Faris' POV
"Everything ready? Kailangan ko nang makapunta sa meeting ng maaga. Let's go" nagmamadaling saad ni Daddy at kaagad na naglakad pasakay ng eroplano.
Tahimik naman kaming sumunod rito at umupo sa aming mga pwesto.
Walang nagsasalita sa amin, dahil busy si Daddy sa pagcecellphone niya, mukhang naiirita nga ito habang nakatingin lang sa cellphone niya.
Mahina naman akong natawa sa reaksyon ni Daddy.
"Why are you laughing?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig kong may nagsasalita.
Nakita ko si Sky na nakatingin sa akin. Umiling lang ako sa humilig sa upuan.
"Hijo, ikaw muna ang magbabantay sa aking anak ah, I have an overseas business trip. Babalik ako on Tuesday" rinig kong saad ni Daddy kay Sky.
Tumango naman ito bilang masunuring aso at hindi pa inalis ang tingin kay Daddy na parang may gusto pa itong sabihin.
Bumuntong-hininga naman ako saka nilalaro ang mga kamay ko.
"Tito" lumingon ako sa gawi ni Sky ng magsimula na itong magsalita.
Mga ilang minuto pa siya huminto bago magsalita ulit. "Tito, I'm going to a birthday party tonight... Can I---"
"Yes, you can. Bring her with you wherever you are going. I trust you, I know that she's safe with you, I know you can protect her. Ikaw na ang bahala sa kanya" mahabang saad ni Daddy at tinapik pa ang balikat ni Sky, naka tunganga lang si Sky habang nakatingin kay daddy na parang walang masabi, dahil sa dinami-rami ng sinabi ng aking ama.
"Tss" ani ko at pumikit muna.
- - - -
Yes! I'm very back!
Nandito na talaga kami sa Pilipinas, nakabalik rin kaagad.
Maaga kaming dumating dito, si Daddy ay dumeretso na sa trabaho niya samantalang kami ni Sky nandito lang sa bahay.
"Fix yourself" utos nito sa akin at kaagad na tumakbo papapunta sa hagdanan.
"Ha?!" Pahabol kong sigaw kaya tumigil naman ito.
"Maaga tayong aalis ngayon. Malapit na ring gumabi, magbihis ka na" pag-uulit nito at tinalikuran ako. Sinundan ko lang ito ng tingin habang naglalakad siya papunta sa kwarto niya.
Oo, dito nanaman ulit ito matutulog. Babantayan nanaman kami ng aming aso.
Sumunod ako rito at pumasok sa kwarto ko, lumapit ako sa walk-in closet ko at pumili ng disenteng damit.
Hmm, anong kulay ba? Red or White?
Nakatingin lang ako sa pula at puti na gown na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko sa dalawa, pareho naman kasi itong magaganda at disente pa kung tignan.
I think red is better. It's like a lava dress.
Kinuha ko 'yong pulang biste at linapag ito sa aking higaan, kinuha ko rin 'yong three inches red heels at tinabi ito sa damit.
Amazing...
Kaagad akong naligo at nagbihis ng pulang biste.
I feel like I'am the one who will have a birthday party.
Pagkatapos kong mag ayos. Lumabas na ako sa kwarto ko, nakita ko si Sky na nakatayo lang habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako rito nang ngitian niya ako.
"You look stunning. Gorgeous" anito at ginayak ako papunta sa sasakyan nito habang may nakaukit na ngiti ang mga labi.
Pumasok naman kami rito at pinaharurut ito papunta sa bahay ng kaibigan niya.
Huminto ang sasakyan sa isang mansion kung iyong tignan, maraming mga tao sa loob at may malakas rin na tugtug.
Masasabi mong napakayaman ng may birthday, malaki 'yong mansion, maraming bisita at marami ring mga pagkain.
Naglakad kami papasok rito, sinalubong naman kami ng mga kaibigan niya.
"Hello, Ms. Pérez" nakangiting saad ni Aziel sa akin.
Yeah, mabilis ko lang nalaman ang mga pangalan nila. It's not hard to memorize, ang gaganda nga ng mga pangalan nila eh.
"Hi" sagot ko rito at nginitian siya.
"Bro, ang ganda naman ng kasama mo?" Sabat ni Treyton at nginitian ako saka umakbay pa ito sa akin.
"Who's ganda?" Nakita ko naman na sumulpot si Zyair sa aking tabi.
Why is his accent like that? Marunong ba siya magtagalog?
"Take your hands of her" seryosong saad ni Sky at hinila ako papalapit sa kanya. Hindi naman ako nakaimik ng hilain niya ako, wala akong ibang naggawa kung hindi ay sundin na lamang ito.
"Hello!" Nakita ko si Wren na nakasuot ng maroon na tuxido and as what I've observed, siya 'yong may birthday.
Kasama niya pa si Kajick and a girl beside Kajick. Maybe that's the girl Kajick was married to. Kasama rin nito ang kanyang kapatid na si Kajhaine.
"Happy birthday" bati ko sa kanya. "I will give you your late birthday gift" dagdag ko pa at nginitian siya.
"It's okay, don't worry and also thank you" saad nito.
Lumapit rito ang kanyang girlfriend na si Kajhaine at hinalikan ito sa pisngi.
"Happy birthday, baby. I love you" saad ni Kajhaine at hinalik-halikan ito.
"Thank you, baby, I love you too" sagot naman nito saka kinurot ang pisngi ng kasintahan.
Ngumiti naman ako sa dalawa. Ang sweet nila, parang walang problema ang relasyon ng dalawa. No one's cheating, parang stick to one lang.
Sa mga pilikula kasi na napapanuod ko ay maraming mga cheaters. Well, cheaters cheat. Mabuti na lang at maganda pa ang relasyon ng dalawa. I was wondering, ilang tao na kaya ang relasyon ng dalawa?
"Get a room" sabat ni Kajick,. dahilan nang maghalakhakan ang kaibigan nito. Pati ako natatawa na rin sa sinabi nito.
Bakit naman sila kukuha pa ng kwarto kung meron naman silang kwarto rito? Psh.
Biglang dumako ang tingin ko doon sa kasamang babae ni Kajick.
"Oh, Kajick. Why don't you introduce your wife to Faris?" Saad ni Trayon kay Kajick.
Nakabasungot lang ang mukha nito at parang naiilang pa ito sa asawa niya.
"Tsk! This is Rhunzel Marchenko and Rhunzel this is Faris" pagpapakilala ni Kajick sa amin.
Ngumiti naman ito at nakikipagkamay pa sa akin.
"Hi" saad ko sa kanya.
"Hello" nahihiyang saad nito.
"Let's go to your table" naglakad naman kami papunta sa mesa namin. May maraming mga pagkain na nakalapag sa mesa at marami ring mga maiinom rito.
Umupo kami rito pati na rin 'yong mga kaibigan niya.
Wren was having a short speech at pagkatapos no'n nagsayawan na ang mga tao at marami din ang kinakain, may nag-uusap at iba pa.
"CR muna ako. I'll be back, stay here" saad ni Sky at tumayo naglakad papunta sa CR kung saan man ang CR na iyon.
"Boyfriend mo?" Napalingon naman ako sa katabi ng magtanong ito sa akin.
"No, he's a friend, a bodyguard a... He teaches me to do the self defense, y-you know" sagot ko naman rito habang nauutal pa.
Ngumiti siya at tiningnan 'yong asawa niya na umiinom kasama ang ibang kaibigan nito. Nagtawanan ito at nag-uusap.
"Do you love him?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin na rin kay Kajick.
"No, we are forced to get married, sinunod lang namin ang gusto ng mga magulang niya pati na rin sa lolo ko. Wala rin naman kaming magagawa" mahinang saad nito. She is good... Yeah, good to talk with.
"Hmm, it's hard, huh?"
"Yeah, so hard. Lalo pa't wala kang gusto sa kanya, wala rin siyang gusto sayo. Tapos nasa isang bubong lang kayo, you look like strangers. Magbabangayan tapos halos araw-araw ay away" saad nito. Tumango naman ako, nakita ko si Sky na naglalakad pabalik sa gawi ko kaya napatikhim ako.
"You know what? We should talk more" linapag ko sa mesa 'yong phone number ko at lumapit kay Sky.
Nararamdaman ko na hinagod niya ng tingin 'yong likod ko pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa aking paglalakad hanggang sa makalapit na ako kay Sky.
"Alis muna ako. I'm going to get some foods for MYSELF" diniinan ko talaga 'yong salitang myself para dama 'yong sinasabi ko. Baka manghihingi pa si Mareng Sky, mahirap na.
"Pfft.. okay, bumalik ka kaagad ah? I'll marry you" pinalo ko naman ito at kaagad na naglakad papunta sa buffet table at kumuha ng maraming mga pagkain.
"Nandito ka rin pala?" Hindi ko pinansin 'yong nagsasalita at patuloy lang na kumuha ng pagkain.
Baka kasi hindi ako 'yong kausap, baka kasi nag assume lang ako. "Hey" lumingon ako rito ng kalabitin niya ako.
Who the hell is this gorgeous man in front of me?...
"Excuse me, ako ba 'yong kausap mo?" Tanong ko rito sabay turo sa sarili ko. Tumawa naman ito ng mahina at ginulo ang buhok ko.
What the heck!...
Nagulat na lamang ako nang mapansin ko na ginulo ng isang estranghero ang aking buhok.
Sino ba kasi ang lalaking ito at bigla-bigla na lamang magsasalita na parang magkakilala kami, ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya.
"Of course, you don't remember me are you?" Kumunot naman ng noo ko sa tanong niya.
Malamang, hindi ko siya kilala...
Ngayon ko lang nakita ang mukha ng estrangherong ito. Bakit ko naman siya makikilala kung hindi rin naman ito nagpapakilala.
Baliw...
"Excuse me?" Kunot-noong tanong ko rito at linapag ang pinggan sa kaunting espasyo ng buffet table.
"Worren? Ren? Still remember me? I called you the last time" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
Seryoso?! Siya si Worren?! Bakit bigla atang nag-iba ang mukha niya?
"You're joking, right?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"No, not joking. It's me, Worren" bakas ang pagkaseryoso sa boses niya kaya doon na ako naniwala.
Worren?! O M G!
"B-bakit?... A-anong nangyari sa---"
"Hair spray lang" anito at hinawakan ang buhok niya.
Oo nga no?
"How do I look?" Nakangiting tanong nito.
Ang gwapo niya naman siguro, parang hindi siya, parang artista o modelo eh.
"You look good" saad ko rito.
"Good lang?" Nakangiting tanong nito.
"You look cool"
"Cool lang?"
"You look better?"
"Better lang? Tapos may question mark pa?"
"Okay, you look gorgeously handsome" sagot ko rito dahilan ng mapangiti ito.
"Really?"
"Hmm" I said and nod.
"Walang bawian na 'yan ha?" Tumango naman ako at tumawa.
"Kailan ka pa umuwi? I thought you were in Seville?" Linaoag nito ang kopita sa tabi saka ako tiningnan.
"Yes, kakauwi lang namin kaninang tanghali, dumeretso na kami rito. Ito kasing si Sky, napaka atat. Kanina pa nagmamadali" saad ko saka sinulyapan si Sky mula sa kinauupuan nito.
Nag-uusap lang ito kasama ang mga kaibigan niya kaya binaling ko ang aking tingin kay Ren.
Napansin kong sumulyap rin doon si Ren kaya tumikhim ako.
"Magkasama pala kayo?" Tanong nito saka kinuha 'yong kopita niyang nakapatong sa mesa.
Ininom niya ito saka sinalinan nanaman ulit.
"Kailangan lang talaga, lalo pa't wala ang daddy ko. Walang magbabantay sa akin kung wala siya" tumango-tango naman ito saka tumingin sa akin.
"He's awesome, huh?"
"Hmm" saad ko saka sumulyap kina Sky na ngayo'y sobrang busy sa pag-uusap.
Kanina pa ito nag-uusap habang umiinom at halos maubus na nila ang red wine na nakalapag sa mesa na nasa gitna ng mga ito.
Skyler's POV
"Aziel, still remember Michelle?" Tanong ko rito.
Mabilis pa sa alas kwatro itong napalingon sa gawi ko habang may bahid na pagtataka ang mukha.
"What about her?" Tanong nito at seryoso pang ang mukha.
"You mean Michelle, like the Michelle?" Sabat ni Treyton rito. Tumango-tango lang ako saka ininom ang laman ng aking kopita.
"Who's this Michelle?" Ani ni Zyair at nakasimangot na tumingin sa amin.
Napakamot-kamot pa ito sa kaniya batok na animo'y isang bata na walang alam.
"You don't know her" seryoso sagot ko.
"Kaya nga ako tanong eh. Why would I asked if I know her?" He answered and lean into his chair.
"Wala ka na doon. You're always thinking of the pala---"
"Shut up. Your provoking me!" Inis nitong usal kay Aziel. Tumawa naman si Wren saka sinalinan ang kopita nito.
Todo pagpipigil naman si Kajhaine, dahil halos mauubos na nito ang isang bote ng red wine.
Umiling-iling na lamang ako, dahil sa aking iniisip.
"So, what about Michelle?" Pag-uulit pa ni Aziel.
Tumikhim muna ako saka tumingin sa kanila.
"I've seen her"
"And?" Bigla namang sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking mga labi saka itong tiningnan.
Nagkukunwari pa talaga tong may gusto kay Michelle eh.
"Kunwari ka pa, crush mo naman" saad ko rito at umaasa na ngumiti ito, pero isang blangkong expresyon lang ang ipinakita nito sa akin.
"She's a past. I'am focusing of the present. Wala akong gusto sa kanya and that's it. I never liked her, I'am just admiring her skills, her beauty at wala nang mas hihigit pa roon" mariing saad nito at binagsak ang kopita.
Napa-awang na lamang ang aking labi sa mga salitang lumalabas mula sa bunganga ng lalaking ito.
Seriously?...
Bumuntong-hininga na lamang ako at napahilamos ng aking mukha.
Tumahimik naman kami saglit, napansin ko pang tumikhim si Wren saka ngumiti sa amin.
"Bro, nasaan ba si Faris?" Tanong ni Wren
Kumunot ang noo ko nang bigla na lamang itong magtanong.
"Oo nga, bro. Baka wala ka nang mapapakasalan pa" sabat naman ni Treyton.
"In the buffet table" saad ko at tumingin sa buffet table.
"Oww!"
"Shit!"
"What the hell"
"Oh, that was... Cool?"
"Hmm"
"Bro, look at them. They are happy talking, bagay nga naman sila. Tumatawa pa si Faris oh" saad ni Treyton at tumingin rin doon sa buffet table. Seryoso lang akong nakatingin sa kanila.
"Let's go" doon ko lang napansin na hinila na pala ako ng katawan ko na lumapit sa gawi nina Faris, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.
I found myself standing near them while having a serious expression.
"Teka lang. Nag-uusap pa kami oh" saad nito at pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na hinawakan ang pulsuhan niya at kinaladkad ito papalabas ng Mansion.
Wala na akong pake alam rito kung nasasaktan ba ito o hindi.
Halos lahat ng mga tao nasa amin ang tingin at parang nagtataka pa ang mga ito kung bakit kami nagmamadali sa aming paglalakad.
"Aray! Ano ba?!" Sigaw nito at pumasok sa loob ng sasakyan. Hindi ko na ito pinakinggan at pumasok na lang rin sa loob ng sasakyan.
Bumuntong-hininga ako at tumingin na lamang sa harap ng sasakyan pero hindi ito pina andar.
Sumulyap ako sa kanya, nakatingin lang ito sa kamay niya na may dugo.
"Fvck!" Asik ko at mabilis na kumuha ng gapas at hinila 'yong kamay niya na dumudugo. "Where did you get this?"
"Kasalanan mo rin naman 'yan. Nasagi ng kamay ko 'yong gate at hindi ko napansin na natusok pala doon sa may matalim na bagay" ani nito at inirapan ako.
I get an ointment from my emergency kit at linagyan ito ng ointment at linagyan ng bandaid.
"Tss" rinig kong saad nito.
"I'm sorry" ani ko sa kanya at sinuli ang emergency kit sa compartment ng sasakyan.
"Tss" saad nito.
"I'm sorry, I... Bakit ka ba kasi nakikipagusap sa lalaking iyon?" saad ko kaya kumunot naman ang noo niya.
"What? Bakit naman? Magkaibigan kami, okay?"
"Don't treat everybody as your friends. Hindi mo magiging kaibigan ang lahat"
"Naiingit ka?" Tanong nito?
Ewan ko!...
"Ha? Bakit naman ako maiinggit? I have tons of friends" Tss, I don't know what I'm doing right now and at this moment.
"Right, may Girlfriend ka na pala at isang dosenang kaibigan, right? Tapos ako naman... Wala, kahit isa man lang, wala" saad nito at tumahimik. Natampal ko naman ang noo ko hinilot ang sintido ko.
Damn this!...
"Kaibigan ko lang si Worren. Kung manliligaw man siya.. baka may chance. Everybody has a chance" rinig kong saag nito kaya napakuyom naman ako ng kamao ko.
Ang tigas naman talaga ng ulo ng batang babaeng ito.
What the hell! I'am fvcking crazy! Nababaliw na talaga ako, dahil lang sa babaeng ito...
"No, you're not allowed to have a boyfriend. Bawal pa iyan sa 'yo. Mumurahin pa 'yang edad mo" bigla nanamang sumeryoso'yong boses ko ng sabihin ko iyon.
"Why? I can do whatever I wanted to do" saad nito at nilaro-laro ang ilang hibla ng buhok niya.
How can I deal with this kid?...
"Not if it's me" ha?
"Ano?"
"Nevermind, you're not allowed to have a boyfriend pag hindi mo pa iyon pinapakilala sa akin or sa papá" seryosong saad ko rito.
"Kilala mo na si Ren"
"Yes, I know him, but maybe he's a bad influence" giit ko pa rito.
"He's not"
"Wag na natin siyang pagusapan. I hate hearing his name" ani ko at pinaandar'yong sasakyan. Dahan-dahan ko naman itong minaneho.
"Why?"
"Because I don't like him!"
"Well I like him! Mabait siya, mayaman, matalino, gwapo and he's also caring"
Bakit? I'm not opposite to him...
"Stop, mentioning him"
"Tss, bakit nga?"
"Just stop!" Napahigpit ang pagkahawak ko doon sa manibela ng magtanong pa ito.
"Why, stop?!"
"I hate him, okay? I don't like him! Stop mentioning his fvcking name, stop saying Ren" kalamang saad ko rito.
"WHY?!" Malakas na sigaw nito at ngumuso.
"Because! I'm fvcking jealous and you're so selfish, ni hindi mo man lang napansin na nagseselos ako, dahil palagi mo na lang iniisip 'yang sarili mo and you are acting like a stupid damn kid!"