Chereads / The Virgin Mary / Chapter 44 - KABANATA 41

Chapter 44 - KABANATA 41

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay bumalik na ako sa bar. Bagsak ang magkabila kong balikat na pumasok sa silid. Gusto kong umiiyak subalit hindi ko magawa dahil sa galit at puot na nararamdaman ko ngayon kay Matteo. Nagagalit ako sa kanya, naiinis ako sa kanya. Habang ako ay nasasaktan dito sya naman ay masaya kasama si Venus sa Macao. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay winawasak ang sarili kong pangarap.

Ngayon lang ako nagmahal ng ganito sa buong buhay ko. Ngayon lang ako naging masaya dahil kay Matteo. Bumagsak ang katawan ko sa kama ng patalikod. Panay sampal ko saking ulo dahil nag papakatanga ako sa isang lalaki. Ang galing-galing umakteng ni Matteo, ang galing niyang mag pahulog ng isang kalbit lang. Tama ang mommy niya hindi ako nababagay sa isang katulad niya. Hindi ako karapat-dapat sa kanya. Siguro ay nadala lang ako sa huwisyo ng aking nararamdaman para sa kanya. Hindi ko alam kong pano ako nakatulog.

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng iilang boses sa silid. Minulat ko ang aking mata at na pagtanto kong may kumot na saking katawan. Napadpad ang tingin ko sa mga kaibigan kong nasa gilid ng kama habang tinititigan ako.

"Good afternoon," Bati sakin ni Ivony. Dahan-dahan akong umupo sa kama.

"Anong oras na?" Isa-isa kong tingin sa kanila.

"Alas 3 emedya pa ng hapon. Tama lang yung gising mo," Mahinahon na sagot ni Grace. Naka abang parin sila sakin na para bang nag hihintay sa maari kong ikwento.

"Yung babae? Diba mommy iyon ni Matteo?" Literal akong nagulat sa tanong ni Jessica. Buong akala ko ay hindi nila kilala si ma'am Torria.

"Kilala nyo?" gulat kong tanong.

"Oo Maey, minsan na sya dito kasama ang mommy at daddy ni Sir Clifford." Nakagat ko ang labi ko sa sagot ni Grace. Buong akala ko ay kailangan nila ng eksplenasyon galing sakin. Siguro naman ngayon ay alam na nila ang sagot.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Ivony. Tumango ako bilang sagot. Hindi ako okay pero kailangan kong mag panggap sa harap nila. Ayaw ko silang madamay sa mga problema ko.

"Siguro ay uuwi muna ako bukas sa probinsya," Wika ko na ikinagulat nilang lahat. Isa-isa silang nag katinginan sa isat-isa.

"Bukas agad?" Kunot noo ni Ivony. Tumango ako bilang sagot. Susubukan kong mag paalam kay Clifford ngayon. Kailangan kong umuwi dahil anibersaryo ng magulang ko sa susunod na araw. At isa pa may rason na ako para umuwi.

"Baka hindi ka na babalik huh?" Simangot ni Jessica. Naging malungkot ang mukha nilang tatlo habang si Erika ay nakatitig lang sakin.

"Babalik ako ayaw ko namang makulong. May kontrata akong pinermahan." Natatawa kong sagot.

"So kong walang kontrata? Hindi ka na sana babalik?" Taas kilay ni Grace. Agad syang binatokan ng dalawa at iyon ay hilig nilang gawin kay Grace.

"Syempre babalik sya. Nandito kaya si sir," Kilig na saad ni Ivony. Natahimik ako sa singit niya. Nahuli kong silang nagtutulukan sa kanilang mga balikat at di umano'y pinagsisihan ang binitawang salita ni Ivony.

"Oo babalik ako, pangako." Sagot ko bago sila nginitian. Babalik parin ako para sa trabaho ko dito, hindi para kay Matteo.

"So kakausapin mo si sir Clifford ngayon?" Singit ni Jessica. Tumango ako bilang sagot. Kailangan kong mag paalam sa kanya. Sana ay payagan ako.

Hindi na sila muling nagsalita pa. Napagdesyonan kong maligo dahil mag gagabi narin at magbubukas na ang bar ng ilang oras. Dali-dali narin akong nagbihis para mas maaga kong malinisan ang iilang tray at baso.

Kulay pula ang susuotin namin ngayon at kasing ikli lang ito ng iba naming uniporme. Maging sa trabaho ay gumugulo parin sa isipan ko si Matteo. Naiinis ako dahil nawawala ako sa konsentrasyon.

"Maey sa number ten at four ito, pakihatid nalang please." Saad sakin ni Erika. Matagal ko ng napaghahalata na naging okay narin ang pakikitungo niya sakin at hinahayaan ko lang iyon.

"Sige," Tinanggap ko ang iilang bote. Binasa ko ang resibo. Dalawang whisky sa numerong kwatro. At dalawang borakay sa numerong dyes. Nagtungo ako doon na may ngiti. Kailangan kong ayusin ang trabaho ko nagyon. Kailangan kong kumalma at kalimutan muna panandalian si Matteo. Naaninag ko ang dalawang babae sa number four.

"Goodevening maam," Nilapag ko ang bote saka silang nag pasalamat sakin. Minsan na akong nakakahalubilo ng mababait. Minsan din ay sadista at maldita. Nagtungo ulit ako sa number ten at naaninag ko ang isang babae at isang lalake mula sa mesa. Siguro ay mag jowa?

"Goodevening maam / sir." Bati ko sala nilapag ang bote. Bawat galaw ko ay pinapanuod nila kaya medyo naiilang ako. Nahuli kong nakatitig ang lalake sakimg hita kaya binaba ko ng kaunti ang aking damit. Hindi ko alam kong bakit niya nagawang tumitig sakin kong kaakbay niya naman ang kanyang girlfriend. "Enjoy you're drink po. Excuse me." Agad akong yumuko saka tuluyang umalis.

Dali-dali akong nagtungo sa counter. Naaninag ko ang tatlo mula dun. Tumabi ako kay Ivony na katabi ni Grace. Naghihintay ulit kami sa saad ni Erika. Kinuha ko muna ang phone sa bulsa at hanggang ngayon ay wala paring text si Matteo. Siguro ay kailangan ko ng walain tong nararamdaman ko ngayon. Sigurado akong masaya sya kasama si Venus ngayon. Naiisip ko palang na masaya sya kay Venus ay sobrang sakit.

"Wala parin bang tawag o kaya text?" Kunot noo ni Ivony kaya umiling ako agad. Alam kong nag-aalala na sila sakin kaya ayaw na ayaw kong maramdaman nila iyon.

"Alam nyo masama talaga ang kutob ko eh. Hindi kaya may nangyayaring masama kay sir Matteo?" Para akong nahulogan ng iilang bato sa likod sa diretsahang sabi ni Grace.

"Ikaw talaga Grace kong ano-ano yang iniisip mo. Maraming gwardya si sir at kahit lamok ay hindi makakalapit sa kanya." Iritasyong sagot ni Ivony. Sumimangot si Grace bilng sagot nito.

"Lalo niyo lang pinag-alala si Maey," Sambit ni Jessica. Napabuntong hininga ako sa sinabi nila. Ang hirap pala pag ganito, ang sakit sa puso ay unti-unti kang wawasakin nito pahina. Nagmahal lang naman ako sa isang tao pero nagawa pa akong saktan. Siguro ay lumampas ako sa limitasyon na hinahangad ko. Naging madali lang sakin ang lahat.

Hindi na muling nag tanong pa ang mga kaibigan ko. Patuloy ako sa trabaho at pilit ko paring inaayos ang aking sarili. Kong tuluyan na akong nasaktan bakit ko pa hahayaan? Kailangan kong labanin ang nararamdaman ko ngayon. Ayaw kong magpatalo.

"Maey pakihatid kina sir," Saad ni Erika. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kailangan kong ihatid ito kina Clifford. Hindi ko alam pero kinkabahan ako. Gusto kong tanongin si Clifford at Robi kong totoo ba ang narinig ko. Subalit wala akong lakas na loob para magtanong.

"Kailan daw babalik si Matteo at Venus?"

"Mukhang nag eenjoy silang dalawa sa Macao at wala nang balak umuwi yon."

Natigil ako ng ilang distansya sa harap nila. Narinig ko iyon kaya napapikit ako sa sakit. Nasasaktan ako kaya pilit ko iyong tinatago. May namumuong luha sa mata ko pero pinipigilan ko lang iyon. Suminghap ako ng panandalian bago tuluyang lumapit sa kanila. Sabay silang napalingon sakin at tila pinapanunuod ang bawat galaw ko. Kita mula sa gilid ng mata ko ang titig ni Clifford at Robi kaya hindi ko maiwasang mailang.

Pagkatapos kong nilapag ang iilang bote ay ang paglingon ko kay Clifford at Robi na may kasamang mga babae. Ang kanilang mata ay tila naglalaro at alam kong nag-aalala sila para sakin. Nag-aalala ba talaga sila? Umiwas ako ng tingin.

"Thank you Mary," Saad ni Clifford. Nag bow ako bago tuluyang umalis.

"Is that true? Yung narinig kong chismis na may kinababaliwang babae si Matteo dito? At isa pa talagang waitress?"

"Oh my ghad. Chismis lang yan Ven, si Venus ang mahal ni Matteo. Baka nga eh isa lang yon sa mga laruan niya."

Narinig ko pa sila bago ako lumayo. Ang luha kong pinipigilan kanina ay isa-isang umagos. Panay ang hawi ko saking mga luha. Hindi dapat ako umiiyak ng ganito. Hindi dapat ako nasasaktan. Galit ako kay Matteo at iyon ang nararamdaman ko ngayon. Galit ako sa kanya, galit na galit.

Inayos ko ang sarili ko at pilit kinokontrol ang sarili. Umiwas narin ako sa mga katanongan nila Ivony dahil wala rin naman akong maisasagot.

Nang mas lalong gumabi na ay isa-isa naring umuwi ang iilang lasing. Medyo kaunti narin ang nagsasayaw sa dancefloor at pahina narin ng pahina ang musika. Nagsimula na akong maglinis ng mga tray at ganon din ang iba busy sa kanya-kanya nilang trabaho. Lumingon ako kina Clifford at mukhang wala pang balak  tumayo at tinatapos ang inumin kasama ang mga kaibigan niya.

"Mag papaalam ka kay sir ngayon?" Tanong sakin ni Ivony. Tumango ako bilang sagot.

Ilang sandali lang ay isa-isa ng tumayo ang mga kaibigan ni Clifford kasama ang mga babae nito. Tuluyan na silang lumabas ng bar kasama si Robi at Clifford. Kanina pa ako dasal ng dasal na sana ay bumalik si Clifford dito. Nang sa ganon ay makapag paalam ako.

"Baka hindi na yun babalik si sir," Singit ni Grace. Bagsak ang magkabila kong balikat. Siguro ay baka sa susunod na buwan nalang ako uuwi nito.

"Baka hinatid lang yung babaeng kasama niya," Sana nga ay bumalik Ivony. Bulong ko saking sarili.

Nagpatuloy ako sa trabaho ng walang imikan sa apat. Nalinis ko narin ang buong mesa. Malapit na akong matapos ng biglang bumukas ang main door ng bar. Sobrang laki ng ngiti ko ng bumungad sakin si Clifford. Hindi ko na pinalampas pa at dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Sir pwede ba kitang makausap?" Direkto kong saad kaya napahinto sya sa may hagdanan. Literal na walang expression ang mukha ni Clifford bago ito sumagot.

"Okay sumunod ka sakin sa opisina." Sagot niya bago tuluyang umakyat. Sobrang lapad ng ngiti ko at agad akong sumunod sa kanya. Sana ay payagan ako ni Clifford umalis kahit apat na araw lang akong mawawala.

Nang nasa opisina kami ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ang aking kamay ay nanginginig at pinipigilan ko lang ito. Umupo sya sa kanyang swivel chair saka ito humarap sakin na nakasiklop ang magkabilang kamay. Minsan ko nang  napagkamalang Matteo si Clifford dahil sa parehong pustora ng mga mukha nito.

"About Matteo right?" Nanlaki ang mata ko sa diretsahan niyang salita. Umupo ako sa upoan saka lumunok ng ilang laway. Hindi ko maisip na iyon pala ang iniisip niya ngayon. "Mary ayaw kong mang himasok sa relasyon nyo, siguro ay kailangan mong hintayin si Matteo at sya na mismo ang magsasabi sayo ng buong detalye."

"Sorry sir pero hindi ito tungkol kay Matteo." Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. Ang kanyang ngiti ay mukhang napapaghalatang nagtataka. Ngumiti ako ng bahagya. Napakati sya sa kanyang batok na tila  napahiya.

"Kong ganon bakit mo ako gustong makausap?" Taas kilay niya. Suminghap ako ng ilang hininga bago ako magsalita muli.

"Sir gusto ko po sanang mag paalam sainyo," Naningkit ang mata niya sa sinabi ko. "Uuwi po sana ako bukas sa probinsya. Kahit apat na araw lang po akong mawawala. Kailangan ko lang po kasing bisitahin ang puntod ng mga magulang ko." Sumandal sya sa kanyang swivel chair habang pina ikot-ikot iyon.

"Siguradohin mong babalik ka huh? Baka mailibing ako ng buhay ni Matteo," Natatawa niyang sagot kaya nakagat ko ang labi ko. Hindi maiiwasang konektado si Matteo dito.

"Babalik po ako sir para sa trabaho. Hindi para sa ibang tao." Hamon kong sagot kaya umawang ang kanyang labi. Humalakhak sya ng ilang ulit.

"Really Mary? Ganyan ka ba masaktan?" Halakhak niya ulit. Inaasar lang ako ni Clifford at kita iyon sa mga ngiti niya.

"Hindi po ito konektado sa nararamdaman ko Sir," Tumahimik sya sa sinabi ko. Unti-unti sya nag tiim bagang saka tumuwid ng upo.

"Okay papayagan kitang umuwi. Pero babalik ka agad pagkatapos ng apat na araw. Hindi ko alam kong magagalit ba si Matteo sa gagawin kong ito. Hindi ko naman pwedeng pigilan ka dahil magulang mo ang pinag-usapan dito." Salaysay niya. May binuksan syang drawer sa ilalim ng kanyang mesa saka nag bilang ng ilang libo. Nakaramdaman ako ng pagkakailang sa pagitan namin. Pinsan parin sya ng boyfriend ko. "I give you an advance payroll para naman may mauwi ka sa probinsya," bumagsak ang mata ko sa hawak niyang pera. Mahihiya pa ba ako?

"Salamat po sir," Tinanggap ko ang pera at mukhang Sampong libo iyon. Hindi ko magawang tanggihan dahil kailangan ko rin ng pera pag uwi. "Nakakahiya po sir pero maraming salamat po talaga." Tumayo ako bago yumuko ng ilang ulit sa harap niya.

"You dont need to say thank you. Pinagtrabahoan mo iyan." Mahinahon niyang sagot.

"Sige po sir lalabas na po ako," Tumango sya bilang sagot saka ito sumandal sa swivel chair. Aakmang lalabas ako ng pintoan ng tinawag niya ako ulit.

"Mary?" Lumingon ako sa kanya ng bahagya. Ang ngiti ni Clifford ay nang aasar. "About Matteo? Dont worry baliw na baliw sayo yon." Dugtong niya na ikinahinto ng tibok ng puso ko.

Ang sarap sanang dinggin pero ang hirap paniwalain. Baliw sya sakin? Pero bakit ang dami kong naririnig? Bakit magkasama sila ni Venus sa Macao. Hindi ko alam kong anong punto ni Clifford. Pero kong ano man iyon ay hindi ito magpapawala sa sakit at galit na nararamdaman ko para sa kanya.