Faris' POV
Nagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa akin. Binuka ko 'yong mga mata ko at laking gulat ko na lang na meron ngang nakatingin sa akin.
"Why the hell are you here?!" Malakas na sigaw ko rito and I directly covered my body with the blanket. Seryoso itong nakaupo sa upuan habang nakatingin sa akin.
"Didn't I tell you to set an alarm clock? Ten pushups"
What?!
Natigilan na lamang ako ng sabihin niya iyong ten pushups. Hindi ako sanay sa mga pushups kaya natatangi ko na sasakit ang buong katawan ko. Hindi pa man kami nagsisimula, pero alam ko na rin na mangyayari iyon.
"Tss, lumabas ka nga!" Inis na utos ko rito at kaagad na tumayo.
"Faster!" May otoridad ang boses nito.
Lumabas ako ng silid ko ng matapos kong gawin ang mga sermon ko sa umaga.
Nakita ko naman ito na nakasandal lang sa kotse niya habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay. Hindi ko lama kung kotse niya ba iyon o hindi, pero base sa nakikita ko, pagaari niya iyon.
Napatitig ako sa buong katawan nito. Sumobra ata iyong pagkagwapo niya na hindi ko man lang maalis ang mga mata ko rito.
"Let's go" saad nito at tumalikod sa akin.
"Where?"
"Stop asking, just ride" anito at nauna nang sumakay ng sasakyan. Ako na lang ang naiwan rito sa labas, napalingon ako sa buong paligid at bagsak balikat na naglakad papasok ng kaniyang sasakyan.
Tahimik lang kami habang bumabyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinitingnan halos lahat ng madadaanan namin. Nililibang ko muna ang aking sarili habang nakatingin sa bintana.
Tumingin ako kay Sky na nagmamaneho.
Ang gwapo niya...
Napansin ko na sumulyap ito sa akin kaya mabilis pa sa alas kwatro akong nagpaiwas ng tingin.
"What?" Tanong nito, umiling lang ako't tumingin sa aking harapan. Napasulyap ako ulit sa gawi nito.
Aish, bakit ba ako pasulyap-sulyap sa lalaking ito?...
Huminto ang sasakyan sa isang lugar na may malawak na field at malapit naman sa field ang mukhang isang hall. Masasabi kong ito iyong sinadabi nila na training hall.
Naglakad kami papasok nito. Nakita ko naman na wapang katao-tao ang loob ng training hall na 'to at tanging kami lang ang mga tao rito.
"Okay, since this is your first time, we will take this easily and slowly. But don't forget your ten pushups" seryosong ani nito habang nagbibihis ng damit. Kagad akong tumango rito kahit na labag sa loob ko iyong sampong pushups nito. "Okay, that's good"
"Hmm" tanging sagot ko at linibot ang paningin sa buong training hall.
"Okay, let's do the stretching. After that, do your pushups" ani nito and he demonstrated every part of his stretching techniques.
Ginaya ko naman 'yong mga galawan nito hkahit na nagmumukha akong timang rito sa likod niya.
Nakakapagof, stretching lang iyon, pero parang bumibigat ang pakiramdam ko...
"Okay, since we're done stretching. Ten laps around at the training field. Let's go outside"
Tangina! Ten?!
Ang lawak-lawak ng training field, pero sampong ikot? Mas gugustohin ko pa iyong pushups kung ganito lang naman pala ang mangyayari.
"I thought we would take this easily and slowly?" Takang tanong ko rito habang naglalakad kami papunta sa labas papunta sa training field.
"It's easy" anito at nagsimula nang tumakbo.
What is this? What is happening? Hidni ko na lang sana tinanggap iyong sinabi ng ama ko. Ganito lang pala ang mangyayari sa akin.
Napipilitan akong sumunod rito, pero masyado naman siyang mabilis kaya binilisan ko rin 'yong takbo ko para masabayan siya. Isang ikot ko pa lang, tinatamad na ako't nauuhaw na tin.
Nakakatamad, nakakapagod, ayaw ko na!...
"Run" saad nito kaya binilisan ko na iyong takbo ko.
"Bakit ba kailangan pa ng ten rounds?! Pwede naman two or three ah?" Pagrereklamo ko pero hindi niya naman ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Parang takbong kabayo ang ginawa nito, dahil sa bilis niya.
Sumasakit na iyong tiyan ko kakatakbo at hiningal na rin ako.
My gosh, my dearest nightmare...
"Wag puro reklamo" anito kaya tumakbo ako ulit. Ikatlong ikot ko pa lang ito, pero gusto na ng katawan ko ang magpahinga.
"Can I rest? Maybe I should rest" ani ko habang paekis-ekis na naglalakad.
"You are weak. You need to exercise more. Masyado kang mahina" saad nito at tumigil sa pagtakbo.
"Hindi ako sanay sa mga ganito. Hindi ko ito nasusubukan. Nagyon pa lang"
"Because you're lazy"
"Who are you para sabihan ako ng ganyang salita?"
"Your master" sagot naman nito and he continued running. I grit my teeth at sumunod sa kanya sa pagtakbo.
I have four laps left at siya naman dalawa na lang at matatapos na siya. Ang bilis niya tumakbo at ang hirap pa nito sabayan. Parang hindi rin ito napagod kakatakbo, he didn't even drink his water.
Habang tumatakbo ako sumasakit na 'yong tiyan ko, parang mauubusan na ako ng hangin kakatakbo kaya huminto muna ako total kaunti na lang 'yong iikotin ko't matatapos na ako. Kaunting tiis na lang .
"Faster!" Sigaw ng kung saan.
Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na iyon. Nakita ko ito na umiinom ng tubig habang nakatayo na nakatingin sa akin.
Tapos na siya?...
"You're done?" Gulat na tanong ko rito pero kinunutan niya lang ako ng noo at binaba ang water bottle nito.
"We're here to train, not to talk" sagot nito bago ibalik iyong tubig niya sa bag nito.
Nagpatuloy na lang akong tumakbo kaysa naman makikipag away ako sa kanya.
Tinapos ko yung sampong ikot kaya hinihingal akong tumabi sa kanya na ngayo'y nakatingin lang sa akin.
"A-ang hirap" ani ko at umupo sa sahig. Gusto kong umiyak ng isang timba sa pagod. Hindi ko nararanasan ang ganitong pagod noon.
"Masanay ka na. Pushups" anito.
"Later"
"Now" hindi na ako tumanggi pa at dumapa na lamang sa sahig at ginawa ang sampong push up.
One...
Two...
Three...
Four...
Five...
Six...
Seven...
Eight...
Nine...
Ten...
Pagkatapos ng ika sampo, bumagsak ako buong katawan ko sa lupa habang nakadapa.
"So? How was it? Tiring, huh?" Anito at tinulungang akong tumayo't naglakad papasok sa loob ng training hall.
Pagpasok namin dito linahad naman nito sa akin ang isang damit.
"What's this?"
"Suotin mo"
Tinitigan ko naman ng maigi iyong damit na binigay niya at binaling ang tingin ko sa kanya.
"No, I'm not going to wear this" nandidiring saad ko at tinapon ito sa kanya.
"Why?"
"Nakakadiri kaya, baka iba 'yong nagsuot niyan tapos ibibigay mo lang sa akin. My skin is very sensitive kaya" ani ko rito sabay iling-iling.
"Wag maarte, you're the first person who's gonna wear this" ani niya at pinakita 'yong damit sa akin. Hindi Taekwondo ang nakasulat rito kung hidni ay 'yong pangalan ko. "Pinatahi ito ng ama mo for you"
Si dad?...
Kaagad ko naman itong kinuha at pumunta sa malapit na CR, pumasok ako rito at nagbihis.
Kaagad rin naman akong lumabas pagkatapos kong magbihis, nakit ko naman ito na nakaupo sa loob ng training hall habang nakatingin sa akin na papalapit sa kanya. He's waiting for me at alam ko iyon.
"Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay rito sa 'yo" inip na saad nito na may bahid na pagkainis ang mukha.
"Why do you care?" Mataray kong sagot at kaagad na inirapan siya.
"Because I'm your Master" tumawa naman ako ng napaka sarkastiko at tiningnan siya. Kung gano'n lang naman pala ang isasagot nito. Anong silbe ng pagtatanong ko kung puro walang silbe ang mga sagot nito at pinapamukha pa nito sa akin ang pagiging master niya.
"Wow, funny" may bahid na pagkasarkastiko ng boses ko ng sabihin ko iyon sa harapan niya.
"I'm not joking nor kidding" seryosong saad nito.
"You're pompous"
"Yeah, I know that" naoairap na lamang ako at sumunod rito.
"Tss" tanging sagot ko na lamang at tiningnan 'yong ginagawa niya.
"Before we start, I wanted to introduce to you all the equipments" ani naman nito at pinakita sa akin 'yong mga bagay na nakalapag sa mesa.
"But before that, I wanted to introduce to you the Taekwondo. Do you know what is Taekwondo?"
"Malamang, hiindi, I hate Taekwondo and I don't want to learn taekwondo" kalmang sagot ko rito sabay iwas ng tingin dahilan ng mapaismid ito.
"Tss, Tekwondo is a Korean Martial Art and Olympic Sports. Taekwondo is based on the Korean Martial Art Taekkyeon, Subak, Gwonbeop and also significance Japanese karate and Kung F---"
"Yeah, yeah. Stop talking now" ani ko habang nakatingin lang sa cellphone ko. Hindi ako nakikinig sa bawat ditalye na sinasabi nito. Wala sa interes ko at tungkol sa mga Martial Art o ano pa man iyan.
"Wag bastos"
"Tss, wala ka na don"
"Nagsasalita pa ako"
"Sayang lang iyong laway mo kaka dada mo diyan ni hindi man lang ako nakikinig"
"Then listen, it's not a problem anymore"
"Alam mo, ikaw 'yong unang tao na pinagsalitaan ako ng ganyan. Lahat sila takot sa akin pero why you?" Tanong ko rito at lumapit sa kanya sabay kunot ng noo rito.
"And you're the first spoiled brat I'am teaching" anito kaya inirapan ko siya. "Let's continue. You'll do Taekwondo and Self Defense" hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kaniya. Mukhang hindi nito napansin ang pagkagulat ko kaya nagpatuloy lang ito sa pagsasalita na hidni man kang sumusulyap sa akin.
Masyado ata itong seryoso na hindi nakakapasa sa standard ng mga lalaking pinipili ko.
"In Japanese, our costume often called 'Gi', but in Korean it is called Dobok. I gave you yellow belt, because your just a trainee" anito kaya tiningnan ko naman 'yong belt ko. It's actually yellow pero bakit naman black ang sa kanya?
"I wore black belt because I'am more experienced practitioner so don't be confuse" sagot nito at naman napatango ako. "And let's proceed to the equipment's" aniya at pinalapit ako sa mesa kung saan doon nakalapag lahat ng mga kagamitan.
"This is Head Guard, use for protecting your head"
Yes, that's what I mean. It's like a helmet. Iyan ang tinutukoy ko kanina na hindi ko alam kung ano ang tawag nito.
"Next is Chest(trunk) protector, it is used during sparring" aniya.
"This is Groin guard used it protects fighter groin region" nakatungong saad nito sabay suot nito."Forearm guards, it protects your forearm form bruises, cuts and anything during the fight or sparring"
"This is the Hand protector, it saves your hand from injuries" at sabay taas nong hand protector. Maigi ko itong tiningnan habang nagsasalita. "Shin guards, used to protect the shin and somehow it is used in some sports like soccer, hockey or anything"
"Yeah, alam ko 'an" ani ko rito at kaagad na binaling nag tingin doon sa panghuli.
"This is mouth guard, it helps you cover your teeth and gums" anito.
Nakakadiri naman iyan, baka kung sino-sino na lang ang mga taong sumusuot ng mga iyan...
Nagsasalita lang ako sa isipan ko habang pinandidiriahan tiningnan iyong mouth guard.
"That's all?" Tanong ko at sabay taas ng kilay at iniwas ang tingin sa mouth guard. Pumasok sa isipan ko ang imahe ng sumusuka kaya nawala ang expresyon ng aking mukha at bigla na lamang akong nakaramdam ng pagduduwal. "'yon lang?
"Yup, but you need to learn the different positions" aniya at binalik lahat ng mga equipment sa natatanging lugar ng mga ito.
Pagkatapos ng lahat ng mga sinabi niya tiningnan niya naman ako na parang may gusto pa itong itanong o sasabihin sa akin
"Wanna start?" Tanong nito habang inayos ang mga bagay.
"Hindi ko kontrolado ang isipan mo, Mister. Ikaw dapat ang sasagot niyan, total ikaw rin naman ang taong magtuturo sa akin"
"Ikaw yung tuturuan"
"And you're my master, RIGHT?" Diniinan ko 'yong salitang right para talaga ramdam niya 'yong palagi niyang sinasabi kanina.
"Tss, fine. Get in the center" ani nito kaya sumunod naman ako sa kanya ng maglakad siya papunta sa mat na nasa sahig. Dahan-dahan akong pumwesto sa gitna at hinarap ito.
"Then?" Ani ko.
"You need to be tough, strong and brave. You need to be hard as rock so you won't get easily humiliated" pagpapaliwanag nito at may linagay ito sa kamay niya.
"This is kicking pad. Kick this" utos nito pero hindi ako gumalaw at tiningnan muna ang hawak nito.
"Iyan?" Tanong ko.
"Tss" kaagad ko namang pinatiran iyon. Simple lang naman pero masakit rin sa paa lalo pa kung lalakasan mo ang pagpatid. "Kailangan matigas 'yong mga paa mo" aniya kaya umulit na naman ako, pero natumba ako ng lakadan ko pa ito.
"Lower" ani ko pero hindi niya ito binaba. Hinayaan ko na lamang ito at pilit na inabot ang patid sa mataas na kicking pad.
"Again" aniya kaya pinatiran ko ulit ito. "Again!" Sigaw niya kaya inulit-ulit ko ito ng ilang beses hanggang sa mapagod at magsawa ako kakapatid ng kicking pad. Napaupo naman ako sa sahig habang hinihingal at hinihilot-hilot ang paa ko.
"Last one, again" tinatamad akong tumayo at mahinang inabot ito at bumagsak sa sahig, dahil sa matinding pagod na nararamdaman ko ngayon.
"Bakit ba paulit-ulit?" Inis na tanong ko at kinamot 'yong ulo ko. Habang nakatingin sa paa ko na namumula.
"That's training"
"May training bang gano'n?"
"Stop asking, your not good by just kicking" saad nito kaya matalim ko siyang tiningnan. "Hold this" hinawakan ko naman iyong kicking pad dahil sa utos na rin nito. Tinaas ko iyon para mapatiran niya ito ng maayos. Lalo pa't matangkad ito.
"You need to kick it hard" ani nito at pinatiran ng malakas 'yong kicking pad kay tumilapon ito mula sa kamay ko.
What the hell?!...
Gano'n ka lakas 'yong gusto niyang gawin ko? He's strong. Tama nga naman ang sinabi ng ama ko, malakas ito.
"Gano'n?!"
"Yes, stop shouting"
"Ayaw ko nga"
"You should"
"Sabing ayaw eh" pagmamatigas ko rito at umupo sa mat.
"Faster!"
"You're not my father. Tinatamad na ako okay? Let's just stop this" inis na saad ko at hindi siya tiningnan. Nagsimula na akong tumayo at naglakad papalagpas sa kanya, pero nahawakan nito iyong kamay ko kaya tumigil ako mismo sa harapan niya.
"Kaya mabilis kang mapagod it's because hindi ka sanay, you're spoiled and you don't even know how to cook" aniya kaya naman nanlaki 'yong mga mata ko.
Paano niya nalaman iyon? Tanging pamilya ko lang ang nakakaalam tungkol doon...
"Your father told me that" naunahan niya pa akong sagutin ni hindi pa lang ako nakapagtanong rito. Napatango na lamang ako sa isipan ko kahit na nahihiya na ako.
"A-ao naman ngayon? What's the connection between cooking and taekwondo?" Pilit kong sagot at umiwas ng tingin rito.
"Tss, tumahimik ka and kick this" anito at bumalik sa pagkaseryoso 'yong mukha't boses nito na parang seryoso ito sa trabaho niya.
"No!"
"One!"
"No!"
"Two!"
"Fine!" Sigaw ko at inis na pinatiran 'yong kicking pad.
Nagulat naman ako ng tumilapon ito sa hidni kalayuang parte ng may, dahil sa lakas ng pagpatid ko.
Woah! I did it!...
"That's... that's even better" ani nito at pinagpag ang mga kamay, may sumilay na ngiti sa labi nito kaya napatitig ako sa mukha niya.
Mas bagay rito ang mukhang may ngiti, dahil mas lalo itong gumagwapo kaysa naman sa palagi itong nakaseryoso. Nagyon, masasabi ko na gwapo talaga ito at hindi ako nagbibiro.
Gwapos siya at iyon ang totoo.
"Stop staring. Let's continue it tomorrow" mabilis naman akong tumango sa sinabi niya at umayos ng tayo. Sinundan ko ito ng tingin habang naglalakad ito papunta sa mga gamit nito.
"Yun lang?"
"Yes, as I said easy and slow" sagot naman nito
Nauna na akong sumakay ng sasakyan at sumunod naman ito sa akin at bumalik nanaman ang seryosong mukha nito na parang problemado.
Hindi ko ito pinansin at napahawak na lamang sa aking tiyan. Nagugutom na ako dahil hindi ako nakapag-agahan kaning umaga. Sumandal ako sa bintana at tumingin kay Sky, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kaya kinalabit ko ito.
"Gutom na ako" saad ko rito.
"Bumili ka doon" anito sabay turo sa isang tindahan.
"Tinatamad ako" mahinang saad ko at sinimangutan siya.
"Buy, ikaw naman ang kakain diba?"
"Ayaw ko nga, tinatamad ako. Bilhan mo na lang ako"
"No, you can't command me"
"Yes I can"
"Bumili ka na doon" saad nito at pilit akong itulak pababa ng sasakyan. Pinipigilan ko naman ang sarili kong gumalaw kaya, nakasimangot lang ako habang nakasandal sa bintana.
"Ayaw ko! I don't want to. Hindi na lang ako kakain. Nevermind buying" Seryosong ank ko rito at kaagad na pinagkrus ang mga kamay sa dib-dib ko. Walang gana akong tumingin sa harap at hinintay na umadar ang sasakyan.
Nakarinig na lamang naman ako ng buntong-hininga kaya tiningnan ko ito, wala na pala akong katabi at naiwang nakabukas ang pintuan ng sasakyan.
Hindi rin nagtagal dumating siya na may dalang mga pagkain sa magkabilang kamay nito.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko habang nakatingin doon sa mga pagkain. Nagugutom na talag ako at gusto ko nang kumain ng maraming pagkain.
"Here" aniya at linahad sa akin 'yong pagkaing nasa kabilang kamay nito. Mabilis ko naman itong nilantakan habang nagmamaneho siya pahatid ako sa mansion namin.
Pagkarating namin sa mansion pumasok ako rito't sinalubong ang aking ama ng isang yakap at halik.
"Bumalik na pala kayo?" Anito sabay tango lang ako.
"Yes" sagot naman ni Sky. Sumulyap ako rito at nginitian siya.
"How's her performance?
"Mabuti naman po" nakangiting sagot nito.
"That's good. Get some snacks first before you leave" ani ng aking ama pero umiling lang ito kaya tinunguan ko lang ito habang nagkatinginan kami.
"Don't force him" saad ko sa aking ama ng masulyapan ko ito.
"Alis na po ako"
"Sige, hijo. Largo" ani ni ama kaya naglakad ito papalabas. Bago pa man ito maka apak sa labas mga aming natuturing bahay, nagiwan muna ito ng tingin sa akin kaya tumango lang ako rito't nginitian siya.
Naglakad na ako papalis at papunta sa kwarto ko. Napakabusy ng araw na ito, makakapagod rin kahit na kaunti lang iyong nasimulan namin.
Gusto ko nang matulog, sumasakit na 'yong mga mata ko...
Mabilis akong sumalampak sa higaan at hinimas ang mga braso't mga binti ko. Medyo nagsisimula na itong sumakit habang hinihilot-hilot ko ang mga ito.
Aray, nandito na talaga...
Hinawakan ko 'yong namumula kong braso at nakita ko na tanging galos na lamang ang naiwan rito, simula noong araw na nakidnap ako. Ointment lang ang tanging ginamit ko upang gamiting panggamot sa galos ko, para madali lang itong mawawala at hindi magtatagal sa katawan ko.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kinuha iyong ointment na nasa loob ng bag ko. Pinahiran ko ito at kaagad ring binalik ito sa aking bag at humiga pabalik sa aking higaan.
Pinikit ko naman ang mga mata ko at humikab, nagsimuka na ring manlabo ang mga mata ko hanggang sa unti-unting pumipikit ang mga ito't nakatulog rin ako.