusto mo bang pumunta ng mall?" Napatingin naman ako kay Sky ng sabihin niya iyon.
Kakatapos lang namin magtrain, half day lang ang ginawa namin ngayon. I don't know what's the reason so, ngayon naman ay papunta na kami sa sasakyan, may four minutes walking pa, dahil sa sobrang layo ng pagpark nito sa kanyang sasakyan.
Merong malapit na bakante dito, pero mas pinili niya 'yong malayo.
"Anong nakain mo? Are you okay?" Takang tanong ko rito.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang itong nagyaya, kadalasan naman talaga ay ako na kusang magyaya rito, ni hindi man lang ako papayagan.
"Why? Bawal bang magyaya? I'm seriously free right now"
"Alam ko, wag na" walang emosyong sagot ko habang sabay kaming lumabas ng training hall.
Naglalakad kaming naglakad patungo sa sasakyan nito. Naglalakad kami sa tumitirik na araw at mainit na panahon.
"Why? Is it odd?" Huminto ako sa paglalakad saka tumingin sa kanya.
"Bakit? May sinabi ba ako?"
"No, but your face tells the truth" napabuga naman ako ng hangin at kaagad na tumakbo papasok sa loob ng sasakyan.
Inunahan ko na iyong pumasok at hinintay na lang itong dumating.
"Tss" ani ko ng makapasok siya.
"Ayaw mo ba talaga? Sayang, libre ko pa naman" mabilis namang bumalik ang dati kong expresyon at tumingin sa kanya.
"Really? Libre mo?" Tumango naman ito habang nakatingin sa akin. "Sure? Wala nang bawian?"
"Yup, so let's go?"
"Tara"
Kaagad naman siyang nagmamaneho hanggang sa dumating kami sa mall.
Medyo marami ring mga tao dahil na rin holiday ngayon. Halos lahat ng mga tao nakipagsiksikan lang dito sa loob.
Pati ako hindi ko na lang alam kung gagalaw ba ako o hindi. Iba kasing mall 'yong pinuntahan namin kaya medyo masikip. All of them are blocking the way.
Umiling-iling na lamang ako. Sa dinami-rami ng parte ng mall nakto, hindi ko talaga naiintindihan kung bakit dito pa sa pintuan sila tuamatambay.
Bigla ko na lang nararamdaman na may humila sa kamay ko at hinila ako kung saan-saan papalusot ng mga nagkukumpulang mga tao hanggang sa makarating kami sa hindi mataong lugar.
Nakita ko naman si Sky na hawak-hawak 'yong kamay ko kaya tumikhim ako.
"Uhmm... Tara na" saad ko at naglakad papunta sa isang boutique.
"Sky!"
Sabay naman kaming napalingon doon sa pinaggalingan ng boses babae.
Siya nanaman? Bakit kailangan pa kaming magkikita ulit?...
"Sky! Nandito rin pala kayo? Still having training?"
Bobo ka ba? O sadyang tanga lang talaga? Pupunta kaya kami rito kung may training pa kami? Duh, isip-isip din pag may time.
"No, We're here to buy some accessories and clothes" deretsong sagot ko at nginitian siya. Napatingin naman ito sa akin at napalitan ng pagkabigla ang masayang mukha.
"Oh, nandyan ka pala? I thought wala siyang kasama. You're so small kasi, that's why I can't see you" saad nito kaya napakuyom naman ako ng aking kamao habang nagpipigil sa sarili.
Sapakin kaya kita?...
"No hard feelings" dagdag pa nitio habang tumatawa.
"Yeah, tama ka naman. Hindi ko dapat pagtuonan ng pansin ang mga abnormal o mga walang pinag-aralan" kalma't nakangiting saad ko. Hininaan ko na lang 'yong boses ko nong sabihin ko 'yong panghuling mga salita.
Nakita kong napangiwi si Sky kaya nginitian ko na lang rin ito.
"What?"
"Oh nothing, my dear. Alis na kami ah, may bibilhin pa kasi kami" ani ko rito pero bigla naman itong kumapit sa braso ni Sky kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin rito.
"Ahmm... We're going" dagdag ko pa at akmang hihilain ko na sana si Sky ng bigla niya itong pinigilan habang mahigpit ang kapit sa braso nito.
"Can I go with you?" Napansin kong tumingin sa akin si Sky na animo'y nagtatanong kung papayag ba ako.
"Sure, tutal si Sky naman ang manglilibre sa akin eh, sino ba naman ako para hindi pumayag" ani ko at halata sa tono ng boses ko na ako'y napipilitan lamang.
"Si Sky? Manglilibre sayo? How come? Akala ko ba mayayaman ang mga Pérez?" Bakas ang pangiinsulto sa boses nito, bahagya pa akong napairap at palihim na bumuntong-hininga.
"Hindi sa pagmamayabang, pero masasabi kong sa totoo lang, mayaman naman talaga kami. Pero paano ba 'yan? gusto niya manglibre sa 'kin, bakit naman ako tatanggi? Saka isa pa, siya rin ang kusang nagyaya" Ani ko habang nakangisi sa rito, dahilan nang mapataas ang kilay nito at sinusungitan ako.
"Oh, libre mo pala Sky? Libre mo rin ako, please?" anito kay Sky.
Bigla namang nandidilim ang paningin ko nang sabihin niya iyon.
Wag kang pumayag, sasakalin ko talaga ang babaeng ito, subukan mo lang talaga...
"Sure, no problem" sagot ni Sky kaya malutong akong napamura na tanging ako lang ang nakakarinig nito.
"Okay ka lang?" Tanong ni Jhuliene sa akin.
Tumango naman ako at ngumiti, pumasok kami sa boutique na nasa tapat lang namin.
Naglakad-lakad lang ako habang nakatingin sa mga naksabit na mga damit.
Habang nakatingin ako sa mga damit, malapit akong madapa kaya napatili ako ng malakas, dahil sa kakulitan ni Jhuliene.
Kakaunti na lang ay babagsak na ako sa sahig kaya napapikit na lamang ako.
Naramdaman ko na lamang na may mga braso na nakapulupot sa beywang ko kaya dahan-dahan akong dumilat.
Napatingin ako doon sa taong sumalo sa akin.
*O_o*
Napalunok ako ng tatlong beses habang nakahawak sa matigas na dibdib nito, bahagya pa kaming nagkatitigan.
Kumurap-kurap ako at napatitig sa kulay asul nitong mga mata.
"Ahmm.. thank you, Ren" dahan-dahan niya naman akong linaoag ng maayos kaya napatingin lang ako sa kanya.
Hindi naman ito nagsalita at ngumiti lang sa akin. Sinuklian ko ito ng matamis na ngiti.
My knight and shining armor...
Tumagal pa ng ilang minuto ang pagtitigan namin bago ako tumikhim saka kumurap.
"R-Ren, nandito ka pala?" Nakatungong tanong ko rito at tumingin sa kanyang mga mata.
"Hmm, may binili lang kasi ako"
In a boutique?...
"Y-you're gay?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Hindi ako nakakurap nang makita ko itong nakahawak ng pulang damit. Ang gwapo-gwapo nitong lalaki tapos babakla-bakla lang pala.
"No..no, I'm buying this dress for someone special to me?"
"Not sure if she's special, huh?" Tanong ko habang napahawak sa beywang ko.
Ngumiti ito. "No, she's..uhh, special. I don't know if I'am special for her" kinakabahang saad nito kaya napangiti naman ako sa sinabi niya.
Ang sweet naman pala ng lalaking ito...
"Hmm, that's good. Girlfriend mo?"
"No, I don't think so. Hmm, hindi pa, but I like her" hindi ko na napansin na may kasama pala akong ahas... I mean no.. may kasama pala akong tai.
"Ehem" napalingon ako doon sa tumikhim at nakita ko naman ang mukha ni Sky at 'yong Jhuliene na 'yon.
"Oh, by the way... Ren this is Sky and Sky this is Worren, you can call him Ren" nakangiting saad ko. Tumango naman si Sky at nakipagkamay rito.
"Hi bro, nice meeting you. You're her boyfriend?" Tanong nito sabay turo kay Jhuliene, napatawa naman ako ng mahina dahil sa tanong nito.
Boyfriend daw, tss.
"No, I'm her friend" sagot ni Sky at binaling ang tingin sa akin.
"Oh cool. Uhmm... Can I talk and walk with Faris for a moment? Wala naman 'yong problema diba?"Tanong nito kay Sky.
Tumingin naman ako kay Sky na ngayo'y seryoso lang ang tingin sa amin ni Ren.
"Sure, tara" saad ko at hinila at hinawakan ang braso nito.
"Oh cool" ani ni Ren at hinawakan 'yong kamay ko.
"No, she can't" sabat ni Sky at hinawakan 'yong isang kamay ko. Tumikhim naman ako ng mapansin kong nagkatinginan silang dalawa habang hawak-hawak pa rin ang aking magkabilaang kamay.
"Why? She already agreed, there's no problem with that" sabad naman ni Ren at hinila 'yong kamay ko papalapit sa kanya.
"There is a problem. She can't go with someone else na hindi ako kasama" seryosong saad ni Sky kaya napalunok ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
Aray, kung makahila naman 'tong dalawa, kala mo naman bagay 'yong pinaghihilaan nila...
"Oh c'mon, bro. Give it a rest" ani nito at hinila ako pero hindi talaga nagpapatalo si Sky at mas lalong hinigpitan 'yong paghawak ng kamay ko saka ako tiningnan.
"No, she's going with me" saad ni Sky at hinila ako papunta sa gawi niya, pero nakahawak pa rin sa akin si Ren.
Feeling ko malapit nang maghihiwalay 'yong magkabilang braso ko kakahila nilang dalawa.
Sumulyap ako kay Jhuliene, gusto itong magsasalita, pero parang umuurong and dila nito.
"Oh c'mon. Nandyan naman 'yong babaeng nasa tabi mo eh"
"Jhuliene" sabat ko.
"Right, nandyan naman si Jhuliene" anito at hinila ako pabalik sa kanya.
"Tama siya Sky, pabayaan mo na nga 'ang si Faris, malaki na yan eh. Pwede na siya sumama sa ibang tao. Nandito naman ako eh, let's go shopping. Wag ka nang mag-aalala kay Faris" sabat naman ni Jhuliene at hinila ang braso ni sky para bitawan ako.
"Yeah, no worries Sky" sabat ko rin at bumitaw mula sa pagkakawak niya sa kamay ko. "Bantayan mo na lang 'yang nasa tabi mo. Baka kung ano pang gawin niyan sa 'yo. Mahirap na" dagdag ko pa at ang tinutukoy si Jhuliene, kumunot ang noo nito kaya kinindatan ko lang siya habang nakangiting sumama kay Ren papalabas ng butika.
"Fine, call me!" Pahabol nitong sigaw.
Sky's POV
Seryoso lang akong nakatingin sa bulto nina Faris na naglalakad papalayo sa amin.
Napatingin naman ako kay Jhuliene na nakakapit lang sa braso ko habang nakatingin sa mga damit.
"Ang ganda naman nito. I want this, diba sabi mo ililibre mo ako?" Tanong nito kaya bumuntong-hininga ako bago tumango. "Gusto ko rin to. Tapos ito pa, ito rin. Then this one" saad niya kaya tumango lang ako.
Tinunguan ko na lang ito sa lahat ng pipiliin nito. Wala sa kanya 'yong atensyon ko, hindi ako mapapakali kakaisip Kay Faris.
Gusto ko itong sundan, pero hindi ko magawa, dahil nandito si Jhuliene. Hindi ko rin siya maiwan-iwan.
"Let's pay this, maglakad lakad muna tayo" nagmamadaling saad ko rito at agad na humugot ng pera mula sa aking bulsa at nauna nang lumabas sa kanya.
I'm going to follow Faris, I can't let her go too far. Masyado lang talaga kong nag-aalala sa kanya, lalo pa't hindi ito ligtas kahit saang lugar man iyan.
Narinig ko ang mga yapak ni Jhuliene na sumunod sa akin.
Sinuri ko 'yong buong paligid kung nasaan si Faris, nakita ko naman ito na pababa ng escalator.
Tumakbo ako papunta sa gawi nila, pero hindi ako nagpapahalata na nakasunod lang ako rito.
"Bakit ba tayo tumatakbo?" Reklamo ni Jhuliene pero hindi ko ito pinakinggan at sumunod pang kina Faris.
Nakita ko sila na pumasok sa isang resto kaya sumunod rin kami rito.
"Bakit ba tayo nandito?" Tanong ulit ni Jhuliene.
Tumingin naman ako rito, umupo kami sa hindi rin kalayuan sa mesa nina Faris at kinuha ko 'yong menu para gawing panakip ng aking mukha.
"Let's order" saad ko kay Jhuliene while glancing at Faris.
Tinawag ni Jhuliene 'yong waiter at umorder ng mga iba't-ibang potahe ng pagkain pagkain.
Nakita ko na nag-uusap sina Faris at 'yong kasama nitong si Ren kaya pinakinggan ko sila.
"Bakit pala kayo magkasama ni Sky kanina?" Rinig kong tangong ni Ren kay Faris, mas lalo naman akong umusog sa gilid para mas lalo kong marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa habang nakatakip pa rin ng menu sa aking mukha
"Uhh... Alam mo naman bodyguard goals, diba? Bodyguard at amo lang, mga ganyan. Nothing more, nothing less"
"Oh, so halos araw-araw ay magkasama kayong dalawa? Even sa bahay lang?"
"Hmm, ganoon naman talaga. Palagi 'yong nakasunod sa akin kahit saan"
"Oh, that's... that's good"
"Hmm"
Napansin kong tumahimik sila kaya naman sumilip ako rito, dumating na pala 'yong order nila kaya binaba ko muna 'yong menu.
"Is this some kind of a date?" Nakangiting tanong ni Jhuliene at hinawakan 'yog kamay ko.
Mabilis ko naman itong hinawi at ngumiti sa kanya.
"No" seryosong sagot ko at sumulyap sa gawi nina Faris.
"Ouch! I mean a friendly date"
"No, it's just a friendly lunch" sagot ko at tumingin sa mukha niya.
She can't believe I said those words. Totoo lang naman 'yong sinabi ko, it's a friendly lunch, not a date or a friendly date, but a friendly lunch.
Besides, I don't wanna date someone. Hindi rin ako interesado sa mga date-date na 'yan.
Hindi ko pa rin nasubukang makipagdate ng mga babae. I'm not bisexual, I just don't feel like dating.
"Nagbibiro lang naman kasi ako eh.. hehe, ang tagal ba naman ng waiter, asan na ba 'yon?" Pag-iiba nito ng usapan at lumingon-lingon sa paligid.
"Oh, what a coincidence! Faris and Worren" ani ni Jhuliene at tumayo papalapit sa lugar nina Faris.
Mariin akong napapikit at sumulyap doon sa gawi nila.
What the fvck!...
Tumayo ako at lumapit rin doon sa gawi nila para hilain pabalik sa upuan namin si Jhuliene.
"Let's go, let's not disturb their DATE" saad ko at diniinan 'yong slitang date sabay sulyap kay Faris na nakatingin sa akin.
I don't know why am I feeling like this, parang ayaw kong makita na masaya siyang may kausap na ibang tao. Aish, what the hell is happening.
"Oh, it's a friendly date, bro" sabat ni Ren pero hindi ko ito tiningnan at sinalubong na lamang 'yong mga titig ni Faris.
"I don't fvcking care of what kind of date it is and I'm not fvcking talking to you. Huwag mo akong kakausapin" may halong inis at pagkaseryoso 'yong boses ko nang isagot ko ang walang pagpipigil na lumabas muka sa aking bibig ang mga salitang iyon.
Nakita ko kung paano magsilakihan ang mga mata ni Faris, dahil sa pagkagulat sa walang preno-prenong sagot ko.
Hinila ko naman kaagad pabalik sa upuan namin si Jhuliene.
Umupo kami ulit sa upuan namin at sumulyap kay Faris, nakatingin ito sa akin at may sinabi pa kaya hindi ko na ito pinansin.
- - - -
Seryoso lang si Faris na naglalakad papunta sa sasakyan at hindi ako pinapansin.
Bumuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad habang sinusundan ito.
Why did I fvcking said that?!
Nakita kong padabog at malakas niyang sinara 'yong pintuan ng sasakyan kaya naman kaagad akong pumasok sa loob ng sasakyan at pinindot 'yong magkabilang lock nito upang hindi ito makakalabas mamaya..
"Okay, I'm sorry" ani ko pero umirap lang ito at hindi ako tiningnan. "Faris"
"Sky naman, eh, bakit mo ba kasi 'yon ginawa?" Tanong nito at may bahid ng pagkainis ang mukha.
Shit! Dammit!
"I'm so sorry, hindi ko naman talaga iyon sinasadya. Iyon mismo ang mga salitang gustong itulak nga dila ko palabas ng aking bibig"
"Why?" Inis nitong sigaw at bahagyang napasabunot sa mga buhok nito.
Faris'POV
"Why?" Di ko na mapigilang mainis rito.
Kung kailan nakakatakas ako sa mga sigaw nito at kung ano-anu man iyon ay siya ring pagkabaliktad nito.
Hindi naman sa kilala ako bilang maldita sa lugar namin. Marunong akong mahiya, nahihiya ako sa sinabi nito kanina, lalo pa't maraming mga tao sa restong iyon na ginawa kaming center of attention.
"I don't know" sagot naman nito.
"Why? Bakit hindi mo alam kung ikaw naman 'yong kumukontrol sa sarili mo? Don't tell me you were possessed by some spirits? Oh c'mon, walang ganyan"
"Fvck! Stop aski---"
"Why would I stop asking if you're not answering even one of my damn questions?!" Sigaw ko rito at padabog na binaba ang aking mga kamay patungo sa kadungan ko..
Oh! I can't talk to him...
"Nevermind, drive" madiing utos ko at hindi na siya tiningnan.
Sumasakit na 'yong lalamuna ko kakasigaw rito, gano'n pa rin naman ang mangyayari. Kahit anong dami ng itatanong ko rito wala namang sukli.
Kahit na magtatanong pa ako rito ng limang daang tanong, ni isa hindi niya naman ito masasagot.
Lahat ng mga tanong ko ay parang iniipon ko lang sa aking harapan. Tanong ako ng tanong, blangko naman 'yong sagot.
Parang sumasagot lang ako ng pasulit. Kung hindi ko alam kung ano ang tamang isasagot, hindi ko rin sasagutan.
Kagaya sa nangyari ngayon, hindi nga ito naging pasulit ngunit wala akong nakuhang sagot nito.
Hindi naman pwede na ang isasagot nit ay 'wala akong alam' at tsaka 'ewan ko'. Hindi iyon ang maaring sagot ng tanong ko.
Sumasakit na talaga 'yong ulo ko...
Sa buong biyahe namin tahimik lang ako at hindi na nagsalita sa kanya. I'm not in a mood to talk to him right now.
Hanggang sa dumating na kami sa bahay pinindot niya naman 'yong lock ng pintuan kaya bumaba ako na hindi lumilingon rito.
Ewan ko na lang kung kakausapin ko ba siya o hindi. But for sure, I won't talk to him.
Hindi ako sigurado kung kakausapin ko ba ito. Hindi naman talag madaling malilimutan ang lahat ng mga nangyari, ewan ko na lang rito.
Nararamdaman ko na hindi pa umaalis ang sasakyan nito kaya napatigil ako sa aking paglalakad.
"Faris, I'm really sorry"