Faris' POV
Kasalukuyan akong nagmumuni-muni dito sa aming hardin habang nakatingin sa mga namumukadkad na mga bulaklak at sa mga lumilipad na mga paru-paru.
Dumako ang aking tingin sa aking tumunog na cellphone. Nakapatong ito sa kahoy na mesa malapit sa fish pond.
Mabilis akong lumapit roon at tiningnan kung kanino 'yong minsahe.
Dumako ang tingin ko doon sa unknown number sa aking cellphone.
May minsahe itong ipinadala sa akin kaya nagdadalawang-isip ako kung titignan ko ba ito o hindi.
Wala na akong ibang naggawa kung hindi ay buksan ang minsaheng iyon. Tahimik lang ako habang binabasa ang mensahe na iyon.
From: 09234765489
"(Hi, this is Sky, kakapalit ko lang ng aking SIM card. Hindi ako makakapunta sa bahay ninyo, I'am here at the mall near the restaurant. Pwede mo ba akong puntahan?)"
Mabilis naman na nawala 'yong kaba ko nang mabasa kong si Sky lang iyon.
Faris:
"Okay, just message me. What mall"
Mabilis akong pumasok sa loob ng aming bahay habang nananakbo paakyat ng hagdanan.
Pumasok ako sa loob ng banyo saka nagbihis.
Lumabas ako pagkatapos kong magbihis. Mabilis kong sinilip mula sa aking cellphone kung saang mall si Sky ngayon.
Bumaba ako ng hagdanan saka pumunta sa gawi ng aking ama na ngayo'y nagtatakang nakatingin sa akin.
"Dad, aalis po ako ngayon" ani ko rito saka naglakad papunta sa kusina. Napansin kong nakasunod sa akin ang aking ama saka ito huminto malapit sa lababo.
"Saan ba ang punta mo? Wala si Sky, dapat kasama mo ang batang iyon"
Bumuntong-hininga ako. "Ayon na nga po eh. Siya po ang pupuntahan ko. Ewan ko lang kung ano ang ginagawa niya roon" sagot ko rito saka naglakad papunta sa sofa.
"Sige, magpahatid ka na lang kay Mang Isko, tutal sasama rin naman sa inyo si Manang Vilma. Mamamalengke siya ngayon, sumabay ka na sa kanila" tumango-tango lang ako at hinintay sina Mang Isko.
Hindi rin nagkalaunan ay dumating si Mang Isko kasama si Manang Vilma. Nag-uusap ang dalawa habang naglalakad papalapit sa amin.
Nagsimula na akong tumayo saka lumapit sa dalawa.
"Tara na" saad ko sa dalawa.
Hindi naman nakapagsalita ang dalawa at nagkatinginan pa.
"Sasama po kayo?" Tanong ni Mang Isko. Tumango-tango naman ako saka tumingin sa aking ama.
"Alis na po kami, dad. Mang Isko, drop me to the mall" naglakad ako papunta sa garahe saka sumakay sa sasakyan.
Habang nagmamaneho si Mang Isko, panay tingin lang ako sa aking cellphone kung meron bang minsahe galing kay Sky.
Skyler's POV
Mabilis akong naglakad papasok sa mansion nina Faris. Sumalubong naman sa akin ang nakaupong ama ni Ris.
Lumingon-lingon ako sa palibot kung nasaan ang babaeng iyon.
"Tito"
Mabilis na lumingon sa akin ang ama ni Ris saka binaba nito ang kanyang eyeglasses.
Nagbabasa ito ng isang freelance magazine.
"Hijo, nandito na pala kayo? Ang bilis niyo namang dumating" kumunot 'yong noo ko habang nakatingin kay tito.
Wala akong alam sa pinagsasabi nito. Why is he saying kayo? Mag-isa lang naman ako.
"Ano po 'yon, tito?" Tanong ko saka linapitan ito. Umupo ako sa tabi niya saka tumingin rito.
"Hindi ba't kasama mo ngayon ang aking anak? Sabi niya nasa mall raw kayo" Mas lalong kumunot ang aking noo sa sinabi nito.
Hindi nga kami nagkita kanina, bakit ko naman siya kasama?
"Po? H-hindi ko naman po siy---" mabilis na nanalaki ang aking dalawang mata sa aking iniisip.
Shit!...
"Fvck!" Mura ko saka madaling tumakbo papunta sa aking sasakyan.
"Hijo, where are you going?!" Tanong ni tito habang humahabol sa akin.
"T-tito, pupuntahan ko po si Faris" Nauutal kong sigaw at mabilis na sumakay ng aking sasakyan.
Pinaharurut ko ito papunta sa sinasabi ni tito na mall. Lumalakas ang kabog ng aking dibdib habang iniisip si Faris.
Oh gosh, please.
Napahigpit ang aking paghawak sa manibela dala ng aking kaba.
Faris' POV
Kanina pa ako nakatayo rito malapit sa resto habang lumingon-lingon sa aking paligid. Hinahanap ko ngayon si Sky. Akala ko ba na nandito siya?
Saan na ba si Mareng Sky?
Umikot-ikot pa ako para mahanap si Mareng Sky, pero wala man lang akong nakita ni anino nito.
Ang tagal...
Matawagan ko kaya 'tong si Sky?
Mabilis kong binunot ang aking cellphone mula sa aking sling bag. Tatawagan ko na sana ang numero ni Sky nang makaramdam akong may kumalabit sa aking balikat.
Si Sky na ata...
Dahan-dahan akong lumingon rito saka ngumiti.
O_O
"..."
Nanalaki ang aking mga mata dala ng malakas na pagkabaog ng aking dibdib. Hindi ako nakaimik nang makita ko ang taong nasa harapan ko.
Tumangka akong tumakbo, pero mabilis na hinablot nito ang aking braso at hinila papalapit sa kanya.
Ayan nanaman. Ang hilig nilang mangidnap.
Mabilis kong sinako ang tiyan ng lalaki, pero masyado itong malakas.
Hinila niya ako papalapit sa itim na sasakyan.
Grrrr! Nakakainis...
Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan, mabilis itong sinara ng dalawang lalaki at pinagitnaan nila ako.
Ano na ang gagawin ko?
Tumahimik ako nang magmaneho ang driver ng naturing sasakyan.
Palihim at dahan-dahan kong linabas 'yong perfume mula sa aking sling bag at hinawakan ito ng maigi.
Napansin ko na tumingin sa akin 'yong isang lalaki, kaya mabilis kong binuksan 'yong perfume at pinisil ito.
I sprayed it all around his eyes.
Napahiyaw ito sa sakit kaya napalingon sa amin 'yong driver pati na rin 'yong isang lalaki.
May sumilay na ngiti sa gilid ng aking labi.
Mabilis kong sinakal 'yong lalaking katabi ko saka pinisil 'yong spray sa mga mata nito.
Paliko-liko na nagmamaneho ang driver ng sasakyan habang nakatingin sa akin. Kumunot'yong noo ko saka binuksan 'yong magkabilang pintuan.
Pinatiran ko 'yong dalawang lalaki sa aking magkabilang gilid, dahilan nang mahulog ito sa daan.
Bigla na lamang bumunot ng baril 'yong driver saka ito tinutok sa akin habang nagmamaneho.
A gun, a gun...
Tumigil ako saka pinunit ang aking palda. Pinunit ko ito paikot at mabilis na tinanggal 'yong punit na tela.
Dahan-dahan kong sinakal 'yong lalaking driver gamit ang punit na tela.
"Aray!"
Napasigaw na lamang ako nang bigla nitong hablotin ang aking buhok at nabitawan ko 'yong pagkakasakal ko sa kanya.
Useless lang din naman pala ang pagpupunit ko sa aking palad. Tangina naman, sana hindi ko na lang iyon ginawa.
Kinasan nito ang baril at tinutok sa aking ulo.
"Pasaway kang bata ka" anito at tumawa na parang demonyo.
Mabilis akong napalingon sa daan nang makita kong may sumasalubong sa amin na malaking bus.
Last day ko na ata 'to.
Kinabig ko 'yong baril at mabilis na hinawakan 'yong manibela. Mabuti na lang at nakailang kami sa sasakyan na papalapit.
"Aray!"
Napadaing nanaman ako nang hilain nito ulit ang aking buhok at inuntog ang aking ulo sa bintana.
Aish...
Napansin ko na dumudugo ito.
Ano ba 'yan. Naiinis na ako sa 'yo kuya ah. Ang sakit kaya no'n.
Mabilis kong binawi 'yong barili kaya ngayo'y nagaagawan kami ng baril kahit na paliko-liko na 'yong sasakyan.
Aba-aba, hindi magpapatalo si Kuya. Patay ka sa akin.
"Akin na 'yan!" Ani ko at hinila 'yong baril mula sa kamay nito.
"Hindi, hindi mo ito makukuha" boses demonyo 'yong gago.
Kinagat ko 'yong kamay nito at hinila 'yong buhok sabay sapak sa mukha.
"Akin na 'yan!"
Nagaagawan lang kami ng baril.
Kinasa niya ito at linapit sa aking ulo, ipuputok na niya sana ito nang bigla kaming mabangga ng isang sasakyan dahilan ng mabangga kami papunta sa malaking kahoy.
Napapikit na lamang ako sa sakit ng aking nararamdaman. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Dahan-dahan akong lumabas mga sasakyan at sumalampak sa sahig.
"HA HA HA HA! Patay ka nang bata ka!" Natatawang sigaw nito at tinutok sa akin 'yong baril.
Nahihirapan akong tumayo at napahawak sa aking ulo na dumudugo.
Aba gago. Buhay pa pala ito...
Napipilitan akong tumayo at hinarap ang gago.
This nonsense ends now!...
Lumapit ako rito saka hinawakan 'yong braso nito at agad na binalian ng buto. Sinapak niya naman ako sa mukha kaya napahawak ako roon.
Mabuti na lang at walang mga tao sa gawi namin.
"Ugh!" Anito nang patiran ko 'yong tiyan niya.
Ang tagal-tagal mamatay. Mamatay ka na!
Mabilis kong hinablot 'yong baril na tumilapon sa sahig nang patiran ko ang kaamay nito saka tinutok sa kanya.
"Bakit niyo ako hinahabol? Bakit gusto niyo akong kidnapin?" Tanong ko saka pinahiran 'yong dugong tumutulo mula sa aking ilong.
Shit ang sakit!...
Gusto kong maiyak sa sakit ng aking buong katawan, pero hindi ngayon ang oras. Kailangan ko munang taposin ang sinimulan nila.
"Hindi! Wala kang makukuhang sagot mula sa akin" mas lalo ko pang linapit ang baril sa rito at pinatiran 'yong tiyan nito.
Kanina pa ito nakasalampak sa sahig kaya kinwelyohan ko ito at dinikit sa kanyang noo 'yong baril.
"You lie, you die" mariing bulong ko rito at pinanliitan siya ng mga mata.
"Hindi ko sasabihin sa 'yo" mariin ring sagot nito kaya hindi na ako nagdadalawang-isip pa na iputok 'yong baril sa binti nito.
Injured...
Hindi ko naman talaga intensyon na barilin ito, pero nagmamatigas eh.
"Grrrr!" Anito at hinawakan ang binti.
Mabilis kong tinapon 'yong baril at naglakad habang paika-ika papunta malapit sa train station.
Napatingin sa akin ang mga tao, pero hindi ko sila pinapansin. Sumasakit na 'yong ulo kong may dugo.
Aray!...
Nahihilo na rin ako kaya dahan-dahan akong umupo sa gilid.
Hinugot ko ang aking cellphone at in-on ito. Nakita ko na may sampong missed calls at twenty messages.
Naku! Lagot ako nito.
Dinaial ang numero ni Sky. Bumuntong-hininga ako saka pumikit.
Answer the call...
"(Ris!)" Sigaw nito sa pangalan ko.
"S-Sky" malumanay kong tawag sa pangalan nito.
Mauubus ata ako ng dugo nito.
"(Where are you? Nasaan ka na? Pupuntahan kita, tell me where are you)" bakas ang pag-aalala sa boses nito.
Bumuntong-hininga ako. "T-train station. Faster"
Mabilis ko ring pinatay 'yong tawag saka binalik ito sa aking bulsa.
Naiwan sa sasakyan ang aking sling bag, mabuti na lang at nandito sa aking bulsa ang aking cellphone.
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exhale...
Skyler's POV
Mabilis akong nagmamaneho papuntang train station. Pinaharurut ko ito ng mabilis kahit na linagpas ko na 'yong speed limits.
Yes, I'am violating the rules, but I'am doing this for Faris. I will do everything for her.
Pagkarating ko sa malapit sa train station, bumaba ako ng kotse at hinanap ito.
Naglakakad-lakad lang ako kahit saang parte ng train station ypang mahanap ang babaeng iyon.
Nasaan na ba kasi 'yon?
Dumako ang tingin ko roon sa babaeng nakayuko habang nakaupo sa isang upuan.
Faris...
Sigurado akong si Faris iyon.
Lumapit ako rito at hinawakan ang balikat nito.
"Ris" ani ko.
Dahan-dahan itong lumingon sa akin at tumingin sa aking mga mata. Maluluha ang mga mata nito at marami ring dugo ang damit nito.
Fvck!...
"No, Ris. Let's go to the hospital" tumango-tango lang ito habang nakayuko. Parang nahihirapan itong magsalita o tumayo man lang.
I saw blood dripping from her head.
Nagsimula na akong kabahan kaya binuhat ko ito saka kami tumakbo pasakay ng kotse.
Kumabog ng malakas ang aking dibdib nang makita ko ang babaeng importante sa akin na maraming dugo saka nanghihina. He innocent face was filled with blood.
Blood all around her clothes.
Nakatingin sa amin ang mga tao, pero nakapukos lang ako kay Faris.
No! They will pay for this...
"Faris, papunta na tayo sa hospital" ani ko at pinaharurut ang sasakyan, kulang na lang ay papaliparin ko na 'yong sasakyan upang makarating kami sa hospital.
Humigpit ang aking pagkakahawak sa manibela at sinulyapan si Faris.
Sino ba kasi ang may gawa nito. I'm gonna kill that son of a b*tch.
Pagkarating namin sa hospital, mabilis ko uling binuhat si Faris.
"Emergency!" Sigaw ko dahilan ng mapalingon sa akin ang lahat ng mga taong nakaupo rito sa loob ng hospital.
Nagsilapitan sa akin ang mga nurse at doktor. Mabilis nilang tinanggap si Faris at pinasok sa ER.
Napahilamos na lamang ako sa aking mukha saka umupo sa upuan. This is all my fault. Kasalanan ko lahat ng ito. This is all my fault.
Naramdaman ko na tumunog 'yong cellphone ko kaya kinakabahan akong sigot ito.
"Tito" humigpit ang aking pagkahawak sa aking cellphone at hinilot ang aking sintido.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Painangunahan ako ng aking kaba at takot.
I'am nervous sa maaaring mangyari kay Faris, I'am scared kung baka masama ang kalagayan nito.
Nagugulohan na ako. Why are they after her? Bakit paulit-ulit na lang nila itong sinusundan at kulang na lang ay papatayin nila ito.
Nakuha na nila ang kanilang gusto, bakit inuulit pa nila. I want this to end. I want this to end now.
"Tito"
"(Hijo, ano nang nangyari sa anak ko? Nakita mo na ba siya? Ano ang nangyari sa kany---)"
"Hospital, nandito kami sa hospital" deretsong sagot ko rito at lumunok.
Tinanggal ko ang bara ng aking lalamunan at tinuon ang aking tingin sa pintuan ng ER.
Oh please...
"(Bakit?! Anong nangyari sa anak ko? Bakit kayo nandyan sa hospital? Anong nangyari?!)" Natataranta na ang boses ni tito at alam kong nagmamadali na itong lumabas ng mansion.
"She's wounded" sagot ko rito at bumuntong-hininga.
Hinawakan ko ang aking noo at tumingin sa mga taong nakaupo sa upuan.
Faris...
Lumalakas ng lumalakas ang kabog ng aking dibdib. She's making me nervous.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari. She's... I... I arrived at the train station an I... I saw her bleeding" kinakabahan rin ako nang sagutin ko si tito.
Nagsimula nang manglamig ang aking buong kamay kaya lumunok muna ako.
"(Oh my! Hijo, pupuntahan ko kayo diyan. I want to see my daughter!)"Tumango-tango ako saka pinatay 'yong tawag.
Please, sana walang masamang nangyari kay Faris...
Nakayuko lang ako habang nakatingin sa aking nalalamig na mga kamay. Pinagdikit ko ang mga ito at tsaka tumayo.
Naglakakad-lakad lang ako pabalik-balik habang hinihintay lumabas ang doktor mula sa ER. Ang bilis ko talagang kabahan. Ang bilis kong mag-alala.
Naglakad ako papunta sa pintuan ng ER saka sumilip roon. Busy 'yong mga doktor at nurse sa kanilang ginagawa.
Bumalik nanaman ulit ang aking pag-aalala kaya naglakad-lakad nanaman ako ulit hanggang sa mapansin ko na lamang na nakatingin na pala sa akin ang mga tao.
Tumigil ako sa paglalakad at bumalik sa aking pagkakaupo sa aking upuan.
"Sky, hijo!"
Nahagip ng aking paningin si tito na nananakbo papalapit sa aking gawi kasama si Mang Isko at Manang Vilma.
Bakas ang pag-aalala sa mga mukha nito habang nananakbo pa rin.
"Tito" ani ko saka sila linapitan.
"Naku, ano bang nangyari kay ma'am Faris? Kinakabahan tuloy ako" saad ng Mayor Doma habang kinakabahang nakatingin sa pintuan ng ER.
"Stay calm, okay? Let's just wait. Lalabas rin 'yong doktor mamaya"
Kahit na sinabi ko pa ang mga salitang iyon. Hindi ko kayang pakalmahin ang aking sarili.
"Excuse me, kayo po ba 'yong pamilya ng pasyente?"Tanong ng isang doktor na kakalabas lang ng ER.
Tumango-tango si tito at lumapit rito.
"Kumusta na siya? Okay lang ba ang anak ko?"
"Ahm.. okay lang po ang anak niyo. She has three cuts on her stomach and she also have one wound on her head. Hindi naman po nakaksama sa kanya. She's fine, she needs to rest" ani nong doktor at nginitian kami.
Hay, salamat naman kung gano'n na ang kalagayan ng babaeng iyon. Bakit ba kasi soya umalis ng bahay? She needs to explain everything to me.
I'm gonna talk to her tomorrow, kung makakagising na ito. She's making us worried.
"Salamat, doc" sagot ni Mang Isko rito.
Umupo kami sa upuan, sumandal ako rito at hindi nagsasalita. Nakatingin lang ako sa dingding habang sina tito nama'y nag-uusap.
Wala ako sa aking sariling nakatingin sa dingding. Lumilipad sa malayo ang aking isipan habang pakurap-kurap.
Nababakla na ata ako nito. Kumusta na kaya si Ris? Kumusta na kaya siya?
"Hijo, gutom ka na ba?" Umiling-iling lang ako sa tanong ng ama ni Faris.
"Busog pa po ako, tito. Kumain na lang po kayo, ako nang bahala kay Faris" aniko saka nginitian siya.
Sinuklian niya rin ako ng isang ngiti na may bahid ang pag-aalala.
"Sige, hijo. Bibilhan ka na lang namin" tumango-tango ako.
Nagsimula nang tumayo si tito kasama sina Manang Vilma at naglakad palabas ng hospital. Nakahinga naman ako ng maluwag saka pinuntahan ang kwarto ni Faris.
Mahimbing lang itong natutulog kaya napatitig ako sa mukha nito.
Naaawa ako sa kanya. Naaawa ako sa pinagagawa ng ibang tao sa kanya. Gusto kong patayin ang kung sino man ang may gawa nito sa kanya.
Shit! I'm gonna kill you!...
My heart is filled with anger right now.
Sana gagaling na siya.
"I'm sorry, Ris" mahinang bulong ko sa tenga nito saka umayos ng upo.