Chereads / The Virgin Mary / Chapter 48 - KABANATA 45

Chapter 48 - KABANATA 45

"Bakit ka nandito?" Bahagya akong umatras kaya naningkit ang mata niya.

"You ask me why I'm here? Did you ever ask yourself that im worried and you leave me without saying goodbye?" Galit nitong sabi bago inabot ang kamay ko ngunit umatras lang ako.

"Bakit naman ako magpapaalam sayo?" Hamon ko kaya kumunot ang kanyang noo. Kitang-kita sa mukha niya ang pagod dahil sa byahe.

"What is your problem? Why did you leave me? Tapos hindi ka manlang nag paalam sakin?" Kunot noo niyang wika. Umiwas ako ng tingin bago nagbuga ng iilang hininga. Kinakabahan ako, halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Sya pa ang may ganang magalit sakin?

"Tanongin mo ang sarili mo kong anong problema," Bulyaw ko habang nililibang ang sarili sa kakaayos ng paninda. Itinulak ko si Becky kaya napaatras ito. Kanina pa sya tulala habang nanunuod saming dalawa ni Matteo.

"How do I ask myself, if I do not know the reason of your departure, Mary." Matigas niyang english. Sumulyap ako sa kanya saka ito tinaasan ng kilay. Bigla nalang pumagitna si bakla habang  ibinahagi ang kanyang magkabilang kamay.

"Tika lang huh, wait lang. Pause muna guys huh? Stop it muna." Palipat-lipat ang tingin niya saming dalawa. "Okay play na," Buntong hininga niya. "Hello papa poge. Im Becky with a Y, im Mary's bestfriend. Hindi ko alam kong anong kwento nyo huh? Pero sino ka ba?"

"Im her boyfriend," Literal na nagulat si Becky sa sinabi ni Matteo. Ang kanyang ngiti ay naglalaro at parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Omyghad? Ikaw yung sinasabi niya sakin?" Siniko ko agad si Becky sa sinabi niya. Nahuli ako ni Matteo kaya agad ko syang inirapan.

"Bakit ano bang sinabi niya sayo?" Hinila ko si Becky saka ko sya itinabi sakin. Kinurot ko sya mula sa tagiliran kaya napaurong ito ng ilang ulit.

"What did she say to you?" Ulit ni Matteo. Nakagat ko ang labi ko saka sumambit sa usapan.

"Bakit ka pa kasi pumunta dito? At isa pa ang layo-layo dito tapos natunton mo ako? Nababaliw ka na ba Matteo?" Galit kong saad kaya bumagsak ang mata niya sa kamay ko. Alam kong gusto niya iyong abotin kaya agad ko iyong itinago saking likuran. Ayaw kong mag pahawak sa mga oras na to. Nag-iinit ang ulo ko.

"Hindi mo alam kong pano mo ako binaliw nong nalaman kong umalis ka. You dont know how worried i am." Para akong nang hina sa sinabi niya. Ang puso kong pinalilibotan ng iilang tinik at sinasaktan niya lang ako sa bawat binitawan niyang salita. "I'm insane when you lose." Kiniliti ni Becky ang tagiliran ko tila kinikilig.

"Ay iba te, englishero ang boyfriend mo huh." siniko ko agad si Becky kaya natahimik sya.

"Umuwi kana sa Manila," Bugaw ko kaya nanlaki ang mata ni Becky. Agad syang pumagitna saming dalawa.

"Ay baklabesh iba ka rin ano? Hindi ka ba naaawa sa kanya? Kararating lang ng tao pinapauwi muna agad? Hindi mo ba naiisip na galing iyan sa byahe." Sermon sakin ni  Becky. Sumulyap ako kay Matteo at kita sa mukah nito ang pagod. Kumuha ng upoan si Becky at inilalayan umupo si Matteo mula dun. "Papa poge umupo ka muna huh? Huwag kang mahiya. Hindi nga nahiya tong mga paninda kong isda sa sobrang lansa." Umupo si Matteo na may tawa. Natatawa sya kay Becky.

Umiwas ako ng tingin saka nag simulang pumaypay.

"Hoy bakla..... Ang gwapo ng boyfriend mo huh? Ginayuma mo ba yan?" Bulong sakin ni Becky na ikinaasar ko.

"Mukha ba akong mang gagayuma?" Taas kilay ko sa kanya kaya agad itong nag peace sign sakin. Sumulyap ako kay Matteo, panay linga niya sa buong paligid at tila namamasid.

Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang kanyang long sleeve na kulay puti ay nakatupi ito hanggang siko. Isa sa mga paborito kong damit para sa kanya. Ang kanyang itim na relo ay mas lalong nagpapaliwanag sa balat niya.

Umiwas agad ako ng tingin ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Oo inaamin ko miss na miss ko na sya ngunit pinipigilan ko lang iyon.

"Mabaho dito sa palengke mas mabuti pang lumabas ka muna." Wika ko ng hindi lumilingon sa kanya.

"I dont care about the smell. Ang importante sakin ngayon ay ang makita ka," Kiniliti ulit ako ni bakla sa tagiliran kaya siniko ko agad ito.

Hindi ko na sya muling kinausap pa. Naging busy ito sa kakatingin sa kanyang phone kaya hindi na ako muling sumulyap pa. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila ni Becky dahil panay ang tawa ng bakla. Naiinis ako kay Becky, tila nag eenjoy pa syang makausap si Matteo.

"Hija ilang kilo itong tilapya?" Tanong ng babaeng matanda.

"65 manang," Ngiti ko saka kumuha ng supot at inilahad sa kanya. Inilagay niya ang napili niyang isda saka ko iyon itinimbang. Dalawang kilo ang kinuha niya kaya napangiti ako. "Salamat po manang," Sumulyap ako muli kina Becky at mukhang may binubulong ito kay Matteo. Naiinis na ako sa titig ng dalawa kaya napag pasyahan kong magsalita nalang.

"Diba may pasok ka pa?" Tanong ko kay Becky.

"Eh na cancel daw yung klase namin. Nag text sakin yung ka kaklase ko." Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Ang kanyang ngiti ay na paghahalatang nagsisinungaling sya.

Walang klase? Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kanya. Hindi na ako muling nag salita pa. Hindi ko alam kong pano nakatiis si Matteo dito sa palengke, o baka tinitiis niya lang para pakitang tao sakin at kay Becky. Ewan ko lang talaga dahil galit na galit ako sa kanya.

"Pssss?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Katabi lang ito sa pwesto ni ante. "Hija boyfriend mo ba yon?" Nguso niyang turo kay Matteo. Lumingon ako kay Matteo at nanatiling nakatingin ito sakin.

"Bakit manang type mo?" Sarkastiko kong tanong kaya kinilig sya. Ang kanyang mata ay kumikinang habang kumakaway kay Matteo.

"Naku hija matanda na ako para dyan. Pero type ko sya para sayo." Kilig niyang sabi na ikinailing ko. Luminga-linga ako sa paligid at nahuli ko ang iilang bulongan ng mga nagtitinda din. Pinag-uusapan nila si Matteo at iyon ang nakikita ko. Napasinghap ako bago sinagot si Manang.

"Boyfriend ko iyan manang." Sagot ko na ikinilig niya ulit.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa inamin ko rin sa sarili ko na boyfriend ko si Matteo. Hindi ko na pinansin si manang dahil may iilang costumer naring lumapit sa pwesto namin.

Malapit ng lumubog ang araw pero hindi pa natatapos ang usapan ng dalawa. Siguro ay tama lang iyon para hindi masyadong mabagot si Matteo dito. Tika nga? Bakit nga ba ako nag-aalala sa kanya.

Bigla ko nalang naramdaman ang kamay ni Matteo sa bewang ko rason kong bakit isa-isang nag sitayuan ang balahibo ko sa katawan. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga mula saking tenga kaya hindi ko magawang lumingon sa kanya.

"I want to buy all your goods, so that you can rest. You've been standing here at kanina pa." Mahinahon niyang saad kaya umusog ako ng kaunti rason kong bakit nabitawan niya ang bewang ko.

"Huwag na..... Umupo ka nalang dun. Nakakahiya naman sa isang CEO at talagang nandito sa palengke hababg nag-aabang sa isang tulad ko." Galit kong saad kaya umawang ang kanyang labi. Ang pag igting ng kanyang panga ay paulit-ulit na tila pabalik-balik sa posesyon dahil sa galit.

"I do not know why you say that I love you and I dont care of your humble organs, Mary." Agad akong tumingala saka sya sinulyapan. Matangkad si Matteo kaya ako napatingala.

Ang kanyang mukha ay naging maamo at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala at pagod. Nakagat ko ang labi ko saka binalik ang tingin sa harap nag paninda. Oo naaawa ako sa kanya ngayon pero galit parin ako sa kanya. Hindi ko magawang isingit si Venus sa usapin dahil nasa palengke kami.

"Sige na bumalik kana doon. Pagkatapos nito ay uuwi na tayo," Marahan kong sagot na ikinangiti niya.

Hindi ko alam kong pano ko iyon nasabi. Uuwi kami? Kong ganon papayag ako na sa bahay sya matutulog? Ewan dahil iniisip ko palang iyon ay nababaliw na ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Nang sumapit ang hapon ay ang pagdating ni Ante at Nard sakay ng kanilang multicab. Nang makalapit sila agad samin ay agad akong lumapit kag ante at nag mano.

"Nay?" Nag mano din si Becky. Napadpad ang tingin nila sa lalakeng nakaupo mula sa loob kaya kumunot ang noo ni Nard at Ante. Kinabahan ako. "Ah oo nga pala Nay boyfriend ni Mary kadadating lang kanina." Nanlaki ang mata ni ante habang ang mukha ni Nard ay walang eskpresyon. Naramdaman kong tumayo si Matteo saka ito umakbay sakin mula sa likuran.

"Good afternoon madamme." Literal na nagulat si Ante sa pormal na bati ni Matteo. Kita mula sa mukha niya ang pamumula sa pisnge kaya narinig ko ang hagik-ik ni Becky.

"Magandang hapon din hijo Naku..... sobrang gwapo pala ng boyfriend mo anak." Halos ma laglag ang panga ni ante. Sumulyap ako kay Nard ngunit umiwas agad sya at nagsimulang nagligpit ng iilang paninda.

Kinausap ni Ante si Matteo kaya napagpasyahan kong sundan si Nard. Hinawakan ko ang balikat niya kaya napahinto sya sa kanyang ginagawa.

"Okay ka lang?" Tanong ko. Nagbuntong hininga sya saka ako hinarap.

"Ang gwapo ng boyfriend mo ah. Sigurado ka bang hindi ka niluluko niyan?" Mahina pero may pag babanta niyang sabi. Sumulyap ako muli kay Matteo at kinakausap parin ito ni Ante.

"Oo sigurado ako. Mahal niya ako Nard, at mahal ko rin sya." Agad syang umiwas ng tingin. Ang kanyang mata ay bagsak sa kamay ko kaya agad niya iyong inabot at hinahawakan ng mahigpit. Kailangan ko itong sabihin sa kanya para hindi na sya aasa pang muli sakin. Hindi ko alam kong bakit ko ito sinabi. Siguro ay sa kabila ng ginawa ni Matteo ay deserve niya paring malaman na mahal ko sya kahit galit ako.

"Siguradohin niya lang na hindi ka sasaktan. Dahil handa kitang kunin sa kanya, Mary." Galit niyang sabi. Nakagat ko ang labi ko sa binitawan niyang salita. Ang kanyang mata ay sobrang sama kong makatitig kay Matteo.

"Salamat Nard huh. Hindi ako nag-sisisi na naging kaibigan kita." Hinawakan ko rin pabalik ang kamay niya.

Bigla nalang may humila sa bewang ko kaya nabitawan ko ang kamay ni Nard. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa naglaban ng titig ang dalawa. Ang tangkad at laki ng kanilang katawan ay parehong-pareho lang. "Ah Matteo si Nard kaibigan ko." Nauutal kong wika. Wala isa man sa kanilang dalawa ang nagsalita. Ang kanilang blankong ekspresyon ay hindi mo mabasa.

Buti nalang at pumagitna agad si Becky.

"Mary hindi ka pa ba uuwi? Sigurado akong pagod na ang boyfriend mo. Kailangan niyang mag pahinga. Kanina pa sya dito sa palengke." Kumunot ang noo ni Nard sa sinabi ni Becky.

"Sa bahay mo sya tutuloy?" Bagsak boses ni Nard. Mas lalong humigpit ang hawak ni Matteo sa bewang ko.

"Bakit may problema ba?" Hamon ni Matteo. Mas lalong sumama ang tinginan nilang dalawa. Sinamaan ko ng tingin si Matteo kaya napasinghap ito.

"Kuya naman....Boyfriend sya ni Mary. Tsaka mas mabuti narin yun dahil walang kasama si Mary sa bahay nila noh. Nakakatakot kaya dun!" Eksplenasyon ni Becky na ikinatahimik ni Nard. Ang mukha ni Nard ay hindi mo mabasa kong anong iniisip niya.

"Oh bakit nakatayo pa kayo dyan? Mag ligpit na kayo dahil mag gagabi na." Sambit ni Ante habang nilalagay sa kariton ang iilang gulay. "Oh anak? kunin mo ito. Pambayad ko sayo ito dahil mag hapon kang nagbantay sa panindan namin." Agad kong binalik kay Ante ang pera na binigay niya sakin.

"Ante huwag na po. Itago nyo nalang po yan." Saad ko na ikinailing niya.

"Sige na anak," balik niya sakin.

"Ante huwag na po, okay lang po talaga sakin." ibinalik ko sa kanya ang pera.

"Sigurado ka ba anak? Nakakahiya naman sayo." Kinati ni ante ang kayang batok. Hinawakan ko agad ang kamay niya.

"Ante, malapit kayo sakin, pamilya na ang turing ko sainyo at ganon din kayo sakin. Tsaka wala rin din naman akong ginagawa kanina kaya sinamahan ko nalang si Becky dito." bahagya syang ngumiti sa sinabi ko.

"Ang bait-bait talaga ng inaanak ko." Kinurot ni Ante ang pisnge ko kaya natawa ako sa ginawa niya.

"Hay naku nay tama na ang drama. Sige na at pagod na ang dalawa at kailangan na nilang mag pahinga." Putol ni Becky sa usapan namin. Sumulyap ako muli kay Nard at nahuli ko itong nakatitig kay Matteo. "Mamaya baklabesh huh? Mamasyal tayo sa peryahan." Dugtong niya bago ako tumango.

Tuluyan na kaming umalis ni Matteo Sa palengke. Hindi ko alam kong bakit umiba ang titig sakin ni Nard. Para bang pinipigilan niya ako na sumama kay Matteo. Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Matteo dito dahil hindi niya alam ang pasikot-sikot dito sa probinsya.

Gabi ng makauwi kami sa bahay. Napahinto saglit si Matteo bago tumingala sa aming bahay. Sumilyap sya sakin na may kunot noo. Alam ko na, baka ayaw niyang matulog dito. Hindi sya nababagay sa ganitong uri ng bahay.

"You sleep here alone?" Kunot noo niya bago ako tumango. Itinulak ko ang kural saka sya pinagbuksan ng maluwag. "Baby are you serious? What if something bad happened you here." Dugtong niya kaya lumingon ako,g pagod sa kanya.

"Wala namang nangyari diba? Kaya okay kana?" Taas kilay ko kaya naningkit ang mata niya. Ang kanyang magulong buhok ay napaghahalatang  pagod nga ito.

Agad ko syang tinalikuran saka umakyat na sa hagdanan. Naramdaman kong sumunod sya kaya dali-dali kong binuksan ang pintoan sa harap. Nasa gilid lang ang lampara kaya madali ko iyong na buksan.

"Pasensya na walang kuryente. Pinutol kasi nong nakaraang buwan, dahil hindi nagagamit." Wika ko bago sya nag palinga-linga sa buong paligid. Nakapamulsa sya hahang sinusuri ang bahay. "Pasensya na sa bahay namin, Sir." Dugtong kong pormal na ikina igting panga niya. Natawa akong plastik!

"I have no problem with this, Ma'am. Ang sakin lang naman ngayon ay makasama ka." Natigilan ako sa sinabi niya. Ang kanyang mukha ay naging seryoso. Hindi na ako muling sumagot pa saka binuksan ang kwarto ko. Siguro ay dito sya matutulog at dun ako sa kwarto ni Nanay at Tatay. Napadpad ang tingin ko sa dala niyang bagpack kaya dali-dali ko iyong kinuha sa balikat niya at agad nilapag sa kama. "Dito ka matutulog doon ako sa kabilang kwarto." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Why you dont sleep beside me?" Umirap ako sa sinabi niya. Ako? Tatabi sa kanya? ASA!

"Hindi.... Huwag kang mag-alala may katabi ka naman dyan mamayang gabi." Sagot ko habang inayos ang kumot at unan niya. May tatabi sayong multo dito." Dugtong ko kaya bahagya syang natawa.

"Do you still believe in ghost huh? How cute." Iling niya saka ito bumulagta sa kama ng patalikod. Umirap ako bago lumabas ng kwarto.

"Magluluto muna ako Sir." sarkastiko kong saad.

"Hmhmhmhmhm," Tanging ungol niyang sagot. Iniwan kong bukas ang pinto baka kasi matakot pag sinara ko pa.

Nagsimula na akong nagluto ng sinabawang baka. Siguro ay kailangan niyang humigop ng mainit na sabaw dahil kagagaling lang niya sa byahe. May usapan pala kami ni Becky na mamasyal kami sa perya.

Sigurado akong sasama si Matteo at bubuntot ulit ito sakin. Naramdaman kong lumabas sya galing sa kwarto at sumulyap ako patagilid.

Nakasuot sya ng khaki short at puting t-shirt. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaya agad akong umiwas ng tingin. Nanginginig ang kamay ko at tila nawala ako sa sarili kong konsentrasyon. Buti nalang at hindi sya lumapit dito sa kusina at dumiretso ito sa sala. Hinayaan ko syang tignan ang mga larawan namin mula sa kabinet.

"Queen Gregoria 2013? Miss Charleston 2014? Queen Dalampasigan 2015?" Bahagya akong lumingon sa kanya bago ito tinaasan ng kilay. "Joining shovel in some contest? Maybe you're good crash course in stage huh?" Hindi ko sya pinansin dahil busy ako sa niluluto ko. Hindi ko talaga iniisip na nandito si Matteo sa probinsya. Parang ayaw kong maniwala.

"Tapos na akong mag luto kaya kumain na tayo." Saad ko kaya dali-dali syang lumapit sakin. Siguro ay gutom na gutom na ito. Nilipat ko ang sinabawang baka sa malalim na plato saka narin ako naglagay ng kanin sa plato niya. Bawat galaw ko ay pinapanunuod niya kaya sumulyap ako muli sa kanya.

"Maybe it's good to be married like you." Bigla akong napaubo sa sinabi niya. Ramdam ko ang panginginit ng aking pisnge kaya hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diresto.

"Kumain kana," Umupo ako sa kabila saka nagsimulang kumain. Hindi ko alam kong bakit ganito ako umasta kay Matteo. Galit pa ako sa kanya diba? Kaya hindi ko iyon nakakalimutan. Tahimik kaming kumaing dalawa kaya napagpasyahan kong tumahimik narin.

Panay lagay niya ng kanin saking plato kaya hinahayaan ko nalang sya. Siguro ganito pag gutom ang isang tao pipiliin mo nalang na tumahimik sa hapag.

Nagulat nalang ako ng biglang kumidlat ng malakas kasunod ang malakas na buhos ng ulan. Dali-dali akong tumayo saka nag tungo sa bintana. Isa-isa ko iyong sinara. Napalingon ako kay Matteo at dali-dali niyang sinara ang pinto sa harap.

Tumungo narin ako sa kwarto ko saka sinara ang bintana. Kumulog nang malakas kaya napatalon ako sa takot. Ang dibdib kong sobrang lakas ng tibok ng puso dahil sa takot. Oo hindi ako takot sa multo ngunit takot na takot ako sa kulog at kidlat. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Matteo mula saking balikat kaya napaharap ako sa kanya. Lumapit sya sakin ng kaunti.

"Are you okay?" Hinimas niya ang pisnge ko kaya agad akong umiwas ng tingin. Hinawi ko ang kamay niya saka dali-daling lumabas ng silid.

Tinatanong niya pa talaga kong okay lang ako? Ang galing naman ng tanong niya, habang ako ay nasasaktan na.

Sinundan niya ako mula sa kusina kaya dumiretso ako sa lababo bago humilamos. Nawalan ako ng gana. Pumikit ako ng ilang sandali bago humarap sa mesa. Nagulat nalang ako dahil nasa harap ko sya. Ang kanyang mukha ay may malaking question mark at tila mukhang nagtaka sa inasta ko ngayon.

"I'm sorry if I made any mistske. I dont know kong ano talaga ang kinagagalit mo sakin. Kong may nagawa man akong kasalanan bakit di mo ako kausapin?" Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas lalong lumala.

"Hindi mo alam kong bakit ako nagagalit sayo? Hindi mo alam kong bakit ako umiiwas sayo huh? Wow Matteo ang galing mo." Galit kong sabi kaya natahimik sya. Isa-isang tumulo ang luha ko sa galit. Hindi ko alam kong bakit ako naging emosyonal ngayon. "Napakasinungaling mo Matteo. Napakasinungaling mo." Tinalikuran ko sya agad ngunit hinuli niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya mas lalong tumulo ang luha ko. Ang sikip ng aking dibdib ay pilit akong hindi pinapahinga nito. Tinulak-tulak ko sya ngunit ang higpit ng yakap niya sakin.

"Im sorry Mary," Bulong niya sa tenga ko. Napapikit ako saka dinaramdam ang kanyang yakap. Gusto ko syang yakapin pabalik subalit pinipigilan lang ako ng sarili kong galit.

"Isang sorry mo lang ay balik ulit ako sa pagiging tanga diba? Ang daya mo naman Matteo. Hinayaan mo akong mahulog sayo ng tuluyan pero sasaktan mo lang pala ako? Ang daya-daya mo naman!" Tinulak-tulak ko sya ngunit hindi parin ito humiwalay sa yakap. Mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit.

"Im sorry dahil hindi ko rin sinasadyang mahulog sayo. Im sorry, Mary." Nakagat ko ang labi ko saka sya dahan-dahan itinulak. Siguro ay hindi itong tamang panahon para pag-usapan yan. Pagod sya at pagod din ako. Kailangan namin mag pahingang dalawa.

"Siguro ay pagod lang tayong dalawa. Mag pahinga kana at bukas nanatin ito pag-usapan." Tinalikuran ko sya saka niligpit ang pinagkainan sa mesa.

Naramdaman kong nilagpasan niya ako bago ito pumasok sa kwarto. Bagsak ang magkabila kong balikat kaya napaupo ako sa upoan. Hindi ko alam kong bakit hindi ko sya magawang kausapin ngayon. Ang bigat ng nararamdaman ko ay kanina ko pa ito pinipigilan.

Pumasok narin ako sa kwarto saka bumulagta sa kama. Gumapang ako sa pagod bago niyakap ang sarili. Naiisip ko si Matteo kong natutulog na ba sya? Ano kayang ginagawa niya? Naaawa ako sa kanya dahil bumyahe pa talaga sya papunta dito kahit malayo.

Pilit kong ipinipikit ang aking mata ngunit alingasa ako at hindi makatulog. Kaliwa, kanan ang posesyon ko kaya panay ang pilig ko saking ulo. Lumakas pa lalo ang ulan kaya mas lalo akong natakot. Ang kulog at kidlat ay nag papanginig saking buong katawan. Naiiyak na ako sa takot kaya dinaan ko nalang sa pagyakap saking sarili. Isang oras na akong ganito dahil sa lakas ng ulan. Sobrang ingay ng patak ng ulan mula sa kisame.

Nagulat nalang ako bigla. Napaupo ako sa kama ng bumukas ang pintoan at bumungad sakin si Matteo. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. May dala-dala syang unan at kumot. Kumunot ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit gising ka pa?" Mahinahon kong tanong saka ito lumapit sakin at hinila ako pahiga. Ang malakas na ulan ay pinangingibawan ng malakas ng pintig na aking puso. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko rason kong bakit nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.

"I can't sleep, can I sleep beside you? Please." Pagod niyang sabi saka ako niyakap ng mahigpit. Halos hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko dahil ramdam na ramdam ko ang maumbok niyang kabuohan mula saking hita. Nakagat ko ang labi ko at tuluyang hindi pumalag. Naging tahimik kami ng ilang segundo habang titig na titig ako sa kisame. Ang kanyang kamay na hinimas-himas ang tiyan ko kaya hinuli ko iyon saka sya pinigilan. "About Venus?" Una niya salita ulit. Tumahimik lang ako habang dinaramdam ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "She follow me on Macao. I dont know kong bakit niya ako nahanap dun. She is totally crazy at pinagkalat niya sa mga kaibigan niyang magkasama kami doon. Yes she have the right to attend the meeting there, pero pwede namang hindi sya dumalo dahil ako ang mas kailangan dun." Para akong nabunotan ng tinik sa sinabi niya. Ang puso kong pinalilibotan ng galit ay unti-unting nawala. "Im sorry for not telling this earlier. I lost my phone thats why i didn't text and call you. I want to buy new but i think mas mainam kong sa personal tayo mag-usap dahil alam kong galit kana sa mga oras na iyon, dahil sa mga naririnig mo sa bar." Mas lalo niya akong hinigpitan sa pagkakayakap. Napapikit ako at dahan-dahang tumagilid at hinarap sya.

"Im sorry Matteo," Mahina kong sabi saka niya hinalikan ang noo ko at niyakap ako ulit. Niyakap ko sya pabalik at sobrang sarap sa pakiramdam.

"I love you damn much baby. That's why i came here because i know you scared. You afraid of thunder right?" Tawa niya saka kaya ako sumimangot. "I want to be your blanket and i want to protect you." Mas lalo niyang idinikit ang kanyang katawan sakin. Ang malamig na gabi ay pinapainit ni Matteo gamit ang yakap niya.

"Matt----" tawag ko.

"Hmhmhm." sagot niyang nakapikit. Titig na titig ako sa kanya.

"Mag kasama ba kayo ni Venus sa iisang kwarto?" narinig ko ang munti niyang tawa.

"Nah," sagot niya.

"Sabay ba kayong kumain?" tanong ko ulit.

"Yes," Sumimangot ako sa sagot niya. "With all business person not just only me and Venus." Bahagya akong ngumiti sa sinabi niya. Niyakap ko sya ng mahigpit bago isinub-sob ang mukha sa dibdib niya.

"Matt?" tawag ko ulit.

"Hmhmhmhmh." pagod niyang sagot.

"Pano ka nakarating dito?" tanong ko na ikinatawa niya.

"Sumakay ako ng Airplaine. I ride  that fucking tricycle and i lost my temper to those crankling street." Sagot niya kaya humagik-ik ako. Mabato pala ang daanan papasok dito sa Gregoria.

"Hindi... ang ibig kong sabihin pano mo nalaman ang lugar ko?" Hampas ko sa kanyang balikat.

" I have a google map, Mary." pagod niyang sagot. Nagbuntong hininga ako saka piniling tumahimik nalang.

Ilang minuto akong gising. Hindi parin ako makatulog kaya hindi ko mapigilang mag tanong ulit. Itinaas ko ang noo ko at tinititigan sya. Pagod na pagod si Matteo dahil nakapikit na ito.

"Matt?" Bigla ko nalang naramdaman ang kanyang labi sa labi ko. Nakanga-nga ako dahil sa gulat habang sya ay inaangkin ang bawat sulok ng aking labi. Ang kanyang mabangong hininga at malambot na labi ay kay sarap nguyain. Napahawak ako ng mahigpit sa damit niya mula sa likuran.

Huminto sya sa halik at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap saking bewang.

"Sssssss.....Would you please stop asking baby? Let's sleep okay? I love you." Halik niya sa noo ko saka niya ako niyakap muli.

Rinig na rinig ko pa ang malakas na tibok ng kanyanh puso kaya napapangiti ako. Isinubsob ko ulit ang mukha ko sa dibdib niya saka pumikit ng tuluyan.

Ang kaninay mabigat kong dibdib ay unti-unting gumaan. Ang lungkot saking labi ay biglang pinalitan ng saya at tuwa. Ang sarap magmahal ng isang Matteo.

I love you too baby.