Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 9 - Chapter 7

Chapter 9 - Chapter 7

Faris'POV

Nakaupo lang ako rito sa sala habang nanunuod ng pilikula. It's already 12:45, dahil wala naman si Daddy, hindi rin pumunta rito si Skyler at wala na rin akong pake kung pupunta man siya o hindi. Parang makakalimutan ko na rin ang nangyari kahapon.

Habang nanunuod ako napansin ko naman na may bumusenang sasakyan sa labas kaya tumayo ako para silipin ang bintana, hindi pa man ako nakatayo sumulpot na sa harapan ko 'yong Mayor Doma namin namin.

"Ma'am, nandito po si Sir Sky" saad nito kaya mabilis naman akong tumayo at napatakbo papunta sa labas ng mansion, hindi pa man ako nakalabas nakita ko na itong naglalakad papunta sa gawi ko habang nasa magkabilang bulsa ang dalawang kamay.

Sumandal ako sa pintuan at tiningnan lang ito g naglalakad.

"Umalis 'yong Daddy mo for some business trip. Three day's siyang wala. Ako muna ang bahala sa 'yo. Be a good girl" anito at naglakad papasok ng bahay na parang siya pa 'yong nagmamay-ari nito. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa sofa sabay patong ng dalawang paa sa maliit na mesa na nasa gitna.

Naglakad naman ako papalapit rito at umupo sa tabi niya. Tinuon ko lang 'yong pansin ko sa pilikula habang kumakain ng hotdog.

"I'm here to guard you" ani nito at kumuha ng Hotdog.

"Wow, sayo 'to? Ha? Sayo?...

Umirap na lamang ako at kumain.

"Malamang, bodyguard ka eh, alangan naman ako 'yong magbabantay sayo" deretsong saad ko at nagpatuloy lang sa panunuod, biglang may dumapong pitik sa noo ko kaya kaagad ko namang tiningnan kung saan iyon nanggaling.

Sinamaan ko ito ng tingin at inirapan pa. Kakainis siya eh, kala mo naman kung sino.

"Wag pilosopo" ani nito.

"Wag seryoso" sabat ko naman at hindi siya binalingan ng tingin. Tahimik lang akong nanunuod ng palabas at hindi pinansin ang mga taong nasa palibot ko.

Busy kasi 'yong mga kasambahay kaya kaunti lang kami dito sa loob ng mansion. Ako lang at si Sky, dala na rin 'yong hindi aabot sa sampong mga kasambahay. Halos lahat ay nasa pabas o nasa aming hardin. May iba ring naglilinis sa garahe.

"Wala tayong training ngayon" pagbasag nito sa katahimikan.

"Mabuti na man kung gano'n, ayaw ko rin naman mag training. Nakakapuyat" binalingan ko ito ng tingin at tinabi ang aming pinaglagyan ng mga hotdog.

Pinagpag ko muna 'yong mga kamay ko at kumuha ng tissue. Pinahiran ko 'yong bibig ko at tinapon ito sa basurahan.

"But, I'am staying here for two nights or three" mabilis naman akong napalingon sa gawi nito nang sabihin niya iyon, nanlaki pa 'yong mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

Dito siya matutulog?!...

"Why?!" Gulat kong tanong rito at medyo tumaas 'yong boses ko rito.

"Wala 'yong Daddy mo. Wala rin 'yong mga gwardiya niyo sa bahay, tanging ako na lang ang maasahan. If ever someone would sneak in of this mansion, hindi ko kayo mapoprotektahan lahat"

"I can take care of myself" ani ko at binalik ang tingin sa pinapanuod kong palabas. May parte sa aking isipan na nag-aalala sa mga pwedeng mangyari. Hay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit pa ako nagkaroon ng bodyguard?

"Hindi mo nga ako kayang talonin. That's one of the sign that you can't protect yourself. Your body is strong, but your heart is weak" sagot nito dahilan ng napabuntong-hininga na lamang ako. Wala nang ibang salita ang lumabas sa aking bibig kung hindi ay ang buntong-hininga.

"Sa guest room ka matutulog" ani ko at bumuntong-hininga ulit. Ilang ulit ko na itong pagbuntong-hininga. Hay, ano nangyari sa 'kin?

"Pwede rin sa kwarto mo" anito kaya mabilis kong pinalipad ang palad ko, ngunit hindi ito dumapo sa balikat nito dahil nasali niya ito.

Grrrrr, nakakainis siya!...

"I said, not so fast" dahan-dahan naman niya namang binaba 'yong kamay ko at tinuon 'yong pansin sa palabas.

Sinabunutan ko na lamang ang sarili ko at nagdadbog na parang timang sa aking kinauupuan. Hindi man lang nito ako pinansin kaya, umayos na lamang ako ng upo habang nakasimangot lang ang mukha.

"Sky, pwede ba ako pumunta sa mall?" Mahinang tanong ko rito at tumikhim.

Pumayag ka please...

"No, you're not allowed to go somewhere without me" seryosong saad nito at sinulyapan ako, saka rin binalik ang pansin sa pinapanuod.

"Edi sumama ka"

"I can't, masakit 'yong paa ko. Naglalakad kasi ako papunta sa resto kanina and it takes more than an hour para dumating doon. So, the result is on my feet"

"Edi ako na lang"

"No, bawal" mas lalo pa akong napasimangot sa tabi nito para payagan niya ako.

"Sige na" pagpapacute ko rito na animoy mukha akong pusa habang napakapit sa braso nito. Naamoy ko naman ang mabango nitong amoy. Amoy mamahaling pabango....

Kaagad naman akong umatras nga kaunti papalayo sa kanya.

Wait...

Wait...

Wait...

Pumasok sa aking isipan na parang pamilyar ang pabango nito. Mabango naman talaga, saan ko nga ba 'yan naamoy?

It's very familiar, asan nga ba 'yon? Hmmm...

Sa?... Asan nga 'yon?... Sigurado ako I have smell it somewhere else...

Hmmm...

"Ang tanga naman ng mga tao ngayon!"

Aha! 'yon nga! 'yong araw na pumunta ako sa mall kasama yong mga so called friends ko. Siya 'yon? Kaya pala kapareho ang amoy nila eh.

Clive Christian

Clive Christian 'yong pabango nito, ang mahal pa naman ng Clive Christian. Nasa mga $388 dollars and one of the most luxurious colognes.

Meaning?

Mayaman si Sky. Sky is also rich? Sabi ko na eh, mayaman talaga ito. Klarong-klaro na ito mula ulo hanggang paa.

Hmm... Such a great, rich, handsome man... Who would have thought?He's dreamy...

"Nagkakilala na ba tayo?" Tanong ko rito for clarification.

"Yes, sa mall" kalmang sagot nito.

"Bakit hindi mo sinabi?!"

"Hindi ka naman nagtanong"

"Aish, ewan ko sayo"

"Ewan ko rin sayo"

"Mall tayo" saad ko at kumapit ulit sa braso nito. Napabuntong-hininga na lamang ako nang walang pagaalinlangan itong umiling, dahilan ng makaramdam nanaman ako ng lungkot.

"No"

"Sige na"

"No"

"Please?"

Ugh! Why am I pleasing this man? A heartless and ruthless man...

"No"

"Sige na"

"No"

"Promise ko na hindi na kita kukulitin pa. Just please, mall tayo. Nakakalungkot naman kasi dito sa bahay eh. Please?"

"No"

Tangina, hindi marupok si kuya...

"Please, I promise you... I will try loving taekwondo. I promise you I'll be the best student. Please"

"No"

"Promise ko, magiging mabait na ako. Please, Sky

"No"

"Aish, sige na!"

"No"

"Please.. Please.. Please?"

"No"

"Hmm"

"No, No and No"

"Ewan ko sa 'yo, kung ayaw mo edi wag! Sayang lang ng oras. Why the hell am I begging in front of this heartless and ruthless, bastard prick. This bullshit" pagdadabog ko at walang pagaalinlangan na tumayo at naglakad papaalis sa harapan nito. May namumuong galit sa nararamdaman ko habang marahan na naglalakad papunta sa aking naturing silid.

Prick! Bullshit!... I hate you! Kahit kailan man ay hindi kita magugustohan!

Napamura na lamang ako sa aking isipan nang biglaan na lamang pumasok ang imahe ni Sky.

Aish! I hate him. I will forever be hating him!...

Sinasabi ko na 'yong lahat na mga please ko sa kanya na ngayon ko lang talaga naggawa sa buong buhay ko. And I'm done with this crap.

Tangina naman oh, hindi pa marunong makisama...

"Where are you going?" Pahabol nitong tanong, pero namumuo pa rin 'yong nararamdaman kong galit at walang lingon-lingon mula sa aking paglalakad. "Hey kid, where are you going?"

Kung maka kid ka sa akin ah, malaki na ako, kulang nga lang sa height...

Ano bang pake niya? Ayaw kong makipagusap sa kanya, nabubwesit ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dumating ako sa aking silid at padabog kong sinara ng malakas 'yong pintuan tsaka sumalampak na lamang sa higaan. Unti-unti na akong nawalan ng pagasa. Wala na ta akong kalayaan nito, habang buhay na ata akong magkukulong.

Nakarinig ako ng malakas na katok mula sa pintuan pero hindi ako kumibo. May kumatok ulit rito pero tinakpan ko lang ng unan 'yong tenga ko.

Psh, ayaw ko siyang makita...

May kumatok nanaman ulit kaya napagpasyahan ko na lamang na tumayo at bumuntong-hininga muna bago pinagbuksana ng kumakatok.

Bumungad sa aking harapan ang seryosong mukha ni Sky na nakatingin lang sa akin. Walang bahid ang expresyon ko habang nakatingin rin dito at sabay taas nang nagpapahingang kilay.

"Change your clothes and fix yourself" utos nito kaya mabilis ko namang sinara 'yong pintuan, ngunit malakas na nakaharang ang kamay nito sa pintuan kaya nahihirapan akong isara ito. "Change"

"No, lumayas ka sa harapan ko. Pwede ba? Don't disturb me for now" walang buhay kong tugon.

"Change"

"Ayaw ko nga eh, ang tigas ng ulo"

"Change"

"No!"

"Are you going to change that damn clothes or I'm going to rip that off at ako 'yong magbibihis sa 'yo? Choose" mariing tanong nito at umiigting pa ang panga habang seryoso at matiim akong tinitigan.

Here we go again...

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Inis kong tanong rito.

"Ayaw mo pumunta sa mall? Edi wag" anito kaya mabilis namang nawala 'yong galit ko at napalitan ito ng saya. Malawak ang ngiti kong napatingin rito at kaagad na binuksan ng malawak ang pintuan.

"No, gusto ko nga eh. Drama lang 'yon, alam mo nanan diba" sagot ko rito at napahalakhak na lamang.

Aish, ano ba kasi tong pinasok ko?...

This is not a game. Totoong galit ako sa kanya kanina.

"Wag na lang, I already changed my mind" sagot nito kaya napasimangot naman ako habang nakatingin rito.

"Punta tayo" saad ko.

"Magbihis ka na nga" aniya. Mabilis naman akong napayakap sa rito habang tumatalon-talon pa, alam kong nagulat ito sa biglaang pagyakap ko kaya bumitaw naman ako rito.

"S-sige, magbibihis muna ako" nahihiyang tugon ko rito at sinarado 'yong pintuan.

Pumunta ako sa walk-in closet ko at nagbihis ng isang simpleng dress na hanggang tuhod at pinaresan ng kulay puting heels. Kaagad akong bumaba at pinuntahan siya.

"Let's go" anito kaya sinundan ko lamang ito palabas ng aming mansion.

Binuksan niya 'yong pintuan ng naturing sasakyan nito at agad akong sumakay rito, gano'n rin ang ginawa ito at pinaandar ang makina.

Nagsimula na itong magmaneho kaya tahimik lang ako habang napatitig sa maamong mukha nito.

"Stop staring baka mabangga tayo" anito kaya mabilis pa asa alas kwatro akong papaiwas ng tingin at kaagad na tumingin sa aking hawak-hawak na cellphone.

Pagkarating namin sa mall kaagad akong bumaba at pumasok rito kasama siya.

Habang naglilibot-libot kami nakita ko naman 'yong mga so called friends ko na naglakad-lakad papalibot ng mall.

Nakatingin lang ako sa gawi nito, dahil hindi ko rin naman alam kung saan ang punta ng mga ito. Sinulyapan ko na lamang si Sky na seryoso lang na nakatayo sa tabi ko.

Hindi ko pa rin tinanggal ang aking matagalang titig sa mga so called friends ko at napailing na lamang sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa kanila.

Inalis ko ang aking tingin doon sa kanila at hinila si Sky.

Phew! Nandito rin pala sila...

"Hey! Faris!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko, napansin ko na lumingon rin dito si Sky kaya bahagya akong palunok.

Hay, 'yong mga so called friends ko lang pala na mahilig sa libre.

"Hi Faris" deretsong saad ni Voree na naglalakad papalapit sa gawi namin. Pilit naman akong ngumiti rito at kaagad na hinila si Sky para magpatuloy na kami sa aming aglalakad.

"Faris, where are you going?" Habol na tanong ni Jammi at hindi ko na rin napansin na nakasunod pala ang mga ito sa amin.

Duh, akala ko ba hindi na tayo friends? That's not a problem, anyway. Hindi ko rin naman talaga kayo kaibigan.

"Where going to a place where we can buy some clothes and everything?" nakangiting sagot ko rito.

Napansin ko naman na napasulyap sila kay Skyler. Napalingon rin ako rito, nakatingin lang si Skyler sa akin kaya naman I blink my eyes. Kanina pa ako pakurap-kurap habang nakatingin lang sa kanila.

"Oh, who's this handsome guy beside you?" Tanong ni Jammi habang nakangisi ng malawak kay Sky, I tsked at tumingin kay Voree na ngayo'y nagpapacute sa harapan ni Sky. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis habang nakatingin lang rito.

Psh, ano nanaman kaya ang kailangan ng mga ito?...

"Boyfriend mo?" Nakangiting tanong ni Voree. Nasamid naman ako kaya mabilis naman akong napatakip sa aking bibig nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

Tangina! Wala akong boyfriend...

"Are you okay?" May bahid na pag-aalala ang boses ni Sky at binunot mula sa kanyang pack bag ang tubig. Mabilis ko itong ininom at binalik rin sa kanyang bag.

Hindi ko alam kung tunay ba talaga ang pag-aalala nito o hindi, dahil nandito rin naman 'yong mga so called friends ko.

"He's Skyler my... My bod---"

"Her boyfriend" sabat ni Sky rito dahilan nang manlaki ang aking mga mata habang nakatingin rito. Nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko nang sumenyas ito sa akin.

"Y-yeah, that's right.. he's my boyfriend. M-my one and only boyfriend. An avid fan of Taekwondo" nag aalinlangan na sagot ko rito habang hindi mapigilang mapasulyap sa gawi ni Sky.

Kunwari ko namang pinulupot ang mga kamay ko sa braso nito sabay ngiti ng peke. Palihim ko lang itong kinurot at sinamaan ito ng tingin.

Wala lang itong reaksyon sa mukha nito at kalma lang na kunwari ay totoo kaming magkarelasyon.

Tss, kala mo naman totoo. Acting lang rin naman...

"Ang gwapo naman ng boyfriend mo. Bagay kayo" kinikilig na comento ni Voree habang dikit ng dikit ang dalawang mga mata kay Sky. Kulang na lang ay aakitin na nito si Sky.

Psh...

"Sana siya na lang 'yong boyfriend ko" bigla naman lamang akong nainis sa sinabi.

"Yeah, gwapo nga. Ang bait nga rin eh, diba babe?" Tanong ko rito at pinanlakihan siya ng mga mata.

Palihim kong kinurot 'yong braso nito, hindi man lang ito gumalaw at seryoso lang ang mukha.

Bakit ba ang seryoso ng gong-gong na 'to?...

"Yeah, hmm. So we'll keep going now. We'll see you, then" anito kaya mabilis kaming naglakad naman papalayo sa kanila. Nakahinga rin ako ng maluwag at unti-unting humiwalay mula sa pagakapit ko sa braso nito.

Unti-unti na ring nawala ang imahe nito sa aking paningin, hanggang sa tuluyan na talaga itong naglaho.

Tumikhim ako."Ano 'yon?!" Inis na tanong ko rito at ilang beses pang napakurap, hindi ko kaya itong titigan. Hindi ko rin alam kung bakit.

"I know you have a conflict with your friends, kaya ginawa ko na lang 'yon. You must be thankful" anito kaya napahawak ako sa aking ulo at bumuntong-hininga na lamang.

"You don't have to do that"

"But I did"

"Aish, nevermind. Let's go" hinila ko ito papunta sa isang boutique. Kumuha ako ng iilang mga damit at binayaran ito.

"Pumili ka na rin" utos ko rito.

"Faris! Sky! Nandito rin pala kayo?" Lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Bumuntong-hininga na lamang ako nang makita ko nanaman ang mga pagmumukha nila.

Tangina naman oh, hanggang dito ba naman?...

"Yes" nakangiting sagot ko sabay dikit kay Sky.

"Faris, alam mo? Ang gwapo talaga ng boyfriend mo. Pang boyfriend material. Hindi ko talag maiwas-iwas ang titig ko sa kanya" saad ni Voree at lumapit kay Sky. Napatitig naman ako rito at bahagyang napalunok.

I feel some rising anger kaya tumalikod muna ako at tumikhim.

Magsilayas na nga kayo, mga hangal...

"Hehehe, hmm" napipilitan kong tugon at hinawakan ang braso ni Sky.

"Let's go, baby" pagsalba ni Sky sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Bigla naman lumakas yong kabog ng aking dibdib nanng maramdaman ko ang kamay nito na nakahawak rin sa aking kamay.

What the heck!...

Ano bang nangyari sa akin? Ang sarap lang naman pakinggan sa tenga 'yong baby niya eh. Parang kinukuryente rin ako sa bawat daplis ng balat nito sa akin.

I'm being honest. He has a big impact...

Tiningnan ko lang si Sky at hinayaan ang sariling magpahila rito papunta sa medyo malayong lugar na parte ng mall na 'to.

"Don't take it seriously, it's just an act. An act will always be an act" anito ng makarating kami sa gilid ng escalator.

Lumunik ako at kumurap muna. "Y-yeah, I know" nauutal kong sagot rito.

"I also have a girlfriend" mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon rito nang sabihin niya ang mga salitang iyon na nagpatigil sa akin.

My mind wasn't responding. Parang walang salita na pumapasok sa isipan ko and I stay as an statue for a while.

"M-may girlfriend ka na?" Nauutal na tanong ko.

Napalunok naman ako ng tumingin sa mukha nito at may biglang kung ano naman akong nararamdaman dito.

"Yes and I love her"

Bakit parang ang sobrang sakit ng sinabi niya sa 'kin. Parang nararamdaman ko na lang na tinatagusan ang puso ko. Bakit parang ang lakas ng sampal ng sinabi niya sa 'kin?

Please, cleansed my mind...

"Ahmm.. yeah, mahal mo naman talaga siya, g-girlfriend mo eh. Hindi mo naman siya magiging jowa kung hindi mo ito mahal. Haha" saad ko rito at pekeng tumawa.

Napipilitan naman akong ngumiti rito at bumuntong-hininga tsaka siya nginitian ulit ng malawak.

"Yeah, I won't leave her. Not if I die" tinunguan ko lang ito.

Ang OA masyado. Patayin ko kaya 'to, tingnan natin kung hindi niya kayang iiwan 'yang girlfriend na 'yan...

"You really love her?"

"So much" ngumiti lang ako at tumingin sa malayo.

"Tara, uwi na tayo" ani ko at kaagad na naglakad papalayo sa kanya.

"Wait, hinid ka na ba bibili?" Paghahabol nito sa akin.

"Hindi na, roaming around is enough" sagot ko rito at kaagad na nagpatuloy sa paglalakad.

Nauna na akong sumakay sa kanyang sasakyan, kaya naman kaagad rin itong sumunod sa akin papasok sa loob ng sasakyan.

"Sure ka?"

"Hmm, tara na. Inaantok na ako" kaagad na sagot ko rito at tumingin na lamang sa bintana.

Habang nagmamaneho siya hindi ko ito pinansin at hinayaan na lamang itong magmaneho hanggang sa dumating kami sa bahay nito. Nauna na akong pumasok sa kwarto ko at kaagad na pumasok sa loob ng CR.

Ihing-ihi na talaga ako kaya ako nagmamadali papunta rito.

Hinyaan ko na lang rin na samahan si Sky ng aming mga kasambahay patungo sa guest room na tutulugan nito.

Paglabas ko sa CR kaagad rin akong nagbihis at lumundag ng pasalampak sa aking higaan

"Yeah, I won't leave her. Not if I die"

Pfft, Natatawa lang talaga ko sa sinabi nito.

Hay, such a lucky girl. Ang swerte ng babaeng 'yon. Ano kaya ang pangalan ng girlfriend niya?

Sasabihin ko talaga sa girlfriend nito na hiwalayan siya ang sama ang ugli, Tse!