Hanggang sa sumapit ang umaga ay hindi parin ako makatulog sa nakita ko kagabi.
Normal lang ba ito?
Normal lang ba ang makaramdam ng paghihinaing..
Parang may milyon-milyong bultahe ang naramdaman ko sa gabing 'yon.
Hindi ko alam, pero nong makita ko sila sa kotse ay hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng kiliti sa buong sistema ng katawan ko. Parang dumadaloy ang nagliligyab na apoy sa magkabila kong pisnge.
"Maey? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan ah."Putol ni Ivony saking imahinasyon.
Dali-dali akong umiling tsaka pinikit ang mata.
"A-h! Oo okay lang napagod lang siguro ako kagabi." Pagsisinungaling ko kaya naningkit ang mata nito.
Umiwas agad ako ng tingin dahil alam kong hindi ako magaling sa ganoong bagay. Ang magsinungaling!
"Gusto mong sumama? Mag mamall kami ngayon." Anyaya sakin ni Jessica kaya umiling agad ako bilang sagot.
Mall? Mukhang masaya pero nakaka dismaya. Kailangan kong mag-ipon para makabili ng mga importanteng gamit.
"Kayo nalang siguro. Mag hapon nalang siguro akong mag papahinga dito." Sagot ko kaya nagkatinginan sila isa-isa.
Nasanay na akong mag-isa simula nong nawala ang magulang ko. Hindi na bago sakin 'to.
"Sigurado ka huh? Ang booring kaya dito Maey. Hindi ka ba mababagotan dito?" pagmamaktol ni Grace.
Oo may bahid din sakin ang bagot. Subalit kailangan kong matulog dahil hanggang ngayon ay dilat pa sa tarsier ang mata ko. Ilang sandali lang ay napagdesyonan nilang umalis. Hindi nila ako napilit at sa huli ay iniwan nila akong mag-isa. Kanina pa ako alingasa sa kama. Kaliwa, kanan ang higa ko kaya hanggang ngayon ay di ko magawang maipikit ang mata ko sa kakaisip.
Bumangon ako sa kama tsaka nagbihis. Suot ang kulay maron na tattered short ay pinarisan ko ng white strap spageti. Lumabas ako sa kwarto tsaka nagtungo sa ibaba kong nasan ang dance floor.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at sobrang mamahalin ng bawat kagamitan dito. Mula sa mga inumin at mabibiyak na baso. Nagtungo ako sa railing ng dancefloor. Hinimas ko yun pababa at pataas tsaka ako tumingala sa mga nakasabit na disco light mula sa itaas.
Lumibot ako sa bawat sulok ng bar. Mukhang walang tao at wala rin dito si Ma'am Shelo, wala rin sina Clifford. Nagtungo ako sa maliit na mini stage at umupo sa nakahalerang kagamitan pang DJ. Namili ako ng iilang musika para pa tugtogin. Wala naman sigurong masama kong mag papatugtog ako kahit mahina lang.
Napili kong tugtogin ang work by rihanna ft. Drake. Bumalik ako sa railing ng dancefloor. Nagsimula ng tumugtog ang musika. Ibinuhag-hag ko ang aking buhok tska sumabay sa tugtug.
Iginalaw-galaw ko ang magkabila kong bewang habang nakabahagi ang magkabilang kamay pataas. Umikot-ikot ako sa railing tsaka ikinembot-kembot ang bawat galaw.
Na mimiss ko ang pagsasayaw lalo na nong highschool pa ako. Sumasali ako sa mga dance contest ng bawat baranggay at ito rin ang ginawa kong talent portion sa mga beauty contest na sinasalihan ko noon. Oo,marunong akong sumayaw at kay Tatay ko iyon namana.
Ginaya ko ang mga galaw ni shakira. Umikot-ikot ako kaya bawat galaw ko ay sumasabay sakin ang mataas kong buhok. Mas lalo akong ginaganahan kaya mas lalo ko pang ene'enjoy ang tugtog. Bawat talon at alon ng buhok ko ay isinusuklay ko saking mga daliri.
Itinaas ko ang kamay ko habang kumembot ng pababa.
Nang matapos ang tugtog ay hingal na hingal ako sabay ng magarbong palakpakan sa may likuran ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng bumungad sakin sina Clifford, Robi at Matteo.
Halos hindi gumalaw ang magkabila kong paa sa gulat ng nakatayo sila sa main door ng Bar.
Nakangiti sakin si Clifford at Robi habang pumalakpak ng paulit-ulit. Ibinaling ko ang tingin kay Matteo na walang manlang reaskyon.
"Super hot!" Iling na saad ni Robi habang umiiling ng paulit-ulit.
"Mas lalo kang gumaganda pag sumasayaw. You really good in dancing huh? Are you dancer Mary?" palakpak na sambit ni Clifford kaya kinagat ko ang labi ko sa kahihiyan.
Humalukip-kip ako sa gitna na nakayuko. Lumapit sila sakin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sorry sir Clifford, bawasan nyo lang po ang sahod ko dahil sa sinayang kong kuryente." direkto kong sabi kaya kumunot ang noo niya.
"No No It's okay, no worries Mary and beside we enjoy seeing you dancing." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Enjoy? Kong ganon?
"Kanina pa kayo nakatayo sa may pintoan Sir?" gulat kong tanong kaya tumawa silang dalawa.
Nagtungo si Matteo sa counter tsaka ito kumuha ng isang boteng alak bago umupo sa highchair. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil wala itong ekspresyon at tanging seryosong mukha lang ang mailalarawan nito.
"Ever you danced, Mary." kindat na singit ni Robi tska ito sumunod kay Matteo sa counter.
Ibinaling ko ang tingin kay Clifford na nakangiting aso. Nakaramdam ako ng pangi-nginit sa magkabila kong pisnge. Sobrang gwapo ng tatlo at tama nga sila Ivony.
"Pasensya na po talaga sir Clifford. Hindi ko na po uulitin." yumuko ako kaya tumawa sya ng mahina.
"Its okay. Anyway mahilig ka pa lang sumayaw?" tanong niya tsaka ako nilagpasan. Pumasok sya sa counter at kumuha ng alak gaya ng dalawa. Sinundan ko sya ng tingin tsaka lumapit ng kaunti sa kanilang tatlo.
"Medyo po Sir. Mahilig lang akong sumali sa mga dance contest sa baranggay namin." Eksplenasyon ko kaya lumingon sakin si Robi habang iniinom ang alak ng bote.
"You know what Mary pinatindig mo ang lahat ng balahibo ko sa katawan kanina." natatawang singit ni Robi kaya agad syang binatokan ni Clifford. Nagtawanan ang dalawa bukod kay Matteo.
"She's not really good." Sambit ni Matteo sa usapan habang nasa baso ng alak ang tingin niya.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tinitigan ang labi niya. Ang bawat galaw ng kanyang adams apple ay sumasabay sa maigting niyang panga. Nakaramdam ako ng kiliti saking batok kaya agad kong pinutol ang imahinasyon ko ngayon.
Pinapantasyahan ko ba sya?
"Really Matteo? Eh sobrang titig mo nga sa kanya kanina ah." Sambit ni Robi kaya tumawa ng mahina si Clifford.
"I just want to clarify the way she move, But all in all she need more practice." wika niya kaya naikuyom ko ang magkabila kong kamao. Masakit sa tenga bakit ako nagagalit?
"Hindi naman kasi talaga ako professional dancer sir Matteo. Kinahiligan ko lang ang sumayaw." bagsak boses ko kaya lumingon sya sakin na nakataas kilay. Sa puntong ito ay naglaban kami ng titig.
"I do not say anything. Im just telling." sarkastiko niyang sabi Saying? Telling? It's all the same.
"Haha you dont have no idea Mary, kong gano kagaling sumayaw ni Matteo" Agad akong napalingon kay Clifford na malapad ang ngiti. Kaya pala kong makapagsalita sobrang galing sumayaw.
"Bakit di mo nalang turuan si Mary, dude. Its sounds nice, right Matteo?" Ngiting asar ni Robi na ikinasama ko ng tingin.
Tinuon ko ang tingin kay Matteo na sobrang sama ng tingin din sakin. Umiwas agad ako ng tingin. Hindi magandang ideya kaya kailangan ko ng umalis dito.
"Sorry po Sir babalik na po ako sa silid." yuko kong sabi tsaka aalis na sana ng may biglang pumihit saking kamay.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng hinawakan niya ang magkabila kong bewang habang nasa likuran sya. Halos hindi ako makahinga dahil ramdam na ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib sa likod ko.
"Whooooa!" sabay ni Clifford at Robi na tila na sisiyahan sa ginawa ni Matteo.
"I will teach you how to dance non-verbal." Bulong niya sa tenga ko rason kong bakit ramdam na ramdam ko ang panga-ngatog ng aking tuhod.
Hinawakan niya ang isa kong kamay habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko. Nasa harap namin si Clifford at Robi na may bahid na ngiting excitement.
Umiwas ako ng tingin sa kahihiyan. Sobrang init ng pisnge ko.
"During dance you must have the ancient. You will dance by the heart and soul of humanity." inikot-ikot niya ang bewang ko kaya bawat ikot ko ay natatamaan ang kanyang kabuuan.
Nanindig ng kusa ang balahibo ko sa bawat tama nito. Ramdam na ramdam ko ang umbok mula doon kaya tuluyan na akong sinikop ng huwisyo ng aking damdamin. Nangi-nginig ang tuhod ko sa ginawa niya habang panay ang tawa ni Clifford at Robi sa harap namin.
"Why are you nervous?" Bulong niya ulit sa tenga ko kaya agad akong umiling. Umayos ka Mary, huwag kang mag patalo.
"I'm not." Tipid kong sagot.
Nag sitaasan ang balahibo ko sa batok ng maramdam ko ang mainit niyang hininga saking tenga. Napapikit ako!
"Then relax. If you want to be a best dancer you need to enhanced your moves, you need to emphasized your body." dahan-dahan niyang tinaas ang isa kong kamay kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang balat.
Hindi ko manlang magawang pigilanf sya o itulak man lang. Para akong inaakit sa bawat salita niya sa tenga ko. Nag-sisitaasan ang balahibo ko ulit ng lumapat ang labi niya sa tenga ko.
Tumalon ang puso ko.
"Sinabi ko na sayo hilig ko lang ang pagsasayaw." Bagsak boses ko kaya narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"I dont believe you," pang-aasar niyang sabi. Bakit? Kilala niya ba ako? Alam niya ba lahat ng tungkol sakin? Sobrang nahahambogan ako sa lalaking 'to.
"Wow... Mukhang ini'enjoy ni Matteo ang pagkakataon huh?" Natatawang sabi ni Robi kaya kumalma ang sarili ko na kanina pa natataranta.
"Shut-up dude!" agad akong binitawan ni Matteo bago sya bumalik sa counter nang padabug.
Inayos ko ang sarili ko. Tawang-tawa si Clifford at Robi sa eksenang ito.
"Ano Mary? May natutunan ka ba?" pang-aasar ni Clifford kaya agad akong ngumiti. Isang ngiting pilit!
"Medyo," sagot ko kaya napalingon si Matteo sakin na may ngiting pang-aasar.
Nagtawanan ulit si Clifford at Robi sabay ng pagbukas ng pinto sa harap.
"Venus?" sabay nila Clifford at Robi. Bumungad samin ang magandang babae. Napad-pad ang tingin niya sakin tsaka ako tinaasan ng kilay. Naalala ko na sya, sya yong babae na kasama ni Matteo.
"Why are you here?" Agad tanong ni Matteo.
"I just missing you" sagot ni Venus.
Sobrang ikli ng kanyang sout at kitang-kita ang haba ng kanyang hita. Napadpad ang tingin ko sa leeg niya at naalala ko ang nangyari kagabi. Sinuri ko ng mabuti kong saan sya hinalikan ni Matteo non.
Nababaliw na yata ako!
Nanatili akong nakatayo dito habang pinapanunuod sila. Kailangan ko ng umalis at mukhang hindi ako nababagay dito. Wala rin akong karapatan makihalubilo sa matataas na katulad nila.
"Excuse me po Sir. Aalis na po ako," mahina kong sabi kaya napalingon ulit sakin si Venus.
"Hindi ko alam na pwede na palang makihalubilo ang waitress sa amo nila." Taas kilay niyang sabi kaya napahinto ako sa paglalakad.
Naikuyom ko ang aking kamao. Naiinis ako dahil lampas na ako sa limitasyon at tama si Venus. Hindi dapat ako nakikipag usap sa matataas at makapangyarihang katulad nila.
"Would you please shut-up, Venus." galit na sambit ni Matteo kaya tuluyan na akong umalis.
Napaupo ako sa kama tsaka niyakap ang sarili. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko kanina. Hindi ko mapigilang mamangha sa bawat galaw at haplos ng kanyang balat sa katawan ko. Humiga ako sa kama at pilit ipinipikit ang dalawang mata.
Isa akong mababang uri ng tao habang sila ay mataas at nirerespito.