Bumalik ako sa trabaho na wala sa sarili. Bagsak ang magkabila kong balikat kaya napansin iyon ng mga kasamahan ko.
"Anong nangyari dun kanina? Bakit nag kagulo?." Tanong sakin ni Maccy isa sa mga bartender namin.
"Kailan ka pa naging chismoso Mc?" Taas kilay ni Grace kaya sumimangot si Mc.
"Nagtatanong lang naman eh!" Mahina nitong sagot kaya tanging tikhim nalang ang naisagot ko.
"Sa lahat ba naman ng waitress dito ay si Maey ang laging binabastos. Parang may tinatagong kalandian." Sambit ni Erika kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Hoy Erika ano ba yang sinasabi mo." Pigil ni Ivony nito. "Maganda lang talaga sya at hindi maiiwasang mabastos ng mga kalalakihan." Tumaas ang kilay ni Erika sa sagot ni Ivony.
"Kaya nga.... Ginagamit ang kagandahan para lumandi sa mayayaman." Sagot din ni Erika kaya naikuyom ko ang aking kamao galit.
Lumapit ako sa kanya at padabog na nilapag ang tray sa counter. Tinititigan ko sya ng masama at ganon din sya sakin.
"Sabihin mo na ang lahat ng galit mo sakin. Huwag lang 'yong Malandi ako. Kahit may galit ako sayo ay hindi pa kita pinagsabihan ng masama. Sana naman Erika matuto kang rumispeto kahit hindi bilang isang kaibigan, kundi respito naman para sa taong masasaktan." Agad ko silang tinalikuran na walang pag alinlangan.
"Maey san kapupunta?." Bulyaw ni Jessica. Hindi ko sila nilingon at patuloy parin ang paglakad palabas ng bar.
Wala na akong pakialam kong magagalit sakin si Erika sa sinabi kong 'yon. Kahit ganon pa man ay kaibigan ko parin sya at hindi iyon magbabago.
Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin sa labas. Naaninag ko ang parating na itim na kotse sa direksyon ko. Agad akong humalukip-kip sa gilid sabay na pag parada ng isang Suzuki. Dahan-dahang bumaba ang salamin mula sa bintana at bumungad sakin si Rocky.
"Bakit ka nandito sa labas?" Kunot noo niya kaya nakagat ko ang labi ko. Lumabas sya sa kotse niya tsaka dali-daling hinubad ang coat at isinuot iyon sakin. "Come with me," Tumango ako bilang sagot tska niya ako inilalayang pumasok sa kotse.
Wala din naman akong mapuntahan kaya mas pinili kong sumama sa kanya. Hindi ko alam kong saan kami pupunta dahil madilim narin at tanging liwanag ng poste lang ang naaaninag ko.
"Anong nangyari? Bakit nandun ka sa labas?" Baling niya ulit sakin.
Hindi ko alam kong ano ang isasagot dahil hindi ko rin alam kong bakit ako tuluyang lumabas ng bar. Isa lang yung alam ko, iyon ay nasaktan ako sa sinabi ni Erika. Hindi ko kasalanang mabastos. Hindi ko rin kasalanang magulo ang lahat.
Hindi ako sumagot sa tanong ni Rocky. Huminto ang kotse sa isang matayug at mataas na palapag ng gusali. Royale Palace Condominium. IBinaling ko ang tingin sa kanya.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko habang papasok kami ng parking lot.
"Nandito ang condo ko," Mahina niyang saad tsaka ako tumahimik. Wala namang problema kong dadalhin niya ako dito. Kaibigan ko sya at kilalang-kilala sya. Isa din itong pagkakataong makasama sya kahit saglit lang.
Umikot sya sa kabila tsaka ako pinagbuksan ng pinto.
"Gutom ka ba? Gusto mo ipagluto kita?" Baling niya sakin tsaka ako tumango. Gustong-gusto kong tikman ang luto niya kahit simula pa noon.
Sumunod ako sa kanya papasok ng elevator. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig ko kay Rocky. Ang kanyang tindig at seryosong mukha na nakapintig sa puso ko. Hanggang ngayon umaasa parin ba ako?
Kaibigan lang ako.
Bumukas ang elevator at bumangad sakin ang iilang silid sa corridor. Hinila niya ang kamay ko kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Wala naman sigurong problema para dito dahil kaibigan ko sya. Kahit hawakan niya pa ang kamay ko ay mananatiling kaibigan ko parin sya. Kong ipagtatama ko ang bawat sinasabi ko ngayon? Yun ay bestfriend ko sya.
Matalik na kaibigan simula pa noon.
Pinihit niya ang pintuan na kulay itim. Unang bumungad sakin ang mahabang sofa na kulay abo at flatscreen mula sa harap nito. Ang mga painting at drawing na nakadikit sa pader ay halos building.
Tuluyan na akong pumasok sa loob at nag palinga-linga sa paligid. Isa nga talaga syang magaling na engineer. Dahil kita ito mula sa disenyo ng kanyang condo.
Malayo na talaga ang naabot ni Rocky. Siguro kong buhay pa si nanay at tatay isa na sana akong nurse ngayon.
"Anong gusto mong kainin?" Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakahubad na ang damit kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Kahit ano, yung specialty mo." Ngiti kong saad tsaka sya ngumiti ng malapad.
"Okay how about carbonara and steak barbecue is that okay with you?" Baling niya tsaka ako tumango bilang sagot. Nagtungo sya sa kitchen at makikita iyon mula dito sa sala.
Dahan-dahan akong umupo sa sofa tsaka hinimas iyon. Binaling ko ang tingin sa isang desk mula sa nag hahalerang ibat-ibang pequiren sa ibabaw ng flatscreen. Tumayo ako tsaka lumapit dun. Napangiti ako sa nakitang larawan at ito ay nag patibok ng puso ko lalo.
Ang larawan namin nong highschool habang naka akbay sya sakin at pareho kaming malapad ang ngiti. Ang sarap sa pakiramdam dahil hanggang ngayon ay meron pa syang larawan namin. Inabot ko ang picture frame tsaka iyon tinititigan. Mahal na yata kita Rocky. Hindi lang gusto, mukhang nahulog na yata ako ng tuluyan sayo.
"Mary?" Agad akong lumingon sa may gilid ng nakatayo sya mula dun na nakangiti. Agad kong itinago ang larawan sa likuran ko sabay ng paglapit niya sakin.
Sinundan niya ang kamay ko mula sa likuran kaya kumunot ang noo niya. Dahan-dahan syang lumapit sakin tska kinuha ang larawan sa likuran ko habang nakatuon ang tingin sakin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nabangga niya ang noo ko sa baba niya. Sobrang tangkad din ni Rocky at hanggang baba lang ako.
"Our picture together, when were was in highschool. Sobrang payatot mo pa sa larawang ito." Natatawa niyang saad tska ako sumimangot.
"Hindi ah! Magkaiba ang payat sa sexy. Sexy lang talaga ako non." Sarkastiko kong sabi kaya umawang ang labi niya. Ang malinis niyang gupit ay nag papahiwatig sakin ng kagandahan ng kanyang mukha.
"Yes, your sexier than sexy even until now." Seryoso niyang saad na ipinula ng pisnge ko. Yumuko ako tsaka narinig ko ang malakas niyang tawa. Inangat ko ulit ang ulo ko tsaka sya sinamaan ng tingin.
Mas lalo syang gumwapo pag tumatawa ng malakas.
"Im serious Mary, im just laughing." Eksplenasyon niya kaya kiniliti ko sya sa tagilirin. Umatras sya sa ginawa ko.
"Stop that," Turo niya sakin habang tumatawa sya. Kiniliti ko ulit ang tagiliran niya kaya mas lalo syang umatras. "Mary.... iba akong magalit," Pagbabanta niya kaya mas lalo akong lumapit sa kanya at kiniliti iyon ng ilang ulit. Alam na alam ko kong saan ang kiliti niya at ganon din sya sakin.
"Bleah... Hindi ako titigil buknoy." pang-aasar ko kaya tumaas ang kilay niya.
"Pag ako magalit humanda ka talaga sakin," Pagbabanta niya habang pa ikot-ikot kami sa sala.
Ang sarap balikan ng kahapon. Lalo na yong naglalaro kami sa basakan non.
"Buknoy baboy hahaha!" Natatawa kong sabi tsaka sya hinabol at pilit na hinuhuli.
"Kuratsay payatot!" Dila niyang saad kaya napangiti ako. Hinabol ko ulit sya ng hinabol hanggang sa hingal na hingal kaming dalawa. Halos hindi ako makahinga kaya dinala ko nalang ito sa tawa.
"Now, its my turn," Malademonyo niyang saad kaya nanlaki ang mata ko. Alam na alam niya kong saan ang kiliti ko.
"Wah..... Rocky huwag!" Hinabol niya ako ng hinabol kaya panay ang ikot ko sa sofa. Sobrang bilis niyang tumakbo kaya natataranta na ako.
Nanlaki ang mata ko dahil pumatong sya sa sofa tska tumalon sa direksyon ko. Niyakap niya ako mula sa likuran at pilit na hinuhuli ang tenga ko gamit ang bibig niya.
"Ayaw ko na please. Nag jojoke lang naman ako eh." Mangiyak-ngiyak kong sabi tsaka niya kinakagat-kagat ang tenga ko.
Nagsi'tindig ang balahibo ko sa buong katawan kaya nanghihina ang magkabila kong tuhod. Na out-balance kami pareho tsaka natumba sa sofa na tumatawa parin. Pumaibabaw sya sakin kaya ramdam na ramdam ko ang matigas niyang dibdib. Nag laban kami ng titig kaya mas lalo akong natataranta. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa hawak niya ang likod ng ulo ko.
"I really miss you," Mahina niyang sabi na ikinilabot ng buong sistema ko.
Pano ko nga ba sasabihin sa kanya na----
"Miss na miss din kita," Nakagat ko ang labi ko sa sinabing iyon. Ngumiti sya ng malapad tsaka dahan-dahang lumapit sakin. Hindi ko magawang huminga kaya mas pinili ko nalang pumikit. Naramdaman ko ang labi niya sa noo ko kaya agad kong dinilat ang mata ko.
"Hali ka na. Gutom narin ako!" Tumayo sya agad tsaka ako hinila sa magkabilang kamay tsaka inakbayan patungong kusina.
Pabilis ng pabilis ang takbo ng puso ko dahil sa akbay niya sakin. Pinaupo niya ako sa highchair tska ko sya pinapanuod mag luto. Naalala ko si Matteo kaya agad akong umiling. Si Rocky ang kasama ko tt hindi sya.
Bakit ko nga ba sya naalala?
Pagkatapos ng ilang minuto ay sabay kaming kumain sa niluto niya. Panay ang tingin ko sa kanya habang ngumunguya ng pag-kain.
"May itatanong ako sayo." Putol niya sa katahimikan tsaka ako tumuwid ng upo. "Nag d'date parin ba kayo ni Matteo?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya kaya mabilisan kong nilunok ang steak barbecue.
"Hindi.!" Sagot ko sabay yuko. Napapikit ako dahil sa unang pagkakataon ay nagsinungaling ako sa kanya. Oo nga pala pag sisinungaling itong nararamdaman ko para sa kanya.
"I want you to stay away from Matteo. Hindi mo sya kilala Mary. Kitang-kita ko sa mga kilos niya na pinopormahan ka niya. Im just protecting you." Seryoso niyang saad tsaka ako nagkagat labi. Hindi ko alam kong pano sasagotin si Rocky. Kapakanan ko lang ang iniisip niya kaya kailangan ko syang sundin.
Pero hindi naman masama si Matteo.
"Umiiwas ako dahil magkaiba ang stadu naming dalawa. Mahirap ako Rocky at mayaman siya. Masilang mang-yari iyon kong mag kakagusto sya sa isang katulad ko." Salaysay ko kaya titig na titig sya sakin. Magkaharap kami ngayon kaya mas lalo kong kita ang mukha niyang galit.
"Oo tama ka your both different. He is devil and you are angel." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bakit niya iyon nasabi kong kaibigan naman sila ni Matteo. "He is my friend and i know very well what is Matteo. He is manwhore, playboy and he love play games. Wala syang pinipili Mary." Natahimik ako sa sinabi ni Rocky. Hindi ko rin alam na ganon si Matteo dahil ibang-iba sya pag nasa harap ako.
Iba si Matteo sa sinasabi ngayon ni Rocky.
"Iba ang awra niya pag nag kakagusto sya sa isang babae, and beside he play faithfully pag nakuha na niya ang gusto niya." Dugto niya tska hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. "Saksi ako sa mga kalokohan niya noon, kaya sana umiwas ka kong nagpapakitang gilas man sya sayo." Dahan-dahan akong tumango sa sinabi ni Rocky. Hindi ko magawang sumagot dahil hindi ko rin alam kong anong isasagot.
"Hindi ko sya sinisiraan. Kaibigan ko sya at alam na alam ko ang mga kalokohan niya. Ewan ko kong mahal ba niya talaga si Venus o isa lang 'yon sa mga playtime niya." Wika niya ulit.
"Mahal niya si Venus at nakikita ko iyon." Sagot ko kaya kumunot ang noo niya.
"How did you just know?" usal niya.
"Nakikita ko iyon sa kanya. Pero parang may ibang mahal si Venus." Sagot ko kaya mas lalong kumunot ang noo niya.
"Clark," sagot niya agad.
"Clark? Parang na meet ko na sya kanina sa bar." sambit ko.
"They are siblings actually. They love the same person and its Venus. Kaya lang mas gusto ng pamilya ni Venus si Matteo. His older than Clark and he apparantly owe the all company. Pati mana ng mga lola't lolo niya ay nasa kanya. He is powerful Mary and he can buy anything even the virginty." Napalunok ako sa sinabi ni Rocky. May bahid sakin na huwag maniwala dahil ibang-iba si Matteo pag kasama ko sya. Hindi ko alam na may itinatago syang baho.
Kaibigan ko si Rocky at kailangan ko syang paniwalaan.
Pagkatapos naming kumain ay hindi na ako muling nagtanong pa kay Rocky. Natatakot ako kong patuloy parin akong makikinig. Hinatid niya ako sa bar at hindi na sya lumabas pa ng kotse. Kumaway ako bilang paalam tsaka sya tuluyang umalis.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng bar at nadatnan ko si manong gwardya na naninigarilyo.
"Goodevening Mary. Kanina pa kayo hinahanap ni Sir Matteo sa loob. Galit na galit yata!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Pinagbuksan niya ako ng pintoan at bumungad sakin ang iilang ilaw mula sa counter. Naaninag ko si Matteo na nakaupo sa highchair habang lumalagok ito ng alak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya sabay ng kanyang pagsalita.
"My girl dating with another man. Sounds creepy and it makes me frustrate. Where have you been young lady? Why your always hiding while im crazy searching for you." Bagsak boses niya. Napaatras ako saglit sa takot. Nakagat ko ang labi ko sa takot at napahigpit ang hawak ko sa coat na pinagamit sakin ni Rocky.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa tono ng kanyang boses. Dahan-dahan niyang inikot ang highchair at bumungad sakin ang medyo magulo niyang buhok sabay ng kanyang pag-igting panga. Napalunok ako saglit.
"Why you can't answer my simple question?" irritable niyang tanong kaya napapikit ako.
Sino ba sya? Bakit sya nagagalit? Hindi niya ako pag mamay-ari at lalong hindi ako alipin para sundin sya. Tama nga ang sinasabi ni Rocky, masama sya.
Dahan-dahan syang tumayo tsaka lumapit sakin. Sobrang lapit niya sakin kaya napaatras ako ng kaunti.
"Kasama ko si Rocky," Sagot ko na ikina'igting ng kanyang panga.
"Saan kayo nag punta? Sa condo niya?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bakit ang dami niyang alam?
Oo nga pala tulad ng sinabi ni Rocky kanina. Mayaman at makapangyarihan sya kaya niya akong pasundan kahit saan.
"You can't answer my second question again huh?" kunot noo niya tska ko kinuyom ang kamao ko. Dahan-dahan syang lumapit sakin at dahan-dahan din akong umaatras.
Naramdaman ko nalang ang malamig na pader sa likod ko at agad akong napasandal mula dun. Ikinulong niya ako mula sa magkabila niyang bisig tska niya isinandal ang palad niya sa pader.
Sobrang tangkad niya at hanggang baba lang ako.
"I want to punish you right now, but this is not the right place." Pagbabanta niya tsaka lumapit sakin ng kaunti. Yumuko sya ng kaunti para mag kalevel ang mukha namin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya ngayon. Ang mukha niyang perpekto kahit saang banda. Ang labi niyang umaawang dahil sa galit.
Biglang bumukas ang main door ng bar at bumungad sakin si Venus na pulang-pula ang labi. Nanlaki ang mata ko sabay ng pagdampi ng labi ni Matteo sa labi ko.
Ramdam na ramdam ko ang malambot at mainit niyang labi habang nakatuon ang tingin ko kay Venus mula sa balikat ni Matteo. Halos hindi ako makahinga habang inaangkin ni Matteo ang labi ko sa bawat sulok nito.
Nakanga-nga ako at literal na nagulat sa ginawa niya. Alam niya bang si Venus ang nasa pintoan kaya hinalikan niya ako bigla?
"Please kiss me back, Mary." Bulong niya habang nakadampi ang labi niya sa labi ko.
"Nandyan si Venus." Mahina kong saad. Nangi-nginig ako sa takot!
"Fuck.... I dont care, I just care about your kiss. Kindly pay back my kiss and im waiting." Pag babanta niya kaya para akong kiniliti ng libong-libong paru-paro sa dibdib.
Naging alipin na yata ako ni Matteo. Wala na akong magagawa at kailangan kong sundin ang usapan namin. Dahan-dahan kong ipinulupot ang kamay ko sa leeg niya tska tumingkayad at hinalikan sya sa labi.
"Shit," Mura niya tsaka ako hinila sa magkabilang bewang at mas siniil pa ng halik.
Hindi ako marunong humalik pero pagdating kay Matteo ay naging mag paglaro narin ang labi ko. Tanging pagsara nalang ng pintoan ang narinig ko at napagtanto kong umalis na si Venus.
Gusto ko syang itulak dahil wala na si Venus ngunit mas idinikit niya pa ang katawan niya sa kawatan ko. Sobrang nakikiliti ako sa may batok at nanghihina narin ang tuhod ko.
Ramdam na ramdam ko ang maumbok niyang kabuohan sa gitna ng kanyang hita kaya nangi-nginig na ang hita ko mula dun. Sobrang higpit ng hawak niya sa bewang ko kaya mas lalo akong hinihila ng huwisyo ng aking damdamin.
Nakulong na ako sa tukso ng aking damdamin. Nakalimotan ko na ang sinabi ni Rocky kanina---
"Oh my ghad!"
Humiwalay ako sa halik ni Matteo ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Sobrang laki ng mata ko ng bumungad samin si Ivony, Jessica, Grace at Erika na literal na naka nga-nga.
Hawak-hawak parin ni Matteo ang bewang ko habang nakatuon ang tingin sa kanila.
"I need to go," Saad niya kaya dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nagtama ang mga mata namin. Nanatili akong nakahawak sa kanyang leeg. "This is not the nice place, you need to sleep coz it's already late." Dinampi niya ang labi niya sa noo ko tsaka ako tuluyang tinalikuran.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Iniwan niya akong nakatulala habang nakahawak ng mahigpit sa dibdib. Ibinaling ko ang tingin sa mga kaibigan kong naka nga-nga parin. Yumuko ako sa kahihiyan dahil sa eksenang nakita nila.
Hindi ko alam pero masarap humalik si Matteo at pilit ako nitong pinabalik-balik. Ayaw kong masanay baka itoy aking hanap-hanapin.