Faris'POV
Apat na araw na 'yong nakalipas pero hindi pa rin tumatawag sa akin si Sky, parang na miss ko na 'yong presensya niya.
Parang na miss ko kung paano niya ako papagalitan at kung paano siya magsalita sa akin.
Hay, kailan kaya ito babalik?
Gusto ko na rin gumala sa mall kasama siya at gusto ko na rin makipag-sparring sa kanya. Namimiss ko na talaga siya.
Sana babalik siya ngayon, gusto ko na talaga iti makita. Sana babalik na siya, sure din ako na namimiss na rin siya ng girlfriend niya.
Kailan kaya siya pupunta dito?...
Baka pupunta rin 'yon dito bukas or sa susunod na bukas.
Hays, hindi ko muna siya iisipin ngayon, dadating raw 'yong package na in-order ni Daddy na cellphone.
Ngayon, nag-aabang ako dito sa sofa kung kailan dadating 'yong package na in-order. Ang tagal naman kasi eh, it's already one thirtytwo pero wala pa talaga 'yong in-order ni Daddy.
Hay ang tagal naman dumating.
"Ma'am may naghahanap po sa inyo" ani ng mayor doma na kakasulpot lang sa harapan ko habang hinihingal.
"Okay, sabihan mo, hinatayin lang ako sa labas. I'll be there in a minute" saad ko sabat suot ng aking tsinelas at pumasok muna sa silid ng aking ama, uoang kunin ang cash mula sa wallet nito.
Ibinilin sa akin ng aking ama na sa wallet niya na lang kunin 'yong gagawing pambayad ng package.
Hindi rin naman ako nagrereklamo dito, maaga kasi itong umalis upang aasikasohin 'yong naghihintay nitong trabaho.
Kaagad akong bumaba at pumunta sa labas. Nakita ko naman 'yong delivery man na nakatayo habang naghihintay sa akin.
"How much?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"A-ano po, 360K po" nauutal na sagot nito kaya tinaasan ko naman siya ng kilay, not because mahal 'yong babayaran ko, but it's because nauutal siya.
"Bakit ka nauutal? Are you afraid, dahil natagalan ka? Naiinip na rin naman ko kakahintay sa 'yo rito ah. Tss" mataray kong saad at kaagad na pinirmahan 'yong papel at binigay sa kanya 'yong bayad.
"S-salamat po" ani nito at kaagad na sumakay ng motorsiklo niya.
"I'm not thank you" pabulong ko at naglakad papasok sa loob ng bahay.
Nakita ko si Manang Vilma na naglilinis ng hagdanan kaya tinugon ko muna siya na wag magpapasok ng kahit kanino dito sa bahay, dahil may gagawin muna ako sa taas.
Hindi rin ako makakalabas, dahil maraming CCTV dito sa buong mansion kaya hahanap muna ako ng tyempo na makakalabas ako. I think that's better.
- - - -
Kaagad akong lumundag sa higaan at binuksan 'yong box ng bagong cellphone ko.
I hacked your phone kaya lahat ng mga messages na natatanggap mo ay natatanggap ko rin...
Hmm, well hindi mo na matatanggap ang mga minsahe na natatanggap ko. May bagong cellphone na ako. Anong akala mo sa akin?
This is it! I've got a new phone.
I turned it on directly at kaagad na pumunta sa camera.
Oh, nice cam...
Naglakad ako papunta sa balkonahe ng kwarto ko and I took a photo of the pine tree standing near the garden.
Mabilis ko itong kinunan ng imahe at bumalik sa higaan.
Not bad, maganda naman siya.
Nakarinig ako ng katok kaya mabilis akong lumapit sa pintuan at binuksan ito. Nakita ko naman 'yong Mayor Doma namin na siya ring si Manang Vilma na nakatayo sa pintuan kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"What?" Malumanay at walang buhay kong tanong rito at sumadal sa gilid ng pintuan.
"M-may naghahanap po sa inyo, Ma'am" ani nito kaya lumabas naman ako ng kwarto at sinara 'yong pintuan.
"Diba sabi ko sa iyo na huwag ka munang magpapasok ng kahit sino dito sa bahay? Manang naman eh!" Inis kong saad at agad na napabuntong-hininga habang hawak-hawak ang aking noo.
Hindi ito sumagot at nakayuko lang habang nakasunod sa akin.
Pagkarating ko sa baba nakita ko naman ang isang babae na nakatalikod habang may kinulakot sa kamay nito. Well, she's not familiar to me.
"Ahmm who is she?" Tanong ko at tumingin sa Mayor Doma namin.
"S-siya po si... Si Michelle, gusto niya pong mag-aply"
Apply? Hindi ko naman naalala na hiring pala kami...
"Apply for?" Seryosong tanong ko.
Nakita ko naman 'yong babae na tumingin sa akin kaya naglakad ako papalapit sa rito, parang kaedad ko lang ito, pero hindi kasing-ganda.
"Gusto niya po magapply bilang kasambahay"
"Hmm?"
"Opo, kailangan niya po ng trabaho, Ma'am" ani nito kaya umupo naman ako sa single couch.
"Sit" utos ko doon sa babae kaya mabilis naman itong umupo sa kaharap kong upuan.
"M-magandang tanghali po M-Ma'am" ani nito kaya tinunguan ko lang siya.
Tumikhim ako. "Okay, what's your name?"
"Michelle Penelope Lopez po" nahihiyang sagot nito habang nakayuko kaya umayos naman ako ng upo.
"Look at me, I'm not on the floor" seryosong saad ko. Mabilis naman itong tumingin sa mga mata ko. "If you are shy talking to me there is a possibility that you will failed in this interview" dagdag ko pa.
Wala naman takaga kong kaalam-alam sa interview na 'yan eh, duh. I'm just trying...
"Pasensya na po, kinakabahan lang po talaga ako"
"Why? Hindi ko pa naman sinabi sa 'yo na hindi ka tanggap, we're just starting"
"O-okay po"
"How old are you?"
"Twenty-two po" mahinang saad nito. Tumikhim naman ako at seryoso siyang tiningnan.
Sabi ko na eh, we have the same age...
"What's your educational background?"
"High School Graduate lang po ako"
"Who's your parents?" Tanong ko pa.
"Patay na po sila" Napairap naman ako sa hangin nang marinig ko ang sagot nito.
"I said who's your parents, not where's your parents"
"P-pasenysa na po"
"Look at me. Magkaedad lang tayo, huwag kang kabahan kong alam mong trabaho ang inaatupag mo. Hindi sa lahat ng panahon, may tatanggap sa ganyang klaseng tao. I can't feel you, dahil hindi ko iyan pinagdaanan, but alam ko kung ano ang dapat mong gawin. Sa tingin mo ba may tanggap sa 'yo kung pahiya-hiya ka na lang diyan?" Nakayuko naman itong umiling.
"Wala po" saad pa nito habang nakayuko pa rin.
"Where's your confidence? Kailangan ko iyon"
"Okay po, ma'am"
"Good, let's start again" tumango-tango ito sabahay hugot ng malalim na hininga.
"Ready?"
"Opo"
"So, kung sakali ma'y gagraduate ka, anong course ang pinili mo?"
"Criminology po"
"Okay, what do you know about household chores?" Nakatungong tanong ko rito kahit na pati ako ay wala ring alam tungkol sa mga household chores na 'yan.
Mahaba naman ang sinagot nito at medyo gumastos rin ako ng iilang minuto, bago pa ito matapos sa napakahabang sagot nito sa maikling tanong ko. See the difference.
"So, what's your plan?"
"Pag may ma-aani na po ako saka pa po ako babalik sa pag-aaral. Gusto ko po talagang makatapos sa pag-aaral para mabigyan ko po ng magandang buhay ang pamilya ko po"
Hmm, mabuti naman kung gano'n. I'm also twenty-two, but I only have a private tutor. But I got a degree.
"Hmm, I have a last question. Why did you apply?"
"Patay na po kasi 'yong mga magulang ko at kami na lang po ng mga kapatid ko ang natitira, lima po kaming magkakapatid at ako na lang po ang inaasahan nila, dahil ako rin po 'yong panganay na siya mismo ang gaganap sa mga gampanin ng bilang magulang"
"Nong namatay po 'yong mga magulang ko, doon na po ako huminto sa pag-aaral at nagpa-partime job sa isang fastfood chain. Gusto ko lang po na may maipapakain ako sa mga kapatid ko. Naaawa na po kasi ako sa kanila, kailangan ko po talaga 'yong trabaho" mahabang saad nito. Nakaramdam naman ako ng awa, lumunok ako at kumurap habang patango-tango rito.
"Okay, you're hired" napangiti naman ito ng malawak dahil sa sinabi ko. "You will start today"
"Maraming salamat po, ma'am. Salamat po talaga, malaking tulong na po iyon sa pamilya namin. Salamat po talaga" nababalutan ng saya ang bawat salita na binitawan nito.
Hindi ko rin alam, pero pati ako ay nakakaramdam din ng tuwa, ngunit hindi ko pang iyon pinapakita. Tinago ko iyon sa pikod ng aking napakaseryosong mukha.
"Here, ibigay mo muna ito sa mga kapatid mo para may makain sila" ani ko sabay lahat ng three thousand pesos na mula sa bulsa ko.
"W-wag na po, ma'am. Okay lang po kami"
"Take it, kawawa lang 'yong mga kapatid mo kung wala silang makain ngayon" mahinang usal ko at kaagad rin na tumayo.
"Maraming salamat po, ma'am" naiiyak na saad nito habang tinatanggap 'yong pera kaya ngumiti ako rito. I saw how happy she was. "Ipapahatid muna kita sa family driver namin para makabili ka ng pagkain para sa mga kapatid mo at para rin makabalik ka rito kaagad"
"Sige po ma'am. Maraming salamat po" ani nito. Tiningnan ko muna 'yong Mayor Doma namin na ngayo'y nakahawak sa dibdib niya.
"Manang, please call Mang Isko, tell him na ihatid niya muna si Michelle, okay?" ani ko kaya mabilis naman itong tumango at naglakad palabas.
"Just wait him here. If you want to sleep here, doon ka sa maids quarter matutulog and make sure you wake up at 5:30. Kung gusto mo ring umuwi, you are free to call our family driver para magpahatid ka sa inyo. Your choice" saad ko bago naglakad paalis sa harapan nito.
Hindi naman talaga ko mabait sa mga tao eh, pero naaawa ako sa kanya at sa mga kapatid niya.
Her words was meaningful and sincere. Kakausapin ko na lang mamaya ang ama ko pag dumating siya dito sa mansion, tutal malapit na rin naman siya uuwi, alas tres na ng hapon kaya sigurado ako na maya-maya ay dadating din 'yon.
Pumunta ako sa kwarto ko at doon muna nagpahinga.
- - - -
Hindi ko alam na nakatulog pala ako kanina. Medyo inaantok kasi ako pagkatapos kong makipagusap sa bagong katulong dito sa mansion.
Anong oras na ba?...
Tiningnan ko muna 'yong orasan at kaagad na napatayo ng makita kong alas sinco na pala ng hapon.
Napagpasyahan ko nang tumayo at lumabas, nakita ko naman si Daddy na nakaupo lang sa sofa at kausap 'yong Michael na nakakawindang.
He's really weird.
"Dad!" Tawag ko rito kaya napalingon naman sila sa gawi ko.
"Hija, nandito pala si Michael. Do you still remember him? Siya 'yong tiyohin ni Sky" tumango naman ako at lumapit sa kanila.
Umupo ako sa tabi ni daddy at ngumiti na lamang doon sa tito ni Sky.
"By the way, dad. May pinasok pala akong bagong kasambahayz so 25 servants in all. Actually, she's the youngest maid" saad ko rito at tumingin doon sa kinakain nila.
Saan nila nakuha 'yang cake?..
"Yes, hija. I already met her" ani nito habang nakangiti.
"Dad, saan niyo po nakuha 'yang cake?"
"Oh, Manang Vilma made this cake, it's Red Velvet which is your mother's favorite flavor" red velvet?
Oh I remember, gusto nga pala ni Mommy 'yong Red Velvet, silly me...
"Do you want some?"
"No thanks. Dad, may I talk to you for a second?" Tanong ko rito at nagsimula nang tumayo.
"Chael, kakausapin ko muna tong anak ko ah? I'll be back" pag-papaalam ni Daddy doon sa tito ni Sky.
"Sure, no problem. I can wait"
Nakita kong sumunod sa akin si daddy kaya nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa dumating kami sa kubo na nasa aming hardin.
Mabilis kong hinarap si Daddy.
"What is it that you wanted to talk about?" Tanong ni daddy at umupo sa tabi ko.
"Dad, pwede po ba natin ipasok sa paaralan si Michelle?"
"Why?"
"Hmm, gusto niya po kasi makapagtapos sa pag-aaral, dahil patay na po 'yong mga magulang niya at sila na lang po ng mga kapatid niya ang natitira. Lima po kasi silang magkakapatid and siya na lang rin naman ang pinangkakapitan ng mga kapatid nito. As a sister, dapat naman talaga gano'n ang gagawin diba? Naaawa lang po kasi ako sa kanya, dad. She wants to finish college to graduate and have a good life with her siblings" mahinang saad ko sa aking ama, kaya napatawa naman ito sa sinabi ko and he patted my head.
"Oh, hija. You're really grown up. Natuto ka na talagang maawa, hija. For all those years" ani nito kaya naman napasimangot ako.
So wala akong puso? Hindi ako marunong maawa? Kung hindi pa ako lumalaki hindi ako marunong maawa? Gano'n?
Marunong naman akong maawa eh, pero minsan nga lang.
Minsan kasi namimili ako ng mga tao na kaawaan ko.
"Dad naman eh"
"Okay, saan mo ba planong ipasok siya? What school? You're like an older sister to her" nakangiting saad ng aking ama saka ako inakbayan. Malumanay naman ako g ngumiti rito. Gusto ko naman talagang magkakaroon ng kapatid eh, pero so sad wala na si Mommy.
Masyado lang iyong maagang pumanaw. She died at the age of thirty five. Sobrang bata pa nito talaga.
"Maybe, sa... Sa... 'yong malapit lang sana, 'yong uuwi siya dito araw-araw. Hmm maybe Southville International School? Malapit lang naman 'yon dito, diba?" Tanong ko sa aking ama. Napahawak naman ito sa baba niya at tumango-tango.
"You're right, maganda naman kung sa Southville na lang. Sige, ako na bahala sa kanya. Let's go inside and tell her" anito kaya mabilis naman akong pumasok sa loob ng mansion, pero pag-apak ko pa lang sa loob, pinalitan ko na ng pagkaseryoso 'yong mukha ko habang naglalakad papunta sa kusina.
Nakita ko naman si Michelle na nagluluto ng ulam.
"Michelle" seryosong tawag ko sa kanya.
Lumapit naman ito sa akin at binilin muna sa iba 'yong niluluto nito at dahan-dahan na lumapit sa kinatatayuan ko.
Huminga ako ng malalim at seryoso pang iyong timing. Hinintay ko itong makalapit sa akin hanggang sa tuluyan na itong makalapit at tumayo sa harapan ko.
"Y-yes po ma'am"
"Gusto mo bang magaral?' tanong ko rito.
"Opo, gusto ko po talaga, kaso wala pa po akong pera eh" Ngumiti naman ako rito.
"Well, Congratulations. You're going to be enrolled at Southville International School. Si Daddy na ang magaasikaso ng lahat" saad ko rito sabay lahad ng aking kamay para kamayan ito.
"P-po?" Tumaas naman 'yong kanang kilay ko at mas lalong linapit rito ang aking kamay.
"Yes, sa Southville ka na magaaral, sagot na namin ang lahat. Para naman"
"Po?"
"Tss, don't make me repeat, Michelle"
"Pasensya na po. Nagulat lang po kasi ako. Wag na lang po, ako na lang po ang gagastos"
"Michelle, ayaw ko na tinatanggihan ako" seryosong banta ko rito at tinaasan siya ng kaliwang kilay.
"E-eh ma'am, ang mahal naman po niyan eh. Paano ko po kayo masusuklian?"
"Serving in our family is enough. I won't expect too much form you. Ang importante makakapagtapos ka ng iyong pag-aaral. Diba gusyo mo rin naman iyon?"
"Pwede naman pong sa public nalang po eh"
"No, Michelle. Minsan lang ako tumutulong sa mga tao. Huwag ka nang mamili, it's my decision kaya wag mong tanggihan. It's final, kapag natapos mo sa klase, you will rest for an hour at tutulong ka rin dito sa bahay" may otoridad kong saad rito na at kaagad na naglakad.
"Maraming salamat po, ma'am. Sobra na po talaga to kahit ngayon lang po ako nakapasok" tumango lang ako habang naglalakad papaalis sa kanya kaya dumeretso na ako sa kwarto ko para matulog.
Hay, this is not a big day. Sakto lang naman, hindi na rin ako kakain ngayon. I've eaten lately. Okay na 'yong matulog lang. Hay, so tired.
Kailan kaya tatawag si Sky? Sana man lang ay tumawag ito. Namiss ko na talaga siya sa totoo lang talaga.
I miss his voice, I miss his face, I miss his moves, I miss the way he talks. Halos lahat talaga, na miss ko siya.
Parang pakiramdam ko kasi nakasanayan ko nang nandito siya palagi sa tabi ko. I didn't expect na ganito pala kalungkot ang walang ginagawa.
Oo, masaya ako dahil wala kaming training, at the same time nalulungkot rin ako. Nakakalungkot lang talaga isipin na wala 'yong taong palagi mong kasama. Pakiramdam ko tuloy nangungulila na ako rito.
Masaya sana na wala nang sumasagabal sa akin. Malungkot naman, dahil walang mangungulit sa 'yo, wala 'yong taong magbibigay ng napakabulastog na mga panakot.
Pfft, nakaka-OA pala 'yang si Sky, tss.
Natatawa na lang ako sa mga iniisip ko. Tumawag ka sana, kahit ngayon lang.
Ang boring dito Sky!...