Faris'POV
Nakita ko iyong kasambahay namin na may ginagawa. Kanina pa man talaga ako naghihintay kung kailan lilinisin 'yong kwarto ko. Sa dinami-rami ng mga trabahante namin rito wala man lang nakaisip na maglinis sa kwarto ko. Nakasanayan ko na noon pa man na unang lilinisin 'yong silid ko bago 'yong lugar dito sa baba or saan man iyan.
"Manang, kailan niyo po ba lilinisin 'yong kwarto ko?" Tanong ko rito habang nakatingin sa wrist watch ko. Malapit na magaalas-dose, pero hindi pa rin nalilinis 'yong kwarto ko. Iyon lang naman talaga ang tanging hinihintay ko, kaya napagpasyahan ko na lang na bumama, dahil walang pumunta sa kwarto ko.
"Pagkatapos ko po rito" anito kaya mabilis naman akong napa apak sa ibaba ng hagdanan at kaagad na lumapit rito.
"Pagkatapos? Manang naman eh. Uunahin niyo po 'yong kwarto ko. Ang dami pa ninyong tatrabahoin oh, 'yong kwarto ko 'yong dapat mauna!" padabog 'kong asik pero parang nag-aalinlangan ang mukha nito kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Go! Wag ka nang tumayo-tayo diyan kung ayaw mong ipapatanggal kita kay Daddy" pananakot ko sa kanya at pinandilatan pa ito ng mga mata, natataranta ito sa kanyang ginagawa at namumutlang tumingin sa akin.
"O-opo, ma'am" nauutal na saad nito at mabilis na umakyat papasok ng kwarto ko, hay.
Naglakad na ako papunta sa kusina, dahil mamaya ay aalis nanaman ako papunta sa mall kasama 'yong mga hindi ko tinuturing na kaibigan. Gayun pa man, kailangan ko munang kumain ng agahan kahit oras na ng hapunan.
Maaga akong nagising, ngunit hindi ko iniisip ang paglabas ng kwarto ko. Ngayon na lamang ako nakapagpasya, dahil gusto ko na rin kumain.
"Yaya, what's for my breakfast?" Salubong ko sa kasambahay namin na naglilinis ng lababo. Seguro kakatapos lang nitong magluto.
"Itlog po, po ma'am. Malapit na po kasing maghapunan" itlog?!
"'Yon lang?Ano to? Papatayin niyo ko sa gutom? Itlog lang?" Giit ko rito.
"Hindi po kasi nag-agahan 'yong daddy mo, maaga po itong umalis papunta sa trabaho niya.
"I don't care! That doesn't mean na itlog lang 'yong uulamin ko. Magluto nga kayo ng iba, wag niyo po akong bwesitin ng maaga!" inis kong usal at marahan na bumitaw mula sa aking pagkakahawak sa upuan. Nakasimangot lang ako habang naghihintay sa niluluto nga kasambahay namin.
Kinuha ko 'yong cellphone ko habang naghihintay sa nilulutong ulam. I called my dad dahil hindi man lang ito nag iwan ng pera para sa pag sho-shopping ko.
"Hello, dad"
"(Yes, hija?)"
"Where's my money?"
"(Money for what?)"
"Ang bilis niyo pong malimot, dad. I need the money for shopping"
"(Oh, na 'sa kwarto ko. Use my credit card. I have no cash here. Dala ko rin 'yong cheque)"
"Okay, bye dad"
"(Bye, hija)"
Mabilis ko namang pinatay 'yong cellphone at linapag ito sa mesa ko. Sa wakas naluto na rin 'yong ulam ko kaya mabilis akong kumain at iniwan ang hugasan sa mesa.
Deretso akong pumunta sa masters bedroom kung saan iyon ang kwarto ng ama ko. Nakita ko naman 'yong mga credit card niya na nakalapag lang sa mesa at halos lumuwa 'yong mata ko ng makita ko na may Black Card pala si Daddy.
Hinawakan ko iyong black card at sinuri ito, binalik ko rin ito sa lagayan nito at tumingin sa ibang credit card.
Pumili ako ng isa rito at kaagad na pumunta sa kwarto ko. Narinig ko naman tumunog iyong cellphone ko, kaya tiningnan ko kung sino ang nagmemessage, but it's an unknown number. Kanino ba 'to?
SMS from 09236754356
"(Magpaalam ka na sa papa mo. Baka sakali nama'y wala ka nang makikita bukas)"
Threats, huh?
Mabilis akong nagbihis at sumakay sa sasakyan na kanina pa naghihintay 'yong driver namin. Tumikhim ako ng sumilip ito sa reviewer mirror.
"Saan po tayo, ma'am?" Tanong nito pero hindi ko ito sinagot at pinabayaan na lang siya na magmaneho. Alam na niya kung saan ako pupunta, iyon lang rin naman ang lugar kung saan ako masaya. Imposible rin naman kung malilimutan niya 'yong lugar na gusto kong puntahan kada araw.
Naramdaman ko namang huminto 'yong sasakyan sa parking lot kasama 'yong mga bodyguards ko. Binuksan nito ang pintuan at humakbang ako papalabas.
Aish, I hate my bodyguards...
"Dito na lang kayo sa labas" utos ko sa mga bodyguard ko.
"Pero, sabi po sa amin ni--"
"Shut up! Dito lang kayo" I cut him off at naglakad papasok ng mall.
Nakita ko naman kaagad ang mga kaibigan kong hindi ko tinuring na kaibigan, na naghihintay sa akin dito sa gilid ng pintuan. Hindi na ako nagulat na marami itong mga dala. Ganyan naman talaga sila.
Hindi muna ako gagastos ng malaki ngayon, may bibilhin pa ako.
"Hi, tara na" saad ni Voree at hinila ako papunta sa damitan. Pumasok kami rito at bumili ng mga damit. Marami na 'yong mga nabili ko kaya kaagad naman kaming pumunta sa bintahan ng mga heels, kinuha ko iyong Parisian at sinuri 'yong size niyon
"Wahh, ang ganda!" Tili ni Cloe ng makalapit ito sa mga iba't-ibang kulay ng mga heels. "Sayang, malapit na maubus yung allowance ko" pag iinarte nito. Tss, ang sabihin mo. Hindi ka mayaman.
"Akin rin"
"Me too"
"Don't worry, girls. Nandito naman si Faris eh, she's willing to pay for our bills" nakangiting saad ni Jammi. Kaya napipilitan lang akong tumango,
Pumili na sila ng mga sapatos na may takong at sabay ko itong binayaran. Medyo malaki-laki rin iyong nagastos ko ngayon, seguro aabot ng milyon, pero kaunti lang naman iyon diba?
Pagkatapos no'n, naglibot-libot naman kami sa loob ng mall for some hours hanggang sa naisipan na namin na umuwi.
Nauna na silang lumabas kaya naglakad na rin ako palabas hanggang sa makita ko 'yong sasakyan namin, where's my bodyguards?
Pumaroon ako sa sasakyan at pumasok sa loob niyon.
Naghihintay naman ako kung kailan a-andar 'yong sasakyan. Bakit parang ang tagal? Kanina pa ako rito nakaupo pero hindi pa rin ito umaandar.
"Hey, manong. Wala ka bang planong paandarin 'yong sasakyan?" Tanong ko rito and I hissed, hindi naman ito kumibo kaya napilitan akong kalabitin siya.
Lumingon naman ito sa gawi ko at ngumiti ng malawak kaya nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ako ng malakas. Bahagya naman itong napahalakhak.
"What the fvck! You're not my driver!" Sigaw ko at pilit na lumabas pero may pumasok naman na dalawang lalaki sa magkabilaan ko. What the hell is this? Is this kidnapping?
"Miss, tumahimik ka na lang kung ayaw mong mamatay" saad ng driver at kaagad na pinaandar 'yong sasakyan.
"Let me go! Let me out!" Ma otoridad na utos ko sa kanila habang nagpupumigalas at pilit na makawala mula sa mga kamay nila.
"Ang ingay-ingay mo babae. Sabing tumahimik ka eh" sinamaan ko naman ng tingin 'yong lalaki na nasa kanan ko.
"Let me go, assholes! Sino ba kayo?!" Sigaw ko sa pagmumukha ng katabi ko at pilit na hawiin 'yong kamay ko mula doon sa lalaki na nasa kaliwa ko. "Let me go! This is harassment. Kakasohan ko kayo!" Sigaw ko. Ano naman ngayon? Iyon ang unang bagay na pumasok sa isipan ko.
"Ang ingay mo. Kailangan mo matulog, hija" ani nong driver at sumenyas sa dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid ko.
Hindi ko na namalayan ng bigla akong nakatulog ng takpan panyo ng katabi ko 'yong bibig ko.
- - - -
I woke up in an abandoned building at madilim rin 'yong buong paligid at tanging ilaw lang ng buwan 'yong nakikita ko. Gabi na pala, ngayon ko pang napasin na nakatulog pala ako ng matagal. Pilit kong tinanggal 'yong tali na nasa kamay ko, pero sumasakit na lamang ito at wala pa ring nangyari.
Ang sakit na ng kamay ko!...
"Hey, Bastards. Pagkawalan niyo na ako! Are you gonna rape me?!" Sigaw ko sa aking paligid, dahil wala akong makitang tao. Sumasakit na rin 'yong mata ko sa dilim, hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan pa nila akong kidnapin para makakuha ng pera, pwede na mang kumayod sila.
"Hoy babae! Kanina ka pa ah, nakakarindi na" naramdaman ko naman na may lumapit sa akin at naramdaman ko 'yong paghinga niya na dumampi sa mukha ko, napa layo ako sa kanya, dahik sa amoy ng bibig niyo. Nangangamoy lansang isda.
Ang sang-sang ng baho ng bibig niya! Nakakadiri!...
"Lumayo ka nga sa akin. Ang baho ng hininga mo. Could you loosen this rope?" pagiinarte na may halong pagmamalidita sa boses ko. Nakarinig ako ng asik, pero patuloy lang ako sa aking pagmamaktol rito para rindihin sila. "Ang baho!"
"Aba gago ka ah!" Sigaw nito at hinawakan ng maigi 'yong buhok ko. Napadaing ako sa sakit at napakagat na lamang sa labi ko ng higitin niya ng malakas 'yong buhok ko.
Shit!...
"Don't touch me with your filthy hands, prick!" Narinig ko namang hulakhak ito pati na rin 'yong ibang kasamahan niya. Ngayon ko lang napansin na marami pala sila, hindi lang tatlo kun 'di sobra pa sa tatlo. Base sa naririnig ko, nasa iba't-ibang parte ng abandonadong building ito nakaupo o anomang ginagawa nila.
"Tawagan na nga natin 'yong ama mo, para mabigay na niya sa amin ang hinihingi naming pera. Bantayan niyo 'yan" may otoridad ang boses ng lalaki ng mabunot niya mula sa kung saan 'yong cellphone niya.
"Mga mukhang pera, hindi marunong kumayod. Ganyan na ba talaga kayo ka hirap? Walang ibang magagawa, kung hindi ay ang pangingidnap? How pathetic" Malditang saad ko at umirap sa hangin. Mas mabuti na lang kung pera lang 'yong hihilingin nila, hindi 'yong katawan ko, taos puso akong tatanggi. Hindi ko isususko sa kung sino man ang pagakabirhen ko. Hindi naman pambayad ang sarili ko, hindi pamabayad ang katawan ko.
"Tumahimik ka!" Sigaw ng isang lalaki mula sa gilid, while the other goon was dialing my father's number. Tumahimik lamang ako at pa sikretong pilit na kumawala mula sa pagkakagapos nila.
"Ayan na!" Sigaw nito at pinakita sa akin 'yong cellphone niya at mas linapit niya pa ito sa mukha ko kaya napapikit ako sa silaw ng cellphone. Hindi sa pagmamaliit, pero parang gano'n na nga. Masasabi kong murahin lang ito, kaya mahina na lamang akong natawa.
"Such a grotty phone. Tss" bulong ko, but I know they heard it right. Linayo nito ang cellphone sa mukha ko kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Hindi ka ba natatakot sa amin?!" Awtomatikong tanong ng isang lalaki na tumatawa kanina pa. Medyo tumaas ang boses nito kaya napatagikid ako.
"Why would I? You're just a filthy vicious garbage! Tss" mataray kong sagot at binelatan sila kahit na hindi nila ito nakikita. Kanina pa ako naiinip rito habang pinapakinggan ang pinaguusapan ng mga kidnappers.
"Matagal pa ba 'yan?" Walang gananag tanong ko.
"Kanina ka pa ah. Napaka spoiled mong bata ka. Manahimik ka na diyan!" Hindi pinakinggan ang sigaw nito at sa halip na maghahanap ako ng paraan na makawala mula sa aking pagkagapos, nililibang ko na lamang ang sarili ko sa pagsagot-sagot sa mga kidnapper na 'to.
"Edi wow" sagot ko.
Narinig ko namang nagsalita 'yong lalaki na may hawak ng cellphone and I know he's talking to my father.
"Bigyan mo kami ng isang milyon kung ayaw mong mamatay 'tong anak mo" banta nito kay Daddy.
Tse! 'yon lang?
"Kausapin mo 'yong ama mo" ani nito and he turned on the loud speaker. Narinig ko ang mga hikbi mula sa kabilang linya kahit na hindi pa man ako nakapagsalita.
"(Anak, h-hintay lang ha. Ipapahatid na n-namin 'yong pera. Anak, d-don't let them---)"
"Dad. Pera lang ang hinihingi nila. Ibigay mo na at isaksak mo pa sa mga baga ng mga mandurugas na 'to"
"(Anak, mag h-hintay hintay ka lang)"
"Okay" matamlay na sagot ko. I don't have to panick, hindi ko na kailangan pang magpanick. Sanay na rin akong makidnap total na kidnap rin naman ako sa edad na labing isa.
Bumuntong-hininga ako at yumuko.
Narinig ko namang tumawa 'yong lalaki habang pinatay 'yong cellphone niya.
Naboboringan na ako kakahintay kina daddy kaya hindi muna ako kumibo hanggang sa may pumasok na maraming lalaki kaya nagkaroon ng liwanag ang buong paligid. Nahagip ng mga mata ko ang imahe ng mga gwardiya ko at mga gwadiya rin ng bahay. Hindi na ako nagulat, kilala ko na rin naman si Daddy. Kung ano 'yong gusto niya, 'yon rin ang masusunod. Kagaya ngayon, gusto niya na isama 'yong mga gwadiya ng bahay, kaya heto sila ngayon. Mas pinipili ng ama ko 'yong kaligtasan ko bago ang kaligtasan niya. He's a good father, one of the best.
Tinuon ko muna ng pansin ko roon sa kanila, habang nakatayo na magkaharap.
"Dumating na pala kayo? Mabuti naman kung gano'n" saad ng lalaki kaya pinakita naman sa bodyguards ko 'yong attaché case na naglalaman na nagkakabuho-buhol na pera. One million, huh?
"Nandito na yung gusto niyo, give us the kid" kaagad naman akong pinakawalan ng isang lalaki, kaya nananakbo ako papalapit sa kanila. I glanced at my wrist, sumasakit at humahapdi ito ng matanggal 'yong gapos at parang nasugatan ito nag kaunti dahil na rin seguro sa pagiging malikut ko habang nakaupo. Napailing na lamang ako at tinakpan ito.
"Where's dad?"
"Pasensya na po, ma'am. Nagpaiwan po si ,sir. Sumasakit po ang ulo ni Sir"
Seryoso?...
Anak niya nasa panganib tapos hindi man lang niya ako pupuntahan? Wow.
"Okay, let's go" kalmang saad ko na parang walang nangyari at kaagad na naglakad papunta sa sasakyan, tahimik lang silang sumusunod sa akin kaya nagpakawala ako ng mahinang hininga. Nakaramdam ako ng lungkot kaya bumuntong-hininga ako ulit para pakalmahin ag sarili ko.
Sumakay na ako ng sasakyan at kaagad naman itong pinaharurut ng driver namin, ng makarating kami sa mansion, pumasok na ako rito at pumunta sa sala kung saan nakayukong nakaupo si daddy habang pinagdikit ang mga palad.
"Dad" mahinang tawag ko rito. Tumingin naman siya sa akin at kaagad akong yinakap, umiyak pa nga ito ng mayakap niya ako at namumula pa ang mga mata niya na halatang kanina pa ito umiiyak.
"I'm sorry anak. Sana hindi na lang ako umalis" umiiyak na saad nito at maypa hingos-hingos pa. Napangiti naman ako ng makita ko sa mukha ng ama ko ang pag-aalala nito bilang ama, na isa rin sa mga gampanin niya.
"Okay lang po ako" sagot ko at kaagad na umakyat papunta sa kwarto ko. Malalim na ang gabi at medyo nakaramdam na tin ako ng antok.
Pagkarating ko sa kwarto ko tinanggal ko lahat ng saplot ko at naligo muna. Mga ilang minutong nagbabad sa tubig hanggang sa napag-isipan ko nang lumabas ng CR at magbihis.
Pagkatapos kong magbihis pumanhik na ako sa higaan at kaagad na natulog.
- - - -
Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Nasapo ko na lamang ang noo ko habang nasisilawan sa araw.
Sino bang bwesitang nagbukas ng bintana ko?!
Bumaba ako ng kwarto ko at pinuntahan 'yong kasambahay namin na siya ring naglilinis sa kwarto ko. Nakita ko itong nagwawalis kaya kaagad akong hinila ng puwersa ko para lapitan ito habang kusot-kusot ang mga mata.
"Manag, why did open the window?" Nakatungong tanong ko habang ang tono'y pangmamaldita at tiningnan siya ng maigi.
"P-pasenysa na po ma'am. Nakalimutan ko pong isara" pagpapaumanhin nito kaya bumuntong-hininga ako at pilit siyang nginitian.
"Pack your things and get out" utos ko rito at mabilis na tumalikod para pumunta sa kusina. Tahimik ang buong paligid, pwera na lang sa amin ng kausap ko.
"Po?"
"Do I have to repeat myself?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya mabilis naman itong tumakbo papunta sa maids quarter, habang nakayuko't hiyang-hiya sa sarili.
Tumawa lang ako ng mahina at kaagad na naglakad papasok ng kusina. Nakita ko naman si Dad na kumakain, naglakad ako papunta sa upuan ko habang tahimik lang at hindi nagsasalita. Wala ako sa mood para makipagusap, masama ang araw ko ngayon.
"Good Morning, hija" Ani nito at hinalikan ang pisngi ko.
"Good Morning, Dad" pilit na nakangiting bati ko rito.
"Kain ka na, hindi ka kumain kagabi. I'am worried about you" tumango lang ako at kumuha ng pinggan. Naaalala ko naman 'yong mahapdi kong braso kaya sumulyap ako rito.
Namumula pa rin ito at parang mas lalong lumalaki 'yong sugat nito.
"Hija, bakit hindi mo sinabi na may sugat ka?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses ng ama ko.
"Okay lang po ako. Wala po 'to" narinig ko itong bumuntong-hininga kaya sumulyap ako rito.
Nagsimula na akong kumain habang tahimik lang na nakikinig sa tunog ng aming pinggan kasabay na rin ng tunog ng aming mahinang pagnguya.
"Yaya, I want milk" utos ko rito habang nasa pagkain ang tingin, nabasag rin 'yong katahimikan ng paligid kaya nawala rin 'yong matinding pagkailang ko.
"Wala na po tayong gatas ma'am"
"Edi bumili ka. Problema ba 'yon?" Bumalik nanaman ang sakit ng ulo ko kaya hinawakan ko ito.
"Hija, wala na raw. Don't force her" sabat naman ni daddy kaya sumimangot naman ako.
"But I want it, now. Bibilhan mo naman ako daddy, diba?"
"Hija, busy pa 'yong mga maids" ani ni daddy kaya padabog naman akong tumayo at akmang hahakbang na sana ako ng biglang magsalita si daddy.
"Fine, sit down" saad nito kaya kaagad naman akong bumalik mula sa pagkakaupo. Narinig kong may kausap si Daddy sa cellphone kaya tinuloy ko ang aking pagkain habang nakikinig sa bawat sagot ni Daddy sa cellphone niya.
"Paparating na raw" anito at binaba ang tawag.
Habang naghihintay ako ng gatas, nakatuon lang ako sa pagkain ko at seryosong kumain. Mga ilang minuto rin ay dumating iyong pinapabili ng ama ko. Dalawang kahon ito ng gatas, mabilis akong kumuha ng isa at sinalinan ang baso ko.
Walang araw na hindi ako umiinom ng gatas. Nakasanayan ko na rin ang gatas simula pa noong sanggol pa ako.
"By the way, Dad. Mag ma-mall ako ulit" saad ko habang inuubus 'yong laman ng baso ko. Bigla namang nagbago ang expresyon ni Daddy kaya nabuo ang pagtataka sa isipan ko. Ngayon ko lang nakita ang ama ko na sobrang seryoso ang mukha. Halos masasabi mo na lamang na galit ito.
"No" ma otoridad na saad nito.
"Dad, alam niyo naman po diba? Doon lang po ako masaya" Umiling lang ito at binaba ang mg kubyertos na hawak nito. "Sige na po"
"Still no"
"Why not?" Nakasimangot kong tanong.
"Hija, hindi sa lahat ng panahon kailangan kong pumayag sa mga pinagagawa mo. Nakidnap ka na and this is the second time, that's enough. I want you to learn something new" sagot nito kaya kaagad ko namang binagsak ang baso ko at padabog na tumayo.
"Kahit na dad. Wala naman po akong magagawa dito sa bahay eh, malalanta lang ako kapag nasa bahay lang ako palagi"
"No, hija" napasabunot ako sa sariling buhok at binagsak ang dalawang balikat.
"Dad, doon lang po ako masaya"
"No, pwede namang sa bahay ka lang. Wala na ang problema doon"
"Dad, ayaw ko"
"Hija!" Tumaas na ang boses nito kakatanggi sa akin kaya nahampas ko rin 'yong mesa, dala na rin ng aking pagkagalit.
"Dad, ano ba 'yan? Wala na nga kayong oras para sa akin ,dahil puro kayo trabaho-trabaho. Iyong trabaho na lang 'yong iniisip niyo. Paano na lang po ako? Wala ba akong karapatan na maging masaya? Wala na nga akong makakausap dito sa bahay, dahil wala kayo na kinakailangan ko, tinaggalan niyo pa ako ng karapatan para gumala. Ang hirap niyo naman pakiusapan, Dad" pagkatapos ko iyon sabihin. Dumeretso ako ng tayo at walang pagdadalwang-isip na pumunta sa kwarto.
Narinig ko pa itong tumawag sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon. Puot at galit ang nararamdaman ko ngayon, halos makakabundol-bundol na ako kakatakbo papunta sa kwarto ko.
Narinig kong may kumatok doon sa labas pero hindi ko na ito pinansin, alam ko na 'yong ama ko lang 'yon. Wala pa sa intensyon ko na kausapin ito.
Nagmumukmuk lang ako buong araw at hindi napansin ang oras na gabi na pala.
Nakarinig nanaman ako ng katok kaya padabog akong lumapit sa pintuan at napipilitang buksan ito. Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin 'yong kasambahay namin na may dalang tray.
"Kain na raw po kayo ma'am. Gabi na po" ani nito kaya mabilis 'kong kinuha 'yong tray at linapag sa mesa ko. Sinarado ko naman 'yong pintuan at marahan na umupo.
Nilantakan ko ito at tinawagan 'yong kasambahay ko na dalhan ako ng tubig.
Dumating naman si kasambahay na may dalang baso kaya kinuha ko ito at binigay sa kanya ang baso pati na rin ang tray.
"Matulog na raw po kayo, ma'am. Pasensya na raw po" bahagya naman akong natawa ng mahina ng marinig ko iyong mga salita na iyon na nagmula sa bibig ng kasambahay namin.
Tss, pati paghihingi ng tawad pinapasabi pa sa kasambahay...
"Get out of my face" walang ganang saad ko at marahan na sinara 'yong pintuan.
Dahil lang sa pangyayari ng kidnapping na iyan, nawalan na ako ng karapatang gumala, magsaya kasama ang mga hindi ko tinuturing na kaibigan.
Ano na lang ang magagawa ko?