Chereads / The Virgin Mary / Chapter 46 - KABANATA 43

Chapter 46 - KABANATA 43

"Mary anak, hindi talaga ako makapaniwala na nandito ka." Kanina pa suri ng suri si ante Marta sakin. Nandito kami sa pwesto niya sa palengke kong saan malapit lang din ito sa dagat.

"Nay picture lang yan para naman matigil kana," Pagmamaktol ni Becky habang pinapaypayan ang paninda nilang isda.

"Ikaw naman anak sinigurado ko lang naman kasi. Malaki kasi ang pinagbago ni Mary. Tignan mo mas lalo syang gumanda. Na miss ko talaga ang batang ito eh." niyakap ulit ako ni ante Marta. Tawa ako ng tawa dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha ngayon.

"Na miss ko rin kayo ante," Sagot ko na ikinangiti ni Ante.

"Alam mo anak, Mary. Naalala ko tuloy ang nanay mo. Kamukhang-kamukha mo kasi sya." Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Ang sakit ng aking didib ay mas lalong napunan.

"Nanay naman eh.... pinapa-alala pa ang lahat nakapag move-on na yung tao oh!" Pagmamaktol ni Beckey. Ngumiti ako kay Ante.

"Sorry anak huh? Okay ka naba talaga ngayon?" Tumango ako bilang sagot. Okay na ako ngunit hindi ko parin maiwasang masaktan sa nangyari.

"Tika lang bakla." turo sakin ni Becky. "Siguro naman eh nakabinggwet ka ng gwapong mayaman sa Mania?" Nagulat ako sa tanong ni Becky. Nakagat ko ang labi ko at tila pinipigilan ang sariling sumagot.

"Wala," Sagot kong nakangiti.

"Sure ka ba dyan? Sa dami-daming gwapo sa Manila eh wala kang nagugustohan kahit isa? Oh baka naman umaasa ka parin kay Rocky," namilog ang mata ko sa sinabi ni Becky. Agad syang binatokan ni Ante.

"Ikaw talagang bata ka," sermon ni Ante. Natawa ako sa kanilang dalawa.

"Hindi ko alam Becky. Ang hirap pumasok sa mundo ng mga mayayaman. Katulad lang din nila ang nababagay sa kanila." Sagot ko na ikinaiwas tingin ni Ante. Tila naramdaman niya rin ang punto ko.

"Walang pinipili ang puso mayaman kaman o mahirap, anak. Kong tumitibok ito sa taong gusto mo ay kailangan mo nalang sundin. Kahit kailan hindi nag papapigil ang damdamin." Seryosong saad ni Ante. Sa bawat sinabi niya sakin ngayon ay nag papahina ng tibok ng aking puso. Mahirap kalabanin ang puso lalo na't tumitibok ito sa taong nag papahirap din sakin ngayon.

"Talaga Nay? So it means pwede kong sundan ang puso ko patungo kay Dodong?" Agad syang pinalo ni Ante ng pamaypay. Kinati ni Becky ang kanyang ulo dahil sa ginawa nito. Si dodong? Hanggang ngayon ay patay na patay parin sya sa payatot na iyon.

"Hindi pwede..... Kong ayaw mong pumutok yang labi mo sa kamao ng tatay mo," Bulyaw na nakapamewang ni Ante. Oo nga pala si Ninong. Tanging si Ante lang naman ang nakakaalam sa totoo niyang pagkatao.

"Ante si Ninong? Bakit di nyo sya kasama dito?" Ngumiwi sya sa tanong ko ang kanyang mukha ay biglang umiba ang awra.

"Ayun pumalaot," Bunsangot niya. "Walang pinagbago ang ninong mo anak, hanggang ngayon eh basagulero parin. Palaging lasing." Galit niyang sabi. Hinimas ni Becky ang likod nito sabay lambing.

"Nay hayaan nyo na si Tatay..... Buti nga hindi nambabae eh. Okay na yung alak kaysa iba ang hinahanap." Nagulat si Ante sa sinabi ni Becky. Ang kanyang mukha ay mas lalong naging tigre. Padabog niyang inayos ang iilang isda.

"Subukan lang ng tatay mo na lukohin ako. Kundi puputolin ko ang itlog niya." Galit na galit niyang sabi kaya natawa kami ni Becky.

Tinulongan ko narin sila sa panininda. Patuloy kami sa pag tatawag ng mamimili. Palagi ako dito sa palengke noon pag nag lalabada si nanay. Habang si tatay naman ay sumasama kay ninong Jimmy sa pamamalaot.

Lagi akong binibigyan ni Ante ng pera kapag naubos lahat ang paninda niya. Libre rin ako sa pananghalian hanggang haponan dito noon. Nakakamiss pala, kahit mahirap ay masaya at kumpleto. Ibang-iba na ngayon parang may kulang sa buhay ko.

Napasinghap ako ng bumigat ang aking damdamin.

"Oh.....Otanin kayo dyan mga manong at manang. Masustansya at siguradong lulusog ka. Samahan nyo narin ng isda para ang buhay nyo ay makulay kapag pinaghalo nyo sa sinabawang gulay. Hali na bili na kayo at sobrang presko pa nito tulad ko." Bulyaw ni Becky sa labas habang kumembot-kembot. Natatawa ako sa ginagawa niya. Hanggang ngayon ay iyon parin ang ginagamit niyang dialogo sa panininda.

Hinarangan ni Becky ang mag jowa na dumaan.

"Oh ate, kuya bumili  na kayo ng talong para ang relasyon nyo ay over'over long." Pakembot-kembot niya ulit habang umikot-ikot. Humagik-ik ako ng tawa kaya hindi ko mapigilang mamangha sa ginawa niya ngayon.

"Hindi kami bibili, padaan nga." maarteng saad ng babae. Bahagyang nag taas ng kilay si Becky.

"Bala kayo dyan, maghihiwalay din kayo later, walang forever kong yang partner mo mukhang tiger." bulyaw ni Becky habang sumasayaw. Natawa ulit ako sa ginawa niya.

"Becky huwag naman ganyan," tawag ko sa kanya na ikinataas niya ng kilay. Nagpatuloy sya sa kanyang ginagawa.

"Oh..... kalabasa, malunggay, talong at samahan nyo narin ng bahay kubo dahil nandito lahat ng masustansyang gulay na hinahanap nyo. Oh hopya mani popcorn." Bigla syang tinaponan ng tsinela ni ante kaya napahinto ito sa pagsisigaw. Sobrang sakit ng tiyan ko sa kakatawa. Sigurado akong mag kakasundo si Becky at ang apat kong kaibigan.

"Anong hopya, mani, popcorn yang sinasabi mo. Gulay at isda ang paninda natin dito." Bulyaw ni Ante saka ito nag peace sign sa nanay niya. Nagsimula ulit syang sumayaw.

"Ate kuya hali na't mamili ng iilang gulay sa maganda kong Nanay." Sumasayaw-sayaw parin sya sa gitna. Sumulyap ako kay Ante at bahagya itong ngumiti. Mukhang nakabawi ang Becky ah.

"Aleng Marta ilang kilo yang tilapya nyo?" Tanong ng matandang babae bago sya sumulyap sakin. "Tika lang?Mary ikaw ba yan?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko sya kilala o baka hindi ko lang naalala.

"Hi pretty madamme Marites." Biglang umakbay si Becky sa kanya kaya nagtaas ito ng kilay. "Bago ka namin sagotin ay bumili ka muna ng isda at gulay para pag-uwi mo ay mag kasing ganda na kayo ng babaeng nasa harap nyo." Biglang umaliwalas ang mukha ng babae. Dali-dali itong kumuha ng pera sa bulsa saka isa-isang kumuha ng gulay sa kariton.

"Magkano nga iyan ulit aleng Marta?" Natataranta niyang tanong. Kumunot ang noo ko sa ginawa ni Becky saka niya ako kinindatan. Ang galing niya dun ah. Nakuha niya ang babae.

"250 lahat manang," Binigay ni Ante ang supot saka niya iyon tinanggap binalik niya ang tingin sakin na may malaking ngiti.

"Naku madamme Marites sa ginawa mo ay mas lalo kayong gaganda niyan." Yakap na saad ni Becky. Tumawa ako ng bahagya bago tinignan ang matanda. "Oo nga pala si Mary po iyan madamme. Nakalimutan mo? Yung batang sipunin na palaging nag nanakaw ng bayabas sa tapat ng bahay nyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Becky. Naalala ko na sya, oo nga sya nga. Tawang-tawa ako saking isipan ngayon.

"Sya yun?" Turo niya sakin na para bang hindi makapaniwala. "Ikaw yun hija?" Ulit niya.

"Hehe opo manang pasensya na po huh?" Nahihiya kong sagot. Bahagya syang tumawa ng malakas.

"Ikaw yun? Yung Miss Queen Gregoria sa nayon antin?" Ulit niyang tanong.

"Yes madamme..... No other than." Palakpak na sagot ni Becky.

"Naku Manang mas mabuti pang umuwi na kayo ng maaga at magluto kayo agad. Diba gusto nyong gumanda lalo?" Napalingon kami lahat kay ante. "Kaya lutoin nyo na yang gulay na binili nyo, hanggat maaga pa."

"Oo nga po madamme baka kasi humaba ang usapan natin eh!" Dahan-dahang tinulak ni Becky si manang habang sumulyap parin ito sakin.

"Ang ganda!" Iling niya sakin."Ang ganda talaga." Ulit niya ulit. Nagtawanan kami ni Ante sa reaksyon ng matanda. Hinatid ni Becky si manang palabas ng palengke.

"Naku anak, simula nong lumipat kasi kayo sa kabilang baranggay ay makakalimutan mo talaga ang mga tao dito sa palengke. Bata ka pa kasi noon kaya hindi ka nila makikilala ngayon. Sa ganda mong iyan? Naku mahihiya siguro ang gluta C ni Judy Santamaria sayo." Patawa na wika ni Ante. Hindi ko alam na ganito pala ang tingin sakin ng mga tao dito. Ayaw ko namang sabihin sa sarili ko na maganda ako, pero iyon ang nakikita nila sakin.

Ilang sandali lang ay bumalik si becky na pakembot-kembot. Gwapo si Becky kaya lang ay medyo malambot ang katawan kaya mahahalatang  bading sya.

"Haaay ang kulit ni Manang gusto pang bumalik at mamili ng gulay." Maarte niyang saad. Lumabas ako sandali saka nagtungo kay Becky. Medyo naiinitan narin ako sa loob.

Luminga-linga ako sa paligid at halos busy ang lahat. Nagulat nalang ako ng may biglang nadapa saking likuran. Dali-dali akong umupo saka tinulongan sya. May dala-dala syang dalawang balde ng tubig at mukhang nabitawan niya ito.

"Ano ka ba Leo kailan pa naging languyan yang sahig?" Bulyaw ni Becky saka pinulot ang dalawang balde na hawak ni Leo kanina. Naalala ko sya, isa sya sa mga kaibigan ko noon.

"Mary? Ikaw ba yan?" Gulat niyang tanong bago himawakan ang magkabila kong kamay. Ang kanyang ngiti ay halos umabot sa tenga. Bigla akong hinalbot ni Becky ang kamay ko na hawak ni Leo.

"Hoy Leo kong makangiti ka dyan mukha kang eng-eng." Napakati si Leo sa kanyang batok sa kahihiyan. Titig na titig parin sya sakin at para bang hindi makapaniwala sa nakita. "Diretso kasi ang tingin sa daanan, hindi sa hita." Bulyaw ni Becky kaya siniko ko sya agad.

"Becky," Taas kilay ko sa kanya. Umirap-umirap pa ito at nag mumukha tuloy bantol sa dagat. Natatawa talaga ako sa baklang to.

"Leo kumusta kana? Si Sherry? Kayo pa ba?" Sunod-sunod kong tanong. Umiwas sya ng tingin at kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge.

"Oo bakla mag kakaanak na nga sila eh. Apat na buwang buntis si Sherry." Sagot ni Becky na ikinagulat ko. Kababata ko sila at kay dali ng panahon ay mag kakaanak na sila.

"Oo nga Mary eh. Gusto mo syang makita? Sigurado akong matutuwa iyon." Saad niya. Gusto ko ring makita si Sherry at mukhang magandang idea iyan. Na mimiss ko narin sya.

"Leo.... Yung tubig." Sumigaw yung matandang ale sa kabila kaya natatarantang kinuha ni Leo ang dalawang balde.

"Mary sasabihin ko kay Sherry na nandito ka. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." Saad niya na ikinatango ko. Naawa ako kay Leo dahil hanggang ngayon ay kargardo parin sya sa palengke. Hindi naman masama ang trabahong iyon. Magkaka anak na sila ni Sherry kaya halos hindi ako makapaniwala kong pano natanggap si Leo ng pamilya ni Sherry.

Nang sumapit ang hapon ay sinamahan ako ni Becky na bumili narin ng iilang pagkain para sa apat na araw ko dito. Tumungo kami sa isang sari-sari store at bumili ng tuyo, suka, asukal at iilang kasangkapan para sa pagluluto ng gulay at karne. Dumaan din kami sa market para bumili ng kumot at kurtina. Kailangan ko ayusin ang bahay kahit na paminsan-minsan na akong uuwi dito. Kong papayagan ako ni Clifford.

Nang sumapit na ang gabi ay inanyayaan ako ni Ante na doon mag haponan sa kanila. May Kunting kasiyahan sa kanilang bahay dahil kaarawan ni Nardo na ngayon. Ang nakakatandang kapatid ni Becky. Hindi kami masyadong malapit ni Nardo dahil sa medyo strikto at tahimik ito. Kaya hindi ko magawang kausapin sya noon.

Siguro ay alam narin ni ninong Jimmy na nandito ako ngayon. Nagpapasalamat nga ako kay Becky dahil sinamahan akong umuwi ng bahay. Tanging lampara lang ang gamit kong pang ilaw dahil pinutolan kami ng kuryente nong nakaraang buwan dahil hindi na ito nagagamit.

Naligo narin ako habang naghihintay si Becky sa sala. Dali-dali akong nag bihis suot ang kulay dilaw na off shoulder dress. Tanging cross sandal ang sinuot ko dahil wala lang din naman akong dalang doll shoes. Binuhaghag ko narin ang buhok ko kaya umalon-alon ito saking likuran.

"Hindi ka ba natatakot dito?" si Becky.  Niyayakap niya ang kanyang sarili habang pababa kami ng hagdanan. Kanina pa sya palinga-linga sa paligid dahil sa takot.

"Bakit naman ako matatakot eh bahay namin ito." Taas kilay ko kaya ngumiwi sya.

"Kasi parang may nakatirang multo sa bahay nyo eh!" Nginig niya paring sagot. Pinalo ko sya sa ulo kaya napahimas sya.

"Sira hindi totoo ang multo. Kong meron man edi hindi na ako mag-iisa sa bahay." Natatawa kong sabi kaya mas lalong lumaki ang mata niya.

Naglakad kami sa kalsada at tanging ilaw ng poste ang nagbibigay liwanag sa daan. Sa unahan ay ang peryahan at iilang rides na nakatayo. Malapit na ang ka fiestahan kaya marami-rami naring dumadayo sa nayon.

Malapit lang sa dagat ang bahay nila Becky. Mula dito sa malayo ay rinig na rinig namin ang tutog ng musika at mukhang nag bi'videoki. Ang mga nag hihiyawang tao ay mukhang lasing  na lasing na.

Kinakabahan ako habang papalapit sa bahay nila Becky. Medyo lumaki at lumawak ang bahay nila at mukhang napaganda ito ni Nardo sa pag guguro niya dito sa nayon. Sa labas palang ng bahay ay marami ng bisita. Mukhang mga kapitbahay nila na nakikikain.

Sabay silang napalingon sa direksyon namin ng makalapit na kami. Ang kanilang titig ay tila pinag-aaralan ang bawat galaw ko. Hindi ko alam kong may kilala ba ako dito sa tagal-tagal kong nawala. May lumang bahay kami sa dalampasigan at sigurado akong nandon pa iyon.

"Inaanak?" Nagulat ako sa nakita. Si ninong Jimmy na sobrang taba at lumulubo na ang tiyan. Dali-dali syang lumapit sakin na nakangiti. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya amoy na amoy ko pa ang alak sa katawan niya. "Ikaw ba yan Mary hija? Lalo kang gumanda ah." Iling niya saka ako sinuri ng ilang beses. "Hali ka't ipapakilala kita sa mga kaibigan ng tatay mo." Hinila niya ako ng tuluyan kaya naiwan si Becky na nakataas ang kilay.

"Mga pare kilala nyo ba ang batang ito?" Sabay napalingon sakin ang iilang lalaki na medyo lasing narin. Medyo pamilyar sila sakin pero hindi ko lang maalala.

"Anak iyan ni Goncillio?" Gulat na tanong ng matabang lalake. Namumula narin ang kanilang pisnge dahil sa alak.

"Oo mga pare. Ang inaanak ko na si Mary." Inakbayan ako ni ninong kaya ngumiwi ako sa bigat ng kanyang kamay sa balikat ko. "Kamukhang-kamukhang ni Floora diba?" Turo niya sakin kaya titig na titig sila sakin mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako kahit nabibigatan sa braso ni ninong.

"Ang ganda mo hija Mary. Nong dinadala ka ng tatay mo sa pamamalaot eh siponin ka pa. Ngayon? Sigurado akong sipon ng mga lalaki ang tutulo pag nakita ka." Nagtawanan silang lahat ng tila nasisiyahan. Natawa rin ako kahit pilit.

"Naku mga pare itong inaanak ko ay nililigawan ng anak kong si Becktor." Napaubo ako sa sinabi ni ninong. Ang lalamunan kong umuuga ay panay basa ko saking laway. Gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi niyang iyon.

"Sigurado ka pare? Si Beck? Nang liligaw kay Mary? Eh bakla yung anak mo pare eh." Nagtawanan silang lahat sa mesa kaya kitang-kita ko ang gali ni ninong.

Kinuha niya ang kamay niya sa balikat ko at padabog na itinukod ang kanyang kamay sa mesa. Natahimik ang kanyang mga kaibigan kaya literal itong nagulat, maging ako.

"Hindi bading ang anak ko. Papatunayan ko yan sainyo." Bulyaw niya saka luminga-linga sa paligid na tila hinahanap si Becky. Sinundan ko sya ng tingin at nahuli ng mata ko si Becky na kinakausap ang iilang bisitang lalaki. Patay!

"Becktor?" Lumingon si bakla sa direksyon namin na namumutla. Sininyasan ko sya at mukhang nakuha niya rin ang punto ko. Mas lalo akong natawa ng nagsimula syang maglakad bilang isang astig at makisig na lalake. Ginaya niya ang lakad ni Robin Padilla kaya mas lalong nagtawanan ang mga kaibigan ni ninong. "Hali ka nga dito anak," Inakbayan ni ninong si Becky sa harap ng kanyang mga kaibigan. "Sabihin mo sa harap nila na hindi ka bakla." Napaubo si bakla sa direktong sabi ng kanyang tatay. Humagik-ik ako dito sa gilid at pilit pinipigilan ang tawa. Sumulyap saglit sakin si Becky na namumutla.

"Sinong bakla ang sinasabi nyo? Ako bakla? Kasinungalingan." Yumuko ako bago tumawa ng mahina. Ginawa niyang buong-buo ang kanyang boses para nagmumukhang tunay na lalake.

"O diba sabi ko sainyo. Yang mga bibig nyo tigil-tigilan nyo ako huh?Mabagsik tong anak ko." Hinampas-hampas ni Ninong ang likod ni Becky kaya napaubo ito ng ilang ulit. Kawawang bakla hanggang ngayon ay nahihirapan paring magsabi ng totoo. "Diba anak nililigawan mo si Mary?" Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon sakin ni Becky. Suminyas ako kaya dali-dali syang lumapit sakin. Umakbay sya sakin saka ako inilapit sa kanyang katawan.

Matatawa ba ako?

"Hindi ko pa nga nililigawan si Mary eh sinagot na ako agad." Hambog nitong saad saka ako hinalikan sa pisnge. Nagtawanan sila sa mesa at mukhang ginagawa kaming pulotan nito.

"Oh? Ano mga pare? Ninong kayo sa kasal ng dalawa huh?" Itinaas ni Ninong ang baso saka ito ibinangga sa baso ng kanyang mga kaibigan.

Hinila ako ni Becky palayo sa kanilang gawi. Tuluyan kaming pumasok sa loob ng kanilang bahay at bumungad sakin ang iilang bisita nila na nakaupo sa may sala's. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Bawat titig nila sakin ay nakakailang. Tila nababagohan sa nakita.

"Hooo, kalusot ako don ah." pinawisan si Becky habang sinasabi iyon.

"Mary anak hali ka pasok-pasok dito ka maupo." Hinilahan ako ng upoan ni Ante.

"Oh Marta ito na ba yung anak ng mag-asawang Montano?" Baling sakin ng babaeng nakasalamin habang kumakain.

"Oo nene sya na nga yon," Sagot ni ante. Lima silang matatanda dito sa loob ng kusina.

"Magandang gabi po sainyo," Pormal kong bati. Bahagya silang ngumiti sakin kaya nagiging komportable nadin ako.

"Magandang gabi din hija. Hindi nga ipagkakaila na isa kang Montano dahil sa angking ganda mo." Sambit ng babaeng matanda na maikli ang buhok.

"Maraming salamat po." yumuko ako sa kahihiyan.

"Nay nasan si kuya?" Lumingon ako kay Becky na mukhang hinahanap si Nard kanina pa.

"Nasa balcony anak kasama ang iilang co-teacher niya." Hinila ako ni Becky patayo.

"Nay punta lang kami kay kuya saglit huh?" ani ni bakla.

"Tika lang anak, hindi pa nakakakain si Mary. Baka gutom na iyan." pigil ni Ante samin.

"Naku Ante mamaya na po hindi pa po ako gutom. Gusto ko ring makita si Nard." Ngiti ko kaya kalaunan ay pumayag na rin si ante.

"Oh sige punta lang kayo dito sa kusina pag gutom na kayo huh. Mary? Huwag kang mahiya." ani niya ulit samin.

"Opo ante salamat po," Tuluyan na akong hinila ni Becky patungong balcony. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil may iilang bisita ang nakaupo at mukhang lahat ay lalaki.

May iilang bote narin silang naubos. Sabay silang napalingon samin dito mula sa pintoan. Sinundan nila kami ng tingin ng papalapit kami kay Nard. May kausap syang isang babae.

"Kuya," Nanlaki ang mata ni Nard ng makita niya ako. Napatayo sya bigla bago ako sinuri ng ilang beses. Bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Happy Birthday Nard sorry wala akong regalo eh." Tikhim bagang ko. Titig na titig parin sya sakin.

"Mary kailan kalang nakabalik?" gulat niya. Sumulyap ako sa babaeng kausap niya at mukhang naiirita na ito sa pagdating ko.

"Kaninang umaga lang," sagot ko.

"Hali ka umupo ka dito," Umupo ako sa kabilang upoan. May binulong sakin si Becky at mukhang kukuha sya ng kakainin namin. Tumango ako bilang sagot saka niya ako iniwan sa kuya niya.

Akala ko ay ma a'out place ako dito. Pero kalaunan ay isa-isa na akong kinausap ng mga kaibigan ni Nard. Medyo naiilang narin ako sa titig ni Nard kaya dinadaan ko nalang sa pagkain. Sobrang saya ng kaarawan ni Nard at mukhang pinaghandaan ng lubosan.

Ilang sandali lang ay tumugtog ang malakas na musika kaya hinila ako patayo ni Becky. Nong una ay ayaw ko ngunit sa huli ay pilit niya akong hinila patungo sa gitna.

Gumawa din pala sila ng mini stage at dance floor at tanging videoke lang ang ginawa nilang pampatugtog. Sumasabay ako sa sayaw ni Becky kaya kalaunan ay na e'enjoy ko narin ang tugtog. Sobrang lapad ng ngiti ko habang kumikembot sya sakin.

Narinig ko ang iilang tawa ng bisita ni Nard. Sumulyap ako mula sa direksyon niya at nahuli ko itong nakatitig parin sakin. Nakagat ko ang labi ko dahil medyo naiilang na akong gumalaw, hindi ko alam na nakatitig pala sya sakin. Nang biglang naging sweet ang musika ay panay ang pamamaktol ni Becky. Hinila niya ako pabalik sa upoan sabay ng pagtayo ni Nard. Hinuli niya ang kamay ni Becky.

"Pwede ko bang isayaw si Mary?" Baling niya sakin. Sumulyap ako kay Becky na literal na nagulat. Binitawan niya ang kamay ko saka iyon inabot sa kuya niya.

"Sure kuya. Enjoy!" Kindat niya samin. Tuluyan na syang bumalik ng upo at agad naman akong hinila ni Nard patungong gitna. Ang pintig ng aking puso ay sumasabay sa lakas ng musika. Kinuha niya ang dalawa kong kamay saka iyon pinatong sa balikat niya. Nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Para bang nanginginig ang tuhod ko sa ginawa niya. Ang kanyang kamay ay nakapulupot saking bewang. Sumasabay kami sa tugtog ng musika.

"Gumanda ka lalo," Una niyang salita. Titig na titig sya saking mata at ganon din ako.

"Ikaw nga eh mas lalong gumwapo." Taas kilay ko kaya tumawa sya. Ang kanyang tindig at laki ng katawan ay parehong-pareho kay Matteo. Ang kanyang labi na mapupula at matataas na pilik mata ay parehong-pareho kay Matteo.

Medyo moreno si Nard kaya kita lalo ang kanyang perpektong mukha. Parang si Matteo ngunit maputi lang iyon.

Pinilig ko ang aking ulo dahil pumapasok ulit sya sa isip ko. Hindi ko na sana sya naiisip simula kanina bakit ngayon ay bumabalik ulit.

"Okay kalang?" Putol niya sa imahinasyon ko. Tumango ako saka nag patuloy sa sayaw naming dalawa. "Kumusta kana?"

"Okay lang ako Nard. Unti-unti ko naring natatanggap ang pagkawala ni nanay at tatay." Umiwas sya ng tingin sa sinabi ko. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Bilib ako sayo. Kahit mag isa ka ay kinaya mong tumayo ulit." Natahimik ako sa sinabi niya. Sobrang sikip ng dibdib ko. "Kumusta ang buhay mo sa Manila?"

"Okay lang din. Nagtatrabaho ako sa isang bar bilang isang waitress." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tila nagalit sya sa narinig.

"Diba dilekado iyon?" ani niya.

"Hindi naman maraming bouncer ang bar kaya safe," Suminghap sya sa sinabi ko. Dahan-dahan niya rin iyong pinoproseso.

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend dun?" Direkto niyang tanong kaya nanlaki ang mata ko. Ang aking dibdib ay tila lumuwag. Nakagat ko ang labi ko sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kong boyfriend ko pa ba si Matteo sa pagkakataong ito. "Im sorry huwag munang sagotin. Alam ko naman na hanggang ngayon ay umaasa ka parin kay Rocky." Para akong nahulogan ng iilang bato sa likod. Sobrang bigat at tila nahihirapan ako sa sinabi niya.

"Regienard," Kunot noo ko kaya bahagya syang ngumiti. Mas hinigpitan niya ang pagkahawak saking bewang.

"Gusto kita Mary alam mo iyan," Huminto ako sa pagsasayaw saka dahan-dahang ibinaba ang kamay na namamahinga sa balikat niya. Naglaban kami ng titig na para bang nasasaktan ako sa sinabi niya. "Kinalimotan ko lang naman ang nararamdaman ko sayo dahil kaibigan ko si Rocky. Akala ko nga ganon kadali ang limutin ka. Pero nang makita kita ulit ngayon ay bumalik ang nararamdaman ko sayo. Ang sakit dahil hanggang ngayon ay umaasa parin ako na sana balang araw ay mag kakagusto karin sakin,"

Para akong pinagitnaan ng langit at lupa. Ang sikip ng aking dibdib ay hinihila ako pahina. Parang kabaliktaran lang ang lahat. Noon ay umaasa ako kay rocky ngunit hindi ko rin pala alam na may naghahangad din sakin.

Nasasaktan ako kay Rocky. Pero hindi ko alam na may nasasaktan narin pala ako. Patago akong nagmamahal noon kay Rocky at may isang tao rin palang itinatago ang nararamdaman para sakin. Nagmahal ako at umasa pero may isang tao rin pala ang umasa para mahalin ko.

Pero bakit ang sakit? Para kong nakikita si Nard sa sariling ako. Katulad kay Matteo, sya ang nagtanggal sa letrang "G" sa PAG-ASA kaya ngayon nakikita ko sa kanya ang PAASA.

Bakit kaya hindi natin magawang mahalin ang tawong nagmamahal satin?