Faris'POV
"Ang tagal mo" ani ko kay Sky na kakalabas lang ng kwarto nito. He was wearing he's black Tuxido kaya mas lalo ito g gumagwapo.
Hindi ko itatanggi na gwapo ito, totoo rin naman iyon. Walang babae na hindi mabibihag sa kagwapohan ng lalaki ito. Isa na rin ako doon sa mga humahanga sa kanya. Aaminin ko rin na magaling ito. Tama nga 'yong mga so called friends ko, boyfriend material na nga si Sky.
Lumingon ako kay Sky na nakapamulsa habang nakatayo sa tabi ko.
Wow, mukhang model si gwaping ah?...
"Tss" nauna na itong maglakad sa akin kaya sinundan ko naman ito.
Binuksan niya 'yong pintuan ng sasakyan kaya sumakay naman ako roon.
"Close friend mo 'yong ikakasal?" Curious na tanong ko rito habang nasa harap lang ang tingin ko.
"Yes" sagot niyo habang seryoso lang ang tingin sa daan.
Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakasuot siya ng tuxido.
Naglalaro lang ako sa cellphone ko habang siya naman'y seryoso lang ang pagmamaneho, medyo malayo rin 'yong narating namin at maghihigit isang oras na rin kaming bumabyahe.
Huminto kami sa isang simabahan.
Mabuti na lang at hindi pa nagsisimuka iyong kasala. Malapit na rin palang magsimula 'yong naturing kasal. Mukhang pangmayaman, halos bongga ang buong disenyo ng simbahan.
Umupo kami malapit sa gilid ata. Mabilis naman akong napalingon sa pintuan nang bumukas ito at linuwa doon ang isang lalaki na kung tawagin ay isa itong groom.
"Hey, ganyanan ba talaga ang mukha ng kaibigan mo? Bakit ang seryoso naman ata ng mukha" Tanong ko sa kay Sky habang nakatingin sa lalaking naglalakad sa gitna patungong altar.
Seryoso lang itong naglalakad at halatang hindi ito masaya.
"Stop talking" anito.
"Duh, nagtatanong lang naman eh"
"Tumahimik ka nga" suway nito. Tumahimik na lamang ako habang nakatingin sa babaeng papasok ng pintuan, diretso lang rin ang paglalakad nito at kagaya nga sa kaibigan ni Sky, hindi rin ito masaya. You can notice it on her veil at halos pilit itong ngumiti, but I can see the sadness in her eyes.
What's with the face?...
Hanggang sa matapos ang seremonyas, napapansin ko na hindi nagpapansinan ang dalawang mag-asawa.
Pumunta na kami sa venue ng reception, nakita ko namang lumapit si Sky sa isang grupo ng mga lalaki kaya nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako o hindi.
Boys...
Skyler's POV
Lumapit kami sa grupo ng mga kaibigan ko, napansin ko naman na hindi sumunod sa akin si Faris kaya napalingon ako sa gawi nito. She was just standing habang nasa malayo ang tingin.
Linapitan ko ito kaagad sabay hawak sa kamay nito.
"Let's go over there" ani ko sabay turo sa mga kaibigan ko na busy sa pag-uusap.
"I'm sorry, but I don't go with strangers. Ikaw na lang, I'll be staying on the corner" malumanay na sagot nito at ngumiti sa akin.
"They're not strangers, they're my friends. Come with me, you'll love them" sagot ko.
Hinila ko ito papalapit sa mga kaibigan ko na siya ring naging dahilan kung bakit napatigil sa pag-uusap ang mga ito at binalingan kami ng tingin.
"Hey, bro!"
"Yow!"
"Hey! Sky"
"Hello"
"Yow!
Ngumiti naman ako sa kanila at umupo sa upuan, pinaupo ko na sa tabi ko si Faris. Alam ko na nagtataka sila kung sino 'yong kasama ko dahil na rin sa mga reaksyon ng mga.
"Bro, girlfriend mo?" Tanong ni Aziel habang nakatingin kay Faris.
"No, siya 'yong alaga ko" ani ko rito sabay iling.
"Alaga mo? Diba 'yong alga mo nasa loob ng pants mo?" Sabat naman ni Treyton habang tumatawa kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Kahit kailan napaka manyak talaga...
"Don't mind him" sabat naman ni Zyair habang nakatingin kay Faris, seryosong tumango naman si Faris.
Well, Zyair was speaking with his British Accent, kakadating niya lang talaga kahapon. He came here for the wedding, hindi nga 'yan marunong magtagalog. He has the darkest secret na kami lang magkaibigan ang nakakaalam.
"She's Faris" ani ko rito.
"Hi Miss Faris, ako nga pala ang gwapong Aziel" ani nito pero seryoso lang ang tingin ni Faris rito.
"I'm Trayon and this is my twin Treyton"
"I'm Wren, you are the daughter of?" Tanong ni Wren.
"Daughter of Familia Pérez, Faristair Zeerah Pérez" sambit ko sa buong pangalan nito.
"Oh, I've heard she's the spo---"
"Cut it Trey" saad ko kay Treyton para hindi niya masabi 'yong gusto niyang sabihin.
"Hello, ako po si Zyair" ika pa ni Zyair na nahihirapang managalog.
Nakita naman namin naglalakad papalapit sa amin si Kajick, siya 'yong kaibigan ko na kinasal kanina.
Seryoso lang itong naglalakad papunta sa gawi namin kasama ang kapatid nito, kaagad naman itong umupo sa tabi ni Wren.
"So, how's your wife?"
"Tsk" tanging sagot nito, he was forced to marry Rhunzel.
In his story, Rhunzel was the granddaughter of Mr. Carlos Marchenko.
Hmm, not that bad...
"Bro, siya nga pala si Faris, anak ng pamilya Pérez" sabat ni Treyton kaya tumingin naman sa gawi namin si Kajick.
"Not bad" anito at uminom ng alak.
"Siya nga pala, Faris. This is her sister Kajhaine Vaughn Eigenmann and also the girlfriend of Wren" lumingon si Faris doon sa kapatid ni Kajick at agad na ngumiti.
Nakita namin lumapit si Jhaine kay Wren at hinalikan ang pisngi nito sabay tingin sa amin.
"Hey, Faris right?" Anito at nakipagkamay kay Faris. Binalingan niya naman ako ng tingin at kaagad na yumakap sa akin.
"Hmm"
"Boyfriend mo si Sky?" Umiling-iling lang ito habang nakangiti pa rin dito. "Actually, Sky and I used to work together. I work for the CIA so was he" bumuntong-hininga ako rito sabay tango.
I haven't told Faris yet...
Sumulyap ako sa gawi ni Faris at tinaasan niya ako ng kilay. She was giving me the look na sinasabing magtatrabaho ka pala para sa CIA.
Damn it!...
"Don't leave your wife" pagbasag ni Aziel ng katahimikan.
"She's not my fvcking wife" giit nito at bumuga ng hangin. Alam kong galit ito dahil hindi naman ito nagkakagusto sa pinapakasalan niya. It's force.
"Force marriage?" Sabat ni Faris habang nakataas ang isang kilay nito.
"Yup, really forced" ani ni Trayon.
"I thought you two we're in love?"
"No, I won't love her at hindi rin 'yon mangyayari. It's impossible"
"Kalma pang Mr. Eigenmann" natatawang saad ni Treyton rito.
"She's gorgeous" sabat ni Faris habang nakatingin sa gawi ng asawa ni Kajick.
"Tss, I don't care" ani nito at patuloy pa rin asa paginom ng alak.
"Dude, your wedding is legal" saad ni Zyair kaya napatango naman kaming naritito.
"It's easy to get a divorce paper, Right Atty. Aziel?" Napangiwi naman si Aziel nang tawagin siyang nitong attorney ni Kajick. He was studying about law, pero hindi niya iyon natapos-tapos, dahil na rin sa family business. He doesn't want to be called attorney.
He's not an attorney.
Tumingin kami sa reaksyon ni Aziel. "It's not that easy. It takes more days para ma process ang annulment papers niyo. Tsaka hindi rin uso sa Pilipinas ang kukuha ng annulment paper" tama rin naman si Aziel. It's not really that easy. "Also, the question is... Papayag ba si Tita at Tito na magdidivorce kayo? Kung sakali ma'y papayag ang mga ito. We will have a divorce party, then" Walang ibang naggawa si Kajick kung hindi ay mapairap na lamang sa hangin.
It's really hard being that way...
Nag-uusap lang kami buong magdamag hanggang sa napagpasyahan na naming umuwi.
"I'm sleepy" ani ni Faris kaya kaagad naman akong tumayo at inabot ko roon ang kamay ko.
"Let's go" tumayo naman siya habang 'yong isang kamay ay kinukusot ang mga mata nito at ang isa nama'y nakahawak sa palad ko.
"Leaving?" Tanong ni Wren na halatang lasing na pasing na. Tumango ako rito at tinapik ang balikat niya.
"Let's go, inaantok na ako. I can't bear to be like this" inaantok na saad ni Faris. Nagpapa-alam muna kami sa mga kaibigan ko pati na rin sa mga magulang nito at agad na pumanhik sa sasakyan.
Binuksan ko na 'yong pintuan ng sasakyan kong Hilux at inalalayan itong pumasok sa loob nito.
Tomorrow babalik na 'yong daddy nito kaya kailangan na maayos lang ang lahat.
"Bilisan mo 'yong pagmamaneho, it's already 11:30" ani nito kaya kaagad kong pinaharurut ang sasakyan. Mga ilang minuto lang ay dumating na kami sa mansion.
Patay na 'yong lahat ng ilaw kaya dahan-dahan lang kaming pumasok sa loob nito. Narinig ko naman na may mga yapak na papalapit sa amin.
Pag-on ko sa ilaw nakita ko naman si Faris na nakasalampak sa sahig.
What the hell just happened?...
Lumingon ako sa tao na nakatayo sa harapan ko, she's bringing a broom.
Hinampas niya ng walis si Faris? What the hell is her problem?...
"P-pasenysa na po sir. A-akala ko po kasi magnanakaw" napatingin naman ako sa kasambahay na may dalang walis.
"What the fvck, yaya. What did you just do?" Tanong ko at kaagad na binuhat si Faris papunt sa sofa.
Sinuri ko naman 'yong ulo nito kung may sugat ba ito o may dugo, mabiti na lang at walang sugat ito, may malaking bukol nga lang.
Ang lakas naman seguro ng pagkahampas ng kasambahay nila sa noo nito. Hindi naman ito hihimatayin kung mahina pang ito.
"Pasensya po talaga, sir. Nabigla lang po ako kasi ako. Pasensya na po talag"
"Tsk" bigla namang gumalaw si Faris at dahan-dahan itong gumising.
Napatingin siya sa amin ng kasambahay habang hawak-hawak ang noo nito kung saan tumubo 'yong maliit na bukol.
"Aray, Ang sakit!" Ani nito ng mahawakan niya 'yong maliit na bukol sa noo nito.
"Pasensya na po talaga, ma'am. Hindi ko po talag sinasadya" ani naman ng kasambahay habang may nakakaawang mukha.
"Last day" seryosong saad nito.
"P-po?"
"Last day today and don't ever come back" masungit na saad nito habang matalim na nakatingin sa kasambahay nila.
Gano'n lang ka dali?...
"P-pero ma'am p--"
"Get out of my face" bulyaw nito at kaagad na tumayo habang nakahawak pa rin sa noo nito.
Naglakad naman ito papunta sa hagdanan at derediretso lang sa paglalakad ni hindi man lang tumingin sa akin.
"S-sir--"
"I can't do anything about it, just follow her" sagot ko naman rito.
Nakita ko itong umiyak habang tumatakbo papunta sa maids quarter.
Napabuntong-hininga na lamang ako at umiling-iling. She's really hard to deal with.
Total inaantok na rin ako, pumanhik na ako sa kwarto ko at kaagad na natulog nang matapos kong magbihis.
- - - -
Faris'POV
Bumaba ako ng hagdanan nang makita ko si Sky na nagluluto.
"Bakit ikaw 'yong nagluluto?"
"You fired her last night, remember?" Tss, mabuti na rin 'yon sa kanya, punishment for sinners. Ang sakit ba naman ng bukol ko. Nahihirapan akong matulog kahapon dahil lang sa maliit na bukol na 'yan.
"Oh, ang sakit ng ulo ko" ani ko ng maramdaman ko na biglang kumirot at nagising 'yong maliit bukol sa noo.
Tanginang yaya 'yon!...
"Kumain ka na" saad nito at hinain sa mesa ang pagkain.
Kaagad ko naman itong nilantakan at tiningnan siya.
"Hindi ka ba kakain?"
"Just finished" ani nito at hinugasan ang mga pinggan.
Ang sarap ng luto niya, boyfriend material nga naman.
"How's the food?" Tanong nito at humarap sa akin nang matapos na siyang maghugas.
"Not bad" tanging sagot ko, but deep inside, it's really delicious. This is the first time I've seen him cooking.
"Dadating na pala mamaya 'yong daddy mo, so as expected. We'll continue our training" ani nito kaya tumango naman ako.
Lintik na training na 'yan, bakit ba hindi man lang ako makakatanggi sa training na 'yan? I'm really hooked up.
"Do we really have to do that? Tapos nanaman tayo sa lahat eh"
"No, we'll be doing the sparring" tumango ako sa sinabi nito kahit na hindi ko narinig 'yong huling sinabi nito.
"Bilisan mong kumain, dadating na 'yong ama mo" saad nito habang nakatingin sa cellphone niya and if I'm not mistaken, he was messaging my father.
Binilisan ko rin 'yong pagkain ko kaya naman pagkatapos ko ay iniwan ko 'yong mga pinagkainan ko sa kusina.
"Where are you going?" Rinig kong tanong niya.
"Living room"
"No, you're not going there. Wash your plate" utos nito kaya napataas 'yong kilay ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Me? Washing? No, that's not going to happen" saad ko at akmang tatalikod na sana ako ng marinig kong malakas itong tumikhim.
"Yeah it's happening"
What? No! Hindi yan mangyayari...
"No, it won't" tanggi ko at tinalikuran siya.
"Hugasan mo 'yan, if you don't want me to give bad feedbacks about you" aish! Threatening me! Nanaman ba? Duh.
"Fine" sagot ko at kinuha 'yong pinagkainan ko at dinala ito sa lababo.
Ano ba ang unang gagawin?
Kinuha ko 'yong sponge at inagyan ng sabon 'yong pinggan at baso ko.
Am I doing it right?
"Wrong" ani nito kaya tumigil ako sa paghuhugas at napatingin lang sa kanya.
"What? Why?" Litong tanong ko, diba ganito naman talaga pag-naghuhugas?
"Kailangan mo munang kunin 'yang mga nakadikit na kanin diyan sa pinggan mo, bago ka maghugas. You need to wash it with water, before you put the dishwashing liquid on it" nagkibit-balikat ako at sumunod sa sinabi nito.
"Okay" sagot ko at hinugasan ng tubig 'yong pinggan, maraming kanin ang nakadikit rito kaya nandidiri akong hawakan ito.
"Touch it" saad nito kaya nilinisan ko naman ang pinggan using my index finger.
"Eihhh" tili ko ng mahawakan ko 'yong may mga kanin.
"Use your whole hands, para talaga matanggal 'yang mga nakadikit na kanin" kinakabahan naman akong humawak sa pinggan gamit 'yong palad ko. It's really happening. "Put some dishwashing liquid"
Mabili ko namang kinuha 'yong dishwashing liquid at linagay ito sa plato.
"You're not gonna put it on the plate, you have to put it on the sponge. Tch" ani nito kaya napairap naman ako.
"Ikaw na lang kaya ang gumawa" saad ko rito.
"Pinggan mo 'yan. Clean it properly" utos nito kaya sinunod ko na lang 'yong mga sinabi nito. Nang matapos ko nang sabunan 'yong mga pinggan tiningnan ko naman siya.
"What to do next?"
"Wash it with water, wipe it with kitchen towel and put it back to it's proper place" ani nito kaya sinunod ko naman iyon lahat. " Wipe it properly and gently so it won't moist"
Pagkatapos ko itong punasan linagay ko naman ito sa lagayan ng mga pinggan.
How to put it back? Ang sikip naman, baka mabasag ito...
"Good, may bumusina sa labas. I'm sure it's your father" naglakad ito palabas at iniwan ako dito sa kusina.
Sumunod ako sa kanya at naglakad na rin papunta sa living room sakto rin ang pagpasok ni Daddy.
"Hija" tawag ni daddy sa akin. Nakangiti akong sinalubong ito ng yakap.
"Hi dad"
"Here, I have something for you" kinuha naman ni daddy 'yong ng gwardiya nito.
It's a rectangular shaped box. Ano naman kaya ang laman nito?
Kaagad ko itong binuksan at laking gulat ko na lang na ito 'yong necklace na gusto kong ipapabili sa kanya noon, kaso nga lang iniwan ni daddy 'yong pera nito. So... I have nothing to do with it, but to wait.
Wait until he gets it.
"Thank you, dad!" Malakas na sigaw ko at yinakap siya ng mahigpit.
"You're welcome, hija. Hijo, may ibibigay rin ako sa 'yo" ani ni Daddy kay Sky, may kinuha si Daddy na maliit na kahon, pero bongga ito kung tignan.
Kaagad naman itong binuksan ni Sky at napa-awang na napatingin kay Dad.
"Thanks, tito" ani niya nang makita niya 'yong laman ng maliit na kahon. It's a wrist watch at kahit titignan mo lang ito malalaman mo na talaga na mamahalin ito.
"Wala 'yon, hijo. Salamat nga pala sa pag-aalaga ng anak ko" nakangiting saad ni Daddy rito.
"It's my pleasure, tito"
"Do you have a training?" Tumango naman si Sky sa tanong ng aking ama rito.
"Should I expect high about my daughter? I want to see you sparring"
Sparring? Kailangan pa ba 'yon?...
"Not, now dad" ani ko rito.
"Okay, okay. Go, magtrain na kayo" pagtakwil ni daddy sa amin kaya kaagad rin naman kaming lumabas.
Don't expect me na namimiss kita Taekwondo, I won't miss you...
Sumakay na kami ng sasakyan nitong Ford. Napapansin ko na talaga na halos aaraw-arawin na nitong magpapalit ng sasakyan.
Kahapon Hilux, ngayon Ford, the last day Lamborghini, then the other day Mercedes Benz, at last week Toyota, then Suzuki. Halos ibang-iba na talaga araw-araw. Kulang na lang na gumamit ito ng Limousine.
"How many cars do you have?" Mahinang tanong ko rito.
"Too many to count" sagot nito sabay andar ng makina.
Tss, mayabang rin pala 'tong anak ng mga Baldassare. Wow, ang galing...
"Let's do the sparring" ani nito ng matapos na akong magbihis.
"Sparring? Not now"
"We'll do it now. Pumayag ka na rin"
"Hindi mo naman sinabi na mag-s-sparring tayo eh"
"I've said it"
"No"
"Yes, kaya magsisimula na tayo" ani nito kaya umirap ako.
"Ayaw ko! Di mo nama----- ARAY!" Malakas naman akong napasigaw ng biglaan niya akong patirin kaya napasalampak ako sa sahig. Ang sakit ng balakang ko.
"You need to be ready"
"Tangina ka!"
"Tss, go. Kick me" utos nito kaya mabilis akong tumayo at pinatiran siya pero kaagad rin naman nitong nahawakan 'yong paa ko and he twist it.
Aray! Tangina, ang sakit!...
"Ang sakit"
"Ayusin mo kasi" aniya naman at kaagad niyang pinaikot sa likod ko 'yong kamay ko.
Aray! Mababalian ata ako ng buto...
Buong araw 'yon lang ang ginagaw namin, I even heard him shouting pag mali 'yong ginawa ko.
Parati na nga lang akong talonan sa lahat ng rounds ng sparring namin. Halos kontrolado nito ang buong katawan ko, mukhang ang hirap niyang talonin.
Every time that I fall from this challenging sparring of ours, magagalit ito sa akin. He wants it to be perfect. Hindi ko naman rin iyon kayang gawin. Ika nga nila, walang taong perpekto, walang taong nakakaggawa ng perpekto, maliban na lang sa maykapal.
"I'm sorry for being hard on you. I just want you to learn, that's all" dumapo ang tingin ko kay Sky nang marinig ko itong sinserong nanghingi ng patawad.
Bahagya akong napangiti. "Hmm, don't worry" sagot ko rito at sabay tapik ng balikat niya.
Nagkatitigan naman kami ng halos humigit pa sa isang minuto. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nginitian siya habang naglalakad papalabas ng training hall.
Parang gumaan 'yong pakiramdam ko sa kanya...