Chereads / The Virgin Mary / Chapter 42 - KABANATA 39

Chapter 42 - KABANATA 39

Nagkulong ako sa banyo ng isang oras. Siguro ay hinahanap na ako ng mga kaibigan ko sa labas. Nasa cubicle ako ng isang banyo habang nakaupo sa bowl. Nanghihina ang katawan ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ano iyong pinapakita niya sakin? plano lang ba iyon? Yung mga "I LOVE YOU" niya sakin? Kasinungalingan lang ba din iyon? Bakit kay dali nilang magluko ng nararamdaman ng ibang tao.

Napapikit ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kanina pa sya tawag ng tawag sakin kaya hindi ko magawang sagotin. Tumutulo parin ang luha ko sa sakit. Kahit anong pigil ko nito ay pilit parin itong tumutulo ng kusa. Kailangan kong bumalik sa trabaho. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Minsan na akong nag kamali sa trabaho nong nakaraang araw kaya ayaw ko ng maulit pa iyon. Lumabas ako mula sa cubicle saka inayos ang sarili. Pinunasan ko ang munting luha saking mata. Nagbuntong hininga ako ng ilang ulit bago lumabas ng tuluyan. Naaninag ko ang mga kaibigan ko sa may counter kaya dumiretso na ako sa kanila.

Napalingon sila sakin na ningkit ang mga mata.

"Saan ka galing? Kanina pa kami pa linga-linga dito, pero wala ka naman." Simangot ni Ivony. Tumabi ako sa kanila na walang bahid na sakit. Kailangan kong mag panggap na okay sa harap nila.

"Nag banyo lang ako saglit." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanila. Kita sa gilid ng mata ko kong pano tumitig ang tatlo. Ang kanilang mukha na may malaking question mark. Sinulyapan ko sila isa-isa kaya umiwas agad ito ng tingin.

Ilang segundo kaming nakatayo sa counter at naghihintay nalang sa saad ni Erika.

"Jessica sa number two please!" Lapag ni Erika sa limang vodka saka iyon nilagay ni Jessica sa kanyang tray. Suminyas sya samin bilang pag alis.

"Maey umiiyak ka ba?" Agad akong napalingon kay Grace sa tanong niya. Nakagat ko ang labi ko dahil mukhang nahalata niya.

"Wala napuwing lang ako." Iwas tingin kong sagot.

"Maey sa number 3 ito please!" Nilapag ni Erika ang tatlong whisky saka ko iyon nilagay sa tray. Sumulyap ako muli kay Grace at Ivony bago ko sila nginitian.

Hindi ko alam kong pano ako nakakapaglakad ng matuwid kong sobrang bigat ng damdamin ko. Ang usok at ingay ng musika ay mas lalong nagpapasakit ng aking ulo. Ang mata kong nangunguya dahil may luha ulit na gustong pumatak. Panay ang pilig ko saking ulo dahil ayaw na ayaw kong tumulo ang luhang ito. Kinagat ko ang labi ko para masaktan ako ng panandalian. Kahit anong gawin ko ay pumapasok parin sa isipan ko si Matteo at Venus. Ano kayang ginagawa nilang dalawa ngayon? Magkasama kaya sila sa iisang kwarto? Nag di'date kaya sila ngayon? Sobrang sakit habang iniisip ko iyon. Niluko lang pala ako ni Matteo, minahal ko sya. Kumalas ako dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit?

Bumalik ang diwa ko ng makaabot ako sa mesa.

"Goodevening sir." Bati ko saka nilapag ang tatlong whisky sa mesa niya.

"Mary hija?" Inangat ko ang ulo ko dahil sa pamilyar na boses. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar sakin ang mukha niya. Hindi ko lang maalala."Do you remember me?" Turo niya sa kanyang sarili.

Tinititigan ko sya ng ilang sandali habang nag-iisip. Agad nanlaki ang mata ko dahil sa naalala ko na sya.

"Sir Francisco?" Gulat kong saad kaya ngumiti sya ng bahagya.

"Akala ko pa naman eh, nakalimotan muna ako." Simangot niya. Natawa ako sa expression ng kanyang mukha.

"Naku sir pasensya na talaga. Sa dami-dami ko naman kasing nakikilalang costumer gabi-gabi eh hindi ko na talaga namumukhaan yong iba." salaysay ko na ikinatawa niya.

"Its okay hija. Atleast naalala mo ako." Taas baso niyang sabi. Nilagok niya ang alak na nakatingin sakin. "Anyway if you dont mind, can you join me here for a while?" Naging maamo ang kanyang mukha ngayon. Nag pa linga-linga ako sa paligid at mukhang wala pa namang masyadong costumer. Tumango ako bilang sagot bago umupo sa kabilang upoan. Sobrang laki ng kanyang ngiti sa pag-upo ko ng tuluyan. Napadpad ang tingin ko sa mga boteng wala ng laman.

"Sir bakit kayo umiinom? Diba may sakit kayo." Una kong salita na ikinatawa niya.

"Pampalipas oras lang ito, hija." Sagot niya bago lumagok ulit ng alak. Ang kanyang puting buhok ay sumisimbolo ng kanyang katandaan. Ang kanyang malinis na gupit ay nag papaliwanag na may pag-asa pang darating sa kanya.

"Bakit po palagi kayong mag-isa sir? Siguro naman eh maraming kayong kaibigan." Nakangiti kong tanong na ikinatahimik niya. Sumandal sya sa sofa habang pina ikot-ikot ang baso mula sa kamay nito. Mukhang mali yata ang tinanong ko.

"Friend? Yes I have a lot. But true friend? I have one." Wika niya bago nilagok ulit ang alak ng isang inom lang. Titig na titig ako sa seryoso niyang mukha.

"True friend? Nasan sya ngayon sir bakit hindi nyo kasama?" Mabilis syang sumulyap sakin. Ang kanyang mata ay naging tigre kaya napa halukip-kip ako. Nag-sisisi na ako ngayon kong bakit naitanong ko pa iyon. "Sorry sir huwag nyo nalang sagotin."

"He is my bestfriend, my business partner exactly. Nasira ang pag kakaibigan namin dahil lang sa isang babaeng pareho naming minahal." Binalutan kami ng katahimikan sa mesa. Ang kanyang mukha ay biglang dumilim. Bagsak din ang kanyang mag kabilang balikat habang sinasabi iyon. "But his traitor, nagawa niya akong lukohin dahil lang sa babaeng minahal namin. Nagalit sya dahil nalaman niyang ako ang gusto ng babaeng gusto niya." napalunok ako dahil sa galit ng kanyang boses.

"Kong ganon naging kayo ng babae?" mahina kong tanong.

"Yes....Pero naghiwalay rin. One day nag kainoman kami ng mga barkada ko sa isang party. I was 24 years old that time. I dont even know that my bestfriend took me a picture with other girl tsaka niya iyon ipinakita sa babaeng minahal ko." Ramdam na ramdam ko ang galit niya. Ang kanyang titig ay nasa alak habang pinaglalaruan ito.

"Tapos? Anong nangyari?" Mahinahon kong tanong. Nagbuntong hininga sya bago lumagok muna ng alak. Naging interesado ako kaya hindi ko magawang itikom ang aking bibig.

"Iniwan niya ako at sumama sya sa bestfriend ko. Hindi niya ako pinakinggan sa gabing iyon dahil galit na galit sya sakin. Kinamumuhian niya ako. Oo, nasaktan ko sya pero lasing ako sa gabing iyon. I just dancing with other girl but I didn't fuck. Nasaktan ako sa ginawa niya. Iniwan niya ako with unreasonable reason." Wika niya bago lumagok ulit ng alak. Yumuko ako habang pinaglalaruan ang dala kong tray. Sa bawat buka ng kanyang bibig ngayon ay mararamdaman mong nasasaktan talaga sya. Inangat ko ang ulo ko pabalik ng marinig ko ang tawa niya. "Im sorry hija napasarap yata ang kwento ko."

"Okay lang sir sorry din po.? " Tiim bagang ko.

"Bakit ka nag so'sorry?" Taas kilay niyang natatawa.

"Kasi babae ako, at ang nang-iwan sayo ay kapwa ko rin babae. Pasensya na po talaga sir." Humalak-hak sya sa sinabi ko. Ang kanyang ngiti ay mas lalong lumapad.

"You're funny hija. For all of mylife ngayon pa ako nakarinig ng ganyang kataga." Natatawa niyang sabi. Ang kaninay malungkot niyang mukha ngayon ay sobrang lapad. Masaya ako dahil pag katapos ng kwento niya ay napangiti ko sya.

"Sabi kasi sakin ni Nanay noon. Kong may tao mang nasaktan at sinaktan. Walang pinipili ang sorry," Wika ko kaya tumawa sya ulit. Ang kanyang katandaan ay hindi napapaghalata dahil sa perpekto niyang mukha. Siguro ay gwapo ito nong kabataan niya.

"So? Nasan ang Nanay mo?" Direkto niyang tanong rason kong bakit ako yumuko. Bumigat ulit ang pakiramdam ko. Binalik ko ang tingin sa kanya. "Hija? may problema ba?" Marahan niyang tanong ulit. Nagbuntong hininga ako saka nag simulang mag salita.

"Namatay sya anim na buwan na ang lumipas. May sakit sya sa puso at ganon din ang ikinamatay ni Tatay." Sagot ko. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang baso dahil sa gulat. Titig na titig sya sakin na para bang pinag-aralan niya ang bawat kilos ko.

"Im sorry hija..... Hindi ko alam. Hindi ko na sana itinanong." Mahina niyang sagot kaya ngumiti ako palisan ng sakit ng nararamdaman.

"Naku sir okay lang yon. Nagtanong nga ako sayo eh." natataw kong sabi kaya dahan-dahan syang ngumiti. Ang kanyang dimple sa kanang pisnge ay medyo malalim dahil sa katandaan nito. Kamukha niya si Aga Mulach sa pustora ng kanyang tindig at pananamit.

"You are a very strong girl hija. Kahit masakit ang pinagdaanan mo ay nagagawa mo pang ngumiti. And beside you're beautiful, inside and out." Sabi niya sakin. Nahiya ako sa sinabi niya. Sobrang komportable ko sa kanya at hindi ko alam kong bakit.

"Salamat po sir," Nakangiti kong sagot. Itinaas niya ang kanyang baso bago lumagok ulit ng alak. "Sir? Alam ba ng pamilya mo na may sakit ka?" Direkto syang tumango sa tanong ko. Nagulat ako sa diretsahan niyang tango. Kong ganon ay okay lang sa kanyang pamilya na umiinom sya ngayon? "Alam ba nila na nandito ka?"

"Maybe, pero hinahayaan lang nila ako and beside never yong mag-aalala sakin. Wala naman silang magagawa sa gusto kong mangyari. Ako ang boss at nasa akin lang ang batas." Natatawa niyang wika na para bang alam na alam niya ang saktong araw ng kanyang kamatayan.

"Sir walang anak ang hindi nag-aalala sa isang magulang." Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. "Sabihin nalang natin na naging pabaya sya sayo. Pero hindi naman siguro mawawala ang pag-aalala ng isang anak. Walang anak ang nangangarap mawalan ng magulang." Natahimik sya sa sinabi ko. Ang kanyang titig sakin ay naging maamo ulit. Bahagya syang ngumiti sa gilid ng kanyang labi.

"How I wish I have a daughter like you." natahimik ako sa sinabi niya. Ang sakit ng aking dibdib ay biglang gumaan. Naalala ko ulit si tatay kaya masakit parin para sakin mawalan ng ama.

"Bakit sir nasan po ba ang anak mo?" Tanong ko.Umayos sya ng upo bago ako sinagot.

"She is already engaged. Naging busy sa paghahanda ng kasal niya. Masaya ako para sa kanya atleast may makakasama sya sa pagkawala ko." napasinghap sya pagkatapos sabihin iyon. "She's very spoiled, bratz at maldita. But she's my daughter, I love her and nothing cant change it." dugtong niya pa.

Siguro ay ganon niya ka mahal ang anak niya. Ang swerte naman ng anak nito kong ganon. Na mimiss ko tuloy si tatay dahil sa kanya. Siguro ay mag kasing edad sila ni tatay.

Binalotan kami ng katahimikan. Tanging ang malakas na musika ang nagbibigay ingay sa gitna naming dalawa. Hindi ko alam kong sinong nagtulak sakin para magtanong ulit.

"Hmhmhmh sir yung babaeng nang-iwan sayo noon ay nagkita na ba ulit kayo?" Umiling sya bilang sagot bago ulit ito uminom ng alak. Kong ganon?

"Hindi ko na sya nakita simula nong iniwan niya ako. Nagmahal ulit ako ng ibang babae at nagkaroon kami ng isang anak. But Im happy now. Kong nasan mansya ngayon? I hope she's happy with my bestfriend." Lumagok ulit sya ng alak. Ang kanyang mag kabilang pisnge ay namumula na sa kakainom. Siguro ay medyo natamaan na sya sa alak.

"Anong pangalan niya sir?" biglaan ko nalang nabitawan ang salitang iyon. Nag-iwas sya ng tingin. Ang kanyang titig ay nasa baso ng alak. Kong hindi ako nagkakamali ay mahal niya pa ang babaeng yon.

"Marita Floora," sagot niya na ikinatahimik ko.

Nag sisitaasan ang balahibo ko sa narinig. Sa pagkakarinig ko palang ng pangalan ay para na akong nabuhayan ng minamahal.

Marita Floora? Kapangalan ni Nanay.

Sumikip ang dibdib ko habang paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang pangalan ni Nanay. Siguro ay kapangalan lang ng babaeng kinkwento niya. Napasinghap ako bago pumikit.

Gusto ko pa sanang mag tanong ng biglang may tumawag sakin. Agad akong napatayo sa kinauupoan ko ng dumating si Mam Shelo. Galit na galit ang kanyang mukha dahil kanina pa ako nakaupo dito.

"Sorry Ma'am Shelo may----" naputol ang sasabihin ko ng mapadpad ang tingin niya kay Sir Francisco. Nagulat sya sa nakita bago ito tumuwid ng pagkakatayo.

"Goodevening Mr. Francisco Villa Vieste,"

Kong ganon? Kilala niya si Sir Francisco?