Chereads / The Virgin Mary / Chapter 47 - KABANATA 44

Chapter 47 - KABANATA 44

Pagkatapos sabihin sakin iyon ni Nard ay para bang nakaramdam ako ng galit at inis saking sarili. May tao rin palang patagong nagmamahal sakin. Sa libo-libong tao sa mundo, bakit umaasa pa tayo sa iisang tao. Bakit kaya ganon?

Nahihiya na ako kay Nard simula nong isinayaw niya ako sa maraming tao. Hindi ko alam kong pano maniwala dahil diretsahan niyang sinabi sakin iyon.

Isa-isa naring umuwi ang mga bisita at ang mga kaibigan ni Nard. Tanging mga kapitbahay nalang nila ang naiiwan. Nag kakasiyahan sila habang nag bi'videoke. Minsan ay napapasulyap ako kay Nard habang kumakanta sya. Hanggang ngayon ay sobrang ganda parin ng boses niya. Nasa iisang mesa kami habang naglagay ng iilang matamis na pagkain si Ante Marta. Lasing na si ninong Jimmy kaya nauna itong natulog.

Kasama ko si Ante, Becky at iilang babae na kapitbahay nila. Hindi ko sila kilala at mukhang walang balak din itong mag pakilala sa sakin.

"Alam nyo ba girls sasali ako sa darating na pageant dyan sa baranggay hall," Napahinto ako sa hapag ng marinig ko ang usapin nila. Sumulyap si Ante sakin.

"Oo nga pala anak. May pageant sa kabilang baranggay baka gusto mong sumali?" Sambit ni Ante. Kita sa gilid ng mata ko ang iritasyon ng tatlong babae.

"Ante Marta hindi sya pwedeng sumali dahil hindi naman sya taga rito," Singit ng babaeng nakaponytail ang buhok. Uminom ako ng tubig saka nag patuloy sa pagkain.

"Hoy Jelai anong hindi sya taga rito? Eh dito yan nakatira noon. May bahay nga sila sa may dalampasigan eh. Saka hindi mo ba alam na hinakot niya lahat ng korona sa iilang patimpalak?" siniko ko si Becky sa sinabi niya. Napasulyap sya sakin. "Totoo naman diba? Lahat ng sinasalihan mo ay napapanalo mo. Lahat sila back stage." siniko ko ulit si Becky kaya natahimik ito. Kitang-kita sa mga mata ng tatlong babae ang gulat na may inis.

"Hindi na po ako sumasali sa mga ganyan ante. Babalik din naman ako sa Manila. Apat na araw lang naman ako dito." Sagot ko bago sumubo ng pagkain. Sumulyap ako sa tatlong babae ngunit tinaasan lang nila ako ng kilay.

"Eh babalik rin pala pano makakasali?" Bulong ng babae na rinig na rinig ko. Nagtaas ng kilay si bakla kaya pinigilan ko lang iyon.

"Hayy naku mabuti pa ay ubusin nyo na yang pagkain sa mesa at kailangan ko munang silipin si Jimmy sa loob. Baka patiwarik na yung natutulog." Tumayo si Ante saka isa-isa  kaming tinititigan. "O sige maiwan ko muna kayo dito," Huli niyang sabi bago kami iniwang lima sa mesa. Binalotan kami ng katahimikan at tanging videoke lang ang nagbibigay ingay sa pagitan naming lahat.

Pinapanunuod namin ang mga kaibigan ni Nard na mukhang nasisiyahan sa pagkakanta. Panay kilig naman ni Becky dahil sumasayaw si dodong habang kumakanta ito.

"Saan ka matutulog mamaya?" Sumulyap ako kaya Becky.

"Sa bahay," Ngiti kong sagot kaya ngumiwi sya.

"Hindi ka ba talaga natatakot dun?" Ulit niyang tila natatakot. Tumawa ako ng bahagya saka sumulyap sa tatlong babae. Titig na titig sila kay Nard at mukhang isa sila sa mga nagkakagusto dito.

"Hindi," Tipid kong sagot.

"Gusto mo samahan kita?" Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Kitang-kita sa mata niya na napilitan lang ito. Gusto kong matawa ngunit mukhang seryoso at sinseryo si Becky.

"Huwag na Becky. Okay lang ako. Ayaw kong mapuyat ka dahil alam na alam kong hindi ka makakatulog sa bahay." Tawa kong wika. Sumimangot sya bilang sagot at alam kong natamaan sya sa sinabi ko. Lumingon ako muli sa direksyon nila Nard. Hindi ipagkakaila na gwapo talag si Nard, halos magkamukha sila ni Becky. Sayang talaga si Becky bakit naging bakla pa.

Ilang sandali lang ay napagpasyahan nilang umuwi na. Mag'aalas dose narin kaya napagpasyahan nilang tumigil sa pag bi'videoke. Lumapit si Dodong at Nardo samin kasama ang tatlo rin nilang kaibigan. Hindi ko aakalain na tatabi sakin si Nard saka ito uminom ng tubig. Ang kanyang mga kaibigan ay nasa tabi ng tatlong babae at si Dodong ay nasa tabi ni Becky.

"Oh girls gusto nyong uminom?" Lasing na saad ng lalaking kaibigan ni Nard.

"Basta may alak may balak, huwag nalang." Maarteng sagot ni Jelai bago ito sumulyap sakin. Humalakhak si Dodong.

"Ang sakit mo namang magsalita Jelai. Anong akala mo samin rapist? Hahaha." Humaltak ng tawa si Dodong kasama ang tatlong kaibigan nito. Sumulyap ako kay Nard at nahuli ko itong nakatitig sakin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Hay naku naku magsi'uwian na nga kayo dahil inaantok na ako." Humikab si Becky saka ito sumulyap sakin. "Hatid na kita pabalik sa bahay mo,"

"Ako na ang maghahatid sa kanya," Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko kay ,ard. Ang kanyang pulang mukha ay mas lalong nagpapalasing saming paningin.

"Pano kami?" Pagmamaktol ng tatlo kaya napalingon ako sa kanila. Kitang-kita mula sa mga titig nila ang iritasyon at galit.

"Diba sabi mo eh ihahatid mo kami pauwi?" pagmamaktol nito.

"Kami na ang mag hahatid sainyo Jelai." Anyaya ni Dodong kaya ngumiwi ang tatlo.

"Eh mas gusto naming si Nard ang maghatid eh." Iritasyong sagot ni Jelai. Napasinghap ako, ayaw ko ng ganito dahil hindi ako ganitong klasing tao.

"Kaya kong umuwing mag-isa," Sagot ko na ikinatahimik nilang lahat. Lumingon ako kay Nard bago ito nginitian. "Ihatid mona ang mga kaibigan mo, okay lang ako." dugtong ko. Tumayo ako sabay ng paghila ni Nard saking pulso.

"Ihahatid natin sila. Pagkatapos ay ihahatid din kita pauwi," Bagsak boses nito bago sumunod patayo. Nag taas ng kilay ang tatlo kaya umiwas agad ako ng tingin. Siguro ay ayaw nila akong nandito. Wala naman akong balak agawin si Nard sa kanila kaya hindi sila dapat matakot at kabahan.

"Pano pare? Mauna na kami sainyo. Maraming salamat sa gabing ito. Happy birthday ulit." Isa-isang niyakap ng tatlong lalaki si Nard .Tumayo narin si Becky saka nag paalam sa mga kaibigan ng kuya niya.

"Gusto mo samahan ko kayo ni kuya?" Saad ni Becky sakin na agad kong ikinailing.

"Huwag na Becky. Alam kong inaantok ka narin, sige na pumasok kana sa loob." Niyakap niya ako ng mahigpit saka ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Hindi na ako nakapag paalam kay Ante dahil ang sabi ni Nard ay tulog na ito. Pinapanuod kong pumasok si Becky saka ito sumulyap sakin panandalian. Kumaway sya sakin at kumaway din ako pabalik.

Lumingon ako mula sa likuran at mukhang hinihintay ako ng apat. Napadpad ang tingin ko kay Jelai na nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ni Nard. Lumipat ako sa kanila saka kami nagsimulang maglakad.

Naunang naglakad ang dalawang kaibigan ni Jeali saka ako sumunod habang nakasunod sakin si Jelai at Nard. Naiilang akong maglakad dahil nasa likuran ang dalawa. Dumaan kami sa madilim na daan at tanging ilaw lang ng iilang bahay ang nagbibigay liwanag.

Nagkukulitan ang dalawang kaibigan ni Jelai at mukhang may pinapanunuod sa cellphone nila. Nanlaki ang mata ko dahil naalala ko ang phone ko. Iniwan ko pala sa bahay dahil walang bulsa itong suot ko ngayon.

"Guys hanggang dito lang kami," Hikab ng dalawang kaibigan ni Jelai. Huminto ako habang pinapanunuod  silang naki beso-beso kay Jelai. Sa nakikita ko ay malapit niyang kaibigan ang dalawa.

"Goodnight girls. Sa palengke nalang tayo mag kita-kita bukas," Pagod na sagot ni Jelai. Mukhang inaantok na din ito. Naramdaman kong tumabi sakin si Nard mula sa gilid ko kaya sumulyap ako sa kanya. Walang ekspresyon niya akong tinignan.

"Bye Regienard. Salamat sa pagkain huh? Happy Birthday ulit," Kumaway ang dalawa saka ito naghiwalay at pumasok na sa kani-kanilang bahay.

Lumingon si Jelai samin at nag taas ito ng kilay. Dali-dali niyang pinulupot ang kayang kamay sa braso ni Nard saka ito hinila palayo sakin.

"Tayo na," Hila niya ng tuluyan saka naunang maglakad kasama si Nard.

Dumaan kami sa medyo liblib na daan. Mula sa gilid ng daanan ay ang mga mumunting dahon at bulaklak. Medyo madilim kaya dahan-dahan akong naglakad.

Nauna sila sakin kaya panay ang lingon sakin ni Nard. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa isang malawak at patag na lugar. Bumungad sakin ang kulay gintong bahay na gawa sa kawayan. Siguro ay ito na ang bahay ni Jelai.

"Nard baka gusto mong pumasok muna sa loob?" Anyaya niya na ikinailing ni Nard. Sumulyap sakin si Jelai at tiningnan ulit ako mula ulo hanggang paa.

"Huwag na Jelai. Kailangan ko pang ihatid si Mary pauwi." Sagot ni Nard. Nag tiim bagang si Jelai at kalaunan ay pumayag narin ito.

"Sige kailangan ko ng pumasok sa loob. Happy birthday ulit Nard. Sana ay nagustohan mo yung regalo ko." Nabigla ako sa pagyakap niya kay Nard bago ito hinalikan sa labi.

Nag-iwas agad ako ng tingin at pilit kinakalma ang sarili. Nag-sisisi na ako ngayon dahil mukhang nakakadisturbo pa ako sa dalawa. Sumulyap ako muli sa kanila at may distansya ng pumagitna sa kanilang dalawa. Tuluyan na syang pumasok sa loob bago ito kumaway kay Nard. Binaling ni Nard ang tingin sakin saka sya lumapit.

"Hatid na kita," Tumango ako bilang sagot saka kami sabay naglakad.

Dumaan kami sa nadaanan namin kanina. Panay kapit niya sa braso ko at tila inalalayan akong maglakad. Naiilang ako kay Nard ngunit iniisip ko nalang na wala akong nakita kanina.

Nang makaabot kami sa malawak at patag na daanan ay binitawan niya ang braso ko. Inayos ko ang aking sarili bago nagsimulang maglakad sabay niya. Nakapamulsa lang ito at seryosong nakatitig sa daan.

"Girlfriend mo si Jelai?" Nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko nagawang pigilang magtanong.

"Wala kaming relasyon," Sagot niya ng bahagya. Natahimik ako ng ilang segundo bago nagbuntong hininga. "Oo naging kami pero noon," Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon ko sa kanya. Literal akong nagulat. Kaya pala sobrang dikit ni Jelai sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit kayo naghiwalay?" Hamon kong tanong.

"Dahil sayo." Napahinto ako sa paglalakad bago humarap sa kanya.

"Regienard ano bang pinagsasabi mo?" Taas tono ko kaya bahagya syang natawa.

"Ayaw ko namang gamitin sya oara kalimutan ka. Kaya mas pinili kong mag hiwalay kami hanggat maaga pa," Sagot niya na ikinatahimik ko pa lalo.

Nagsimula ulit akong maglakad kaya sumunod sya sakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sana ay hindi nalang ako nagtanong pa. Pinagitnaan kami ng katahimikan hanggang sa umabot kami sa labas ng bahay.

"Salamat sa paghatid," Sabi ko kaya napabuntong hininga sya.

"Sorry Mary," Tinititigan ko sya ng walang ekpresyon. "Kalimutan mo nalang ang sinabi ko kanina. Wala naman akong mapapala diba? Dahil wala ka namang nararamdaman para sakin." napapikit ako sa sinabi niya.

"May boyfriend na ako Nard," Natahimik sya sa sinabi ko. Ang kanyang dalawang balikat ay bagsak.

"Alam ko..... Subalit ayaw ko lang maniwala sa sinabi ni Beck sakin. Gusto kong marinig mula iyon sa bibig mo at ito na siguro yun." Para akong nahulog sa bangin sa sinabi niya. Nasasaktan ako sa ekspresyon ng mukha niya ngayon. Sinabi ko kay Becky kanina ang lahat at hindi ko aakalain na may sili pala ang bibig ng baklang 'yon.

"Sorry kong umasa ka sakin. Hindi ko sinasadyang masaktan ka." Nakagat ko ang labi ko pagkatapos sabihin iyon. Naramdaman ko nalang ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Huwag mo na yung isipin Mary. Masaya ako para sayo." Hindi ko alam kong sinong tumulak sakin para yakapin sya. Niyakap ko sya ng mahigpit at ganon din sya sakin. Kaibigan ko sya, kaibigan sya ni Rocky at magkababata kaming tatlo. Alam na alam kong noon ko pa napapansin ang pag tingin niya sakin kahit hindi kami masyadong nag-uusap.

"Siguro naman ay pwede kitang kaibiganin?" Taas kilay ko kaya tumawa sya ng mahina.

"Bakit hindi?" Natatawa niyang saad. Masaya ako ngayon dahil natupad narin ang hinahangad kong makausap sya ng ganito ka tagal.

Umuwi si Nard saka ako tuluyang pumasok sa loob. Bagsak ang katawan ko sa kama at pilit ng ipinikit ang magkabilang mata. Naiisip ko ang mga kaibigan ko at sigurado akong sa mga oras na ito ay nasa trabaho sila. Na mimiss ko ang apat, na mimiss ko ang trabaho ko.

Tumagilid ako saka niyakap ng mahigpit ang unan. Napadpad ang tingin ko sa cellphone kaya dali-dali ko iyong inabot mula sa mesa. May iilang message at tawag galing sa kanila.

Hindi ko alam kong bakit sumikip ang dibdib ko. Kahit isa ay walang text at tawag galing kay Matteo. Ito naman ang gusto ko diba? Bakit ngayon ay tila nag-sisisi na ako.

From Ivony:

Hindi nanamin sya nakita dito simula nong malaman niyang wala ka. Hayy Maey kong nakita mulang sana yung mukha ni Sir kong pano sya magalit samin.

Nagbuga ako ng iilang hininga sa nabasa. Hindi ko alam kong bakit hinahanap niya pa ako kong nandyan naman si Venus. Bakit hindi sila ang magsama?

Binalik ko ang phone sa gilid ng kama saka pilit na pumikit. Hindi ko alam kong pano ako nakatulog kong pati sa isipan ko ay kinukulit ako ni Matteo. Nakakainis dahil nag papakatanga nanaman ako sa kanya.

Pwede ko naman syang kalimutan kahit ngayon lang o kaya sa susunod na araw. Oo kailangan ko syang kalimutan kailangan kong mag enjoy sa apat na araw ko dito. Ayaw ko ng sagabal saking isipan.

Kinaumagahan ay maaga akong nagpatuloy sa paglilinis ng bahay. Nilagyan ko narin ng puting kurtina ang iilang bintana sa sala at kwarto.

Nagluto ako ng sinabawang isda para sa umagahan. Pagkatapos ko nito ay didiretso ako sa palengke para naman makatulong kina ante. Bukas ay anibersaryo ni Nanay at tatay kaya bukas na bukas ay dadalaw ako sa simenteryo.

Dumirekta ako agad sa palengke ng matapos ko ang gawain sa bahay.

Tanging short hanggang tuhod at puting tshirt ang sinuot ko. Gustohin ko mang hubarin itong damit na bigay niya ay hindi ko magawa. Wala akong masyadong dalang damit. Pagkadating ko sa palengke ay tanging si Becky lang ang nandun.

"Becky?" Kumaway ako sa kanya kaya lumapad ang ngiti nito. "Nasan si Ante?"

"Ayun napagod kagabi kaya tanghali ng nagising. Susunod din yun maya-maya. Mabuti nalang talaga aeh mamayang hapon pa ang klase ko." Tumabi ako sa kanya saka sya tinulongang ayusin ang iilang gulay.

"Ganon ba? Si Nard nasan?" Lumapad ang ngiti niya sa tanong ko. Ang kanyang labi ay naglalaro.

"May pasok," Ngiti niyang pang-aasar kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit mo hinahanap si kuya?" natatawa niyang tanong.

"Nagtatanong lang ako Becky, ano ka ba." Hampas ko sa kanyang braso.

"Nagtatanong? O baka na mimiss mo sya?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "May nangyari kagabi noh?" Kiniliti niya ako sa tagiliran kaya lumayo ako ng kaunti sa kanya.

"Tumigil ka nga Becky. Mag kaibigan lang kami ng kuya mo. Ikaw talaga!" Bulyaw ko sa kanya ng pahina.

"Sigurado ka?" Sabay kaming napalingon sa harap ng bumungad samin si Jelai kasama ang kanyang dalawang kaibigan. Kinakabahan ako sa titig niya sakin.

"Oh Jelai? May bibilhin ka ba? Bakit ka nandito sa pwesto namin?" Sarkastikong tanong ni Becky.

Nag taas ito ng kilay samin.

"Wala lang napadaan lang kami. Gusto ko lang makita si Mary." Sagot nito saka humalakhak ang dalawa niyang kaibigan.

"Ano ba yan ang daming langaw. Nakakasira ng paninda ko." Pinaypay ni Becky ang pamaypay na gawa sa supot mula sa mga paninda niya. Naningkit ang mata ng tatlo dahil pati sila ay pinaypayan ni Becky.

"Inaasar mo ba kami Becky?" Taas kilay ng kasama niya. Humalakhak si Becky habang nakapamewang.

"Hindi ah..... Bakit kasi ang lapit nyo sa paninda ko. Mas mabuti pa ay umalis nalang kayo. Mukhang walang lumalapit na costumer oh." Taas kilay ni Becky kaya padabog umalis amg tatlo. Bago pa sila tuluyang naka alis ay tinawag ako muli ni Jelai.

"Hoy Mary umiwas-iwas ka sa boyfriend ko. Dahil hindi mo alam kong pano ako magalit." Huli niyang sabi saka ito bumalik sa pwesto nila. Karne at iilang prutas ang kanilang paninda. Ang dalawa niyang kaibigan ay katulad lang din sa paninda ni ante.

Napasinghap ako. Wala akong inaagaw at never ko yong gagawin.

"Huwag muna yung pansinin baklabesh. Naiingit lang yun sa beauty mo. At isa pa matagal na silang wala ni kuya noh, kong makapag salita ay parang pag mamay-ari niya si kuya? Tssee!" Pagmamaktol ni Becky.

Napailing ako bago nagpatuloy sa pag aayus ng iilang paninda nila. Natatawa nga ako dahil panay sipol at kaway ng iilang kargador sakin. Hindi ko lang iyon pinansin pero si Becky ay binubulyawan niya ang mga ito. Galit na galit sya sa mga taong sumisipol.

Umupo ako saglit sa plastik na upoan bago hinalungkat ang iilang mensahe galing kina Ivony. Aasa pa ba ako na mag paparamdam sakin si Matteo? Iniwan ko na nga diba? Ginagawa ko lang baliw ang sarili ko. Nilibang ko ang sarili ko sa kakatext sa apat. Ngiti ako ng ngiti dahil sa na iimagine ko ang mukha nila ngayon.

"Grabe ang gwapo niya noh?"

"Eeeh..... Ang laki ng katawan at ang macho macho."

"Siguro ay taga Manila iyan. Sa tindig at pananamit ay mukhang sobrang yaman."

"Hello Sir magandang araw po," Kinalbit ako ni Becky sa tagiliran ngunit hindi ko iyon pinansin. Panay ang ngiti ko habang katext ang apat. "Hmhmh Sir bibili ba kayo? Anong gusto nyong bilhin ito ba? Gusto mo ng gulay o kaya isda? Pero Sir mas masustansya itong talong,"

Naririnig ko pang kinikilig si Becky at nasanay na ako sa kilos niyang ganyan. Nanatiling nasa cellphone ang atensyon ko.

"Im sorry im not here to buy, I am looking for her." Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko sa upoan rason kong bakit nauntog ang ulo ko sa mababang kisame. Napayuko ako bago hinimas ang noo ko ng ilang ulit. Halos maluha ako sa sakit.

"Ano ka ba bakla bakit hindi ka nag-iingat." Hinimas din ni Becky ang ulo ko. "Omg Sir baka madumihan kayo dito,"

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Matteo sa magkabila kong pisnge rason kong bakit nahuli niya ang mata ko. Ang kanyang perpektong mukha ay nakita ko ulit. Ang puso kong nagliligyab sa bilis nito. Nasasaktan ako habang naglalaban kami ng titig.

"Are you okay?" Hindi ko magawang gumalaw ng idinampi niya ang kanyang labi sa noo ko. Inihipan niya ang noo ko ng ilang ulit kaya napapikit ako. Ang kaba ng aking dibdib ay nag papatindig saking balahibo dahil sa mainit niyang hininga sa noo ko.

"Oh my gulay tilapyang nabuhay. Anong ibig sabihin nito?" sigaw ni Becky ng pakilig.

Agad akong napatayo ng matuwid bago tinanggal ang kamay ni Matteo sa pisnge ko. Bakit sya nandito? At pano niya ako natunton? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nasa harap ko ang lalaking gumugulo saking isipan. Gusto ko syang suntokin at sampalin ngunit ng masilayan ko ang mukha niya ay nanghina ako.

Sya lang naman ang kahinaan ko.