Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 15 - chapter 13

Chapter 15 - chapter 13

Faris' POV

Nakatunganga lang ako dito sa sala habang hinihintay na mag-aalas sinco.

Hindi ko napansin na masyado palang maaga akong nagising. Ang akala ko kasi alas sinco na ng umaga, 'yon pala ay alas trs pa lang.

May iilang oras pa akong natitira upang maghihintay na mag-aalas sinco, wala rin akong naisip gawin upang babawi ako sa iilang oras.

Hay, bakit ba ako gumising nga madaling araw. Tanginang yan!

Baliw ka talaga, Faris. Baliw!...

Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Alangan naman tutunganga lang ako rito?

Magmumukha tuloy akong timang. Ano nga ba ang gagawin ko? Magluluto kaya ako? Subukan ko na lang kaya.

Tama, tama magluluto na lang ako...

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pwedeng malulutong pagkain.

Ano naman kaya ang lulutuin ko?...

I need something for breakfast. Hmm, I'm going to make some fried eggs and bacon.

Kinuha ko 'yong itlog at bacon sa ref at tiningnan lang ito. What am I going to do about this? How to start the cooking?

Hmm, okay. I'm going to get some frying pan and? Ano ba ang susunod? Put some water?

I think it's water, nakikita ko kasi na basa 'yong pan when our maids are going to luto-luto in our mansion.

Okay, I'll put some water and turn on the stove?

I turned on the stove and I put some water on the pan. I saw it boiling.

Okay, after boiling? What's next?

Do I have to crack this egg on the boiling water in that pan? Tss, maybe? Okay, I'll do it.

I cracked the egg and put it on the boiling water. Napapansin ko na lumulutang 'yong itlog and it looks gross. Linagay ko na rin 'yong bacon doon.

What the heck was this? Bakit hindi man lang naluto? Tss.

Ano ba kasi ang nangyari dito? The water is boiling, but the egg and the bacon are not yet cooked.

Tsk, nakakatamad naman pala talaga ang magluto. Lakasan ko na lang kaya ang apoy.

Linakasan ko pa 'yong stove kaya lumaki naman ang apoy nito. Oh what is happening?

Mas lalo pang lumalaki 'yong apoy kaya dahan-dahan naman akong kumuha ng tubig.

Nang makita kong naglalagablab na 'yong apoy, mabilis kong binuhos sa stove 'yong tubig at nakita ko naman na kinukuryente ito.

Wala na akong ibang nagawa at kaagad na tumakbo papalabas ng kusina.

What's happening?

Wahh, ang lakas na nga apoy. Nagsisimula nang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong lumiliyab na 'yong stove.

Oh my gosh, what did I do?...

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sumigaw naman ako ng malakas.

Narinig ko na may lumabas mula sa maids quarter at sa Guard's quarter. Hindi pa rin ako tumigil sa pagsisigaw at pinukaw sa lakas ng boses ko ang lahat ng mga tao sa masiong ito.

"Hija, what's your problem? Ang aga-aga sigaw ka ng sigaw" Tanong ni Daddy habang naglalakad pababa ng hagdanan.

Napatingin naman sa akin 'yong ibang mga kasambahay, pati na rin lahat ng mga gwardiya at si Mang Isko na kakagaling lang sa labas ng bahay. "What's that smell?"

"Dad, the kitchen" ani ko kaya mabilis naman silag nagsitakbuhan papunta sa kusina, nagpaiwan lang ako rito sa sala at umupo sa sofa.

Oh my gosh, papagalitan ako ni Daddy...

"Sir, may sunog po!" Mabilis na sigaw ng Mayor Doma namin kaya nananakbo naman si Daddy papunta sa kusina.

They turned off the electricity at kaagad naman silang nagkakagulo sa loob ng bahay, madaling araw ang ingay na ng bahay namin. I know it's all my fault.

"Hija, ano ba kasi ang ginagawa mo?!" May halong inis ang boses ng ama ko at kulang na lang ay magagalit ito sa ginawa ko.

"Dad, I was just cooking then, boom there was a fire. The fire just appeared" kalamang saad ko rito samantala yung mga trabahante namin dito sa bahay ay busy sa pagpapatay ng apoy.

"Anak, alam mo naman na hindi ka marunong eh. Bakit mo pa ginawa?" Sambit nito na may bahid na pagaalala ang mukha.

"I was just trying" ani ko

"Kahit na, you know you can't do it. Alam mo naman na hindi ka marunong sa pagluluto, diba? Your mother never taught you about cooking nor cleaning" saad nito kaya tumango naman ako. Parang tinatagusan 'yong puso ko sa bawat salita na binitawan ng aking ama.

Kilala niya talaga ako, totoo naman din. Wala akong alam sa paglilinis at pagluluto.

"Sorry" malumanay kong pagpapaumanhin rito at kaagad na yumuko.

Ang baliw ko talaga!...

"It's okay, hija. Make sure sa susunod susunugin mo na lahat"

What did he say?...

"What?"

"I mean, make sure sa susunod hindi ka na mangingi-alam, okay? Para hindi masunog tong mansion natin" ani nito kaya tumango naman ako. "Bakit ba ang aga-aga mong gumising?" Dagdag pa niti kaya naman nagkibit-balikat lang ako.

"I don't know, I just woke up then boom nalaman ko na lang na nandito pala ako sa sofa" pagsisinungaling ko. Hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ako napadpad dito eh. Parang feel ko lang na pumunta rito sa labas.

"Okay, bumalik ka muna sa kwarto mo" ani nito kaya hinalikan ko muna 'yong pisngi nito at kaagad na naglakad papunta sa kwarto ko.

Mas mabuti panga na matutulog na lamang ako.

- - - -

"I've heard you almost burned down the whole Mansion?" Tanong ni Sky habang naglalakad kami papasok ng training hall.

Tss, whole masion talaga? Kusina lang kaya 'yon, Duhh

"Tss, it's just the kitchen" ani ko rito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit? Ano ba kasi ang ginagawa mo?" Huminto naman ako sa paglalakad at kaagad na tumingin rito.

"I was just cooking" ani ko, narinig ko naman itong tumawa kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Cooking? Oh my darling, don't trust yourself when it comes to household chores" saad nito habang humahalakhak. Sinimangutan ko lang ito at padabog na umupo sa sulok ng training hall.

Why so arrogant?...

"Tss, I was just trying" ani ko at umayos ng pagkakaupo sa sulok.

Sumunod naman ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Trying to what? Trying to burned the house down? Pfft, that's hilarious" ani nito kaya kaagad ko namang pinalo ang braso niya. Mabuti na nga ay napalo ko talaga siya.

"You are hilarious, you Bastard-Pompous-Idiot Master. Nakakainis ka!" Naiinis kong usal rito at padabog na binagsak ang dalawang kamay sa aking kandungan.

"Let's start" anito at tinawanan ako.

I gritted my teeth to cut my anger at tinaasan siya ng kilay.

Parang gusto kong manapak ng mga tao ngayon...

"Stop laughing kung ayaw mong masapak kita diyan" kalamang saad ko at sinundan siya.

"You can or can't?" Sumilay ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi niya kaya. Mabilis akong humugot ng malalim na hininga sabay tingin ng matalim rito.

"Fvck you!"

"Tss, stop cussing, hindi 'yan nakakaganda sayo. Tingnan mo o, mas lalo ka atang pumapanget" saad nito at tinawana ako ulit.

"I don't Care!" Sigaw ko. "Fvck you! Damn you! Go to hell prick, tangina mo! Ayaw ko sayo, bastard, moron, pompous!" Pagmumura ko rito at kaagad na inirapan siya.

"Stop cussing, it's annoying"

"You are annoying!"

"Tch, quiet or I'll kiss you" ani nito kaya mabilis naman akong tumahimik. Mahirap na baka halikan niya pa ako.

Hindi ko pa kaya nasubukang mahalikan, never pa talaga. I won't let someone stole a precious kiss from me.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong naman nito.

"Tss, it's better to be quite than you will kiss me. That's a big NO" narinig ko naman itong tumawa dahil sa sinabi ko.

"Sira, I have a girlfriend" ani nito pero inirapan ko lang siya.

Kainin mo 'yang girlfriend mo! Walang nagtatanong sa 'yo, gago...

"Let's start" ani nito kaya tumango naman ako at naglakad papunta sa gitna sabay hinarap sa kanya.

Ang hindi ko talaga alam kung bakit pa Taekwondo 'yong pinag-aralan ko kung pwede naman na deretso lang sa self defense.

Ayan tuloy, mas lalong dumarami 'yong natutunan ko at dapat pag-aaralan ko... Tss, self defense and Taekwondo.

"Any condition?" Ani ko habang nakataas ang kilay.

"No conditions"

"Tss, takot maubusan ng pera?"

"Tch, fine"

"Talaga?"

"Hmm, but minimum 1000 and maximum 100,000.00"

"Game" ani ko at kinindatan siya. Ngumiti naman ito sa akin kaya tumawa muna ako.

"Rounds?"

"Five"

"Ok" sagot ko naman.

Mr. Pérez's POV

"Mr. Pérez, base po sa aking nalalaman, nakakatanggap po ng threat messages ang anak ninyo. I've been investigating it for almost a year, pero mahirap po talaga humanap ng lead. We don't know kung sino 'yong nagdidiliver, parang masyado pong tago. Masyado atang magaling 'yang nagsesend ng message" saad ng assitan agent ko. Tumango naman ako habang nag-iisip.

"Hindi niya sinabi 'yon"

"Baka po natatakot siya na sabihin sa 'yo. Alam niyo naman po 'yong anak niyo, diba?"

"But why?"

"Baka ayaw lang ng anak mo na mas lalo kang magiging mahigpit sa kanya"

Napabuntong-hininga na lamang ako. Bakit hindi sinasabi ni Faris na may natatanggap pala siyang mga threats? Hay, tong anak ko talaga.

"Trace this person who give threats to my daughter. I want that person down. Find that person as soon as possible"

"Copy sir"

"Make sure you can find them in a very short period of time. They received punishments" seryosong ani ko at hindi binalingan ng tingin ang aking assistant.

Nakikipagsabwatan ako sa investigation team, para sa kaligtasan ng anak ko. Kaya kong gawin ang lahat para sa anak ko.

Habang lumilipas ang mga araw mas lalo ring dumadami ang mga natatanggap na mga threats ni Faris. Hay, kailangan niya talaga mag-ingat. Kailangan ko siya kausapin...

Faris'POV

"Teka lang, tumunog 'yong cellphone ko" ani ko kay Sky kaya naman huminto ito.

Dalawang bagsak ako at siya naman ay isa. Pang fourth rounds pa nga namin 'to eh. Kaya nga lang, may biglang nagmemessage.

Kaagad ko namang kinuha 'yong cellphone ko na nakapatong sa aking bag at in-on ito.

Iba nanaman ang number na nakalagay rito and it's unknown. Hay, alam ko na kung ano to...

Tss, threats... Halos araw-araw nakakatanggap ako ng mga threats mula sa iba't-ibang mga tao.

Binasa ko naman 'yong message.

"(Kaliwa't kanan ang mga mata, magbantay ka nang bata ka)"

May emoji pang nakalagay rito.

Tss, di na ako bata. I'm twenty-two. Duh, anong bata doon? Tss...

"Hey, bakit? Sino ba 'yan?" Kaagad naman akong napalingon kay Sky ng magsalita ito.

"H-ha? Wala" saad ko at mabilis na pinatay ang cellphone.

Tinago ko 'yong cellphone sa loib ng aking bag at kaagad na tumayo.

"Sure ka?" Tanong nito.

"Y-yeah, no problem" ani ko at kaagad na bumalik sa sparring namin.

Mga ilang oras pa ang dumaan at kaagad rin namang natapos ang sparring namin and the good news is... nanalo naman ako. AGAIN!

"So, ready your wallet" nakangiting saad ko at nauna nang maglakad palabas ng training hall habang may malawak na ngiti ang mukha.

Nang makalabas ako, kaagad ko naman ulit binunut 'yong cellphone ko at tiningnan ulit 'yong message doon.

Napalingon-lingon naman ako sa aking paligid.

"Tara na" ani ko kay Sky ng makapasok ito ng sasakyan.

Pagdating namin sa mall mabilis naman akong naglakad papasok habang nakatingin sa paligid.

"Kanina ka pa talaga pa lingon-lingon sa paligid. Is there something bothering you? May problema ka ba?" Ani nito pero umiling lang ako.

Pumunta naman kami sa resto para magtanghalian.

Pagkatapos naming magtanghalian naglakad na kami papunta sa isang boutique.

"Agent 39!"

Sino ba 'yang Agent 39? Sino rin ba 'yang sumisigaw?

Lumingon ako kay Sky ngunit nakatingin lang ito sa lalaki na naglalakad papalapit sa gawi namin.

"Agent 39! Yow" tawag nong lalaki at lumapit sa amin habang nakaukit pa rin ang ngiti sa kanyang labi.

"O-oh" ani nito kaya naman napatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan namin.

Agent 39 si Sky? Siya 'yong Agent 39?

"H-hi, excuse me.. siya ba 'yong agent 39 na sinasabi mo?" Tanong ko sa lalaki doon sa lalaki sabay nguso kay Sky.

"Yes, He's my Idol. Isa sa mga pinakamaggaling na mga secret agent na nagtatrabaho para sa CIA eh" nakita ko namang siniko ni Sky 'yog lalaki tumikhim ako.

"Oh, may umiidolo pala sa 'yo , Sky?" Hinarap ko naman si Sky na ngayo'y nag-aalinlangan na sumagot.

"Yes? Maybe?" ani nito kaya tumango lang ako.

Huh, may umiidolo pa rin pala kay Sky? Maliban sa pagiging arrogante at seryoso nito, may nagtatago palang buhay idolo ang lalaking ito?

"Wow, unbelievable" sagot ko rito.

"Girlfriend mo?" Ani nong lalaki kaya naman mabilis akong napa-iling. Bakit ba lagi na lang akong pag-kakamalan na girlfriend?

Ang layo-layo ng hitsura ko maging girlfriend, imposible naman 'yon.

"She's uhmmm... The daughter of Familia Pérez" mahinang sagot ni Sky rito.

"Pérez, hmm"

"By the way he is Rush, you can call him Agent 89. He works from the different headquarter, so magkaiba kami" bulong sa akin ni Sky.

Agent rin siya? Ako lang ata ang hindi agent dito...

Nakakahiya naman sa kanila. Okay lang naman sa akin na mga secret agent sila, basta huwag lang talaga nila ako ma sali-sali diyan sa mga gulong gusto nilang papasukin.

May lalaki naman na tumatakbo papalapit sa amin kaya napatingin ako rito ng banggain niya si Rush.

"Hey! Bastard!" Sigaw ni Rush at tiningnan 'yong sarili niya.

Nakita niya naman na may maliit bagay na nakadikit sa damit nito.

Kaagad niya naman itong kinuha at tiningnan si Sky, tumango lang si Sky rito kaya naman napangiti si Rush.

Hindi ka talaga naiintindihan kung bakit sila nakangiti.

Nakita ko na bumulong kay Sky 'yong lalaki kaya naman hinila ako kaagad ni Sky at dinala malapit sa pintuan ng mall, may pinindot naman siya kaya tumunog ito.

It's a Fire Alarm, nagsitakbuhan palabas ng mall ang lahat ng mga tao kaya naman tinaasan ko ng kilay si Sky. Bakit niya naman 'yon pinindot?

Nagtataka naman ako ng hilain ako ni Sky at mabilis na dinala sa parking lot.

"Bakit mo ba pinindot 'yong Fire Alarm? Baliw ka na ba talaga? May topak ka ba? Ha?" Inis na tanong ko rito at marahan na kinamot ang aking ulo.

"Sakay" utos niya kaya sumakay naman ako sasakyan. Pinaharurut niya ito ng mabilis at habang lumalayo 'yong sasakyan bigla namang sumabog 'yong naturing mall.

Kaya mabilis akong napalingon sa likod at si Sky naman'y kalma lang na nagmamaneho habang nasa daan ang tingin. Ano ba talaga ang nangyari? Hindi ko talaga to naiintindihan.

Nagulat pa rin ako na lumingon kay Skyler na seryosong nagdadrive.

"W-what j-just hap---"

"May terroristang naglagay ng bomba sa isang CR ng mga Babae, 'yong hinawakan ni Rush na maliit na bagay na nakadikit sa damit niya ay isang tracker. It is used to track someone. Linagyan siya ng tracker, because he screwed up, he got caught. The terrorist was selling drugs, marijuana and guns. Rush's mission is kailangan niyang makuha 'yong mga drugs, marijuana and guns. He's also a spy and as expected, papagalitan siya ng Boss nipa, dahil hindi niya nagawa ng maayos 'yong trabaho nito. Good bye na lang" nakasmirk na saad nito.

Tangina! Bago ko pa lang iniisip na wag akong isali diyan sa mga spy-spy nila eh. Hays, bakit ba kasi siya pa 'yong naging bodyguard ko? Aish!

"Paano na lang 'yong libre mo? Hindi mo ba iyon itutuloy? Sayang naman eh" Nakasimangot kong saad habang nakatingin lang sa mall na kanina lang ay sumabog.

"Sa ibang mall na lang tayo pupunta, bukas. Not now, your life is in danger"

"Ha?"

"You're receiving threats"

"H-how---"

"Every messages na natatanggap mo ay natatanggap ko rin, I hacked your phone when you went to the CR to change your clothes, dahil 'yon rin naman ang utos ng ama mo. I acted like I don't know, because I'm waiting for you to tell me the truth. Mag-ingat tayo para hindi ka mapapahamak"

"You hacked my damn phone?!" Inis kong usal at tinampal 'yong noo ko.

Hacker pala ang lalaking ito? Bakit hindi ko iyon napansin?...

"Hmm"

"Tangina ka!"

"Stop shouting, okay?!" Sigaw nito kaya namaan napasigaw na lamang ako sa loob ng sasakyan at tinampal-tampal pa ng paulit-ulit 'yong noo ko. Hay, ano ba yan!

Hays, kaya pala pag-titingin ako sa cellphone ko titingin rin siya ng sa kanya. Tapos, malalaman niya na may kung ano-anung laman roon, Hay!

Napaka-hacker ng lalaking to! Aish! Kainis. Ang bait lang eh.