"Kc anong nangyare sa 'yo? Ba't ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni kuya.
Agad akong lumapit sakaniya upang mayakap siya. Niyakap niya ako pabalik at hinimas niya ang aking likod. Umiyak ako sa dibdib niya, mabuti nalang at andito siya dahil kailangan ko ng masasandalan.
"Kuya b-break na kami ni Rigel."
"Ha?" Naguguluhan niyang tanong, "Asa'n 'yung gagong 'yun? Babasagin ko mukha nun Kc, sinasabi ko sa 'yo!" His eyes were bloodshot.
"Kuya, ako 'yung nakipagbreak ako 'yung tumapos sa relasyon naming dalawa. Ayoko pa sanang pakawalan siya pero kailangan. Ayoko sanang saktan siya pero wala kong choice kung hindi ang masaktan kaming dalawa, dahil alam kong hindi pwede. Sobrang sakit para sa 'kin na makita siya sa gano'ng sitwasyon kuya, dahil simula ng makilala ko siya do'n ko lang siya nakitang masaktan ng todo. Alam kong sobrang sakit no'n para sakaniya, pero mas grabe 'yung sakit na nararamdaman ko kuya habang sinasabi ko ang mga katagang 'yun sa harap niya, habang nakatitig sa mga mata niya. Sobrang naawa ko sakaniya. Ginamit ko pa si Casper, nag sinungaling akong nahulog na 'ko sa kaibigan ko para lang magawa akong bitawan ni Rigel." I said while I was crying.
I don't want to let him go. But the destiny is against us, and I don't have any choice. It's so painful for me, but I know it triple's the pain when I finally let him go. I hope we can survived this.
"Bakit ka ba nakipagbreak? Hindi kita maintindihan Kc." Pinahid ni kuya ang mga luhang bumagsak sa aking pisngi.
"Kuya naalala mo pa ba 'yung mukha nung nasa picture na binigay mo sa 'kin dati? Yung picture ng tatay ko?"
"Oh, anong meron do'n sa litratong 'yun? Anong meron sa tatay mo?" Kunot noong tanong niya.
"Kuya siya yung D-daddy ni Rigel, kuya magkapatid kami sa ama."
"Ano?" His eyes widened in shocked.
"Magkapatid kami sa ama ni Rigel kaya pinakawalan ko siya kahit hindi ko gusto pero ayon ang tamang gawin. Kuya tama naman desisyon ko 'diba? tama namang pakawalan ko siya, kahit nasasaktan kaming dalawa?" I asked him because I was so confused.
"Magpakatatag ka Kc, panindigan mo ang desisyong ginawa mo dahil ayon ang tama." he hugged me so tight to console me.
"Kuya parang hindi ko kaya, sakaniya na umikot ang mundo ko sa apat na taon naming pagsasama. Kuya parang hindi ko kakayanin." I cried again.
"Kaya mo Kc, nagawa mo ngang makipaghiwalay sakaniya. Nakaya mo ngang bitawan ang pinagsamahan niyong dalawa. Wala tayong magagawa dahil tadhana na ang kalaban niyo. 'Wag mong isiping hindi mo kaya, andito lang si kuya sasamahan kita sa laban mo. Iiyak mo lang lahat Kc, iiyak mo lahat ng sakit hanggang sa mapagod ka. Hindi ka iiwan ni kuya andito lang ako para sa aking prinsesa, aalalayan kita."
Umiiyak lang ako nang umiyak sa dibdib ni kuya habang magkayakap kaming dalaw. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala 'ko kakaiyak.
Kinabukasan, nagising akong nakahiga na sa kwarto. May nakita 'kong note sa lamesa at isang basong tubig, pag mulat ng mga mata ko.
Kc magpakatatag ka ngayong araw, nasa trabaho lang si kuya pag 'di mo na talaga kaya, text mo lang ako uuwi agad ako para sa 'yo. Inumin mo 'tong tubig baka madehydrate ka, kakaiyak mo. Laban lang, kaya mo yan!
Wala kong gana kumilos ngayong araw pero wala akong choice dahil kailangan kong pumasok sa Ojt.
Hindi muna ko bumangon at bumalik ako sa higaan, nakatulala lang ako sa kisame habang inaalala ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa, kung paano kami nagkakilala, paano kami nagsimula, paano kami nahulog sa isa't-isa at kung paano kami natapos.
Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko, tila ba parang naging gripo ang aking mga mata.
Matapos ang isang oras na pag iyak, nagdesisyon na 'kong bumaba at maghanda para pumasok.
Tinignan ko muna sa salamin ang aking mata kung halata bang umiyak ako. Mabuti naman at hindi na mugto, kaya bumaba na 'ko.
"La kumain na ba kayo?" Tanong ko.
"Oo apo, ikaw din kumain ka na. Medyo tinanghali ka ngayon? Dalian mo na at baka ma late ka."
"Opo la." Pilit kong nginitian si lola.
Kumain na 'ko at naligo, pagkatapos ay nagbihis ako ng formal attire at umalis na ng bahay.
Bigla kong naalala, noon lagi akong nagugulat sa tuwing sinusundo ako ni Rigel. Napapangiti nalang ako sa mga naiwan naming mga ala-ala.
Sumakay ako ng tricycle hanggang bayan at sumakay ako ng jeep papuntang opisina.
Pagdating ko sa opisina, mayroong mga gawain ng nakahanda sa aking lamesa. Inabala ko ang aking sarili at minsan hindi ko maiwasang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa aming dalawa. Kaya pinipigilan ko ang aking sarili na umiyak. Ayokong maapektuhan ang trabaho ko.
Biglang tumunog ang aking cellphone, umaasa akong si Rigel ang nag text sa akin ngunit agad akong nadismaya ng makita ang pangalan ni Dax.
From Dax:
Cass may gig tayo later, same spot. I miss you, see you there.
To Dax:
Sige see you. I miss you too.
Inabala ko ulit ang sarili ko sa pagtatrabaho, nalimutan ko ng kumain dahil wala din naman akong gana.
Nang mag alas-singko na, umalis na 'ko sa opisina. Nag antay ako saglit sa labas, umaasang susunduin niya 'ko kahit alam kong malabo.
Tinext ko nalang si Mica dahil ayokong mag-isa, alam ko kasing iiyak lang ako ng walang tigil pag wala akong kasama.
To Mica:
Are you free? Can we meet at Beanlix?
From Mica:
Sure, see you there.
Sumakay na 'ko papuntang beanlix, buong biyahe ay nakatulala lang ako. Inaalala ko ang mga panahong lagi siyang nandiyan para sa akin. Simula nang iwan kami ni mama, nang ma-ospital si lola, noong mga panahong malungkot ako dahil may posibilidad na mawala ako sa dean list. Sa tuwing nahihirapan at napapagod ako lagi siyang andiyan para sa 'kin, handang pagaanin ang mabigat kong damdamin. Sana ngayong nahihirapan ako nandito pa din siya para gumaan ang pakiramdam ko. Sana andito siya para pasayahin ako.
'Di ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng beanlix restaurant. Kumuha ako ng pang bayad at agad na bumaba.
Nakita ko si Mica sa loob ng Beanlix, mayroon ng pagkain sa table na kinauupuan niya. Pumasok na 'ko sa loob para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
"Mica!" I called her, to catch her attention, "Tumataba ka!" Biro ko sakaniya.
"Ansarap kayang kumain ng hotdog duh, Try mong kainin hotdog ni Rigel baka sakaling tumaba ka." She laughed.
"Napakabagra mong animal ka!" I rolled my eyes, "Wala na kami ni Rigel tanga! paano ko pa kakainin hotdog nun kung wala na siya?" I chuckles.
"Really?" She can't believe.
"Oo nga!" Inis kong sabi.
"Really kakainin mo jumbo hotdog niya?" Pagbibiro niya, "Maka oo ka, 'kala mo naman kayang gawin." She rolled her eyes.
"Tanga, wala na talaga kami." Malungkot kong sabi.
"What happened?" He sounded concerned now.
"Wala eh, 'di talaga kami para sa isa't-isa. Daya ng tadhana!"
"Sino nakipagbreak?" She curiously asked.
"Sino pa ba? Odi ako."
"Ba't ka nga nakipagbreak?" Her brows furrowed.
"Magkapatid kami sa tatay ni Rigel."
"Di nga? Joke ba 'yan Kc? Kasi natatawa ko, HA-HA-HA." Pagbibiro niya.
"Seryoso ko Mica, sarap mong batukan puro ka biro."
"Paano nangyare 'yun?" Kunot noong tanong niya.
"Naging kabit 'yung nanay ko ng tatay ni Rigel." I simply said.
"What?" Gulat niyang tanong.
"Mica sobrang unfair ng mundo, kala 'ko dumating na 'yung taong kukumpleto sa 'kin, pero 'yung taong akala ko bubuo sa 'kin? siya din pala ang wawasak sa 'kin, pero wala siyang kasalanan." I bit my lower lip to stop my tears from falling.
"Hindi ko alam ang ipapayo ko sa 'yo Kc, pero andito lang ako, handang makinig sa mga rants mo."
"Kumain na nga tayo tama na ang drama, 'di naman mababago ang katotohanan pag nagdrama ko 'diba?" I said sarcastically.
Kumain na kami ni Mica, nang matapos aayain ko sana siya sa gig namin mamaya, pero hindi daw siya pwedeng magpaabot ng gabi.
"Bye Mica thank you so much, take care." I hugged her.
"Bye Kc wala 'yun, una na ko ah?" Paalam niya sa 'kin.
Dumiretso na ko sa XG at doon nalang ako nag-antay bago mag alas-nuwebe ng gabi.
Buti nalang at may gig kami, dahil 'di din naman ako makakapag review ngayong ganito kagulo ang isipan ko. Iiyak lang ako ng iiyak pag nag stay ako sa bahay.
"Oyyyy Kc! Namiss kita!" Tumatakbong sabi ni Dax at agad niya 'kong niyakap.
"Layuan mo nga 'ko puno ka ng germs, nakakadirdir iw!"
"Oy ikaw, umaarte ka na sis!" Pagbibiro ni Dax.
"Asa'n na sila Casper at Migs?" I asked.
"Lapit na daw hahahaha." Natatawa niyang sabi.
"Tara pasok na tayo, dun na natin sila antayin." aya niya.
Pumasok na kami at nagtungo sa back stage.
"Oh eto na pala si Casper eh! musta pre may shota ka na ba?" Malokong tanong ni Dax.
Binigyan lang siya ng middle finger ni Casper.
Maya-maya ay dumating na din si Migs.
"Migs kahit kelan VIP ka talaga! Ano kayod na kayod?" Dax asked.
"Kailangan eh, Hahahaha." Migs chuckled.
"Tara na sa stage." Aya ni Casper.
"Good evening everyone, we are the harmonious band."
Then we started performing.
Parang kahapon lang
magkasama lang
magkayakap sa ulan.
Tanda ko pa noong
unang magkita
ang yong mga mata.
At ako'y nabigla
nung lumapit
ay kumapit
parang isang panaginip
ayokong magising.
Naalala ko lahat, lahat ng ala-ala naming dalawa.
Ngunit nasan kana
ako'y mahal mo pa ba?
Parang kahapon lang
magkasama lang
magkayakap sa ulan
parang kahapon lang
magkasama lang
wala na ang lahat.
At naalala
nung tayo pang dalawa
palaging masaya
walang problema.
Naiisip
yakap mo't halik
sana'y bumalik.
Nang tumingin ako sa audience nakita ko si Rigel, sunod-sunod ang inom niya ng alak. I can see the pain in his eyes.
Ngunit nasan kana
ako'y mahal mo pa ba?
Parang kahapon lang
magkasama lang
mag kayakap sa ulan.
Parang kahapon lang
magkasama lang
wala na ang lahat.
Ngayon alam ko na
ako'y di na mahal
lahat ay gagawin
di na pipilitin
lagi lang tandaan
ika'y mahal
higit pa sa buhay ko.
Parang kahapon lang
magkasama lang
mag kayakap sa ulan
parang kahapon lang
magkasama lang
wala na ang lahat.
Nang tumingin ulit ako sa gawi niya, agad na nag tama ang paningin naming dalawa. Nakita ko ang mga mata niyang lumuluha. Gusto ko siyang puntahan at yakapin, bawiin ang mga salitang nasambit, ngunit hindi na maari.
Parang kahapon lang
magkasama lang
mag kayakap sa ulan
parang kahapon lang
magkasama lang
wala na ang lahat.
Matapos naming kumanta, nag paalam muna ako sakanila para mag hilamos sa bathroom
Pumunta ko sa CR pagkalabas ko nagulat ako ng agad niya 'kong isandal sa pader.
"Cass I love you so much, please come back to me." Tinangka niya 'kong halikan.
Amoy na amoy ko ang alak at halatang lasing na siya. Naawa ko para sakaniya. Sana maintindihan mo 'ko pagdating ng araw.
"Rigel ano ba? Tama na please lang! tumigil ka na, layuan mo na 'ko, Kalimutan mo na 'ko. Ayoko ng makita ka pa!" Nanghihina kong sabi sakaniya habang tinutulak siya palayo.
Nagulat ako ng bigla siyang mawala sa harap ko, nakita ko nalang siyang nakasalampak sa sahig at sinasapak ni Casper.
"Pre layuan mo si Kc, pwede ba? tama na! Maawa ka naman sa sarili mo." Sabi ni Casper bago niya 'ko hatakin paalis.
Hinatak niya 'ko papunta sa kotse niya.
"Wala na kayo Kc?" He asked.
I nodded.
Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin.
"Andito lang ako para sa 'yo Kc, andito lang kami para sa 'yo."
Today my day is dark. My soul is sad and all the butterflies inside have broken wings.
Rigel's POV:
"Rigel I don't know how to say this anak, pero bago sana ako mawala sa mundong ito gusto ko sanang sabihin sa 'yo na hindi ka namin tunay na anak ng daddy mo. Hindi kami magkaanak noon, kaya nagawa akong lokohin ng daddy mo, nambabae siya at tuwing gabi laging nag-iinom. Kaya naisipan kong mag ampon na lamang, nagbabakasakaling magbago siya. Nakita, kita noon sa ampunan, maliit ka pa, you're so lovely and kind, kaya napukaw mo ang atensyon ko. Napakamahiyain mo pa noon anak, hindi ka lumalapit sa mga tao, pero nang nilapitan kita lumapit ka agad sa 'kin at hindi natakot kaya napagpasiyahan kong ampunin ka." She gave me an apologetic smile.
"Is that so? Is that the reason why you don't consider me as your son? Is that the reason why you never appreciated all my efforts since I was young?" I tried to tone down my voice because I love my mom and I don't want to disrespect her.
"Hindi sa gano'n anak, minahal kita bilang tunay kong anak. Hindi totoong, hindi ko naappreciate ang mga efforts mo. Sobrang proud na proud ako sa 'yo anak. Sadyang busy lang ako sa trabaho, dahil gusto kong ibigay lahat ng kailangan mo. Pero ang daddy mo? Never ka niyang natanggap, kaya gano'n ang pakikitungo niya sa 'yo. Simula bata ka, ni hindi ko man lang nakita na nagbonding kayong dalawa. Masyadong matigas ang puso ng daddy mo pagdating sa 'yo pero sana anak kahit ganoon mapatawad mo kami ng daddy mo sa mga pagkukulang namin sa 'yo. Anak pasensiya ka na kung tinago namin sa iyo ito sa mahabang panahon pero sana bago ako mawala, sana matutunan mo akong mapatawad pati na rin ang daddy mo."
"Mom don't say that! your not going to die, you will be healed soon. We're going to US for your treatment. I already forgive you and also dad. I love you mom, thank you for taking care of me since I was a little, thank you for all the things that I have right now. I wouldn't be here today if it's not because of you." I hugged her, then she hugged me back.
"Anak, promise me na kapag namatay ako, uuwi ka dito at ipagpapatuloy mo ang buhay na mayroon ka dito. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa mapait na nakaraan."
"Mom stop saying that. You will fight right? Your going to fight for me and for daddy?"
"Pero anak, paano pag hindi na kinaya ng katawan ko? Kahit mapatawad mo man ako alam kong hindi na 'ko magtatagal pa."
"Mom think positive, we will fight, you will beat the cancer. I'm here for you, I will never leave you till your last breath."
_________________________________
Ala-ala by Mm Madrigal