Pinapanunuod ko sya habang nililigpit ang pinagkainan namin. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko magawang pigilin sya dahil alam ko rin sa sarili ko na gusto ko iyon.
"Ihahatid na kita," Baling niya sakin tska ako tumango.
Gustohin ko man umuuwi mag-isa pero di ko magawa dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa manila. Maging sa byahe ay alingasa ako. Hindi ko magawang lumingon sa kanya dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Hindi ko manlang nakilala ang sarili ko dahil sa pusok na naramdaman ko kanina.
Nakarating kami sa bar na walang imikan. Kanina pa ako kagat ng kagat sa labi ko. Siguro dudugo na ito sa kakakagat ko.
"Thankyou for tonight," Lumingon ako sa kanya na may bahid na hiya. Sobrang higpit ng hawak ko sa kamay ko dahil hindi ko magawang kalimutan ang nangyari. Hindi ako nagsisisi pero naiilang na ako kay Matteo.
"Lalabas na ako," Saad ko tsaka dali-daling lumabas ng kotse niya. Ayaw ko syang tignan dahil naalala ko lang ang ginawa niya sakin. Tuluyan na akong nakapasok sa bar nang hindi lumilingon sa kanya. Siguro ay tama lang iyon.
Dali-dali akong pumasok sa silid at bumungad sakin ang mga kasamahan kong nagbibihis narin. Napadpad ang tingin sakin ni Ivony na nakangiting asar.
"Saan kayo nag date? Mukhang natagalan yata ah." Asar niyang sabi sakin pero nginitian ko lang ito.
Ayaw ko ng mahabang usapan, baka hahantong nanaman sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.
Kulay pula ang susuotin namin ngayon at maikli din ito tulad ng iba naming uniporme. Namumula na ang labi ko habang kagat-kagat ito. Panay ang iling ko saking ulo dahil sa ginawa sakin ni Matteo. Tutok na tutok ako sa salamin habang naglalagay ng eyelashes. Nawawala ako sa kosentrasyon dahil pumapasok parin sa isip ko ang nangyari. Nababaliw na ako sa bawat haplos ni Matteo at iyon ay hindi ko na kayang pigilin. Ang haplos niya at yung----
"Maey kanina ka pa dyan sa salamin, malapit nang mag alas syete oh. Hindi ka pa ba lalabas?" Putol ni grace sa imahinasyon ko kaya bumalik ako sa sariling pag-iisip.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko tska hinarap sila na mukhang hinihintay ako kanina pa. Titig na titig sila sakin kaya nilagpasan ko sila agad. Siguro humaba ang pag-iisip ko at hindi ko na namalayan ang pangyayari sa loob.
"Anong problema dun?"
"Hmhmhmhm mukhang masama ang kutob ko."
"Hoy Ivony ibahin mo si Maey sayo."
Narinig ko pa silang nagtatalo kaya naalala ko ulit ang kanina. Kailan ko ba yun malilimutan? Siguro hindi na!
Ganon pa din, balik sa trabaho. Hinahatid ko ang iilang alak sa mesa. Naging cold sakin Erika nong mga nakaraang araw kaya hindi ko na sya magawang kausapin pa.
"Hay naku... Ano ba yan, ang dami-daming malalandi sa paligid. Pati mayayaman ay winawaltas kahit na katawan ang kapalit. Nakakadiri!" Agad akong napalingon kay Alyana na kasama ang iilang babae na waitress rin.
"Tingin niya sa sarili niya ay sobra niyang ganda. Pinatolan ba naman ng gwapo at mayaman tapos kong umasta feeling mayaman narin. Gold digger."
"Yuck.... siguro marami ng nakatikim sa kanya. Tindig palang ay mukhang wala na."
Napapikit ako sa bawat bigkas ng kanilang bibig. Ayaw ko ng away pero natatamaan ako. Lampas na ako sa limitasyon at pinatulan ko talaga ang mayaman?
Pero pumatol ba talaga ako? Nag papanggap lang naman kami diba? Pero kasali ba sa pag papanggap ang nangyari samin kanina? Pero ang tanong bakit ako pumayag? Yun ang hindi ko masagot!
"Hoy Mary." Lumingon ako kay Alyana na nakataas kilay na ngayon sakin. "Mag-kano ang binabayad ni Sir Matteo sayo gabi-gabi?"
Napahawak ako ng mahigpit sa tray na dala ko. Nag katinginan na din yung ibang waitress sa direksyon namin. Nakaramdam ako ng init sa katawan dahil kahit kailan hindi ako bayaran. Bakit nagagalit sila sakin?
"Ano? Hindi ka makasagot? Siguro naman ay yayaman ka niyan gabi-gabi." Dugtong niya kaya kita mula sa gilid ng mata ko ang papalapit na si Jessica..
"Hoy Alyana. Narinig ko yun ah. Ano bang problema mo sa kaibigan namin at binabastos mo talaga sya sa oras ng trabaho. Gusto mo ihampas ko sayo ang manners na salita. Baka hindi ka pa na o'orient?" Hamon ni Jessica kaya umigting ang panga ni Alyana. Nagtawanan ang kanyang kasamahan habang nag bulong-bulongan. Kita mula sa mata ni Alyana ang galit.
"Kasi yang kaibigan mo malandi. Gabi-gabi wala at kahit sino nalang lalaki ang kinakasama." Taas kilay ni Alyana kaya lumapit si Jessica sa kanya.
Huhulihin ko sana ang kamay ni Jessica pero dali-dali itong lumapit kay Alyana. Sumunod ako para pigilan sya.
"Naiinggit ka? Edi sumama ka din sa mga lalaki. Problema ba iyon?" Sigaw ni Jessica kaya padabog na nilapag ni Alyana ang tray sa counter.
Kinakabahan ako baka makita pa sila ni Ma'am shelo at ako ang dahilan ng awayan na ito. Ayaw ko ng gulo at baka matanggal pa kami sa trabaho.
"Bakit ako maiing-git sa mga babaeng bayaran? Pareho lang kayong magkakaibigan malalandi at kong sino-sinong lalaking sinasamahan."
Tumagilid ang mukha ni Alyana dahil sa malakas na sampal ni Jessica. Hinila ko si Jessica ngunit huli na ang lahat, nagtutulakan na ang dalawa.
Halos mapatingin narin samin ang ibang costumer.
"Ano ba? Ano bang kagulohan ito? Nasa trabaho kayo. Gusto nyo bang makarating ito kay Sir clifford?.." Pumagitna si Kael sa dalawa. Isa sa mga bouncer namin. Hinila ni Ivony at Grace si Jessica.
"Kasi yang babaeng yan ang nangu-nguna." Turo ni Jessica kay Alyana. Ngunit tumaas lang ang kilay nito dahil sa sinabi.
"Totoo naman diba?." Sagot ni Alyana ng pasigaw.
"Tama na yan. Ayaw kong may matanggal isa sainyo. Kong gusto nyong manatili sa trabaho na ito tumigil na kayo. Hindi na kayo bata para pag-awayan yan." Sermon ni Kael isa-isa sa kanila. Ngayon pa ako nakaramdam ng takot kay Kael dahil sa malaki nitong katawan at lalim ng kanyang boses.
"Anong nangyayari dito?" Sabay kaming napalingon kay Ma'am Shelo na papalapit samin. Literal nag'sialisan ang ibang waitress at bumalik sa trabaho. Naiwan kaming mag-kakaibigan kasama si Kael at Alyana.
Nagkatinginan kami ni Kael at mukhang nakuha niya ang ekspresyon ng mukha ko. Natatakot ako sa maaring sabihin niya. Sana naman huwag ngayon!
"Pasensya na po ma'am, may nabastos kasi isa sa kanila. Pero okay na po dahil pinauwi na namin ang lasing na lalaki." Sabay kaming nagbuntong hininga sa sinabi ni Kael. Hawak ko ang braso ni Jessica bilang pakalma.
"Hindi pa ba kayo nasanay? Sige na bumalik na kayo sa trabaho. Baka dumating si Sir clifford, mapagalitan pa ako." Bulyaw niya isa-isa samin kaya natataranta kaming bumalik sa trabaho.
"Im sorry Maey." Baling sakin ni Jessica kaya umiling ako agad.
"Ako dapat ang mag sorry dahil napa-away ka. Im sorry Jessica." Hinawakan niya ang kamay ko tsaka humarap sakin na nakangiti.
"Nakakabastos lang kasi yung babae na yun. Alam mo hindi na iyon virgin eh. Kong makapagsalita feeling virgin, kaya nga naiinis ako dahil binibigyan niya lang ng kahulogan ang sarili niya." Asar niyang sabi kaya nagtawanan si Ivony at Grace.
"Matanda ang pinapatolan non. Sos....kong alam mulang baka mandidiri ka pa. Atleast ako sa boyfriend lang ako nakikipagtalik at sa kanya lang wala ng iba pa." Sambit ni Grace kaya binatokan sya ni Ivony.
"Proud ka pa talaga na wala ka na?" Taas kilay ni Ivony.
"Eh syempre mag papanggap na Virgin? Hello! mas mabuti na yung nagsasabi ng totoo." Maarteng saad ni Grace kaya nagtawana ulit sila.
"Ikaw Maey," napalingon ako sa kanila. "Isuko mo ang bandila sa lalaking sigurado ka. Huwag kang pa dalos-dalus dahil iba na ang mga lalake ngayon. Pero kong kay Sir Matteo? Huwag ka ng magdadalawang isip. Sayang ang grasya." Isa-isa syang hinampas ni Grace at Ivony. Napatawa ako sa Sinabi ni Jessica, kahit napa away na sya kanina ay nagagawa niya pang magbiro sakin.
Napaisip ako saglit sa sinabi niyang iyon. Sa lalaking sigurado ako pero nakakalimotan ko ang limitasyon ko pag nadala na ako sa daloy ng aking damdamin. Tama sila hindi ako dapat padalos-dalus. Pero sana mapanghahawakan ko iyon.
Bumalik kami sa trabaho. Naging mailap na din si Alyana at hindi na ito nagpaparinig pa sakin. Umiiwas ako pag nagkakasalubong kami dahil ayaw ko ng away. Naging masaya ako sa trabaho ko at ayaw kong sayangin ito.
"Maey sa number ten yan. Pakihatid naman oh. Babalik pa kasi ako sa number six eh." Puppy eyes ni Grace kaya agad kong tinang-gap ang limang bote ng alak.
Nagtungo ako sa numerong nakasaad. Naaninag ko ang iilang babae mula sa sofa at mukhang grupo ito ng mag kakaibigan.
"Goodevening ma'am," Naputol ang kanilang tawanan ng dumating ako. Panay ang titig nila sa bawat kilos ko kaya kita ko iyon mula sa gilid ng aking mata.
"Magpapakasal na ba talaga kayo ni Rocky?" Nanigas ang kamay ko sa narinig. Sinong Rocky? Umiling ako dahil maraming Rocky sa mundo.
"Yes ofcourse ayaw ko ng pakawalan sya." Boses iyon ni Kria kaya nangi-nginig ang kamay ko. Si Rocky ang pinag-uusapan nila.
"How about Jerwell? Diba nakipagtalik ka sa kanya nong nakaraang araw. Goah Kria pano kong magsumbong si Jerwell sa ginawa nyo?" Kong ganon tama ang sinasabi ni Matteo sakin. Niluluko niya si Rocky. Nang-giit ako sa galit.
"Binigay ko lang ang gusto niya. Yun na ang huli at hindi na mauulit pa. Masyadong makulit kaya pinagbigyan ko na." Maarteng saad ni Kria kaya dahan-dahan kong inangat ang ulo ko tsaka sya tinignan kong saan sya banda nakaupo. Nagtagpo ang mata naming dalawa kaya literal syang nagulat. Napatayo sya sa gulat tsaka binaba ang sigarilyo ng hawak.
"Mary?" Gulat niyang sabi tsaka napatingin ang mga kasamahan niya sakin.
"Kilala mo sya Kria?" Maarteng tanong ng kanyang mga kaibigan. Nagkatitigan kami ni Kria tsaka sya lumapit sakin at hinawakan ang braso ko.
"Yes ofcourse, kaibigan sya ni Rocky." ngiti niya sa mga kaibigan niya, at alam kong peki ang ngiti niyang iyon. Kita sa mukha niya ang pamumutla.
"Excuses me girls. Kailangan ko muna syang kausapin." Saad niya sa kanyang mga kasama tska ito tumango isa-isa. Hinila ako ni Kria palayo sa kanilang mesa. Ramdam ko ang hila niyang may iritasyon at galit. Binitawan niya ang braso ko tska humarap sakin.
"Waitress ka?" Kunot noo niya tsaka ako dahan-dahang tumango. "Mukhang mayaman ang boyfriend mo pero nag tatrabaho ka lang dito sa bar?"
"Hindi ko yun boyfriend." Sagot ko kaya tumaas ang kilay niya. Inayos niya ang kanyang sarili tska hinarap akong taas noo.
"Narinig mo ang pinag-usapan namin?" Hamon niyang tanong kaya napahawak ako ng mahigpit sa tray. Kong ganon kinausap niya ako para lang dito.
"Oo." Sagot ko.
"Sasabihin mo kay Rocky?" Taas kilay niya.
"Kong ano man ang narinig ko ay akin lang yun." Mahina kong sagot kaya umigting ang kanyang panga.
"So? Sasabihin mo nga?" Irritable niyang tanong kaya nagkitbit ako ng balikat. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit kaya ramdam ko ang kuko niya mula saking balat. "Kong ano man yung narinig mo. Itikom mo ang bibig mo dahil iba akong magalit, Mary." Hinawi ko ang kamay niya mula sa braso ko.
"Kaibigan ko si Rocky at kong ano man ang narinig ko ngayon. Sasabihin at sasabihin ko sa kanya ang totoo. "Hamon ko ring sagot kaya bahagya syang tumawa. Kinaltas niya ang buhok niya sabay fliphair tska lumapit sakin ng kaunti.
"Okay. Sabihin mo sa kanya kong maniniwala sya sayo? Mahal niya ako at ako lang ang paniniwalaan niya." Ngiti niyang pang-aasar tska ako tuluyang tinalikuran.
Bagsak ang magkabila kong balikat. Tama sya pano ako paniniwalaan ni Rocky kong nabulag sya sa pagmamahal kay Kria. Napapikit ako saglit tsaka bumalik sa trabaho.
Lumipas ang alas dose ay isa-isa na naming nilinis ang mga kalat sa bar. Hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang narinig ko kanina. Nagmamahalan ba talaga sila ni Rocky? Mahal ba talaga sya ni Kria?Sumasakit lang ang ulo ko kapag iniisip iyon.
Isa-isang nag-uwian ang mga lasing at unti-unti naring tumahimik ang bar. Bumalik kami sa silid na bagsak ang katawan sa pagod.
"Gosh. Ang sakit ng likod ko!" Bumulagta si Grace sa kama kong saan tabi sila ni Jessica.
Agad akong humiga sa kama ng hindi nagsasalita. Hindi ko narin naririnig ang imikan nila at alam kong pagod na silang lahat. Hindi ko alam kong nag tetext ba si Rocky ngayon dahil wala na akong cellphone.
"Mary hinahanap ka ng boyfriend mo." Agad akong napaupo sa kama sa sinabi ng kasamahan ko. Napadilat rin ang mata ng mga kaibigan ko tsaka nila ako tinignan.
"Sige na mukhang makikipag date ulit sayo ah. Hindi ba nagsawa eh kaninang umaga magkasama kayo?" Natatawang singit ni Grace kaya natawa si Ivony at Jessica.
Tumayo ako ng hindi sila kinakausap. Mas mabuti ng talikuran sila dahil baka aandar ulit ang kabaliwan nilang lahat.
"Hindi ka mag bibihis? Nakapangtulog ka lang." Napaupo si Ivony sa kama habang hinahanap ko ang tsinelas ko sa ilalim nito.
"Hindi na, sige alis na ako." Agad ko silang tinalikuran.
Tahimik sa bar. Mukhang nasa labas si Matteo naghihintay. Paglabas ko ay nakita ko pa syang nakikipag-usap kay manong gwardya. Napadpad ang tingin nila sakin kaya agad umalis si manong guard pagkatapos yumuko. Lumapit sya sakin at ganon din ako. Titig na titig sya sakin at kita mula sa mukha niya ang galit.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"I text you. But you didn't response!" Galit niyang tono kaya humalukip-kip ako.
"Iniwan ko ang phone sa bahay mo." Naningkit ang mata niya sa sinabi ko.
"What? I bought that phone for you, but why you didn't you use it." Bagsak boses niya ulit kaya nakagat ko ang labi ko.
Naka business attire pa sya at alam kong galing pa ito sa trabaho. Kita mula sa mukha niya ang pagod na may galit.
"Ayaw ko ngang binibilhan ako ng gamit ng iba." Yun lang ang tangi kong naisagot kaya umigting ang panga niya.
"Give me one reason why?" Galit niya paring tono ng boses. Hindi ko alam kong pano ito sasabihin.
"Dahil hindi ako gold digger Matteo." Mahina pero may galit kong sabi. Umawang ang kanyang labi sa sinabi kong iyon tsaka sya lumapit sakin.
"But your not, Im the one who asking for it. I buy that phone for my own barely. Stop thinking you are a gold digger." Matigas niyang english tsaka binagsakan ako ng masamang tingin. Umiwas ako ng tingin at tuloyan ng sumuko sa titig niya.
"Pareho lang iyon. Binilhan mo ako tapos tinanggap ko, wala ring pinagkaiba." Hamon kong sagot kaya hinilot niya ang kanyang tulay sa ilong. Nag-sisisi na ako ngayon dahil mas lalo ko syang pinagod dahil sa bangayan na ito. Pagod na pagod sya dahil medyo magulo narin ang kanyang buhok.
"We'd better get going on this." Hinila niya ako kaya nagulat ako sa ginawa niya.
"Tika lang saan tayo pupunta?" Hindi niya ako nilingon at patuloy parin ang lakad niya patungong kotse nito. Pilit kong pumipiglas pero ang higpit ng kanyang hawak sa kamay ko.
"Matteo? Pagod ako at kailangan kong magpahinga." Bulyaw ko pero hindi niya parin ako nililingon.
"You can sleep in my house. Is that a problem?" Sarkastiko niyang sagot kaya naramdaman ko ulit ang lakas ng tibok ng puso ko.
Nag patianod ako sa hila niya sabay ng pagparada ng isang maitim na suzuki sa tabi ng kanyang kotse. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil kilala ko ang kotse na iyon. Bumaba si Rocky mula doon kaya napahinto si Matteo sa paghila sakin. Napadpad ang tingin ni Rocky sa kamay naming magkahawak kaya agad kong binawi ang kamay ko mula kay Matteo.
"Saan kayo pupunta?" Kunot noo ni Rocky habang papalapit samin. Humalukip-kip ako sa gilid ni Matteo kaya ramdam ko ang iritasyon na pumagitna saming tatlo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at titig ni Rocky.
"I'll take her home." Nanlaki ang mata ko sa direktong sinabi ni Matteo kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Are you fucking serious dude? Dadalhin mo si Mary sa bahay mo. You are really an asshole huh!" Galit na sagot ni Rocky kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa.
"Then, what is your problem? Are you Mary's boyfriend?" Sagot ni Matteo kaya nanginig ang tuhod ko sa takot.
"Tika lang---" Ibinahagi ko ang kamay ko kaya sabay silang tumingin sakin.
"Pumunta ako dito para sunduin ka. Aalis tayo!" Hinila ako ni Rocky pero hinuli ni Matteo ang isa kong kamay.
Kaliwa..
Kanan...
Kaliwa...
Kanan.....
Para akong lubid na hinihila nila. Sobrang laki nilang tao kaya nagmumukha akong bata sa gitna.
"Kong ganon, you have the right, than me?" Bagsak boses ni Matteo kaya naglaban sila ng titig ni Rocky..
"Im her bestfriend and who are you by the way?" Natahimik si Matteo sa simabi ni Rocky kaya napahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sobrang higpit at parang madudurog na ito.
"Im courting her," Tipid na sagot ni Matteo na ikinatalon ng puso ko. Namamawis na ang noo ko sa eksenang ito at tila pinagitnaan ako ng matataas na tao.
"Hindi ako papayag. Stop this crazy thing dude. Find another girl to play with. Huwag ang kaibigan ko!" Hinila ako ni Rocky pero hinila ulit ako ni Matteo. Nasasaktan na ang magkabila kong balikat sa ginagawa nila.
"She will come with me." Hamon ni Matteo kaya tinawanan lang sya ni Rocky.
"Sa akin sya sasama." Galit na saad ni Rocky. "Mary sasama ka sa akin o hindi?" Lumingon ako kay Rocky na blanko ang ekspresyon ang mukha. Sobrang galit nang kanyang mukha.
Hindi ko alam kong anong isasagot dahil nalilito ako. Nagbuntong hininga ako tsaka binaling ang tingin kay Matteo. Nagkatitigan kami saglit tsaka sya tumango bilang pagsama ko sa kanya. Umiling ako bilang sagot kaya nalumnay ang kanyang magkabilang mata. Dahan-dahan niya akong binitawan sabay ng pagbagsak ng kanyang magkabilang balikat.
Tuluyan akong hinila ni Rocky palayo sa kanya. Lumingon pa ako saglit sa direksyon ni Matteo at nahuli ko ang mata niyang sawi. Hindi ko alam kong ano ang dapat gagawin. Sinunod ko lang ang puso ko sa pagsama kay Rocky. Pero nasaktan ako sa pagbitaw ni Matteo.
Nalilito ako!
Hindi ko alam pero nakaramdam ako nag sakit sa dibdib.