Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 6 - Chapter 4

Chapter 6 - Chapter 4

Faris'POV

Nagising ako ng maramdam ko ang pananakit ng aking buong katawan. I feel groggy at parang mahirap galawin ang iba't-ibang parte ng katawan ko.

Dahan-dahan akong tumayo para maghilamaos ngunit nararamdaman ko na masakit talaga 'yong katawan ko kaya umupo muna ako at hinilot ang ibang parte ng aking katawan.

Sinubukan kong tumayo ulit at naglakad papunta sa CR na parang isang pilayan. Napahawak ako sa mga bagay na madadaanan ko sa tuwing maglakakad ako.

Pagkatapos kong magsipilyo bumaba ako ng aking silid at dahan-dahan na lumakad.

Habang naglalakad ako napahawak na lamang ako sa aking mga tuhod, dahil sa pangangawit nito. My knees are trembling at parang babagsak ako. Sumasakit rin iyong balakang ko, dahil sa pagpatid ko kahapon. Paika-ika akong naglalakad pababa ng hagdanan hanggang sa dumating ako sa ibaba.

Pagkarating ko sa ibaba nahagip ko ang isang pigura ng tao na nakaupo sa sofa.

"You're late" anito habang nakatalikod sa gawi ko. Natigilan naman ako at tumingin na lamang rito, kahit na hindi niya ako nakikita.

"It's time for my rest. Masakit ang buong katawan ko" bulong ko at umupo sa hagdan.

Aray! Ang sakit ng balakang at tuhod ko...

"Kailangan na natin magsimula sa training, we've already started it yesterday" napansin ko na tumayo ito at naglakad papunta sa gawi ko habang ang mga kamay ay nakalagay sa magkabilang bulsa nito. Humangad ako para makita ang pagmumukha nito ng huminto ito sa harapan ko.

"We can stop i--"

"No we can't, when we start it, we won't end it" seryosong saad nito gamit ang baritong boses niya.

Bumuntong-hininga ako. "Then finish it yourself" I said then rolled my eyes, nakita ko namang umigting ang panga nito ng sabihin ko iyon at yumuko ito para pagpantayan ako.

Lumapit ang mukha nito sa mukha ko kaya naamoy ko ang mabango nitong hininga. Napalunok naman ako at napakurap-kurap habang nakatingin lang rin sa kanya.

"Don't talk to me like that" kalamang anito, pero mahahalata mo na may bahid na inis ang boses nito.

"And don't tolerate me like you're my father" kalama ko rin itong sinagot kahit na gusto ko na itong patulan.

Linayo nito ang kanyang pagmumukha sa harapan ko at kaagad ring tumayo, sumandal ito sa dingding habang walang bahid na emosyong nakatingin sa akin.

"Why not?" Kalmang tanong nito.

"Sumasakit na iyong buong katawan ko tapos sasabihin mo pa na uulitin ko. Sinabi mo nga sa akin na easily and slowly, pero ano naman ang slow do'n? Ngayon nga pa lang hindi ko na kayang igalaw ang buong katawan ko, dahil sa sobrang pananakit rito" reklamo ko rito at nagsimula nang tumayo't naglakad papunta sa kusina.

Naramdaman ko na lamang na may sumusunod sa akin, pero hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad habang iniiwasan ang aking paika-ika.

"Alam mo, ang dami mong rekla---"

"Alam ko, you asked kung bakit hindi" pagmamalidita ko rito't kumuha ng makakain sa kusina.

Naglakad ako papunta sa sofa habang ito'y buntot ng buntot pa rin sa akin.

"We're just starting" anito ng makaupo ako ng sofa. Tinaasan ko ito ng kilay at sumubo ng pagkain habang nililipat ng channel 'yong TV.

"Then end it" walang ka gana-ganang saad ko at hindi ito tiningnan.

"Alam mo, be a spoiled brat to everyone and anyone in this house or whatsoever. But don't try it on me" Galit nitong usal at tumaas rin ang boses nito. Tumigil ako sa pagsubo at sinulyapan ito.

Nakakuyom lang ang kamao nito habang nakayuko na nakaupo sa tabi ko.

"Okay" sagot ko naman. Nagsasalita lang ito habang ako'y nanonuod ng pilikula, kaya wala akong maiintindihan dito kung hindi ay ang mga sinasabi nito. Walang emosyon kong pinatay ko 'yong TV at tiningnan ito.

"You have an abomination attitude and abrasive manner. You should change, kid. I suggest" anito.

"Then? If I were you, don't force me" sagot ko rito at iniwan siyang nakaupo sa sofa.

Naglakad ako papunta sa silid ko at sinarado ang pintuan. Bumuntong-hininga ako at umupo sa aking upuan.

Nakarinig ako ng mga katok mula sa aking pintuan, kay napagpasyahan ko na lamang na binuksan ito, bumungad sa aking harapan ang pagmumukha ni Sky na walang ano mang emosyon at tila walang gana itong tinitigan ako.

"What?" Bakas ang pagmamalidita ng boses ko at alam ko na napansin niya iyon.

"Labas"

"No!"

"Labas"

"I said NO! Ayaw ko! Wag mo na akong pilitin" Isasara ko na sana ang pintuan ng bigla nitong iharang ang braso nito at mas lalong naglalagablab ito sa galit habang nakatingin sa akin.

"I make my rules and you make yours. Huwag mo akong papaikutin sa mga palad mo. If you hate me, then hate me"

Iyon na nga eh...

"Tss, Oo... I hate you. I really hate you" giit ko rito at pilit na isara iyong pintuan, pero masyadong malakas ang pagkakahawak nito, kaya wala ring nangyari. Sumuko na lamang ako sa pagsara at bumunot ng hininga.

"Out"

"And?"

"Out"

"So?"

"Out"

"Ano ba?Sinabi ko na ayaw ko eh. Ang tigas talaga ng ulo mo. Bakit ba palagi mo na lang akong pinipilit? Hindi kita AMA" pagdidiin ko at inirapan ito.

"Of course I'm not your father. I'm too young to be your farther. I'm still 28"

"Not asking"

"Get out now" may otoridad na utos nito na parang ito pa ang nagmamay-ari ng silid tulugan ko.

"Ayaw ko nga, hindi mo ko mapipilit" sagot ko.

"Lalabas ka o lalabasan ka?" Banta nito sa akin. Wala naman akong naiintindihan sa banta nito.

Paano naman ako malalabasan kung wala namang pintuan ang aking katawan?... Tss, baliw nga naman talaga...

"Let's go" bago niya pa iyon sinabi ako na ang nagkusang lumabas ng aking silid at pumunta sa baba.

Pumanhik kami sa kanyang sasakyan at tahimik niya itong pinaandar.

Hindi ako nakapagisip ng maayos habang nasa biyahe na kami. Walang ano mang bagay ang pumapasok ng aking isipan, hanggang sa dumating na lamang kami sa training hall.

Wala pa rin ako sa aking isipan hanggang sa pumasok kami rito. Pumanhik ako sa CR at nagbihis ng aking damit.

Pagkalabas ko ng CR nakatingin lang ako rito habang iniisip kung ano ang dapat kong isipin.

"Stop spacing out, I won't do it anyways. Hindi ako pumapatol sa bata" kumunot ang noo ko sa sinasabi nito. Parang pasikot-sikot ito kung magsalita, wala man lang akong naiintindihan rito.

Ang napansin ko lang ay ang sinabi nitong bata. Hindi naman ako gano'n ka bata. Grabe lang talaga ito kung magsalita. Parang minamaliit na nito iyong pagkakapandak ko.

"I'm not a kid, I'm already 22 years old" nakasimangot na saad ko. Pinitik niya naman ang noo ko at bahagyang tumikhim.

"You're 22, but your personality is 10" mabilis na lumipad ang kamay ko patungo sa braso nito, pero bago pa man ito dumapo roon, nahahawakan na nito iyong kamay ko kung kaya hindi ito natuloy. "Not so fast, my dear" aniya at dahan-dahan na binaba ang aking kamay.

"Ginagalit mo ba ako?"

"It depends kung nagalit ka" boses sarkastiko ito habang sinasabi iyon. Napa-awang na lamang ang labi ko habang sinabayan rin ng pangdidilat ng aking mga mata.

"Fvck you, pompous bullshit master!" Pagmumura ko rito at walang pagdadalwang-isip na tinalikuran ito. Narinig ko pa itong may sinabi, pero hindi na ito masyadong malinaw.

"Let's start" ani niya kaya naman tumayo ako at naglakad papunta sa gitna. "I'll teach you the different kinds of kicking. Is that clear?"

Hindi po clear, medyo choppy nga eh. Mahina iyong signal...

"Hmm" saad ko't tiningnan siya.

"Let's start with the front kick. Front kick is also referred to as Snap Kick and it's one of most powerful even in the highest level. You need to exert force in it" aniya and he cough before continuing. "It is performed by raising the knee of your kicking leg to the waist and then exerting force by exerting your foot forward and kick it straight towards the target. This move is designed to push the target back, as well as you injure them very hard. You need to do it hardy so you can easily fall your opponent" paliwanag nito kaya tumango naman ako.

"I'll demonstrate it" he raised his knee and to the waist and he exerted force in it when he kicked the punching bag. Gumalaw naman iyong punching bag ng matapos niya itong patiran, it swayed back and forth.

Bakit nga ba punching bag iyong ginamit namin?...

"Now, your turn" utos nito. Tumikhim ako't tumayo papalapit sa naturing punching bag and I do as he said, pero wala namang nangyari ng patiran ko ito. The punching bag is steady as it was. Sumakit lang naman 'yong paa ko kakapatid rito, pero wala talagang nangyari.

"And?" Tanong ko rito. Nakatingin lang ito sa akin, kaya nagkibit balikat akong umupo sa sahig.

"Again"

"No, that's enough" awtomatikong sagot ko rito.

"Again!" Napilitan naman akong tumayo at ginawa iyong demonstration nito kanina. "Not enough to injured your opponent" bumuga ako ng hangin at pinatiran ulit iyong punching bag.

Mas lalong sumakit ang balakang ko kakapatid ko ng punching bag. Nagsimula nang umambon ang aking mukha habang nakatingin sa punching bag na nasa harapan ko. Nanggigigil ako rito at mas gusto ko pa itong suntukin, kaysa naman papatiran ko ito.

Galit ko itong pinatid habang may parte sa akin na nangigigil.

"Ulit nanaman?" tanong ko habang nakatingin rito.

"Exactly" ilang beses na akong nagpaulit-ulit, pero hindi ko inakala na wala pala itong katapusan."Agai--" hindi ko na siya pinatapos at kaagad na pinatiran ng napakalakas iyong punching bag. Gumalaw naman ito kaya namimilipit ako ngayon sa sahig habang nakahawak sa paa ko.

Ang sakit na ng buong katawan ko. Tapos dadagdag pa itong paa ko. Tangina naman oh...

"Good"

Good lang?...

"The second one is Side Kick. What is side kick?"

"Kicking sideways?" Ani ko, pero hindi ito sumagot at tiningnan lang ako sabay iling, nakaupo pa rin ako sa sahig habang hawak-hawak iyong namumula kong paa. Ang sakit talaga ng paa ko. Sumobra ang lakas ng pwersa na linagay ko sa patid na iyon, nagsisi na ako sa ginawa ko. Dagdag sakit lang pala iyong ginawa ko.

"Side Kick is very powerful it has different implications depends on what Taekwondo standard being practiced"

"Performed by raising the knee while you are also rotating your body by 90 degrees and then exerting force by extending your leg, more force the better.... By using the momentum of your waist and torso, you are able to connect harder with the target and you can defeat your opponent easily. Which part of the leg and foot connects with the target will vary between the different standards taught, but it will usually be with either the outside edge of your foot or.... with the heel of the foot" ika nito at sabay tango naman ako kahit na wala akong naiintindihan. Marunong naman pala talaga ito pagdating sa taekwondo, I wonder what else he can do. "Are you listening?"

"Hmm" ginawa niya naman ito sa harapan ko kaya tiningnan ko lang siya. Ganon lang pala eh.

"Ikaw" madali kong ginawa ang dimonstarsyon ng Side kick at madali ko lang itong natutunan

I'm listening to him carefully and seriously, hindi ako interested pero pinilit ko lang 'yong sarili ko na gustohin ito.

"Well done" seryosong saad nito. "Next is... Hmm... roundhouse kick"

Meron rin palang gano'n?...

"Roundhouse kick is very powerful move once mastered and it gained more popularity through... Movies hmmm shows.. likewise"

"It is done by performing a pivot on the leg that is not kicking by turning your hips" ginawa niya naman iyong sinasabi niya. "While the pivot is conducted... contact is also made with the target by extending your leg and impacting the target with either the ball of your foot or with the instep of the foot. Just like that"

"Okay"

"Gayahin mo ako" saad nito. Gnaya ko ito, per sa una natumaba ako pero habang inuulit-ulit namin iyon natuto rin ako kung paano ito galawin at kontrolin ang aking katawan para hindi ako matumba.

"Okay, let's proceed. The next is back kick. You know it right?"

"Not really" sagot ko naman.

"The kick is more advanced. for it away from the target. If it isn't done properly, you can easily lose the crucial balance to make contact with your opponent, or even fall over. Its done like this" tiningnan ko siya habang ginagawa niya 'yong back kick. Sa tingin ko madali lang ito, wala masyado itong mga diskripsiyon kaya madali lang seguro ito. "It's that easy" saad nito ng matapos niyang idemonstrate ang back kick. Sumunod ako sa pag back kick kaya naman mabikis akong tumalon-talon sa saya ng magawa ko ito.

"Your good" seryosong anito, ni hindi man lang ngumiti sa akin.

"Are you really that serious?"

"Are you really that bratty, spoiled and rude?" Inrapan ko ito ng sabihin niya iyon. Naglakad ako papunta sa malawak na sulok ng training hall para magpapahinga muna.

"We have fourteen kinds of kicks and we've demonstrate 4, we have more left, but I'll teach you some of the fourteen kicks. Kaya pa?"Umiling naman ako at nakasimangot habang nakahawak lang sa tiyan ko, dahil na rin sa gutom at sabayan na tin ng aking pagkauhaw.

"I'm hungry"

"Bumili ka for yourself, don't tell me tinatamad ka"

"Wag na nga lang"

"Go"

"Wag na, sa bahay na lang ako kakain"

"Try to be independent, wag puro nalang utos. Masanay ka na hindi naguutos ng ibang tao" saad nito pero hindi ko ito pinakinggan.

"No Man is an Island. Iyon naman ang natutunan ko sa bahay eh, I'm born with a silver spoon in my mouth and my mother won't allow me to do the household chores, ayaw niya na madumihan o masugatan ako"

"Yes, but that doesn't mean na kailangan mo na talagang iasa sa iba ang lahat. Learn to stand for yourself" bahagyang kumirot ang dibdib ko sa bawat salitang binitawan nito. Totoo naman ang sinasabi niya, wala rin akong butas na malulusutan.

Bumuntong-hininga ako't tumingin rito. "Tara na. I'm going home. Tinatamad na rin ako" mabilis ko itong tinalikuran at naglakad na lamang papunta sa CR upang palitan ang aking damit at deretsong lumabas ng training hall. Nauna na akong sumakay sa kotse nito habang buntot ng buntot lang ito sa akin.

"Hindi ka na ba kakain?"

"Huwag na, baka kung ano pa ang iyong sasabihan. Nawalan na ako ng gana" saad ko at hindi pinansin pinansin.

"Matuto ka na kasi. Hindi porket anak mayaman ka, kaya mo na gawin ang lahat. Inaabuso mo lang ang inyong pagiging mayaman, sa tingin mo ba, tama iyon?" Mas lalong kumirot ang dibdib ko sa mga sinasabi nito. May munting luha na nangigilagid sa aking mga mata pero pinipigilan ko itong tumulo.

Bumuntong-hininga ako."Stop telling me that, okay?" Kalmang usal ko at tumingin sa labas ng bintana bintana. Palihim ko namang oinahiran ang aking mga mata at kingat ang aking labi.

Napansin kong tumahimik ito sabay buntong-hininga.

Naramdaman ko naman na umadar na 'yong sasakyan kaya hinilig ko muna sa bintana ang ulo ko.

Tahimik kaming dumating sa bahay. Na walang sulyapan at walang paguusap na namamagitan sa amin. Inunahan ko na ito sa pagpasok at nakita ko naman ang aking ama na hawak-hawak ang cellphone nito.

"Magandang gabi po Mr. Pérez" nakita ko naman na nakangiting lumapit ang aking ama rito, na parang sobrang presko ang pagtanggap nito kay Sky. Kulang na lang gagawin na nitong kapatid ko si Sky. Pero imposible naman iyon, nasisiguro kong mayaman rin itong si Sky. Sa pormahan pa lang at sa mga mamahaling brand ng mga damit na sinusuot nito.

"Hijo, call me tito" sagot naman nito.

Dumako ang tingin ko sa kanila nang makaupo ako sa sofa.

"S-sige po, tito"

"Kumusta iyong performance ng anak ko?" Sumulyap sa akin ang aking ama at binalik rin ang tingin sa kausap nito.

"She's improving"

"Mabuti naman kung gano'n. Na control mo ba 'yong ugali ng unica hija ko?" Hindi na nila kailangan pang kokontrolin ang ugali ko, ako na mismo ang magkukusang kokontrol nito, hanggang sa tanging makakaya ko.

"A little"

"Sabihin mo sa akin ang lahat, hijo"

"She's spoiled, hindi marunong gumawa ng mga gawain on her own. At kung magsasalita po ito, napaka bastos at walang modo. I'm sorry, tito" sa bawat salita nito ay parang matatalim na kotsilyo ang tumutusok sa dibdib ko at hindi karayom. Nasisiguro kong galit ito sa akin, dahil sa mga pamamaraan ng pananalita ko kanina.

Wow, straight to the point...

"Oh, parang nagustohan ko iyong sagot, hijo. Masasabi ko na totoo ka sa mga pinagagawa mo" pagpupuri ng aking ama rito at tinapik-tapik pa ang balikat nito.

"What do you mean?" Pagsali ko sa kanilang usapan.

"Hijo, I want you to be her personal bodyguard" saad ng aking ama habang binaling-baling ang mga tingin sa aming dalawa ni Sky

"WHAT?!" Mabilis naman akong napatakbo sa gawi nito, kahit na sumasakit pa iyong katawan ko.

"Hija, low down your voice"

"Dad, may mga bodyguard na ako tapos dadagdagan niyo pa? Ilan po ba talaga ang gusto ninyo?"tanong ko ng makalapit ako rito.

"I transferred your bodyguards, hija. Linipat ko sila dito sa bahay, si Sky na iyong magiging bodyguard mo. Hijo, I already told your tito Michael"

"NO!"

"Yes, nasisiguro kong you will make a good team"

"Dad, we are not playing. Enough with this nonsense. No team, no bodyguard, never"

"That's final. Hijo, you good?"

"Wala ho iyong problema, tito. Masaya po akong pagserbisyohan kayo" sagot naman nito na may bahid na ngiti sa mukha.

"Of course may problema doon. Minamaliit mo na nga ako sa harap-harapan ko. Isusumbong mo pa ako sa ama ko. O tapos ano pa? You will invade my privacy? Hindi ko iyon gusto at kahit kailan man hindi ko iyon gugustohin"

"Ms. Faris, I also don't want you. I'm serving your father not you. Ikaw 'yong babantayan ko dahil iyon ang utos ng papá mo" sinabunutan ko ang sarili ko at may bahid na pagdadabog ng makaupo ako sa naturing sofa.

"May bantay ka na, iyong mananatili sa tabi mo" ani mga ama ko.

"Dad, you let me train taekwondo... ginawa ko 'yon, pero 'yong magiging bodyguard siya, hindi ko 'yon gusto, tutol po ako rito. May rispeto pa po ako sayo, pero kung palagi ko na po siyang makakasama paano na lang 'yong magiging kalayaan ko?"

"Sinabi mo sa akin wala kang makausap. Nandyan na si Sky ano pa ba ang hinahanap mo? Sabi mo wala kang magagawa rito sa bahay, nandyan si Sky. Sky is with you, always" sinapo ko na lamang ang aking noo at kinuyom ang aking kamao.

"Ikaw! Ikaw 'yong kailangan ko, hindi iba, hindi si Sky, kung hindi ay kayo po. Wala na akong ibang hihilingan pa kung hindi ay 'yong oras niyo. Orsa niyo na makakasama ako"

"Busy ako, hija. Marami akong hinaharap na trabaho. Pagpasensyahan mo na ako"

"Busy? sino po ba iyong anak ninyo? 'yong trabaho o ako?" Tumahimik naman ang buong paligid. "Wala nga namang silbeng buhay" pabulong ko at iniwan silang dalawa sa sala.

Wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ay tanggapin si Sky bilang gwardya ko, bilang taga proteksyon at taga bantay ko.

Mukhang bumaliktad na iyong panahon. Ako na 'yong taga sunod sa mga utos na gusto nito.

Ama nga naman...