Maging sa byahe ay hindi ko sya magawang tignan. Namumula parin ang pisnge ko at kitang-kita ko iyon mula sa side mirror ng kotse niya. Hindi ko rin alam kong saan kami pupunta dahil hindi ko sya magawang kausapin.
"Saan mo ako dadalhin?" Lumingon ako sa kanya at tanging ngiti lang nito ang isinagot.
"Relax we we're going to the Mall." Sagot niya sa kalmadong tono kaya umayos ako ng upo. Titig na titig ako sa kanya. Sobrang tangos ng ilong at maging ang kanyang adams apple ay umaalindog sa mukha niyang perpekto.
Gaya ng sinabi niya ay pilit kong kinalma ang sarili ko. Pupunta lang naman kami ng Mall diba? Pero bakit nangi-nginig ako. Naalala ko ang sinabi niya kanina para sa pag papanggap namin. Pano kaya pag nalaman ni Rocky ito at sigurado akong magagalit sya sakin.
Pinark niya ang kotse sa parking area tsaka binaling ang tingin sakin na walang bahid na ano sa mukha.
"Malling? Tapos naka business attire?" Asar kong saad kaya bahagya syang tumawa ng mahina.
"After this, sasama ka sakin sa kompanya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya agad akong umiling.
"Ayaw kong sumama dun, babalik ako sa bar dahil kailangan kong magpahinga. May trabaho pa ako mamayang gabi." Agad kong sagot kaya lumingon sya sakin na may ngiting balak. Kinakabahan ako sa ngiting iyan.
"You will sleep in my house. I'll take you home after your nap." Sagot niya tska tuluyang lumabas ng kotse.
Hindi ko magawang barangan sya sa sinabing iyon dahil sa pandinig palang ay tila iba na ang nasa isip ko. Umikot sya sa kotse tska ako pinagbuksan.
"Salamat.." Baling ko sa kanya tsaka niya hinawakan ang kamay ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa siklop naming mga kamay. Hindi ko kayang bawiin ang kamay ko mula sa kamay niya dahil sobrang higpit ng hawak niya nito.
Para akong mucha-cha na sumusunod sa lalaking mataas ang ranggo. Samantalang ako ay isang mababang uri.
Hawak kamay kaming pumasok sa mall nang walang imikan. Gusto kong bawiin ang kamay ko ngunit naramdaman ko namang komportable ako mula sa hawak niyang yun. Panay ang tingin samin ng ibang tao sa paligid. Sinong hindi mapapalingon sa gwapo at anyug ni Matteo?
Bulag nalang siguro ang hindi makakaagap sa mukha niyang perpekto.
"Where do you want to eat?" Huminto sya sa paglalakad tsaka humarap sakin. Sobrang tangkad niya at hindi ko magawang tignan sya ng diretso sa mata.
"Kahit saan, kong ano ang gusto mo dun ako." Umawang ang labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Kfc?" tanong niya tsaka ako tumango bilang sagot. Nagtungo kami sa KFC tsaka kami ng hanap ng mauupoan.
"Girls look? He is hot."
"Omg----His chest gonna make me blast."
"Hey....He have a girlfriend."
"Daaaah---- i think maid niya yata yan."
Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Matteo. Alam kong narinig niya iyon at hindi niya ako magawang ipag tanggol dahil totoo ang lahat ng sinabi ng grupong babae sa kabilang table.
"Wait me here," Binitawan niya ang kamay ko tsaka sya lumapit sa limang babae na nagpaparinig kanina. Kinabahan ako bigla at bakit lumapit pa sya dun?
"OH MY GOD--- papalapit sya satin Girls."
"Kyah! Omg girls look at me im pretty na ba?"
"Excuse me ladies," Saad ni Matteo sa kanila kaya panay ang kilig nilang lahat. Nagtutulakan pa silang lima habang nakatayo sa harap si Matteo na nakapamulsa.
"Hmhm... Hi im Elena,"
"Hi im Josephine,"
"Hi im Terry,"
"Hello handsomed Im Lolit nice to meet you."
"Gosh---Im Loraine, what is your name by the way poge!?"
Pakilala nila sa isat-isa at tila nag uunahan kong sino ang mauuna. Tinignan lang sila ni Matteo na walang ekspresyon ang mukha.
"Im sorry girls but i dont even ask all your names." Na laglag ang panga ng limang babae sa sinabi ni Matteo. Nagkatinginan sila sa isat-isa na tila hindi makapaniwala. "Sorry for dobt, I heard everything you said about my girlfriend, and you seem to be over the limit. I need explanation kong bakit nyo nasabi iyon?"halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Matteo. Sobrang sarap sa pakiramdam, yong pakiramdam na ipagtatanggol ka.
Nagtutulakan ang lima kong sino ang unang magsalita at kabaliktaran iyon kanina. Natataranta sila sa harap ni Matteo na para bang may malaking kasalanan.
"Im sorry po Sir. Akala kasi namin maid mo yung kasama mo. Hindi po namin alam na girlfriend nyo po pala." pormal na salaysay ng kasamahan nila kaya bahagyang ngumiti si Matteo mula sa gilid ng kanyang labi.
"Its that an excuse?"Tumango sila isa-isa tska yumuko sa takot. "Then, stop rumbling young ladies. Because it's not good. I dont need to asked for more, Sorry for the convenience." Tuluyan silang tinalikuran ni Matteo tska bumalik sakin na may ngiti.
Ang sarap sa pakiramdam na may nag tatanggol sayo. Hindi ko alam pero kinilig ako sa ginawa niya.
"Are you okay now?" Tanong niya sakin kaya dahan-dahan akong tumango bilang sagot. "I find you comportable sit." Hinila niya ako malapit sa glass wall kong saan ay may pulang sofa mula doon. Umupo ako tsaka sya tinignan. "I order first, just wait me here for a seconds." Tumango ako bilang sagot tska sya sinundan ng tingin...
*Dug dug dug* Bakit ko nga ba ito nararamdaman? Sa tuwing seryoso si Matteo ay hindi ko magawang pigilan ang pagtibok ng puso ko. May kakaiba sa nararamdaman ko at matagal ko na itong nahahalata. Umiling ako tska binaling ang tingin sa kumakain din.
Ilang sandali lang ay bumalik sya na may dalang tray.
"Are you hungry?" Sa totoo lang nagugutom na ako kaya tumango agad ako ng walang paliban-liban.
Nagsimula na kaming kumain na walang imikan. Panay ang tingin ko sa Myphone kong cellphone dahil mag aalas'dyes narin ng tanghali. Ano kayang ginagawa ng mga kaibigan ko ngayon?
"After this we were going to buy a new cellphone." Agad kong inangat ang ulo ko sa sinabi niya.
"Bibili ka ng bago? Ang ganda na ng phone mo at mukhang maagap pa para palitan yan." Sabi ko sa kanya kaya ngumiti sya ng kaunti bago uminom ng tubig.
"I buy for you, not for me." Sagot niya tska sumubo ulit ng humburger.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ayaw na ayaw kong may bumibili sakin ng gamit dahil nalalaswaan ako.
"Im sorry Matteo, pero hindi ko iyan matatang-gap. Okay na ako sa keypad kong phone." Sagot ko tsaka sumubo ng fries. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at bahagya niyang pinagdikit ang kanyang magkabilang palad sa mesa.
"I will buy you a new phone for our conversation, and dont be bother yourself." Taas kilay niya kaya tinaasan ko rin sya ng kilay pabalik.
"Bakit? hindi na ba nakakapagreply ang keypad phone sa mga hitech na bagong phone ngayon?" Irita kong sabi kaya narinig ko ang munti niyang tawa.
"I dont say anything, Im just pre-occupied your old phone and its looked like your gonna change that. It's old, Mary." Natatawa niyang sabi kaya nakagat ko ang ngipin ko sa galit. Binubully niya ang phone ko. Hindi niya ba alam na highschool ko pa ito ginagamit hanggang ngayon ay buhay parin.
Napadpad ang tingin ko sa cellphone niyang namamahinga sa mesa. Hindi ko alam kong ano iyon dahil may mansanas iyon sa likod at napagtanto kong apple.
Apple?
Pati Mansanas ginawang design sa phone? Siguro sa susunod na henerasyon bayabas na naman, kundi mangga baka nga lahat nalang ng prutas eh.
"Kontento na ako sa phone ko, kahit itapon ito sa sahig hinding-hinding ito mawawasak. Baka nga yang phone mo pag nahulog yan sa sahig ay bahagya yang mawawasak ang screen." Hamon ko kaya napatawa sya sa sinabi ko.
Sumandal sya sa sofa habang naka number four ng upo.
"Then, throw it." Hamon niya kaya naningkit ang mata ko.
"Ano?" usal ko.
"Throw your phone on the floor, then i throw my phone also next to you." Hamon niya kaya nakakaasar.
Mahigpit ang hawak ko sa phone ko at niyakap ko pa ito saglit. Susundin ko ba talaga sya? Gusto ko ring mawasak ang phone niyang mansanas para mag ka alaman kong sinong mas matibay. Baliw na ba ako para sundin sya? Hindi ko alam.
Napapikit ako saglit tsaka itinaas ang cellphone ko at agad binitawan iyon sa pagkahawak. Nanlaki ang mata ko at tanging tawa lang ni Matteo ang narinig ko. Lumingon ako sa kanya na naka simangot. Ang phone ko sobrang wasak. Naging skeleton pa at nagkaka watak-watak ang iilang bahagi nito.
May namumuong luha sa mata ko tsaka iyon pinulot isa-isa. Napapatingin narin samin ang ibang kumakain at dinig ko pa ang kanilang tawanan.
"Then, how is your phone, Mary?" Ngiti niyang asar kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
"Itapon mo ang phone mo," Hamon ko kaya natawa sya. Dumungaw sya at inilapit ang kanyang mukha sakin.
"Im sorry but im not fool like you. Dont worry im just teasing you, so that i have one reason to buy you a new phone." Kindat niya tska tumayo at hinila ako patayo.
Hindi ko alam kong anong rekasyon ko dahil sa totoo lang ay nasaktan ako para sa cellphone ko. Gusto kong magwala pero nakakahiya. Hinila niya ako patungo sa isang tenant ng iilang naka display'ng cellphone. Binabawi ko ang kamay ko ngunit nagmamatigas syang higpitan ang hawak mula dun.
Napagtanto kong pareho ito sa phone niya kaya bahagya akong nagulat sa presyo.
"I buy this one," Saad niya sa babaeng kinikilig kaya dumungaw ako mula sa glass. 40,000 Thousands?
"Tika lang bibilhin mo yan?" Lumingon sya sakin na nakangiti kaya hinila ko sya palabas. Hinila niya ako pabalik.
"Kindly please stop bothering yourself. It's my money and not yours, so you dont have to worry about it." wika niyang galit.
"Kaya nga, pera mo at hindi ako papayag na igagastos mo yan sakin. Hindi ako gold digger Matteo kaya respitohin mong ayaw kong magpabili." Bulyaw ko kaya naningkit ang mata niya sa galit.
"I dont really care what you say. I buy that phone wether you like or not." Tinalikuran niya ako tska niya binayaran ang phone na gusto niyang bilhin. Napapkit ako sa galit dahil hindi ako sanay sa ganitong bagay. Ayaw kong pag-uusapan ng ibang tao.
Bumalik sya sakin bit-bit ang paper bag na may tatak na Iphone6+. Umiwas ako ng tingin tska niya ako hinila ulit palabas ng tenant. Nag patianod ako sa hila niya dahil nawawalan narin ako ng mood ngayon.
Sobrang bilis ng pangyayari. Napagtanto kong nasa parking area na kami tska niya ako pinagbuksan ng pintoan. Maging sa byahe ay hindi ko sya pinapansin. Nakakainis kong bakit pa ako sumama sa kanya.
Nakarating kami sa isang matayug at mataas na gusali mula sa syudad ng manila. Inihinto niya ang kotse mula sa harap at may isang lalaki na lumapit samin mula dito.
Lumabas si Matteo na hindi ko napapansin tska niya binigay ang susi ng kotse sa nakauni'pormeng lalaki. Pinagbuksan niya ako tska nilahad ang kanyang kamay pero hindi ko iyon tinanggap. Nakita kong ngumiti sya tsaka sya nag simulang maglakad. Sumunod ako sa kanya papasok ng building.
EDELBARIO COMPANY. Sigurado akong ito na ang kompanya niya.
"Goodmorning Mr.Edelbario.."
"Good day Sir,"
Paulit-ulit na bati sa kanya ng mga staff mula sa building. Hindi ito sinasagot ni Matteo at nilalagpasan lang niya ito. Sumusunod ako kanya hanggang sa elevator. Sobrang pormal niyang tignan sa suot niyang business attire. Humalukip-kip ako tska binaling ang tingin sa numerong nasa itaas ng elevator.
*Ting* Bumukas ito tsaka ko naramdaman ang kamay niya sa kamay ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa totoo lang kanina ko pa hinihintay ang paghawak niya sa kamay ko simula pa kanina sa ibaba. Bakit ngayon lang niya hinawakan? Kinahihiya niya ba ako?
"Good day Mr. Edelbario." naputol ang imahinasyon ko ng may lumapit saming babae.
Nilagpasan sya ni Matteo tsaka napadapad ang tingin niya sa hawak kamay namin. Yumuko ako tsaka nag tikhim ng bagang.
"What time will be start the meeting Cyril?" Saad niya sa babae tsaka ito natatarantang humalungkat sa dala niyang checklist.
"Sir kanina pa po nagsisimula, at kanina pa po kayo hinihintay sa board." Sagot niya agad kaya napahinto si Matteo sa paglalakad namin.
"Il be there in 2minutes." Sabi niya tsaka tuluyang pumasok sa isang silid.
Nag palinga-linga ako sa paligid dahil sa ingganyo sa opisina niya. Mula sa nag lalakihang statue at picture frame ng iilang abstract.
"I have meeting to attach. After this uuwi na tayo." Tumango ako bilang sagot sa kanya. Hindi ko rin alam kong bakit ako sang-ayon sa kanya na sumama sa bahay niya.
Tanging pagsira ng pintoan ang narinig ko tsaka ako nag buntong hininga. Nag palinga-linga ako sa paligid sa ganda. Napadapad ang tingin ko sa pangalan na naka halera sa mesa niyang kulay itim.
Mr. Matteo Vion R. Edelbario
Binasa ko iyon ng paulit-ulit. Naiisip ko lang bakit nga ba ako sumasama kay Matteo dito? May hinahangad din ba ako galing sa kanya na hinahangad niya rin para sakin? Hindi ko alam pero naging komportable ako pagkasama sya. Nalilimutan ko ang totoong stadu naming dalawa pag kasama ko sya. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam, nakakalimutan ko ang nararamdaman ko kay Rocky ng dahil sa kanya.