Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 25 - Chapter 23

Chapter 25 - Chapter 23

Skyler's POV

Kasalukuyang naglalakad kami ngayon dito sa isang mall sa Greece. Gusto niyang magpasama para bumili ng mga damit.

We have lots of clothes in the mansion, ewan ko lang kung bakit bumibili pa ito ng iba. Sa dinami-rami ng mga damit roon ay hindi pa rin ito ito sapat para sa kanya.

Such a waste of money...

Naramdaman ko na biglang tumunog 'yong cellphone ko kaya mabilis ko itong hinugut mula sa aking bulsa at sumulyap kay Faris na nakatingin lang sa palibot.

"Excuse Me" saad ko rito nang tumingin ito sa akin.

Lumayo muna ako ng kaunti na sakto lang rin naman para makita ko itong nakatayo malapit sa escalator.

Kaagad kong pinindot 'yong answer at tinapat ito sa aking tenga.

Bumuntong-hininga ako. "Hello, Mom" yeah, my mom is calling, she's call's me rarely.

"(Hijo, where are you?)" Halata sa boses nito ang saya masaya. I don't know what's the reason, baka 'yon rin ang rason kung bakit ito tumawag.

"I'm in Greece right now" sagot ko naman rito at tumingin sa paligid.

Hinanap ng mga mata ko ang pigura ni Faris kaya paikot-ikot akong nakatingin sa paligid.

Bigla na lamang itong nawala sa kinatatayuan nito kanina malapit sa elevator kaya napatingin ako sa iba't-ibang bahagi ng mall

"(In Greece? Why are you in Greece?)" Kahit hindi ko siya nakikita ngayon, alam kong nakakunot ang noo nito.

"Long Story" Nahagip ng mga mata ko ang imahe ng isang tao na nakatayo sa labas ng isang butika kaya nasisiguro kong si Faris iyon.

"(Kaya pala hindi ka umuuwi. We thought you are busy, but unexpectedly we found out that you are in Greece with Faris and Mr. Pérez)"

"Yes, mom. Napatawag ka? Where's dad?" Deredretsong tanong ko at tiningnan lamang si Faris.

Hindi ko na inalis ang tingin ko rito, baka mawala nanaman ito ulit at hahanapin ko pa siya sa buong mall.

"(Oh, your dad is very busy with his blueprint. I also have a very good news)" as I can observe my mother's voice, she is very excited to tell me that VERY GOOD news of her.

"What is it?"

"(Still Remember Grammy Nina?)" Grammy Nina? Mother's stepmom? Grammy Nina is my mother's stepmother.

"Hmm, what about her?" Kalmang tanong ko rito.

"(We are going to take over her four companies and two chateaus. She wants you to be the heir of the Companies)"

Napatango-tango n alamnag ako kahit na hindi niya ako nakikita.

May apat na malalaking kompanya ang aking lola, kaya masyado ito busy kahit sa gulang nitong sixty-nine. "(Since she's not getting younger, gusto niya na ikaw na 'yong mamamahala sa mga kompanya nito, tutal ikaw rin naman ang napili nitong tagapagmana. Is that okay with you? Taking care of the company is one of a hardest jobs to do)"

My Grammy Nina was actually as rich as the Pérez's . Mas angat nga lang ng kaunti ang aking lola, so since ako na 'yong gagawing tagapagmana ng mga kompanya nito, we're going to be richer than the Pérez.

Tss, I Don care, anyways. Hindi naman ako nakikipagkompitensya sa mga Pérez, but that's one of the possibilities.

Hindi ko rin naman ginusto ang magingmayaman. Ang tanging gusto ko ay ang simpleng pamumuhay lamang at 'yon lang. Wala na akong hihilingin pa kung hindi ay maging masaya sa aking naging buhay.

"It's fine, but I'm sure I can't handle all of that, since my works are my priority. Biglaan naman ang pagmamana ng mga kompanyang iyan, kaya rest assured, hindi ko 'yan mabibigyan ng pansin. Marami pa akong ginagawa, especially for the daughter of Familia Pérez" saad ko at sumulyap kay Faris, she's was just laughing while facing at her phone.

Kumunot ang noo ko nang titigan ko 'yong cellphone na hawak nito. I think it's a wrong phone, iba ang kulay nito pati na rin 'yong brand.

She really changed her phone. Tss, what a big mistake.

"(Yeah I know, taking care of the Pérez's daughter. Don't worry anak, we got your back sice hindi naman ako busy. You also have your friends, right? You know... Zyair and Wren? They're good when it comes to business, maybe they can help)" Zyair and Wren? yes they're good but I don't think so.

"Mom, they're also busy with their works. Huwag na po natin silang aabalahin pa, marami rin itong mga ginagawa kaya hindi po ako nasisigurado na kakayanin nila iyon. I can't just hop in and make them work for me"

"(Don't worry. We can handle this. Sabihin mo lang sa akin kung kailan ang balik niyo)" anito.

Hmm, today is Wednesday, isang araw na lang pala ang natira then pupunta na kami ng Spain. Okay, since three days din kami sa Spain.

When?...

"We'll be back by Monday, Mom"

"(Good, your Grammy Nina wants to meet you on Monday. I'm going to tell her, you're free on Monday)"

"I'm not free, I have a lot of things to take care of. Kailangan ko pang bantayan si Faris. May training pa kami, I don't really think of being free" sumulyap ulit ako kay Faris. She was still laughing very hard kahit na napaptingin sa kanya ang mga taong napaparaan.

They might think she's crazy.

"(Yeah, I know. Basta, Monday... We're good. Just bring Faris with you if you have to. Monday is Final. I can't be with you this coming Tuesday, kailangan ko pang pumunta sa korte)"

"Fine, Monday"

"(Okay, bye. See you on Monday)"

"Bye, Mom"

"(Love you)"

"Love you too" pinatay ko naman 'yong telepono at naglakad papalapit kay Faris, parang hindi nito ako napansin dahil tawa pa rin ito ng tawa habang nasa cellphone lang ang tingin. Parang hindi rin naman siya nanunuod ng pilikula.

Matunog akong tumikhim para mapansin nito ang papalapit kong prisensya. Napalingon ito sa gawi ko at mabilis na pinatay ang BAGONG cellphone nito.

Faris' POV

"Done talking with your so called girlfriend?" Tanong ko at maypa action-action pang nalalaman.

"I'm not talking to my girlfriend, it's my mom" anito kaya napatango lang ako.

Masamang hinala ah...

"Bakit nga pala hindi tumatawag sa 'yo 'yong girlfriend mo?" Tanong ko rito.

Why am I entering his business?!. Gosh, this is insane.

"Hindi na niya kailangang tumawag pa. Palagi kaming nag-uusap, halos araw-araw" nakangising saad nito kaya kumunot naman 'yong noo ko.

"Kung palagi kayong nag-uusap, bakit hindi kita nakikita na nakahawak sa cellphone mo kung kausap siya?" Curious na tanong ko rito habang nakapameywang saka tinaasan ito ng kilay.

"We don't have to use phone. She's talking to me directly"

Ha? Ano raw?...

"Bakit hindi ko siya nakikita?"

"She's standing near me" lumingon naman ako sa paligid para hanapin 'yong mysterious girlfriend niya. Wala naman akong nakitang tao na nakatayo malapit rito. Ang tanging nakikita ko ay dalawang lalaki na nag-uusap.

"Iyon ba?" Tanong ko sabay turo sa dalawang lalaki na nag-uusap. "Lalaki pala 'yong girlfriend mo? Pfft, confirm na nga" natatawang saad ko at tinakpan ang aking bibig gamit ang aking dalawang palad habang patuloy lang sa pagtawa.

Hahahaha! Confirm! Bakla si Mareng Sky...

- _ -

"Tss, nevermind. Tara" saad nito saka ako hinila papasok sa loon ng isang butika.

"Nga pala, where did you put the Ono Champagne? Akala ko ba iinomin natin 'yon kahapon?" Tanong ko rito at pumasok sa boutique.

Sumunod siya sa akin pero seryoso lang akong nakatingin sa mga iba't-ibang kulay at desenyo ng mga damit magagarang mga damit.

"Bakit? Lumabas ka ba kahapon? You're acting hard-headed last night, not exactly acting, but you're totally hard-headed. You want to make me please" napabuga naman ako ng hangin sabay bitaw sa damit na hinahawakan ko at tumingin sa kanya.

Linahad ko rito 'yong maliit kong handbag saka binalingan 'yong damit na aking hinahawakan kanina.

"Wh--"

"Hawakan mo muna" pagpuputol ko sa sasabihin niya at linapitan 'yong kulay pula na biste.

Maganda siya, it's elegant.

"Buy it" bulong nito kaya napasulyap ako rito.

"Nagmamadali? Excited? Ha? May appointment ka kuya?" Saad ko rito habang may pamimilosopong mukh.

Walang bahid na emosyon ang mukha nito, hindi rin ito galit pero hindi rin ito nagpapakita ng kahit anong emosyon.

"Nevermind, tara, labas na tayo" walang emosyong saad ko at kaagad na binitawan 'yong pulang damit.

Hindi ako nagsasalita habang naglalakad papalabas sa boutique.

Nawala bigla 'yong mood ko nang makita kong may mga ahas pala sa tabi-tabi.

"Faris" here she comes. The cobra or the python.

"Hey Jhuliene" nakangiting sagot ko habang nakatingin sa kanya na nakangiting papalapit sa amin.

Pakembot-kembot pa talaga itong naglalakad na parang kabayo.

Matapilok ka sana...

"Hi, Sky my lovely dabbie Sky" saad nito kay Sky at yinakap ito ng mahigpit. Habang pasulyap-sulyap lang sa akin.

Hano raw? Lovely dabbie Sky?...

Napansin kong lumawak ang ngiti ni sky nang dumating si Jhuliene. Mas malawak pa ito sa aming hardin roon sa mansion.

Coincidence ito ano?...

Napansin kong hindi pa rin bumibitaw ito bumibitaw kay Sky kaya kinunutan ko ito ng noo. May patikhim-tikhim pa akong nalalaman habang titig na titig sa kanila.

Malandi rin pala si Mareng Sky, ano?...

"Hi" sabad ko nang mapansin kong nag-uusap lang ito na parang walang Faris.

Gulat itong napatingin sa akin at hinalikan ako sa pisngi, sekrto kong pinahiran 'yong parte na hinalikan nito at nginitian ito. May patawa-tawa pa ito kaya napairap na lamang ako.

Ang halik ni kamatayan!...

"Why are you here?" Nakangiti nitong tanong.

Ang tangkad niya masyado, halos magkasintangkad sila si Sky. Hindi ko maiwasang hindi magandahan ni Jhuliene, mukha itong modelo ng mga damit. Matangkad, makinis, at maputi. Maputi rin ang budhi.

Bumalik ako sa aking sarili mapansin kong kanina pa dinuro-duro ni Jhuliene ang aking noo.

Fvck! What the hell is your problem, dude?!...

"Ehem, wala namang problema kung pupunta kami dito diba? We don't own Mother Greece, right darling?" ani ko at pilit itong nginitian na may halong paiinsulto.

Napansin ko na parang nabara at natigilan ito sa mga binibitawan kong mga salita. Napalunok pa ito ng ilang beses at hindi nakaimik.

"Y-yeah, tama ka nga... W-we don't own Mother Greece" mangutal-ngutal na saad nito and I saw her blinked for almost five times.

Nagtitigan lang kami at sinalubong ang masasamang mga titig ng isa't-isa. Matalim itong nakatitig sa akin, hindi naman ako nagpapatalo at mas masama rin itong tinitigan.

"Okay, want to go somewhere else?" Tanong ni Sky sa amin. I broke our eye contact at tumingin kay Sky, sinulyapan ko muna si Jhuliene at nakita kong napairap ito sa akin, but I smirked while eyes on Sky.

"Hmm, si---"

"Sure, let's go to a restaurant" sabad ni Jhuliene kaya mariin akong napapikit.

Wow! Just wow, I'm surprised! Ang galing niya talaga...

I gulped three times and cleansed my mind. Ayaw ko munang magsasalita kapag galit ako, baka mamalasin pa siya at masapak ko pa ang magkabilang pisngi nito. Sigurado akong uuwi talaga itong may maraming pasa ang mukha.

"How about you? You good?" Bumaling ang tingin sa akin si Sky.

Huminga muna ako at ngumiti. "Good, sure" ani ko rito.

"Tara, may alam ko malapit dito sa mall" saad ni Jhuliene at hinila 'yong kamay ni Sky at naunang tumakbo kasama ito, ako naman na naiwan... nakatingin lang sa kamay nila.

Anong trip niyo? Baliin ko kaya 'yong kamay mo Jhuliene?...

Ang landi ni Mareng Sky, akala ko ba lalaki ang gusto niya?...

"Wait" rinig kong saad ni Sky mula sa malayo at tumingin ito sa akin. Dumapo ang tingin ko sa kanilang dalawa at tiningnan ang mga ito.

"Let's wait Faris. Mauna ka na lang, I'll go with Faris. Kailangan ko pang bantayan ang batang iyon. Baka mawawala nanaman iyon sa aking paningin" anito at naglakad papalapit sa akin.

Seriously dude? Bata talaga? Bakit ba ang hilig niya sa bata?...

"Sky!" Sigaw ko rito habang nananakbo papalapit rito.

Halos madapa na ako kakatakbo papalapit rito.

Aww, kinikilig ako!... Tss, syempre joke lang 'yon. Hehehe...

Ayan nanaman yung puso ko, bakit ba palagi kang bumibilis? Tangina naman oh. Kinakabahan nanaman ako. Puso, mamatay ka na.

Habang tumatakbo ako papalapit sa kanya, parang may nakikita ako sa kanya na hindi ko pa nakikita noon pa man.

Is this some sort of a dream?

"Let's go" anito at hinila 'yong kamay ko at sabay kaming tumakbo papalabas ng mall.

His voice echoed in my ears, parang sinakop ng boses niyo 'yong buong bahagi ng aking tenga.

Nagpahila lang ako rito hanggang sa dumating kami sa isang mamahaling resto na malapit lang sa mall.

Nakita namin si Jhuliene na kumakaway sa aming gawi.

Mabilis kaming lumapit doon habang hila-hila pa rin ni Sky 'yong kamay ko.

Well, malambot naman 'yong kamay niya at mangugat-ngugat rin 'yong braso nito, halatang nagsisikap. He's really masculine.

Kung titigan mo rin ang mukha nito, his jawline was perfectly formed, his eyes is as blue as the ocean, the best description of my PERFECT.

Wala rin namang perpekto, but I see him as perfect. Maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya, dahil na rin sa gwapo, mayaman, matangkad, at maskulado ito.

Ang bongga ni Mareng Sky...

Pinaghilaan niya ako ng upuan kaya mabilis akong umupo roon at nginitian siya.

"Tabi tayo Sky" nakangiting saad ni Jhuliene at hinila niya 'yong upuan na nasa tabi nito.

"Ahh, I'll sit next to Faris" napabaling-baling ito ng tingin sa dalawang upuan na nasa tabi ko at nasa tabi ni Jhuliene, parang nagdadalawang-isip pa ito kung saan siya uupo.

"No, dito ka na lang. Okay naman si Faris diyan, she's comfortable, right darling?" Saad nito kaya tumango ako at nagthumbs up kay Sky para mauoo na ito.

Nakakailang lang kasi itong tignan na kanina pa nakatayo. Kung pwede lang sana itong hilain pabagsak sa isang upuan, matagal ko na talaga itong ginawa.

Malawak ang ngiti ni Jhuliene ng makaupo si Sky sa tabi niya, kumapit pa nga ito sa braso ni Sky habang nakangiting dumikit rito. Gumalaw ako ng kaunti at tumikhim pero patuloy lang ito sa pagkapit.

Ang sakit lang talaga sa mata eh, to tell you honestly.

Kung alam lang sana ni Jhuliene kung ano 'yong ugali ko gagawin ko na talaga tong binabalak ko.

I can be rude to anyone, I can be rude to Jhuliene, ngunit hindi ko lang gagawin iyon, may awa pa naman ako sa mga hayop.

Ito rin naman si Mareng Sky, may girlfriend na nga, kumakaringking pa. O, diba? Ang landi. Isusumbong ko talaga itong si Mareng Sky.

"Hey! Nga pala, nakaorder na pala ako ng ating pagkain" anito kaya tumango lang ako habang nakatingin sa kanila ni Sky.

Dumating na 'yong order namin kaya kaagad akong kumain.

Habang kumakain ako, pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanila tsaka uminom ng tubig.

Tangina, nasusuka ako! Jusmiyo naman...

"Faris" pagtatawag ni Jhuliene sa akin, nagtaas naman ako ng tingin at tumingin rito.

Close tayo?...

"May knock knock ako" nakangiting saad nito.

"O tapos?" Nakatungong tanong ko rito.

"Dali na, masaya 'to" tumango lang ako at hinintay itong magsasalita.

"Si Faris ka ba?" Napakunot na lamang ang noo ko sa sinabi nito.

"Ha? Malamang, bakit ka pa ba nagtatanong kung kilala mo naman ako?"

Tss, tangik rin eh...

"Pfft" humarap ako kay sky na ngayo'y nagpipigil ng tawa, samatalang si Jhuliene naman ay nanlaki ang dalawang mata.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko na nakakagulat at nakakatawa. Sinagot ko lang naman talaga 'yong tanong nito.

Wala namang nakakatawa doon, diba?

"You should answer it with bakit" nagpipigil-tawang saad ni Sky at bahagyang sumandal sa upuan.

"Okay, gano'n ba?" Tumango-tango ito habang nakatakip sa kanyang bibig.

"Let's do it again" nakangiting sabad ni Jhuliene. Tumango-tango naman ako rito.

"Si Sky ka ba?" Napakunot ulit ang noo ko sa tanong nito.

"Hindi ako si Sky, nakaupo si Sky sa tabi mo. Bakit ako 'yong tinatanong mo?" Inis kong tanong rito.

Bakit ba ako ang tinatanong nito? Nakikita niya naman si Sky tapos magtatanong pa kung ako ba si Sky. Tama lang naman 'yong sinagot ko, hindi naman ako si Sky.

"Ay, bobo na nga, tangik pa" rinig kong bulong ni Jhuliene at umirap sa akin.

Nanigas ako sa sinabi nito, grabe naman kung makasabi ito ng bobo. Kala mo naman kung sinong matalino, mamaliitin ba naman ako.

Syempre masakit iyon, lalo pa't sobra lang 'yong salitang bobo. Hindi naman ako bobo eh.

Parang nawala na 'yong aking gana, feeling ko bigla akong nabusog, parang binagsak ako ng mga gusali.

Bobo, huh?

Marahan kong binagsak 'yong mga kobyertos, dahilan ng mapatingin sa amin 'yong mga kumakain pati na rin sina Sky.

Wala na akong pake kung may nakatingin man sa akin, wala rin naman silang pake sa akin, they don't know me.

"Faris, muntik mo nang mabasag 'yong pinggan" gulat na saad ni Jhuliene kaya umayos naman ako ng upo at ngumiti sa kanya.

Basagin ko kaya 'yang mukha mo?...

"I'm sorry"

The hell! I'm not sorry! Umiinit 'yong ulo ko...

"You're done?" Tanong ni Sky sa akin at tumingin sa akin.

"Yup, busog na ako. Can we go now?" Walang emosyong tanong ko at wala ring kabuhay-buhay 'yong sinabi ko. Parang tanim na malapit nang malalanta ang hitsura ko ngayon. Parang isang tanim na nakakalimutang diligan.

"H-hindi pa tayo---"

"I want to go home, pagod lang ako since kanina pa tayo rito. Kung gusto mong maiwan that's okay. Mauna na lang ako, see you at home" saad ko at ngumiti sa kanya pati na rin kay Jhulien.

Kinuha ko naman 'yong handbag ko na nasa tabi kong upuan. Tatalikuran ko na sana sila nang biglang may humawak sa braso ko kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napatingin rito.

"Okay ka lang ba?" Napapansin ko sa mukha nito na may bahid ng pag-aalala.

He was worrying about me. Ngumiti lang ako rito bilang sagot.

Wala naman talagang problema eh, drama ko lang ang mga iyon para naman makaka alis na kami sa harapan ng cobra na 'to.

"Sasamahan na kita?" Saad nito, napangiti naman ako sa akinh isipan pero in reality I was very serious staring at him.

"Wag na, sa bahay na lang tayo magkikita. Samahan mo muna 'yong cobra... Este 'yong ahas... I m-mean 'yong si Jhuliene, samahan mo muna siya tapos ikulong mo sa kulungan ng mga ahas... I mean, ihatid mo muna sa bahay nila" kinakabahang saad ko, nakita kong nakakunot 'yong noo ni Jhuliene habang nakatingin sa akin kaya ngumiti ako rito at sekreto siyang kinindatan.

Wah, gusto ko nang matawa sa kanila. Mg bwesit naman kasi eh.

Matalino siga eh, kaya gano'n, sabi niya za akin na bobo at tanga ako at siya naman ay matalino. Diba? Gano'n naman talaga ang gusto niya? Ang TALINO niya! Huwaw!

"No, uuwi na tayo. Let's go, I don't want you to go home alone" ani niya at hinawakan 'yong kamay ko.

"No, I'm not alone" sagot ko rito at tumingin sa aking sarili.

"Ha?"

"May kasama akong bag, earrings, bracelet, at tsaka cellphone. Madami akong kasama, I'am not alone" sarkastokong saad ko rito at bahagya pang napatawa.

Baliw!...

"Tss, nonsense. Let's go" hinahawakan pa rin nito ang aking kamay.

Puso... Puso, wag ngayon! Baka aatakihin lang ako nito eh. Ang gwapo niya kasi! Tapos hahawakn niya pa 'yong kamay ko na parang nakokoryente ako everytime he touched me.

Dumagdag pa 'yong mabango nitong amoy, it's really addicting.

Ikaw na talaga, Sky, bakla ka man o hindi, ikaw pa rin ang winner!...

"We'll leave first" pag-papaalam nito sa malaking SAWA!

"Wait may---"

Narinig pa namin itong nagsasalita, ngunit hindi na namin ito narinig kung ano iyon.

That was epic! I'm really a good actress.

Nagyon nama'y, totoong ngiti na 'yong gumuhit sa bibig ko.

I'm really happy with this handsome and rich guy beside me, kahit na minsan may pagka prangka ito, may pagka masama ang ugali at may pagkamalandi, dinaig pa 'yong ibang mga babae sa landi nito.

That makes me fall for him....

WHAT?!