Nagising ako dahil sa ingay ng mga kasamahan ko dito sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon at unang bumungad sakin ang malaking box sa gitna.
"Goodmorning Maey." ngiti sakin ni Ivony. Tumayo ako galing sa kama tsaka lumapit sa malaking box. Isang panibagong uniporme na naman?
Ngumiwi ako tska bumalik sa kama. Inayos ko ang kumot tska binaling ang tingin sa mga kaibigan kong may iilang ginagawa. Tumatawa sina Jessica at Grace habang may tinitignan sa cellphone.
Napailing ako sa tawa. Napagdesyonan kong kumuha ng damit at towel bago pumasok sa banyo. Naabotan ko si Erika na kakatapos lang ding maligo kaya agad akong nagtungo sa kabilang shower room.
Halos may naliligo sa bawat cubicle kaya napagdesyonan kong lumabas nalang.
"Oh? Tapos kana?" tanong sakin ni Ivony kaya umiling ako agad. Umupo ako sa kama habang humalumbaba. "Pwede kang maligo sa banyo sa ibaba, tutal wala namang naliligo dun kaya samahan na kita." agad akong napaisip sa sinabi ni Ivony.
Gusto ko naring maligo dahil medyo sumisikat narin ang araw at ramdam ko na ang init saking katawan.
Sinamahan ako ni Ivony sa ibaba. Pinihit ko ang pintoan at bumungad sakin ang limang shower room.
"Huwag muna akong samahan sa loob. Dito ka nalang sa labas maghintay." saad ko kay Ivony kaya tumango ito habang may kinakausap sa cellphone niya.
Hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan at hinayaang mabasa ng mainit na tubig ang aking balat. Ang sarap damdamin ng bawat patak ng tubig sa mukha ko. Tumingala ako habang nakapikit. Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ko ang nakita kagabi. Pangalawang beses na itong nangyari sakin at ayaw ko ng maulit pa iyon.
Minabuti kong linisin ang aking katawan.
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintoan at bumungad sakin si Matteo na naka short habang may towel sa kaliwang balikat nito. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Agad kong niyakap ang aking sarili sabay ng pagtalikod niya.
Anong ginagawa niya dito?
"Bakit ka nandito? Nambubuso ka noh? Ahhhhhh!" sumigaw ako sa kahihiyan. Sobrang bilis ng pangyayari. Sobrang bilis niyang nakalapit sakin. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang isang kamay.
Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Isinandal niya ako sa pader habang yakap-yakap ko ang sarili ko. Nangi-nginig ang magkabila kong tuhod at nangi-nginit ang magkabila kong pisnge.
"Fuck.... Dont shout!" bagsak boses niya at dahan-dahan tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
Nag laban kami ng titig kaya halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong bato dahil sa naninigas ang katawan ko. Ang mapupungay niyang mata, ang matangos niyang ilong at ang hininga niyang amoy na amoy ko. Sobrang bango, napaka perpekto.
"Hindi mo ba alam na may naliligo dito?," una kong salita ngunit tinititigan niya lang ako sa mata.
"No one told me that this area is for girls only. You naked and fvck." mura niya tsaka nag-iwas ng tingin sakin. "What do you think are you doing huh? Everyone here will probably see your naked body, did you ever think that woman?" galit niyang sabi kaya mas lalo kong niyakap ang aking sarili.
Bakit sya nagagalit? Dapat ako ang nagagalit. Halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Malapit ng magkabang-ga ang ilong namin.
"Nakita mo ang katawan ko?" nginig kong tanong subalit ngumiti lang sya mula sa gilid ng kanyang labi.
"And what are you expecting for?" Asar niyang ngiti. Tinakpan ko ang dibdib ko sa isa kong kamay hanggang palapulsohan. Habang ang isa kong kamay naman ay nasa ibaba.
Sobrang lapit na ng mukha namin kaya para akong minamagnet. Sobrang perpekto at ganda ng pagkaguhit ng kanyang mukha. Mula noo hanggang sa labi. Please Mary tumigil kana.
"Please, tumalikod kana." mahina kong sabi. Tinignan niya ako mula sa labi bago sya suminghap. Nanlaki ang mata ko ng dahan-dahan niyang nilapit ang labi niya sa labi ko..
Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos sumabog ang puso ko. Amoy na amoy ko ang mala strawberry mint niyang hininga. Nanghihina na ang magkabila kong tuhod dahil sa mag kadikit na naming ilong. Tinititigan ko ang labi niyang pulang-pula kaya napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kong bakit ko nagawa iyon.
"Shit!" Mura niya.
Binigay niya sakin ang towel bago sya lumabas ng tuluyan. Nanga-ngatog ang tuhod ko sa nginig at dahan-dahan napaupo sa sahig.
Bumukas ang pinto at bumangad sakin si Ivony na sobrang laki ng mata. Dali-dali syang lumapit sakin at pinulupot ang towelya sa katawan ko. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at inayos ang buhok ko.
"Gosh... Anong nangyari? Bakit nakita kong lumabas si Sir Matteo mula dito?" sobrang laki ng mata niya sa gulat.
"Ivony," Niyakap ko sya agad sa kahihiyan. Ito ang ka una-unahang may nakakakita sa buo kong katawan.
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang titig niya sakin kanina.
"Sabihin mo? Ni rape ka ba ni sir Matteo? Ginalaw ka ba niya? Magsalita ka Maey." niyug-yog niya ako ng paulit-ulit kaya mas lalo akong napaiyak. "Shit.... Ang swerte mo naman." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tila bumalik ang aking luha sa mata.
Nababaliw na ba to si Ivony? Alam niya ba ang iniisip niya? Rape? Tapos ako pa ang ma swerte?
"Ivony," Bulyaw ko kaya nag peace sign sya agad.
Sinabi ko sa kanya ang lahat at parang hindi sya makapaniwala. Humingi narin ako ng pabor sa kanya na sana walang makakaalam sa nangyari kanina. Hindi ako sigurado, dahil medyo madal-dal si Ivony.
Bumalik kami sa silid habang si Ivony ay panay ang ngiti habang ako naman ay nakatulala.
"I cant move on," ngiting aso niya kaya mas lalo akong natulala at hindi makapaniwala. Sa unang pagkakataon ay may isang taong nakakakita sa buo kong katawan at isa iyong malaking kahihiyan para sakin.
"Bakit pa kasi nandito si Matteo?" kanina ko pa ito tinatanong sa kanya at tanging tawa niya lang ang isinusukli sakin.
"How many times that i told you. May guest room sa bar na ito, may sariling kwarto si sir Robi at Matteo," eksplenasyon ni Ivony kaya kumunot ang noo ko.
"Wala bang banyo sa kwarto niya? At nagagawa pang maligo sa ibaba?" irritable kong sabi kaya tumawa ulit si Ivony.
"Baka nasira, o kaya nagkaroon ng problema. Haaay... Maey lahat ng bagay may rason." kindat niya bago pinihit ang pinto ng kwarto.
Tulala akong pumasok sa loob kaya pansin 'yon ng mga kasamahan ko. Hindi ko alam pero nangi-nginig parin ang magkabila kong tuhod sa nangyari.
Isa-isa silang umalis at mukhang may lakad. Naiwan kaming lima sa loob. Si Erika, Jessica, Grace at Ivony. Napagpasyahan nila na magpahinga muna at sa susunod na araw ulit sila gagala. Pinangako ko na sa sarili ko sa susunod na alis nila ay sasama na ako.
"Maey wala ka bang boyfriend?" direktong tanong ni Grace kaya nanlaki ang mata ko.
Maniniwala kaya silang pag sinabi kong wala? Tatawanan kaya nila ako? O kaya aasarin? Nagbuntong hininga ako bago sinagot si Grace.
"Hindi pa ako nagkakaroon kahit isa." sabay silang lumingon sakin na sobrang laki ng mata.
Lumapit sakin si Jessica at Grace. Lumingon ako kay erika na mukhang interesado sa narinig mula sakin. Tumawa naman ng malakas si Ivony, dahil sa lahat ng babae dito ay sya lang ay may alam tungkol dito.
"Are you serious? As in no boyfriend since birth?" gulat na tanong ni Jessica. Sa mga kaibigan ko dito silang dalawa lang talaga ang sobrang kulit ni Grace.
"Oo, wala akong time sa mga ganoong bagay." sagot ko tsaka hinalungkat ang phone. Nagti'text sakin si Delbert at iyon ay hindi ko nirereplayan.
"Ano? Omg... hindi ako makapaniwala sa ganda mong yan? Maniwala!" Irap na saad ni Grace kaya narinig ko ang pagtawa ni Ivony.
"So it means hindi ka pa nakaka experience ng alam mo na, yung ano.... basta yun na yun." nahihiyang sambit ni Jessica.
Alam ko ang punto niya at iyon ay---
"Sex!" natatawang saad ni Ivony na ikinatahimik ko. Wala akong experience sa mga ganoong bagay ngunit ang mata ko mukhang madami ng experience. Pangalawang beses ko ng nakita si Matteo at Venus na nakikipagtalik sa isat-isa.
Gusto ko ng kalimutan iyon.
"Gosh.... totoo ba yan Maey?" kunot noo ni Grace. Tumango ako sa tanong nilang lahat.
Okay lang naman na pag-usapan namin ang ganitong bagay. Tutal puro kami mga babae.
"Ano ba yan, san ka ba planeta galing? Alam mo ba kong anong taon na ngayon? 2016 at hitech na ang bawat tao sa mundong to. Pati katorseng bata ay biyak na. Tapos ikaw?" gulat na gulat na sabi ni Grace kaya napaawang ang labi ko. Hindi ko alam pero hindi pa ako interesado sa mga lalaki.
"Haha never been touch, never been kiss." palak-pak na saad ni Ivony kaya napalingon kaming lahat sa kanya.
"Bakit? Wala bang nanliligaw sayo?" agad na tanong ni Jessica.
"Meron pero hindi ako interesado sa mga lalaki non. Ewan ko dahil naging busy rin ako sa pag-aalaga sa nanay ko." Yumuko ako pagkatapos sagotin iyon. Pinipigilan kong tumulo ang mga namumuong luha saking mata.
Napansin din nila iyon kaya narinig ko ang pagbuntong hininga nilang lahat.
"Im sorry Maey," sabay ni Jessica at Grace.
Inangat ko ang ulo ko tska sila tinignan isa-isa.
"Maey?" Lumapit sakin si Grace. "Ingatan mo ang tropehiyo mo huh, dahil sa panahon ngayon lang yan ang mai'pagmamalaki ng mga babae." Natahimik ako sa sinabi niya at naalala ko si nanay.
"Ako okay lang sakin mawala basta kay sir Robi o kaya kay sir Clifford." sambit ni Ivony kaya sinamaan sya ng tingin ni Jessica at Grace.
Nakita kong sumulyap si Erika saka ito tumayo at nagtungo sa banyo. Sinundan ko sya ng tingin kaya nahalata ng tatlo.
"Hanggang ngayon ba ay ayaw niya parin sayo?" tanong sakin ni Grace kaya tumango ako agad.
Hindi ko alam kong anong problema sakin ni Erika. Siguro kailangan ko rin syang kausapin tungkol dito. Lumabas kami saglit sa silid at napagpasyahang kumain sa labas. Hindi sumama si Erika at mukhang ayaw niya akong kasabay kumain.