Chereads / The Virgin Mary / Chapter 9 - KABANATA 7

Chapter 9 - KABANATA 7

Sobrang daming costumer tuwing friday. Halos bata at matatanda ang pumapasok sa bar. Nagtataka ako, alam kaya ng mga magulang ng mga batang 'to na pumupunta sila dito at nakiki-inoman sa mga lalaki?

Mukhang hindi.

Kailangan kong sumeryoso sa trabaho at ibaling ang tingin sa mga costumer.

"Maey sa number 18 ito, pakihatid naman oh please." puppy eyes ni Grace kaya agad kong tinanggap iyon. Siguro ay napagod narin sya.

Nagtungo ako sa numerong sinasabi niya. Naaninag ko ang mga medyo bata pa sakin na mga lalaki. Tumuwid ako ng tayo tsaka lumapit sa kanila na may ngiti.

"Goodevening," sabay silang napalingon sakin na may ngiting malademonyo. Ang bata-bata pa ng mga lalaking 'to at kay hilig na sa mga ganitong bagay.

"Hi miss," kindat nong isa kaya ngumiti rin ako. Nilapag ko ang mga bote sabay tawa nilang lahat.

Tumuwid ako ng tayo ng namalayan kong nakatingin sila sa dibdib ko. Dumungaw ako mula dun at medyo nakikita ang cleavage ko.Dali-dali kong tinaas ang damit ko tsaka sila tinignan ulit..

"Masama yang ginagawa nyo, ang babata nyo pa marunong na kayong uminom ng alak." Sermon ko na mas lalo nilang tinawanan.

"Wow miss kong makabata ka naman dyan. Matatanda na kami miss." Hambog na sagot ng lalaking bumubuga ng sigarilyo.

"Aah ganon ba? Mukha kasi kayong studyante at isa pa mukhang under age lang kayo. Bawal ang bata dito diba?" taas kilay kong sagot. Nagkatinginan silang lahat sa isat-isa.

"Miss kahit bata, pumapatol din sa matatanda," kagat labi ng isang lalaki. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya at mukhang napariwala ang mga batang 'to.

Nakaramdam nalang ako ng kamay sa hita ko kaya agad ko 'yong hinawi. Nagtawanan silang lahat tsaka ako umatras.

"Bastos ka bata ka ah!" Tinapik ko ang kamay niya at agad naman syang tumayo at hinawakan ulit ang hita ko. Medyo mataas sya sakin ngunit hindi ipagkakaila na bata prin sya dahil sa mukha nito.

"Umayos ka miss, waitress ka lang dito costumer kami. Baka naman pwedeng hawakan ang hita mo kahit saglit lang." Hahawakan niya sana ang hita ko ng may biglang humila saking braso. Nanlaki ang mata ko ng masilayan ko ang galit niyang mukha.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng umigting ang panga niya sa galit. Bakit sya nandito?

"What are you doing kid?" humalukipkip ang batang lalaki sa ma awtoridad na boses ni Matteo.

"Sorry were just having fun here," sagot ng isang lalaki kaya isa-isa silang tinitignan ni Matteo.

"Then find someone as old as you, mga paslit na bata." bagsak boses ni Matteo bago ako hinila palayo sa table nila. Halos lumuwal ang mata ng mga batang iyon.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng hinawakan niya ang braso ko. Halos hindi ako makapagsalita. Napapalingon narin samin sina Jessica, Grace at Ivony na sobrang laki ng mga mata.

Huminto kami sa counter tsaka niya ako hinarap na nakakunot ang noo. Sobrang galit ng kanyang mukha.

"Why are you talking those kiddo's?" galit niyang tanong sakin.

"Costumer ko sila Sir at kailangan ko silang kausapin," iritasyon kong sagot. Umawang ang labi niya sa galit.

Hindi ko alam kong bakit ganito ang inaasta niya sakin. Hinilot niya ang kanyang sintedu at tila kinakalma ang sarili.

"Fine... I will talk to you later," nanliit ang mata ko sa usal niya.

"Para saan Sir?" sambit ko na ikinataas ng kanyang kilay. Pormal ko syang kinausap dahil boss ko naman talaga sya.

Lumapit sya sakin ng kaunti.

"if someone wants to talk to you even in anger, talk to them properly." napalunok ako sa sinabi niya. Bakit sya nagagalit sakin? anong kasalanan ko? "Nevermind! Just go back to your work." Huli niyang sabi bago ako tuluyang tinalikuran.

Bagsak ang magkabila kong braso ng umalis na sya. Hindi ko alam pero para akong nang-hihina kapag nag sasalita sya sa harap ko. Naramdaman ko nalang ang kamay ni Ivony sa balikat ko. Lumingon ako sa kanya at bumungad sakin ang ngiti niyang may pang-aasar.

"Ikaw huh... Umamin ka nga sakin." singkit mata niyang tanong kaya nag-iwas agad ako ng tingin..

"Wala. Ewan ko basta niya lang akong hinila kanina." sagot ko. May malaking question mark parin sa mukha ni Ivony. Papalapit samin si Grace at Jessica na may ngiting aso rin.

"Gosh... Ano yun? Bakit ka kinaladkad ni Sir? Binastos ka ng mga batang 'yon noh?" Sunod-sunod na katanongan ni Grace.

"Firstime kong makita si sir Matteo na ganon ang itsura. Alam mo yung tikhim bagang niya? Ganon!" ekplenasyon ni Jessica habang may ekspresyon pa sa mukha.

Tumawa si Grace at ivony bago ibinaling ang tingin sakin. Naging tahimik ako dahil hindi ko rin alam kong biglang nagalit si Matteo kanina.

"Alam mo Maey, umiwas-iwas ka sa mga lalaking katulad ni sir Matteo. Iba ang habol nila satin," pag-babala ni Grace na ikinatawa ng dalawa.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano namang hahabolin niya sa isang tulad ko? Isang hamak na waitress lang ako.

"Aba... Nagche-chekahan pa kayo dyan samantalang ang dami-daming costumer na naghihintay." sabay kaming napalingon kay Ma'am Shelo na papalapit samin.

Agad kaming naghiwalay tska isa-isang bumalik sa trabaho namin. Bago pa ako makalayo ay tinawag ako ni Ma'am Shelo.

"Mary," dahan-dahan akong lumingon sa kanya na may kaba. Ipapaalis ba niya ako sa trabaho Tatanggalin ba niya ako? Sana naman hindi. "May gustong kumausap sayo," nagtaka ako sa sinabi niya. Ito na nga ang sinasabi ko. "Sumunod ka sakin," taas kamay niya tsaka ako sumunod ng nakayuko.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa puntong ito. Naalala ko kanina ang sinabi ni Matteo. Gusto niya akong kausapin. Hindi kaya sya ang sinasabi ni Ma'am Shelo?

Pero parang hindi. Nagtungo kami sa isang sulok kong saan ay may mahabang sofa. Napahawak ako ng mahigpit sa damit ko ng maaninag ko ang lalaking nakatalikod mula doon. Nang makalapit kami sa sofa ay nanlaki ang mata ko sa nakita.

Bakit sya nandito? Kong ganon?

"Rocky?" gulat kong wika. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya sabay ng pakalbog ng aking puso. Agaran syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Sabi ko na nga ba't nandito ka." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kong ganon alam niyang nandito ako.

"Bakit mo nalaman? At anong ginagawa mo dito sa manila? Diba nasa Dubai ka?" sunod-sunod kong tanong subalit tumawa lang sya. Lumingon ako sa giliran kong saan nakatayo si Ma'am Shelo.

Dahan-dahan akong umatras palayo kay Rocky.

"Ma'am sorry po!" wika ko.

"No, its okay Mary. Excuse ka muna ngayong gabi." nagulat ako sa sinabi ni Ma'am Shelo.

"Po? Baka magalit si Sir Clifford." Direkto ko.

"Never. Magkakilala si Rocky at Sir Clifford. So maiwan ko muna kayo dito. Excuse me." tuluyan kaming iniwan ni Ma'am Shelo. Binalik ko ang tingin kay Rocky na nakapamulsa ngayon sa harap ko.

"Can we sit first." Nilahad niya ang kanyang kamay na tinanggap ko agad. Inilalayan niya akong umupo saka ako umayos sa pagkakakilanlan.

"Pano mo ako natun-tun dito?" usal ko. Ipinagdikit niya ang magkabila niyang kamay sa mesa at tinititigan ako.

"I've been here lastnight. Nakita kita ang akala ko ay nagmamalik mata lang ako non, but im not." eksplenasyon niya. Sobrang liit talaga ng mundo at dito pa talaga kami ipinagtagpo.

"Bakit hindi ka lumapit sakin?" nguso ko. Natawa sya sa ginawa ko.

"I was, but busy ka that time. So I decided to surprise you but its looks like im the one who suprise huh. Until now you look so beautiful Mary." Humalukipkip ako sa sinabi ni Rocky. Ramdam na ramdam ko ang panginginit sa magkabila kong pisnge. Pinaglalaruan ko ang makabila kong kamay sa kahihiyan.

Matagal ko na syang crush mula Elementarya hanggang nong nag highschool kami. Kaya lang umalis sya at nagpatuloy ng pag-aaral dito sa manila. Kababata ko si rocky sa probinsya at nagtatrabaho si Nanay sa kanila bilang isang katulong at minsan labandera.

Nahihiya ako dahil sobrang taas niya kesa sakin. Ang hirap niyang abotin noon. Ang hirap niyang pangarapin dahil mayaman sya. Balita ko ay isa na syang magaling at kilalang Engineer.

"Mary are you okay?" Inabot ni Rocky ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit.

Hanggang ngayon ay may nararamdaman parin pala ako sa kanya. Siya ang first hug at first kiss ko sa cheeks. Hinding-hindi ko iyon makakalimotan.

"Im sorry. Nahihiya lang kasi ako sayo Rocky eh. Sobrang layo na ng narating mo," wika ko na ikinailing niya. Bigla syang tumayo at tumabi sakin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng masilayan ko ng malapitan ang mukha ni Rocky. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

"I really miss you kuratsay," napangiti ako sa sinabi niya at halos lumundag ang puso ko sa narinig. Hindi pa pala niya nakakalimotan ang tawagan namin. Sobrang sarap sa pakiramdam. Buong akala ko ay nakakalimutan na niya ang lahat.

"Miss na miss na rin kita buknoy," tawa kong sabi kaya hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Halos hindi ako makahinga sa yakap niya sabayan mo pa sa lakas ng tibok ng puso ko.

Humiwalay sya sa yakap namin saka ako hinarap ng nakangiti.

"Anyway, gabi-gabi akong dadalaw sayo dito san ka ba umuuwi?" umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Stay in ako dito Rocky." kumunot ang noo niya sa sagot ko tila ayaw makapaniwala.

"Here?" gulat niyang turo. "May maayos ka bang tulogan dito?Nakakain ka ba ng maayos?" yumuko ako sa katanongan niya. Ang sarap-sarap pakinggan. Hanggang ngayon ay hindi parin sya nag babago.

"Oo Rocky. Huwag kang mag-alala sakin. Okay lang ako dito," sagot ko agad na ikinailing niya.

"You can stay in my condo, if you want." Agad akong umiling sa suhestyon niya.

"Rocky okay lang talaga ako dito. May mga kaibigan narin ako dito, may mga kasama ako Rocky." eksplenasyon ko kaya nagkibit balikat sya.

"Okay.... sabihin mulang sakin pag nagka problema ka dito huh. You can count on m," Hawak-hawak niya parin ang kamay ko habang nakatitig saking mga mata.

Halos dumudugo na ang labi ko sa kakakagat. Umiwas ako ng tingin tska nag-isip ng ibang usapin. Ayaw mong matunaw sa titig niya sakin.

"Sya nga pala bakit mo kilala si Sir clifford?" tanong ko.

"He is my friend. Naging kaibigan ko sya nong college, actually apat nga kami eh." Nagulat ako sa narinig. Kong ganon kasama si Matteo? Bakit ba kay sobrang liit ng mundo.

Sasagot na sana ako ng biglang dumating si Clifford kasama si Matteo. Napadpad ang tingin ng dalawa sa maghawak kamay namin ni Rocky. Dahan-dahan kong binawi ang aking kamay na ikinatawa ni Clifford.

"Oh... Dating my waitress huh?" Agad tumayo si Rocky tska nakipag kamayan kay Clifford at Matteo.

"Dude long time no see." Nag high five ang dalawa. "Matteo? How are you bro," ganon din ay nakipag high five sya kay Matteo.

Dahan-dahan akong tumayo na nakayuko. Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Rocky sa harap nila. Sobrang init ng pisnge ko sa pagkakataong ito.

"You didn't even tell me na may probinsyana girl ka palang waitress dito huh?" bagsak boses ni Rocky kaya tumawa ng malakas si Clifford.

"Mag-kakilala kayo?" Tanong ni Clifford bago ako tinignan.

"Yes my childhood friend!" Wika ni Rocky saka ako tinignan. Ngumiti ako bilang sagot dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kong anong sasabihin.

Napatingin ako kay Matteo na umaawang ang bagang habang nakatitig saming dalawa. Anong problema niya at kay lagkit niyang makatitig. Umiwas ako ng tingin tska tinignan si Rocky.

"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho." bulong ko sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang kamay saking balikat.

"Can you excuse for a while, gusto pa kitang makausap eh." pagmamaktol nito. Napakagat ako saking labi dahil nasa akin ang titig nilang lahat.

"Nakakahiya kasi kay sir Clifford. Tapos mukhang busy pa ang mga kasamahan ko. Kailangan kong tumulong sa kanila," tanging na naisagot ko. Mariin syang nagbuntong hininga.

"Dude," Umakbay si Clifford kay Rocky. "Mamaya na yang lambingan nyong dalawa. We have to enjoy first, let's drink for tonight, game?" anyaya ni Clifford na sobrang saya. Lumingon sakin si Rocky na may ngiti.

"Fine... But after this can I borrow your waitress?" nanlaki ang mata ko sa pabor niya kay Clifford. Nakangiting tumingin sakin si Clifford.

"Sure... Let's goo." hinila niya si Rocky palayo sakin at umupo sila sa kabilang mesa.

Naiwan kaming dalawa ni Matteo. Ramdam ko ang paninitig niya kaya agad ko syang tinalikuran. Umalis ako ng walang paalam. Bago pa ako makalayo ay bigla niyang hinila ang braso ko rason kong bakit ako napaharap sa kanya.

Naglaban kami ng titig.

"I thought your just only a waitress, pwede ka rin palang e table huh, nice one." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tuluyan niya akong iniwang nakatulala.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya kanina pa na kulang nalang ay sasabog na sa galit.

Hindi ko alam kong bakit niya iyon sinabi. Anong problema niya sakin?