Chereads / The Virgin Mary / Chapter 30 - KABANATA 28

Chapter 30 - KABANATA 28

Nang sumapit ang alas singko ng hapon ay panay ayus ng mga kaibigan ko sakin.

Maaga nila akong inayusan dahil sa alas syete emedya magbubukas ang bar mamaya. Nasa trabaho na sila sa mga oras na iyon kaya hindi nila ako ma aayusan.

Kanina pa ako titig na titig sa salamin. Sobrang sakit na ng buhok ko dahil sa panay ang kulot ni Grace nito. Isang oras na ako sa salamin ay hanggang ngayon hindi pa sila natatapos sa ginagawa nila sakin. Sobrang galing mag make-up ni Ivony dahil medyo nag-bago ang mukha ko.

Ang makapal kong kilay ay nu'mipis, ang pisnge kong mapula ay naging pink. Ang labi kong kurbang puso ay mas lalong kumurba. Ang mataas at straight kong buhok ay kinulot nila.

Pagkatapos ng isang oras at kalahati ay natapos narin sila. Literal silang nagulat habang nakatitig sakin. Kumunot ang noo ko sa titig nila kaya napagpasyahan kong humarap ulit sa salamin.

Kahit na ako ay nagulat. Isa lang itong simpleng make-up ngunit pinaganda ako. Napagtanto kong bagay sakin ang kulot na buhok, ang kilay kong marahang naayos dahil sa lapis. Ang ilong kong matangos ay mas lalong tumangos. Nakagat ko ang labi ko tsaka mas lalong tinititigan ang mukha sa salamin.

Naalala ko si nanay pag nakikita ko ang sarili sa salamin. Kamukhang-kamukha ko sya at hindi iyon ipagkakaila.

"Maey, ang ganda mo. Sa pustora mo palang ay mayaman na mayaman ang dating. Sigurado akong hindi ka mahahalata." Umikot-ikot si Grace mula sa harap ko hanggang sa likod.

"May kamukha ka Maey eh!" Tinaas ni Jessica ang ulo niya habang nasa baba ang kanyang hintuturo.

"Oo nga noh? Nahalata mo rin pala Jessica?" Nakangiting malapad ni Grace tsaka tumabi sakin. Kumunot ang noo ni Jessica dahil sa pag akbay sakin ni Grace. "Oh diba? Kamukhang-kamukha niya ako."

Agad nanlaki ang mata ni Ivony at Jessica sa sinabi ni Grace. Nahuli kong tumawa si Erika kaya natawa narin ako.

"Ang feeling mo din, ano?!" Bulyaw ni Jessica kaya bahagyang tumawa si Grace. Nakataas parin ang noo ni Jessica habang iniisip kong sino ang kamukha ko. "Sino nga ba iyon? Ano ba yan nakalimutan ko eh." Pagmamaktol niya tsaka kinati ng pabalik-balik ang kanyang ulo.

"Hyley Atwell," Sagot ni Erika na ikinalingon naming lahat. Nagulat ako sa sinabi niya kaya bahagya akong ngumiti.

"Oo, yung bida sa Cinderella. Kamukhang-kamukha mo talaga eh." Suring sambit ni Jessica habang inaayus ang kaltas ng buhok ko.

"Oo nga noh? Ngayon ko pa napagtanto na kamukha mo pala si Ella. Tapos si Anastasia ay si Jessica at si Grace naman yung Drazella." Natatawang singit ni Ivony kaya tinaponan sya ng masamang tingin ng dalawa.

"Oo tapos ikaw yung malditang ina namin na si Lady Tromaine." Highfive ni Jessica at Grace kaya tumaas ang kilay ni Ivony. Sobrang sakit na ng tiyan ko dahil sa pinagsasabi nila. Pinipigilan kong tumawa ng malakas.

"Aba, nakaayos ka yata ngayon Mary ah. Saan ang duty mo ngayong gabi?" Sambit ni Alyana kasama ang mga kaibigan niyang kadadating lang.

"Hay naku, may nakalimutan pala tayo noh? Sila yung mga daga sa buhay mo, Maey." Maarteng sambit ni Grace kaya literal na napa nga-nga si Alyana.

"Excuse Me? Anong sinabi mong daga." Iritang tanong ni Alyana kaya lumapit doon si Grace. Hindi ko na sya pinigilan dahil tinaasan niya ko ng kilay. Hinayaan ko si Grace sa maari niyang gagawin.

"Yung mga daga sa Cinderella diba kayo yun? Hay naku Alyana, mga kamag-anak mo hindi mo kilala? Grabe ka naman." Na lag-lag ang panga ni Alyana sa sinabi ni Grace. Humagik-ik ng tawa si Ivony kasama si Jessica at Erika. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang iyon.

"How dare you!" Tinaas ni Alyana ang kanyang kamay kaya agad nagsalita si Grace.

"Sige. Isampal mo, dahil pag yang kamay mo dumampi sa maganda kong mukha. Sisiguradohin kong hihiram ka ng mukha ni Jessica." Tumawa ng malakas si Grace tska ito tumakbo patungong banyo.

"Humanda ka sakin ngayon Grace!" Hinabol ni Jessica si Grace. Sobrang lakas ng tawa ni Ivony at Erika sa gilid ko kaya padabog na nag walk out si Alyana at mga kaibigan niya.

Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa kaya pilit kong kumalma. Naramdaman kong hinawakan ni Ivony ang braso ko kaya lumingon ako sa kanya.

"Sige na kailangan munang umalis." Saad niya tsaka ako tumango. Nagtungo ako sa kama tsaka kinuha ang kulay itim na slim bag. Binasa ko muna ang iilang message na dumating galing kay Matteo. Mukhang kanina pa sya nag ti'text.

From: Matteo:

Im on my way!

Napalunok ako sa nabasa. Bakit ako kinakabahan? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang firstime kong makipag kita kay Matteo kong araw-araw ko naman syang nakikita dito sa bar.

Nag paalam na ako sa kanila tsaka tuluyang lumabas ng silid. Panay ang lingon sakin ng mga kasamahan ko dahil sa bihis ko ngayon. Nakakailang maglakad kong ang bawat titig ng nadadaanan mo ay nasa iyo.

"Wow ang ganda mo naman Mary." Saad sakin ni Kael isa sa mga bouncer tsaka ko sya nginitian. Pinagbuksan niya ako ng pinto tska ako lumabas.

Paglabas ko palang ng bar ay bumungad sakin ang kotse ni Matteo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng bumaba sya ng kotse. Napadpad ang tingin niya sakin kaya literal syang nagulat. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kotse habang nakatuon ang tingin sakin.

*Dug dug dug.* Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kanina pa ito. Inaamin ko sobrang gwapo niya sa suot niyang puting toxedo. Ang malinis niyang gupit at ang kanyang tindig na mas lalong nag papaamo sakin. Nakagat ko ang labi ko dahil naiilang ako sa bawat yapak ko sa sahig. Ang titig niyang malagkit ay pinapanunuod ang bawat galaw ko.

Lumapit sya sakin at ganon din ako.

"You look so beautiful. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng damit para sayo. You look like an angel Mary." Saad niya tska ako yumuko. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisnge sa sinabi niya.

"Salamat Matteo." Ngiti kong pabalik.

"Lets go they waiting for us," Kinabahan ako sa sinabi niya. Nangi-nginig ang tuhod ko sa puntong ito. Hindi ako nakapagsalita dahil sa tuluyan ng sumama ang paa ko sa paghila niya sakin.

Hindi ko talaga alam kong anong nararamdaman ko ngayon dahil nagiging komportable ako sa kamay ni Matteo. Maging sa byahe ay hindi ako mapakali. Lagi kong nahuhuli si Matteo na ngumingiti kaya napapangiti narin ako. Hindi ko alam kong saan kami pupunta dahil hindi ako familiar sa bawat nadadaanan namin.

Napapikit ako dahil sa kaba. Namamawis narin ang kamay ko dahil sa kakahilot ko nito. Pano kong ayaw sakin ng pamilya ni Matteo? Pano kong mandidiri sila sa isang tulad ko. Pero bakit nga ba ako nag-aalala? Diba wala namang kami? Mary walang kayo ni Matteo, kaya please tumahimik kana sa mga ilusyon mo.

Bumukas ang malaking gate at bumungad sakin ang sobrang liwanag na kulay asul na bahay. Dito na siguro ang party. Ang daming nagliliwanag na series light, ang mga iilang bisita ay papasok narin sa loob.

Binaling ko ang tingin kay Matteo na ngayon ay nakatitig na pala sakin.

"Dont scared, Im at your back." Saad niya tsaka ako tumango. Lumabas sya ng kotse tsaka umikot papunta sakin. Pinagbukasan niya ako ng pinto tska nilahad niya ang kanyang kamay bilang pag-alalay sakin. "Can I hold you in my arms." Sumimangot ako sa sinabi niya kaya agad kong tinanggap ang kanyang kamay.

Nagbuntong hininga ako tsaka inayos ang sarili. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya habang nanginginig. Kahit marunong akong gumamit ng heels ay para akong natutumba dahil sa nginig ng aking tuhod.

"Mary? Lumingon ako sa kanya. Ang kanyang matang mapupungay at ang labi niyang naglalaro na akitin ako. Umiling ako bago ako tuluyang madala sa huwesyo. "Are you scared?" umiling ako sa tanong niya.

"Andyan ka naman sa tabi ko diba? At hinding-hindi mo ako pababayaan dito." Sagot ko kaya lumapad ang ngiti niya. Sumasabay ang kanyang adams'apple sa bawat ngiti niya.

"Once your with me, no one can hurt you. Im your protector, Mary." Ngiti niyang sabi kaya para akong nanghihina ulit. Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng bahay. Pagbukas palang ng pinto ay sumalubong samin ang nag iilaw na chandelier sa gitna. Bumungad sakin ang iilang bisita na sobrang ganda at gwapo sa kanilang mga suot.

Ang kanilang tindig at kilos ay sumisigaw ng karangyaan sa buhay. Ang kanilang mga alahas na suot ay sumisimbolo ng kayamanan. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa titig nila samin. Nasa pintoan palang kami ay panay ang bulong ng mga tao sa direskyon namin ni Matteo. Napahawak ako ng mahigpit dahil sa kaba. Naiilang akong maglakad dahil sinusundan nila ang bawat kilos naming dalawa, kitang-kita sa mata at tindig ni Matteo na sanay syang tinitignan ng karamihan.

"Matteo Darling? Is that you?" Napahinto kami sa paglalakad ng may humarang na matandang babae sa harap namin. Ang kanyang suot na umaalindog sa kanyang katawan na manipis. Sobrang pula ng kanyang labi gaya ng kanyang kasuotan na sobrang pula.

"Tita Norma  How are you." Bumeso ang babae kay Matteo tsaka ito napad-pad ang tingin sakin.

"Oh.... Darling Matteo im not good as of now. Alam mo naman ang nangyari diba?" Maarteng saad ng babae tsaka sya tumingin sakin ulit.

"Im sorry Tita for what happen." Mahinang sagot ni Matteo. Hindi ko alam kong ano ang pinag-uusapan nila kaya mas pinili kong manahimik.

"Who is this beautiful girl?" Ngusong turo sakin ng kanyang tita. Tinanggal ni Matteo ang kamay ko sa braso niya tsaka niya pinulupot ang kanyang kamay sa bewang ko.

"Tita Norma, meet my girlfriend. Marylyn Montano." Nanlaki ang mata ng kanyang tita kaya nilahad ko agad ang kamay ko.

"Goodevening po madamme." Tinanggap niya iyon tsaka kami nag shake hands. Sobrang laki ng ngiti niya sakin

"Sobrang ganda talaga ng gabing ito, hija kasing ganda mo. Kinagagalak kitang makilala" pormal nitong saad tska sya ngumiti sakin. Medyo naging komportable na din ako sa sagot niya.

"By the way tita Norma, did you see my parents." Tanong ni Matteo na ikinatalon ng puso ko. Parents? Ewan ko kinabahan ako.

"Yes, over there darling." Turo niya sa mga nagkukumpolan, isa itong grupo ng mga aroganteng bisita, at sigurado akong isa sa mga yan ang pamilya ni Matteo.

"Thankyou tita. Excuse us by the way." Tumango ang kanyang tita tksa kami nagsimulang maglakad patungo sa harap. Kinakabahan ako ngunit pilit ko iyong kinakalma.

"Son?" Sabay napalingon ang mga bisita sa direksyon namin. Kong hindi ako nagkakamali ito ang mommy ni Matteo. Napadpad ang tingin niya sakin na kunot noo.

Lumapit kami sa kanila.

"Happy anniversary for you and dad." Humalik si Matteo sa pisnge ng kanyang mommy. Katabi nito ay isang matangkad at gwapo na lalaki at sigurado akong ito ang daddy ni Matteo.

"Matteo hijo, how are you?" nagyakapan si Matteo at ang Daddy niya. Napadpad ang tingin nito sakin kaya napayuko ako sa kahihiyan. Hindi ko alam kong saan akong magsisimula.

" Im okay daddy. Oh, before i forgot let me introduce to you my girlfriend, Mary." Hinila ako ni Matteo sa kamay kaya agad kong nilahad ang kamay ko para sa kanilang dalawa. Titig na titig sakin ang mommy ni Matteo na tila hindi makapaniwala sa narinig.

"Goodevening Sir / Madamme, Im Mar-----"

"Oh son. I want you to met my friends come with me." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tuluyang hinila si Matteo ng kanyang mommy. Bagsak ang magkabila kong balikat tska dahan-dahang ibinababa ang kamay na nakalahad. Napapikit ako sa kahihiyan.

"Pasensya na sa asawa ko hija." Inabot ng kanyang daddy ang kamay ko kaya nagulat ako sa ginawa niya. "Im Antonio Edelbario. Matteo's father, whats your name again?" Kusa niyang binaba ang kamay ko na nakangiti.

"Marylyn Montano po sir." Ngiti kong sagot.

"Nice to meet you, Mary. And thankyou for coming here." Pormal nitong sabi na nakangiti parin. Ibang-iba ang daddy ni Matteo sa Mommy niya.

"Kinagagalak din kitang makilala Sir. Happy wedding anniversary po sainyo ng asawa mo." Pormal ko ring sagot kaya tumango sya.

"Tito Antonio?" Lumingon ako sa likuran ng mahagilap ng mata ko si Robi at Clifford na papalapit dito.

Hindi nila ako magawang tignan dahil nakatuon ang tingin nila kay sir Antonio.

"Happy 38th wedding anniversary sainyo ni Tita Torria." Niyakap ni Robi at Clifford si sir Antonio. Humalukipkip ako sa gilid ng tatlo.

"Thankyou boys nasan ang mga kapatid ko? are they coming tonight?" natatawang saad ni Sir Antonio.

"Papunta na si Daddy at Mommy." Sagot ni Clifford.

"Apparantly, busy si dad sa kakaayus ng kanyang sarili. Hanggang ngayon ay nasa salamin parin yon." Natatawang sabi ni Robi kaya bahagyang tumawa si Sir Antonio. Nagtawanan ang tatlo na para bang tuwang-tuwa sila.

"Anyway boys. Do you already know Matteo's girlfriend?" Sabay lumingon si Clifford at Robi sa gilid kong saan ako nakatayo. Humalukip-kip ako dahil sa literal silang nagulat sa nakita.

"Mary? Ikaw ba yan, hindi kita nakilala." Nakangiting sabi ni Robi kaya ngumiti ako.

"Now, I know why Matteo likes you a lot." Humble na singit ni Clifford na para bang hindi makapaniwala.

"Maraming salamat sir Clifford, sir Robi. Nakakahiya po talaga!" Pormal kong sagot bago humalukipkip. Natawa ang dalawa.

"Sir? Why did you call them "sir? I think ka edad mo lang ang dalawang ito." Kunot noo ni Sir Antonio kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Patay, bakit ko nga ba nasabi yon? Pano ko sa sasabihin sa kanya na isa lang akong hamak waitress.

"Tito, she works at my bar." Sagot ni Clifford sa gilid ko kaya tumaas ang kilay ni sir Antonio sa narinig. Napatitig ako kay Clifford at umiling ito ng ilang ulit sakin. Hindi ko alam kong anong balak ni Clifford dahil kita sa mata niyang bawal magsinungaling.

"Bar as what?" Tanong niya pa.

"A cheap waitress tito Antonio." Nagulat ako sa pamilyar na boses na nagsalita mula sa gilid namin. Si Venus na sobrang ganda sa suot niyang kulay itim na fitted dress.

"Waitress?" Gulat na ulit ni Sir Antonio kaya humalukip-kip ako sa hiya. Hindi ko alam kong anong reaksyon niya dahil hindi ako halos makatitig kay Sir Antonio.

"Yes tito. She is a waitress and apparantly, Matteo's girlfriend pa talaga. Nakakasira ng background nyo tito!" Sagot niya habang nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ni Sir Antonio.

"Anong problema sa pagiging isang waitress? Marangal at magandang trabaho iyon Venus." Natatawang sambit ni Robi tska ito nilagok ang alak mula sa baso. Nagulat ako sa sambi ni Robi.

"Really Robi? Sayo ko pa talaga narinig yan?" Taas kilay ni Venus kaya bahagyang tumawa si Robi bago ito tumigin sakin, kumindat sya sakin na ikinakaba ko.

"Of course Venus. Wala nang masyadong matinong babae sa mundong ito, except sa magandang waitress na ito." turo sakin ni Robi habang tawang-tawa ito. "What do you think dude?" Baling niya kay Clifford na nasa gilid ko. Tumawa ito mula sa gilid ng kanyang labi habang nakapamulsang nakatitig sakin.

"Just what are you thinking about then. I agree!" Sagot niya sabay highfive niya kay Robi. Kita mula sa mukha ni Venus ang iritasyon at galit sa dalawa.

Nakatingin parin sakin si Sir Antonio na walang ekspresyon ang mukha habang si Venus ay hindi makapaniwala.

"Nababaliw na kayong dalawa, how could...." utal ni Venus na ikinasambit ni Sir Antonio.

"Well, waitress is a good job. My great grand-mother is was a waitress too. Which is i find a rare virtue these day. We have to start downward, Exactly." Gumaan ang loob ko sa sinabi ni sir Antonio. Ngumiti sya sakin kaya binalikan ko rin sya ng ngiti.

Nagulat si Venus sa sagot nito kaya inirapan niya ako saglit. Tawang-tawa si Clifford at Robi sa puntong ito.

"My dear, Venus your here." natahimik kami ng dumating si Matteo at ang kanyang Mommy. Agad nakig beso-beso si mam Torria kay Venus.

Agad namang lumapit sakin si Matteo tsaka hinawakan ang kamay ko. Para akong naka labas sa hawla dahil sa pagdating niya.

"Are you okay?" Tanong niya sakin kaya tumango ako bilang sagot. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko kaya naging kompartable ulit ako ngayon.

"Torria is this the girl you'd talking about?" Singit ng isang matandang babae. Yumuko ako sa titig ng kanyang mga kaibigan. Si Venus ang kanilang punto at hindi ako.

Bakit nga ba ako nasasaktan? Para bang sobrang kapal ng mukha ko para na parito.

"Yes she is Venus, the fiance of my son Matteo." Sagot nito habang sakin nakatuon ang tingin. Sobrang sikip sa dibdib. Nag-sisisi na ako ngayon kong bakit sumama pa ako kay Matteo. Napayuko ako at ramdam yon ni Matteo.

"Mom, stop." Bulyaw ni Matteo. Ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa bewang ko. Kinakabahan ako sa titig nila.

"Why? Diba ikakasal na kayo? We already talk about that, Son." Taas boses ng kanyang mommy.

"Tapos na kami ni Venus, Mom." Sagot ni Matteo tska hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil nasa aming dalawa ang kanilang titig. "It supposed to be that Venus is with Clark now."

"Hindi yan totoo, Matteo. Tita matagal ng tapos ang relasyon namin ni Clark. Si Matteo ang mahal ko." Sagot ni Venus kaya hinawakan ni Mam Torria ang kanyang kamay.

"Its Okay... I know hija." Himas nito sa likod tska binaling ang tingin samin na galit. "Son? Ano bang pinagsasabi mo? Pinapahiya mo si Venus sa mga kaibigan ko."

"Im not, she was the only who embarassed herself." Hamon ni Matteo kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.Gusto ko syang pigilan at umuwi nalang ako.

"Im not, Matteo. You just don't know how concerned I am with our relationship." Mahinahong saad ni Venus kay Matteo. Natahimik ang mga kaibigan ni Mam Torria dahil sa nasaksihang usapan.

"Then, i dont care for us." Bagsak boses ni Matteo bago ako tignan. "Lets go Mary, wala tayong mapapala dito." hihilahin na sana ako ni Matteo ng sumambit ang daddy niya.

"Enough!" Bulyaw ni Sir Antonio kaya sabay kaming napalingon sa kanya. "Hindi ba kayo nahihiya sa mga bisita, at dito nyo pa talaga yan pinag-uusapan. Torria? Party natin ito kaya huwag mong sirain ang gabing to." Galit nitong sabi na tila kinakalma ang sarili. "Matteo huwag kang umalis. We need to talk sumunod ka sakin ngayon din." Huli nitong sabi tska kami tuluyang tinalikuran nito. Padabog na sumunod si Mam Torria at Venus. kay Sir Antonio. Sumunod rin ang mga kaibigan nito kaya naiwan kaming apat.

"Hayys, ayaw ko talaga sa mga ganitong bagay." sambit ni Clifford bago lumagok ng alak. Napailing si Robi na nakatitig samin ni Matteo.

Narinig ko ang buntong hininga ni Matteo. Bumitaw sya sa kamay ko tsaka sya humarap sakin na may galit

"Babalik ako dito, saglit lang ako" Mahina niyang sabi. Kita mula sa gilid ng mata ko ang titig nila Robi at Clifford. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot.

"Ako na ang bahala kay Mary, dude. Can I borrow your girl for a while?" Napalingon kami kay Clifford sa sinabi niya. Sinamaan sya ng tingin ni Matteo kaya humalak-hak ito ng mahina."Relax, trust me dude. Hindi ko pababayaan si Mary. Dont act so possisive."

"How I can trust you?" Taas kilay ni Matteo kaya humalak-hak ulit si Clifford.

"Because, we both feel the same way about Mary." Nalag-lag ang panga ko sa sinabi ni Clifford sabay ng malakas na tawa ni Robi. Para akong namamanhid sa sinabi niya. Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya.

Gusto ako ni Clifford?

"No thanks," Bagsak boses ni Matteo.

"Hahaha fuck dude, Im just kidding." Sabay tawa ni Clifford at Robi. Kita sa mukha ni Matteo ang iritasyon at inis. Humarap ako sa kanya tska hinawakan ang kanyang braso bilang pakalma.

"Sige na, sumunod kana sa kanila. Okay na ako dito. Kailangan ka ng pamilya mo." Sambit ko kaya nagbuga sya ng hininga. Ilang segundo kaming nag-titigan kaya dahan-dahan syang suminghap.

"I'll be back.." Sagot niya tsaka hinalikan ang ulo ko. Napapikit ako sa ginawa ni Matteo. Tuluyan niya kaming iniwan kaya bagsak ang magkabila kong balikat sa pagod at takot.

Narinig ko ang tawa ni Clifford at Robi kaya bahagya akong lumingon sa kanilang dalawa.

"Matteo really likes you Mary." Sabi sakin ni Clifford. Gusto ako ni Matteo at nakikita ko iyon. Pero bakit ako? Ang daming magaganda bakit ako pa?

"The question is how often, Mary likes Matteo too." Nagulat ako sa sambit ni Robi. Parang may paru-parong nagsiliparan sa dibdib ko sa tanong niya. Hindi ko alam kong may gusto ako kay Matteo. Pero tumitibok ang puso ko pag nakikita sya, isa na ba iyon sa mga senyales na gusto ko rin sya?

"Its not that kind of question you think of to ask Robi. Ang tanong, nagsama na kaya sila sa iisang kama?" Ramdam ko ang pangi-nginit ng aking pisnge sa sinabi ni Clifford. Napalunok ako!

"Sir-----" Pigil ko kaya nagtawanan silang dalawa.

"We better wait for it. Baka mamaya. Right Mary?" Sambit ni Robi na sobrang laki ng ngiti na tila tuwang-tuwa.

"Then, let's Matteo drunk." Highfive ng dalawa kaya umiwas ako ng tingin.

Sobrang init na ng pisnge ko sa sinasabi nila. Hindi ko alam na may mas makalog pa pala sa mga kaibigan ko, at iyon ay ang mga boss ko pa talaga.