Lumipas ang gabi ay pa rami ng rami ang pumapasok sa bar. Lahat kami ay natatarantang magbihis. Ngayong gabi na ito ay kulay pula na sobrang ikling fitted dress ang susuotin namin.
Panay ang hila ko sa damit habang tinatampal naman ni Ivony ang aking kamay.
"Umayos ka nga baka makita ka ni Ma'am Shelo niyan, ma papagalitan ka pa." Kunot noo niya kaya humalukip-kip ako. Sobrang ikli nito at halos kita na ang kaluluwa namin.
Hinahatid ko ang mga iilang bote ng alak sa mga numerong sinasabi ni Erika. Hanggang ngayon ay hindi niya parin ako itinuturing na kaibigan. Minsan na syang naging maldita sakin kaya hinahayaan ko nalang iyon.
"Bago ka miss?" tanong sakin ng lalaking matanda head to toe.
"Opo Sir." Nilapag ko ang bote sa mesa tska sya nginitian. Kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko sa bawat titig sakin ng mga tao dito. Mga titig na kulang nalang ay hinuhubaran ako.
Kanina pa ako pa linga-linga dito sa bar ngunit hindi ko pa nakikita ang mag pinsan. Gabi-gabi naman sila dito kasama si Venus at ang kaibigan nila ah. Bakit wala pa?
Bumalik ako sa counter na bagsak ang magkabilang balikat. Tama nga sila mukhang tuluyan na akong nadala sa huwisyo ng damdamin ko.
"Maey? Pakihatid naman ito oh!" nguso ni Grace kaya agad kong tinang-gap ang apat na bote ng san. Mig. "Thanks Maey." dugtong niya kaya ngumiti ako.
Nagtungo ako sa nakasaad sa sulat sa papel. Number 10, luminga ako sa bawat mesa sa paligid at nakita ko na ang numerong hinahanap ko. Nagtungo ako doon na may ngiti.
"Goodevening Sir." Inangat niya ang ulo niya tsaka ako tinignan head to toe.
"Bago ka miss?! hmhm what's your name?" kunot noo ng matanda. Mukhang nasa 50's na sya at hindi halatang matanda ito dahil sa gwapo sya at malakas pa.
"Mary po Sir." Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya iyon.
"Nice to meet you Mary. Im Roshan." ngiti niyang sabi sabay shake hands namin.
"Kinagagalak rin kitang makilala sir, enjoy your drink po." nag bow ako sa harap niya tsaka sya tinalikuran.
Bumalik ako sa counter na may ngiti. Nakita ko si Grace, Jessica at Ivony na nakatayo lang sa may counter.
"Oh? Ayan na pala si Maey." ngiting aso ni Ivony. Anong meron? At mukhang malalaki ang mga ngiti ng tatlo.
"Anong meron? Bakit kayo nakangiti dyan?" hinila ako ni Ivony para tumabi sa kanya.
"Sa darating na sabado mag na'night out tayo." singit ni Grace.
"Night out? Diba may trabaho tayo sa sabado?" Kunot noo ko kaya naningkit ang kanilang mata.
"Pagkatapos ng trabaho natin sa gabi ay didiretso tayo sa kabilang bar." Sambit naman ni Jessica.
"Ewan ko. Pero mukhang hindi ako makakasama." Sambit ko na ikinagalit nilang tatlo.
"Girl, mag-enjoy ka din pag may time. Naku kong alam mo lang sana." nagtawanan silang tatlo kaya mas lalo akong nagtaka.
"Anong alam ko lang sana? Bakit anong meron sa night out na iyan?" isa-isa ko silang tinignan ngunit sinuklian lang nila ako ng ngiti. Mukhang may balak sila at iyon ay hindi ko gusto.
"Mas madaming gwapong lalake sa kabilang bar kesa dito kaya mamiming-wit tayo." nagtawanan ulit silang tatlo kaya napailing ako.
Boys? Ewan ko dahil hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend.
Bumalik kami sa trabaho pagkatapos ng usapan na ioyn. Hindi ko alam pero mukhang interesado ako sa sinasabi nila. Hindi sa mga lalake, kundi ang makasama sila. Kailangan ko rin yatang makihalubilo sa mga kaibigan ko.
Nagtungo ako sa iilang table at ganon parin hinahatid ang mga alak. May mga iilang costumer narin akong nakikilala. May medyo bastos pero meron din namang Ma Ginoo.
Masasanay din ako.
"Maey? Ikaw na ang maghatid nito sa table nila Sir," malditang saad ni Erika kaya tinanggap ko ang mga alak na may ngiti.
Napangiti ako sa pagtawag niya sakin. Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ay nagagawa niya parin akong tawagin sa pangalan ko. Tinanggap ko ang iilang bote na may ngiti.
Ayaw kong umayaw, pero mukhang busy ang iba kaya ako ang nakita niya. Wala akong magawa kundi ihatid itong mga alak sa table nila Clifford. Bawat ngiti ko kay Erika ay tinataasan niya lang ako ng kilay. Agad niya naman akong tinalikuran ng mabilis.
Napahigpit ang hawak ko sa tray ng maaninag ko ang table nila Clifford. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng bumungad sakin ang mga kaibigan nila.
"Goodevening Sir," isa-isa kong nilagay ang mga bote sa mesa na nanginginig. Bakit ako nanginginig? Tila natatakot ako sa mga titig ng kasamahan nila.
"Hi Mary looking hotter all day ah!" Saad ni Robi sabay buga ng usok ng sigarilyo. Kinagat ko ang ibabang labi ko sa kahihiyan. Hindi ko lubos maisip na tatawagin niya ako sa harap ng mga kaibigan niya.
"Ipakilala mo naman ako sa bago nyong sexy waitress dude," singit ng lalakeng hanggang leeg ang buhok.
"Im sorry dude pero strict ako pagdating sa mga waitress ko." Sagot naman ni Clifford sa kaibigan niya habang nasa akin ang tingin nito.
Agad akong tumuwid ng tayo.
"Really Delbert? Do you really want to know this woman? God, How cheap you are." Sambit ni Venus na ikinayuko ko.
"Look at her Venus." Baling sakin ni Delbert. "She is beautiful, I think she did not deserve this job dude" lingon niya kay Clifford ngunit tinawanan lang sya nito.
"You really like my waitress huh!" saad ni Clifford kay Dellbert.
"Why not? She is pretty and sexy, im sure I'll be back here, if its that okay to you Mary?" Lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko magawang sumagot at tanging tango lamang iyon. Umalis kana dito Mary please!
"Tsss. You must be kidding us!" sambit ni Matteo sa usapan habang may hawak itong bote ng alak.
"Bakit Matt? Im not joking. Na a'amaze lang talaga ako sa ganda niya." sagot ni Delbert bago ako kindatan nito.
Masyado na nila akong pinag-usapan at iyon ay nakakadisturbo sa usapin ng iba. Nag-sisisi na ako ngayon, kailangan ko ng umalis.
"Im sorry pero kailangan ko ng bumalik sa trabaho." sambit ko kaya tinaasan ako ng kilay ni Venus.
"Yes you must. Your just disturbing us." singit ni Venus na ikinalingon ko.
Pinaglalaruan ni Venus ang nakabukas na batones ni Matteo habang ginagapang ang kamay niya sa dibdib nito. Napalunok ako ng mahuli ni Matteo ang titig ko kaya kumunot ang noo niya.
Ibinalik ko ang tingin kay Clifford na katabi ang girlfriend niya.
"Excuse me," yumuko ako at tuluyan silang tinalikuran.
"Wait Mary," lumingon ako pabalik sa table nila ng tinawag ako ni Delbert. Lumapit sya sakin kaya sinundan sya ng tingin ng mga kaibigan niya. "I just want to asked your number." direkto niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko. "I just want to be your friend, thats all." dugtong niya kaya nagdadalawang isip pa ako.
Lumingon pa ako sa likuran ng makita kong nakatitig si Matteo sa direksyon namin. Hindi ko alam kong anong titig iyon dahil nakakapag-takhang isipin. Sa huli ay ibinigay ko ang numero ko kay Delbert. Bumalik sya sa table tska ako bumalik rin sa counter.
Sinundo ako ni Ivony na may malaking question mark sa kanyang mukha.
"Hoy? Ano yon?" kiliti niya sa tagiliran ko kaya napaurong ako sa ginawa niya.
"Wala!" sagot ko na ikina kunot ng noo niya. Kalaunan ay hindi na sya nagtanong ulit. Panay parin ang titig sakin ni Ivony at mukhang kailangan niya ng kasagotan sa iniisip niya ngayon.
Minsan napapalingon ako sa direksyon nila Matteo at nahuhuli ko syang lumilingon mula dito. Hindi ko alam pero kumakabog ang puso ko pag nahuhuli ko ang mga titig niya sakin.
Natapos ang gabi na sobrang nakakapagod. Pagkatapos naming malinis ang bawat sulok ng bar ay isa-isa narin kaming bumalik sa silid. Hanggang ngayon ay titig na titig parin sakin si Ivony kaya napagdesyonan kong kausapin sya.
"Okay.... Nanghingi sya ng cellphone number ko." sagot ko kay Ivony kahit hindi sya nagtatanong. Natahimik sa loob ng silid at isa-isa nila akong tinignan.
"Maey? May problema ka ba?" hinimas ni Grace ang noo ko.
Shit! Napalakas yata ang pagkasabi ko.
"Omg.... I got it yon bang lalaking kumausap sayo kanina? Yung kaibigan nila Sir Clifford?" kilig na tanong ni Ivony kaya unti-unti nilang naintindihan ang ibig kong sabihin.
"What? Hiningian ka ng cellphone number? Sino sa mga kaibigan nila sir? Si Delbert ba? Si Daniel? Si Grage? Sino sa mga yon?" yug-yug sakin ni Grace kaya napapatingin samin ang iba naming kasamahan.
Kilala nila ang mga kaibigan nila clifford? Malamang, matagal na sila dito. Naghihintay parin sila sa sagot ko.
"Yung Delbert." sagot ko tsaka inayos ang kumot sa kama.
"Kyaaaaaaaaaaaahhhh" Sabay nila Ivony, Grace at Jessica.
"The hot model of ZEZ magazine. Gosh... Ikaw na talaga te, sayo na ang korona." hampas ni Grace sa pwet ko kaya sinamaan ko sya ng tingin. Nag-sisi na ako kong bakit sinabi ko pa sa kanila ang totoo.
"Ano? Sobrang gwapo noh? harap-harapan ba kayong nag-usap?" Sunod-sunod na tanong ni Ivony kaya napatawa ako. Tumango ako sa tanong niya kaya tumili ulit sila. Nahuli kong umirap si Erika bago ito humiga sa kanyang kama.
Marami pa silang katanongan sakin na hindi ko alam kong anong isasagot. Bagsak lahat sa kama ang iba dahil sa pagod. Ako ito, hindi makatulog dahil sa iniisip ang mga titig kanina ni Matteo.
Dahan-dahan akong tumayo sa kama at sinulyapan saglit si Ivony. Dahan-dahan akong lumabas sa silid at bumungad sakin ang iilang ilaw mula sa ibaba ng bar. Nakarinig rin ako ng mahinang tugtog ng musika at napagtanto kong may tao mula roon.
Dali-dali akong nagtungo pababa at nakita ko si Matteo na sumasayaw.
Nakasuot lang sya ng jeans habang walang suot na pang'itaas. Bawat galaw nito ay sumasabay ang kanyang buhok. Ang kanyang pawis na unti-unting pumapatak mula sa noo hanggang sa dibdib. Napalunok ako dahil sa mga muscle niyang maumbok.
Sobrang galing niyang sumayaw at bawat galaw nito ay mukhang pinagpraktisan. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko dahil sa mangha.
Matapos ang tugtog ay ang pagtayo ng babae mula sa highchair. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Perfect.... Hanggang ngayon ay ang galing-galing mo parin babe." lumapit sya kay Matteo tska ito hinalikan sa labi. Agad akong sumandal sa pader sa kaba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Ilang sandali lang ay ibinalik ko ang tingin sa kanila.
Nanlaki ang mata ko dahil nakapatong na si Venus sa counter habang hinalik-halikan ang dibdib niya ni Matteo. Binahagi ni Venus ang kanyang hita habang nasa gitna naman si Matteo. Panay ang kalmot niya sa likod nito habang hinalik-halikan sya sa leeg.
Dali-dali akong bumalik sa silid na namamawis. Bakit dito nila ginagawa iyon? Bakit sa lugar na may makakakita sa kanila. Mas lalo akong hindi makakatulog nito. Mas lalo akong na dedepressed dahil sa nakita ko. Mas lalo akong napupuyat nito. Pangalawang beses na itong nagyari at ako pa talaga ang nakakakita?