Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 27 - Chapter 25

Chapter 27 - Chapter 25

Faris' POV

Ano ba kasi ang nangyari kahapon? Hindi ko kasi maaalala, I was sleepy that night, then I woke up in my bedroom. The last time I remembered is that we sung the song called Open Arms and then.... That's all I remembered, inaantok na talaga kasi ako kahapon eh.

"Morning" napalingon naman ako sa taong bumati sa akin na nakatayo sa pintuan, kinusot ko muna 'yong mga mata ko at humikab.

"Morning, how did I get in here? What happened last night" inaantok na tanong ko at hinawakan 'yong buhok ko, tinalian ko muna 'yong buhok ko bago tumayo at naglakad papunta sa CR, nakit ko naman itong pumasok sa kwarto at umupo sa higaan.

"You don't remember?" Kunot-noong tanong niya. Huminto naman ako ng paglalakad at liningon siya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pamimilosopo ko ko rito at inirapan siya.

"Tss, you slept after we..."

"We?"

"After we sung" sagot nito kaya tumango lang ako at kaagad na pumasok sa CR para maghilamos.

Lumabas rin ako kaagad pero nakita ko pa rin itong nakaupo sa aking higaan.

Wait lang, I think I've remember something about last night, hmm...

Tama! 'Yon nga...

"'Yon lang ba talaga ang nangyari kagabi?" Pag-uulit ko rito.

"Its depends if you remembered anything" saad nito at tiningnan lang ako.

"Yes, I already remembered everything. Last night we kissed, right?" Deretsong tanong ko habang nasa kanya lang ang tingin.

Bakit naman ako mahihiyang magtanong sa kanya, a kiss is a kiss. Wala nang mas hihigit pa roon.

"Go change your clothes, we'll go to Seville today" deretsong saad nito at hindi man lang sinagot 'yong tanong ko.

"Do you regret it?"

"It depends on my mood" sagot nito at ngumiti, tumitig naman ako sa kanya ng matagal at ino-obserbaran ang kanyang mukha, but I see nothing but a blank expression. Paano ko naman masasabi na he was regretting kung wala naman itong emosyon.

"What's with your mood?"

"Hmm, it depends on what you see"

What the hell! Ginagago niya ba ako?

"Tangina! Hindi ako manghuhula!" Inis kong usal at bumalik ulit sa CR para maligo.

Bakit na lang ba halos lahat ng mga tao pinapahula ako?

Pagkatapos ko maligo kaagad rin naman akong lumabas ng kwarto, mabuti na lang at wala na ito sa higaan ko at nakasara na rin 'yong pintuan.

Nakahinga naman ako ng maluwag at nagbihis, bumaba ako na walang dala, alam ko naman na sasabihan nanaman ni Daddy na may damit na kami sa Espanya.

Nakita ko si daddy na naglalakad papunta sa kusina, pero bago pa man ito makapasok sa kusina tinawag ko na ito kaagad kaya lumingon naman ito sa gawi ko.

"Dad, kakain po ba tayo dito?" Nakatungong tanong ko pero iling lang ang sinagot nito at kaagad na tumakbo papunta sa eroplano.

Seriously? A plane in the garden? Tss, pag masira 'yang mga tanim naku ka talaga daddy. Malilintikan ka talaga ng kaluluwa ni Mommy...

Napairap na lamang ako sa aking iniisip. Mabuti na lang at malawak ang aming hardin at kayang ilapag ang malakaking sasakyan.

"Why is the plane here in our garden?" Takang tanong ko ng makalabas ako ng bahay at pumunta sa eroplano.

"Don't worry, kung may masisira man dito, I told our gardeners to fix everything" oh, okay. "Get in"

Pumasok ako sa loob ng eroplano at umupo sa pinaka dulo. Nahagip naman ng paningin ko si Sky na seryoso lang na nakaupo, kumuha muna ako ng pagkain, dahil hindi ako nag-agahan.

Kaagad kong tinapos ang laman ng pinggan at uminom ng malamig na tubig, napansin ko na panay sulyap sa akin si Sky kaya tumingin ako rito, pero ang gago sinalubong man lang ang mga titig ko at parang hinahamon niya rin ako.

Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan pero hindi man lang ito sumuko kaya umiwas na ako ng tingin and I stared at my water for almost a minute na walang kurap-kurap.

"What's your problem ba? Why are you always staring at me? Do we have problem?" Seryosong tanong ko habang linapit ang mukha ko sa mukha niya.

Hindi ito sumagot kaya tumayo ako at umalis sa harapan niya, pumunta ako sa kwarto ng eroplano at doon muna matutulog, tutal inaantok rin naman ako, dahil sa aga ng pagkagising ko, wala rin akong enerhiya para maglaro o kahit ano man iyon. Mas prayoridad ko muna ang matulog ngayon.

- - - -

Nagising ako ng makarinig ako ng malakas na katok mula sa labas kaya mabilis akong napabakon at pumunta sa pintuan, pinihit ko naman 'yong doorknob pero wala akong nakita, lumabas ako ng kwarto para tignan kung sino 'yong kumakatok.

"We're here"

"Ay, anak ng tipaklong!" Malakas kong sigaw at tiningnan ng masama ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakasandal siya sa dingding ng kwarto kaya pala hindi ko siya nakita.

"You know what's tipaklong?" Tanong nito na may ngiting sa labi at tsaka umayos ng tayo.

"N-no, but I saw some people saying it on a movie" sagot ko naman, bigla ko namang na-aalal 'yong nangyari kanina na pangugulat niya kaya pinansingkitan ko uli siya ng mata. "Why are you here?"

"Baby, I said we're here" pag-uulit nito at kinindatan ako.

Tangina! Do I really have to see a doctor?

"I'm not your baby" sagot ko na kunyari ay wala akong pake sa sinabi niya. Naglakad naman ako papasok ng kwarto.

"Kid, then" aniya at sumunod sa akin pagpasok ng kwarto.

"I'm not a kid, twenty-two isn't a kid"

"Child?"

"Tss"

"Girl?" Natatawang tanong nito at umaakto na parang bakla.

Si Mareng Sky talaga oh. Napaka winner...

"Stop it" suway ko rito at lumapit sa mesa para kunin 'yong cellphone ko.

"Ms. Pérez"

"Tss, just shut up"

"Darling?"

"Shut up!"

"Faris"

"Stop, okay?"

"Sweetie" pangungulit nito at nginitian ako.

Naglakad naman ako papalabas ng kwarto at naglakad papunta sa gawi nina daddy na binaba 'yong ibang gamit.

"Kiddo"

"Shut th---"

"Mrs. Baldassare"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya para tingnan ito.

"Wanna be Mrs. Baldassare, huh?" Tanong niya at sumilay ang ngiti sa gilid ng labi nito. "Want my surname?" Napalunok naman ako sa tanong niya.

"Y-you have a nice and wonderful surname Mr. Baldassare" sagot ko at nginitian siya, hindi naman ako nagpapahalata na naapektohan ako sa sinabi nito.

Duh, may girlfriend kaya siya...

"Then Marry me" sagot nito.

"H-ha? Can you repeat that?" Tanong ko na kunyari ay hindi ko narinig 'yong sinabi niya kanina.

Marry me?...

Actually it's very clear, gusto ko lang marinig na ulitin niya 'yong sinabi niya.

"Tss, Nevermind" sagot nito at naunang maglakad sa akin, kumunot naman 'yong noo ko habang sinundan lang siya ng tingin hanggang sa makababa ito ng eroplano.

Sumunod na rin ako pababa ng eroplano. Nakita ko naman si Daddy na nakatayo sa harap ng isang Limousine, what's this limousine doing here? Wala naman sigurong celebrity diba?

"Hija, come... Alsi na tayo papunta sa Seville" ani ni Daddy at sumakay doon sa limousine.

Seriously?

Ngumiti ako at kaagad na tumakbo papaloob ng Limousine.

Oo mayaman kami, but this is the first time na sasakay ako ng Limousine. Pang ordinariyong sasakyan lang kasi ang sasakyan namin. Hindi ko pa nasubukang sumakay ng mga ganito.

Hindi maalis sa aking isipan ang mga pinagsasabi ni Sky, maybe he was delusional.

First of all, hindi ako pumapatol sa may mga girlfriend, ayaw ko magmukhang rebound or kabit ano...

Secondly, wala siyang gusto sa akin at ako naman ay... Ay... Tss, nevermind.

Thirdly, mas maganda pa ata ako sa girlfriend niya kaya hindi ako makikipag kompitensya sa kanya...

And lastly, He's only my master and bodyguard. PERIOD!...

"Hija, ano ba 'yang iniisip mo? I've been asking you for almost five time, why are you spacing out?" Seryosong tanong ni Dad at halatang malapit na itong mainis.

Hindi ko pala na pansin na kanina pa pala ako wala sa aking sarili.

Gusto ng commitment ni Mareng Sky...

Tumikhim ako. "No, dad. Ano ba 'yon?" Deretsong tanong ko.

"Why aren't you bringing clothes? Hindi ko pa naman nasabihan 'yong mga kasambahay natin doon na paghandaan ka ng damit. You should be responsible" seryoso saad ni Daddy.

Really? Akala ko ba.... Tss!

"Nevermind, magpapabili na lang po ako pagdating natin doon, tutal maaga pa naman" sagot ko naman pero may parte sa akin na nag-aalala para sa susuotin ko ngayong gabi.

Ito rin naman kasi si Daddy, hindi nagsasabi sa akin. Wala naman akong alam sa mga pabigla-biglang plano nila.

"Just call our maids" utos ko rito at tumuwid ng upo.

Bumuntong-hininga naman si Daddy. "Okay, okay" humugot ito ng cellphone at dinaial 'yong number ng aming kasambahay sa Seville.

"Hello María, can you buy some clothes for my daughter? We are heading there right now. Make sure you make something for lunch..... No..... Just for my daughter..... Ten pieces.... Anything----"

"Dad, María don't have a sense of fashion" saad ko rito at umirap sa hangin habang nilalaro 'yong buhok ko. "I want branded, I want it smooth, I want it high quality" saad ko rito pero hindi pa rin siya tiningnan. "I want everything in my room branded. I want Armani, Prada, Louis Vuitton, Gucci, Hermes, Chanel, Versace and Dior" saad ko at tumingin kay Daddy habang nakangiti.

Linayo niya 'yong cellphone sa tenga niya. "I only told her to buy ten pieces"

"Then I want Two Gucci, One Prada, One Louis Vuitton, One Versace, One Dior, One Chanel, One Hermes and One Armani. That's all" saad ko at tiningnan ang aking mga kuko.

"Hija, wala dito 'yong---"

"Dad, There's no nothing, I won't wear them all just one day, I'm not an idiot. I have a sense of fashion, I know what to wear. I only want Gucci for today and the rest, just leave it for tomorrow" seryosong sagot ko at kumuha 'yong sunglasses ko sa bag. Sinuot ko naman ito at pumikit. I'm not yet satisfied at my seeping in the plain. Gusto ko pa rin matulog kaysa mag-isip ako ng mga bagay-bagay.

Hindi pa man ako nakapikit, bigala na lamang tumunog ang aking cellphone kaya dumako ang tingin ko doon.

Kumunot ang noo ko nang makita kong unknown 'yong number na tumawag.

Sino naman kaya ito? Baka threats nanaman.

"Hello? Zeerah Pérez speaking, how may I help you?" I politely asked. Hinintay ko namang sumagot ang tao mula sa kabilang linya.

"(Hi)"

Bigla na lamang nanapaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.

"HI!" Masayang bati ko rito.

"(Remember me? It's Ren. Ang saya natin ah?)" Mahina naman akong natawa sa tanong nito.

"Hindi no, napatawag ka pala?"

"(I just wanted to ask you out. Maybe we can have dinner?)" bahagya naman akong natawa saka tumikhim.

Hindi niya papa alam na nandito kami ngayon sa Espanya. Hahaha, minamalas mga naman.

"I'm sorry. Nandito kasi kami ngayon sa Spain, maybe next time. Next time na lang. I promise" tumawa naman ito mula sa kabilang linya. Nakarinig rin ako ng tikhim sa aking tabi kaya napalingon ako roon.

Nakita ko ang imahe ni Sky na nakakunot lamang ang noo habang nakatingin sa akin.

Binalik ko ang aking pansin sa aking kausap sa telephone.

"(Sure, it's fine. Akala ko kasi nandito ka sa Pilipinas. Maybe we'll do it next time)" ngumiti ako rito kahit na hindi niya ito nakikita.

"Sige, thank you"

"(Ano ng pala ang ginagawa mo sa Espanya? Visiting someone?)

"No, not someone, but something. We're here to visit our house. Masyado na kasing matagal simula nong pumunta kami rito, kaya we had a little vacation"

"(Little, huh?)" Alam kong nakangiti ito ngayon kahit na hindi ko pa siya nakikita.

"Yes, little. Kakarating nga lang namin galing Greece"

"(You also went to Greece?!)" Mabilis kong linayo ang aking telepono sa aking tenga nang marinig kong sumigaw ito sa gulat.

"Sisigaw?"

"(Oh, I'm sorry. But seriously, pumunta talaga kayo sa Greece?)"

"Hmm, gano'n pa tin naman ang pinunta namin"

"(Who are you with?)" Sumulyap ako kay Sky tsaka na rin sa aking ama.

May kausap rin sa cellphone si Daddy kaya alam kong hindi niya ako napansin, medyo lumayo kasi ito sa aking gawi.

"Sky, my father, then our Pilot, Jake, and our stewardess, Karry"

"(Hmm, that Sky is always with you, huh?)" Sumulyap ako kay Sky, nakakunot pa rin ang noo nito.

"Yeah, now I realize, that I really need him"

"(Oh, right, I'll hang up now. I have an urgent meeting to attend to. I'll see you here in the Philippines)"

"Okay, bye" agad kong pinatay 'yong tawag saka ito binalik sa loob ng aking sling bag.

"Who is that?" Dumapo ang aking tingin kay Sky at tinanggal ang sunglasses.

"A friend from nowhere"

"May kaibigan ka?"

"Maybe? Or not"

"Why is he calling you?" Kumunot ang noo ko saka ito tinignan.

Bakit ba ang hilig niyang makisaw-saw sa usapan ng ibang tao? Hindi naman siguro inspector 'tong si Mareng Sky, diba?

"Dahil gusto niya"

"Gusto niyang? I need to know everything about you conversation with him"

"Ang epal mo Mareng Sky" inis kong saad rito saka umirap.

Walang emosyon lang ang mukha nito at parang naghihintay pa sa aking isasagot.

"Si ano... Si Ren"

"What about him?"

"Hindi naman 'yon big deal" umayos ako ng upo saka tumingin sa labas ng bintana.

"What about that Ren?" Pag-uulit pa nito.

"Gusto niyang lumabas kami pagdating natin sa Pilipinas. Pumayag naman ako, wala rin naman akong gagawin"

"No, you're not going anywhere. You can't go with him" medyo tumaas ang boses nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Bakit siya nagagalit?

Problema ni Mareng Sky?...

"Why can't, if I can?" Tanong ko pa rito.

"Bakit? Kasama ba ako diyan sa DATE niyo? You are my responsibility, kung saan man 'yang punta mo, dapat nandoon rin ako" mariing saad nito.

Sige papayagan ko siya, gusto niya maging third wheel eh.

"Edi sumama ka"

Tss, nakakarindi talaga 'tong boses ni Sky.

Nagsisimula nanaman ito sa pasesermon sa aking harapan

"Tss, and?"

"Anong and? Walang and-and" sagot ko rito.

"Tch, crazy kid. You want me to go with you? Para ano? Para gawing utusan? Sunod-sunoran sa inyong dalawa?" May halong pamimilosopo ang boses nito kaya bumuntong-hininga ako.

Napakaproblemado naman kasi nitong si Mareng Sky eh. Everything is a problem to him.

"Edi maiwan ka, hindi rin naman kita pinipilit" sagot ko saka sinuot ulit ang aking sunglasses at dahan-dahan na pumikit.

Sky's POV

After a month's being with this spoiled brat beside me, she's still the the Faris that I knew, maybe she won't change. After all this time, she's still SHE. Nothing changed.

I wasn't really aiming for her to change, kung ayaw niya, so be it. I won't force her to change, it doesn't make any sense pag pipilitin ko lang siya. I want her to change in her own way, without me involving or any people, I just want her to realize the things she made about what she was and who she was.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya, she was wearing sunglasses and as I can see, she was sleeping. Yeah, halata 'yon kahit maayos pa 'yong pagkakaupo niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin lang sa kanya, she's kinda naive, she's innocent when it comes to boys body. Wala talaga siyang alam tungkol sa amin, but I know about girls.

Ano ba kasi ang pumasok sa isipan niya at gusto niyang makipagdate sa lalaking iyon?

Tss, he's ugly, ano ba naman kasi ang nagustohan ng batang ito sa lalaking iyon?

"Hijo, why are you smiling while facing my daughter?" Tanong ni tito. Napalingon naman ako doon at naglaho na rin ang ngiti ng aking labi. Hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin si tito. It's not a big deal though.

"I just remembered something, natatawa lang po ako sa iniisip ko" ani ko sa kanya para tumango ito.

Tahimik lang ako habang bumabyahe kami papunta sa mansion nila sa Seville.

Mga ilang minuto rin ay kaagad kaming dumating sa Seville kaya napalingon ako kay Ris, natutulog pa rin ito at parang walang nararamdaman na huminto 'yong sasakyan.

Kinalabit ko 'yong balikat nito pero hindi ito gumising at nag-iwan lang ng mahinang paggalaw.

"Hey, wake up"

Faris' POV

Nakaramdam ako na may nagsasalita sa tabi ko kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nagunat-unat muna ako at tumingin sa labas.

Nandito na pala kami...

Lumingon ako sa katabi ko na nakatingin lang sa akin.

"Bakit hindi ka pa lumabas?" Tanong ko at humikab.

"I'm waiting for you. Let's go" seryosong saad nito at kinuha'yong mga gamit niya.

Nauna naman ito sa akin kaya sumunod ako sa kanya. Pagpasok ko pa lang sa mansion nakalinya na sa daan 'yong mga kasambahay namin at isa-isa itong bumati.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dumating kami sa loob, umupo naman ako sa sofa.

Pumasok na rin 'yong mga kasambahay at tumayo lang sa tabi namin.

"María" tawag ko kay María na isa sa mga Mayor Doma namin dito sa Seville.

Lumapit ito dala 'yong damit na pinapabili ng ama ko, inabot ko ito sa kanya at tiningnan isa-isa.

"What's this?" Seryosong tanong ko at tinaas 'yong dalawang damit habang nakatingin lang doon sa isa pang damit.

I don't know what's the brand, I know it's not Gucci or Chanel or Armani.

"Y-your clothes, madame"

"Yeah, I know it's a clothed, but it looks like a rug" ani ko sabay tapon sa kanya ng dalawang damit. "Change it or leave here" saad ko pa bago tumingin sa kanya at binaba 'yong sunglasses.

"Okay, madame. I'll change it" aniya at mabilis na naglakad paalis.

"Make sure it's Gucci, María" sigaw ko rito. Narinig kong bumuntong-hininga amg aking ama pero kaagad lang akong naglakad papunta sa kwarto ko, bago pa man ako makaapak sa hagdanan lumingon muna ako doon sa isang kasambahay at sumenyas dito na lumapit sa akin.

Tumakbo ito papalapit sa akin kaya may binulong ako sa kanya bago pumanhik sa taas at sinarado 'yong pintuan.

Matutulog nanaman ako. I don't know why am I always feeling so sleepy, nagsisimula lang talaga 'yon kaninang umaga.

Hay! I'm damn sleepy, AGAIN!...