Chereads / Gaze at the Empyrean and say, Hi! / Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 23 - Chapter 22

Inikot ko ang aking paningin, umaasa 'kong narito pa siya at hindi pa nakakapasok sa boarding gate, dahil hindi ako maaring pumasok doon ng walang plane ticket at passport.

"Rigel 'wag naman ganito! Sinabi kong ayoko ng makita ka, pero hindi ko sinabing umalis ka. Sana hindi ka pa nakakapasok sa loob, handa 'kong bawiin ang lahat ng salitang nasabi ko sa 'yo makita lang kita ngayon." I said to myself.

"Kc maghiwalay tayo para mas madali natin siyang makita." Casper said.

Magkaiba kami ng direksiyong pinuntahan ni Casper ng sa gano'n, mas madali namin siyang makita kung narito pa siya.

Makalipas ang ilang minutong paghahanap nagkita ulit kami ni Casper.

"Nakita mo ba siya?" I asked with a hopeful voice.

"No, he's not around anymore."

Nagsimula ng tumulo ang aking mga luha at nawawalan na 'ko ng pag-asa.

"Kc do you have passport?" He asked.

"Wala 'kong passport." Problemado kong sagot.

"Okay, I'll just get my passport at my car then I'll buy a ticket para makapasok ako sa loob, hahanapin ko siya 'wag kang mag-alala." He said, trying to console me.

Agad na nagpunta si Casper sa parking lot at tumatakbong bumalik papunta sa bilihan ng airline ticket. Habang ako naman ay kinakabahang nag-aantay sakaniya. Bumalik siya sa kinatatayuan ko matapos niyang bumili.

"Kc I'll go inside, I will call you later to stay updated. You need to go at the customer service."

I didn't talk, I just nodded.

Umalis na si Casper at pumasok  sa loob, dali-dali ko namang hinanap ang customer service. Nang mahanap ko ito, wala na 'kong sinayang na pagkakataon.

"Miss can you announce that I'm finding Rigel Vasquez?"

"Yes ma'am." She smiled at me.

"Mr. Rigel Vasquez, Mr. Rigel Vasquez, please proceed to the customer service please."

"Thank you miss. Pero pwede bang pakiulit, ulit?"

"Mr. Rigel Vasquez please proceed to the customer service please. Mr Rigel Vasquez please proceed to the customer service please."

Halatang nakukulitan na siya sa 'kin ngunit desperada 'kong makita ulit si Rigel.

"Pwede din bang pakisabe andito 'yung future wife niya si Kelphie Cassiopeia Fernandez nag

aantay sakaniya, Miss please."

"Your future wife is here, Ms. Kelphie Cassiopeia is waiting for you at the customer service area."

"Thank you miss, thank you so much pero pwede bang, paki sabing 'wag na siyang umalis dahil mahal na mahal ko siya, please miss last na talaga?" Pagmamakaawa ko.

"Seryoso ka ba ma'am?" Her eyes widened in shock.

"Oo seryoso ako miss, please kaya paki announce ayoko ng maiwan ulit. Hindi ko kayang mawala yung 'taong minahal ko ng sobra-sobra kaya miss, please lang." Umiiyak kong sabi sakaniyang harapan.

"Mr. Rigel Vasquez, she said that she loves you so much please don't leave her. Miss Kelphie Cassiopeia is waiting for you at the customer service area, please show up.

Agad namang tumunog ang phone ko, akala ko si Rigel na, ngunit si Casper lang pala.

"Kc, I'm sorry he's not here anymore. Where are you now?"

Hindi ako nakapagsalita agad, at umiyak nalang ako ng umiyak.

"Nasa c-customer service pa din." I said while crying.

"I'll go there, to get you."

I ended the call and cried so hard.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin, sobrang nanghihina ako at napaupo nalang sa sahig. Hindi ko na makikita si Rigel ulit.

"Kc!" Tumatakbong sabi ni Casper.

Pinatayo niya ko at niyakap ng mahigpit para i-comfort. Pinunasan niya ang mga luha ko ngunit patuloy pa din silang umaagos.

"Kc it's not end of the world, stop crying so hard. Rigel will be back, I'm sure with that." He said while tapping my shoulders.

Pagkauwi namin hanggang umaga ako umiiyak. Puno ako ng pagsisi. Hindi ko na natapos ang mga house plan na kailangan kong tapusin dahil masiyado akong nakafocus sa sakit na nararamdaman ko.

"Kc umiiyak ka nanaman." Malungkot na sabi ni kuya.

Nilapitan niya ko at niyakap, pinunasan niya ang aking mga mata.

"Tahan na prinsesa ko, ayokong nakikita kang ganiyan. Nasasaktan si kuya kapag nasasaktan ka. Hindi pwedeng habang buhay ka nalang iiyak ng ganiyan. Hindi pwedeng mag pakalugmok ka nalang, matuto kang tumayo at bumangon sa pagkakadapa mo." He sincerely said while looking at me.

"Kuya hayaan mo muna 'kong umiyak sa ngayon, sa susunod na panahon tatayo ako at babangon. Pero sa ngayon? Masiyado pa kong mahina."

Isang buwan naging ganito ang routine ko. Papasok sa Ojt, pupunta sa gig at pagkauwi ay magdamag na iiyak, hanggang sa makatulog. Sobrang hirap, sobrang sakit, nababaliw ako kakaisip.

It's hard to sleep with a heart burning in pain. I have a hard time sleeping at night because of the vagaries of my thoughts.

I wonder if he also thinks of me.

Sumasagi ba 'ko sa isipan niya kahit minsan? Kasi ako? palagi siyang nasa isipan ko. Lagi kong iniisip kung kumain na ba siya? Nakakatulog ba siya? Masaya ba siya? Okay lang ba siya? Namimiss niya din ba 'ko? Sana hindi nalang siya umalis.

Pero hindi ako maaring manatiling ganito. Kailangan kong bumangon kailangan kong labanan ang kalungkutang kong ito. Kailangan kong tumayo sa pagkaka lugmok at pagkakadapa ko.

Don't be a prisoner of your own freedom. Kapag malaya ka na, 'wag ka nang magpakulong sa relasyong tapos na.

Isang araw gumising nalang akong hindi na siya ang laman ng isipan ko, hindi na ko umiiyak dahil sakaniya at hindi ko na siya hinahanap-hanap pa. Nag focus ako sa ojt ko at sa pagrereview. Nagfocus ako sa aking mga pangarap at hindi sa taong iniwan ako ng tuluyan.

Malapit na 'kong matapos sa ojt at ilang buwan na lang ay bar exams na. Kaya labis ang pagrereview ko halos lahat ng oras ko ay binibuhos ko sa pag re-review dahil gusto kong pumasa sa unang take ko ng board exam.

"Apo ipahinga mo naman 'yang utak mo, pagkagaling mo sa trabaho aral naman ang inaatupag mo napakasipag mong bata."

"La kailangan, dahil gusto ko kayong mai-ahon sa kahirapan." Nakangiti kong sabi sakaniya.

"Huwag mong pwersahin ang sarili mo sa pag aaral apo, kayang-kaya mo 'yung board exam na 'yun. Nako sisiw lang sa 'yo 'yun! Sinasabi ko sa 'yo."

"Lola talaga napakabolera. Uminom ka na po ba ng gamot mo?"

"Oo apo, pinainom na ko ni Jillian."

"Sige la, aral po muna 'ko." Pag papaalam ko sakaniya.

Isang linggo nalang at tapos na ko sa ojt ko, kaya tuwang-tuwa ako dahil nakasurvive ako at madami din akong natutunan habang nagtatrabaho.

Araw-araw akong excited pumasok dahil alam kong malapit ng matapos ang ojt ko.

"Ma, lola alis na po ako." Paalam ko sakanila.

"Mag-iingat ka ah?" Sagot ni mama.

"Opo, salamat."

Umalis na ko at pumasok na sa opisina.

"Fernandez malapit ka ng matapos sa ojt ah? Congrats!"

"Ah, oo nga po sir eh. Thank you po." Nahihiya kong sabi.

"Ba't ka nag te-thank you? Kami dapat mag thank you sa 'yo dahil napakahard working mo. Hayaan mo magpapafarewell party ako pag umalis ka."

"Ay sir 'wag na po, hindi naman na kailangan." Pag apila ko.

"Pasasalamat 'yun hija, dahil napakasipag mo."

"Ay salamat po Sir." I gave him a smile.

Pagkatapos, umalis na siya at pinagpatuloy ko ang mga dapat kong gawin.

Nang mag lunch break na ay lumabas ako ng building para kumain.

"Kc are you okay now?" Casper said.

"Oh bakit ka andito? 'Di ka ba kailangan ngayon sa kompanya niyo?" I asked him.

"I just want to check if you're okay." He casually said.

"Yes I'm totally fine now, thank you for all your efforts, since the day that Rigel left me." I gave him a hug.

Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya medyo napaatras siya.

"Are you going to eat?" He asked.

"Oo, tara! Treat ko."

"Talaga?" He asked, happily.

"Oo nga, ayaw maniwala. Ikaw nalang kaya manlibre para mas kapanipaniwala." I rolled my eyes.

"Tara na nga." He held my hand then we went to a restaurant near the building.

"Anong sa 'yo?" I asked him.

"One Kelphie Cassiopeia dine-in." He chuckles.

Binatukan ko naman siya, "Pag ako humiga diyan sa lamesa!" Pag bibiro ko.

"I'm just kidding, beef steak nalang."

"Okay." I turned my back then I went to the counter.

After a few minutes sinerve na 'yung order namin. Kumain lang kami ni Casper at hinatid niya din ako pabalik sa office.

"Thank you Kc! Next time ulit ah?" He said while playfully raising his brows.

"Abuso ka masyado!" I told him.

"Just kidding, see you later." He said, before he left.

Pumasok na 'ko sa loob ng elevator at pinindot ang 16th floor.

Pagkarating ko sa office, pinagpatuloy ko ang mga ginagawa ko. Inabala ko ang aking sarili sa pag gawa ng mga house plan para sa mga clients ko. Hindi ko namalayan ang oras, pagkatingin ko sa labas ay madilim na.

Agad kong inayos ang mga gamit ko at lumabas na ng building.

Naglakad ako patungong  sakayan dahil mayroon kaming gig ngayong gabi.

"Pst Kc!"

May tumatawag sa 'kin pero hindi ko makita. Lumingon-lingon ako ngunit hindi ko talaga mahanap.

"Pst Kc!"

Naiinis na 'ko dahil hindi ko makita, kung sino ba 'yung sumisitsit sa 'kin.

"Kc!" Agad na lumabas sa itim na kotse si Dax at tumawa.

Agad ko naman siyang nilapitan at sinabutan.

"Alam mo ikaw? wala kang magawang matino sa buhay mo! Anlakas lagi ng trip mo." Inis na sabi ko.

"Pikones ka talaga kahit kailan hahaha." He chuckles.

"Ginagawa mo dito? Sinusundo mo 'ko gamit 'yang bago mong kotse?" My brows furrowed.

"Asa ka naman! Hinatid ko chix ko tapos nakita kita kaya huminto ako." He said while smiling.

"May girlfriend ka na Dax?" I curiously asked.

"Wala ah, iba 'yung chix sa girlfriend. Tara na nga sabay ka na sa 'kin, punta na tayo sa XG!"

"Pagbuksan mo naman akong pinto!" Angal ko.

"Eto na nga po boss, hahaha ako pa naging driver ah? Awit sa 'yo boss Kc!" Biro ni Dax.

Nang makarating kami sa XG, nakita naming nasa labas si Casper at Migs naninigarilyo. Bumaba na kami ni Dax at nilapitan namin sila.

"Oy penge naman ako niyan!" Dax said.

Agad ko siyang binatukan.

"Tapon niyo nga 'yan! Napakabaho niyo." I told them.

"Kc ambango-bango mo!" Dax  sarcastically said.

Binatukan ko naman siya at piningot. Tinapon naman nila Casper at Migs ang sigarilyong hawak nila.

"Tara na nga sa loob!" Aya ko sakanila.

Pumasok kami sa loob at nag antay mag alas-nuwebe upang makapag perform.

Mayroon sa loob ko na umaasang kada magpeperform kami sa bar na ito ay makikita ko si Rigel sa mga audience na nanunuod.

Matapos naming magperform, umuwi na din agad kami. Hinatid ako ni Casper sa bahay gaya ng dati, noong wala pa si Rigel sa buhay ko.

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang huling araw ko sa kumpanyang ito.

Pagkapasok ko, naghanda sila ng munting surpresa para sa 'kin. Mayroon ding mga pagkain. Kaya naman kumain muna kami bago mag simulang mag trabaho. Nag pasalamat ako sakanila dahil nag abala pa sila kahit na aalis na ako. Madami namang nalungkot sa pag alis ko dahil anlaki ko daw kawalan sa kumpanyang ito.

Minabuti ko ang trabaho ko sa araw na ito. Dahil ito na ang huling araw ko dito.

Nang pauwi na ko ay nagpaalam na 'ko sakanila, hindi ko din maiwasang malungkot dahil na attached na 'ko sa mga katrabaho ko. Niyakap nila 'ko bago ako umuwi.

"Bye guys, thank you so much." Paalam ko sakanila.

Nang matapos ko ang ojt sa kumpanyang iyon. Inabala ko ang sarili ko sa pag rereview para sa paparating na bar exams.  Hindi ako nag review center dahil kaya ko namang mag-aral mag isa at may tiwala naman ako sa limang taong pinag aralan ko sa kolehiyo.

Magsimula umaga hanggang gabi ay nag-aaral ako ngunit nag papahinga din ako kapag napapagod na 'ko. Nakakapagod pero hindi ako pwedeng sumuko. Ngayon ko pa ba susukuan ang pangarap ko, kung aling malapit ko ng maabot ang mga ito?

Nakakalungkot lang dahil wala na si Rigel sa tabi ko sa oras na makamit ko ang mga pangarap ko. Ngunit naging inspirasyon ko ang pag-alis niya para makamit ko ang aking mga pangarap.

Lumipas ang ilang buwan at dumating na ang araw na pinaka aantay ko. Ang araw ng board exams.

Kabadong-kabado ako bago umalis ng bahay ngunit hindi ko kinalimutang magdasal.

"Lola, kuya alis na po ako!"

"Ingat Kc! Galingan mo ah?" Kuya said.

"Apo kaya mo 'yun! Sisiw lang 'yun sa 'yo 'wag kang kabahan."

"Oo naman, Si Kc ata 'to ang arkitekto sa ating pamilya! Una na po ako."

Dumaan muna kong simbahan bago pumunta sa testing center. Nagdasal ulit ako at saka dumiretso sa venue.

Pagkadating ko grabe ang tibok ng puso ko. Pero eto na 'yun, wala ng atrasan pa.

Nagsimula ang board exam namin. Ramdam na ramdam ko ang tensyon at kaba ng mga kasama ko sa classrooom.

Ngunit ng matapos ang exam grabe 'yung feeling, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

In life you need to set your goals. Make your plans and achieve your dreams. Don't let your dreams, will be a dream forever. Soar high and make your dreams come true.

__________________________________