Chereads / Gaze at the Empyrean and say, Hi! / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

This is finally my last year, here in Holy Trinity International University. It's almost 5 years since I've been here. Staying here for 5 years has been a great journey and I will treasure all the precious memories I had here.

It's our last day of finals and in a few months gagraduate na kami. I'm so thankful because I'm not here today kung 'di dahil kay God.

Mag damag akong nagreview kagabi, dahil last finals na namin 'to kaya binuhos ko na lahat para dito. Maaga kong pumasok dahil ayokong malate.

"Mica! Nagreview ka?" I asked her because she seems odd this past few days.

"Oo slight." Then she gave me a smile.

"Good luck satin!" I said while tapping her shoulders.

Biglang tumunog ang phone ko, buti nalang at wala pa 'yung prof namin.

From Rigel:

Good morning Cass, good luck for your finals today. I love you.

To Rigel:

Good morning, thank you Rigel. Don't forget to eat your breakfast and stay hydrated. I love you too.

Dumating na 'yung prof na mag babantay sa 'min kaya agad kong tinago ang aking cellphone sa bag.

Nag start na kaming magtest at karamihan sa mga kaklase ko ay napapakamot ng ulo. Laking pasasalamat ko ng masagutan ko lahat ng items ng walang pag dududa sa aking sarili.

Tuwang-tuwa ako ng matapos ang finals namin dahil sa wakas tapos na ang limang taong pag hihirap at unti-unti ko ng naabot ang aking pangarap.

Pagtapos ng finals namin, vacation na kaya naman may oras pa 'kong mag chill bago ang graduation.

From Rigel:

Nicolo has a Birthday Party tonight we're both invited. I'll fetch you later after work, see you. I miss you Cassiopeia, pa isa.

Natawa ko ng mabasa ang message ni Rigel sa akin. Napakadami talagang alam nito pagdating sa kalokohan.

To Rigel:

Anong isa? Isa kang dakilang shunga. Charot I miss you too, see you later.

Nag linis muna ako ng bahay habang inaantay kong mag gabi dahil hindi pwedeng madumi ang bahay namin dahil kay lola. Andaming nagbago sa buhay namin, Natutuwa ko dahil natuto ng magtrabaho si Mama at tulungan si kuya sa mga gastusin dito sa bahay. Habang 'yung asawa naman niyang bago ay inaalagaan si Xyrius pag nagtatrabaho si mama. Si Jillian naman pumapasok na sa eskwelahan, sobrang proud ako sakaniya dahil andami niyang awards.

Matapos kong mag linis, naligo na 'ko para maghanda sa party ni Nicolo.

Nagsuot lang ako ng black sweater, ripped jeans and white sneakers.

Maya-maya ay dumating na si Rigel.

"Good evening po." Bati niya kay lola at agad siyang nagmano.

"Magandang gabi din apo, kamusta ka na? Lalo kang gumagwapo ah?" Biro ni lola.

"I'm fine lola, I was born being handsome po hahahaha." He joked.

"Yabang mo!" Singit ko sa usapan nila.

"I'm just saying the truth Cass." He smirked.

"Tara na nga! Niyayabangan mo pa si lola, mas gwapo pa sa 'yo lolo ko 'no!" Inis na sabi ko.

"We'll go na po lola, take care." Paalam ni Rigel.

"La alis na kami, 'yung gamot mo inumin mo na po mamaya ah? 'Yung inhaler mo andito lang. Tawagin mo lang si Jillian la pag may kailangan ka." I kissed her hand before we go.

Lumabas na kami at sumakay na sa kotse niya.

"How's work?" I asked then glared at him.

"All goods." He gave me a smile.

He wrapped his hands around my waist to pull me closer. He gave me a soft kissed until it became passionate. His kisses went from my lips down to my neck. His hands started to roam around my body until it reached my boobs.

"Rigel!" I seriously said.

Buti nalang at tinted ang sasakyan niya kaya walang nakakita sa 'min.

"I'm sorry Cass." He sincerely said.

He kissed me on my forehead and looks at me.

"Magdrive ka na nga." I sarcastically said.

Nagsimula na siyang mag maneho ilang minuto lang ay nakarating na kami kila Nicolo dahil malapit lang naman ang bahay nila.

"Hi! Long time no see." Bati ni Nicolo pag pasok namin sa bahay nila.

"Hello, Happy Birthday! Andiyan si Misty?" I asked.

"Thank you, yeah she's with Clyde just roam around maybe she's in the pool area."

"Rigel hanapin ko lang si Misty." Paalam ko sakanila.

Nagpunta ko sa pool area para hanapin si Misty pero iba ang nahanap ko.

"Oh hi slut! Long time no see it's good to see you here." Maurielle crossed her arms then raised a brow.

"Wala 'kong panahon makipag-usap sa mga asong tahol ng tahol, na parang asong ulol." I proudly said.

"Opppsss sorry masiyado ka kasing mapapel." She pushed me.

Tangina nagulat nalang ako ng bumagsak na 'ko sa swimming pool. Agad akong umangat para hanapin 'yung animal na nag tulak sa 'kin. Nang makita ko siya agad kong hinatak ang paa niya.

Lintek lang walang ganti!

Nang mahulog sa swimming pool si Maurielle, agad ko siyang nilublob at sinabunutan. Pumapalag siya kaya inangat ko muna siya.

"You should learn to respect someone else relationship. If you know that they are already taken, distance and know your limits. Gets mo ba? Kasi kung hindi, sayang ang ganda mo dahil wala naman laman 'yang utak mo!" Sinabi ko sakaniya bago ko siya pakawalan.

Pag-ahon ko lahat ng tao ay nakatingin sa 'kin.

"Great ngayon nasakin na lahat ng atensyon! Masyado kasing scandalosa nadadamay ako sa pagiging bitter niya." I whispered to myself.

"Kc what happened?" Agad na lumapit sa 'kin si Misty.

"Tinulak ako nung bitter na ex ni Rigel." I rolled my eyes.

"Maurielle?" She asked then her eyes widened in shock, "Let's go upstairs, Rigel's there." Misty said.

Umakyat kami sa second floor ng bahay nila Nicolo, nakita namin silang nag-iinom sa balcony. Nagulat sila ng makita ang itsura ko.

"What happened to you Cassiopeia? Rigel's brows furrowed.

"Tinulak lang naman ako sa pool ng magaling mong ex." I rolled my eyes.

"What?" His eyes were blood shot.

He closed his fist and he started walking, good thing Nicolo and Clyde was there to stop him.

"Rigel 'wag mo ng sugudin, please lang." Inis na sabi ko.

Pinakalma muna siya nila Clyde at Misty. Pinapasok naman ako ni Nicolo sa guess room para mag palit ng damit.

Nang mag alas-dose na, umuwi na kami ni Rigel at hinatid niya ko sa bahay.

"Sorry for what happened earlier, good night Cass I love you." Then he kissed my forehead.

"It's not your fault, good night drive safely I love you. Text me when you get home." I kissed him on his cheeks.

Weeks passed by and finally it's our graduation day.

Nag hahanda na 'ko dahil alas-dos ang graduation ceremony namin. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman habang sinusuot ko ang toga. Halo-halo ang nararamdaman ko saya, lungkot, takot, kinakabahan. 'Di ko naman first time gumraduate pero ngayon ko lang naramdaman 'yung ganito sa araw ng graduation ko. Habang inaayos ko ang sarili ko biglang tumunog ang cellphone ko.

From Rigel:

I'm sorry Cass I can't come, we have an emergency meeting right now. But I'll try my best to be there for your special day. I love you Cass please don't be sad.

Agad naman akong nalungkot ng mabasa ko ang text ni Rigel.

To Rigel:

:(

Ayan lang ang nireply ko sakaniya dahil nalulungkot talaga 'ko, inaasahan ko siyang pumunta dahil 5 years kong inaantay 'tong pagkakataon na 'to pero wala siya.

Umalis na kami sa bahay nila mama at kuya. Pagkarating namin sa venue umaasa 'ko na makita ko siya, pero walang Rigel na nagpakita.

Papasok na dapat kami sa loob ng bigla kong marinig ang pangalan ko.

"Cass!" Rigel yelled, he was holding a boquet of star gazer flowers.

Nagulat ako ng makita ko siya, naiiyak ako sa sobrang saya. Unti-unti siyang lumapit sa kinatatayuan namin.

"Akala ko ba may meeting ka?Akala ko 'di ka na makakapunta." I bit my lower lip to stop my tears from falling.

"I'm just kidding, that will never happen, don't cry Cass it will ruin your make up."

"N-nakakainis ka kasi eh! Bakit ba ang hilig mo mang scam? Masyado kang beterano daig mo pa networking!" I rolled my eyes.

"Kc halika na mag start na." Aya ni kuya.

Nagpicture muna kami ni Rigel bago kami pumasok sa loob.

Nagsimula na ang graduation ceremony namin at habang kumakanta kami ng graduation song, parehas kaming umiiyak ni Mica. Lahat ng hirap namin natapos na sa wakas, lahat ng sleepless nights namin nag bunga na. Sa susunod license architect na kaming dalawa.

I graduated with honors, I'm so happy with all the achievements that I got. Big or small achievements, it will be forever appreciated by my love ones.

Matapos ang graduation namin, dumiretso kami sa bahay dahil may onting handang niluto si mama.

Sobrang saya ko ngayon, 'yung sayang parang wala ng katapusan.

Dumating din ang mga kabanda ko, kaya mas lalong sumaya ang salo-salo namin kahit onti lang ang handa, hindi lang maiwasan ang tensyon sa pagitan ni Casper at Rigel.

Lumabas na 'ko para ihatid si Rigel dahil may kailangan pa daw siyang gawin.

Binigyan niya ko ng costumized hair clip na may nakasulat na Cassiopeia at may star sa dulo. Nilagay niya 'yon sa buhok ko.

"Woaahhh you're so beautiful Cass."

"Inborn!" I proudly answered.

"I love you Cassiopeia." He looks at me.

"Thank you for being there for me Rigel, I love you too." Then I gave him a soft kiss.

"Bye Cass." He said before getting inside the car.

Weeks passed by mas lalo kaming naging busy ni Rigel, habang nagtatrabaho siya ako naman ay may on the job training.

Habang may ojt ako ay pinagsasabay ko ang pagrereview para sa board exams.

Sa sobrang busy ko hindi ko na namalayan na birthday na pala ni Rigel. Nawala sa isip ko kakareview at kakatrabaho.

From Rigel:

Cass we have dinner later with my fam, we'll celebrate my Birthday. I will finally introduced you. I'll fetch you okay?

Tinawagan ko agad siya ng mabasa ko ang text niya.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Rigel!" Kinantahan ko muna siya bago ko kinausap.

"Thank you Cass." He answered happily.

"Rigel kinakabahan ako." I gritted my teeth.

"I'll be there don't be scared." He tried to console me.

"Sige bye na, magrereview muna 'ko I love you."

"I love you too, see you later Cass."

Pagkatapos niyang tumawag hindi na 'ko nagreview pa. Umalis ako para humanap ng regalo.

Nang makahanap na 'ko, umuwi na agad ako. Humanap ako ng susuotin ko at pagkatapos naligo na 'ko. Nag ayos ako para naman mag mukha akong presentable.

I'm just wearing a black dress ending above the knee and white chiara sandals that Rigel gave to me. I just let my hair down.

Maya-maya lang ay tumunog na ang cellphone ko.

From Rigel:

I'm outside.

Agad akong bumaba at nag paalam kila mama.

"Good evening my gorgeous girlfriend." He looked astonished.

I hugged him to ease the nervousness that I feel.

"Happiest birthday to the man I love the most." I whispered on his ears.

"Let's go?" He held my hand.

Kinakabahan akong sumakay sa kotse niya. Nanlalamig ang mga kamay ko lalo na ng makarating kami sa restaurant kung nasaan ang magulang niya.

Hinawakan niya ang kamay ko pagkalabas namin ng kotse.

"You're nervous Cass. Don't be afraid I'm here." He smiled at me.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko ang dalawang middle age na babae at lalaki. Mas lalo akong kinabahan ng makarating kami sa table nila.

"Good evening Ma'am and S-Sir."

Nagulat ako ng makita ko ang mukha ng daddy ni Rigel. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yung nasa picture na binigay sa 'kin ni kuya, noong mga bata pa kami, siya ang tatay ko. Antagal kong inantay ang pagkakataong makita ko siya, dati ay araw-araw akong nagdadasal na sana makita ko ang tatay ko, pero bakit nang nakita ko na siya hindi man lang ako sumaya? Bakit ansakit? Bakit ganito? Ang hirap sumaya, masiyadong mapaglaro ang tadhana.

Agad akong nanlumo ng mapagtanto kong siya ang ama ko. Ibig sabihin magkapatid kami ni Rigel sa ama.

Bakit ako pa ang napiling paglaruan ng tadhana? Akala ko, nahanap ko na ang taong bubuo sa pagkatao ko? Tapos bigla ko nalang malalamang magkapatid pala kaming dalawa sa ama? Hindi pwede 'to.

When people almost see the truth, they always choose to look away because it's too painful.

I tried so hard to remain calm and to act everything is fine.

"Mom, Dad, this is Cassiopeia my girlfriend." Rigel introduced me casually.

"Kc Fernandez po." I offered my hand to both of them.

"Take a sit hija." Her mom said.

"So what's your job?" His dad asked, perhaps our dad.

"Dad stop it, can we eat first? Rigel said, then he messed up with his hair in frustration.

"I just graduated months ago Sir, currently I'm reviewing for board exams and I'm busy with my ojt." I proudly said.

"What's your degree?"

"Bs architecture Sir." I tried so hard to remain smiling but my lips started to shake because of nervousness.

He smiled back then we started eating.

"Excuse me I'll just go to the comfort room." Rigel said.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain, naging maganda naman ang tungo sa 'kin ng magulang ni Rigel.

Hanggang matapos ang dinner namin ay nanatili pa din akong kalmado kahit gustong-gusto ko ng mag break down.

"You have a good taste Rigel." His dad said, before they leave.

"Nice meeting you hija, we need to go kow." Her mom smiled at me.

"Nice meeting you too po, take care." I forced a smile.

Lumabas na kami ng restaurant ni Rigel at nanatili akong tahimik hanggang makapasok kami sa kotse niya.

"Cass is everything alright?" He seriously asked.

"Yes!" I look at him then I forced to give him a smile.

"Here." Abot ko sa regalo ko sakaniya.

I gave him a necklace with a bluish white star pendant.

"Thank you Cass." He hugged me, I tried so hard not to cry but actually, I want to cry on his chest right now.

"Y-you're welcome." My voice started to broke.

"Are you sure that you're okay?" He asked again.

"Oo nga! Paulit-ulit ka." I mustered the courage to say this word.

He started the engine then he began to drive.

Buong byahe namin ay nakatingin lang ako sa labas. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak kahit napakadaming bagay ang tumatakbo sa aking isipan.

Nang makarating kami sa bahay, nagpaalam agad ako kay Rigel at nagpasalamat.

Tumakbo ako paakyat sa taas.

Hinalungkat ko ang gamit ko, hinanap ko ang picture na binigay sa 'kin ni kuya noon upang makumpirma ko kung tatay ko ba talaga ang nakita ko kanina.

Nang makita ko ito agad na tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Hindi pa gano'n ka matured ang mukha ng tatay ko dito sa litrato, pero nasisiguro kong siya ito, dahil kamukang-kamuka niya ang taong nakita ko kanina.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko, at nag lakas-loob ako na nagtungo sa kwarto ni mama upang magtanong, dahil hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Gusto kong malaman kung totoo ko ba talagang tatay ang nasa litrato.

Kumatok ako sa pintuan. Ngunit hindi siya sumagot kaya pumasok nalang ako sa loob.

"Ma!" I tapped her shoulders.

Nakatulog na pala siya, ngunit agad siyang nagising ng tapikin ko siya.

"Ano 'yon anak? Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?" She asked.

"Ma sino 'tong nasa litrato?" Inabot ko sakaniya ang litrato.

"Bakit nasa iyo ito anak? Tinago ko ito ah?"

"Ma sino po 'yan?" My brows furrowed.

"Siya ang tatay mo anak, nakilala ko siya noon sa bar problemado siya at ako naman ay broken hearted noong mga panahong 'yon dahil sa tatay ng kuya mo, dahil iniwan ako. Naging magkaibigan kami hanggang sa tuluyan kaming na-in love sa isa't-isa. Nakalimutan ko ang tatay ng kuya mo dahil sakaniya. Lasing kami pareho ng mayroong mangyari sa amin. Isang araw may babaeng lumapit sa 'kin at sinampal ako, asawa niya pala 'yon. Nang malaman kong buntis ako, hindi na ko nag paramdam pa sakaniya. Hindi na ko ulit nakipag kita dahil ayokong makasira ng pamilya. Sising-sisi ako noong mga panahong 'yon dahil hindi ko man lang inalam kung may asawa na ba siya. Binuhay ko kayo nang kuya mo anak kahit mahirap, buti nalang at andiyan ang lola mo handang umagapay sa 'kin."

"Ganoon ba ma? Salamat, balik na po 'ko sa kwarto." I forced a smile before I leave.

Buong gabi akong nag-isip, at umiyak ng umiyak habang nakatingin sa litrato ng tatay ko.

Bakit kailangang mangyari to?

Kailan ba matatapos ang mga tanong sa isipan ko? Kailan ba ko sasaya ng walang humahadlang dito? Kailan ba mabubuo ang pagkatao ko na wala ng sisira dito?

__________________________________