Chereads / Danger Brought Us Together / Chapter 8 - Chapter 6

Chapter 8 - Chapter 6

Faris'POV

Naglalakad ako sa buong palibot ng bahay nang makita ko ang pigura ng dalawang taong nag-uusap. Masasabi kong si Daddy iyong isa at iyong kaharap naman nito ay si----

"Sky?" Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa kanila mula sa likod ng malaking cabinet.

Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad papunta sa sofa at umupo roon. Kinuha ko muna iyong remote and I turned on the TV. Napansin ko na sabay na tumingin si Daddy sa akin pati na rin si Sky, pero hindi ako gumalaw at tinuon ang paningin sa palabas habang tinuon ang tenga sa pinaguusapan ng mga ito.

"Aalis tayo ngayon" saad ng aking ama pero hindi ako sumagot, dahil hindi ko rin alam kung sino ang tinatanong nito. "Hija, are you listening?" Dumako naman ang tingin ko sa kanila nang sabihin ni Daddy iyon. Ngayon ay nalaman ko nang sa akin pala nagtatanong si Daddy, ang akala ko kanina ay kay Sky ito nagtatanong, hindi man lang kasi ito tumukoy ng pangalan.

"Now?" Tumango ang aking ama mula sa pagtatanong ko rito. Napangiti naman ako sa aking isipan dahil hindi magaganap ang training sa araw na ito. Hindi ko na lang napansin na nakangiti na pala ako.

"But, you'll have your training this afternoon" mabilis na naglaho ang malawak na ngiti mula sa aking labi at nawala rin ang emosyon ko pagkabitaw ng mga salitang iyon.

Tangina naman oh, akala ko ba makakatakas na ako sa pisteng taekwondo na yan! Kainis...

"Okay" kalmang saad ko at sinulyapan si Sky.

Psh, ano ba naman ang gagawin ko...

"That's good, my dear"

"Go change your clothes" padabog lang akong tumayo't tumakbo papasok ng aking silid at pumili ng damit na masusuot.

Kinuha ko iyong fuchsia pink dress at kaagad rin akong bumaba nang walang hirap na masuot ito, nakita ko naman ang aking ama na seryoso na naglalakad papalapit sa pintuan kaya sumunod ako rito.

Napansin ko na sumunod sa amin si Sky kaya patuloy lang ang aming paglalakad. Binuksan ni Mang Isko iyong naturang pintuan ng sasakyan at pinaoasok kami rito. Akmang isasara ko na sana 'yong pintuan nang biglang pumasok si Sky na hidni man lang nagsasalita.

Kasama rin siya? Pati ba naman sa gala ng mag-ama magkasama pa rin kami? Wow, hanep ah...

"Dad, he's going with us?" Tanong ko kay Daddy sabay tingin kay Sky na nakaupo lang sa tabi ko na walang bahid na emosyon ang mukha.

"Yes, hija. We'll bring him with us. Kung nasaan ka ay gano'n rin si Sky, pwera na lang sa pagtulog at sa pagpunta mo ng banyo"

"We can go without him" saad ko at nagiwan ng tingin kay Sky, he was just facing in front ni hindi man lang gumalaw.

Alam kong masakit 'yong salitang nabitawan ko, pero wala na akong magagawa pa, lumabas na ito mula sa bibig ko at alangan naman na babawiin ko pa iyon.

"You need him. We need him, he's an expert. Our protector, your knight, your armour and your shield"

Wow, I never said I need an ARMOUR, KNIGHT, and PROTECTOR. Hindi nga iyon lumabas mula sa bibig ko eh...

"No I don't"

"You need him. Silence!" Ani ng aking ama kaya tumahimik na lamang ako habang lumulutang ang aking isipan.

Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit ko sa kanya, seguro dahil napaka strikto nito at napaka prangka nito kung magsalita kaya mabilis ka lang talaga maiinis. Mukhang mabait naman ito, pero walang tiwalang kumakapit sa kanya. Hindi kumakapit iyong tiwala ko sa kanya... Maybe not now, maybe soon... Or... Or never.

Habang nasa biyahe kami panay siklap lang ako sa tagiliran ko kung saan ito nakaupo. Alam kong napapansin niya ako, but he was acting like he didn't notice me glancing at him. Napabuntong-hininga na lamang ako at tinuon ang pansin sa harap.

"Where are we going ba, dad?" Tanong ko rito, pero bigla namang huminto ang sasakyan sa isang sementeryo. Nagtataka akong tumingin sa labas ng bintana habang nakaupo pa rin dito sa loob.

What are we going to do here?...

"Tara na" anito. Our driver opened the compartment of the car at may kinuha silang dalawang bugkos bulaklak mula roon. Ngayon ko lang naaalala na death anniversary pala ngayon ng Mommy ko. She died eleven years ago. I can still remember that day, it's March 21st and it's a cold month.

Hindi ako makapaniwala na nakalimutan ko 'yong death anniversary ng Mommy ko. Halos pagdating ng Anibersaryo ng pagkamatay ng ina ko, ako na mismo ang mangungulit sa aking ama na pumunta rito sa sementeryo.

"You forgot your mother's death anniversary? How come?" saad ni Daddy at naunang maglakad papasok sa loob ng gate ng private cemetery. Tahimik pang akong naglalakad habang nakasunod rito.

Wala akong ibang iniisip kung hindi ay ang pagkamatay ng aking ina. She's one of the precious woman I've ever known in my entire life.

I miss her...

I glanced at my side where Skyler was right now, nakatingin lang ito sa dinadaanan niya habang tahimik na tahimik lang. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Sumunod lang ako kay Daddy hanggang sa dumating kami sa puntod ng ina ko.

Linapag ni Daddy 'yong dala-dala nilang mga bulaklak at umupo sa upuan na nasa gilid rito.

Narinig kong bumuntong-hininga ito kaya nakuha niya 'yong pansin ko. I know he miss my Mom, kita ko ang lungkot sa mga mata nito, masasabi mong masyado na itong nangungulila sa prisensya ng aking ina. Pati nga rin naman ako... nangungulila rin ako sa aking ina, ngunit iniisip ko na nasa mabuting kalagayan na ito.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na kayakap ang aking ama, hindi ko napansin na lumapit pala ako rito kanina. Nakangiti na lamag ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Wag ka nang malungkot, dad. I know you miss her" hindi ko matago-tago ang bahid na lungkot ng aking boses ngunit pinipilit kong maging normal ito.

"I'm not" sagot nito. "Hijo, I want you to meet, Elena. My wife and the mother of my daughter" napalingon ako kay Sky at tiningnan ito kung ano ang magiging reaksyon nito. Nakangiti lang ito sa puntod ni Mommy, kaya bigla na lang kumunot ang noo ko.

Why is he smiling at the grave?...

"I bet she's beautiful" saad nito at tumingin sa akin. Kaagad akong nagiwas at tumingin sa puntod ni Mommy.

"Very beautiful" sabat ni Daddy at tumahimik. Wala umimik sa amin habang nakatingin sa puntod ni Mommy at hinintay na maubos 'yong kandila.

The atmosphere is starting to be awkward, dahil sa katahimikan ng paligid kaya tumikhim ako. Walang namang nangyari kaya ginaya ko na lamang sila na nanatiling tahimik.

Pagkatapos naming pumunta sa sementeryo dumiretso kami sa isang mamahaling resto kung saan ang lugar na dini-date ni Daddy ang ina ko. Maraming tao rito kaya nag-ingay ang mga ito ng pumasok kami. Derediretso lang ang paglalakad ko hanggang sa dumating kami sa mga bakanteng upuan malapit sa pintuan.

Lumapit sa amin 'yong isang waiter at kinuha 'yong order namin. Pumili ako ng isang vegetable salad at bottled water.

Mga ilang minuto ring paghihintay ay dumating iyong order kaya napatingin ako rito.

"Aren't you eating?" Tanong ng aking ama sa 'kin kaya umiling naman ako at pinagkrus 'yong mga braso ko sa dib-dib. "Why, hija? Is there a problem with the food? We can change it if you want" ani nito kaya kalma akong tumango rito..

"It really has a problem" Sagot ko at tinulak papalayo mula sa akin 'yong pagkain. Narinig kong tumikhim ang katabi kaya palihim ko itong sinulyapan.

"What?" Tanong ni dad.

"Wrong recipe" kalamang saad ko at umayos mula sa aking pagkakaupo.

"Kainin mo na lang. It's already served"

"No, I can't... I'am allergy to seafoods. Kung kakainin ko 'yan, you want me to die, dad?" Reklamo ko rito at tinago 'yong ilang hibla ng buhok ko na sa likod ng aking tenga.

"Hija, matagal pa ang pagluluto. Kainin mo kung anong meron diyan sa hapag, wag ka nang mapili. Wala ka namang allergies sa hipon... May allergy ka sa isda... Hipon lang 'yan kaya kainin mo na" anito kaya bumuntong-hininga ako. May allergy ako sa isda... Iba nga 'tong hipon, pero hindi ako mahilig ng mga hipon.

"Dad---" sumuko na ito bago pa man ako makasagot ng buo rito.

"Napakamapili mong bata ka, hay" saad nito at tinawag iyong waiter para palitan ang naging order ko.

"Duh, whatever. Just change it" saad ko rito at tinapon 'yong table napkin sa mesa.

"Tsk" rinig ko mula sa bibig ni Sky. Napairap na lamang ako sa hangin. Kung tutuosin naman, ako lang naman rin 'yong iniisip ni Sky. Iyong pagiging mapili ko sa pagkain at sa ibang mga bagay. Wala namang nagbago.

Mukhang pinapatay na ako nito mula sa kanyang isipan.

"Nandito na po 'ykng order niyo, Ma'am, Sir" singit nong waiter na kakarating lang at linapag sa harapan ko yong vegetable salad.

"Can I have, uhmm... Another table napkin? The luxurious one. Iyong maputi pa at walang dumi o kahit na mantsa man lang" saad ko sa doon sa waiter. Kumunot naman 'yong noo nito habang nakatingin sa akin na may bahid ng pagkalito ang mukha.

"Meron naman pong table napkin diyan, Ms. Pérez" ankto sabay turo sa table napkin na nakalagay sa mesa.

"I know, I'm not blind. My skin is very sensitive and I want Rough Linen's clothes" nakangiting saad ko rito, dahilan ng mainsulto ang mukha nito.

"Wa---"

"Then find" utos ko at nagsimulang tinidorin 'yong salad at sinubo ito.

"Pero ma'am---"

"Dad" tawag ko kay Daddy.

"Go, hijo. Find it, I'm sorry for my daughter's behavior. Panensya na talaga sa kanya, ako na ang hihingi ng tawad sa 'yo" mahinang pagpapaumanhin ng aking ama rito, kaya tumango naman 'yong waiter at kaagad na umalis sa harapan namin.

Bumuntong-hininga ako at tahimik lang sa aking kinauupuan habang kumakain at tanging pinapakinggan ang ingay ng paligid, hanggang sa maubus ko ang laman ng pinggan ko.

I groaned at sabay tingin sa aking ama. "Dad, shopping tayo mamaya" saad ko rito.

"Sure, hija" sagot nito at tinapos ang kanyang pagkain.

"M-Ma'am, nandito na p-po" hinihingal na saad nito habang dala-dala 'yong table napkin na pinapakuha ko. Kinuha ko ito mula sa kamay nito sabay pahid sa aking bibig at binalik ito sa kanya.

"Throw it" utos ko at kaagad na tumayo. Sumunod naman ang ama ko sa akin pati na rin sina Sky kaya napagisipan ko munang huminto at hinatayin ang mga ito.

"Dad, dadmihan ko po ah"nakangiting bulong ko sa aking ama sabay kapit sa braso nito.

"Sige"

Sumakay kami ng sasakyan at pumunta sa pinakamalapit na mall upang bumili ng mga damit at sapatos. Pagkarating namin sa mall, kaagad kong hinila ang aking ama patungo sa gawi ng isang boutique.

"Dad, I want this" saad ko at tinuro 'yong kulay itim na damit sabay bunot nito.

"Sige, kumuha ka na" sagot nito. Agad akong pumili ng ibang mga bagay. Marami-rami na rin iyong pinili ko kahit na hindi sukat sa aking taste iyong mga kulay pero kinuha ko pa rin ito .

"Ito po, dad" nakangiting saad ko rito.

"Hindi kaya medyo marami-rami lang 'yan, hija? Bawasan mo muna ng kaunti at pumili ka ng sukat na sukat sa 'yo" umiling ako rito at sabay simangot. Ayaw ko na bawasan iyong mga damit, gusto ko makakita ng iba't-ibang damit sa walk-in closet ko kahit na paulit-ulit lang 'yong ibang mga kulay.

"Papá, por pabor"

"Bawasan mo muna ng dalawa"

"Dad, gano'n lang rin naman po ang kinalalabasan nito. Marami pa rin kahit na bawasan mo ito" nasisiguro kong sagot rito.

"Okay, let's pay it" pagsuko nito at linahad sa akin ang iba't-ibang klase ng credit card. Bumunot ako ng isa roon at binalik 'yong iba kay Daddy.

"Okay, thank you, dad" sigaw ko na parang bata. Minsa'y naging isip bata ako at minsan rin nama'y isip matanda. Nakadipende lang 'yong utak ko sa aking magiging reaksyon.

"Ikaw, hijo. May gusto ka bang bilhin, baka gusto mo ng damit?" Sumulyap ako kay Sky na ngayo'y umiling-iling sa harap ng aking ama.

"Wala naman po, tito" anito sabay iling pa rin.

"Sige na, bumili ka na doon sa men's wear na malapit rito. Wag ka nang mag-aalala sa bayad. Ako na ang bahala doon. Ang importante, makakapili ka ng gusto mo. Bueno?" Nahihirapan pa ito sa kanyang isasagot pero sa huli nama'y umiling pa rin ito.

"No, wag na po. Marami pa naman po akong damit sa bahay"

"Sige na, hijo. Bahala ka, magtatampo ako sayo"

Narinig ko namang bumuntong-hininga ito at sumuko sa pagiging makulit ng aking ama. Sumulyap ako rito at tinunguan siya.

"Sige po" ani nito at pumabas ng boutique kasama ang aking ama.

Pagkabalik na pagkabalik nila, may dala na itong bag na naglalaman ng maraming damit habang masayang nag-uusap at may halakhakan pa.

"Bayaran na natin 'yang na pili mo, hija" Unang saad ng aking ama ng masalubong nila ako.

"Let's go" saad ko at lumapit sa counter kasama si Sky. Umalis naman si Daddy at nagpaalam sa amin na may kakausapin lang ito saglit na hindi raw aabot ng ilang minuto.

Nakita ko namang nagpapacute 'yong dalawang babae sa taong kasama ko, kaya nangunot ang noo ko habang pasulyap-suklyap sa kanila.

Lumingon ako sa tabi ko at tiningnan ang reaksyon ni Sky, ngunit seryoso lang ang mukha nito at parang walang bahdi na emosyon pa iyo.

Mukhang hindi ako napansin ng dalawang cashier kaya pilit akong tumikhim rito upang makuha ang atensyon ng dalawa.

I glanced at the cashiers pero todo pa cute pa rin 'yong dalawa kahit na hindi ito pinapansin ng aking kasama.

"Hey, matanong ko lang kayo" saad ko sa dalawa at kinalma ang sarili kahit na napipikon na ako rito kakatitig nila kay Sky.

Sabunutan ko kaya 'tong dalawang hipon na 'to?

"Yes, po?" Tanong nito habang nadoon kay Sky pa rin ang mga tingin.

Nakaramdam ako ng inis kaya mabilis kong hinampas ng malakas 'yong counter, dahilan ng mapatili at magulat 'yong dalawa na mapatingin sa akin.

"Miss, can you focus on your job? Flirting is not your job, right? Hindi naman to bar. May tao rito oh, wag niyong tignan 'yong kasama ko. Ako 'yong aasikasohin niyo. Nakakainis kayo eh. Kung hindi niyo kayang gampanan 'yang mga trabaho niyo, mas mabuti pang magsilayas na lang kayo sa harapan ko" inis kong saad sa kanila habang nandidilim ang paningin na tinitigan ang dalawa.

Napansin ko na nakatingin sa akin si Sky kaya tumingin rin ako rito at tinaasan siya ng kilay. Akala niya naman seguro nasisiyahan ako sa pinagagawa ng dalawa. Mas lalo lang nila akong ginalit ngayon

Nahihiyang umayos 'yong dalawang cashier at kinuha 'yong mga damit mula sa mesang nilalagyan ko.

Walang emosyon kong linahad sa kanila 'yong credit card at mabilis naman nila itong binalik ito sa akin, habang walang imikan.

Napairap ako nang marinig ko ang bulungan ng dalawa at kunwari ay busy sa kanilang ginagawa na paglalagay ng aking mga damit sa shopping bag.

"Ang sama ng ugali. Ugali ng mga punyetang satanas, akala niya naman ikakaganda niya na iyon"

"Inggit lang siya. Bwesit nga eh, akala mo naman kung sinong mayaman. Madami lang naman siyang pera, baka kung saan niya pa ito nakuha, ang pangit! Pweh, Pangit ng ugali... Kasinga panget ng mukha niya"

Tumikhim ako. "Done gossiping? Tapusin niyo muna 'yong trabaho niyo, ng walang sagabal sa pagiging chismosa ninyo. Baka gusto niyo pang tulungan ko kayo?" Walang pagdadalwang-isip na sinabi ko ang mga salitang iyon na may halong inis ang boses.

Kung nabubwesit ang mga ito, mas lalong nabubwesit ako sa pagiging chismosa ng nila.

"Let's go" ani ko kay Daddy.

"Done?"

"Yes, dad" sagot ko rito at umakto na walang nagyari. Hindi naman ito nahalata ni Daddy at nagpatuloy lang sa aming paglalakad.

Mabilis naman kaming lumabas ng mall at pinasok ng driver sa compartment ng sasakyan 'yong lahat naming pinamili. Kaagad akong pumasok sa loob ng naturing sasakyan at tumabi kay Sky.

"Bakit ka nagagalit kanina?" Rinig kong tanong ni Sky mula sa tabi ko. Hindi ko ito sinagot at hindi rin sinukyapan.

Wala ako sa isip na sagutin ang tanong nito lalo pa't malalim ang iniisip ko na kailangan pang sisidin upang malaman ito.

Paiba-iba ang naging emosyon ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Parang ang saya ko na may halong inis na may halong galit.

"Pérez"

Bumuntong-hininga ako. "Totoo lang naman 'yong sinabi ko ah. Tapos linalait pa nila ako, tama ba 'yon?" Sagot ko rito at kaagad na umirap.

Ang bilis ko lang talaga magalit, diba? Aish...

"Oo nga, but learn to control your temper. Paano na lang kung lumaki pa 'yong gulo? Alam ko namang hindi mo sila tatantanan if you're not yet satisfied"

"Alangan naman hahayaan mo na lang 'yong dalawang cashier na titigan ka? Baliw ka na ba o baliw ka talaga?" Natahimik naman ako matapos ko iyong sabihin. Parang hindi ko narinig 'yong sinabi ko. Parang iba 'yong pagkakaintindi ko doon sa sinabi ko. Ako mismo nalilito na rin.

Baliw!...

"What?"

"Tss, nevermind" sagot ko at kaagad na tiningnan yong bintana.

Aish, bakit ba 'yon ang sinabi ko. Napaka tanga ko talaga...

Pagkarating namin sa mansion kaagad kaming naghapunan at bumalik rin ako sa pagsakay ng sasakyan, but this time hindi na sa sasakyan namin kung hindi ay 'yong sasakyan ni Sky.

"I'll teach you some hand techniques" anito habang nasa daan ang kanyang tingin.

"Hmm" tanging sagot ko at humarap sa binatana.

Nakarating kami sa training hall na walang imikan at wala ring sulyapan, nakailang beses na ako ng tikhim at sumasakit an rin 'yong lalamunan ko kakatikhim ko kaya lumunok ako at bumuntong-hininga.

Kaagad kaming nagsimula at walang paligoy-ligoy na tinuro sa akin 'yong mga hand techniques na alam nito bilang maestro.

Sa buong araw na ito, wala namang masyadong nangyari 'yon na nga lang 'yong nangyari kaninang umaga.

Malapit na rin kaming matapos sa training kaya pinahiran ko na 'yong tumutulong pawis ko na nagmula sa aking noo.

"You're good, gumagaling ka na and also, learn to control your emotions. It can be a distraction. Don't let your emotions control you, you controls your emotions. Kanina habang nagtetrain tayo, kapag natalo ka magagalit ka. That is one of the disqualification, kung sakali ma'y sasali ka talaga sa isang Taekwondo contest" seryosong anito habang nagpapahid ng kanyang pawis at hinila 'yong back pack.

"Hindi ako interesado na sumali sa kung ano man 'yang tungkol sa Taekwondo" saad ko rito at nauna nang lumabas ng training hall, sumunod naman ito sa akin at sumakay kami ng sasakyan.

"Bakit mo pala sinabi 'yon sa dalawang cashier?"

"Talaga lang ha? Hindi niya ba talaga nakakalimutan yong sinabi ko kaninang umaga? Hindi man lang ba ito mawala-wala sa kanyang isipan?...

"Dude, try to move on. Gano'n pa rin naman 'yong sagot ko, duh" anito sabay halakhak at ginulo ang maayos kong buhok.

Ito 'yong unang pagkakataon na nakita ko itong tumawa, as in sa harapan ko talaga. Mas lalo pang sumingkit 'yong mga mata nito at mas lalo rin itong gumagwapo.

May lahing mestizo si kuyang Sky ah?...

Gwapo na man talaga ito kappag seryoso 'yong mukha, but I prefer him smiling or laughing.

"Stop staring" saad nito at bumalik sa pagkaseryoso 'yong boses niya, habang pinaandar 'yong sasakyan.

"T-tara na" nuutal kong yaya, kahit na malakas ang kutob ng aking dibdib ngayon.

Napansin kong palagi itong sumusulyap sa akin kahit na nagmamaneho ito. Hindi ko napigilan ang aking sarili na tumingin rito.

"Need anything, Mr. Baldassare?" Umiling ito at lumunok. Napansin ko na napahigpit ang hawak nito sa manibela kaya tinitigan ko 'yong kamay niya.

Parang hindi ito mapakali sa kinauupuan nito habang nagmamaneho at biglaan na lamang nitong binilisan ang pagmamaneho kaya mabilis kaming dumating sa aming tahanan.

Pagdating ko sa mansion hindi pa rin ito mapakali kaya hindi muna ako mumaba ng sasakyan at tiningnan siya. Tinaasan ko ito ng kilay, ngunit parang wala itong naiintindihan kaya bumaba na lamang ako rito at padabog na sinara ang pintuan.

"Sige alis na ako" anito.

"Hindi ka na ba papasok?" Kunyari ay nakangiting tanong ko rito.

Tsk! Ano bang pake ko kung hindi siya papasok? Duh...

"No, may gagawin pa ako. I'm busy. Kailangan ko pang puntahan ang aking mga kaibigan" anito at kaagad na pinaandar ang sasakyan.

Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok sa loob ng aming mansion at dumeretso sa aking silid.

What a tiring day...