Natapos ang gabi ng matiwasay at walang gulo. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang narinig ko sa usapan nila Venus. Alam kong masama pero hindi ko sinasadyang marinig sila.
Nagbuga ako ng hininga tsaka nagtungo sa dressing room at nagbihis. Medyo pumapayat na yata ako sa trabaho kong ito dahil sa madaling araw nalang palagi natutulog. May iilang pimples narin ang tumutubo sa pisnge ko.
Okay lang naman sakin ito, dahil sumisimbolo ito sa marangya at maayos kong trabaho. Pagod at kasiyahan naman ang naidudulot sakin ng trabahong 'to.
"Ano na? Tuloy ba tayo ngayon?" Sambit ni Grace. Napag-usapan kasi nilang mag night-out sa kabilang bar kaya mukhang interesado ang lahat sa opinyon ni Grace.
"Oo naman noh. Wala ng bawian party party!" Head bang na sabi ni Jessica sa excite. Sabay silang napatingin sakin na parehong nakangiti.
Sa titig palang nila ay kailangan ko na yatang umu'O para dito.
"Kailangan mong sumama Maey. Wala ng atrasan ito." Taas kilay ni Ivony tsaka ako tumango bilang sagot.
Naghiyawan silang tatlo sa excite. Kinuha ko ang phone ko tska tinext si Rocky. Nagsimula na akong mag tipa para mag paalam sa kanya.
Rocky aalis kami ng mga kaibigan ko. Tutuloy ka ba sa bar mamaya?Baka kasi hindi mo ako ma abotan.
Pagkatapos kong e'text si Rocky ay agad akong pumili ng susuotin mamaya. Buti nalang talaga ay nakabili ako ng bagong dollshoes nong nakaraang araw.
Binuhag-hag ko ulit ang buhok ko gaya ng gusto nila. Pinahiram sakin ni Ivony ang itim niyang dress na V-neck at hanggang tuhod lang ito. Nakakahiya dahil medyo kita ang cleavage ko sa harap. Panay ang hila ko nito dahil pareho lang ito sa uniporme namin gabi-gabi. Sobrang fit at ang hirap huminga.
Pagkatapos ng pag-aayos sa sarili ay sabay kaming lumabas ng silid. Mag aala'una narin kaya medyo tahimik na ang buong paligid. Paglabas namin sa bar ay ang pagbaba ni Rocky sa kotse niya.
Huminto kami sa paglalakad tsaka ako tinignan ng mga kaibigan ko.
"Gosh... sobrang gwapo talaga niya." Bulong ni Grace na sa tabi ko. Lumapit samin si Rocky habang nasa akin ang tingin niya.
"San kayo pupunta?" Unang salita nito tsaka binaling ang tingin sa kasamaham ko.
"Hello po sir Rocky." Kaway ni Jessica kaya lumingon si Rocky mula sa kanya. "Friends bonding lang po kami Sir, para naman bawas stressed sa trabaho." Natatawa niyang dugtong.
Binalik ni Rocky ang tingin sakin na kunot noo. Mula ulo hanggang paa niya ako tinititigan.
"Dis oras ng gabi? San naman kayo pupunta?" Lumingon ako sa mga kaibigan ko at tila nang-hihingi ng tulong. Hindi ko alam kong anong isasagot ko.
"Sorry sir huh... pero kailangan na naming umalis. Sa kabilang bar lang naman kami Sir." Agad binalik ni Rocky ang kanyang tingin kay Ivony.
"Bar? Bakit sa kabila pa? At isa pa maraming lalaki dun. Mababastos kayo." Pagalit na sabi ni Rocky kaya nakagat ko ang labi ko. Yumuko ako bilang paumanhin sa mga kaibgan kong nakasimangot.
"Kong gusto mong bantayan si Maey. Bakit hindi ka nalang sumama? Tutal over reaction ka rin lang naman." Sabay kaming napalingon kay Erika na ngayon ay naiirita na. Maging ang mga kaibigan niya ay pinigilan sya.
Hinawakan ko ang kamay ni Rocky tsaka sya tinignan sa mata. Nakikita kong kumakalma na sya kaya binaling ko ang tingin sa mga kaibigan ko.
"Susunod ako sainyo. Kailangan lang talaga naming mag-usap." Sumimangot sila sa sinabi ko.
"Siguradohin mong susunod ka huh?" nguso ni Ivony tsaka ako tumango bilang sagot.
Hinila ko si Rocky patungo sa kotse niya bago umalis sina Ivony. Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang nakasakay sila sa isang Taxi. Binalik ko ang tingin kay Rocky na ngayon ay bumalik na sa maamong pusa.
"Im sorry." Sabi niya tsaka ako nagbitaw ng hininga. Alam kong nag-aalala sya sakin dahil kaibigan niya ako.
"Okay lang Rocky. Hmhm bakit mo ako gustong makausap?" Tinititigan niya ako mula sa mata kaya halos hindi ako makatingin ng diretso.
"About Matteo." Kinabahan ako sa sinabi niya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Kita sa mukha niya ang mga katanongan na dapat kong masagot ngayon. Hindi ko alam kong pano sya sasagotin kong alam ko naman sa sarili ko na may tinatago akong pagtingin sa kanya. "Are you dating with him?" Napahawak ako ng mahigpit sa suot kong dress. Nag di'date ba kami? Hindi, dahil may pabor lang syang gustong akuin at iyon ay hindi ko pa natatansyahan. "Mary are you dating Matteo?"
Ulit niya kaya umiling ako sa tanong na iyon. Pano ko nga ba sasagotin kong hindi ko magawang mag sinungaling sa isang katulad niya.
"I hope hindi totoo. Matteo is not a good guy. He is not good for you. Please Mary Im just concern and i dont want others to hurt you." Eksplenasyon niya kaya nagbitaw ako ng hininga.
Mabait si Matteo at iyon ay nakikita ko. Hindi ko rin alam kong bakit sinasabi niya sakin ito ngayon. Kaibigan niya si Matteo at alam niya kong anong ugali ang meron iyon.
"Hindi sya nanliligaw sakin may girlfriend sya diba? Si Venus. Hindi ko nga rin alam kong bakit sya nandun sa sinehan. Rocky wala akong balak sa mga ganyang bagay. Nasanay akong mag-isa na walang lalaki sa buhay ko." Wika ko tsaka sya ngumiti sakin ng malapad.
Kong alam mo lang sana Rocky na ikaw ang buhay ko kaya hindi ko magawang lumingon sa ibang lalakei
"I know, and I really love to hear that from you. Kaibigan kita Mary. Ayaw kong mapasama ka sa mga bagay na ikakasakit ko." Bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat sinasabi niya ngayon. Ang sarap pakinggan at ang sarap dam-damin sa puso.
Naiisip ko palang kong gano ka swete si Kria kay Rocky. Napabuntong hininga ako, gusto kong mag taga ngunit naalala ko ang mga kaibigan ko.
"Kailangan ko ng sumunod sa mga kaibigan ko. Baka magtatampo sila sakin." Kumunot ang noo niya sa hinirit ko tsaka ko narinig ang buntong hininga niya.
"I really want to join but its girls bonding and ayaw kong makadisturbo." Napangiti ako sa sinabi niya at unti-unti niya ring itong naiintindihan. "Hindi ka makakapag enjoy pag nandon ako."Natatawa niyang dugtong kaya pinalo ko sya sa may braso.
"Hindi noh. Ikaw lang ang nagsabi niyan. Okay lang naman sakin na sumama ka. Mag e'enjoy pa siguro ako." Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabing iyon. Lumapad ang ngiti niya.
"Maybe nextime. I really have to go, Mary. Susunduin ko pa si Kria sa trabaho niya." biglaang bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya. Siguro masayang-masaya na sya ngayon at kitang-kita sa mga mata niya. Natahimik ako at hindi ko alam kong anong isasagot. "Hatid na kita sa bar na pinuntahan ng mga kaibigan mo." Hinila niya ako papasok sa kotse niya.
Hindi ko magawang magsalita dahil sa sinabi niyang iyon. Susunduin niya si Kria at naiisip ko palang kong saan sila pupunta ay nasasaktan na ako. Ano kayang ginagawa nila? Sobrang swerte ni Kria sa kaibigan ko.
Hinatid niya ako sa bar kong saan naghihintay sakin sina Ivony. Tinext nila sakin kong saang banda iyon at buti nalang alam ni Rocky. Herrera Bar. Tumingala ako tska binasa ang karatula. Sobrang laki ng bar na 'to at mukhang kaparehas lang ang laki sa bar ni Clifford. Bumaba sya sa kotse tsaka ako pinagbuksan ng pinto.
"Hindi na kita maihahatid sa loob. Kanina pa naghihintay sakin si Kria." Ani niya tsaka ako tumango.
"Sige Rocky okay lang. Puntahan muna si Kria." Saad ko tsaka niya ako tuluyang tinalikuran.
Sobrang sikip ng dibdib ko at pilit ko itong pinapahilom. Pinapanuod ko ang palayo niyang kotse tska ako tuluyang pumasok narin sa loob ng bar. May dalawang bouncher mula sa pintoan at agad akong pinagbuksan ng pintoan. Bumangad sakin ang malalaking stereo sa loob. Malawak na dance floor kong saan ang daming nagsasayawan habang naghihiyawan.
Ang mga usok ng iilang sigarilyo ay pumapalibot sa buong paligid. Napatakip ako saking bibig at dali-daling nagtipa para etext si Ivony.
Luminga-linga ako sa paligid at hinahanap sila. Hindi ko na halos makita ang mga tao dahil sa usok dito sa loob. Nagsimula na akong mag ikot ng may bigla akong nabangga.
"Watch your step miss. Ang tanga-tanga mo naman." Maarteng saad ng babaeng sobrang ikli ng short tsaka ako yumuko bilang paumanhin. Nag pa linga-linga ako sa paligid ulit sabay ng pagtunog ng aking cellphone.
Ivony: San ka? Pupuntahan kita sa labas...Wait mo ako.
Sobrang lakas ng musika kaya nabibingi ako. Ilang sandali lang ay naaninag ko si Ivony mula dito kaya kumaway ako sa direksyon niya.
"Ang tagal mo naman." Pagmamaktol niya tsaka ako hinila sa dagat ng mga nag sasayawan.
Nagtungo kami sa pulang sofa kong saan nakikita ko na sila Jessica, Gace at Erika. Kumunot ang noo ko dahil sa tatlong lalaki na nakaupo mula doon. Lumingon ako kay Ivony kaya tinignan niya ako ng nakangiti. Buong akala ko ay kami lang? Bakit may mga kasama silang lalaki?
"Guys nandito na sya." Saad ni Ivony sa kanila tska ako hinila malapitan. "Boys this is Marylyn." Tumayo iyong lalaki na katabi ni Grace.
"Hi Mary I'm Stewart." Tinanggap ko ang kamay niya tsaka kami nag shake hands.
"Im Aldrin." Lahad ng kamay nong katabi ni Jessica tsaka ko iyong tinanggap.
Lumapit si Ivony sa lalaking hindi pa nag papakilala sakin tsaka niya ipinulupot ang kanyang kamay sa lalaki.
"Josson my boyfriend." Ngiting pakilala ni Ivony sa jowa niya tsaka ko nilahad ang kamay ko at agad niya iyong tinanggap.
Umupo ako sa tabi ni Erika. Hindi niya magawang lumigon sakin dahil sa lumalagok ito ng alak. Inayos ko ang sarili ko tska tinignan sila isa-isa. Mukhang may iilang alak na silang nainom.
"Mary umiinom ka?" Tanong sakin ni Aldrin na boyfriend ni Jessica.
"Sorry hindi pa ako nakakatikim niyan." Kaway ko saking kamay kaya nanlaki ang mata ng tatlong lalaki.
"Are you sure?" Kunot noo ni Josson na boyfriend ni Ivony. Tumango ako bilang sagot kaya nagtawanan ang mga kaibigan ko.
"Pati sa lalaki hindi pa iyan nagkakaroon." Natatawang sambit ni Grace kaya halos hindi makapaniwala ang tatlong lalaki.
"Talaga? Bakit naman? Sa ganda mong yan? Kahit isa wala?" Tanong sakin ni Stewart habang naka akbay ito kay Grace.
Nahihiya ako dahil para akong isang lumang nobela sa isang teleserye ni Maria. Wala akong alam sa pag bo'boyfriend pero hindi mawawala sakin ang pagkakaron ng Crushes.
"Merong nanliligaw sakin noon, pero wala naman akong oras sa ganoong bagay." Sagot ko sa kanila kaya nag katiginan ang tatlong lalaki.
"Kong ganon no experience? No expenses." Natatawang saad ni Aldrin kaya hinampas sya sa braso ni Jessica. Yumuko ako sa kahihiyan.
Kailan ba dapat pwedeng magkaroon ng relasyon? Sapat na ba itong edad ko na hanggang ngayon ay umaasa sa lalaking hindi naman ako gusto.
Nagkainoman sila at nagkatuwaan, may pagkakataonng binibigyan nila ako ng alak kaya agad ko iyong hinawi. Naiintindihan din naman nila ako. Hindi pa ako nakakatikim niyan at sigurado akong hindi masarap.
Luminga ulit ako sa dancefloor at mukhang mga lasing na ang mga tao mula dun.
"Guys sayaw tayo?" Anyaya ni Grace habang hini'headbang ang ulo sabay ng musika.
"Lets go," Exciting na saad ni Jessica.
"Yessss party party!" bulyaw ni Ivony tsaka hinila si Josson patayo.
"Mary hali ka sayaw tayo." Hinila ako ni Jessica kaya agad kong binawi ang kamay ko.
"Kayo nalang." Kaway ko sa kamay ko. Halos hindi ko sila marinig dahil sa lakas ng musika.
"Ikaw Erika sayaw tayo dali." Hinila sya ni Ivony ngunit agad niya iyong hinawi.
"Kayo nalang... Mas gusto ko pa dito." Blankong ekspresyon nitong sagot kaya nagkibit ng balikat ang tatlo.
''Sasamahan ko nalang sya dito. Mag-enjoy kayo." Ngiti ko sa kanila isa-isa tsaka sila tuluyang nagtungo sa dancefloor. Lumingon ako kay Erika na lumalagok parin ng alak. Siya yung klasing babae na maldita pero tahimik.
Humalukip-kip ako tsaka lumingon sa direksyon nila Ivony na sumasayaw. Naiilang ako dahil katabi ko si Erika ngayon. Ito na ang pagkakataon kong kausapin sya.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Lumingon ako sa kanya na nakatingin na sakin. Naunahan niya akong magsalita.
"Mas gusto ko rin dito gaya ng sinabi mo." Sagot ko kaya nag-iwas sya ng tingin.
"Pano ka mag-eenjoy kong nakatunga-nga ka lang dito?" Tanong niya ulit kaya napaisip ako dun. Hindi naman talaga ako mag e'enjoy sa mga ganitong lugar.
"Ayaw kong sumayaw." Iyon lang ang tangi kong naisagot. Kita mula sa gilid ng mata ko ang titig niya kaya lumingon ako saglit.
"Galit ka sakin?" Tanong kong direkta.
"Bakit mo naman na itanong iyan?" Taas kilay niya sakin. Nagbuga ako ng hininga tsaka hinarap sya.
Ito na iyon at kailangan ko ng maklaro lahat.
"Simula nong nagtrabaho ako sa bar naging cold ka sa mga kaibigan mo. Halos hindi mo ako pinapansin." Salaysay ko kaya umawang ang labi niya. Natawa sya bilang sagot.
"Ayaw ko sayo sapat na ba iyon?" Galit niyang sabi sakin kaya napa yuko ako. Ngayon nasagotan na ang katanongan ko na ayaw niya sakin kaya sya nag kakaganito. Pero hindi parin sapat yon!
"Hindi sapat sakin hanggat may malalim pa akong gustong rason na marinig galing sayo." Hamon ko kaya ngumiti sya mula sa gilid ng kanyang labi.
"Inaagaw mo sakin ang mga kaibigan ko. Nasa iyo lahat ng atensyon nila na dapat ay nasa akin. Halos hindi na nila ako napapansin dahil nakaharang ka. Mas tinutuonan ka pa nila ng pansin kesa sakin na matagal na nilang nakasama sa bar." Bagsak boses niya.
Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko. Sobrang nasasaktan ako sa sinasabi niya. Kahit kailan ay wala akong inaagaw mula sa kanya. Kaibigan ko silang lahat at walang mataas at walang mababa sa importansyang na nararamdaman ko.
"Wala akong inagaw sayo Erika. Pareho ko kayong kaibigan. Gusto kitang maging kaibigan pero ikaw ang ayaw."Sagot ko kaya padabog niyang nilapag ang bote sa mesa. Lumingon sya sakin na galit.
"Sinungaling...Kunwari mabait yun pala may tinatagong inggit." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Lagpas na sya sa limitasyon at nakakasakit na iyon.
"Dahil selfish ka Erika. Hindi mo ba alam na nasasaktan ang mga kaibigan mo dahil sa inaasta mo. Mahal ka nila at ganon din ako. Naging malapit na kayo sakin. Pinapasaya nyo ako kahit mag-isa na ako sa buhay. Sana naman maisip mo iyon kahit kunti lang." Tumayo ako tsaka sya hinarap na may ngiti sa labi. "Kahit ayaw mo sakin ay kaibigan kita sa ayaw at gusto mo."
Agad ko syang iniwang mag-isa sa sofa tsaka ako tuluyang lumabas ng bar. Panay ang punas ko sa magkabila kong mata dahil sa mga luhang tumutulo. Hindi ko nalang pala namalayan na napaiyak ako kanina. Humikbi ako sa iyak.
Napahinto ako sa paglalakad ng maaninag ko ang kotse ni Matteo mula sa unahan. Lumapit pa ako mula dun.
Napaatras ako saglit ng bumaba si Venus mula sa kotse kasabay ni Matteo. Bigla niyang niyakap si Venus at pilit itong pumipiglas sa yakap niya. Tinulak sya ni Venus kaya napaatras si Matteo. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko dahil sa nasaksihang eksena. Bakit pilit itinitulak ni Matteo ang sarili niya kay Venus?
Ganon niya ba iyon ka mahal? Umalis si Venus tska ito tuluyang iniwan si Matteo. Napadpad ang tingin sakin ni matteo kaya agad syang lumapit sakin na sobrang bigat ng magkabilang pisnge.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"I need your help please!" saad niya tsaka ako minadaliang hinila papasok ng kotse niya.
Tulong?
Pano ko sya tutulongan kong nakikita ko ang sarili ko sa kanya.