Chereads / The Virgin Mary / Chapter 27 - KABANATA 25

Chapter 27 - KABANATA 25

Bagsak ang magkabila kong balikat ng bumalik sa counter. Titig na titig sakin si Ivony at Grace habang hawak-hawak ko ng mahigpit ang tray na bit-bit ko. Mas lalo lang akong nabagsakan ng iilang bato sa ulo ng dumaan si Matteo sa harap namin galing sa banyo. Siniko ako ni Ivony dahil huminto saglit si Matteo sa harap namin tsaka ito ngumiti sakin ng bahagya.

"Hi Sir?" Sabay ni Grace at Ivony tsaka ito ngumiti si Matteo sa kanila. Tuluyan ng umalis si Matteo tsaka bumalik sa mga kasama niya sa table.

"Hoy. Anong nangyari? Bakit mag kasunod kayong lumabas ng banyo?" Ngiting asar ni Grace kaya lumingon ako sa kanya. Alam kong may malagim na iniisip tong dalawa na ito.

"Ewan ko, nagbanyo lang naman ako." Sagot ko na ikina singkit ng mata ni Ivony. Umiwas ako sa titig ng dalawa.

"Talaga lang huh? Nag banyo? O baka nag babanyohan?" Hagik-ik ni Ivony kaya siniko sya agad ni Grace. Nakaramdam ako ng pangi-nginit sa pisnge sa sinabi niyang iyon. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan.

Wala kaming ginawa!

"Ikaw naman Ivony. Baka nagkataon lang na nag banyo si Maey, tapos ganon din si Sir Matteo." Ngiting pang-aasar na sambit ni Grace tska ako kininditan. Humagik-ik ang dalawa kaya hindi ko na magawang tignan sila ng diretso. Naiisip ko lang ang nangyari kanina ay nababaliw na ako.

"Maey pakihatid nga ito--" Bulyaw sakin ni Erika kaya napatuwid ako ng tayo. Nahuli kong umirap si Grace at Ivony dahil sa inasta ni Erika sakin.

Tinanggap ko ang alak tska hinatid sa numerong nakasaad. Grupo ito ng mga matatandang lalake at mukhang nasa 50's. Isa-isa kong binaba ang iilang alak at ganon parin walang nagbago. Hindi mo maiiwasan ang kanilang titig. Yumuko ako pagkatapos nilapag ang alak at tuluyan ng umalis.

Panay ang lingon ko sa direksyon nila Matteo. Kanina na sobrang dikit niya sa babeng kasama niya, ngayon ay may distansya na sa gitna. Hindi ko alam kong bakit kong kanina lang ay ang sweet ng dalawa. Bumalik ako sa counter at nakita ko si Jessica na nakatayo mula ron. Dali-dali akong lumapit sa kanya na nakangiti.

"Maey nakita mo ba yung kasama ni Sir?" Unang salita niya. Napabuntong hininga ako dahil sa sinalubong niya talaga ako ng ganoong tanong.

Nagkibit ako ng balikat bilang sagot.

"Malamang girlfriend ni sir." Sabay kaming napalingon sa gilid ng magsalita si Alyana. Hinawakan ko agad ang kamay ni Jessica bilang pakalma. Ayaw ko ng away ulit kaya mas pipiliin naming manahimik at hayaan sya. "Ikaw naman kasi Mary, nag pabilog ka agad. Hindi mo alam kong gano kataas yong pinatulan mo. Hindi mo ba naiisip na isa lang tayong waitress?"

Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Pumikit ako bilang pakalma sa sarili.

"Hay naku Alyana. Malaki ba talaga ang galit mo kay Maey? Kasi mukhang umaapaw na yang pagka-pakialamera mo." Taas kilay ni Jessica. Hinigpitan ko ang hawak ng kanyang kamay at sinamaan sya ng tingin. Si Jessica yung tipong palaban at madali lang mapikon.

"Hindi naman sa nakikialam ako. Sabihin nalang natin na naaawa ako sa kaibigan nyo. Pagkatapos gamitin ni sir Matteo ay pinalitan agad." Nang-aasar niyang sabi habang may pag iinarte. Umiling ako tsaka hinila si Jessica palapit sakin.

"Hindi sya pinalitan ni sir. Talagang may umaaligid lang na makati at hindi iyon maiiwasan." Mahinahong sagot ni Jessica.

"Oo maraming makakati ang umaaligid kay sir, kaya lang ay nagpapakati si sir Matteo eh." Busangot ni Alyana kaya yumuko ako. Wala akong pakialam sa mga lumalandi sa kanya. Bakit naman ako makikialam?

Hindi na muling sumagot si Jessica dahil hinila ko sya sa ibang direskyon. Napaisip ako sa sinabi ni Alyana. Gwapo si Matteo at makisig lahat ng babae na lumalapit sa kanya ay siguradong dadaanan muna sa kanyang mga kamay. Pero naiisip ko rin, isa na ba talaga ako sa mga babaeng iyon? Isa narin ba ako sa mga humahanga kay Matteo? Hindi ko rin alam dahil hindi ko rin mabigyan ng kahulugan o kaya kasagutan itong iniisip ko.

Bumalik kami sa trabaho. Panay ang lingon ko sa gawi nila Matteo at mukhang nagkakasiyahan sila mula roon. Hindi ko magawang mag konsentrasyon kong lutang ang utak ko. Hindi ko magawang daliin ang trabaho ko kong ang mata ko ay humahagilap sa gawi nila Matteo.

"Mary," Lumingon ako sa likuran ng bumungad sakin si Rocky na sobrang laki ng ngiti. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pormal niya suot. Mas lalo syang gumwapo.

"Rocky? Akala ko ba ay mamaya ka pa?" Lumapit sya sakin tska ako hinalikan sa pisnge. Literal akong nagulat sa ginawa niya kaya napapatingin narin iyong mga kasamahan ko sa trabaho. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge kaya yumuko ako agad.

"They text me. Nagka-inoman sila kaya maaga akong puma rito, bakit ayaw mo ba akong nandito?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya agad akong umiling. Gustong-gusto ko syang nandito kaya natutuwa ako.

"Hindi noh. Akala ko lang kasi mamaya ka pa. Nasa trabaho pa ako at hindi muna kita maasikaso ngayon." Nguso kong sabi kaya bahagya syang ngumiti.

"Okay lang, basta mamaya pagkatapos ay aalis tayo." Ngiti niyang pabalik tska ako tumango bilang sagot.

"Excuse Me, Sir Rocky naghihintay na ang mga kaibigan mo." Singit ni Mam Shelo tsaka ito tumango bilang sagot.

Lumingon ako sa direksyon nila Matteo at nakatingin sila lahat samin. Umiwas agad ako ng tingin at binalik ang tingin kay Rocky.

"Hihintayin kita mamaya." Ginulo niya ang buhok ko tska niya ako tuluyang tinalikuran. Pinapanuod ko pa syang nagtungo kina Matteo bago ako bumalik sa counter.

Hindi ko alam kong anong klaseng titig ang hinagip sakin ni Matteo dahil hanggang nagyon ay na sakin parin ang mata niya. Bawat hatid ko sa iilang alak sa mesa ay sinusundan niya ako ng tingin. Nakakailang kaya pilit kong inaayos ang bawat galaw ko.

Dumaan ang ilang oras ay isa-isa ng nagsi-uwian ang iilang costumer. May lasing meron din namang hindi pa lasing. Nagsimula narin akong nag-ayos ng upoan at isa-isa ng pinunasan ang iilang tray. Nag kainoman parin sina Matteo kasama ang mga babae. Naiinis ako, Oo inaamin ko sa sarili ko iyon.

"Babe, hatid muna ako sa bahay. Medyo nahihilo narin kasi ako eh." Narinig ko pa ang pagmamaktol ng babae habang pilit na idinidikit ang sarili niya kay Matteo.

"You can go home by yourself, Krix." Basag boses ni Matteo. Panay ang punas ko sa mesa habang pilit na nakikinig ang isang tenga sa usapan nila.

"I cant Im already dizzy babe,why you just cant take me home." Maarte nitong sagot.

Sumulyap ako saglit sa kanila at nahuli ko si Rocky na naninigarilyo. Napatingin din sya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay. Dali-dali niyang binaba ang kanyang sigarilyo kaya bahagya akong ngumiti mula sa gilid ng aking labi. Pinadpad ko ang tingin kay Matteo na ngayon ay nakatingin na sakin, agad akong yumuko tska binalik  ang pagpupunas ng mesa.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig na iyon.

"Ihatid muna yan dude. Mukhang lasing na yata eh." Singit ni Robi habang kaakbay ang kanyang babae. Hindi ko rin alam kong girlfriend niya o hindi dahil gabi-gabi iba ang mga babae nila. Ewan ko ba kong bakit pumapayag din ang mga babaeng yon. Hindi naman ipag-kakaila na gwapo sila at habulin ng mga babae.

Tumayo si Matteo tsaka hinila sa braso ang babae.

"Whoo!" Sabay ni Clifford at Robi. Napailing si Clark at Rocky sa ginawa ni Matteo.

Nakaramdam ako ng paninikip saking dibdib kaya nilibang ko ang sarili ko sa pagpupunas.

"I take you home." Saad niya tska hinila ang babae palabas ng bar. Sinundan ko sila ng tingin. Ang sikip ng dibdib ko dahil hindi niya magawang lumingon sa direksyon ko ngayon. Pahina ng pahina ang pagpupunas ko sa mesa dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Bakit ang bigat ng kamay ko.

"Hoy Maey sobrang kintab na ng mesa oh masyado ka namang seryoso dyan." Tapik ni Grace sa braso ko. Tumuwid ako ng tayo sa gulat.

"Okay na yan. Pwede na kayong mag pahinga dahil mag aalas dose narin." Palakpak ni mam Shelo tsaka ako hinila ni Grace pa akyat ng hagdanan.

Isa-isa kaming nag-ayos ng aming mga sarili. Nakabihis narin sila ng pangtulog habang ako ay nag hahalf bath. Aalis kami ni Rocky ngayon kaya kailangan kong ayusin ang sarili ko.

Sumasagip parin sa isipan ko si Matteo at ang babaeng iyon. Ano kaya ang ginagawa nilang dalawa ngayon? Ewan ko at wala akong pakialam sa kanila.

Paglabas ko sa banyo ay tulog na yung ibang kasamahan ko at gising pa ang apat. Sabay nila akong tinignan na kunot noo.

"Aalis ka?" Tanong sakin ni Ivony.

"Aalis kami ni Rocky." Sagot ko habang namimili ng damit na susuotin.

"Pano si Matteo?" Direktong tanong ni Grace. Nagkibit ako ng balikat bilang sagot kaya naningkit ang mata niya. "Anong hindi mo alam? Di ba mag jowa kayo? Bakit hindi sya ang kasama mo ngayong gabi?"

"Kasama niya ang babae niya." Basag boses ko kaya nagtawanan silang tatlo.

"Ay may nagseselos." Highfive ni Grace at Jessica. Umiling ako sa ginawa nila tsaka ako nagtungo sa dressing room. Nagsuot ako ng tattered short at puting t-shirt na may nakasulat na Im fine.

Napahinto ako sa pagsusuklay ng maaninag ko ang damit ko. Im fine? Ewan ko dahil hindi ako Okay. Sobrang bigat ng dibdib ko at kanina ko pa ito nararamdaman.

Lumabas ako ng dressing room at bumungad sakin si Ivony at Jessica na hindi pa natutulog.

"Im fine sigurado ka?" Natatawang saad ni Jessica kaya sumimangot ako sa sinabi niya.

"Maey may itatanong sana ako sayo, i hope you dont mind." Seryosong wika ni Ivony kaya umupo ako sa kama tska hinarap sya. "May relasyon ba talaga kayo ni Matteo? Kasi kong meron hindi sya sasama sa ibang babae, at isa pa alam ng buong kasamahan natin na nakikipag relasyon ka sa kanya. Tulad ng kanina kita nilang lahat na harap-harapan kang pinaglalaruan ni Matteo. Yung totoo? kayo ba talaga?" natahimik ako sa mga katanongan ni Ivony.

Tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Ivony. Natamaan ako sa sinabi niya pero pilit ko paring tinatatak sa isipan ko na walang kami. Hindi ko alam kong pano sasagotin si Ivony kaya nag buntong hininga ako tsaka sya sinagot ng----

Agad akong napalingon sa desk ng tumunog ang phone ko. Bumungad sakin ang pangalan ni Rocky sa screen.

Rocky Calling.....

"Sige na, mukhang hinihintay kana ni Rocky. Huwag munang isipin yung tanong ko sayo." Tumango ako bago sinagot ang phone. Tuluyan ko silang tinalikuran at agad lumabas ng silid.

"Rocky ito na pababa na ako,"

"Im waiting you outside." sagot niya.

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa labas. Nasa labas ng kotse si Rocky habang nakasandal at hinihintay ako.

"Im sorry pinaghintay kita." Lumapit ako sa kanya tsaka niya ako pinagbuksan ng pintoan ng kotse.

"Okay lang, katatapos lang din naming mag-inoman." Sagot niya sa mahinang boses. Umikot sya kabila tska pumasok sa may driver seat.

Lumingon pa ako sa kotse nila Clifford at Robi sa gilid. Mukhang nasa loob pa sila ng bar.

"Umalis na si Clifford at Robi?" Baling ko sa kanya kaya tumawa sya ng mahina.

"Nah, maybe in their room with their girls." Iling niyang sabi habang tumatawa. Hindi ko aakalain na maririnig ko iyon kay Rocky.

Nagsimula na syang mag maneho. Hindi ko alam kong saan kami pupunta dahil hindi narin ako muling nagtanong. Dumaan kami sa syudad ng Manila at may iilang vendor pa ang nanininda mula sa gilid ng daan. Na mimiss ko tuloy ang Lanao kaya naninikip ang dibdib ko.

Ilang minuto sa byahe ay pumasok kami sa isang subdivission. Lumingon ako kay Rocky at nahuli ko syang nakangiti.

"Anong ginagawa natin dito?" Lumingon sya sakin na may ngiti kaya kumunot ang noo ko.

"Surprise Mary,"

Hindi na ako ulit nagtanong. Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana at nilibang ang sarili sa mga naglalakihang bahay. Inihinto ni Rocky ang kotse sa isang kulay asul at kayumang-ging bahay.

"Kaninong bahay ito.?" Tanong ko.

"Mine" Ngiti niyang sagot tska bumusena. Bumukas ang gate at may naaninag akong isang lalaking gwardya.

Sobrang laki ng bahay ni Rocky mula sa pool na nasa garden hall. sobrang lawak ng paligid dahil sa mga halaman. Bumaba sya sa kotse tsaka umikot sa gawi ko.

"Sinong kasama mo dito?" Tanong ko ulit pero tumawa lang sya. Bumukas ang main door ng bahay nila at bumungad sakin ang dalawang babae mula roon. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

"Ate Mary?" Tumakbo patungo sakin si Riza na bunsong kapatid ni Rocky. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang namiss ko sya at ngayon ay dalagang-dalaga na.

"Mary hija?" Lumingon ako sa mommy ni Rocky. Sobrang ganda niya parin kahit matanda na ito. Naiilang ako dahil amo sya ni Nanay at Tatay noon.

"Goodevening Maam Reina." Yumuko ako bilang respito. Nagulat ako dahil lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you, Mary hija. Kamukhang-kamukha mo ang Nanay mo kaya na mimiss ko sya tuloy." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni Mam Reina. Kahit labandera at katulong si Nanay ay hindi nila kami iniba sa kanilang pamilya. Tinuring nila kaming kapamilya dahil matalik na kaibigan si Nanay at ang mommy ni Rocky. Sobrang swerte namin sa kanila.

"Maam, miss ko na rin po kayo. Kayong lahat---" Isa-isa kong tingin sa kanila kaya lumapit ulit sakin Riza tska ako niyakap ulit.

"Miss na miss karin namin ate. Pati rin si Kuya miss na miss karin niya. Palagi nga siyang nagtatanong sa mga dating katulong namin sa lanao eh, kong kumusta ka na ba." Lumingon ako kay Rocky na agad niyang ikina'iwas ng tingin. Nangi-nginit ang magkabila kong pisnge dahil sa narinig galing sa kapatid niya. Kong ganon kinukumusta niya parin ako.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Kaw talaga Riza." Ginulo ni maam Reina ang buhok nito. "Pasok na tayo sa loob, naghanda ako ng kaunting salo-salo."

Hinila ako Ni Riza papasok sa loob. Narinig ko pa ang tawa ni Mam Reina at rocky mula sa likuran namin. Bumungad sakin ang puting tiles, marmole at puting pader ng bahay nila. Ang bintana na halos gawa sa salamin. Sobrang layo na talaga ng naabot ni Rocky. Nakapagpatayo nar rin sya ng bahay dito sa Manila. Simula kasi nong na heart attack ang daddy niya ay lumipat sila dito sa Manila para mag bagong buhay.

"Ate saan ka tumutuloy ngayon?" Tanong sakin ni Riza. Nasa hapag kami ngayon at sabay na kumakain. Katabi ko si Rocky habang nasa kabila si Riza at si Mam Reina ay nasa dulo.

Lumingon ako saglit kay Rocky sa tanong ni Riza.

"Sa bar ng kaibigan ko nagtratrabaho si Mary." Sagot ni Rocky.

"Bar? Hind ba delikadu yon? Maraming bastos at maraming lasing sa lugar na yon." Kunot noo ni Mam Reina. Nakagat ko ang labi ko bago lumingon ulit kay Rocky.

"Secure ang buong paligid mommy. May limang bouncer si Clifford." Siya ulit ang sumagot.

"Clifford Edelbario? The son of Sebastian Edelbario?"  Gulat na tanong ni Mam Reina na may ngiti.

"Opo Ma'am Reina sa bar niya po ako nagtatrabaho. Kilala nyo ho sya?" Sambit ko sa usapan.

"Ofcourse, kilalang-kilala. Sila ang may pinakamalaking hotel at resto dito sa buong Manila. They Big time actually hija." Salaysay ni Mam Reina bago ito ngumuya ng pagkain.

Natahimik kami saglit sa hapag. Tanging ingay lang ng kobyertos ang maririnig ko. Ganon sila kayamang mag pinsan.

"Mary ilang buwan kana dito sa Manila?" Lumingon ako ulit kay Mam Reina.

"Mag tatlong buwan na po Ma'am." Bahagya kong sagot.

"Okay ka na ba ngayon? Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo? Kong gusto mo dito ka nalang sa bahay namin. Welcome na eelcome ka dito hija." Napangiti ako sa sinabi ni Mam Reina. Hanggang ngayon ay sobrang bait niya parin sakin. Pero nakakahiya at kailangan kong sanayin ang sarili na mag-isa.

"Oo ma'am medyo okay narin ako, kahit papano ay naging masaya ako sa trabaho ko. Marami narin akong naging kaibigan kaya nalilimutan ko narin ang masakit na napagdaan ko noon." Yumuko ako pagkatapos sabihin yun. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Rocky sa hita ko. Lumingon ako sa kanya dahil alam kong nag-aalala sya sa nararamdaman ko ngayon.

"Im sorry for your lost hija. Hindi narin ako nakakauwi ng lanao dahil nahihirapan na ako sa byahe. Bibisitahin ko ang puntod ng Nanay mo, kong sakaling makauwi ako roon." Inabot ni Mam reina ang kamay ko tska niya ito hinawakan ng mahigpit. May namumuong luha sa gilid ng mata ko kaya pilit ko iyong pinipigilan.

Marami kaming pinag-usapan sa hapag. Siguro sobrang saya ni Nanay ngayon dahil nagkita kami ulit ng matalik niyang kaibigan. Nasaktan din si Mam Reina dahil sa pagkawala ni Nanay dahil magkababata sila simula noon.

Pagkatapos naming kumain ay hindi ako pinayagan ni Mam Reina na tumulong magligpit ng pinag-kainan. Umakyat saglit si Rocky para magbihis dahil ihahatid niya ako sa bar pabalik.

"Ate nililigawan ka ba ni kuya?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Riza. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa direkto niyang tanong sakin.

"Riza, mag kaibigan lang kami ng kuya mo." Pagtatama ko kaya kumunot ang noo niya.

"Kaibigan? Eh ang sabi niya sakin Mahal ka raw niya. Ang dami mo ngang larawan sa kwarto niya eh. Halos larawan nyong dalawa ate." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi ni Riza. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko mgayon dahil sa sinabi niya. Totoo ba ito?

"Naku Riza baka nagkakamali kalang." Pagtatama ko ulit kaya sumimangot sya. Kita sa mata niya ang lungkot kaya umusog ako tsaka hinawakan ang kamay niya. "Mag kaibigan lang kami ng kuya mo. Mahal ko sya bilang kaibigan at ganon din sya sakin."

Dahan-dahan syang tumingin sakin na may bahid na lungkot.

"Mahal ka niya ate higit pa sa kaibigan, at alam na alam ko yun." Direkto niyang sagot.

Nanghihina ang buo kong katawan dahil sa sinabi niya. Ang tuhod ko ay lumambot. Ang puso ko ay kumakabog sa saya. Ang mga mata kong may namumuong luha.

Gustohin ko mang ayaw maniwala pero kay Riza ko mismo narinig iyon. Ang sarap sa pakiramdam, dahil ang gusto kong tao ay may gusto din pala sakin?

Pero pano?

Bakit niya itinago? Pareho lang ba kami ng nararamdaman? Patagong nararamdaman.

Hindi ko alam dahil pinaparamdam sakin ni Rocky na kaibigan lang ako at hanggang doon lang yun.