Chereads / The Virgin Mary / Chapter 31 - KABANATA 29

Chapter 31 - KABANATA 29

Hindi pa ako nakakatikim ng alak sa buong buhay ko kaya pilit itong tinutulak ni Clifford at Robi sakin. Hindi ko alam kong anong lasa pero naiing-ganyo narin akong tikman ito kahit kunti lang.

"Sige na kahit kunti lang, Mary" Bigay sakin ni Robi. Tinanggap ko ang baso na may laman na wine.

"Masarap yan, Mary." Taas-taas kilay ni Clifford habang tawang-tawa. Titig na titig ako sa baso kaya nagdadalawang isip pa akong tikman ito.

"Sir, mukhang amoy palang nasusuka na ako." Binalik ko ang baso kay Robi kaya kinati niya ang kanyang batok sa tawa. Tumawa ng malakas si Clifford.

"Dont push her, dude. Kong ayaw mong masuntok ni Matteo." Natatawang sambit ni Clifford. Kanina pa sya lagok ng lagok nang alak ngunit hindi ito tinatablahan. Ngumingiwi ang mukha ko sa bawat lagok niya, at parang ako ang nasusuka nito.

"Tang'ina walang chix dito dude. Parang si Mary lang yata ang nakikita kong maganda ngayong gabi." Pumula ang pisnge ko sa sinabi ni Robi. Tinignan niya ako kaya bahagya syang ngumiti sakin.

"Marami naman dyan. Tumigin-tingin ka sa paligid at makikita mo ang hinahanap mo." Relax na sagot ni Clifford. Luminga-linga ako sa paligid. Halos matanda at mukhang nasa 60's na silamg lahat. Napatawa ako sa sinabi ni Clifford.

"P*nyeta dude halos matatanda. Baliw kaba?" Bulyaw ni Robi kaya tumawa ako ng mahina. Gusto kong humalakhak sa ekspresyon ng kanyang mukha ngayon. Nakakatawa!

"HAHA Madadala pa yan. Try mo!" Nanlaki ang mata ni Robi kaya binatokan sya nito. Humalakhak si Clifford. Akala ko ang mayayaman ay pormal at kalma lang. Ngunit sa nasaksihan ko kay Clifford at Robi ay napagtanto kong hindi lahat ng mayaman ay maarte.

"Goodevening ladies and gentlemen." Nagsimula ng magsalita ang daddy ni Matteo sa harap ng mini stage. May dala syang wine mula sa kanang kamay habang nasa kaliwa ang microphone. "Thank you so much for coming here tonight. Torria and I are both so grateful and overwhelmed by the wonderful 48th Anniversary Celebration tonight. We wish to thank our two children, Matteo Vion and Clark Jay for the surprise party. For my families and three brothers.Thankyou for all the effort, time, and preparation this took to make it so successful. It was a pleasure to heard all yours congratulatory, personal greetings, and humorous, as recalled by family and friends that have known us over these 48years. We are most thankful to our Lord Jesus for His purpose in bringing us together to be a couple, who he intended to be man and wife forever."

Nagpalak-pakan ang lahat ng bisita kaya pumalakpak narin ako. Pinagitnaan ako ni Clifford at Robi at tila takot mawala ako. Napadpad ang mata ko kay Matteo na hinahanap ako. Katabi niya si Venus mula sa stage kaya hindi ko maiwasang magselos at masaktan. Oo nagseselos ako at hindi ko iyon ikakaila. Ang sakit nilang tignan kaya pilit kong inaayos ang sarili ko. Gusto ko na ba talaga sya?

"Im so happy that i have a beautiful wife. I love you so much Torria Lecson Edelbario, your always be in my heart until my last breath." Niyakap sya bigla ni Mam Torria kaya naghiyawan ang mga bisita.

"Kiss, kiss, kiss"

Sigawan nila sabay palakpakan Inagaw ni Mam Torria ang microphone tska ito nagsalita na may luha.

"Im so happy that i have a wonderful, handsomed and sweet, loving man in mylife. This 48yrs of extended. My love for you is still blink like an teenager. Thankyou for giving me the most awful son Matteo and Clark in my life. I love you too Antonio Edelbario." Nagpalakpakan silang lahat dahil sa biglaang paghalik ni Mam Torria kay sir Antonio.

May namumuong luha sa mata ko dahil sa naalala ko si Nanay at Tatay.

Sobrang bigat ng damdamin ko dahil nakikita ko sila sa pamilya ni Matteo. Wala akong kapatid at mas lalong wala akong kilalang kamag-anak sa probinsya maging dito sa manila. Ang hirap mag-isa sa buhay. Nag hahangad ako ng pagmamahal na kailanman hindi ko na mararamdaman kay Nanay at Tatay.

Hindi ko namalayan na may luha ng tumulo sa mata ko. Dali-dali ko iyong pinunasan baka makita ni Clifford at Robi.

"For our 48years wedding anniversary Torria." Tinaas ni Sir Antonio ang baso tska isa-isang nag sitaasan ang iilang bisita.

"For our 48years wedding anniversary and more anniversary to come mylove Antonio. Cheers!"

Itinaas ni Clifford at Robi ang kanilang hawak na baso. Nagulat ako sa ginawa ni Clifford dahil inabot niya ang kamay ko tsaka isinabay sa pagtaas ng kanyang kamay.

"Cheers!"

Sigawan ng lahat. Pagkatapos non ay ininom nila ang kanilang alak. Hindi ko magawang uminom kaya binaba ko nalang ang baso.

"I have an important announcement." Nagbulong-bulongan ang iilang bisita sa sinabi ni Mam Torria. Bakit tila sumikip ang dibdib ko? Parang kinakabahan ako sa puntong ito.

"Shit.....Let's go outside Mary." Hinila ako ni Clifford kaya nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko alam pero tuluyan na akong nag patianod sa hila niya sakin. Bago pa kami nakalabas mula sa pintoan ay narinig ko pa mula dito sa labas ang sinabi ni Mam Torria.

"My son, Matteo Vion is engage to the one in only daughter of Mr. and Mrs. Villa Vieste. Lets give them around of applause. Matteo Edelbario and for his future wife Venus soon to be Mrs. Edelbario."

Nagpalakpakan ang iilang bisita sa loob sabay ng pagsikip ng dibdib ko. Ang kaninay sobrang bigat kong nararamdaman ay mas lalong bumigat. Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nag kakaganito? Ang sakit at ramdam na ramdam ko ang kirot ng aking dibdib. Alam kong ikakasal na sila pero mas masakit pala kong sa buong bisita ipag-aalam na ikakasal si Matteo kay Venus. Nakagat ko ang labi ko sa sakit. Ngayon alam ko na, alam ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi ko alam kong saan kami patungo ni Clifford. Lumabas kami ng bahay at dumiretso kami sa isang swimming pool mula sa garden. Binitawan niya ang braso ko tsaka sya nagtungo sa isang bench na gawa sa simento.

"Bakit tayo lumabas Sir, hindi pa tapos ang party." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya tsaka ako tumabi. Hindi ko namalayan na may dala pala syang isang bote ng alak. Nilagok niya iyon bago sumagot.

"Dont act your okay, Mary." Ngiti niya mula sa gilid ng kanyang labi. Yumuko ako tsaka dinuduyan ang paa mula sa damohan. Okay naman ako ah. Kahit pilit kong maging okay ay napapansin din pala iyon ni Clifford.

"Bakit naman ako mag papanggap na okay?" Marahan kong sagot.

"You like my cousin, right?" Natahimik ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong sumandal sa upoan tsaka tumingala sa langit. Gusto ko ba talaga si Matteo? Iyon din ang hindi ko masagot sa mga oras na ito.

"Bakit mo naman natanong iyan sir?" Mahina kong tanong kaya tumawa ulit sya.

"Hindi ko talaga alam kong anong  problema nyong mga babae. You always acting you dont anything kahit na alam nyo naman talaga. Sinasabing okay, kahit hindi naman talaga okay." Natatawang wika niya kaya nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Hindi ko magawang sumagot kaya ramdam ko ang titig ni Clifford mula sakin."A simple question, but you can't answer in a simple way."

Bahagya akong yumuko ulit sa sinabi niya. Ayaw kong mag pa dalos-dalos sa nararamdaman ko dahil hindi ako sigurado. Gusto ko si Rocky pero tumitibok ang puso ko kay Matteo.

"Mag-kaiba ang stadu naming dalawa sir. Mayaman at makapangyarihan si Matteo. Samantalang ako ay isa lang hamak na waitress at mahirap. Pano ko sya gugustohin kong alam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay sa isang tulad niya." Natahimik si Clifford sa sinabi ko. Narinig ko ang iilang lagok niya sa iniinom niyang alak.

"Walang pinipili ang pagmamahal, tao lang naman ang namimili." Seryoso niyang sagot tska ulit lumagok ng alak. Hindi ko alam kong anong problema ni Clifford ngayon. Pero kita mula sa mukha niya na may pinag-dadaanan din ito.

"Mahirap mamili sir, kong dalawa ang tinitibok ng puso mo." Mabilis pa sa alas kwatro ang paglingon niya sakin. Literal na nagulat si Clifford sa sinabi ko. Sobrang kunot ng kanyang noo sa narinig.

"You're funny Mary------" Tawa niya tsaka ako yumuko ulit. "Hindi pwedeng dalawa ang mamahalin mo Mary. Hindi dalawa ang puso natin." natatawa niyang sambit.

"Ikaw Sir. Bakit gabi-gabi iba ang babae mo, mahal mo ba sila lahat?" Naibuga ni Clifford ang kanyang alak tsaka ito tumawa ng malakas.

"You look like a kid for that interesting question huh!" natatawa niya paring sagot. "Hindi ko sila mahal, Mary. Talagang may panga-ngailangan lang kaming mga lalaki."

"Pero bakit sa ibat-ibang babae?" Sarkastiko kong tanong kaya lumingon sya sakin na kunot noo. Narinig ko ang munti niyang buntong hininga. Bakit nga ba sa ibat-ibang babae kong pareho lang naman lahat ng mga babae.

"Im not expecting this from you. Hindi ko alam na tutungo ito sa seryosong usapan." Ngiti niya paring sabi kaya yumuko ako sa kahihiyan. Masyado na yata akong nakikialam kay Clifford at wala akong karapatan magtanong sa kanya sa mga ganitong bagay.

"I'm sorry sir, kalimotan nyo nalang iyon." Narinig ko ang tawa niya sa sinabi ko.

"Well, nandito na tayo kaya sasagotin ko na. Ginusto nilang lumapit samin kaya binibigay namin ang hinihingi nila. Im a boy, Mary and girls like you probably knows what boys is it." Lumingon ulit ako kay clifford. Naging seryoso ang kanyang mukha. Tama sya ang lalaki ay nag-pakalalaki.

"Alam ko sir, pero hindi ko lang maintindihan kong bakit kayo nakikipagtalik sa ibat-ibang babae. Kong pwede namang makontento kayo sa isa lang." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Umigting ang kanyang panga kaya nag-sisisi na ako kong bakit hindi ko magawang maitikom ang bibig ko.

"Mary, i dont make a serious commitment. I play my own rules. I make love with the girls who really wanted, to go with my flow." Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Clifford. Kong ganon okay lang sa mga babae niya?

"Pano ka nakikipagtalik sa isang babae kong hindi mo naman mahal?" Napaubo si Clifford sa tanong ko. Kita sa mukha niya ang gulat at bahagya ulit syang tumawa ng malakas.

"I just enjoy every blast of mine. Eni'enjoy ko ang ginagawa namin. Love? Is not about sex, but for me? Sex is love." Asar na tawa ni niya .Umiling ako sa sagot ni Clifford. Naging komportable ako sa usapan namin ngayon. Hindi ko alam na ganito pala sumabay ang isang Clifford Edelbario. Napatawa ako sa bawat tanong ko, bakit ako naging interesado sa mga ganitong bagay.

"Siguro sir iba-iba tayo ng paniniwala. Pano mo ma fi'feel ang pakikipagtalik sa partner mo, kong wala kang nararamdaman nito." Bahagya syang sumandal sa upoan tska pinaglalaruan ang bote ng alak.

"Nag ka boyfriend ka na ba?" Nagulat din ako sa tanong niya. Kaya dahan-dahan akong umiling. "Hindi kahit isa?" Iling kong sagot ulit. "Now i know, never been in bed?" Umiling ako ulit. "Oh baka ikakama ka pa ni Matteo?"

Napatayo ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pangi-nginit ng aking pisnge habang humalakhak sya ng tawa. Ngayon ko pa nararamdaman ang ilang at hiya sa pagitan namin ni Clifford. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"I like your expression now, Mary. It looks liked you've never been touch with Matteo." Mas lalong uminit ang pisnge ko sa dugtong niya.

"Sir----" pagbabanta ko kaya tumayo rin sya.

"Alright, alright. Every silent reaction theres a louder behind." Natatawa niyang sabi. Hindi ko maintindihan kong anong punto ni Clifford kong puro kalokohan lang ang mga kasagotan niya.

Naging marahas ang usapan namin at lagpas na ko sa limitasyon. Naikama na ba ako ni Matteo? Hindi pero nahalikan niya ako mula dun. Tuwing naalala ko iyon ay nahihiya ako.

"Mary----," Sabay kaming napalingon mula sa likuran ko ng bumungad samin si Matteo. "Kanina pa kita hinahanap." Irritable niyang sabi kaya humalukip-kip ako.

"Were just discussing some important about human being, dude. And it seemed Mary so very interested about it---" Halak-hak ni Clifford kaya kumunot ang noo ni Matteo. Inabot niya ang kamay ko tska ako hinila palapit sa kanya. Tawang tawa si Clifford habang isinusuklay niya ang kanyang kamay sa buhok nito.

"Are you teasing me Clifford?" Bagsak boses ni Matteo kaya itinaas ni Clifford ang kanyang kamay bilang pagsuko.

"Relax, nag-uusap lang kami." Natatawa niyang sagot. Kanina pa sya tawa ng tawa at mukhang natamaan na sa alak na hawak niya.

"Tss----" Hinila ako ni Matteo na hindi nag sasalita.

"Enjoy guys," Narinig pa namin ang bulyaw ni Clifford kaya nakita kong napailing si Matteo sa galit. Nagpatianod ako sa hila niya palabas ng gate.

"Saan tayo pupunta? Hindi pa tapos ang party. Baka hahanapin ka ng Mommy at daddy mo sa loob." Pigil ko sa kanya ngunit patuloy parin sya sa paglalakad.

"Get in," Inalalayan niya akong pumasok sa kotse tsaka sya umikot patungong driver seat. Sinimulan niyang paandarin ang kotse nang hindi nagsasalita. Humalukip-kip ako sa upoan tska binaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kong anong takbo ng utak niya kaya napagpasyahan kong magsalita nalang.

"Baka hinahanap ka ng fiance mo." Mahina kong sabi kaya inihito niya bigla ang kotse sa gilid ng daan. Tanging ilaw lang ng poste ang nagbibigay liwanag sa pagitan naming dalawa.

"Hindi ko sya papakasalan." Bagsak boses niyang sagot.

"Pero, kailangan mong sundin ang Mommy mo. Ito naman ang gusto mo diba? Ang bumalik sa buhay mo si Venus." Hamon kong sagot kaya umigting ang kanyang panga. Ang kanyang malinis na gupit na ngayon ay medyo magulo na. "Babalik ka doon at uuwi akong mag-isa mag tataxi nalang ako Matteo. Hindi mo pwedeng iwan ang fiance mo. Kailangan ka niya doon." Hindi niya parin ako sinasagot. Mahigpit ang hawak niya sa manebela at kitang-kita ko iyon. "Nakikinig ka ba? Bumalik kana dun. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Taposin na natin ito Matteo." naging agresibo ang boses ko sa galit.

"Dont be to silly, Mary. I dont want to pry their decission. Stop asking any question. There's should be many question you to ask me, and please forget about them. Dont try to ask me again, not one. Im mad now Mary so beware." Pagbabanta niya kaya yumuko ako sa takot. Bigla akong nanginig sa narinig. Ibang-iba ang awra niya ngayon, sobrang kakaiba.

Nag-aalala lang naman ako sa pamilya niya at kay Venus. Hindi niya ako dapat kasama ngayon, dapat ang kasama niya ngayon ay ang fiance at pamilya niya.

Ilang segundo kaming natahimik.

"Baka kasi nag-aalala na ang mommy mo sayo--- Si Venus? Sigurado akong hinahanap ka na non." sambit kong mahina.

"If your gonna stop asking im gonna kiss you right now, Mary. So dont talk." Marahan niyang sabi kaya lumunok ako. Pinaglalaruan ko ang kamay ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Galit sakin si Venus at ang kanyang Mommy kaya ayaw kong punain pa iyon. Pumikit ako tsaka nilakasan ang loob. Ewan ko para bang may tumulak saking magsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang bigat sa pakiramdam!

"Mag papakasal na kayo ni Venus---"

Bigla nalang akong nagulat ng hilahin niya ang bewang ko. Ang labi niyang nakadampi sa labi ko, sobrang init at lambot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Napapikit ako bigla dahil sa nagsimula syang angkinin ang labi ko. Hindi ko alam kong anong gagawin ko kong naninigas ang katawan ko ngayon.

Kinagat niya ang ibabang labi ko tska sya dahan-dahang humiwalay sa halik namin. Kitang-kita ko ang palubog na araw na kulay ng kanyang mata. Ang ilong niyang nakadikit sa ilong ko kaya amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.

"I told you to shut-up. But you really push me to kiss you emediately." Mahina niyang sabi kaya napapikit ako sa mainit niyang hininga. Sobrang nakikiliti na ako sa nararamdaman ko ngayon.

"Baka kasi---"

Hinalikan niya ako ulit kaya natahimik ako.

"Hard-headed." pagbabanta niya ulit.

"Baka nagagalit na sayo---"

Hinalikan niya ulit ako. Nanghihina na ang tuhod ko sa bawat halik niya sakin. Nakagat ko ang labi ko tska sumimangot.

"Now, talk back again orelse im gonna kiss you passionately."

Napalunok ako sa sinabi niya. Gusto kong magsalita at hindi ko magawang tumahimik nalang, para bang nasasayahan ako sa ginawa niya.

"Mahal ka ni Venus--"

Hinalikan niya ako ulit. Napapikit ako saglit dahil iba ito sa halik na ginawa niya kanina. Mas lalo niyang siniil ang halik na binibigay sakin.

"I like you, Mary." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nabibingi ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pinagdikit niya ang noo namin tska niya hinalikan ang dulo ng ilong ko. "More than like, and i think i already love you." Para na akong mahihimatay sa bawat bigkas ng kanyang bibig.

Napapikit ako saglit sa sinabi niya. Ngayon pa ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Sobrang sarap sa pakiramdam at sobrang sarap sa damdamin. Gusto ko naring pagbigyan ang sarili ko ngayon. Gusto ko naring maging masaya kahit saglit lang. Gusto kong maramdaman ulit ang pagmamahal na naramdaman ko kay nanay at tatay. Siguro ito na ang tamang oras para pagbigyan ang gusto ko. Mahal ko nga ba sya? Kailangan kong siguradohin iyon. Nalilito parin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa bawat halik na ibinigay niya ay ang sabay ng pagtibok ng puso ko. Tama na siguro iyon para sa kasagotan ko.

Dinilat ko ang mata ko tska nilabanan ng si titig Matteo. Sigurado ako dahil iyon ang sabi ng puso ko.

"Mahal din kita, Matteo." Literal syang nagulat rason kong bakit hindi sya makagalaw. Unti-unti syang umatras tska bumalik sa pagkaka-ayus ng upo. Hindi ko alam kong anong reaksyon ang nasa mukha niya ngayon dahil nakakatitig lang sya sa manebela. "Matteo naririnig mo ba ako? Mahal din kita." Ulit ko kaya narinig ko ang mura niya.

Lumapit sya sakin ulit tska ako hinalikan pa sa mas matagal na halik. Pinaramdam niya sakin ang sagot sa pamamagitan ng kanyang halik. Halos masugatan ang labi ko dahil sa halik niyang sobrang siil. Niyakap ko sya sa may bewang tska sumunod sa bawat halik niya sakin. Naramdaman kong naglalakbay ang kanyang kamay sa likod ko. Dahan-dahan niyang binuksan ang zipper mula dun kaya mas lalong nag agresibo ang halikan naming dalawa.

Hindi ko na alam anong gagawin dahil sa halik ni Matteo ay nalilimutan ko ang stadu naming dalawa.

"Matt, nasa daan tayo" Putol ko kaya huminto sya sa halikan naming dalawa.

"Shit." Mura niya tska dali-daling pinaandar ang kotse.

"Ibabalik muna ako sa bar?" Tanong ko kaya lumingon sya sakin na nakangiti. Hindi ko alam kong anong klaseng ngiti iyan.

"No, we will continue this in my house." Malademonyo niyang ngiti tska sumeryoso sa pag-mamaneho.

Para akong nakukuryente sa sinabi niya. Sobrang init ng pisnge ko sabay ng kalbog nang aking puso. Tuluyan na akong nagpahila kay Matteo at iyon ay hindi ko pag-sisisihan.