Faris'POV
Hinihintay ko na bumaba si Skyler, sabi niya kasi may pupuntahan raw kami, but I don't know where. Dire-diretso lang kasi 'yong sinabi niya kanina, habang seryoso ang mukha.
Flashback
Nakaupo ako dito sa sofa habang nakatingin sa oras, nine forty-five na at kakatapos ko lang rin kumain. As usal boring naman talaga dito sa bahay, walang gala-gala eh.
Habang nakatingin ako sa oras hindi ko maiwasang napaisip kung where is the pompous master is? Hindi ko kasi siya nakitang bumaba..
Narinig ko namang may naglakad sa hagdanan kaya napatingin ako rito. Speaking of the pompous master, siya nga 'yong naglalakad pababa ng hagdanan and he was wearing a descent clothes. Baka may date sa lovely and gorgeous GIRLFRIEND niya...
Hindi ko maiwasang hindi napaisip ng ganoon habang nakatingin rito.
"Going out on a date with your girlfriend?" Tanong ko rito ng makababa siya ng hagdanan.
"Yes, and you are my girlfriend" nasamid naman ako sa sinabi niya. Tangina, hindi nga ako nagpapaligaw, boyfriend agad?! Pweh!
"Tse! Tumahimik ka nga!" Sigaw ko rito at binato sa kanya 'yong unan na nasa sofa.
"Tara"
"Wag mo'ko ma loko-loko gong-gong ka ah! Kikitilan talaga kita ng buhay!" Bantang sigaw ko rito sabay irap at nood ng pilikula.
"Bilisan mo, may lakad tayo. I'm not going out on a date. I don't do date's" anito. Nag-aalinlangan naman ako kung pupunta ba ako sa kwarto ko o hindi.
Wala rin akong kaalam-alam kung saan kami pupunta.
Saan nga ba kami pupunta?
End of Flashback
Napasulyap ako sa wall clock at napabuntong-hininga nang makita kong ilang oras na pala ang nakaraan simula kaninang umaga.
Nakita ko ito na naglalakad papalapit sa akin habang nakapamulsa at seryoso lang ang mukha.
"Let's go" ika ko rito.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya.
"Stop asking, nakakarindi 'yong boses mo. Be quite for once" sagot naman nito.
"Aish, ewan ko sa 'yo" saad ko at sumakay na lamang sa kotse nito habang nakasimangot ang mukha. Hinayaan ko na lang ito na dalhin ako kung saan man 'yong pisteng lugar na 'yan na hindi man lang niya masabi-sabi.
Bigla kaming huminto sa isang mall kaya napatingin ako sa kanya.
Napakurap ako ng saglit. "Shopping?!" Masayang tanong ko. Pinatay niya naman ang makina at hindi ako sumagot. Nang makababa na ako sumunod na lamang ako dito.
Tsk! Ang sungit, di marunong makinig.
"Anong bibilhin natin dito? Papayagan mo na akong bumili? Bakit tayo nandito?" Masayang tanong ko ng makapasok kami. Gusto ko naman talaga pumunta sa mall, ang problema nga lang ay 'yong mahigpit na pagbabantay sa akin ni Sky. Kung pwede lang sana magkakaroon ng isang mahika upang mawala sa lugar na ito, gagawin ko talaga iyon.
Napailing naman ako. "Just follow" utos nito, pumasok kami sa isang resto kaya napatingin namana ako rito.
Resto? Ito lang 'yong pupuntahan namin? Bakit pa kami pupunta sa resto kung pwede namang sa bahay na lang kami kumain...
Hindi na ako nagsasalita pa at sinundan lang ito.
Umupo kami malapit sa pintuan at umorder ng pagkain.
Habang hinihintay namin 'yong waiter nakita ko ang tatlong pamilyar na tao na naglalakad papasok rin dito sa resto. Hindi ko sila masyadong maaninag dahil nag-uusap ito at lingon ng lingon kahit saan.
Hindi ko na lang ito pinansin at tiningnan lang si Sky na ngayo'y nakahawak sa cellphone niya.
"Faris!"
Napalingon naman ako sa sumisigaw at nanlaki ang aking mga mata.
Sabi ko na nga eh. Pamilyar nga! Such a coincidence...
"Hey, Jammi" ani ko rito at pekeng ngumiti, dumapo ang mga tingin nila sa kasama ko sabay lapit sa amin.
Here we go again...
"Hi Sky" nakangiting saad ni Voree kay Sky, tiningnan ko naman ang magiging reaksyon ni Sky. Ngumiti lang ito sa kanya at bumaling sa akin.
"Can we share a table with you?"
The hell NO!...
Ang dami-raming mga bakanteng upuan dito, tapos ipagsikikan pa nila ang kanilang mga sarili dito sa 'min?
Wow naman, ang galing. Bravo takaga. Bilib ako sa mga babaeng ito...
"Sure" nakangiting saad ko.
Umupo naman si Jammi at Voree sa magkabilaang gilid ni Sky samantalang si Cloe nama'y umupo sa tabi ko.
Actually, Cleo has a twin, which is Cloe. Hindi ko rin alam kung bakit wala si Cloe ngayon. Well, hindi rin naman ako mahilig magtanong sa kanila.
Napapansin ko na kanina pa nagpapacute si Voree kay Sky.
Bigla namang kumunot ang noo ko habang naiilang at tahimik na pasulyap-sulyap sa kanila.
Tumikhim ako ng dumating si Cleo. "Nandito rin pala kayo? It's like Oh My Gosh, what a coincidence" Ani ni Cleo ng makarating siya sa kinauupuan nito.
Tse! Kami kaya ang nauna sa inyo...
"Hmm" sagot ko at tumingin sa labas. Naiilang talaga ako rito sa kanila, kahit kailan talaga.
"Date?" Tanong ni Voree habang na kay Sky ang tingin.
"Yup. We have a date" sagot naman ni Sky at sumenyas sa akin. Palihim akong tumango rito at umayos ng pagkakaupo.
Here we go...
"Oh, sorry for our interruption. Na sira ba namin 'yong date niyo?"
Kahit hindi naman kami nagdedate sirang-sira na nga talaga yong araw ko simula nong dumating kayo rito...
Gusto ko sabihin ang mga salitang iyan sa kanila, pero nagpipigil ako ngayon dahil maraming mga tao.
We'll see...
"Ye--"
"No!" Pagputol ko sa sasabihin ni Sky. Pinandilatan ko ito ng mata at ngumiti sa mga so called friends ko.
"Mabuti naman kung gano'n. We really love sharing with you guys" ani ni Jammi.
"Faris, malapit na pala 'yong 22nd birthday ko, pwede ko bang mahiram 'yang boyfriend mo? Alam mo naman kung kailan 'yong birthday ko eh, diba? April 1? Para naman may maipag-mamalaki ako sa mga kaibigan ko" nakangiting pag-papaalam ni Voree.
Tangina! Hindi 'yan boyfriend for rent!
"I'm sorry, you can't. I don't want to hurt my girlfriend's feelings by pretending that I'am somebody else's boyfriend" sagot ni Sky at hinawakan ang kamay ko.
Palihim naman akong napakagat sa ibabang labi ko.
Ang sweet naman ng sinabi niya. Ganyan kaya siya ka sweet sa girlfriend niya? Psh!
"Ang loyal naman ng boyfriend mo. Gusto ko 'yan" saad ni Voree at hinawakan ang braso ni Sky. "Ang tigas naman ng braso mo. Bodybuilder?...Joke lang, pero ang gwapo mo" dagdag pa ni Voree.
Tumikhim naman ako upang mapansin nito ang kanyang ginagawang pagkapit sa braso ni Sky.
Mabuti na lang rin ay dumating na 'yong hinihintay naming order namin.
Nagsimula na akong kumain at uminom ng tubig. Nakita ko namang kinausap ni Voree si Sky kaya tumahimik ako para marinig at malaman ko kung ano 'yong pinag-uusapan nila.
"Gaano mo ka mahal si Faris?" Rinig kong tanong ni Voree kaya tumigil muna ako sa pagkain at pinakinggan sila.
"I love her very much" nakatungong sagot ni Sky kaya palihim akong mapangiti. I don't know pero parang ang sarap pakinggan ng sinabi niya.
"Pag nagbreak na kayo, sa akin ka na ah?" walang hiyang saad ni Voree.
Ugh, how desperate...
Langhiya nga naman, ang kapal naman ng mukha, dinaig pa 'yong Merriam Webster Dictionary...
"No, hindi kami magbe-break at kung mangyayari man 'yon babalik at babalik ako sa kanya" bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nagkasalubong ko ang mga seryoso pero malambot na titig nito kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko na parang ito na lang ang naririnig ko saa lakas ng pagkabog nito, sabay rin ng paglunok ko.
Ano ba tong nararamdaman ko?
Umiwas ako ng tingin at tinapos 'yong pagkain ko. Napansin kong tumahimik na sila kaya tumingin na lamang ako sa labas.
"Tara na" rinig kong saad kaya binaling ko doon sa kanya ang pansin.
"H-ha?" Napapikit ako ng sabihin ko iyon. "Tara" walang pagaalinlangan kong saad.
"We'll be leaving first" ani nito sa mga so called friends ko. Matatawa na lamang ako, dahil na sanay na rin ako na tawagin itong mga so called friends.
Tss, baliw...
"Alis na kayo?" Tanong ni Cleo.
Obvious ba?...
"Hmm" kaagad niya naman kong hinila palabas ng resto kaya sinundan ko lang ito habang hila-hila niya ang isang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan nito sabay lunok.
Bakit ba ang lakas ng kabog ng dib-dib ko? Normal pa kaya to?...
Huminto kami sa isang boutique kaya nagtataka naman ako kung bakit niya ako dinala dito.
Oo, gusto kong pumunta ng mga boutique's pero... Ay basta.
Tahimik itong naminili ng mga damit kaya sa kanya ko lang tinuon ang pansin ko.
Don't tell me bakla siya? Pwede rin namang damit para sa girlfriend niya. Baka nga...
He picked the white formal dress. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa puting biste.
Hindi man ito gaano ka bongga, ngunit lumilipad ang ganda nito, pati na rin iyong desenyo nito na isa rin sa nagdadala ng kagandahan nito.
"Sukatin mo" utos nito. Pinandilatan ko siya ng mata.
Magkapareho kami ng size ng girlfriend niya?...
"Ha? Para kanino ba 'to?" Tanong ko sa rito. Hindi ito nagsasalita at hinila ako papasok ng fitting room.
Sinukat ko 'yong biste at humarap sa isang full length mirror. The dress show's the curve of my body. Parang gusto ko itong bilhin. Nakakaakit ang damit na ito at parang gusto ko talaga ito.
Malas nga lang, nasa bahay ang pera ko.
Lumabas ako ng fitting room at dahan-dahan na humarap rito. Nakita ko naman 'yong reaksyon nito, seryoso lang ito habang nakatingin sa suot ko.
"What?" Walang buhay na tanong ko at tinatamad na umikot.
"Too sexy" saad nito at may kinuha naman itomg isang damit at binigay ito sa akin.
Ganon pa rin ang kulay, but I don't like the style. Ang panget ng style. Naubusan ata ng desenyo 'yong mananahi.
Not to judge, pero... Parang gano'n na nga.
Kinuha ko ito at pumasok sa loob ng fitting room. Pagkatapos ko itong isukat, agad rin naman akong lumabas ng fitting room at lumapit rito.
"Sexier" sagot nito at sabay iling. Napairap na lamang ako sa kawalan at tumingin rito.
Kumuha ulit ito ng iba pang damit at pinasukat ito sa akin.
"No, too showy"
"Hmm, I don't like it"
"Too old fashion"
"I hate it"
"Showy from the top"
"No, it's ugly"
Kanina pa talaga ako papasok-pasok rito sa loob ng fitting room at ni isa wala man lang itong napili.
Nakakapagod, jusmiyo naman...
"Ayaw ko na" ani ko at pumasok ulit sa fitting room para palitan ang aking damit.
Bigla niya naman akong pinigilan gamit ang kamay nito. "No! Ito na lang" may binigay ito sa aking isang kulay pulang biste.
Napakamot-kamot ako sa aking uli habang naglalakad papasok sa loob ng fitting room.
Agad rin akong lumabas at tinaasan si Sky ng kilay.
Ngumiti ito. "Perfect" sagot nito sabay kindat.
Lumapit ito malapit sa mga heels at may kinuha ito kakulay lang ng damit, binigay niya ito sa akin para isukat. Pagkatapos kong ito sukatin kaagad naman akong tumayo.
"Okay, bayaran na natin 'yan" saad nito kaya bumalik ako sa fitting room para hubarin ito.
Paglabas ko binigay ko sa kanya ang damit.
"Para kanino ba 'yan?" Tanong ko.
"Ipapasukat ko ba 'to sa 'yo kung hindi ito para sa 'yo?" sagot nito. Walang pagaalinlangan akong bumunot ako ng pera mula sa purse ko.
Nakakahiya naman kung hindi ako ang magbayad...
"Let's pay it" saad nito at bumunot ng pera mula sa wallet niya.
"May pera naman ako" I insisted at lumapit sa cashier, sinundan niya naman ako at tumabi sa akin.
"Ako naman 'yong pumil, so I'll pay"
"Ako 'yong nagsukat at diba para rin naman sa akin 'yong dimit?"
"Ako na" saad ko rito at linahad sa cashier ang pera.
"No, baka maubusan ka pa ng pera"
"Ako na nga eh. Kaya ko ngang bilihin 'yang buhay mo. Kahit gaano pa 'yan kamahal, marami pa naman ang pera namin" pagmamayabang ko sa rito and I smirked.
"Ako na" anito at binigay ang pera sa cashier.
Pinabayaan ko na lamang itong bayaran ang damit pati na rin 'yong heels. I figure out that he wanted to pay for this. Hindi na ako tumanggi rito, magitap na... Baka magtampo.
"Ano bang pumasok sa isipan mo at napa-isipan mong bilhan ko ng damit, tsaka ginamit mo pang pambayad iyang pera mo, aber?" Tanong ko sa rito na parang ako 'yong ina nito.
"May kasal tayong pupuntahan bukas. I want you to wear that dress. You look gorgeous on that" anito kaya napatango naman ako.
Gorgeous ha?...
"Bakit naman ako 'yong isasama mo? Bakit hindi 'yong girlfriend mo?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Ikaw 'yong binabantayan ko kaya ikaw 'yongg isasama ko. I'm sure she'll understand" seryosong saad niya habang naglalakad kami papalabas ng mall.
"A-alam ba 'to ng girlfriend mo?" Nag-aalinlangan kong tanong.
"No, hindi na rin naman kailangan"
"What?! Baka magalit ito sa akin ah. Why didn't you tell her?"
"Why are you so concern?" Tanong nito kaya tumigil kami sa paglalakad at hinarap ko ito habang linagay ang dalawang kamay sa beywang.
Haler! Kung makikita niya tayo baka ako pa 'yong a-awayin niya. Hindi ko talaga 'yan uurungan...
"Dahil masasaktan mo lang siya. And... Diba mahal mo rin siya? So... Dapat lang na magpaalam ka rito"
"And?"
"Tss, ewan ko sayo!" Sigaw ko.
Mabilis akong naglakad paalis rito at pumunta sa kung saan pinarking 'yong sasakyan. Napansin ko pang sumunod ito sa akin na hindi mapigilang tumawa.
Marahan akong huminto mula sa aming paglalakad at masama itong tiningnan.
"May problema ka ba?" Mariing tanong ko rito at pinanliitan siya ng mata.
"Wala naman. Keep going" anito. Napabuga na lamang ako ng hangin sabay irap at nagpatuloy sa paglalakad.
Kaagad kong binuksan 'yong sasakyan at hinintay na lamang itong pumasok.
"Tara na" walang ganang saad ko at hindi siya tinapunan ng tingin.
"Tomorrow at exactly one PM the wedding will start kaya magready ka" pinaandar na niya 'yong sasakyan and he drove it to our mansion.
Speaking of mansion, gaano kaya ka laki 'yong bahay nina Sky. Parang gusto ko itong makita.
I'm sure kagaya rin ito sa amin na isang mansion.
"Hmm. I'm always ready" sagot ko rito.
"Really?"
"Yes"
"We'll see" panghahamon nito sa akin habang may gumuhit na ngiti ang labi nito.
Lumabas ang tinatago nitong dimples kaya napatitig ako roon. Hindi ko alam na may dimples pala ito, minsan lang ito ngumingiti at minsa'y peke pa.
Ang gwapo naman pala ng anak ng mga Baldassare.
Biglaan na lang kumunot ang noo ko nang maalala ko 'yong sinabi nito kanina.
Ano nanaman kaya ang pumasok sa kokote nito at biglaan na lamang itong nanghahamon sa akin?...
Siya nga papa, ano kaya ang pangalan ng girlfriend nito?.
"A-ano bang pangalan ng girlfriend mo?" Deretsong tanong ko.
I'm really curious, my curiosity is really killing me.
"Paris" sagot nito.
Napatingin naman ako sa rito habang nalalaki ang dalawang mga mata. Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng kutuban ako.
Kambal ko?...
Pfft, Wala kaya akong kakambal...
"Ka pangalan ko?!" Gulat kong tanong rito.
"Kinda, but it's P" huh?
"P?" Tanong ko rito at tinaasan siya ng kilay.
"Your's is F and her's is P" Kaagad ko namang naiintindihan ang sinabi nito.
Gano'n lang pala ang ibig nitong sabihin, kaya tumango-tango naman ako
"Oh, okay. Let me guess. Ang apilyedo nito'y Férez?" Binibiro ko naman ito habang nakatingin lang sa daan. Mahina pa akong napatawa marinig ko itong may sinabi.
Alangan naman, Faris 'yong pangalan ko, Paris ang pangalan ng girlfriend niya. Pérez ang apilyedo ko which is 'P' at sa girlfriend niya nama'y Férez which is 'F'... Diba ang cool? Pfft.
Binuksan niya 'yong pintuan kaya bumaba naman ako.
Pagpasok ko sa loob ng mansion kaagad ko namang hinanap 'yong mga kasambahay namin, gusto ko lang naman kumain.
"Yaya!" Sigaw ko sa aking paligid habang palakad-lakad.
"Yaya!"
"Manang!"
"Yaya"
Kahit ilan ko pang tawag wala naman taong sumagot..
Nasaan nga ba kasi sila?!...
Naiinis na ako ah. Ipapatanggal ko talaga silang lahat kay Daddy. Nakakinis, bwesit!...
Subukan niyo lang talagang magpapakita sa akin, mga bwesit kayo!
"Where the hell are you?! You damn fvcking bullshit maids!" Sigaw ko.
"Watch your language. Ka babaeng tao mahilig magmura!" Suway ni Sky inis akong napakamot sa aking batok.
"Nasaan ba kasi sila?" Inis na tanong ko sabay sabunot sa sarili.
"Baka busy lang"
"Busy? Malapit nang gumabi oh, tapos hindi pa sila nakaluto. BUSY?!" Bulyaw ko at padabog at pasalampak na umupo sa sofa.
"Edi magluto ka" saad nito kaya kumunot ang noo ko.
Ako? Papalutuin niya? Huh! Never....
"Ayoko nga" tanggi ko sabay iling-iling.
"Kung gusto mong kumain magluto ka para sa sarili mo. As I said, huwag mong iasa lahat sa iba."
"No, baka mapaso ako"
"Then, be careful"
"No, ayaw ko"
"Edi wag kang kumain" nanlaki naman 'yong mga mata ko sa sagot nito.
Talaga lang ha?...
Bumalik naman sa ordinary ang tingin ko rito.
"Pwede namang ikaw 'yong magluto" kalamang saad ko na may bahid na ngiti ang mukha. Nagapapanggap ako na kunwari'y hindi ko pinapansin ang sagot nito kanina.
"Correction, I'm your bodyguard, not your servant" seryosong sagot nito at umupo sa sofa habang nasa akin ang tingin.
"Gano'n na rin 'yon, pwede ka rin namang utusan. Diba ang bodyguard pwede ring utusan?" kalmang sagot ko.
"Tss, help me" napatawa naman ako sa sinabi niya.
Help me? Ha!...
"Eh hindi ka pala marunong eh" tawa-tawang saad ko, pero hindi man lang ito tumawa at seryoso lang kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Kung sinabi mong hindi ako marunong, well ikaw, walang alam. See the difference" diretsong saad nito.
Sinabi ko bang pwede mag personalan?...
"Tangina ka!" Sigaw ko rito at inirapan siya.
"Kung ako tangina, ikaw naman tanga"
Hay, naku naman pagpalain ka sana...
Kanina pa talag umiinit 'yong ulo ko sa lalaking ito. Kung hindi mangagalit, mangbubwesit.
Tsk...
"Lumayas ka nga sa harapan ko!" Bulyaw ko at kinuha 'yong paper bag, diretso naman akong pumunta sa hagdanan habang mariing naglalakad.
"Akala ko ba ako ang aalis? Bakit ikaw 'yong umalis?"
Tingnan niyo na!...
"Mamatay ka nang gago ka!"
"Kung ako mamatay, ikaw naman papatayin pa" anito sabay halakhak.
Hindi na ako naghapunan at dumiretso na lamang sa silid, naiinis ako sa mga tao ngayon.
Wala 'yong mga kasambahay, wala 'yong nagiisang ama ko, wala hapunan. Halos lahat wala, pwera na lang sa bwesitang impakto.
Tss, may oras ka rin sa akin Sky. Mag handa ka sa akin bukas...