Girls umalis ako saglit. Pasensya na talaga dahil may emergency lang babalik din ako agad.
Panay text ko sa tatlo. Hindi ko maiwasang mag-alala baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko mula sa sinehan. Hindi ko alam kong bakit nandito rin si Matteo sa mall.
Dinala niya ako sa isang mamahaling resto. Panay ang titig niya sakin habang paulit-ulit kong tinititigan ang phone ko.
"Why you just dont eat first?" Kunot noo niya kaya tumingin ako sa kanya.
"Pano ako kakain eh baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Galit kong sabi kaya naningkit ang mata niya. Ang bad timing naman kasi niya dahil sa araw pa talaga ng kasiyahan ng mga kaibigan ko.
"Ako na ang bahala sa kanila. Dont worry i can handle everything and beside you're not a kid anymore Mary." Bagsak boses niya tsaka ako tinaponan ng masama.
Oo hindi na ako bata pero hindi ko naman ugaling mag paalala sa mga kaibigan ko. Nag buga ako ng hininga tsaka ginalaw ang pagkain na kanina pa naghihintay sakin.
Natahimik kami ng ilang segundo tska ko sya sinusulyapan ng pasikreto.
"Why are you asking me for a date?" Putol ko sa katahimikan. Dahan-dahan syang sumandal sa upoan na sobrang seryoso ng mukha.
Titig na titig sya sakin kaya halos hindi ko malunok ang pasta sa lalamonan ko.
"I need your help Mary," malumanay niyang sabi na ikinatahimik ko.
"Tulong? Bakit ano bang maitutulong ko sa isang katulad mo eh. Isa lang akong hamak na mababa kesa sayo. Mahirap ako at pano kita matutulongan?" Sunod-sunod kong sagot na ikinagalit niya.
"Please stop your nonsense word. I need your help and I did not ask your poverty." naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Oo mahirap ako sana naman hindi niya inulit pa iyon.
"Anong maitutulong ko sayo sir Matteo?" naging pormal ang boses ko na ikinangiti niya.
Titig na titig sya sakin kaya kinakabahan ako sa maari niyang pabor. Kong ano man iyon ay hindi ko alam kong papayag ako.
"Mag panggap ka bilang girlfriend ko," napaubo ako sa sinabi niya kaya dali-dali niyang ibinigay sakin ang tubig. Dali-dali ko yong ininom sa gulat habang nakatuon ang tingin sa kanya.
Mag papanggap bilang girlfriend niya?
"Are you okay?" Matigas niyang english. Sumimangot ako.
"Nakakabigla lang kasi Sir. Bakit ako mag papanggap bilang jowa mo eh andyan naman si Venus." Salaysay ko. Narinig ko ang iilang buntong hininga niya.
"Thats why i need your help, I need you to make her jealous at paniguradong babalik sya sakin." naging seryoso ang usapan namin. Unti-unti kong pinoproseso ang sinasabi niya kaya mas lalo akong kinabahan.
"Wait lang huh? Bakit ako? At tsaka bakit mo ginagawa ito?" sunod-sunod kong tanong. Umigting ang panga niya sa galit at tila nainis sa mga katanongan ko.
"Dont ask, just do it. I pay you triple, as long as you do everything." usal niya. Pinapanuod ko syang nilalagok ang wine.
Napakagat ako sa labi ko. Tama ba itong ginagawa ko? Bakit ako?
"Pano ko gagawin yon kong hindi ko alam ang rason? Pano mag wo'work kong hindi ko naman alam ang gagawin ko " sagot ko. Mariin syang natahimik. Napaisip sya sa sinabi ko bago umayos ng upo.
"She broke me for a shit reasonable reason. She left me for nothing, she left me without saying goodbye." nagulat ako sa narinig. Ngayon ay alam ko na ang gusto niyang mangayari.
Kong ganon naghiwalay sila ni Venus? Pero bakit? Nakikita ko kasi silang nagmamahalan sa isat-isa.
"Pano tayo makakasigurado na babalik talaga sya sayo?" Agad syang lumingon sakin na malumanay ang mga mata, tila takot. Sobrang lalim ng titig sakin ni Matteo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya ngayon.
Sumasabay sa pag igting ng kanyang panga ang kanyang adams apple. Oo inaamin ko gwapo sya ngunit hindi ko naman aakalain na may mang-iiwan pa sa isang gwapong tulad niya.
"Thats why I need your help." pabalik niyang sagot tsaka umiwas ng tingin sakin. Hindi ako sigurado dito parang may mali.
"Pano kong ayaw ko?" Taas kilay ko. Bahagya syang natawa. Ayaw kong mag panggap baka malaman pa ito ni Rocky.
"Then, i will talk to Rocky." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kong gagawin ko ba talaga ito. Pero mag papanggap lang naman diba? Tsaka hindi naman tungkol sa pera ito.
"Bakit ako pa? Marami namang ibang babae dyan Matteo." tawang-tawa sya sa sinabi ko. Umayos sya ng upo at ipinagsiklop ang magkabilang kamay sa mesa.
Sobrang lagkit ng kanyang titig habang sinusuri ako. Halos hindi ko sya matitigan pabalik.
"Coz I know i will never fall inlove with someone like you." Tumalon ang puso ko sa sinabi niya. Halos hindi ko sya matitigan ng diretso sa mata. Oo wala talagang mag kakagusto sakin alam ko naman iyon.
Hindi sya maiinlove sa isang katulad ko dahil iba ang stadu namin. Mababa ako habang sya ay sobrang taas tulad ni Rocky.
"You are beautiful Mary. Your one of a kind thats why i choose you, at sisiguradohin kong mag seselos si Venus satin." Nakangiti niyang dugtong. Nakagat ko ang ibaba kong labi.
"Pano pag hindi? At isa pa baka malaman ito ni Rocky." Saad ko.
"I can handle everything. I will help you too, to make him jealous." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi ko alam kong ano ito.
"Selos? Paano? Kaibigan lang ang turing niya sakin." agad kong tinakpan ang king bibig. Sa puntong ito ay naamin ko na sa harap niya ang totoo.
Lumapad ang ngiti ni Matteo sa sinabi ko. Nag-sisisi ako dahil pinapakita ko lang sa kanya na tama sya at mali ako.
"Don't worry I keep it private, but not a secret." namilog ang mata ko sa pang-aasar niya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Just joking. Rocky likes you and i feel it." napanguso ako sa dugtong niya.
"Ako gusto niya? Mukhang hindi naman eh." natawa sya sa sinabi ko. Hindi ko alam pero unti-unti na akonh naging komportable sa usapan namin.
"Yes he is, i can see in him the way he talks to you that night Mary." Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Tanging pintig ng puso ko ang maririnig kong ngayon. "He likes you and i will help you to make it happen."
Dahan-dahan akong napaisip sa sinabi ni Matteo. Alam kong masama ito.Hindi ko magawang mag-alala dahil baka sa huli ay masaktan at matalo kami sa gagawing ito.
"Bakit mo ginagawa ito? Ganon mo ba kamahal si Venus para lang gumawa sa ganitong bagay?" Umiwas sya ng tingin sa sinabi ko kaya mas lalo kong nakita ang matataas nyang pilik mata.
"Just like you. We love that person who can't love us back." Eksplenasyon niya kaya natamaan ako mula sa dulo non. Nagmahal ako pero hanggang dun lang yon. Alam ko naman na hindi pwede dahil kaibigan lang ako. Kaibigan lang ako!
"Akala ko kasi mahal ka niya," Taas kilay ko. "Ilang beses ko kayong nakitang nag lalampongan tapos---;"
Bigla akong natahimik sa sinabi ko. Hindi ko alam dahil nakaramdam ako ng pangi-nginit sa katawan. Nakakahiya. Nakatitig sya sakin na may ngiting pang-aasar. Napayuko ako sa kahihiyan.
"Im sorry kalimutan mo nalang ang sinabi ko." Dugtong ko tska sumubo ng pagkain.
"Sinisilipan mo talaga kami noh?" Agad kong inangat ang ulo ko sa sinabi niya. Ngayon ay nag-sisisi na ako kong bakit sinabi ko pa iyon.
"Hindi noh.... Nagkataon lang at isa pa hindi ko sinasadya." Eksplenasyon ko sabay iwas ng tingin. Titig na titig sya sakin kaya napagdesyonan kong magsalita ulit. "Kailangan ko ng umuwi." tumango sya bilang pasang-ayon.
Sabay kaming lumabas ng resto tsaka nagtungo sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pintoan, ganito ba talaga sya ka gentlemen?
Sinundan ko pa sya ng tingin hanggang sa pumasok narin sya sa loob. Tinignan ko sya ng ilang sandali dahil hindi pa niya pinapaandar ang kotse.
"Hindi pa tayo aalis?" kunot noo kong tanong. Dahan-dahan syang lumingon sakin kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit nararamdaman ko iyon? Kahit madilim sa kotse ay kitang-kita ko ang mapupungay niyang mata.
"I hope you help me Mary. Sana pumayag ka sa offer ko." Papayag ba ako? Mahirap ang pina gagawa niya at baka humantong ito sa iniisip ko ngayon. Pero malabong mangyari iyon.
"Pag-iisipan ko. Hindi madali ang ipagagawa mo sakin dahil baka walang kahantungan itong plano mo. Pano kong hindi sya bumalik sayo? Pano kong wala na talaga syang nararamdaman sayo? Pano kong mahal niya talaga yung pinagpalit niya sayo at hindi ikaw." Sabi ko ng diretso. Ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa manebela.
Ngayon ay nag-sisisi ulit ako kong bakit sinabi ko pa iyon. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil naging maamo ito na parang pusa.
"Gagawin ko ang lahat, bumalik lang sya sakin." Matigas niyang sabi bago ibinalik ang tingin sakin.
Parang akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib. Hindi ko rin alam kong bakit nagawa pa ni Venus iwan ang tulad ni Matteo.
Hinatid niya ako sa bar nang sumapit na ang gabi. Maging sa byahe ay panay ang reply ko sa mga kaibigan kong sobrang nag-aalala sakin.
Grace: Nasan kana? Umuwi ka na dahil may trabaho pa tayo.
Jessica: Sino ba kasi yang kasama mo?
Ivony: Hoy Maey... mag gagabi na wala ka bang balak umuwi?
Kanina ko pa pabalik-balik binabasa ang mga message nila. Hindi ko alam kong pano sasabihin sa kanila ang totoo. Nagbuntong hininga ako tsaka sumandal sa back rest ng upoan.
Binalik ko ang tingin sa phone ng bumungad sakin ang pangalan ni Rocky. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Rocky: Gusto kitang makausap. Susunduin kita mamaya.
Napahigpit ang hawak ko saking cellphone. Bakit gusto niya akong makausap? Kong tungkol ito kanina ay wala naman akong karapatan magalit sa kanya. Binaling ko ang tingin kay Matteo na seryosong nagmamaneho. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya ngumiti sya saglit.
"Are you okay?" Tanong niya sakin tsaka ako tumango.
Nang makarating kami sa bar alas singko ng hapon ay dali-dali akong bumaba ng kotse dahil alas siete emedya mag bubukas na. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Matteo.
"Kailangan ko ng pumasok sa loob." Sabi ko kaya agad syang tumango. Agad ko syang tinalikuran at dali-daling nagtungo sa main door ng bar.
"Mary wait," Lumingon ako sa kanya saglit. "I'll be back here tomorrow can I invite you for a dinner?" Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko dahil parang may pumipigil sa sarili ko na "humindi"
Tumango ako bilang sagot tsaka sya tuluyang tinalikuran. Hindi ko alam kong anong reaksyon niya. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan tsaka dumiretso sa silid. Bumungad sakin si Grace, Ivony at si Jessica na nakapamewang.
Pano ko nga ba sasabihin sa kanila ito?