Dahan-dahan akong lumapit sa kanila na may ngiti. Kitang-kita sa mukha nila ang pagka-irita at pagtataka.
"Saan ka galing?" tanong ni Grace
"Bakit ka biglang umalis kanina?" Tanong ni Jessica.
"Bakit ka umalis ng walang paalam?" Tanong naman ni Ivony.
Itinaas ko ang kamay ko bilang pasang-awa tsaka sila isa-isang tinignan.
"May pinuntahan lang ako saglit," Sagot ko tsaka isiniklop ang buhok sa pagod.
Kitang-kita mula sa gilid ng mata ko ang titig nila. Inangat ko ang ulo ko bago sila nginitian.
"Magkasama kami ni Matteo," Dugtong ko kaya nanlaki ang mata nila. Halos lumuwal ang kanilang mata sa gulat.
"Omg...." sabay ng tatlo at dali-daling lumapit sakin.
"Bakit kayo magkasama? San kayo nagpunta?" Yug-yog sakin ni Ivony habang nasa gilid niya si Jessica at Grace.
"May pinag-usapan lang kami." Umiwas ako ng tingin tsaka inayos ang mga gamit.
"Gosh. Hindi ako makapaniwala na itong kaibigan natin ay nakikipaglandian sa isang C.E.O" Agad akong lumingon kay Ivony sa sinabi niya.
C.E.O? Si Matteo?
"C.E.O?" Ulit ko na di makapaniwala. Sinamaan nila ako ng tingin.
"Mag-kasama kayo kanina. Nag-usap kayo diba? Pero hindi mo alam na isang big time si Sir Matteo?" Taas kilay sakin ni Grace na ikinatahimik ko.
"Hindi ako nagtanong," tanging naisagot ko. Wala akong alam tungkol sa buhay niya dahil wala naman akong pakialam sa lalaking iyon.
"Nanliligaw ba si sir Matteo sayo?" napaubo ako sa katongan ni Jessica. Umiling ako ng ilang ulit.
"Eh bakit kayo magkasama?" Taas kilay din ni Grace. Napalunok ako, ano ba itong napasokan ko. Pati mga kaibigan ko ay sobrang kulit.
"Hoy kayo huh... personalan na yata yan. Hayaan na nga natin si Maey." Ngiting aso ni Ivony na ikinatikhim ko ng bagang.
Bakit nga ba ako sumama sa kanya?Yan din ang palagi kong itinatanong saking sarili.
"Im sorry Maey," Umupo si Grace sa kabilang kama tska ito humarap sakin. Kakaiba ang awra niya ngayon. "Kong may gusto ka kay sir Matteo, kalimutan muna ang nararamdaman mo para sa kanya. Sobrang hirap nilang abotin Maey. Ang mga katulad nilang mga lalaki ay iba ang habol sating mga babae. Mayaman sila at kaya nilang bilhin ang kaluluwa ng mga babaeng gusto nila." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Grace. Alam ko naman iyon, at palagi akong pinapa alala ni Nanay niyan noon.
"Grace baka iba si sir Matteo sa mga sinasabi mo." Sambit ni Ivony na nakatayo sa gilid ko.
Hindi ko naman yan iniisip eh. Wala rin naman akong gusto kay Matteo. Pero kay Rocky sigurado akong meron na meron.
"Wala akong gusto sa kanya." Tipid kong sagot tska ko narinig ang buntong hininga nilang lahat.
"Hayy buti nalang talaga. Alam nyo guys mag aalas siete na baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am Shelo nito." Putol ni Jessica sa usapan tska nagtungo sa closet niya.
Isa-isa na kaming nagbihis at nag-ayos ng aming mga sarili. Ginawa kong ponytail ang aking buhok dahil masyado narin itong mataas. Sa gabing ito ay kulay itim ang susuotin namin. Nasanay narin ako sa sobrang kaiklian ng uniporme namin gabi-gabi.
Sabay kaming lumabas ng silid tska isa-isang tumungo sa dapat naming trabahuin. Pinunasan ko ang bawat tray pagkatapos ay nagpunas rin ako ng mga baso at mesa.
Oo nga pala pupunta dito si Rocky mamaya. Bakit niya kaya ako gustong kausapin? Tungkol kaya ito sa nangyari sa mall kahapon? Hindi ko alam kong pano sasabihin kay Rocky ang totoo.
"Maey sa number 6 ito pakihatid nalang." Saad sakin ni Grace kaya agad kong tinanggap ang iilang bote ng alak.
Nagtungo ako sa numerong sinasabi niya. Naaninag ko ang limang babaeng nagtatawanan at mukhang nag-aaliwan.
Lumapit ako doon at tuluyan ko silang nasinagan. Kumikinang ang kanilang mga suot dahil sa ilaw ng bar. Ang kanilang mga kutis at tindig ay sumisimbolo ng kayamanan.
Nagmumukha silang anghel dahil sa napaka perpekto ng pagka guhit ng kanilang mga mukha.
"Goodevening ma'am ito na po yong order nyo." Bati ko. Bigla silang natahimik at tila pinapanunuod ang bawat galaw ko.
Halos hindi ako nag kaalimbabaga sa mga titig nila. Yumuko ako bilang paumanhin dahil naputol ko yata ang usapan nilang lahat.
"Omg.... bakit kayo naghiwalay ni Matteo?" Nanigas ang kamay ko ng marinig ko ang sinabi ng babae. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at naaninag ko si Venus mula sa sulok na bumubuga ng usok galing sa sigarilyo.
Sobrang ganda niya kahit naninigarilyo.
"Dahhh... Im just using him for the sake of my dad business, and i dont even like him naman talaga." Maarte nitong sabi kaya agad akong yumuko tsaka dahan-dahang binaba ang iilang alak.
Alam kong masama ang makinig sa usapan ng may usapan. Ngunit tila may pumipigil sakin na magtagal sa kinatatayuan ko ngayon.
"But why? He is hot at sobrang gwapo. Bakit mo pa pinakawalan si Matteo? Isipin munang mabuti Venus," Irritable na sambit ng babaeng maikli ang buhok. Kay hawak-hawak itong baso ng alak.
"Yes he is hot but his not good in bed at nakakairitable. I dont like it." Mas lalo akong nanigas. Nakaramdam ako ng pangi-nginit sa magkabila kong pisnge. Bakit ba ayaw gumalaw ng paa ko dito?
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit ako dahil sa naninindig ang mga balahibo ko sa nasaksihan.
"Are you fucking serious? He is not good in bed? Last time i check maraming nababaliw sa kanya. Speacially when it comes to a dog style. Gosh it really makes my heart melt pag naririnig ko iyon." Nagtawanan silang lahat habang sinasabi iyon ng babaeng kulot ang buhok. Nakagat ko ang labi ko dahil sa usapan nila. Hindi ko lubos maisip na kaya nilang mag kwentohan ng ganyang bagay.
"Really.... Can i taste Matteo too? I already fuck with Clifford last night kasi, and guess what he really a war freak girls, really!" Sambit ng babaeng sobrang pula ng labi.
Halos mapaso ang buo kong katawa dahil sa nararamdaman ko ngayon. Ang init-init ang pinapawisan ako. Hindi ko magawang umalis habang nakayuko parin. Nagtawanan silang lahat kaya paulit-ulit yung pumapasok sa tenga ko.
"You know what Venus we dont believe you. Matteo is one of a kind. He is rich, powerful, handsomed speacially he had a big one, right girls?" Nagtawanan ulit sila kaya napatuwid ako ng tayo. Ang inosente kong tenga ay makakarinig sa ?mga ganitong bagay at sa mga babae pa talaga?
Kahit na kami ay hindi namin yan pinag-uusapan mag kakaibigan.
"Yes its big but it doesn't matter. Sexy sya but i dont feel the same way. I dont really like his standard girls when it comes to bed or maybe in shower, ughhh I dont like as in!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Venus. Sobrang nangi-nginig na ang tuhod ko sa bawat buka ng kanilang bibig.
Gusto ko ng umalis pero nanga-ngatog ang tuhod ko. Pano ako aalis kong ang dalawa kong paa ay tila hindi magawang gumalaw.
"Excuse me miss?"Agad akong napalingon sa babaeng nakataas na ang kilay dahil sa irita. "Why are you still standing there? Are you checking out with us"
Agad akong yumuko sa sinabi ng babae bilang paumanhin. Hindi ko alam kong anong isasagot dahil sa titig nilang halos akong patayin.
"Namumukhaan kita," Lumingon ako kay Venus na ngayon ay nakatayo na sa harap ko. "Ikaw 'yong babaeng kinakausap ng mag pinsan diba?" Taas kilay nito kaya agad akong tumango..
"Do you know this cheap girl Venus?" Nandidiring sambit ng babaeng maikli ang buhok.
"Definitely," Irritable na sagot ni Venus tska ito lumapit sakin. Ipina ikot-ikot niya ang baso na may laman na alak habang palapit sakin. "Sino ang gusto mo sa tatlong magpinsan? Its my boyfriend or the other boy or either the other boy again." Natatawa nitong sabi kaya naikuyom ko ang aking kamao ko. Alam kong si Clifford at Robi ang pinupunto niya.
Pero ni isa sa kanila ay wala akong ginusto.
"Im sorry ma'am Venus, mali kayo ng iniisip." Sagot kong mahina habang nakayuko.
"Are you sure"? Taas kilay nito. Tumango ako bilang sagot kaya naningkit ang mata ng kanyang mga kaibigan.
"Make it sure cheap girl. Dahil kami lang ang may karapatang lumapit sa tatlong mag pinsan." Galit na sambit ng isang babae. Nagtawanan ang mga kasamahan niya tsaka ito nagbulong-bulongan.
"Cheap girl."
"Isa yan sa mga babaeng nanga-ngarap matikman ng tatlo. How poor!"
"In her dreams."
Napapikit ako sa bawat buka ng kanilang bibig .Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil ayaw kong patolan ang mga uri nila.
Hindi ko naman aagawin ang tatlo at lalong wala akong balak sa kanila.
"Isa po akong trabahante dito at boss ko sila. Wala po akong balak mang-agaw dahil hindi pa ako nauubosan ng lalaki." nanlaki ang mga mata nila sa padabog kong sagot. "Im sorry ma'am Venus babalik na po ako sa trabaho." Nag bow ako isa-isa sa kanila tsaka sila tuluyang iniwan.
Hindi ko alam kong anong pinagsasabi ni Venus kanina dahil kahit isa sa tatlo ay wala akong gusto. Ewan ko kong bakit sinasabi niya 'yon kong dinig na dinig ko naman na wala syang gusto kay Matteo.
Ginagamit niya si Matteo at alam kong hindi iyon alam ni Matteo. Nakulong sya sa pagmamahal ni Venus na akala niya ay totoo. Ako yung klasing tao na hindi hilig makialam sa buhay na may buhay. Pero ako ang nasasaktan para kay Matteo sa narinig ko.
Humingi sya ng pabor sakin kaya ayaw ko itong tanggapin. Parang ayaw kong bumalik si Venus sa kanya kong ginagamit lang ito dahil sa business ng daddy niya.
Ayaw kong makialam pero ayaw ko ring tumahimik.