Chereads / The Virgin Mary / Chapter 29 - KABANATA 27

Chapter 29 - KABANATA 27

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang sinabi ni Matteo. Ang kanyang boses na pabalik-balik na pumapasok saking tenga. Ang kanyang boses na nagpapatindig ng lahat ng balahibo ko.

Napapikit ako habang paulit-ulit na sinasagip sa isip ko ang sinabi niya. Bakit kaya, pag may nasabi syang nagpapagulo sakin ay nakakaramdam ako ng hinanaing? Nang-hihina ako.

You're gonna miss me, when im gone.

You're gonna miss me, when im gone.

You're gonna miss me, when im gone.

You're gonna miss me, when im gone.

You're gonna miss me,when im gone.

Sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko ang sinabi niyang yun. Gusto ko nalang matulog dahil nawawala sa isip ko ang sinabi niya. Gusto kong kalimutan pasandalian ang kanyang binitawang salita. Simple pero nakakaasar pakinggan. Tuluyan na talaga akong nagpahila sa tensyon ni Matteo. Tuluyan na akong nakulong sa kanya.

Lumingon ako sa desk ng tumunog ang phone ko. Bumangon ako sa kama tsaka inabot iyon.

From: Rocky

Nasa Airport na ako. Text mo ako pag may problema ka dyan.

Napahigpit ang hawak ko sa phone. Nagsimula na akong mag tipa para replayan si Rocky.

Godbless sa byahe, mag-iingat ka Rocky, hihintayin kita.

Napasandal ulit ako sa kama. Nagbuga ako ng iilang hininga dahil gumugulo sa isip ko ang dalawang lalake sa buhay ko ngayon. Pagod lang siguro ako kaya nag kakaganito. Hindi ko kasi alam na ganito kabilis ang aking nararamdaman. Hindi pa ako nag kakaroon ng boyfriend kaya wala akong alam tungkol sa mga ganoong bagay.

Isa lang ang nagpapatibok ng puso ko, yun ay si Rocky lamang.  Pero hindi ko naman aakalain na pati si Matteo ay mang-gugulo narin sa isip ko.

"Maey?" Tawag sakin ni Ivony kaya dinilat ko aking mata. "Kain na tayo gutom na ako eh," Dali-dali akong bumangon sa kama. Hinintay pa talaga nila akong magising at talagang hindi sila naunang nananghalian.

"Mauna na kami sa baba." Saad ni Jessica kasama si Erika at Grace na naunang lumabas ng silid. Nagpa-iwan si Ivony habang busy sa kakapindot ng kanyang phone.

Pagkatapos kong magbihis ay tinawag ko si Ivony para sumunod sa tatlo.

"Ivony tayo na," Lumingon sya sakin tsaka tumango. Sabay kaming lumabas ng silid. Napadungaw ako sa railing ng balcony ng marinig ko ang tawanan ng dalawa.

Sumasayaw si Grace habang paikot-ikot sa railing. Napangiti ako sa ginawa niya. Kita mula sa kilos ng katawan nito na hindi sya marunong sumayaw. Mas lalo kong nakita ang ka cute'tan niya.

"Para kang uod sumayaw Grace, ang laswa bagay ka sa kabailang club." Sambit ni Ivony kaya sumimangot si Grace. Nagtawanan silang lahat sabay ng paghuli ko sa ngiti ni Erika. Nahuli niya ring nakatitig ako sa kanya kaya napawi ang kanyang ngiti at umiwas agad ng tingin.

Naging cold sya sakin minsan, pero hinahayaan ko nalang iyon. Tuluyan kaming lumabas ng bar tsaka nagtungo sa kabilang kanto kong saan ang kalenderya ni Manang.

"Anong gusto nyo?" Saad ni Jessica habang namimili ng ulam.

"Bakit libre mo?" Singit ni Grace kaya nagtaas ng kilay si Jessica bilang sagot.

"Nagtatanong lang naman ako kong anong gusto nyu, dahil ganon narin sakin." Sagot ni Jessica kaya humagik-ik kami ng tawa ni Ivony.

"Edi, huwag ka ng magtanong kong hindi mo pala libre."Malditang sabi ni Grace habang nagtutulakan sila sa may braso. Napapangiti ako habang tinititigan sila. Sila ang rason ng mga ngiti ko araw-araw. Mga baliw kong kaibigan kaya may dahilan ako kong bakit "Okay kahit single".

Pagkatapos naming namili ay umupo kami sa bakanteng mesa sa sulok.

"Uuwi ka sa lanao?" Direktong tanong ni Ivony sa hapag. Nakagat ko ang labi ko dahil sya yung una kong sinabihan kahapon. Literal silang nagulat at natahimik.

"Ano? Uuwi ka? Ayaw mo na ba dito sa Manila?" Taas tono ni Grace habang may pagkain sa bibig nito. Napangiti ulit ako sa itsura niya.

"Do not talk, when your mouth is full." Taas kilay ni Jessica kaya dali-daling uminom si Grace ng tubig. Pinapanunuod namin ang kilos niyang natataranta.

"Hanip ah. Saan mo napulot yang english mo?" Natatawang sagot ni Grace kaya tumaas ang kilay ni Jessica bilang sagot.

"Salita lang huwag naman sabayan pa ng laway." Maarteng punas ni Jessica sa kanyang mukha. Nagtawanan kami sa hapag dahil sa bulyawan ng dalawa.

"Tika nga bakit ka nga uuwi?" Balik sakin ni Grace tsaka ako uminom ng tubig.

"Anibersaryo ni Nanay at Tatay sa darating na linggo. Kailangan kong bisitahin ang puntod nila. Ipapa ayos ko narin." Sagot ko kaya sumimangot silang tatlo. Pinadpad ko ang tingin kay Erika na seryosong nakatitig sakin.

"So kailan mo balak umuwi?" Tanong ulit ni Grace.

"Baka sa susunod na araw. Mag papaalam muna ako kay sir Clifford kong papayag sya sa pag-uwi ko." Narinig ko ang kanilang buntong hininga.

"Kong pwede kalang namin samahan." Simangot ni Jessica. Umiling ako tsaka sila isa-isang tinignan.

"Okay lang ako, huwag kayong mag-aalala." Nakangiti kong sagot kaya kalaunan ay ngumiti narin sila. Nagpatuloy kami sa hapag tsaka napagdesyonang bumalik sa bar.

Naiisip ko ang mangyayari mamayang gabi kong pupunta ako sa party na sinasabi ni Matteo. Hindi ako bagay dun at sigurado akong mapapansin nilang isa akong mahirap lamang

Naglalaro sila ng baraha sa kama ni Erika. Panay naman ang tingin ko sa phone dahil sa hinihintay ko ang reply ni Rocky, ngunit hanggang ngayon ay wala parin. Sigurado ako sa mga oras na ito ay nasa Dubai na sya. Napasinghap ako ng panandalian.

Sabay kaming napalingon sa pinto ng bumukas iyon. Napatayo ako bigla ng bumungad samin si Mam Shelo na may dalang puting kahon. Taas kilay syang lumapit sa direksyon ko.

"Mary para daw ito sayo. Hinatid ng sekretarya ni Sir Matteo." Taas kilay ni mam Shelo kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at tinanggap ang malapad na box.

"Para saan daw po ito Mam?" Pormal kong tanong kaya tumaas ulit ang kanyang kilay.

"Bakit di mo nalang buksan, para naman iyong malaman." Maldita nitong sabi kaya bahagya akong yumuko. Nagtungo ako sa kama namin ni Ivony tska kinaltas ang pulang ribbon na nakabalot nito. Pinapanunuod ako ng mga kaibigan ko hanggang sa mabuksan ko ito.

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang kulay peach na cocktail at kulay peach na high heels.

"Omg ang ganda." Kinuha ni Jessica ang damit at sabay iyong tinignan ni Ivony at Grace.

Tinaas ni Mam Shelo ang kanyang ulo tsaka dinampot ang isang kapirasong papel mula sa loob ng box.

"Wear this later please. I pick you up after my work." Mahinang basa ni Mam Shelo kaya binalik ko ang tingin sa damit.

"Bakit anong meron? Saan kayo pupunta?" Excited na tanong ni Jessica habang sinusuri ang damit at idinikit iyon sa katawan niya.

"Invited ka sa wedding anniversary ni Madamme Torria at Sir Antonio"? Taas kilay ni Mam Shelo habang sinusiri ako mula ulo hanggang paa. Tumango ako bilang sagot tsaka sya umirap saglit. "Well, goodluck sayo Mary. Oh-----sya lalabas na ako." Maarte nitong sabi tsaka tuluyang lumabas ng silid.

"Omg.... Kong ganon ma mi'meet mo ang parents ni Sir Matteo?" Laking mata ni Grace habang literal na gulat.

"Hindi pa ako sigurado. Natatakot ako sa mangyayari mamaya. Hindi ako bagay sa party na yon." Umupo ako sa kama tsaka paulit-ulit ma binabasa ang sulat ni Matteo.

"Edi, gagawa tayo ng paraan para bumagay ka sa kasiyahan na yan." Palakpak na saad ni Grace. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ako na ang bahala sa make-up." Taas kamay ni Ivony.

"Ako ang bahala sa buhok mo Maey." Taas kamay ni Grace. Sabay kaming napalingon kay Jessica na ngayon ay humalukip-kip sa kama. Tinaasan sya ng kilay ng dalawa dahil sa paraang dapat niyang isingit sa usapan.

"Kami ang bahala sayo," Taas kamay niya kaya tinapunan sya ng unan ni Grace. Sumimangot sya sa ginawa ng kaibigan. "Ikaw Erika? Baka may naiisip ka dyang kunting tulong." Nagulat ako sa saad ni Jessica. Lumingon ako kay Erika na ngayon ay nakatingin na sakin.

"Manunuod lang ako sa gagawin nyo." Sagot niya sabay tayo. Literal silang nagulat habang sinusundan ng tingin si Erika bago ito nagtungo ng banyo.

"Iyon na ang pinaka magandang paraan na narinig ko. The best!" Iling sabay palak-pak ni Grace. Napangiti ako sa mga balak nila para sakin.

Hindi ko alam kong anong hahantungan ko mamayang gabi. Natatakot ako na baka mapahiya lang si Matteo sa pamilya niya. Sasamahan ko lang sya at iyon lamang ang gagawin ko. Bakit hindi ko nga ba nagawang hindiin si Matteo?

Hindi ko rin alam kong bakit. Kusang bumitaw ang lahat sakin para kay Matteo.

Binalik ko ang tingin sa damit na susuotin ko mamaya. Pupunta ba talaga ako? Natatakot ako sa maaring gawin ni Venus. Sigurado akong nandun siya mamaya dahil parte sya ng pamilya ni Matteo.

Kong ano man ang mangyayari mamaya ay bahala na, kasama ko naman si Matteo. Nagiging komportable ako sa tuwing kasama sya. Alam kong lagpas na ako sa hinahangad ko sa isang lalaki. Pero hindi naman siguro masama kong papangarapin ko narin si Matteo katulad ng pinapangarap ng ibang babae na humahangad rin sa kanya.

Kong ano man ang gustong mangyari ni Matteo ay handa akong sumabay sa maari niyang gusto.

Mahal ko si Rocky pero hindi niya ako magawang mahalin pabalik. Gusto ko narin yata si Matteo dahil pinaparamdam niya sakin ang pagmamahal na matagal ko ng hinahangad kay Rocky.

Pero magkaiba ang gusto sa mahal diba?

Ngunit pareho lang din iyon kong parehong tinitibok ng puso mo.