Sumunod ako kay Ma'am Shelo at inilibot niya ako sa buong bar.
"Pwede kang mag stay in dito. Ngunit every month babawasan ang sahod mo ng 500". Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit isang libo pa iyan ay okay na okay basta't may matutuluyan lang ako.
"Talaga po?" Nakangisi kong sambit.
"Oo. May mga kasamahan karing waitress dito na kasing edad mo. Ilang taon ka na ba?" Huminto sya sa paglalakad at at humarap sakin.
"22 na po ako, Ma'am."sagot ko.
"Bata pa at mukhang hindi halata sa tindig mo Mary. Mukha kang matured tignan." Taas kilay nito.
Hindi ko na sya muling sinagot pa dahil tinalikuran niya ako agad. Sinundan ko sya papasok sa mga iilang silid. Dumaan rin kami sa isang malawak na corridor.
Itinuro niya ang unang silid na nadaanan namin.
"Kwarto iyan ng limang bouncer namin dito. At dito naman ay kwarto ng tatlo naming bartender. Wala kaming lalaking waiter dito, dahil gusto ng amo natin ay magaganda't, sexy ang nag seserve sa mga costumer." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pano kong may mambabastos? "At? Huwag kang mag-alala walang mambabastos dahil secure ng limang bouncer ang buong paligid."
Binuksan niya ang huling silid at bumungad sakin ang sampung puting kama. May mga kagamitan din sa loob tulad ng napakalaking closet na may malaking salamin sa gitna. Sofa at Tv at iba pa.
"Ito ang kwarto ng mga kasamahan mo. Wala ng extrang kama kaya kumausap ka isa sa kanila nang sa ganon ay makatabi ka sa kama," wika nito ulit. Iginala ko ang aking paningin.
"Nasan po sila Ma'am?" Wala na kasi akong ibang nakitang tao dito maliban saming dalawa at kay Clifford at Robi.
"Sa bar na ito talagang magmumukha kang aswang." Nabigla ako sa sinabi niya. "Trabaho sa gabi gala sa umaga." Nakangiti niyang sambit.
"Ganoon po ba??" Ngiti ko ring pabalik. Kinabahan ako tuloy sa salitang aswang.
"Maraming nag kakandarapang magtrabaho dito dahil sa tatlong magpinsan." ani niya na parang kinikilig pa. "Ang swerte mo dahil ikaw pa ang nahawakan ng amo natin." Ngayon ay tinaasan nya ako ng kilay. "Kahit na nga ako ay hindi pa nahahawakan kahit kamay lang, kaya maswerte ka."
Hindi ko alam kong anong punto niya ngunit naiintindihan ko na. Isa sya sa humahanga kay Clifford at Robi at iyon ay hindi ko naipagtanto.
"Oh sya maiwan na kita dito. Mamayang gabi kana magsisimula. Goodluck," tuluyan niya akong iniwan na may ngiti. Sobrang saya ko ngayon hindi ko maipaliwanag ang tuwa na nararamdaman.
Nilapag ko ang gamit ko sa sahig bago naglibot sa kwarto. May mga iilang larawan sa pader na nakadikit. Lumapit ako mula don at tinignan isa-isa ang mga larawan. Magaganda ang kasama ko at sana ay makakasundo ko sila.
Tumunog bigla ang kalamnan ko dahil sa gutom. Napagdesyonan ko munang lumabas ng bar at kumain sa street foods. Mahilig ako sa mga ganoong pagkain, lalo na ang isaw, pancue, tempura at iba pa.
Nang matapos akong kumain ay bumalik narin ako sa loob ng bar. Sobrang tahimik ng buong paligid. Wala si Ma'am Shelo at iyong dalawang magpinsan. Siguro ay nasa loob ng opisina nila.
Tumulak na ako sa kwarto.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at unang tumambad sakin ang apat na babae na nakaupo sa mga kama nila. Sabay silang napalingon sa direksyon ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila na may ngiti.
"Hai!" bati ko sa kanilang lahat ngunit hindi nila ako sinagot.
Tinaasan lang nila ako ng kilay kaya yumuko ako sa kahihiyan. Lumapit sakin iyong babaeng maiksi ang buhok hanggang balikat.
"Hi girl bago ka?" Nakangisi niyang tanong. Tumango ako bilang sagot "Ako nga pala si Ivony." Sabay lahad ng kanyang kamay kaya tinanggap ko iyon.
"Marylyn," Nakangiti kong sagot tska kami nag shake hands.
"Hali ka huwag kang mahiya samin," hinila niya ako paupo sa kama na mukhang sa kanya. "Waitress karin ba?" Tumango ako sa tanong niya.
"Pag waitress bawal na bawal ang mahiyain at mahinhin." malditang sambit ng babaeng kulot ang buhok.
Natahimik ako. Siguro masyado lang akong nailang sa kanila. Nakagat ko ang labi ko bago yumuko.
"Bago lang naman sya Erika. Masasanay rin. Ano ka ba!" Sagot ng babaeng may bangs. "Hi Mary ako naman si Jessica," kumaway sya sakin na may ngiti.
"I'm Grace," Sambit ng mataas at bagsak ang buhok.
Ngumiti ako sa kanila. Ibnaling ko ang tingin sa isa na hindi pa nag papakilala sakin.
"Iyon naman si, Erika." Turo ni Ivony sa babaeng hanggang balikat din ang buhok. "Medyo maldita iyan wag mo ng pansinin." Natatawa pa nitong bulong. Tumango ako na may ngiti sa labi.
"Okay lang salamat sainyo," ngisi ko ulit.
"Tabi na tayong matulog." Anyaya sakin ni Ivony kaya umaliwalas ang mukha ko. Akala ko ay sa sahig na ako tuluyang matutulog dito.
"Maraming salamat talaga, Ivony." Yumuko ako ulit. Hindi ko alam kong pano sila kakausapin, dahil sa paninitig nila sakin ay sobrang lalim. Tila may bumara saking lalamunan.
"Naku girl bawal na bawal ang mahiyain dito. Lalo na pag nasa trabaho kana." sambit ni Jessica saka ako tumango ng ilang ulit.
Kailangan ko na yatang sanayin ang sarili ko.
"Okay lang iyan masasanay karin. Tuturuan kita." lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Ivony. Kabaliktaran pala ang iniisip ko sa kanila kanina, dahil sobrang friendly pala nila.
"Oh my gosh girls. Alam nyo ba kanina? Sabay kaming lumabas ni Sir Clifford sa pinto. Oh my ghad. I'm gonna die," tumili si Grace habang niyayakap ang sarili. Natawa ako ngunit ang mga kaibigan niya ay tahimik lamang.
"Umaambisyon ka nanaman dyan Grace. Nag kasabay lang sa paglabas? Ikakahimatay muna?" Sagot ni Jessica bago ito tinapunan ng unan.
"Ikaw nga dyan eh. Patay na patay kay Robi. Huwag ka ngang epal." Ngusong sagot ni Grace. Sa pagkakataong ito ay tawang-tawa ang kanyang mga kaibigan.
"Girl Mary, " Tawag ni Grace sakin na agad kong nilingon. "Nakilala mo na ba 'yong tatlong mag pinsan?" Kilig niyang tanong sakin bago ako tumango bilang sagot.
"Oh my ghad. Nakita mo na pala sila?" Si Jessica na halos mamula sa kilig. Tumango ako ulit. Hindi ko alam kong bakit kilig na kilig sila kabaliktaran sa nararamdaman ko. Normal naman silang mga tao. Gwapo sila ngunit hindi ko magawang kiligin dahil bago lang naman ako dito.
"Sobrang hot nila diba!?" sambit ni Ivony sa tabi ko. Tumango ulit ako bilang kasagotan.
"Si Sir Clifford at Robi lang ang nakausap ko kanina." kalmado kong sagot kaya sabay silang napatayo sa sinabi kong iyon.
"Tapos anong nangyari?" Lumapit sakin si Grace at Jessica na may bahid na excitement sa kanilang mga mukha. Nahuli ko ang pag ngiwi ni Erika sa inasta ng dalawa.
"Sabihin mo anong pinag-usapan nyo?" Yugyug sakin ni Grace na tila gusto na akong pagsalitain.
"Syempre dedma, as if naman kong papansinin sya." taas kilay na sambit ni Erika. Humalukipkip ako sa sinabi niya.
"Hindi ako tinanggap ni Ma'am Shelo dahil kumpleto na raw kayo. Aalis na sana ako ng biglang dumating si Sir Clifford at si Robi." biglaan silang tumili na animo'y nagpapabingi.
"Kyah.... Pagkatapos anong nangyari? Oh my ghad!" Excited na tanong ni Ivony.
"Hinila ako ni Sir clifford pabalik saka nila ako tinanggap." sagot ko na halos ikinalaglag ng panga nila. Kumunot ang noo ko sa inasta nilang lahat. Nagtataka ako kong bakit!
"Oh my ghad!" sabay sabi nilang tatlo at mukhang nagulat din si Erika.
"B-Bakit?" taka kong nagtataka.
"Oh my gosh girl. Saan ka niya hinawakan? Dito ba? Ito ba? Saang banda girl. Sabihin mo?" halos maiyak si Grace at paulit-ulit na hinila-hila ang dalawa kong braso. Tawang-tawa naman ang mga kaibigan niya.
"Girl amboga mo huh. Kami nga ay pinapangarap na sana mahawakan ng kahit sino sa tatlo. Tapos ikaw? bago ka lang dito ngunit nahawakan kana. Ang swerte mo day huh." sambit ni Ivony sabay tili niya.
Napanguso ako. Hindi ko magawang magsalita dahil normal lang ang lahat para sakin. Hindi ko alam na malaking bagay na pala iyon para sa kanila.
"Hayyy. Sana mahawakan ni Sir Robi ang kamay ko," biglaang malumanay na sambit ni Ivony.
"Ako nga eh. Kahit sa panaginip manlang." imahinasyon din ni Jessica. Natawa tuloy ako. Hindi ko lubos maisip na ganito sila ka dead sa tatlong mapinsan? Pero--- dalawa lang sila kanina ang kausap ko.
"At syempre si--," nagkatinginan ang tatlo habang kumikinang ang mata. "Si Matteo!" Sabay nilang tatlo habang naghahampasan ng unan. Tila kinikilig ng sobra.
Napatawa ako sa reaksyon nila. Ngunit hindi ko pa na mi'meet iyong Matteo na sinasabi nila.
"Matteo?" tanong ko na ikinahinto nila sa tawanan.
"Pinsan ni Sir Clifford at Sir Robi." Sabay nilang sagot bago ulit naghampasan.
Napahinto lang iyon ng bumukas ang pinto sa silid. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng may anim na mga babae ang bumungad samin. Siguro sila na 'yong mga kasama ko sa trabaho.
Napakilala na rin ako ni Ivony sa mga kasama namin sa kwarto. Mukhang si Ivony lang 'yong medyo naging close ko sa bar.
Minsan may ibang pumapansin 'yong iba naman ay dedma lang. Para kaming mag kaklase sa iisang kwarto dahil sobrang ingay sabayan mo pa sa tilian nilang lahat pag pinag-uusapan nila ang tatlo. Hindi naman ipag kakaila na gwapo si Sir Clifford at Sir Robi.
Siguro ay hindi ko lang talaga ma appreciate yung mukha nila. Ewan ko sa mga kasama ko na laging sinasabi na "sana gumabi na" Medyo naiintindihan ko na rin naman kong bakit nila gustong gumabi agad.
Isa, dahil gusto nilang magtrabaho para magkapera at pangalawa para makita ang tatlong mag pinsan sa gabing iyon. Kong ganon? Gabi-gabi ang mag pinsan dito? Kaya siguro ginaganahan silang magtrabaho.
"Ito suotin mo," sabay lahad ni Ivony sa isang fitted dress na kulay pula. Napangiwi ako dahil sobrang ikli nito.
Sanay naman akong magsuot ng ganito dahil sumali-sali ako sa mga pageant noon. Subalit iba kasi ito dahil bar at maraming lasing na nakapaligid sayo.
"Gabi-gabi ba natin itong susuotin?" Tanong ko habang sinusuri ang damit.
"Oo girl. Pero may tatlong kulay lang. Monday hanggang Wednesday colour red, tapos huwebes hanggang sabado colour blue. At sa Sunday colour black." eksplenasyon niya habang nag mi'make up. Ngayon ang unang araw ko sa bar. Tinuruan niya rin ako kong pano mag serve ng mga alak at bumati sa mga costumer. "Sige na magbihis kana. Alas syete ang duty natin gabi-gabi kaya gora girl."
Pumunta na ako sa dressing room at nagbihis. Nong una ay nahihiya ako kasi naka bra at panty lang silang lahat sa loob. Pero naisip ko kapwa babae ko sila bakit pa ako mahihiya? Siguro ay kailangan kong sanayin ang sarili ko.
Paglabas ko ng dressing room ay ang pag-pasok din ni Erika sa loob. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako binangga nito sa balikat. Napaatras ako sa ginawa niya. Napapikit ako at pilit kinakalma ang sarili.
Tuluyan akong lumabas at nakasalubong ko si Grace.
"Pak! Kabog lahat costumer sayo girl." sabay tapik ni Grace sa bewang ko bago sya pumasok sa dressing room. Natawa ako sa ginawa niya.
Lahat sila ay tinignan ako ng nakangiti. Samantala 'yong iba ay inirapan lang ako. Panay hila ko sa dulo ng aking damit. Halos tumaas ito at baka makita ang undies ko.
Palapit na ako kay Ivony at tinignan niya ako mula sa salamin na nakangiti. Tumabi ako sa kanya habang nakahalukipkip.
"Wow. huh! Hita palang ulam na. Anong sikreto mo girl?" Nakangising tanong ni Ivony sakin.
"Wala eh." tipid kong sagot saka umupo at nagsimula ng mag-ayos saking sarili.
"Marunong ka bang mag make-up?" Tanong niya habang naglalagay ng lipstick sa labi. Tumango lang ako bilang sagot.
Natuto ako tuwing may pageant sa probinsya. Mabuti talaga at dinala ko ang mga kagamitan ko dito. Ang swerte ko nga sa trabaho kong 'to dahil libre na 'yong uniporme pati sapatos na may kunting heel.
Sinuklay ko ang mataas kong buhok at sinikop iyon para gawing ponytail. Siguro ay kailangan kong sikopin lahat 'to ng sa ganon ay hindi ako pawisin mamaya sa trabaho.
"Girl ibuhaghag mo na yan." Pitik ni Ivony sa kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya.
Tumayo sya at lumapit sakin. Inagaw niya sakin ang suklay at sya na mismo ang nagsuklay sa buhok ko.
"Yan." bahagya syang umatras at tila sinusuri ang buhok ko. "Para mula sa likod ay aalon-alon at sasabay sa galaw mo. At isa pa sobrang sexy pag nakatalikod ka noh." nakangiti niyang sabi saka hinimas-himas ang buhok ko. "Let's go girl. Mag aalas syete na." Hinila niya ako patayo.
Napatitig sya sa paahan ko na tila sinusuri ng ilang ulit ang hita ko. Binaba ko 'yong damit ko sa kahihiyan.
"Ang haba ng biyas mo noh? Pwedeng magtanong kong hindi mo sana sasamain?" nguso niya at tila hindi mapigilang magtanong.
"Sige ano 'yon Ivony?" pagtataka kong tanong tsaka niya ako sinuri ulit.
"Virgin ka pa ba?" taas kilay niyang tanong na ikinagulat ko. Tila may bumara saking lalamunan. Ramdam ko ang pangi'nginit sa magkabila kong pisnge. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. "Tama nga ako at hindi ako nagkamali." nakangisi niyang sambit. Gumuhit ang question mark saking mukha.
"Huh? Tama ka sa ano?" tanong ko. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay tsaka ako tinititigan na may ngiti.
"Kitang-kita sa hita mo Mary na virgin ka pa. Alam mo kong ako sayo, ingatan mo yang bandila mo huh. Wag na wag kang tumikim sa isang bagay na hahanap-hanapin mo." pagbabanta niya.
Nakaramdam ako ng hing-nanaing sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi ko pa iyon naiisip.
"I-Ivony," Mas lalong pumula ang pisnge ko sa sinabi niya. Tawang-tawa sya sa reaksyon ko.
"Totoo naman kasi." taas kilay niyang sabi ulit. "Tong mga kasamahan natin dito? Halos sila ay biyak na. Lahat kami dito may boyfriend na. Yong iba may mga sugar daddy, o kaya'y mas bata pa sa kanila." isa-isa kong tinignan ang mga kasamahan namin. "Huwag mo nang isipin ang sinabi ko. Basta pinapaalala lang kita. Pero kong isa sa tatlong mag pinsan ang bibiyak sakin? Naku. Walang pag alinlangan ako pa mismo ang hihila nila sa kwarto." napailing ako ng tawa sa sinabi ni Ivony. Hinila na niya ako palabas ng silid.
Naiisip ko ang sinabi niya kanina.
Hindi ko pa naiisip ang bagay na iyon dahil NBSB ako.